You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Sagay City

CAMPO SANTIAGO ELEMENTARY SCHOOL


Banghay Aralin sa EsP 6

I. LAYUNIN:

1. Nasusuri ang mga impormasyong nakukuha o naririnig sa radyo, telebisyon o social


media. (EsP6PKP- Ia-i– 37)
Integrasyon/Pagsasama:
a. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggan/napanood na
isyu o usapan (F4PS-Id-i-1)
b. Describe the motion of an object by tracing and measuring its change in
position (distance travelled) over a period of time (S5FE-IIIa-1)

II. NILALAMAN:

Paksa: Paggamit ng wasto/tamang impormasyon


Pagpapahalaga:
1. Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)
2. Pagkabukas-Isipan (Open-mindedness)
3. Pagmamahal sa Katotohanan (Love of Truth)
III. MGA SANGGUNIAN:

A. Sanggunian: • TG Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p. 6-8, LM p. 26-33

B. https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_ NG_MGA_MAG-AARAL
https://www.academia.edu/31644804/
MGA_MABUTI_AT_MASAMANG_EPEKTO_NG_SOSYAL_MEDYA_SA_SENYOR_HAYSKUL_SA_MGA_MAGAARAL_NG_POLITEKNIKONG_U
NIBERSIDAD_NG_PILIPINAS_TECH-VOC https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-gamit-ngsocial-
media-fa41e64041df

C. Kagamitan : Kartolina , manila paper, strips, pentel pen, batayang aklat o modyul

IV. PAMAMARAAN

A. Pagganyak: Larong 4 Pics,1 Word. Hulaan ang tamang sagot. (Picture Analysis)

MASYONIMPOR

1. Ano ang impormasyon? Saan ito makakakuha?


IMPORMASYON - Ang impormasyon ay anumang detalye tungkol sa tao,bagay,lugar,pangyayari
at iba pa. Maari tayong makakakuha ng impormasyon mula sa radyu, telebisyon, diyaryo o
pahayagan at mga aklat.

SOLIAC DIAME
2. Ano ang Social Media?

SOCIAL MEDIA – Ito ay isang Sistema ng pakikipag ugnayan , paglilikha,pagbabahagi at


pakipagpalitan ng impormasyon sa isang virtual na komunidad. Halimbawa: Facebook,
Instagram, Messenger at iba pa.

TERINNET

3. Ano ang internet? Saan mo pwedeng gamitin ito?

INTERNET – Ang internet ay isang Sistema na ginagamit nang buong mundo upang
makipagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa ibat ibang
klase ng mga telekomunikasyon. Gamit ang internet, maari tayong gumamit ng Google,Internet
Explorer,Wkipedia at Mozilla Fox.

B. Paglalahad:

Sa panahon ngayon marami tayong mapagkukunan na iba’t-ibang impormasyon tungkol sa mga


nagaganap sa ating lugar/lokal o maging internasyonal man . Kailangan nating maging maagap
upang mulat tayo sa mga pangyayari sa ating paligid.

Maraming makabagong teknolohiya ang maaaring magamit sa pagkuha ng mga


impormasyon na nangyayari saan mang sulok ng mundo. Ang radyo, telebisyon, social media -
twitter, facebook; internert - google, Wikipedia ay ilan sa mga mapagkukunan ng impormasyon.

C. Pagtatalakay:

Pagpapayamang Gawain:

A. Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salitang may salangguhit batay sa gamit ng pangungusap.

1. Iniulat ng PAGASA na may paparating na bagyo.

Ang PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration ay isang ahensyang
nagbibigay babala o balita tungkol sa kalagayan ng panahon sa ating bansa.

2. Pabugso-bugso ang ulan kaya hindi kami makalabas ng bahay.


Ang pabugso-bugso ay nangahulugang biglaang paghinto o paglakas ng hangin at ulan.

3. Pinaalalahanan ang madla na mag ingat at maghanda sa parating na bagyo.

Ang madla ay nangngahulugang grupo o lupon ng mga tao.

4. Naalarma ang mga tao sa masamang balita na narinig.

Ang kahulugan ng salitang naalarma ay naging alerto.

B. Pamantayan sa Pakikinig

1. Umupo ng matuwid.
2. Iwasan ang pagsasalita o pakikipag usap habang nakikinig ng kwento.
3. Makinig at unawain ng mabuti ang bawat ganap sa kwento.

