You are on page 1of 199

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahan, Unang Linggo

Kawilihan sa
Pagsusuri ng
Katotohanan
Learning Competency:
Napahahalagahan ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang
napakinggan, patalastas na ,nabasa/narinig,
napanood na programang
Pantelebisyon, at nabasa sa internet
EsP5PKP – Ia- 27
Unang Araw
Basahin ang mga pangungusap, piliin ang
bilang ng mga pahayag na nagpapahiwatig
ng pagsusuri sa mga impormasyong narinig
o nabasa. Isulat sa iyong papel ang sagot.
1. Nagtanong si Nestor sa kanyang tiyuhin na doktor
tungkol sa sakit na COVID–19 para maliwanagan.
2. Inaway kaagad ni Annie ang kaniyang kaibigan dahil
ipinagkalat daw nito na kaya siya nakakuha ng mataas na
marka ay dahil nangopya siya sa katabi.
3. Nakikinig si Raul at Joy ng ulat panahon mula sa
PAG-ASA para malaman kung totoo ang sinabi ng
kanyang kaibigan na may paparating na bagyo.
4. Nag-panic si Harold dahil nabasa niya sa
internet na darating na ang pinakamalakas na
lindol o The Big One.
5. Narinig ni Martina mula sa isang kapitbahay na may
darating na malakas na bagyo. Agad niya itong ibinalita
sa lahat ng kaniyang nakasalubong.
6. Nabasa ni Van mula sa pahayagan na may virus na
lumaganap sa kanilang lugar. Nagsaliksik siya tungkol
dito at nagtanong din sa kaniyang mga magulang.
7. Kinukumpara ni Mika ang mga balitang
napakinggan mula sa iba’t ibang himpilan ng
radyo para makakuha ng tamang impormasyon.
8. Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang
sinasabi ng kaniyang iniidolong artista.
9. Sinusunod ni Mariel ang lahat nang nakikita at
naririnig sa patalastas tungkol sa pag-iwas sa COVID-
19.
10.Tuwang-tuwa si Benny nang mabasa sa internet na
may dagdag sahod sila, pero nang tinanong niya ang
may-ari ay napag-alamang fake news lang pala.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.
Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isipan
na kayang umunawa kung ano ang totoo
at huwad. Ang kakayahan sa pagsusuri at
pagsisiyasat ng katotohanan ay magiging
susi at daan upang makapagbigay ng
tamang desisyon na magagamit upang
maging matagumpay sa pang araw-araw
na hamon ng buhay.
Umisip ng isang balita na iyong nabasa o
napakinggan, alinman sa pahayagan,
facebook page, telebisyon, o radyo. Isipin
kung pinaniwalaan mo ba kaagad nang iyo
itong nabasa o napakinggan. Ipahayag ang
iyong naramdaman ukol dito. Isulat sa
talahanayan ang mga sagot.
Basahin ang kuwento
at sagutin ang mga
tanong.
Para sa Ika uunlad ng Pamayanan
Sinulat niꓽ Marina C. Labatos

