You are on page 1of 5

SY 2022-2023

Modyul sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 1st Quarter

Kasiglahan Village National High School


Paaralan: Baitang: 10
(KVNHS)
Asignatura
Guro: MARITHA C. KEENER ESP 10
:
Week 2 (September 19-20, 2022)
6:00-6:50AM Martes – Agoncillo
6:50–7:35AM Lunes, Martes – Sumuroy, Silang
Petsa at
7:35-8:20AM Martes - Dagohoy Markahan: 1st
Oras:
8:20-9:05AM  Lunes, – Salas
10:15-11:00AM Lunes, –Aguinaldo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga konsepto ng
Pangnilalaman paghubog ng konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral.
Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang itama ang
B. Pamantayan sa
mga maling pasyang ginawa.
Pagganap
2.1 Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
C. Pinakamahalagang EsP10MP-Ia-2.1
Kasanayan sa Pagkatuto 2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay sa
paghusga ng konsiyensiya. EsP10MP-Ia-2.2
II. NILALAMAN
A. Aralin/Paksa PAGHUBOG NG KONSIYENSIYA TUNGO SA ANGKOP NA KILOS
B. Sanggunian PIVOT 4A Learner’s Material
C. Kagamitang Panturo PIVOT 4A Learner’s Material pp. 15-18, Powerpoint Presentation, Manila
Paper
III. YUGTO NG PAGKATUTO
 Panalangin
A. Pang-Araw-Araw na  Pagtsek sa kalinisan (health safety protocol)
Gawain  Balitaan/Kamustahan

AYUSIN MO AKO, MAGULO AKO!


Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong.

LAYREMAT 1. Ito ang biyolohikal na katangian ng tao na nag aasam ng


kaginhawaan at ng patuloy na pagpapanatili nito.
LAWTIPIRES 2. Ito ang nagbibigay ng kakayahang umunawa ng mga
kaalaman, gumusto at umayaw, at magpasiya kung alin
ang mabuti o masama.
ALAMAKYAN 3. Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at
B. Balik-Aral
nakapag uunawa.
PISI 4. Pinalalawak at inihahatid sa isip ang mga impormasyong
nakalap upang magkaroon ito ng malalim na kahulugan.
Gagana lamang ang isip kung nalinang ang ang pandama
ng tao.
BOLO SOKIL 5. Ay tumutukoy sa paggawa ng isang bagay ayos sa nais
ng ating isipan. Nagbibigay direksyon at katwiran sa
ating katawan upang gawin ang isang bagay.

Sagot: 1. Materyal 2. Ispiritwal 3. Kamalayan 4. Isip 5. Kilos-loob


GAWAIN 1: STORYBOARD ANALYSIS
C. Pagganyak
Panuto: Basahin at suriin ang storyboard na ipapakita ng guro.
Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa dayalogo, anong nahihinuha mong kahulugan ng ginagawa ni
Mang Tani?
2. Ano ang idinidikta ng konsensiya sa isip ng tao?
3. Tama ba ang ginawa ni Mang Tani na pagsuko sa nagawa niyang
kasalanan? Patunayan ang sagot mula sa susunod na sitwasyon sa ibaba.
D. Pamamaraan
GAWAIN 2: MABUTI BA O MASAMA?

Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag sa ibaba at sagutin ang mga
katanungan na ibibigay ng guro.

1. “Ang tao ay likas na mabuti, subalit naging masama sa kamay ng tao.


Kung mabuti man ang tao ayun sa pagkalikha sa kaniya, hindi maaaring
iasa na lamang siya sa kalikasan, bagkus huhubugin siya sa
pamamagitan ng pagkatuto.” – Jean Jacques Rousseau
 Activity 2. “Ang tao ay ipinanganak na masama. Upang hadlangan siyang
gumawa ng masama, kinakailangang bantayan siya’at pigilin na
magkasala. Sa ganitong paraan ay makaiwas siya sa mga tuksong
magbubunsod sa kaniya sa kasamaan.” – Thomas Hobbes

Mga pamprosesong tanong:

