You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Pangalan:_____________________________________ Pangkat:__________________

Aralin
Magiging Mapanuri Ako!
4
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay isang aralin tungkol sa kahalagahan ng


pagtuklas sa katotohanan sa tamang paraan at nakatutulong ito upang
mapalawak ang iyong kaalaman at pang-unawa sa pagbibigay ng wastong
pagpapasya sa mga impormasyon na nababasa, napapanood o
napakikinggan mula sa mga pahayagan, radyo at telebisyon.
Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasang maisabubuhay at malilinang
mo ang kasanayan na:
Nakapagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng tamang
pamamaraan/ pamatayan sa pagtuklas ng katotohanan. (ESP4PKP-
le-g-25)

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo


ang pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.
Libelo impormasyon pahayagan mapanuri

1. Tuwing umaga ay nagbabasa ng __________ ang tatay ko habang


nag-aalmusal.
2. Sinagutan ni Ivy ang mga __________ na hinihingi sa Personal Data
Sheet.
3. Pinayuhan ni Aling Rosa ang anak na dapat maging ____________ sa
lahat ng mga nababasa o napakikinggan.
4. Kinasuhan ang isang reporter ng __________dahil sa paninirang puri
na kanyang inilathala sa kanyang artikulo tungkol sa isang Mayor.
BALIK-TANAW

Panuto: Itala sa web chart ang katangian ng isang batang matiisin.

Ako ay isang
batang matiisin

PAGPAPAKILALA NG ARALIN

“Ang Balita ni Tatay Nato”


Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato mula sa
istasyon ng RACC Balita Ngayon. Ayon sa balita ay may dalawampu’t apat
na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa
bayan ng Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng Veterinary
Office. Kayat pinaalalahanan ang mga may-alagang aso na maging
responsable sa kanilang mga alaga at pinag-iingat ang mga magulang para
sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Naku, kailangan kong


mapaalalahanan ang aking
mga anak. Ano po iyon, Tatay?
Kambal, mga anak lapit
muna kayo kay tatay.

ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]


Anika, Alvin, ano ang
Ah, dapat po sabihin agad
dapat natin gawin sa kasama sa bahay. Sa
kung sakali na tayo ay tatay, sa nanay o kung
makagat ng aso? sinong nakatatanda po,
tatay.

Anika, ikaw naman maliban Tatay, dapat po mag-ingat


doon, ano pa ang dapat gawin kapag lalabas o mas mabuti
natin? po na di kami pupunta ni Alvin
sa mga lugar na delikado para
ligtas po kami lagi.

Tama mga anak. Pero syempre kung Opo tatay. Tatandaan


sakali na mangyari nga iyon, kailangan naming dalawa yan. Ikaw din
natin komunsulta agad sa doktor. Mainam po ay laging mag-iingat.
din na manood at makinig kayo ng mga
balita nang sa gayon ay alam ninyo ang
nagyayari sa paligid natin.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong (Isulat sa iyong kwaderno


ang inyong mga kasagutan dito).

1. Nagkaroon ka ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa balitang iyong


narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan? Bakit? Ipaliwanag ang
dahilan.____________________________________________
___________________________________________________

____________________________________________________

2. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay


o sinumang nakatatanda ukol sa balita niyang napakinggan?
Pangatwiranan. ________________________________________

_________________________________________________________
__________________________________________________

ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]


MGA GAWAIN
GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan
sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang
Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Magandang Balita Mapanghamong Balita

GAWAIN 2
Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang bilang na tumutugon sa
mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o
nabasa sa pahayagan at ekis ( × ) kung hindi mo ito nabigyan ng
mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
___1. Naipaliliwanag ko nang maayos at kompletong detalye ang balita
ukol sa bagyo.
___2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.
___3. Naikukumpara ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
___4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
___5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa
pagbabasa ng balita.

GAWAIN 3
Kung makatanggap ka ng alinmang sa balitang ito sa iyong mobile
phone, ano ang iyong unang gagawin upang masuri at matiyak na wasto
ang impormasyon sa balitang ito?