Si Lira ay isang mag-aaral sa ika limang


baitang, hindi siya gaanong matalino sa
klase at palagi lang siyang kinukutya ng
kaniyang mga ka-klase na may kaya sa
buhay lalo na si Lita.
Kahit hindi matalino si Lira siya ay
tinuturing na pangulo sa kanilang klase.
Dahil sa kaniyang kasipagan siya ay
parating pinipili maging pinuno sa
kanilang paaralan sa mga gawaing
pampamayanan.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari
sinaktan si Lira ng klase niyang si Lita
dahil sa kagustuhan nitong maging
pinuno sa kanilang samahan.
Napagdesisyonan ni Lira na ibigay nalang
ito kay Lita para sa pag-unlad ng kanilang
pamayanan at Samahan.
Tanong:
1.Ano ang pangalan ng pangunahing
tauhan sa kuwento?
2. Ano ang problema na hinaharap ng
tauhan sa kuwento?
3. Ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng
kuwento?
4. Bakit naisipan ni Lira ang ganitong desisyon?
5. Sang-ayon ka ba o hindi sa desisyon ni Lira?
Bakit?
Dapat bang paniwalaan kaagad ang lahat
ng ating nababasa o naririnig mula sa mga
balita? Bakit kaya kailangang suriin muna
natin ang mga ito bago paniwalaan at
magpasiya.
Ang pagkakaroon nang mapanuring pag-iisip ay isang
katangian na maaaring ipagmalaki ng isang tao. Sa lahat,
bukod tanging tao ang may pinakanatatanging kasanayang
gumamit nang mapanuring pag-iisip. Kabilang na rito ang
pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling bagay
ang nakabubuti o nakasasama sa atin.
Ang mapanuring pag-iisip ay naipahahayag sa
masusing pagtatanong, pagsusuri ng mga
kasagutan at pagpili nang wastong sagot bago
gumawa ng kahit anomang desisyon. Kailangan na
maglaan nang sapat na panahon para masuri
ang katotohanan ng mga imporamasyon.
Susuriin ito sa pamamagitan nang
pagsangguni mula sa lehitimong
pinagmulan nito at nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng tamang kaalaman at
pagpapasiya.
Basahin ang mga pahayag sa unang
kolum. Lagyan ng tsek (✓) ang kolum
kung sumasang-ayon ka o di sumasang-
ayon sa pahayag.
Isulat ang tsek (✓) sa bilang na
tumutugon sa mapanuring pag-iisip
batay sa balitang napakinggan sa
radyo, nabasa sa pahayagan, o internet
at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan
ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may
kumpletong detalye ang balita ukol sa
pamamahagi ng bigas.
2. Naniniwala ako sa balitang aking nabasa
tungkol sa mga dahilan ng pagpapasara sa ABS-
CBN.
3. Naikukumpara ko ang tama at mali sa
aking nabasa sa pahayagan o facebook.
4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa
pakikinig sa radyo.
5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na
pamantayan sa pagbabasa ng balita.
Basahin ang sumusunod na mga pahayag.
Isulat ang titik nang napili mong sagot sa
iyong sagutang papel at ipaliwanang kung
bakit ito ang iyong napili.
1. Narinig mo sa iyong kapitbahay na mayroong
darating na malakas na lindol sa inyong lugar. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Ibalita kaagad ang narinig.
B. Suriin muna kung totoo ang balita.
C. Maghanda kaagad sa paparating na lindol.
D. Aalis kaagad sa inyong lugar.

Bakit?
2. Ano ang dapat gawin kung makarinig ng
balita sa telebisyon man o pahayagan?

A. Maniwala kaagad.
B. Isangguni sa kainauukulan ang narinig.
C. Ipagkalat kaagad ang balita.
D. Balewalain ang balita.
Bakit?
3. Narinig mo sa radyo ang balita na mayroong asong
ulol na nangangagat ng mga bata na nagiging sanhi
ng kanilang pagkamatay dahil sa rabies.Paano mo ito
ibabahagi?
A. Ipaalam ang balita sa punong barangay.
B. Balewalain ang narinig na balita.
C. Hayaan lang ang balita.
D. Hayaan ang iba na makaalam nito.
Bakit?
4. Alin sa mga sumusunod ang magandang
balita?
