You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _________________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ______________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo
Pagsunod at Paggalang sa Magulang, Nakatatanda at Awtoridad: Ipakita

I. Panimula
“Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kaniya. Magbayad kayo
sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan”- Roma 13:7
Ang pagsunod at paggalang kaninoman ay isang kautusang
nakasulat sa Banal na Kasulatan. Subalit sapat na ba ang mga salitang “Po
at Opo” upang ipakita ang pagsunod at paggalang? Sino-sino ba ang
dapat sundin at igalang? Paano maipakikita ang marapat na pagsunod at
paggalang sa kanila? Sa araling ito at sa mga susunod pang aralin,
inaasahan na ang mga birtud ng pagsunod at paggalang ay lubos na
maunawaan kung bakit marapat itong maisabuhay.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang:

a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng


katarungan at pagmamahal
b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad

Koda: EsP8PBIIIc-10.1

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maipaliliwanag ang kahulugan ng pagsunod at paggalang;
2. maiisa-isa ang mga paraan ng pagpapakita ng pagsunod at paggalang
sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad;
3. makasusulat ng pangako kung paano lalong mapapaunlad ang
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad; at
4. makabubuo ng maikling kuwento na ang tema ay ang mga paraan ng
pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda o may
awtoridad .

IV. Pagtalakay
Ang isang matatag na pakikipag-ugnayan sa pamilya maging sa
kapuwa ay nagmumula sa paraan ng pakikitungo at pagbibigay halaga sa
kanila bilang tao. Ang pagkilala sa halaga at dignidad ng bawat isa ang
nagpapatibay sa anomang uri ng relasyon o samahan, relasyong
magpapamilya, relasyong magkakaibigan, relasyon sa ibang tao sa lipunan
at iba pa. Ang pagsunod at paggalang ay dalawa sa napakaraming birtud
na maaaring makatulong upang mapaunlad at mapatatag ang pagkatao
maging ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ano nga ba ang pagsunod at
paggalang?
Ang pagsunod ay ang pagkilos sa pagitan ng katwiran at kakayahang
magpasakop. Ito ay ang pagtalima, pagganap o pagtupad sa mga ipinag-
uutos. Samantalang ang paggalang ay hango sa salitang Latin na respectus
na nangangahulugang “paglingon o pagtinging muli”. Ibig sabihin ito ay
nagpapakita ng pagbibigay halaga sa dignidad o pagkatao ng isang
indibidwal o ng bagay.
Sino-sino ang dapat na sundin at igalang? Ang mga dapat na sundin
at igalang ay ang lahat ng likha ng Poong Maykapal lalo’t higit ang ating
mga magulang, nakatatanda at taong may awtoridad. Ang pagpapamalas
sa isang tao ng paggalang ay katumbas ng pagpapahalaga sa kanila
bilang tao. Ang mga magulang ang nagbigay ng buhay sa atin kaya
marapat lamang silang bigyan ng paggalang at sundin ang kanilang ipinag-
uutos. Gayundin ang mga nakatatanda ay kailangang igalang at sundin
sapagkat malaki ang naiaambag nila sa ating buhay. Ang mga may
awtoridad naman ay kailangang din sundin at igalang sapagkat sila ang
nagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan at nagbibigay ng ating
pangangailangang sa ibat’t ibang aspekto kaugnay sa intelektuwal,
pangkabuhayan, at panlipunan kagaya ng mga guro, doktor, pulis, maging
ang mga tindera, dyanitor at marami pang iba.
Sa kabilang banda, kapag ang mga birtud na ito ay hindi naisabuhay
ay magkakaroon ng mga suliranin. Maraming pagkakataon na kapag
nawala ang paggalang at hindi marunong sumunod sa mga ipinag-uutos ay
nagdudulot ng di pagkakaintindihan, away o gulo, paglapastangan at

2
maging paglabag sa mga batas. Patunay lamang na, mahalaga ang
pagpapatibay at pagsasabuhay ng pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.
Narito ang ilan sa mga paraan kung paano maipakikita ang
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad.
MAGULANG
1. Maging matulungin
2. Maging mapagmahal
3. Pagtupad sa mga itinakdang limitasyon
4. Pagsunod sa kanilang mga ipinag-uutos
5. Paggalang at pagsunod sa itinakdang oras ng pag-uwi at
pagpapaalam kung saan pupunta

NAKATATANDA
1. Pagsasabi ng po at opo
2. Magpakita ng pag-aalala
3. Pagsunod sa kanilang mga payo
4. Pagiging mahinahon sa pagsasalita
5. Iparamdam ang kanilang importansiya
6. Ibigay ang kanilang mga pangangailangan
MAY AWTORIDAD

