You are on page 1of 9

MODYUL 1: PANANAGUTAN SA SARILI AT PAMILYA

PANIMULA
Sa makabagong panahon na mayroon tayo ang mg impormasyon ay nasa
dulo lamang ng ating daliri. Pwede na itong makuha nang mabilis sa
pamamagitan ng mga pahayagan, magasin, radyo, telebisyon, at internet. Ang
mga impormasyong ito ay nakaapekto sa ating pagkatao, sarili, at pamilya.

Kaya sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang mga paraan upang

malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga balitang
napakikingggan, naririnig, napanonood, at nababasa sa internet. Pag-aaralan
din natin ang kritikal na paggamit ng media at kung paano natin maalagaan
ang kapakanan ng sarili at pamilya laban sa masamang impluwensiya nito. At
higit sa lahat, nais nating matutunan ang pagiging kritikal sa pagsusuri ng
impormasyon.

Pagkatapos ng aralin na ito, inaasahang magagawa mo ang mga

sumusunod:
1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga:
a. balitang napakinggan
b. patalastas na nabasa/narinig
c. napanood na programang pantelebisyon
d. nabasa sa internet.

2. Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro

ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan, at
napapanood sa
a. dyaryo
b. magasin
c. radyo
d. telebisyon
e. pelikula
f. internet

ARALIN 1 Maging Masigasig Sa Katotothanan

Sa aralin na Maging Masigasig sa Katotohanan, pag-aaralan natin ang mga

paraan upang magsuri ng katotohanan. Pag-uusapan din natin kung paano susuriin ang
mga impormasyon na makukuha sa mga iba’t ibang uri ng medya.

1
SUBUKIN NATIN!
Bilang panimula, basahin mo ang mga sumusunod na impormasyon at
subukang tukuyin kung totoo ito o hindi. Isulat ang TOTOO sa kahon kung ang
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at HINDI TOTOO kung hindi.

Sa tingin
Ang pag-spray, pag-inject ng ko ito ay
bleach sa katawan, at pagmumog
nito ay makakaprotekta sa sarili TV
1.
mula sa COVID-19.

Hindi mabilis na kakalat ang virus

radyo 2.
ng COVID-19 sa mga maiinit na
lugar tulad ng Pilipinas.

Ang madalas at tamang paghugas

ng kamay ay mabisang sandata 3.
mula sa sakit na COVID-19. internet

Kapag ikaw ay may COVID-19, ang

paggamit ng steam inhalation o
cellphone 4.
pagtubog ay makakatulong sa
iyong paggaling.

Nahirapan ka bang tukuyin kung alin ang totoo mula sa hindi totoong
impormasyon? Huwag kang mag-alala, marami tayong pag-uusapan tungkol
dito kaya kunin mo ang libro mong Paano Magpakatao 5.

Basahin ang “Buksan ang Sarili sa Pagkatuto” sa pahina 28.

TUKLASIN NATIN!

Pagkatapos mong magbasa, may mga naalala ka bang impormasyon na

nabasa at narinig mo noon? Maaari mo bang itong isulat at ikuwento? Pwede
ka ring magtanong sa magulang mo at mga kasama sa bahay.

Sagutan ang “Ibahagi ang Isip at Damdamin” sa pahina 29.

2
Unawain nating mabuti ang pagkatuto mo. Mayroon ka bang tanong
naisip mula sa mga sagot mo? Isulat mo ito sa loob ng kahon.

May tanong po ako!

________________________________________________
________________________________________________

Alam kong masasagot ang tanong mo ng susunod nating gawain. Oras

na upang basahin, pag-aralan, at unawain ang aralin natin.

Basahin ang “Isanib ang Pagkatuto” sa pahina 31-33.

Tapos ka na ba sa pagbabasa? Magaling! Bago mo gawin ang susunod

na gawain, magpahinga ka muna. Pwede kang kumuha ng pagkain at kumain.
Mayroon kang sampung minuto.

Magpahinga
ka muna.

Ngayon na nakapagpahinga ka na, subukan mong sagutin ang tanong

na ito.

Kung hindi ako sigurado sa isang impormasyon, sino pa bukod sa aking

mga magulang ang maaari kong hingan ng tulong para makasiguro?
__________________________________________________________________________

Pagkatapos mong sagutan, basahin ang pahina na ito mula sa aklat mo.

Basahin ang “Paglalagom ng Natutuhan” sa pahina 34.

3
LINANGIN NATIN!
Upang lubos nating masubok ang pagkatuto mo, sagutan ang mga
sumusunod na pahina at gawain mula sa aklat mo.

Sagutan ang mga sumusunod:

• Pagnilayan ang Sariling Pagkatao (Titik A at B), pahina
34-35
• Gawin Simula Ngayon, pahina 35

PAGNILAYAN AT UNAWAIN NATIN!