A. Ang alitan ng pangulo at mga kinatawan ng
Senado.
B. Ang pag-aagawan ng teritoryo.
C. Ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang lindol na naganap sa Batangas.
Bakit?
5. Sa pagbabalita pawang ______ lamang ang
dapat manaig upang magkaroon nang maayos na
pamayanan.
A. katotohanan
B. kasinungalingan
C. katapangan
D. karangyaan
Bakit?
Sumulat ng sariling pahayag kung paano mo
mapahahalagahan ang katotohanan sa mga
balitang iyong nababasa o napakikinggan.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Ano ang dapat gawin sa mga balitang napakinggan,
patalastas na nabasa at narinig, mga programang
napanood sa telebisyon at mga posts sa social
media at internet upang mapahalagahan ang
katotohanan ng isang pangyayari?
Punan nang wastong salita ang bawat
patlang para mabuo ang kaisipang
ipinapahayag. Piliin ang mga sagot sa
loob ng kahon.
Sa panahon ngayon marami na ang
nagsisilabasang fake news, kaya dapat
nating (1) __________ nang mabuti ang
ating nababasa, nakikita o naririnig sa
pamamagitan nang (2) __________ sa mga
(3) __________ pinagmulan ng mga
impormasyon.
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.
Isulat ang Oo kung nagpapakita ang
pangungusap nang mapanuring pag-iisip,
Hindi naman kung wala. Ipaliwanag ang
iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Nagbabasa ng aklat at magasin na
nakadaragdag sa iyong kaalaman at
kakayahan.
2. Naniniwala kaagad sa patalastas na
napanood o narinig.
3. Inihahambing ang balita o mensaheng
nabasa sa facebook at sa pahayagan.
4. Napipili ang mga pelikula at programang
hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
5. Nakapagsasaliksik sa agham at
teknolohiya para sa takdang-aralin.
Ikalawang
Araw
Gamit ang “semantic webbing”, itala
ang mga uri ng pinagkukuhanan ng
impormasyon.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.
Tingnan ang mga larawan
sa ibaba. Ano ang
ginagawa ng mga bata?
Basahin ang kuwento na
pinamagatang “Balitang
Hatid ni Kuya Noel”.
Balitang Hatid ni Kuya Noel Isang umaga,
nakikinig ng balita sa radyo si Kuya Noel.
“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na
naman po ang DOH Balita, nagbabalita
ngayon!”
“Naiulat kahapon na pitong bata na may
gulang na anim hanggang labing limang
taon ang nahawaan ng sakit na COVID-19
sa bayan ng Silaya. Ito ay ayon kay Dr. Mark
D. Reyes, ang municipal doctor ng bayan.
Sa kasalukuyan, sila ay inoobserbahan sa
ospital at patuloy ang contact tracing sa mga
nakasalamuha ng mga batang ito.”
“Pinapayuhan ang lahat na manatili sa kanilang
mga tahanan upang maiwasan ang sakit na ito.
Panatilihin din ang social distancing, pagsusuot
ng face mask at paghuhugas ng kamay.”
Nabahala si Kuya Noel sa napakinggang balita
sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang mga
nakababatang kapatid.
Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol
sa nakahahawang sakit na COVID-19. “Ano
ang dapat naming gawin kapag
nakaramdam kami ng sintomas ng sakit na
ito, Kuya?” tanong ni Gian.
“Dapat ay ipagbigay alam agad ito sa
inyong barangay o sinumang kasama sa
bahay at kumunsulta na agad sa doktor
para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Kuya Lito,” sabi ni Gian.
Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang balitang kaniyang ibinahagi?
3. Paano mo mailalarawan si Kuya Noel?
4. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod
ka ba sa paalala ng iyong kuya tungkol sa
balitang kaniyang napakinggan? Bakit?
5. Bakit kailangan mong maging
mapanuri sa mga balita o
impormasyong iyong nakukuha?
Maraming balita o impormasyon tayong naririnig o
nababasa. Ngunit lahat ba ng ito ay pawang
katotohanan lamang? Paano mo masasabi na ito ay
totoo?