“Ang Bagyong Paparating”

Isang umaga, habang umiinom ng kape si Mang Edwin nakikinig siya ng balita sa radyo.
Ito ang kanyang napakinggan. “Ayon sa PAGASA, isang napakalakas na bagyo ang paparating
sa Pilipinas. Sakop nito ang buong bansa na may pabugso-bugsong lakas ng hangin na 235
km/hr. at may malakas na buhos ng ulan. Ang napakalakas na bagyong ito ay inaasahang
papasok sa bansa sa susunod na tatlong araw. Pinag-iingat ang lahat lalo na ang mga
mandaragat sa malalakas at matataas na alon. Maghanda ang madla ng mga pangangailangan
tulad ng flashlight, pagkain at mga gamot.”

Naalarma si Mang Edwin sa kanyang narinig na balita. Humingi siya ng tulong sa


kanyang asawa na si Aling Lita. Ipinagbigay alam nila ito sa kanilang mga kapitbahay at
Barangay upang makapaghanda. Ang balitang ito ay sinuri ng Punong Barangay kung totoo at na
kumpirma niya ito sa PAGASA. Ang lahat sa kanilang barangay ay nagtulong tulong sa pag-ayos
ng bubungan at paglalagay ng banting sa kanilang bahay upang hindi masira o madala ng ipo-ipo
at malalakas hangin.

Mga Tanong:

1. Ayon sa kwento na iyong napakinggan, paaano naiparating ang impormasyon kay Mang
Edwin?
2. Ano ang narinig sa radyo?
3. Paano naiparating at sinuri ang mga impormasyon ng Punong Barangay?
4. Katulad din ba sa kanya ang iyong gagawin? Bakit?

D. Panlinang na Gawain:

Group 1

(Dula-dulaan ). Bigyan ng buhay o gawin ang mga impormasyon na nasa loob ng kahon. Ipahayag
ang sariling opinyon o reaksyon tungkol sa isang batang babae na nasa ikaanim na baiting.
Siya si Angel, nasa ika anim na baiting. Mahilig sya mag selfie at mag post sa Facebook. Isang araw,
may nakatanggap sya ng chat sa messenger na sya ay nanalo ng 20 libong piso. Agad nya ibinigay
yung personal na impormasyon at ibinahagi nya sa fb na sya ay nanalo ! Kaya maraming netizen ang
nakakakita at gustong humingi ng balato kay Venice. Ngunit, iyon pala ay si SCAMatayan. Nakupo!
Ano ba sa inyong palagay ? Tama ba ng kanyang ginawa? Ipaliwanag ang inyong sagot.

Group 2

Panuto: Gamit ang word web, sipiin ang mga nagsasaad ng tamang hakbang sa paggamit ng
impormasyon gamit ang social media.

 Pagpapakalat ng impormasyong hindi kapani-paniwala.


 Pagpapalitan ng hindi kanais-nais na salita.
 Pag-post ng personal at pansariling pagkakilanlan.
 Iwasang magpost o mag-share ng mga impormasyong di beripikado.
 Pagiging responsable sa paggamit ng impormasyon
 Paggawa ng pekeng account.

E. Paglalahat

1. Ano dapat ang lagi natin tandaan sa paggamit ng mga impormasyon?

 Suriin nang mabuti sa paggamit ng mga wasto/tamang impormasyong tungkol sa mga


pangyayari kung ito ay kapani-paniwala at maasahan.
2. Ano ang dapat ugaliin sa paggamit ng impormasyon sa sosyal medya?

 Maging mapanuri at bukas ang isipan natin sa paggamit ,pagbahagi o pagbigay ng


impormasyong nakukuha sa radyo, telebisyon, internet at social media.
 Think before you click !

F. Pagtataya

Panuto: Suriin ang wastong paggamit nga mga impormasyong nakukuha mo sa radyo, telebisyon,
internet at social media? Lagyan ng kung Madalas, Minsan o Hindi.

MADALAS MINSAN HINDI

1. Responsible ako sa pagbabahagi ng


impormasyong aking naririnig.
2. Sinusuri ko ang mga impormasyong aking
nakukuha.
3. Sinisigurado kong totoo ang impormasyong
bago ko ito gamitin o ibahagi.