Buuin natin ang pang-unawa mo sa binasa mong pahina. Sumulat ng
dalawa hanggang tatlong pangungusap na sumasagot sa tanong sa ibaba.

Bakit mahalaga ang sigasig sa pagsasaliksik ng impormasyon at

paggamit ng mapanuring pag-iisip sa paghahanap ng katotohanan?
____________________________________________________________________

4
ARALIN 2 Kritkal na Pag-iisip sa Media, Isakilos

Sa aralin na Kritkal na Pag-iisip sa Media, Isakilos, pag-aaralan natin ang

mga iba’t ibang uri ng media at ang mga paraan upang magamit ito nang
tama.

SUBUKIN NATIN!
Alamin natin ang iba’t ibang uri ng media. Sagutan ang SIMULAN NATIN sa
pahina 16-17 ng iyong aklat. Kaya mo ba itong gawin sa loob ng sampung
minuto?

Mula sa mga sinulat mong sagot sa libro, ano-ano ang mga media na
mayroon kayo sa bahay ninyo? Maaari mo bang lagyan ng tsek ang mga ito?

Mga uri ng media na mayroon sa bahay

telebisyon
radyo
cellphone
internet
kompyuter
dyaryo
aklat
magasin

Ang mga bagay na ito ay may naibibigay sa ating impormasyon.

Nagagamit mo ba ang mga ito nang tama? Ano nga ba ang naidudulot nito sa
atin? Upang mabigyan ka ng paliwanag tungkol sa pag-aaralan natin sa Aralin
2, gawin mo ang susunod na panuto.

Basahin ang “Buksan ang Sarili sa Pagkatuto” sa pahina 17.

Bago tayo pumunta sa ating aralin, sagutan mo ang pahina 19-20 ng iyong
aklat. Maaari mong sagutan lamang ang mga media na meron kayo sa bahay
ninyo. Ipaliwanag mo ang mabuting dahilan ng halimbawa, panonood ng
telebisyon, patunay ng katotohanan ng mga napanonood mo sa telebisyon, at
hamon o challenge na makukuha mo sa panonood ng paborito mong palabas
sa telebisyon.

TUKLASIN NATIN!
Oras na upang pag-aralan ang tungkol sa pagsasakilos ng kritikal na pag-
iisip sa paggamit ng media.

Basahin ang “Isanib ang Pagkatuto” sa pahina 21-22.

5
Mula sa mga nabasa mo, nalaman mong napagaan ng teknolohiya ang
buhay natin. Nalaman mo rin na ang teknolohiya at impormasyon na nakukuha
natin dito ay may epekto sa atin. Kaya mahalaga na kritikal at matalino ang
paggamit natin nito.

Maituturing din na media ang mga social media tulad ng Facebook,

YouTube, Instagram, at Twitter. Alam nating mas madalas tayong nakakukuha ng
impormasyon mula dito. Dahil dito, sundin din natin ang kritikal na pag-iisip sa
paggamit, pagbabasa at panonood ng mga impormasyon mula dito.

Tandaan mo rin na hindi lahat ng nakalagay sa mga ito ay angkop sa iyong

edad at pang-unawa. Kaya kailangan nating maging maingat sa mga
binubuksan natin. Siguraduhin na alam ng magulang mong ang mga websites at
social media accounts na mayroon ka. Maging matapat ka sa kanila dahil
kailangan mo pa rin ang kanilang superbisyon.

Suriin kung ang

info ay totoo o Maging
fake news responsable sa
lamang. At tsaka Facebook mga posts sa
mga social media
NO TO
CYBERBULLYING! accounts.

Twitter

YouTube

Instagram

Icons mula sa slidescarnival.com at Slidesgo

Mahalagang maintindihan mo nang husto ang bigat ng responsibilidad ng

makabagong teknolohiya. Upang tumatak ito sa iyong isipan, gawin mo ang
susunod na pagbabasa.

Basahin ang “Paglalagom ng Natutuhan” sa pahina 23.

6
LINANGIN NATIN!
Subukin natin ang iyong mga natutunan. Sagutan mo ang mga pagsasanay sa
aklat mo. Narito ang mga pahina.

Sagutan ang mga sumusunod:

• Pagnilayan ang Sariling Pagkatao (Titik A at B), pahina 24
• Gawin Simula Ngayon, pahina 24-25
• Subukin Muli ang mga Natutuhan (Titik A), pahina 26

PAGNILAYAN AT UNAWAIN NATIN!

Buuin natin ang pang-unawa mo sa aralin na ito. Sumulat ng dalawa
hanggang tatlong pangungusap na sumasagot sa tanong sa ibaba.