Ang pagiging mapanuri sa binabasa at napakikinggan


ang tumutulong sa atin na matimbang ang mga
bagay-bagay at makagawa ng matalino at wastong
pagpapasya.
Ito ay batay sa katotohanan at katarungan para
sa kabutihang panlahat. Laging tandaan na
kailangan nating maging mapanuri sa lahat ng
pagkakataon. Hindi lahat ng balitang naririnig o
nababasa ay tama.
May mga maling balita na lumikha ng
kaguluhan o kalituhan sa mga manonood na
nagdudulot ng negatibong epekto. Dapat
siguraduhin na ang katotohanan ng
impormasyon ay batay sa mga ebidensiyang
nalikom at ipinapakita sa atin.
Sa mapanuring pag-iisip at isipan
nabubuksan ang kuwento sa likod ng
pinapanood, binabasa at pinapakinggan.
May dalawang uri ng balita:
Magandang Balita at
Mapanghamong Balita
Ang magandang balita ay ulat tungkol sa
mga postitibong pangyayari tungkol sa
ginagawa ng tao na inaakalang
pananabikan at mapaglibangan ng
mambabasa, nakikinig o nanonood.
Samantalang ang mapanghamong balita naman
ay ang mga negatibong pangyayari na hindi
angkop sa mga batang nanonood o nakikinig
dahil ito tungkol sa mga pangyayaring may
karahasan, droga, sekswal at iba pa.
Basahin at unawain ang mga sumusunod.
Tukuyin kung alin ang magandang balita
at mapanghamong balita. Paano mo
nasabi na ito ay magandang balita?
mapanghamong balita?
Basahin ang mga sumusunod na balita.
Ikategorya ito sa Magandang Balita at
Mapanghamong Balita. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Mahigit apatnapu’t dalawang libong OFWs
natulungang makauwi ng Department of Tourism.
2. E-Gilas Pilipinas kampeon sa Southeast Asian
Games.
3. Apat na milyong Pilipino ang mawawalan ng
trabaho sa pagtatapos ng 2020
4. Manny Pacquiao, nasa ika-11 puwesto sa
listahan ng 50 Greatest Boxers of All Time na
inilabas ng The Pugilist.
5. Gumaling na ang 1, 537 pasyente ng COVID-
19 sa Quezon City.
Gamitin ang maze puzzle. Tukuyin at sundan
lamang ang mga magagandang balita upang
makarating sa pagiging mapanuring bata.
Isulat lamang ang bilang ng iyong sagot sa
sagutang papel.
Buuin ang talata tungkol sa pagiging mapanuri
sa impormasyong narinig sa radio o telebisyon,
nabasa sa pahayagan o internet. Piliin ang
iyong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
paggamit ng mapanuring pag-iisip? Isulat ang
(/) sa iyong sagutang papel kung dapat mo
itong pahalagahan.
Ikatlong Araw
Isulat ang salitang FACT kung ang bilang ay
tumutugon sa mapanuring pagiisip sa balitang
napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan o
internet at BLUFF naman kung hindi mo ito
nabigyan ng mapanuring pag-iisip.
_________1. Naipababalita ko nang tama na
may kumpletong detalye ang balita na
napakinggan ko tungkol sa parating na
bagyo.
_________2. Nababasa ko ang isang balita
tungkol sa tamang pagshare ng mga balita
na nababasa sa internet.
_________3. Naikokompara ko ang tama at mali sa
aking nabasa sa pahayagan at napanood sa telebisyon.
_________4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa
pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagsi-
share ng mga nabasa napanood sa social media.
_________5. Nagbabasa ng aklat at
magasin na nakadaragdag sa iyong
kaalaman at kakayahan.
_________6. Sinisiyasat ko ng Mabuti ang
isang balita bago ipagsabi sa aking kapuwa
_________7. Pinapatunayan ko muna ang
pangyayari bago ko paniwalaan.
_________8. Ikinakalat ko ang anumang
narinig, nabasa o usapan na walang
ebidensiya.
_________9. Siguraduhin ko na tamang balita
lamang ang ilalabas at ibabahagi sa kapuwa.
_________10. Ipamahagi ko kaagad sa aking
mga kaibigan ang balita na nabasa ko sa
facebook.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.
Basahin ang pabula na may pamagat na “Parrot
at ang Kuwago”. Marahil ay alam mo na ito
dahil nabasa mo na ito sa asignaturang Filipino.
Marapat na na muli mo itong balikan. Sagutin
ang mga tanong pagkatapos.
Ang Parrot at Kuwago
Isang araw ay nakasalubong ni Kuwago ang
mayabang na si Parrot habang
Ipinagmamalaki nito ang kaniyang bilis sa
paglipad. Dahil nayabangan si Kuwago, naisip
niyang yayaing makipagdwelo kay Parrot.
Makulimlim ang kalangitan at tiyak ni kuwago
na uulan mayamaya lamang
kung kaya’t nakaisip siya ng magandang ideya.
“Parrot, akin kitang hinahamon sa pabilisang
lumipad.”
“Niloloko mo ba ako kuwago Ako? Ang
Parrot, ay hinahamon mo sa isang
dwelo?”
“Oo, magaling na Parrot. Tama ka.
Hinahamon kita. Paunahang
makarating sa bundok na iyon!
Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka
asin o bulak?” “May bitbit?” Napaisip si
Parrot, kung ang bulak ang dadalhin niya ay
tiyak na mananalo siya dahil ito’y magaan
hindi gaya ng asin na ubod ng bigat.
“Akin ang bulak!” bulalas ni Parrot.
Lihim na napangiti si kuwago sa
desisyon na iyon ni Parrot. Sa pag-
uumpisa ng karera ay talaga namang
hirap na hirap ang kuwago sa
paglipad.
Tuwang-tuwa naman ang Parrot dahil alam
niyang siya na ang mananalo.Sa
kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang
bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay
siya namang tuwa ni kuwago.
Unti-unting gumaan ang dalahin ni kuwago
dahil unti-unting natunaw ang asin na
dala-dala niya. Kabaligtaran naman ng kay
Parrot na mas bumigat ang dalahing bulak
dahil nabasa ito ng tubig-ulan.
Dahil sa paggaan ng dala ni kuwago ay unti-unti
siyang nakabawi sa karera at kalaunan ay
nanguna sa paligsahan. Lumong lumo si Parrot
ng nakarating sa bundok. Mabigat man sa loob
niya ay tinanggap niya ang kaniyang pagkatalo.
Ang sabi ni Parrot sa sarili.” Sa susunod ay
mag-iisip na muna akong mabuti.”

