You are on page 1of 33

Edukasyon sa

Pagpapakatao 5
Quarter 1- Week 1
LAYUNIN
1. Napahahalagahan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga:
1.1. balitang napakinggan
1.2. patalastas na nabasa/narinig
1.3. napanood na programang
pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet
SI NOE

SI NOE AY GUMAWA NG ARKA (3X)


INUTUSAN SIYA NG DIYOS

BUMUHAS ANG ULAN AT BUMAHA


(3X)
ANG ARKA AY SARADO NA.
Pagpapahalaga sa
Katotohanan
Quarter 1- Week 1
DAY 1
Quarter 1- Week 1
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga bata?
Alamin:

Maraming impormasyon at kaalaman


tayong makukuha at maiintindihan kung ang
bawat isa sa atin ay magbabasa at
makikinig. Katulad halimbawa ng telebisyon
na halos ay kasama sa pang-araw-araw
nating libangan na malimit ay hindi natin
naiisip na nakapagbibigay sa atin ng
maraming kaalaman at mga impormasyon.
BALITA
Hagupit ng
Bagyong Florita
Hagupit ng Bagyong Florita

Ang lalawigan ng Batanes dito sa Pilipinas ay


madalas na daanan ng mga bagyo.
Kamakailan lamang, itinaas ng PAGASA ang
typhoon signal #3 sa naturang lugar. Malakas
na hangin at ulan ang dala nito. Maraming tao
ang nasalanta pati na ang mga pananim at
mga alagang hayop at kanilang mga tirahan.
Dahil dito, ipinag-utos ng kongresista
ng lalawigan na bigyan ng tulong ang
mga nasalanta at biktima ng bagyong
Florita. Nanawagan din ang kanilang
kongresista sa kalapit lalawigan na
humingi ng tulong para sa mga
biktima ng naturang bagyo.
Dumagsa ang mga tulong na
nagmula sa iba’t ibang kalapit na
lalawigan, tulad ng bigas, mga
delata, kumot, damit at iba pang
pangunahing pangangailangan
ng mga taong biktima ng bagyo.
Dahil sa tulong na dumating, unti-
unting naisaayos ng mga taga-
Batanes ang kanilang kalagayan. Sa
mga panahong tulad nito, naipakikita
nating mga Pilipino ang pagiging
matulungin lalo na sa panahon ng
kalamidad.
Sagutin ang mga sumusunod nakatanungan:

1. Ano ang pangalan ng bagyong dumaan sa lalawigan


ng Batanes?
2. Ano ang naging epekto ng pagdaan ng nasabing
bagyo?
3. Ano ang ginawang hakbang ng kongresista ng
Batanes upang makatulong sa mga nasalanta ng
bagyong Florita?
4. Bakit nanawagan ang kongresista ng lalawigan ng
Batanes sa kanyang kalapit lalawigan?
DAY 2
Quarter 1- Week 1
Paano nga ba ang maging mapanuri? Narito ang ilan sa mga kilos bilang
palatandaan ng isang taong mapanuri:
Masusing binabasa, pinakikinggan o pinanonood ang
ulat o impormasyon.
Inuunawa ang mga nakalap na impormasyon.
Naghahanap ng iba pang panggagalingan ng
impormasyon upang maihambing kung pareho at tama
ang isinasaad.
Inaalam kung ang source o pinagmulan ay kapani-
paniwala.
Nagtatanong sa marunong, eksperto o kinauukulan.
Palatandaan na ang isang tao ay mapanuri:

Ang pagsusuri o pagsisiyasat


ay ang paggamit ng isipan upang
alamin ang katotohanan. Ang taong
mapanuri ay hindi kaagad
naniniwala o nagpapadala sa
naririnig, nababasa o nakikita. Hindi
rin siya nagpapadalos-dalos na
ibalita sa iba ang impormasyon.
Tinitiyak muna niya kung tama ang
mga ito at may batayan
DAY 3
Quarter 1- Week 1
Pangkatang-
gawain
Batayan sa pagmamarka
Batayan Puntos
Naisasagawa nang napakahusay ang pagtatanghal at
ang lahat ng miyembro sa pangkat ay nagpakita ng 20
kakaibang galing sa pagsasadula.
Naisasagawa nang mahusay ang pagtatanghal at ang
lahat ng miyembro sa pangkat ay nagpakita ng galing 15
sa pagsasadula.
Naisasagawa ng ayos ngunit hindi lahat ng miyembro
sa pangkat ay nagpakita ng kakaibang galing sa 10
pagsasadula.
Sitwasyon
Ang kapitbahay mong si Angielo ay gabi na nang umuwi mula
sa paaralan. Kaninang-kanina pa siya hinahanap ng kanyang
ama at ina. Nang makita nila ang pagdating ni Angielo ay
kaagad na kumuha ng sinturon ang kanyang ama at walang
tanung-tanong na pinalo at pinagalitan habang ang kanyang
ina ay walang humpay sa pagsesermon sa kanya.

Kung kapitbahay ka nina Angielo, paano mo siya


matutulungan sa ganitong sitwasyon?
Dula-dulaan
DAY 4
Quarter 1- Week 1
Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.
Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno.

1.Ito ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang


katotohanan.
A. pagsusuri B. pagtatanong C. paniniwala D. pagpanig

2.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagiging


mapanuri, MALIBAN sa
B. masusing pagbabasa C. pagtatanong sa marunong
C. Inuunawa ang binasa D. Naniniwala kaagad
3. Tama ang iyong pagiging mapanuri
kung__________________________.

A.naniniwala ka lang kung maganda ang balita


B.humahanap ka ng iba pang mga impormasyon
C. ginagamit mong panakot ang maling
impormasyon
D. hindi mo pinakikialaman ang balita dahil bata ka
pa
4. Sinabi ni Homer kay Mercy na nabasa nito sa
internet na may sasabog daw na bulkan sa
susunod na linggo. Mapanuri si Mercy kung ____.

A. tatanungin niya si Homer ng iba pang detalye


B. magbabasa ng impormasyon sa iba pang
source
C. manonood/magbabasa ng balita sa TV/diyaryo
D. lahat ng nabanggit
5. Nanalo ka raw ng malaking halaga ayon sa
ipinadalang text sa cellphone. Pinayuhan kang
tumawag upang ibigay ang lugar ng iyong tirahan.
Mapanuri ka kung________.

A. ibibigay mo ito
B. papatawagan mo sa nanay mo
C. aalamin mo muna kung totoo
D. iti-text mo ito
DAY 5
Quarter 1- Week 1
Panuto: Sa loob ng bawat puso, isulat ang mga
katangian ng isang taong mapanuri.

You might also like