You are on page 1of 3

Banghay-aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Petsa: February 02, 2024


Section at Oras: Grade VIII-Rizal – (9:25-10:15AM)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang ang pag-unawa sa
mga mga konsepto tungkol sa pasasalamat
Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa
isang gawain tungkol sa pasasalamat

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


I. Layunin: Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag na:
A. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang loob ng kapwa at mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
B. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito
C. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming
bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagpapakatao ay nagmula sa kapwa na sa
kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan kundi
gawin sa iba ang kabutihang natanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement
mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin
D. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat
Mga Layunin sa Pagtuturo o Pampagkatuto
1. Naiisa-isa ang mga biyayang natatanggap mula sa kaganadahang -loob ng kapwa at ang
mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
2. Naipapakita ang mga halimbawa o sitwasyon ng kawalan ng pasasalamat
II. Nilalaman:
Paksa: Mga Pagpapahalagang Birtud sa PakikipagKapwa
(Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa)
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Kagamitan: makukulay na papel, kartolina

III. PAmamaraan
A. Pang araw-araw na gawain
- Pagdarasal
- Pagbati ng guro
- Pagtatala ng liban
- Pagbabalik-aral
1. Ano ang tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan?
B. Gawain
Panuto; Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaaad sa pangugungusap. Kung Mali
ang isinasaad sa pangungusap [wasto ang salitang nagpamali dito.
1. Ang entitlement mentality ay isang panianiwala o pagiisip na anumang inaasam mo ay
karapatan mo na kailangang bigyan ng dagliang pansin.
2. Ang pag-alala sa kaarawan ng taong tumutulong sa iyo upang maipakita ang pagmamahal
at pagpapahalaga sa kanya ay isang gawain ng pasasalamat sa loob ng paaralan
3. Ang birtud ng pasasalamat ay gawaing kalooban
4. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong ay isang halimbawa ng entitlement
mentality
5. Ang pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa ay maling paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat

C. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pampagkatuto.


Panuto: Magpapakita ang guro ng mga ‘Puso ng Pasasalamat”Sa loob ng mga Puso ng
Pasasalamat, mababasa ang mga kabutihan at kagandahang loob na ipinakita sa kapwa. Ibibigay
ng mga mag-aaral ang kanilang biyayang natatanggap at ang kanilang paraang ng pagpapakita
ng pasasalamat kaugnay dito.

M
Minahal at Tinulungan Binati ka ng
Inaruga ka ka ng iyong iyong mga
ng iyong kapatid sa magulang
mga paggawa ng sa iyong

Binigyan ka Dinalaw ka
ng iyong ng mga
kaibigan ng kamag-aral
regalo noong mo noong
pasko may sakit

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang natuklasan mo tungkul sa pasasalamat?
2. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?>
3. Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa ating kapwa?
D. Paglinang ng mga Kakayahan, Kaalaman at Pag-unawa
Panuto:
1.Hahatiin ang klase sa limang pangkat> Ipapakita ng bawat pangkat ang mga halimbawa o
sitwasyon ng kawalan ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagsasadula nito. Ang kinatawan ng
bawat pangkat ay bubunot ng sitwasyon na kanilang isasadula> Narito ang mga sitwasyon na
nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat
-Paglimot ng anak sa sakripisyo ng magulang
-Inuna ang pagnonobyo o pag-aasawa kaysa sa responsibilidad sa pamilya
-Hindi pagpapakita ng pasasalamat sa kaaibigan matapos tulungan sa paggawa ng
proyekto.
-Hindi pag-iingat sa mga regalong ibinigay ng kaibigan o taong malapit
-Laging nagpapasalamat sa mga taong tumutulong kahit na hindi bukal sa kalooban.
2.Pagkatapos ng sitwasyong nagapakita ng kawalan ng pasasalamat dudugtungan ito ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga solusyon o tamang pamamaraan ng
pagpapakita ng pasasalamat sa kabutihang loob ng kapwa
3.Bibigyan lamang ang sampung minuto ang mga mag-aaral upang pag-usapan ang mga gawaing
nakaaatas sa kanila, samanatalang limang minuto upang iapakita sa klase ang kanilang dula.
IV. PAGTATAYA
Sagutin ang sumususnod na katanungan
1. Paano ipinapakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa kabutihang
ginawa ng kapwa?
2. Ano ang kabutihang dulot ng mapagpasalamat?
3. Sa iyong palagay, ikaw ba ay isang taong mapagpasalamat? Paano mo nasabi?
4. Nais mo bang isabuhay din ang mapagpasalamat? Bakit?
5. Paano mo maipapakita ang itong pasasalmat sa ibang tao?
V. TAKDANG -ARALIN
Gumawa ng tatlong liham para sa iba’t-ibang tao sa iyong paligid na nais mong pasalamatan sa
mga kabutihang nagawa nila sa iyo? Isulat ito sa isang stationery at ibigay ito sa kanila.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

SHEINA MAE A. REMIGOSO CARLITO J. SAGOCSOC JR.

Noted:
MELCHOR A. ABSUELO JR.

You might also like