You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO/ LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Bahagi I
Asignatura: ESP 4 Linggo: 2 Duration: ____________ Petsa: _________
Pangalan: ____________________________________ Baitang: _________________
Guro : ____________________________________________________________

Kasanayang Pampagkatuto: EsP4PKP-Ic-d-24(MELC) Week 2

Layunin:
 Nakabibigay ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipan sa Panunumpa sa Pagiging Mapanuri
 Nakapagpapahayag ng opinion o saloobin hinggil sa balitang napakinggan o nabasa
 Nakapagsusuri ng katotohanan mula sa mga balitang napakinggan o nabasa
Paksa:
Pagiging Mapanuri sa Balitang Napakinggan

Mahal na mag- aaral,

Magandang araw. Ang mga sumusunod na Gawain ay sadyang ginawa para sa batang katulad mo na
nasa ikaapat na baitangupang lalo pang mahasa ang iyong mga kasanayan sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Ang mga Gawain ay iyong gagawin sa bahay sa tulong ng iyong magulang, kapatid o
sinumang may kaalaman na aalalay sa iyo. Pagbutihin mo upang maging bihasa sa kompetensiupang
mabilis ang pagsulong. Mag-enjoy sa mga gawain. May mga lakip na babasahinupang kaaya aya ang
pag-aaral.:)

Nagmamahal,

Mona M. Abdullah
Guro

Bahagi II
Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Balita ni Tatay Elmer

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Elmer.


“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang DDGB Balita, Nagbabalita Ngayon!”

“Naitala kahapon na tatlumpu’t tatlo na mga bata na may gulang na siyam hanggang labing isa
ang nakagat ng aso sa bayan ng Taala. Ito ay ayon kay Dr. Wis M. Patrick ng Veterinary Office. Kaya
pinaaalalahanan at pinag-iingat ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga bata”.

“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng mga aso na maging responsable sa kanilang mga
alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya”.

Nabahala si Mang Elmer sa napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang anak.
Binigyan niya ito ng babala hinggil sa epekto ng kagat ng aso.

“Ano po ang dapat naming gawin kung sakaling kami ay makagat ng aso, Tatay?” tanong ni Ana
sa ama.

“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay at komunsulta na


agad sa doktor para malapatan ng paunang lunas.” “Salamat po, Tatay Elmer” sabi ni Ana.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


________
2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
________
3. Tungkol saan ang balita?
________

Mga Gabay na mga Tanong

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang maiwasang
makagat ng aso?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang kabutihang naidudulot ng pakikinig sa balita?


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. Dapat bang paniwalaan agad ang mga balitang nakita mo sa programang pantelebisyon o
narinig sa radio? Bakit?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang mga pahayag na sitwasyon ay nagpapakita
ng pagsusuri sa katotohanan sa napakinggang balita at ekis naman (x) kung hindi.
______1. Nakalimutan ko ang buong detalye ng balita.

______2. Naibahagi ko ang buong katotohanan ng balita.

______3. Naniwala ako agad sa balita kahit hindi pa alam kung totoo o hindi.

______4. Naisaulo ko ang detalye ng balita.

______5. Naikompara ko ang tama at mali sa aking napakinggan na balita.


Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mapanuring pagiisip sa balitang
napakinggan. Maliban sa,
a. Detalyado ang balitang ibinahagi ni Tintin.
b. Maayos na ibinahagi ni Carlo ang balitang kanyang narinig.
c. Ang balitang sinabi ni Dona ay iba sa totoong balita sa radyo.
d. Ang detalye ng balita ay naisaulo ni Ben.

2. Alin sa mga sumusunod ang paraan na nagpapakita ng mapanuring tagapakinig sa balitang


narinig sa radyo?
a. Aalamin ng mabuti ang buong detalye tungkol sa balita.
b. Makinig ng maigi sa balita.
c. Naisasangguni sa kinauukulan ang katotohanan tungkol sa balita.
d. Lahat ng nabanggit.