1. Bakit hinamon ng karera sa paglipad ni


kuwago si parrot?

2. Ano ang pinagpilian nilang bitbitin?


3. Ano ang napili ni parrot at bakit niya ito napili?
4. Paano nanalo si kuwago sa kanilang
paligsahan?
5. Ano ang aral na natutunan mo sa pabula?
Basahin at unawaing mabuti ang
tula sa ibaba. Pagkatapos sagutin
mo ang mga sumusunod na
tanong.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa mga balita, sabi-sabi o
anumang usapan na napakinggan mo?
2. Ano ang gagawin mo sa mga usapan na
napakinggan mo na walang Katunayan o
ebidensya?
3. Ano ang hatid ng mabuting
pagninilaynilay sa katotohanan?
4.Kung tamang impormasyon ang iyong
ipinahayag, ano ang mangyayari sa Iyo?
1. Batay sa tulang binasa at sinuri mo, ano ang
kasanayang malilinang sa iyo?

2. Bakit mahalaga sa iyo ang magiging mapanuri sa


mga impormasyong naririnig, nababasa at
napapanood sa telebesyon, radyo, at internet?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang
magiging mapanuri sa mga
impormasyong nababasa, naririnig at
napapanood sa telebesyon, radyo, at
internet?
Ang magiging mapanuri sa katotohan ay
hindi padalos-dalos na desisyon ng isang
tao. Dapat ito ay sinusuri ng may sapat na
ebidensiya nang sa gayon ay mabigyang
diin ang pangangatwiran.
Sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip,
maiiwasan natin ang mga maling balita at
mabigyan tayo ng mga pag-iingat sa kung
anumang bagay o pangyayari na maaari
tayong mapabilang.
Kailangan natin magkaroon ng mapanuring pag-
iisip para malaman natin kung ano ang tama at
maling impormasyon. Kailangan rin natin ito
para hindi natin masaktan ang ibang tao pisikal
man o emosyonal.
Mahalaga rin na alamin natin ang
buong kwento para hindi tayo
magkalat ng maling
impormasyon.
Ang mga paraan ng pagpapahayag ng
mapanuring pag-iisip ay
(1) Pagbabasa ng pahayagan upang malaman
ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
(2) Pagkalap sa iba’t-ibang sanggunian ng mga
impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat.

(3) Panonood o pakikinig ng makatotohanang balita


sa telebisyon o radio.na nagtuturo ng makabuluhang
bagay.
(4) Pagtimbang nang magkabilang
panig ng isang isyu bago ka gumawa
ng pagpapasya.
Sumulat ng limang sitwasyon/halimbawa

ng kahalagahan ng pagsusuri. Gamitin

ang halimbawa sa unang bilang.


1.Pagtingin sa expiry date kapag bumibili ng mga de-lata na pagkain.

2._______________________________________________________

3._______________________________________________________

4._______________________________________________________

5._______________________________________________________
Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat
ang iyong mga sagot sa angkop na bahagi ng
tsart. Gamitin ang mga kaalaman tungkol sa
mapanuring pag-iisip. Gamitin ang halimbawa
sa unang sitwasyon.
Tandaan:
Bawat tao ay may kanya-kanyang
pananaw at opinyon sa balitang
naririnig sa radyo o nababasa sa
pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa
naririnig o nababasa ay pagpapakita
lamang ng masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang
impormasyon upang lalong mapalawig
ang kaalaman ng mga nagbabasa o
nakikinig. Subalit mayroon din naman sa
paraang paninirang puri.
Ang ganitong klase ng pagkakasulat o
paglilimbag ay itinuturing na isang libelo. Ang
sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-
eksibit, o maging sanhi ng anumang paninira
ay magiging responsable.
Hindi lahat ng balita naririnig o nababasa ay
totoo. Ito ay dapat na may kongkretong
ebidensiya at may patunay. Ang pagsusuri sa
isang narinig o nabasang balita ay dapat na
may batayan.
Ang pagiging mapagmatyag at
mapanuri sa balita ay tumutulong sa
atin para makuha, malaman, at
maunawaan natin ang tamang
impormasyon.
Lagyan ng salitang Mahalaga sa mga
gawain na nagpapakita ng kahalagahan
ng impormasyon sa nakararami. Hindi
mahalaga naman kung ito ay hindi. Isulat
ang sagot sa nakalaang patlang.
__________________ 1. Naipaliliwanag ko
nang maayos at may kumpletong detalye ang
balita .
__________________ 2. Pagbabasa ng
pahaygan upang malaman ang mga
pangyayari sa loob at labas ng mundo.
__________________ 3. Naikokompara ko
ang tama at mali sa aking nabasa sa
pahayagan o internet.
__________________ 4. Naiisa-isa ko ang
mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
__________________ 5. Naisagawa ko
ang sunud-sunod na pamantayan sa
pagbabasa ng balita.
__________________ 6. Nakapanonood
sa internet ng barilan at patayan ng
mga zombies.
__________________ 7. Nagbabasa ng official
Deped facebook page.
__________________ 8. Nakapagbabasa ng mga
e-mail na may katuturan
sa buhay ng simpleng mag-aaral na Pilipino.
__________________ 9. Nanonood ng Yuo
tube nang magdamag.
__________________ 10. Nakapaglalagay ng
mensahe sa Instagram ng walang humpay
tungkol sa mga hinaing sa pamumuno ni
Pangulong Marcos.
Ikaapat na
Araw
Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan
ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutugon sa
mapanuring pagiisip?

