You are on page 1of 8

School: LIWAYWAY Grade 6

ELEMENTARY Level:
DAILY
SCHOOL
LESSON PLAN
Teacher: REJANE D. CAYOBIT Subject: ESP
Teaching Date: October 6, 2022 Quarter: 1st

I. Objective
a. Content Standards Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pagunawa sa napakinggan
b. Performance Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang
Standard isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan
c. Learning Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa
Competency sarili at pangyayari
 Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat
na batayan sa pagbuo ng ng isang mahalagang desisyon o
pagggawa ng isang makabuluhang kilos

KBI: Napagtitimbang ang masama at mabuting epekto ng social


media.
II. Content Paggamit sa Katotohanan para sa Pagsasagawa ng Tmang Desisyon.

Integration: Filipino
a. Learning Resources Modules, Images, Printer Ink, Bond Paper, MELC p. 165
III. Procedure (4 A’s,
etc.)
a. Activity A.
1. PAGSASANAY
Panuto: Basahin ang mga salitang nasa pisara.
Media Pahayagan
Radyo Social Media
TV Fake News

2. PAGGANYAK

1. Ano ang inyong napapansin sa mga larawan?


2. Ano ang ating nakikita sa mga larawan?
3. Naranasan ninyo n aba ang mga ito?

4. PAGTATALAKAY
Katotohanan

 Sa pagtukoy sa katotohanan, ang malawak at mapanuring


pag-iisip ay kinakailangan.

 Kinakailangan ang masusing pagsusuri at ang pag-alam ng


tamang impormasyon.

 Ang pagmamahal sa katotohanan ay maipapakita natin sa


pamamagitan ng pagkalap ng datos sa tunay na pangyayari
at paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon.

 Mahalaga din na tayo ay maglaan ng sapat na panahon para


suriin ang mga impormasyon—mga impormasyon na may
kaugnayan sa ating sarili, sa ating pakikipagkapuwa, at sa
paggawa ng mga importanteng desisyon sa buhay.

Unang Gawain
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at sagutan ang mga tanong.

1. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na nagnakaw ng


paninda sa tindahan ng iyong tiyahin. Ang ninakaw na paninda
ay nagkakahalaga ng limandaang piso. Ano ang gagawin mo at
bakit?

2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng


halo-halong pintura, iminungkahi ng inyong lider na itapon na
lang sa kanal ang mga natirang pintura dahil hindi na ito
mapakikinabangan. Ano ang gagawin mo at bakit?

3. Ang kaibigan mo ay nagpapanggap sa inyong mga kmag- aral


na mayaman kahit di naman. Ikinahihiya niya ang kanyang
tatay Ano ang gagawin mo at bakit?

Pangalawang Gawain

Panuto: Basahin ang teksto tungkol kay Confucious at sagutan ang


mga tanong.

Ang Matapat ay Nagmamahal sa Katotohanan


Dolores S. Quiambao

Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung


ano ang nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo:

“Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat


ay may pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang
magpanggap, nakakakilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal
sa katotohanan ay pumipili kung ano ang mabuti, at isinasabuhay
niya ito.

Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging


kitang-kita, ito ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kanyang ikinikilos,
ito ay nagiging maningning. Dahil sa maningning, naaapektuhan
nito ang iba. Dahil naaapektuhan ang iba, sila ay nababago nito.
Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago. Siya
lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring
manatili sa langit upang makapagbabago nang tuluyan.”

Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na


maging matapat lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon.
Hindi basta-basta naniniwala as mga sinasabi ng mga tao. Tinitiyak
niya ang mga datos sa tunay na pangyayari.

1. Ano ang mga sinabi ni Confucious


2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao?
3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago?
Ihalintulad ito sa inyong sariling mag pagpupunyagi. Ano-ano
ang mga ito?
b. Analysis Bakit kailangang pahalagahan ang katotohanan?
c. Abstraction Bakit mahalaga ang katotohanan sa paglilikha ng disisyon?
d. Application Bilang isang mag- aaral paano mo maipapakita nag pagmamahal sa
katotohanan?
IV. Assessment Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at sagutan ang mga tanong.

1. Si Ramon ay hindi nag- aral ng kanyiang mga aralin at naglaro


lamang ng Mobile Legends. Nang sumapit ang Lunes ay
nangopya siya ng sagot dahil hindi siya nag- aral. Tam aba ang
ginawa niya? Bakit?

2. Sina Ben ay nabasag niya ang vase. Pagkatapos niyon ay pinasa


niya ang kanyang kasalanan sa kanyang nakababatang kapatid
na si Lita? Kung ikaw si Ben, sasabihin mob a ang totoo? Bakit?

3. Si Berto ay palaging nagkakalat ng basura sa daan tapon dito


tapon doon, hanggang sa sinita siya ni Mel na hindi tama ang
ginagawa niya. Tam aba ang ginawa ni Mel? Gagawin mo din ba
ito?
V. Homework/ Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga aral ni Confucious tungkol sa
Assignment pagmamahal sa katotohanan.

Prepared by:
REJANE D. CAYOBIT
Substitute Teacher

Checked by:
ELAINE ALDABA
MT-1

Noted:
CRISTOPHER R. CUA
School Head

You might also like