Bakit kinakailangang maging kritikal sa paggamit ng iba’t ibang uri

ng media? Ano ang epekto nito sa pagkatao, pamilya, at sa
pamayanan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

GAWIN NATIN!
A. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang
sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

______1. Ang pagtuklas ng katotohanan ay nangangailangan ng:

a. sigasig at mapanuring pag-iisip
b. maraming aklat na babasahin
c. pangungunsulta sa lahat ng guro
d. paglilista ng mga impormasyon

______2. Ano ang pinakamagandang dulot ng pagtuklas ng katotohanan?

a. kabutihan sa kapwa at sarili
b. kagalingan at pagmamalaki
c. tiwala at pagtanggap sa iba
d. magandang kalusugan at kaisipan

7
______3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng mapanuring pag-
iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa dyaryo o
internet?
a. Nagbabasa ako ng balita na lumalabas sa Facebook.
b. Pinapakinggan ko nang mabuti ang balita tungkol sa Covid-19
mula sa radyo.
c. Kinokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa dyaryo at
internet.
d. Naipaliliwanag ko nang maayos ang tuntunin ng paggamit ng
face mask.

______4. Ang bunga ng malunggay ay panggamot ng maraming sakit, pati

kanser. Kung nabasa mo ang pahayag na ito, sino o ano ang
mapagkakatiwalaang konsultahin upang malaman na ito ay siguradong
totoo?
I. nanay mo III. doktor
II. aklat na medikal IV. mga testimonya ng tao

a. I at II b. II, III, at IV c. II at III d. lahat

______5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang nagpapakita ng

pagiging masigasig sa katotohanan?
a. Pagtatanong sa sarili kung totoo o hindi ang impormasyon.
b. Pagsang-ayon sa lahat ng impormasyong nakukuha.
c. Sarado ang pag-iisip at hindi madaling maniwala.
d. Pagsasaliksik ng karagdagang impormasyon.

______6. Anong censorship ang angkop sa iyong edad at maaaring panoorin

mag-isa?
a. General Patronage c. Parental Guidance
b. Strong Parental Guidance d. For Mature Audiences

______7. Sino ang pangunahing dapat gumagabay sa isang batang tulad mo

sa pagpili ng media?
a. matalik na kaibigan c. magulang
b. guro d. wala

______8. Ang mga sumusunod ay mapagkukunan ng tama at

mapagkakatiwalaang impormasyon MALIBAN SA,
a. radyo c. telebisyon
b. chismis d. dyaryo

______9. Sino ang may tamang pananaw tungkol sa paggamit ng media?

a. Naniniwala si Mika na lahat ng naka-post sa Facebook ay totoo.
b. Kinukuha ni Melissa lahat ng impormasyon sa Wikipedia para sa
kanyang proyekto.
c. Ibinabahagi ni Mary ang mga natutunan niya mula sa
pagbabasa sa mga mapagkakatiwalaang websites.
d. Naniniwala si Mark na hindi totoo lahat ng lumalabas sa media.

8
_____10. Nakita mong nanonood ng bayolenteng palabas ang iyong kapatid.
Ano ang dapat mong gawin?
a. Pagalitan siya at patayin ang telebisyon.
b. Takutin siya at isumbong sa inyong magulang.
c. Kausapin siya nang maayos at ipaliwanag ang epekto ng
panonood nito.
d. Samahan siyang manood nito.

B. Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot
sa patlang sa bawat bilang.

_________1. Ang media at makabagong teknolohiya ay may hatid na mabuti at

masamang epekto sa buhay ng tao.
_________2. Ang media ay maaaring magbago ng kaisipan o paniniwala ng
isang tao.
_________3. Ang internet ay hindi isang mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng
impormasyon.
_________4. Kailangan din na suriin ang media kung ito ay wholesome.
_________5. Ang depression at anxiety ay halimbawa ng epekto ng media
kapag hindi nagamit nang tama.

C. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon,
ano ang iyong gagawin? Ipaliwanag at isulat sa patlang kung ano ang
pinakamainam na gawin upang maipakita ang tama, totoo, at
responsableng paggamit ng media.

1. Habang kumakain sa paaralan, may nagtext kay Anna na nagsasabing

naaksidente ang kanyang nanay at kailangan niyang pumunta sa ospital.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Mahilig magshare si Karen ng mga videos na nagpapakita ng kababalaghan

sa Facebook kahit ito ay hindi totoo.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Narinig ni Dianna sa klase niya sa Science kay Ma’am Helen na binalik na bilang
planeta ang Pluto. Napaisiip siya kung totoo ba ito dahil alam niyang hindi na ito
kasama.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Pinapayagan ka ng magulang mo na manood ng mga YouTube Videos. Isang

araw, aksidente mong napindot ang isang ad at nagpakita ito ng sensitibong
larawan na alam mong hindi angkop sa edad mo.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Nakita mo sa Facebook ang shared post ng ate mo tungkol sa mga iba’t ibang
paraan ng pagpapapayat. Ito ay nagmula sa isang Facebook page na
nadaanan niya.
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

You might also like