You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran Ng Edukasyon
Rehiyon 1
Sangay ng Lungsod ng San Carlos
BACNAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Bacnar, San Carlos City, Pangasinan

IKATLONG MARKAHAN

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao Araw: Pebrero 27, 2024


Seksyon: 8-C Oras: 1:00 PM – 2:00 ng Hapon

MASUSING BANGHAY ARALIN


I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga
sumusunod:
a. natutukoy ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang na
nakakaimpluwensiya sa kapwa kabataan,
b. nasusuri ang sariling kakayahan na maging masunurin at magalang sa mga
magulang, nakakatanda, at awtoridad; at
c. nakagagawa ng timeline tungkol sa kabutihang nagawa noon at sa
kasalukayan

II. PAKSA
Paksa : Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa mga
magulang, nakatatanda, at may awtoridad
Mga Sanggunian :

Kagamitan : Laptop, presentasyon gamit ang PowerPoint


Pagpapahalaga : Paggalang

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsek ng liban sa klase
3. Pagsasaayos sa klase
4. Pagbati
B. Paglinang ng Gawain
1. Pagganyak
“AYUSIN MO AKO!”
Panuto: Ang guro ay magpapakita ng mga Jumbled letters na ipa-flash sa screen ng
mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa ¼ pirasong papel. Ang mga mag-aaral na
may pinakamataas na puntos na makukuha ay bibigyan ng gantimpala.
2. Paglalahad

Ang guro ay may ipapakutang mga larawan. Sa pamamagitan nito magkakaroon ang
mga mag-aaral ng ideya ukol sa susunod na talakayan. Sa pagsasagot nito, ang mga
mag-aaral ay bibigyan lamang ng limang segundo para matukoy kung saan
patungkol ang larawan, pagkatapos nito ay masusundan ng katanungan ukol sa
larawan na pinakita.

Mga Pamprosesong tanong:


1. Ano ang nabuo mong ideya noong nakita mo ang larawan?
2. Maaari mo bang iugnay ang mga nakita mong larawan sa iyo?
3. Sa iyong palagay, saan kaya patungkol ang paksa ng ating tatalakayin?
3. Pagtatalakay

KABUTIHANG-LOOB: KATAPAN SA SALITA AT SA


PAGGAWA NG MABUTI SA GAWA: SANDIGAN NG
KAPUWA PAKIKIPAGKAPUWA

 Kahulugan ng  Katapatan sa salita


kabutihang-loob  Katapatan sa gawa
 Konsepto at
pananaw sa
kabutihang loob
 Kapuwa na
nangangailangan ng
kabutihang-loob
 Pamamaraan ng
pagsasabuhay ng
kabutihang loob
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga mabubuting bunga sa pamayanan kung ang mga mamamayan
ay may katapatan sa kanilang salita at sa kanilang gawa?
2. Bilang mag-aaral, ano ang nag-udyok sayo na gumawa ng mabuti sa itong
kapwa?
C. Paglalahat

1. Ano ang kabutihang loob?


2. Bakit mahalaga ang katapatan sa salita at sa gawa? Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong pananaw sa magiging katayuan ng daigdig kung walang kabutihan
sa puso ang tao?
4. Paglalapat

Panuto: Ang klase ay bubuo ng isang “Kabutihan Timeline”. Ang mga mag-aaral ay
tutukuyin ang mga nagawa nila sa kapuwa mula sa pinakamatagal nilang panahong
naaalala hanggang sa kasalukuyan. Pagbabasehan ang nasa aklat, pahina 180.

PAMANTAYAN SA PAGMARKA
Nilalaman 15
Kasiningan 10
Paglalarawan 5
TOTAL 35

IV. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong angkop na kilos ng katapatan sa gawa ang maagang


pumasok sa paaralan o trabaho?

A. Paggawa ng tama para sa kapwa


B. Paggawa na may pagmamahal sa trabaho
C. Paggawa na naaayon sa oras at panahon
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling
kapakanan
2. Kung ang tao ay may mataas na paggalang sa nakatatanda,
ano ang maaring bunga sariling problema sa pamilya at
kaibigan?

A. Mataas na paggalang sa nakatatanda.


B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan

3. Ito ay halimbawa ng pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa


sariling kapakanan.

A. Pagsunod sa mga utos ng magulang


B. Pagbabahagi ng sariling problema sa pamilya at
kaibigan.
C. Pagbibigay impormasyon sa isang tao o dayuhan

V. Kasunduan

Panuto: Basahin at ipaliwanag ang pahayag na nasa ibaba. Ilapat ang mensahe nito
sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao, sa paggawa ng mga tungkulin, at sa ikabubuti
ng iyong pamilya, paaralan, at kapwa sa pamayanang kinabibilangan.

“Sa ikauunlad ng bayan, SIPAG AT PAGPUPUNYAGI ang kailangan!”

Inihanda ni:

AILA MAE P. VERDEY


Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:
MR. LARRY C. GABRIEL
Gurong Tagapagsanay sa Araling Panlipunan

You might also like