A. Naiisa-isa mo ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.


B. Nababasa mo ang isang balita tungkol sa ekonomiya ng
Pilipinas.
C. Naisasagawa mo nang sunod-sunod ang mga
pamantayan sa tamang pagbabasa ng libro.
D. Naipaliliwanag mo nang maayos at may kumpletong
detalye ang balitang iyong nababasa at napakikinggan.
2. Sino sa mga batang ito ang nagpakita ng pagiging mapanuri?

A. Lahat ng nababasa ni Ana sa internet ay kaniyang


pinaniniwalaan.
B. Bago maniwala sa balita, inaalam muna ni Alma kung totoo ito
o hindi.
C. Ikinakalat ni Gene ang anumang usapan nila ng kaniyang
kaibigan kapag hindi niya ito kaharap.
D. Isinusumbong agad ni Raffy sa kanilang guro ang mga
kaklaseng sa tingin niya ay nangongopya tuwing may pagsusulit.
3. Bakit mahalaga sa isang batang tulad mo ang
laging mapanuri sa iyong nababasa, naririnig o
napanonood?
A. Upang umunlad ang buhay mo
B. Upang dumami ang iyong mga kaibigan
C. Upang maging maayos ang pakikitungo mo sa
kapwa
D. Upang tamang impormasyon ang makalap at
matutuhan
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatutulong para
malinang ang pagiging mapanuri?

A. Ang natatanggap na impormasyon ay sinusuring mabuti kung


tama at totoo.
B. Hinihingi ang opinyon ng mga magulang, guro o mga taong
mapagkakatiwalaan.
C. Ang sariling kagustuhan ang ginagawang batayan sa pagpili ng
babasahin, pakikinggan o panonoorin.
D. Ang mga binabasa, pinakikinggan o pinanonood ay
nagdaragdag ng kaalaman at naghahatid ng magandang aral.
5. May mga nagsasabing may nakahahawang sakit
ang isang pamilya sa inyong lugar. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Maniniwala agad sa nasagap na balita.
B. Maghihintay ng totoong balita mula sa
kinauukulan.
C. Ipagkakalat sa iba para iwasan ang pakikisalamuha
sa kanila.
D. Ipagwawalang-bahala ang naririnig na balita dahil
malayo naman ito sa inyo.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.
Ano-ano ang maaari nating
pagkunan ng mga impormasyon?
Naghahatid ang mga ito ng maraming
kaalaman, balita, patalastas at iba pang
impormasyon. Malaki ang naitutulong nito sa
atin subalit maaari ding magdulot ng
kapahamakan kung hindi tayo magiging
mapanuri sa paggamit sa mga ito.
Ngayon naman ay ihanda mo ang
iyong sarili sa pagbabasa ng kuwento.
Unawain ito at alamin kung paano
ipinakita ng tauhan ang pagiging
mapanuri.
Nasa bahay ang magkapatid na sina Victor at Becky
nang biglang may tumawag sa telepono. Sinabihan si
Victor ng kanyang Ate Becky na siya na ang sumagot
nito. Nabigla siya nang sabihin ng kausap niya sa
kabilang linya na naaksidente ang kanilang mga
magulang at kailangang dalhin sa ospital.
Nagtaka siya dahil katatawag lang ng
kanyang ina at nagsabi na pauwi na.
Kaagad niyang ibinaba ang telepono dahil
hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kausap
at naisip niyang nanloloko lang ito.
Sinabi niya sa kanyang ate ang detalye ng
usapan nila. Kapwa sila hindi makapaniwala
sa natanggap na balitang natanggap at
narinig sa kausap sa telepono. Maya-maya
pa ay may kumatok sa pinto.
Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang
Mommy at Daddy na maraming dalang
pinamili sa palengke. Ikinuwento ni Victor ang
tungkol sa tawag sa telepono na hindi niya
agad pinaniwalaan.
Hinangaan si Victor ng kanyang
Mommy sa kanyang ginawa.