4. Inaalam ko kung maaasahan ba ang


pinagkunan ko ng impormasyong aking
ginagamit.
5. Ibinabahagi ko agad ang mga impormasyong
nakatutulong sa aking kapwa at binabalewala
kung walang kabuluhan ang mga ito.
G. Takdang Aralin:

Panuto: Pumunta sa isang online platform at hanapin ang mga impormasyon tungkol sa isang
paboritong personalidad. Suriin ang mga impormasyon at piliin ang totoong impormasyon na
dapat gamitin. Isulat ito sa short bond paper para sa iyong Gawain Pagganap – (20pts.)

V. MGA TALA:

VI. PAGNINILAY:

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mga-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remediation?


Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo


ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?

G. Anong kagamitan ang aking nadibuho


na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Janese B. Cordua


Guro

Iniwasto ni: Juliet M. Gansan


Punong Guro
Pangalan:
_________________________________________________________Baitang:________________

ESP 6
Panuto: Suriin ang wasto paggamit nga mga impormasyong nakukuha mo sa radyo,
telebisyon, internet at social media? Lagyan ng kung Madalas, Minsan o Hindi.

MADALAS MINSAN HINDI

6. Responsible ako sa pagbabahagi ng


impormasyong aking naririnig.
7. Sinusuri ko ang mga impormasyong aking
nakukuha.
8. Sinisigurado kong totoo ang impormasyong
bago ko ito gamitin o ibahagi.

9. Inaalam ko kung maaasahan ba ang


pinagkunan ko ng impormasyong aking
ginagamit.
10. Ibinabahagi ko agad ang mga
impormasyong nakatutulong sa aking
kapwa at binabalewala kung walang
kabuluhan ang mga ito.

Pangalan:
________________________________________________________Baitang:________________

ESP 6

Panuto: Suriin ang wasto paggamit nga mga impormasyong nakukuha mo sa radyo,
telebisyon, internet at social media? Lagyan ng kung Madalas, Minsan o Hindi.

MADALAS MINSAN HINDI

1. Responsible ako sa pagbabahagi ng


impormasyong aking naririnig.
2. Sinusuri ko ang mga impormasyong aking
nakukuha.
3. Sinisigurado kong totoo ang impormasyong
bago ko ito gamitin o ibahagi.

4. Inaalam ko kung maaasahan ba ang


pinagkunan ko ng impormasyong aking
ginagamit.
5. Ibinabahagi ko agad ang mga
impormasyong nakatutulong sa aking kapwa
at binabalewala kung walang kabuluhan ang
mga ito.

PANGKAT 2
(Dula-dulaan )

Panuto: Bigyan ng buhay o gawin ang mga impormasyon na nasa loob ng kahon. Ipahayag ang
sariling opinyon o reaksyon tungkol sa isang batang babae na nasa ikaanim na baiting.

Tagapagsalita: Siya si Angel, nasa ika anim na baiting. Mahilig sya mag selfie at mag post
sa Facebook. Isang araw, may nakatanggap sya ng chat sa messenger na sya ay nanalo ng
20 libong piso.

Angel: WoW! Mga kaklase nanalo ako ng 20 thousand pesos!! Ipopost ko ito sa facebook.

Tagapagsalita: Agad nya ibinigay yung personal na impormasyon at ibinahagi nya sa fb na


sya ay nanalo ! Kaya maraming netizen ang nakakakita at gustong humingi ng balato kay
Angel.

Mga kaklase: Angel nanalo ka pla bigyan mo kmi ng balato!

Tagapagsalita: Ngunit, iyon pala ay si SCAMatayan. Nakupo! Ano ba sa inyong palagay ?


Tama ba ng kanyang ginawa? Ipahayag ang iyong opinyon.

PANGKAT 2
Panuto: Gamit ang word web, sipiin ang
mga nagsasaad ng tamang hakbang sa
paggamit ng impormasyon gamit ang social
media.

 Pagpapakalat ng impormasyong hindi kapani-


paniwala.
 Pagpapalitan ng hindi kanais-nais na salita.
 Pag-post ng personal at pansariling pagkakilanlan.
 Iwasang magpost o mag-share ng mga impormasyong
di beripikado.
 Pagiging responsable sa paggamit ng impormasyon
 Paggawa ng pekeng account.

You might also like