1. Magkaroon ng disiplina
2. Maging mabuting halimbawa
3. Humingi ng paumanhin kung kinakailangan
4. Sumunod sa kanilang ipinatutupad na batas
5. Isipin lagi na ang kanilang ginagawa ay trabaho lamang walang
personalan

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1. Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang patlang kung naisasagawa ang
pagsunod at paggalang sa mga sumusunod na pahayag at ekis ( X )
naman kung hindi.
__________1. Pagsunod sa mga ipinapatupad na batas.
__________2. Pagsuot sa damit ni ate ng walang paalam.
__________3. Magpaalam sa magulang kung aalis ng bahay.
__________4. Pagsasabi ng “ po at opo” sa tuwing makikipag-usap.

3
__________5. Sigawan ang mga nakatatanda lalo na kung nagiging makulit
na sila.
A.2 Panuto: Maliban sa mga nakasulat sa pagtalakay, sumulat ng
tigtatatlong paraan kung paano ipakikita ang pagsunod sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.

MAGULANG

1. 2.

3.

NAKATATANDA

1. 2.

3.

AWTORIDAD

1. 2.

3.

Gawain 2: Gawaing Pagganap


B.1. Panuto: Sumulat ng pangako kung paano lalong mapapaunlad ang
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad.

Ako si ____________________ nangangakong ________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4
______________________________________________________________________________
RUBRIK PARA SA PANGAKO
PIYESA /NABUONG PANGAKO ( 25 puntos)
1.Maayos na nailahad 10
at natalakay ang
paksa.
2.Mayaman sa 10
nilalaman at may mga
patunay.
3. Angkop at wasto ang 5
ginamit na salita.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

B.2. Panuto: Sumulat ng maikling kuwento na ang tema ay ang mga paraan
ng pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda o
may awtoridad. Maging malikhain sa pagbuo ng kuwento.

RUBRIK SA PAGSULAT NG KUWENTO


PAMANTAYAN 10 6 3
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ang ang saloobin
saloobin hinggil saloobin hinggil higgil sa paksa.
sa paksa. sa paksa.
Pagkakasulat Malinis at wasto Hindi masyadong Marumi at
ang malinis at wasto magulo ang
pagkakasulat. ang pagkakasulat.
pagkakasulat.
Kabuoan

VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop,
ito ay pagtalima, pagganap at pagtanggap sa mga utos.
A. pagsunod
B. paggalang
C. pakikibahagi
D. pagmamahal
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa magulang
maliban sa;
A. Pagkilala sa limitasyon
B. Pagiging mapagmahal
C. Pagiging maalalahanin
D. Pang-aabuso sa itinakdang oras

5
3. Saan nagsisimula ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga?
A. pamilya
B. paaralan
C. simbahan
D. pamayanan
4. Ito ay galing sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
paglingon o pagtinging muli.
A. Pagsunod
B. Kasipagan
C. Paggalang
D. Pagpapasakop
5. Naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng;
A. pakikiisa sa mga gawain
B. pagbibigay halaga sa isang tao
C. pakikipag-ugnayan sa mga tao
D. pagkilala sa mga taong nasa paligid

VII. Pangwakas
Panuto: Bumuo ka ng isang konsepto batay sa natutuhan mo.
Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong pagsunod at paggalang
sa iyong magulang, mga nakatatanda at may awtoridad.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK PARA SA GAWAIN


PAMANTAYAN 10 8 5
Nilalaman Napakahusay ng Mahusay ang Hindi masyadong
pagkakalahad pagkakalahad maayos ang
ng mga paraan ng mga paraan pagkakalahad
kung paano kung paano ng mga paraan
maipakikita ang maipakikita ang kung paano
lubos na lubos na maipakikita ang
pagsunod at pagsunod at pagsunod at
paggalang. paggalang. paggalang.
Nakuhang Puntos
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

6
VIII. Sanggunian
Department of Education. 2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong
Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department
of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd - IMCS).
Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa ( Edukasyon sa Pagpapahalaga II). 2008.
Gabay Eskwela Publishing House at ni Zenaida V. Rallama. Karuahatan,
Valenzuela City
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 – A.1
6. Gawain #1 – A.2 Pagsusulit Pangwakas
5. X B 5.
✓ 4. C 4.
ang sagot
3. ✓ A 3.
Maaaring iba – iba
2. X iba ang sagot D 2.
✓ 1. Maaaring iba- A 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Evelyn A. Ramos
Patnugot: Evelyn A. Ramos
Tagapagsuri ng Nilalaman: Carmela M. Santos
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Amelia T. Biag
Grupo ng Tagapaglinang: Mariolito G. Magcalas, PhD
Normita C. Quiambao

You might also like