3. Si Troy ay palaging nakikinig ng balita. Bago niya ito ibahagi sa kanyang mga kaibigan ay
sinusuri niyang mabuti ang napakinggang balita.
Anong katangian mayroon si Troy?
a. Mapanuring pag-iisip c. masunurin
b. Matiyaga d. mapapaniwala

4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang dapat tularan sa pagiging mapanuri sa pakikinig sa


balita?
a. Si Aron na naglalaro habang nakikinig ng balita ang kanyang Ina.
b. Si Trish na maiging nakikinig at laging tinatapos ang balita.
c. Si JR na laging hindi tinatapos pakinggan ang balita.
d. Si Sam na sinasabayan ng salita ang pinakikinggang balita.

5. Tama ba na hindi suriing mabuti ang balitang narinig?


a. Oo, dahil hindi naman ito importante.
b. Hindi, dahil mahalagang malaman kung tama o mali ang isang balita.
c. Hindi, dahil nagpapahiwatig ito na bilang isang mapanuring tagapagpakinig.
d. Oo, dahil mas naguguluhan ang mga tao kapag malaman ang totoo.

6. Si Tesa ay mas pinipili niyang makinig sa balita sa radyo kaysa makinig sa balita mula sa
kanilang kapitbahay. Anong ugali ang taglay ni Tesa?
a. Masayahin c. Mapanuri
b. Malungkutin d. Matiyaga
7. Mas pinagtutuunan ng pansin ni Ralf ang pakikinig tungkol sa COVID19 dahil magagamit niya
ang kaalamang ito upang mapapaalalahanan ang kaniyang pamilya. Tama ba ang ginawa
niya?
a. Oo, dahil nakabubuti ito para sa kaniyang pamilya.
b. Oo, dahil may bagong kaalaman siya tungkol sa pandemiya.
c. Oo, dahil nalalaman niya ang nangyayari sa kanyang pamayanan.
d. Lahat sa nabanggit.
8. Ang pagiging mapanuri ay isang magandang gawain upang malaman ang katotohanan sa
balitang narinig. Sino sa mga sumusunod na bata ang dapat mong tularan?
a. Si Mai na sinusuri nang mabuti ang napakinggang balita bago ibinahagi.
b. Si Ben na kulang ang detalye na ibinahagi.
c. Si Trina na ibinahagi ang balitang walang katotohanan.
d. Si Tess na naniniwala agad sa balitang napakinggan.

9. Mahalagang makinig sa balita upang tayo ay may alam sa mga pangyayari sa ating paligid.
Ang sumusunod ay tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan.
Maliban sa,
a. Naikompara ang tama sa mali sa aking napakinggang balita.
b. Makinig ng balitang may kabuluhan.
c. Ang narinig na balita ay ipag sawalang bahala.
d. Isaulo ang detalye ng napakinggang balita.

10. Narinig ni Fatima na nagkuwento si Rhea ng balita. Ngunit alam niya na may mali sa sinabi ni
nito. Ano kaya ang maaaring niyang gawin?
a. Pabayain si Rhea para maka iwas sa gulo.
b. Tulungan si Rhea na ikuwento ang maling balita.
c. Sabihin ng mahinahon ang katotohanan sa balitang sinabi ni Rhea.
d. Makinig na lamang kay Rhea kahit alam niya ang buong katotohanan.

ESP 4

Pagiging Mapanuri sa Balitang Napakinggan

Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga bagay bagay bago
sumang-ayon. Sinusuri nang lubos ang mga impormasyon, tinitimbang ang mga sitwasyon o
pangyayari kung ano ang masama o nakakabuti upang maging patas at walang kinikilingan bago
magbigay ng napakahalagang desisyon.

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa mga balitang naririnig sa radio o
nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa naririnig at nababasa ay nagpapakita ng pagiging
masusing pag-iisip. Mapapansin na may mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang
mapalawig ang kaalaman ng mga nakikinig at mambabasa. Subalit mayroon din ibang balita na ang
layunin ay ang paninirang puri. Ang ganitong klase ng pagsusulat o paglilimbag ay itinuturing na isang
libelo. Samakatuwid, ang nakikinig at mambabasa ay dapat na maging mapanuri at responsable sa
kanilang narinig at nabasa.

You might also like