You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _________________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ______________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo
Mga Angkop na Kilos sa Pagsasabuhay ng Pagsunod at Paggalang

I. Panimula
Tungkulin ng bawat indibidwal na iparamdam ang halaga ng bawat
isa higit sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Isa sa paraan
ng pagpapakita nito ay ang pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
kanila. Ang kakayahang sumunod at gumalang ay tanda ng pagmamahal,
pananagutan at pagkilala sa kanila na hubugin, bantayan at paunlarin ang
mga pagpapahalagang dapat taglayin ng bawat indibidwal higit lalo ng
mga kabataan.

Sa pagpapamalas ng mga birtud ng pagsunod at paggalang ay


maaaring isaalang-alang ang ilang mga angkop na kilos. Ang mga angkop
na kilos na ito ang maaaring magsilbing gabay sa pagtahak patungo sa
pagsasabuhay ng mga nasabing birtud.

II. Kasanayang Pampagkatuto


A. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa
malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na
hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.

Koda: EsP8PBIIId-10.3
B. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa
mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.

Koda: EsP8PBIIId-10.4
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maipaliliwanag na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad;
2. maiisa-isa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad;
3. makagagawa ng isang collage na naglalarawan ng kahalagahan ng
pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad. ; at
4. makasusulat ng pangako o komitment na naglalahad ng gagawing
pagsusumikap na maisabuhay ang mga angkop na kilos ng pagsunod at
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

IV. Pagtalakay
“Ang paggalang ay isang two-way na kalye, kung nais mong makuha
ito, bibigyan mo ito." - R.G. Risch
Dalawa sa mga pagpapahalagang taglay nating mga Pilipino na
kinagigiliwan ng marami ay ang pagiging masunurin at magalang kaya
naman mula pagkabata pa lamang ay itinuturo na sa atin ang mga
kakayahang ito. Ang mga ito ay dapat isabuhay natin upang maging
kaaya-aya ang pakikipag-ugnayan at umunlad ang ating pagkatao.
Magiging payapa, tahimik at disiplinado ang lipunang kinabibilangan kung
mangingibabaw ang pagsunod at paggalang ng bawat indibidwal.
Ang pagsunod at paggalang ay lalong mapagtitibay kung lalakipan
ito ng iba pang mga birtud kagaya ng pagmamahal, pananagutan at
pagkilala sa halaga ng ating kapuwa lalo na ng ating mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad. Kung kinikilala natin ang halaga ng ating
mga magulang, nakatatanda at awtoridad, handa din tayo na
pahalagahan ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin
nila ang ating mga taglay na pag-uugali at pagpapahalaga.

Kung tanggap ng isang tao ang kilalanin ang halaga ng kaniyang


kapuwa at magpasailalim sa mga ito ay magiging madali ang sumunod at
gumalang. Maraming mga hindi pagkakaunawaan, paghihiwalay,
kagulugan at insidente ng krimen ang maiiwasan kung isasantabi ang mga
pansariling interes at sabay-sabay na magsabuhay ng pagsunod at
paggalang.

2
Narito ang ilang mga angkop na kilos kung paano isasabuhay ang
pagsunod at paggalang.

MAGULANG AT NAKATATANDA
1. Tulungan ang ating magulang at nakatatanda

2. Alagaan sila

3. Magkaroon ng bukas na komunikasyon

4. Maging sensitibo sa ikikilos at mga sasabihing salita

5. Pahalagahan sila

6. Pag-unawa sa kanilang damdamin

7. Gawin silang halimbawa

8. Mag-aral nang mabuti

9. Mahalin sila nang lubos

MAY AWTORIDAD

1. Maging masunurin sa mga batas

2. Gampanan ang tungkulin o obligasyon

3. Ipakita ang paggalang at pagsunod nang may kababaang loob

4. Ibigay ang pagtitiwala

5. Isabuhay ang disiplina

6. Ipanalangin ang kanilang kaligtasan

Ang ating mga magulang, nakatatanda at maging mga may


awtoridad ay kaloob ng Diyos sa atin. Kung hindi dahil sa kanila ay wala din
tayo dito sa mundong ibabaw. Sila ang dahilan kung bakit ang pag-iral natin
bilang tao ay nagiging buo. Bilang sukli sa kanilang mga sakripisyo ay
kailangan nating ipakita ang ating pagsunod at paggalang sa kanila.
Kailangan natin ang sumunod at gumalang sapagkat ito ang tamang
gawin. Hindi lamang ito tungkulin sa kanila kundi isang pananagutan sa
Dakilang Lumikha.

3
V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad
ng pangungusap at MALI naman kung hindi.
__________1. Ang pagsunod at paggalang ay para lamang sa mga
nakatatanda.
__________2. Maging huwaran sa pagtupad sa tungkulin na pagkukunan ng
mabuting halimbawa ng kapuwa.
__________3. Maipakikita ang paggalang sa mga awtoridad sa
pamamagitan ng pagsunod sa kanilang mga ipinatutupad na batas.

