You are on page 1of 5

School: LIWAYWAY Grade 5

ELEMENTARY Level:
DAILY
SCHOOL
LESSON PLAN
Teacher: REJANE D. CAYOBIT Subject: ESP
Teaching Date: September 15, 2022 Quarter: 1st

I. Objective
a. Content Standards Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pagunawa sa napakinggan
b. Performance Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang
Standard isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan
c. Learning Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
Competency sarili at pangyayari

 Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring


pag-iisip tungkol sa mga impormasyong lumalabas sa media.

KBI: Napagtitimbang ang masama at mabuting epekto ng social


media.
II. Content Pagdadasal
Pagtatala sa liban sa klase

Integration: Filipino
a. Learning Resources Modules, Images, Printer Ink, Bond Paper, MELC p. 165
III. Procedure (4 A’s,
etc.)
a. Activity A.
1. PAGSASANAY
Media Pahayagan
Radyo Social Media
TV Fake News

2. PAGGANYAK

1. Ano ang inyong napapansin sa mga larawan?


2. Ano ang ating nakikita sa mga larawan?

3. PAGTATALAKAY
a. Midya
- Ito ay isang malawakang pamamaraan ng komunikasyon
upang maipakalat sa madla at maabutan ng impormasyon
batay sa mga nangyayari sa paligid.

b. Radyo
- Ito ay isnag uri ng midya kung saaan nakakapagpadala
sila ng balita, musika at iba apang uri ng mga programa
- Napapakinggan ang mga balita ng mga taong mayroong
radio.

c. TV
- Ito ay sistema para sa pagpapadala ng mga visual na
imahe at tunog na ginawa sa mga screen
- Pangunahing ginagamit sa pagsasahimpapawid ng mga
programa para sa libangan, impormasyon, at edukasyon.

d. Pahayagan
- Ito ay isang uri ng paglilimbag.
- Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga
kaganapan na nangyayari sa lipunan.
- Ito ay karaniwang iniimprinta araw-araw at ipinagbebenta
sa murang halaga.
- Ang iba pang terminolohiya para sa salitang ito ay dyaryo
at peryodiko.

e. Social Midya-
- Ang social media ay isang internet-based na paraan ng
komunikasyon.
- Ang mga platform ng social media ay nagbibigay-daan sa
mga gumagamit na magkaroon ng mga pag-uusap,
magbahagi ng impormasyon at lumikha ng nilalaman sa
web.
- Maraming anyo ng social media, kabilang ang mga blog,
micro-blog, wiki, social networking site, photo-sharing
site, instant messaging, video-sharing site, podcast,
widget, virtual world, at higit pa.

f. Fake News
- Mga artikulo ng balita na sinasadya at “napatunayang
mali” na idinisenyo upang manipulahin ang mga
pananaw ng mga tao sa mga totoong katotohanan,
pangyayari, at pahayag.
Paano masusugpo ang maling balita

1. Siguraduhin ang kredibilidad ng pinagmulan ng


impormasyon
- Ilan sa mapagkakatiwalaang sources ng mga balita ay mga
anunsyo mula sa gobyerno, balita mula sa mga media
network (TV, dyaryo, at online), at mga sangay gaya ng
WHO.
- mas mainam kung ang website ay nagtatapos sa .edu
o .org.

2. Tiyaking tama ang impormasyong ipapasa


- Hindi lahat ng nakikita o nagba-viral online ay totoo dahil
maraming nagkalat na fake news tagalog.

3. Huwag magpadala sa emosyon ng nabasa 

- Likas sa atin ang pagiging emosyonal kaya naman kapag


may isang artikulo, blog, o social media post na nakapukaw
ng ating emosyon ay agad na natin itong paniniwalaan kahit
misan ay fake news pala;

4. Think before you click 

- Isipin kung ano ang maganda at masamang dulot ng pag


share ng impormasyon

5. Kapag nakabasa kang mali, itama mo

- Kung nakakita ka ng mga halimbawa ng pekeng balita sa


social media, ikaw na mismo ang pumigil sa pagkalat nito.

Unang Gawain
Panuto: Basahin ng mabuti ang kwento at isulat F kung ito ay fake
news at T kung Totoong Balita.

______1. Nagbabalitang patay na ang artista kahit ito ay buhay pa.

______2. Mga nagsasabi na ang Pilipino ay hindi Asyano.

______3. Si Jose Rizal ay hindi namatay.

______4. Natalo si Bong Bong Marcos sa eleksyon.

______5. Ang Pilipinas ay nakakaranas ng tag- lamig.


Pangalawang Gawain

Ang mga mag- aaral ay hahatiin sa 3 pangkat at pupunan nila ang


data retreieval chart ng mga sagot.

Panuto: Sa pamamagitan ng data retrieval chart isulat ang mga


mabuti at masamang epekto ng social media sa ating pang- araw-
araw na buhay.

Masasamang Epekto ng Social Mabuting Epekto ng Social


Midya Midya

b. Analysis Bakit kailangang surrin ang mga impormasyon bago ipasa sa iba?
c. Abstraction Paano natin masusugpo ang fake news?
d. Application Dapat ba nating patunayang totoo ang mga balitang nakakalap
natin sa TV, radyo at social media?
IV. Assessment Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig,


napapanood, o nababasang impormasyon sa social media na
mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na
sumusuporta nito?
a. balita
b. bulung-bulungan
c. fake news
d. tsismis

2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang


paglaganap ng fake news?
a. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online.
b. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito
napatotohanan.
c. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong
istorya.
d. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita
ay sapat na upang maniwala sa mga ito.

3. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong


impormasyon tungkol sa pag-iwas sa sakit na Covid-19?
a. kaibigan mong sikat na tiktoker
b. pinsan na laging babad sa online games
c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter
d. paboritong artista na may palabas sa youtube
4. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na
saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa
ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa
inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi
ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang
balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo?
a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.
b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.
c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng
balita.
d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.

V. Homework/ Panuto: Magsulat ng talata tungkol sa importansya ng pagsugpo ng


Assignment “fake news”.

Prepared by:
REJANE D. CAYOBIT
Substitute Teacher

Checked by:
ELAINE ALDABA
MT-1

Noted:
CRISTOPHER R. CUA
School Head

You might also like