(Hango sa kuwentong “Mag-


ingat sa Pakikipag-usap”)
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1) Ano ang ginawa ni Victor nang makatanggap siya ng
tawag na naaksidente ang kanyang magulang?
2) Naipakita ba ni Victor ang paggamit ng mapanuring
pag-iisip sa sitwasyon sa kuwento? Patunayan.
3) Ano kaya ang maaaring nangyari kung hindi gumamit
ng mapanuring pag- iisip si Victor?
4) Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Victor,
gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Ipaliwanag.
5) Mahalaga ba ang paggamit ng mapanuring pag-iisip?
Bakit?
Ang mga ito ang dahilan kung bakit dapat malinang
ng isang kabataang tulad mo ang pahalagahan ang
katotohanan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri
sa iyong mga nababasa, naririnig, o napanonood. Ang
mga sumusunod na hakbang ay makatutulong sa iyo
kung paano ito gagawin:
⮚ Suriing mabuti ang impormasyon kung
ito ay tama o mali. Huwag madaling
maniwala.
⮚ Sumangguni sa guro, magulang o mga
taong mapagkakatiwalaan.
⮚ Piliin ang mga babasahin, pakikinggan o
panonoorin na angkop sa iyong edad. Sa
panonood ng mga pelikula o programa sa
telebisyon, mahalagang sundin ang ginawang
pag-uuri ng Movie and Television Review and
Classification Board o MTRCB.
Lagyan ng tsek (√) ang patlang
kung ang pahayag ay nagsasaad ng
paggamit ng mapanuring pag-iisip
at ekis (X) naman kung hindi.
____1. Nagbabasa, nakikinig o
nanonood ng balita upang malaman
ang mga nangyayari sa loob at labas ng
bansa
____2.Naniniwala agad sa mga
nababasa o napanonood na patalastas.
____3.Nakikinig ng programa sa radyo tungkol
sa makabuluhang gawain
____4.Inilalaan ang mahabang oras sa online
games kaysa mag-aral ng mga aralin.
____5.Gumagamit ng iba’t ibang sanggunian
upang makakuha ng maraming impormasyon
tungkol sa inyong paksa sa tuwing may pag-
uulat ang inyong pangkat.
Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon
at ipaliwanag kung ano ang iyong nararapat
gawin gamit ang iyong mapanuring pag-iisip.
Isulat ang sagot sa patlang.