__________4. Ang pagsunod at paggalang ay mahalagang lakipan ng


pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa halaga ng kapuwa.

__________5. Ang mga kabataan ay mas maalam kaysa sa mga magulang


at nakatatanda pagdating sa mga iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.

A.2. Panuto: Isulat ang tsek ( ✓ ) sa patlang kung nagsasaad ng angkop na


kilos sa pagsunod at paggalang ang mga sumusunod na sitwasyon at ekis
( X ) naman kung hindi.
_________1. Mahinahon si Romy sa kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang lolo
at lola.
_________2. Hindi kinakalimutan ni Carlo ang kaaarawan ng kaniyang Tiya
Lorna.
_________3. Nagpapaalam si Mary sa kaniyang mga magulang sa tuwing
aalis siya ng bahay.
_________4. Bukod sa pamilya ni Cris, lagi din niyang ipinapanalangin ang
kaligtasan ng mga taong may awtoridad.
_________5. Sa tuwing may ipinapatupad na ordinansa sa Barangay
Matapang, si Mang Ruben ay laging nagrereklamo at hindi sumusunod.
Gawain 2: Gawaing Pagganap
B.1. Panuto: Gumawa ng isang collage gamit ang mga imaheng nakita sa
dyaryo, magazine, journals na naglalarawan ng kahalagahan ng pagsunod
at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Mga kagamitan: long size bond paper, gunting, glue, dyaryo, journals,
magazines

4
RUBRIK PARA SA COLLAGE
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10) (8) ng patnubay (5)
1.Malinaw at
tugma sa paksa
ang collage
2. Nagtataglay
ng malalim na
kahulugan o
nagpapakita ng
makabuluhang
mensahe
Kabuoang Iskor
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

B.2. Panuto: Sumulat ng pangako o komitment na naglalahad ng iyong


gagawing pagsusumikap na maisabuhay ang mga angkop na kilos ng
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Pagkatapos, papirmahan ito maaaring sa magulang, nakatatanda o may
awtoridad. Maging tapat sa pagsasagawa ng gawain.

RUBRIK PARA SA PANGAKO O KOMITMENT


Pamantayan 20 15 10 Nakuhang
Puntos
Nilalaman Lubusang Naipakita ang Hindi
naipakita ang gagawing masyadong
gagawing pagsusumikap naipakita ang
pagsusumikap na gagawing
na maisabuhay pagsusumikap
maisabuhay ang mga na maisabuhay
ang mga birtud ng ang mga birtud
birtud ng pagsunod at ng pagsunod
pagsunod at paggalang. At at paggalang.
paggalang. At napapirmahan Hindi ito
napapirmahan ito . napapirmahan.
din ito.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

5
VI. Pagsusulit
Panuto: Punan ng tamang kasagutan ang mga hinihingi ng bawat kahon.

Paggalang

Sino ang mga dapat igalang?

1. 2. 3.

Angkop na Kilos ng Angkop na Kilos ng Angkop na Kilos ng


Pagsunod at Paggalang Pagsunod at Paggalang Pagsunod at Paggalang

4. 6. 8.

5. 7. 9.

VII. Pangwakas
Panuto: Bumuo ka ng isang konsepto batay sa natutuhan mo.
Paano mo maipakikita ang pagsunod at paggalang sa mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad nang may katarungan at pagmamahal?
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________ _______________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
RUBRIK PARA SA GAWAIN
Bahagyang
Higit na Nakamit ang Nakamit ang Walang
Inaasahan (5) Inaasahan Inaasahan (3) Napatunayan Iskor
(4) (2)
Pamantayan
Nilalaman Napakalinaw Malinaw ang Hindi malinaw Hindi
ng pagpapali- pagpapali- na nadebelop
wanag sa wanag sa nadebelop ang paksa.
paksa. paksa. ang paksa.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa
gawain.)

6
VIII. Sanggunian
Department of Education. 2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikawalong
Baitang (Modyul para sa Mag-aaral). Unang Edisyon. Pasig City: Department
of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd - IMCS).
Ang Tao: Ugat ng Pakikipagkapwa ( Edukasyon sa Pagpapahalaga II). 2008.
Gabay Eskwela Publishing House at ni Zenaida V. Rallama. Karuahatan,
Valenzuela City
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain #1 – A.1 Gawain #1 – A.2 Pagsusulit Pangwakas

X 5. iba ang sagot


Mali 5.
Tama 4. ✓ 4. 4 – 9 Maaaring iba-
ang sagot
✓ 3. 3. Awtoridad
Tama 3. Maaaring iba – iba
✓ 2. 2. Nakatatanda
Tama 2.
1. Magulang
Mali 1. ✓ 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Evelyn A. Ramos
Patnugot: Evelyn A. Ramos
Tagapagsuri ng Nilalaman: Carmela M. Santos
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Amelia T. Biag
Grupo ng Tagapaglinang: Mariolito G. Magcalas, PhD
Normita C. Quiambao

You might also like