You are on page 1of 23

Aralin 2

MGA PINAGKUKUNANG
IMPORMASYON: NAKABUBUTI O
NAKASASAMA?
Rosalinda R. Jasmin
Fort Bonifacio Elementary School, Makati City
• Isang malaking bahagi ng ating buhay ang paggamit ng iba’t-ibang
pinagkukunan ng mga impormasyon: dyaryo, magasin, radio,
telebisyon, pelikula at internet/computer. Isa ring malaking bahagi
ang ginagampanan ng mga ito, lalo’t higit ang computer para sa
pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo. Ito ang mga pangunahin
nating pinagkukunan ng iba’t-ibang kaalaman at impormasyong
kinakailangan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
• Paano kayo bilang mag-aaral gumamit/gumagamit ng nasabing
pinagkukunang impormasyon?
• ALAMIN NATIN
• Basahin ang tula sa ibaba.
MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN
Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,
Nang pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan
Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan,
At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan.
Sa tulong ng internet isang pindot mo lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan.
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan
Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di-malihis ng daan.
Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,
Mga blogsite sa internet na pornograpiya ang
makakalap.
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ‘yong
nasagap.
Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.
Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
• Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
• 1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?
• 2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?
• 3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa atin? Di-mabuting dulot?
• 4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang
naririnig mo sa radio/ telebisyon o nababasa mo sa pahayagan?
Ipaliwanag.
• 5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon, pelikula at internet.
Paano ito nakaaapekto sa iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.
• ISAGAWA NATIN
• GAWAIN 1
• Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa
radyo at telebisyon o nabasa
• sa isang pahayagan. Ikategoryaito sa Magandang Balita
• ( positibong mga pangyayari) o
• Mapanghamong Balita (pangyayaring may karahasan,
droga at sekswal)
• MAGANDANG BALITA MAPANGHAMONGBALITA
Tanong:
1. Anu- ano ang mga balitang napanood, napakinggan at
nabasa ang masasabi mong Magandang Balita?
Mapnaghamon o Negatibong Balita?
2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay maganda o
negatibong balita?
• Gawain 2
1. Bumuo ng apat na pangkat.
2. Isulat ang mga programang madalas ninyong panoorin sa
telebisyon o mga di-malilimutang pelikula.
3. Masusi itong pag-aralan at isulat kung anong aral
(positibong epekto) at Hamon (Masama o
Negatibong epekto).
4. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang (5) minute para punuan ang mga kolum at tatlong
(3) minute para iulat ang kanilang ginawa.

Programa/Pelikulang Aral Hamon


Napanood

1.

2.

3.

4.

5.
• ISAPUSO NATIN
Nadaragdagan na ang iyong karanasan sa
pagkakaroon ng bukas na isipan sa mabuti at hindi
mabuting epekto ng media tulad ng radyo,
pahayagan, telebisyon, magasin at internet. Sa
paggamit ng media o pinagkukunang impormasyon,
sa anong lebel mo maikakategorya ang iyong sarili sa
paggamit ng mga ito?
• Kategorya:
• 4- Palagian (6-8 oras na paggamit) 4
• 3- Medyo madalas (4-5 oras na paggamit) 3
• 2- Katamtaman (2-3 oras na paggamit) 2
• 1- Hindi (walang oras na paggamit) 1
• Tanong:
• Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka
umaabuso sa paggamit ng iba’t-ibang uri at
• bahagi ng media? Suriin ang sarili batay sa lebel
o antas na kinalalagayn. Ipaliwanag.
TANDAAN NATIN:
• Tunay na napakahalaga ng paggamit ng iba’t-ibang
media (pahayagan, magasin, radyo,telebisyon at internet
o kompyuter sapagkat napapagaan nito ang ating buhay,
lalo’t higit sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan
na may kinalaman sa kanilang pag-aaral.
• Sa pamamagitan ng mga ito napapadali ang ating mga
Gawain at natutututo rin ang mga Mag-aaral na
mapalawak ang kaalaman sa larangan anumang disiplina.

kaalaman at edukasyon. Ngunit dapat din nating pakaisipin
na nararapat lamang na gamitin natin ito nang tama.
Huwag nating hayaan na abusuhin ang ating sarili ng
teknolohiya na maaring makapagdulot sa atin ng
negatibong epekto kapag hindi ginamit sa tamang paraan.
Maging mapanuri at mapagsiyasat sa mga bagay na
nakagugulo dala ng mga ito para na rin sa ating kapakanan
at ng ating pamilya.
Malaki ang epekto ng media sa atin. Subalit hindi lahat ng
ating nababasa at napapanood dito ay tama at totoo.
Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa,
pinakikinggan, pinapanood at pinupuntahang sites sa
internet, dahil marami rin sa mga ito ay nagdudulot ng
karahasan at kalaswaan na maaring makapinsala sa ating
sarili at pamilya. Masasabi nating malaki ang naitutulong
ng media at teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t-ibang
aspekto ng
• ISABUHAY NATIN
1. Muling basahin ang Tandaan Natin nang may pang-
unawa. Ipaliwanag ang ilang mahahalagang
mensahe/detlye ditto na pumukaw sa iyong damdamin at
kaisipan.
2. Tumayo ang bawat mag-aaral, itaas ang kanang kamay at
sabay-sabay na bigkasin ang pangako ukol sa tamang
paggamit ng media at teknolohiya.
Ako si ___________________________ ay nangangako at
naniniwalang mahalagang pag-Iisipan at susuriin ang mga
impormasyong nababasa, naririnig, at napapanood mula sa Iba’t-
ibang media at ilang makabagong teknolohiya upang hindi ito
magdulot ng masamang epekto sa aking sarili, lalo’t higit sa aking
pamilya. Ilalayo ko ang aking mga mata sa tukso ng malalaswang
panoorin, gayundin sa mga larong maaring makpinsala sa akin.
Magiging modelo ako sa tamang paggamit ng mga
impormasyong ito upang maitaguyod ang katotohanan para sa
pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
Gabayan nawa ako ng Panginoon.
SUBUKIN NATIN
Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng magandang dulot ng
paggamit ng media at internet. HINDI NAKABUBUTI naman kung ito ay nakasasama. Isulat
ang inyong sagot sa kalahating papel.
_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
_______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
_______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan.
_______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
_______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa skype.
• Magaling! Tagumpay mong naipakita ang iyong
pagmamahal sa katotohanan. Patuloy mo pa Itong
paunlarin.

Sapagkat natapos mo nang may pagmamahal sa


katotohanan at may mapanuring pag-iisip ang araling ito,
maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Galingan mo
pa!

You might also like