1) Nanonood kayo sa Youtube nang biglang


may lumabas na maselang eksena na hindi
angkop sa inyong edad.
2) Balak ng iyong pinsan na bumili ng
cellphone. May nabasa kang hindi
magandang komento tungkol sa tatak ng
cellphone na gustong niyang bilhin.
3) May kumatok sa inyong bahay at
nagsabi na pinakukuha ng nanay o
tatay mo ang perang nakatago sa
inyong aparador.
4) Mahilig kang magbasa ng mga aklat
tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. May
nabasa ka sa ibang aklat tungkol sa isang
paksa na salungat sa nakasaad sa aklat na
ginagamit ninyo sa paaralan.
5) May nag-alok sa inyong
pamilya produktong pampaputi.
❖ Masusing pinag-iisipan ang mga impormasyong
natatanggap ng taong may mapanuring pag-iisip.
Naniniwala siyang hindi lahat ng kanyang nababasa,
naririnig, o napanonood ay tama at totoo. Sa
pamamagitan nito, naipakikita niya ang pagpapahalaga
sa katotohanan.
Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit
ng mapanuring pag-iisip ang mga
sitwasyon. Isulat ang Opo o Hindi po sa
patlang.
__________1. Pinag-aaralan ang idudulot
sa iyong sarili at pamilya ng mga
nababasa, napakikinggan, o
napanonood.
__________2. Pinahahalagahan ang
mga telenobela o teleserye kaysa sa
mga balita.
__________3. Kinikilatis munang
mabuti ang isang produkto na nakita
sa patalastas bago bumili o gumamit
nito.
__________4. Mas nasisiyahan sa mga
awiting uso ngayon kahit hindi
maganda ang isinasaad nito.
__________5. Naniniwala ka na ang
lahat ng nababasa sa internet ay
nakasasama kaya hindi ka gumagamit
nito.
Ikalimang
Araw
Hanapin sa kahon ang
mga pinagkukunan ng
mga impormasyon.
Alamin ang mga sumusunod na deskripsyon.
1. Kung saan pwede kang manood ng ibat-
ibang pelikula o gumawa ng sarili
Mong vlog.
2. Dito mo mapapanood ang mga patalastas,
balita o mga drama na ginagampanan ng ibat-
ibang artista.
3. Isang uri ng babasahin na may hawig sa
komiks sa unang tingin. May mga
patalastas at mga artikulong nagbibigay
kaalaman sa mga mambabasa.
4. Manipis na libro at maraming larawan
na kinaaaliwang basahin ang mga
kwento.
5. Ito ay importante sa mga computer
shop o sa isang katulad mo na
nangangalap ng mga bagay na nais
mong malalaman.
6. Makikita sa silid-aklatan.
7. Ibon ang logo nito.
8. Ito ang mga babasahin at may
editorial.
9. Maririnig ang balita o mga awitin at
may mga patalastas dito.
10. Dito mo pwedeng i post ang
saloobin mo at makababasa ng mga
impormasyon sa mga kaibigan, kaklase
o kamag-anak.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang
pagpapahalaga sa katotohanan sa
pamamagitan nang pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga
programang pangtelebisyon at nabasa sa
internet.
Basahin ang patalastas.
1. Tungkol saan ang patalastas?
2. Ano-ano ang itinanong sa bata?
3. Tama ba ang pagbabaybay ng bata sa
mga salitang affordable at remittance?
Bakit?
4. .Anong impormasyon ang ipinakikita o
ipinaaalam sa nagbabasa ng patalastas?
5. Ano ang dapat mong gawin bago mo
paniwalaan ang patalastas?
Iguhit ang bituin ang patalastas na
sa palagay mo ay dapat paniwalaan
at buwan kung ito ay
nangangailangan ng pagsusuri bago
paniniwalaan o tangkilikin.
1. Gumamit ng sabong
papaya tiyak kulay ng balat
mo ay puputi.
2. Ang wasto at madalas na paghuhugas
ng kamay ay mabisang paraan upang
makaiwas sa mga sakit. Ito ay
makatutulong sa pagkalat ng virus na
nagdudulot ng sakit.
3. Hangin infection, gumamit ng
safeguard 99% germs ay matatanggal.

4. Uminom ng orange juice, ikaw ay


papayat.
5. Makulay ang buhay sa
sinabawang gulay.
( Sinigang with Knorr)
Suriin ang patalastas kung ito ay para sa Kahandaan sa
Kalamidad, Kalusugan, at Edukasyon.
______1. Ang pagbubukas ng taong panuruan 2023-2024
ay sa darating na Agosto 29, 2023.
______2. Tara na, kilos na, halika na, tumulong tayo,
maging handa, maging alerto, Tungkulin ito ng bawat
mamayan.
______3. Ugaliin ang paghuhugas ng
kamay gamit ang sabon.
_______4. Gumamit ng alcohol para iwas
mikrobyo.
_______ 5.Kumain ng wasto at maging
aktibo, push natin to!
Ibigay ang impormasyon at
kahalagahan ng patalastas ayon sa
ibinigay na mga paksa.
Bilang isang mag-aaral, anong patalastas
ang napanood, nabasa o narinig mo na
hindi mo makakalimutan? Isulat ito loob
ng bilog. Isulat naman sa loob ng kahon
ang impormasyon tungkol sa patalastas,
at sa loob ng puso ang kahalagahan nito.
Anong patalastas ang pwede
mong paniwalaan at tangkilikin?
Bakit?
Isulat ang  kung nagpapakita
ng pagsusuri sa impormasyon at
☹ kung hindi.
_____ 1. Paniwalaan ang lahat ng impormasyon sa
isang patalastas lalo na ang idolo mong artista ang
modelo.
_____ 2. Magtanong sa higit na nakakaalam ng
impormasyon sa patalastas bago ito paniwalaan.
______3.Hintayin ang anunsiyo o pahayag sa
telebisyon o sa radyo para sa katiyakan ng
narinig na impormasyon.
______4.Suriin muna ang impormasyon ng
produkto sa isang patalastas bago bumili nito.
______ 5.Tangkilikin ang mga bagong produkto
na makikita o na papanood sa patalastas dahil
ito ay uso.

You might also like