You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ESP 8

March 08, 2024 - Friday

Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa


Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at nasa Awtoridad

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsunod at paggalang sa mga


magulang, naktatanda at may awtoridad

PAMANTAYANG PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan
na maipamalas ang mga ito.

MAHALAGANG TANONG
Bakit nararapat isabuhay ang mga birtud ng pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad?

BATAYANG KONSEPTO
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-
aaral?

Nahihinuha na ang pagsundo at paggalang sa mga magulang, naktatanda at may


awtoridad ay dapat gawin dhail sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at
pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad nahubugin
bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
EsP8PB IIIc- 10.1 Nakikilala ang:
a. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal
b. Bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad.

II. NILALAMAN
A. Paksa:“ Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad
B. Sanggunian: ESP 8 Modyul para sa mga mag-aaral (pp 256 - 289)
C. Kagamitan: Projector, Laptop, Cartolina, tape Pentelpen black board.

III. Pamamaraan

Pang-unang Gawain

a. Panalangin
b. Pagtsek ng lumiban
c. Pagtiyak ng kalinisan ng silid-aralan
d. Pagbalik-aral
e. Pagtsek ng Takdang Aralin

IV. PAUNANG PAGTATAYA:


Sagutan sa loob ng 5 minuto. Pahina
Panuto: Basahin at tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap.
Piliin ang letra ng pinakatamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa papel.

a. Magulang
b. Nakatatanda
c. Awtoridad

1. Gumagabay at dumidisiplina sa loob ng tahanan.


2. Nagpapatupad ng mga batas para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad
3. Naipapakita sa kanila ang pagglang sa pamamagitan ng pagtugon sa
kanilang mga pangangailangan.
4. Nagbubuklod sa susunod na henerasyon at natuturo ng tamang asal at
pagpapahalaga.
5. Naipapakita sa kanilaang paggalang sa pamamagitan ng pagsuporta sa
kanilang programa at proyekto.
Mga Tamang Sagot:
1. A
2. C
3. B
4. A
5. C
V. Mga Gawain sa pagtuturo at pampagkatuto
A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Gawain 1
Panuto: 1. Magpapaskil ang guro ng tatlong (3) Kartolina.

Magulang Nakatatanda Awtoridad

2. Magsisilbing “Freedom wall” ang mga kartolina. Sa loob ng tatlong minuto (3)
isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga mungkahi ng iba’t – ibang paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa mga magulang nakatatanda at nasa awtoridad.
B. Paglinang ng mga kakayahan, kaalaman at pag-unawa.
Panuto: Panoorin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling video. Suriin ang
video gamit ang sumusunod na gabay na tanong.
C. Pagsusuri
1. Ano ang mahalagang mensahe ng Kwento?
2. Ano ang napulot mong aral sa maikling bidyo (video) na yong natunghayan?
3. Ano ang magandang naidulot ng pagsunod at paggalang ng tauhan sa bidyo?
D. Pagpapalalim: Ang pagsunod at Paggalang, sa mga magulang , nakatatanda, at
may Awtoridad
Pangkatang Gawain: Bakit kailangan gumalang? Paano ito maipapakita.
Unang Pangkat: Pagpapakita ng tamang pagsunod at paggalang sa mga Magulang.
Pangalawang pangkat: Pagpapakita ng tamang pagsunod at paggalang sa mga
Nakatatanda.
Pangatlong Pangkat : Pagpapakita ng tamang pagsunod at paggalang sa may
Awtoridad
Pangapat ng Pangkat: Pagpapakita ng Pagsunod at pagglang bukod sa magulang,
Nakatatanda at Awtoridad
Panglimang Pangkat: Pagpapakita ng hindi wastong pagsunod at paggalang sa
magulang nakatatanda, at may Awtoridad.
Mga tanong: Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na kaalaman at
pagunawa sa mga konsepto ng paggalang at pagsunod, pagisipan at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.
1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakakatanda, at
may awtoridad?
2. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng wastong
paggalang at pagsunod?
3. Gaano kahalaga ang paggabay at pagtuturo sa mga bata ng wastong
paggalang at pagsunod?

Pagninilay: Bilang pagninilay ating panoorin at unawain ang bidyo tungkol sa Sulat
ni Nanay at Tatay.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang yong naramdaman matapos mong basahin o panoorin ang sulat ni
nanay at tatay? Ipaliwanag
2. Ano ano ang iyong mga realisasyon tungkol sa bidyo?
3. Paano mo maisasabuhay ang mga aral mula sa bidyo ng Sulat ni Nanay at
Tatay.
Pagnilayan:
Efeso 6: 1- 3
Mga Anak sundin ninyo ang iyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito
ang nararapat. “ Igalang mo ang iyong ama at ina”. Ito ang unang utos na may
kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Takdang Aralin
Panuto: Bilang paghahanda sa susunod na aralin, dalin ang mga sumusunod:
 Dalawang oslo paper
 Lapis
 Krayola at ibang gamit pangkulay

Prepared by: Checked by:

SHEINA MAE A. REMIGOSO CARLITO J. SAGOCSOC JR.


Teacher I Head Teacher I

You might also like