SENDER: Unknown Number SENDER: Unknown


Ang iyong numero ay nanalo Source
ng isang milyong piso. Ayon sa mga eksperto ang
Kontakin mo si Atty. Mendez Covid-19 ay mamatay sa
sa numerong ito, kapaligiran kung
09778882200 upang alamin bubuhusan natin araw-
kung paano makukuha ang araw ang ating sarili at
iyong premyo. paligid ng ating tahanan ng
pinakuluang tubig.

ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]


Isulat ang iyong kasagutan dito mula sa Gawain 4:

ESP4PKP-le-g-25

TANDAAN

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang


naririnig sa radyo o nababasa sa napahayagan. Ang pagiging mapanuri
sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.
May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang
lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Subalit
mayroon din naman sa paraang paninirang puri. Ang ganitong klase ng
pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na isang libelo.

Upang lubos mong matandaan ang pagsusuring iyong gagawin ay


basahin mo ang usapan at pagmuni-munihan ito.

Attorney itatanong ko po
kung anong dahilan bakit
nakakasuhan ng libelo
ang isang tao?

Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong


Kodigo Penal ng Pilipinas, ang elemento ng
libelo ay ang: paninira o pagbibintang ng
ikakasira ng puri o pagkatao o
pagkakakilanlan ng isang tao sa paraang
paglalathala nito sa pahayagan at maging sa
mga social media platforms sa ngayon.

Ano kaya attorney ang


pinakamainam na gawin para hindi
magawa ng isang tao ang ganyang
kasalanan, lalo po ngayon ay malaya
tayong nakakagamit ng Social Media para
makapanira sa iba?

ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]


Alam mo tatay, ang pinakamainam po
diyan ay maging responsable tayong
mamamayan. Huwag tayong gagawa ng
ikasisira ng pagkatao ng iba. At kung kayo
naman ay makakarining o makakabasa ng
paninira sa inyo, mas makabubuting alamin
ninyo sa tamang paraan at suriin kung tama ba
ang balita o hindi. Nang sa gayon ay masusuri
nating mabuti ang impormasyon na hindi
kailangan mauwi pa dito sa opisina ko.

Hahahaha, Salamat Attorney.


Hayaan ninyo at susundin ko ang payo
ninyo. At tuturuan ko ding ang aking mga
anak na maging mapanuri sa mga
balitang naririnig at nababasa nila. At
tuturuan ko din silang huwag maging
tsismoso at tsismosa paglaki nila,
hahahaha.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Pag-isipan ang iyong natutuhan sa aralin na ito sa


pamamagitan ng pagtatapos ng mga pangungusap sa ibaba.

Sa araling ito natutuhan ko na ______________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Makatutulong ito sa pang araw-araw kong pamumuhay kaya


_________________________________________________________
________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Sa iyong kuwaderno,


isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip at MALI kung ito ay hindi.

1._____Maniniwala kaagad sa mga naririnig na balita o nababasang


artikulo ng walang anumang pagsisiyasat.
2._____Maaaring makasuhan ang sinuman na gumagawa ng kuwento
o magpakalat ng impormasyon na walang basehan at ikasisira ng
kanyang kapwa.
ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]
3._____Tiyakin muna na ang nakalap na balita o impormasyon ay may sapat
na batayan.
4._____Ang mapanuring pag-iisip ay nakatutulong sa pagtuklas ng
katotohanan.
5._____Huwag magpakalat ng balita na maaari makasama sa iyong
kapwa.

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba. Kulayan ang hugis ng


BERDE kung ang pahayag ay nagpapakita ng mapanuring pag-iisip
at KAHEL naman kung ito ay hindi nagpapakita ng mapanuring pag-
iisip.
6. Panoorin ang mga balitang may Good Vibes.

7. Tiyakin na kasama ang pamilya sa panonood ng mga balita


lalo kung may marahas na tema.

8. Ibahagi sa iba ang balitang napanood at dagdagan ang


kwento upang maging masaya.

9. Maniwala ka kaagad sa mga balitang nababasa mo.

10. Sinusuri mo ang balita bago mo ito sabihin sa iba.

PAGNINILAY

Bumuo ng isang pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa


narinig na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa
isang malinis na papel.

Ako, si _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

______________________
Lagda ng Mag-aaral

ESP 4 Weeks 7-8 DIANA A. NAVAN- Module Developer [Type text]

You might also like