1. Sa kaninong pahayag ka mas naniniwala? Ipaliwanag.


2. Aling bahagi sa pahayag na hindi mo napili ang nagtulak sa iyo upang
hindi ito paniwalaan?
 Analysis GAWAIN 3: AKO ANG IYONG KONSIYENSIYA!
Panuto: Basahin at suriin ang halimbawang sitwasyon mula sa aklat ni
Felicidad Lipio (2004, pahina 3-4)
Gagarahe na sana ang drayber ng taxi na si Mang Tino nang matuklasan niyang m
Noong dumating ang gabi ay hindi siya mapakali. Sa kalooban niya, nararamdam
Pamprosesong tanong:
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang Tino, ano ang gagawin mo?
2. Paiiralin mo ba ang iyong konsensiya sa mga ganitong pagkakataon?
 Abstraction PAG-ARALAN AT TANDAAN

BATAS NA MORAL – batayan ng tao kung siya ay nagkasala o hindi. Ito ay


makatwiran at nakaayon sa kaniyang katarungan na siyang gumagabay sa
atin at nakasunod sa kalikasan natin bilang tao.
Prinsipyo ng Batas na Moral
1. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
2. Pangangalaga sa buhay
3. Pagiging responsible sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak
4. Pagiging rasyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan at
mabuhay sa lipunan
Apat na katangian ng Likas na Batas Moral
1. Obhektibo (Objective)
2. Pangkalahatan (Universal)
3. Walang Hanggan (Eternal)
4. Hindi nagbabago (Immutable)

GAWAIN 4: PUNAN ANG PATLANG


Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos ay iyong
punan ng akmang salita ang mga patlang upang mabuo ang prinsipyong
naging batayan ng tauhan sa bawat sitwasyon. Piliin ang mga salita sa
kahon ng pagpipilian.

Lipunan likas gawin katotohanan buhay

Masama papag-aralin rasyonal pangalagaan

Kulang ang kinikita ni Samuel sa pagtitinda sa palengke para buhayin


ang kaniyang limang anak. Para madagdagan ang kaniyang kita, naisip
niyang gumaya sa dagdag timbang. Pero sa bawat mamimili na kaniyang
dinadaya ay nakakaramdam siya ng pagkakasala kaya minabuti niya
itong itigil.

Prinsipyo: “__________ ang mabuti, iwasan ang __________.

Mag-isang itinaguyod ni Nanay Belen ang kaniyang tatlong anak mula


nang namatay ang kaniyang asawa. Sa kabila ng isipang pahintuin sila sa
pag-aaral upang matulungan siya sa paghahanapbuhay, ay minabuti
niyang maghanap ng iba pang pagkakakitaan para tuloy-tuloy ang
kanilang pag-aaral.

Prinsipyo: “Kasama ang mga hayop, _________ sa tao ang pagpaparami


ng uri at ______________ ang mga anak”

Pagkatapos ng trabaho, kinagawian ni Mang Ben na magpahinga sa


kanilang bahay kaysa magtambay sa tindahan ni Aling Mely kasama ang
kaniyang mga kaibigan. Katwiran niya, nakabubuting bigyan niya ang
kaniyang sarili ng pahinga kaysa uminom at manigarilyo sa oras na
walang trabaho.

Prinsipyo: “Kasama ang lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong
____________ ang kaniyang _________________”

Nahuli mong nangungupit ang bunso mong kapatid. Alam mong


parurusahan siya sa oras na malaman ng iyong mga magulang. Pero
minabuti mong sabihin ang totoo dahil alam mong masama ang
magsinungaling.

Prinsipyo: “Bilang ________ na nilalang. May likas na kahilingan ang tao


na alamin ang _________ at mabuhay sa __________.

Sagot: 1. Gawin, masama 2. Likas, papag-aralin 3. Pangalagaan, buhay


4. Nasyonal, Katotohanan, lipunan
GAWAIN 4: TUKUYIN MO!
Panuto: Tukuyin kung anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang
ipinapakita ng tauhan sa larawan. Magbigay din ng paliwanag tungkol sa
prinsipyo.

 Application

Sagot:
1. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
2. Pangangalaga sa buhay
3. Pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapa-aral ng mga anak.
4. Pagiging rasyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan at
mabuhay sa lipunan
GAWAIN 5: TAMA O MALI
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at magpasiya. Isulat ang
TAMA kung ito ay tamang kilos sa paggamit ng konsiyensiya.
Lagyan naman ng MALI kung hindi. Gawin ito sa ikaapat na bahagi
ng papel.

1. Ang mali ay mali kahit pa gaano pa kabuti ang iyong intensiyon o


dahilan.
2. Okay lang ang paminsan-minsang pagsisinungaling lalo na kung
E. Pagtataya
nakasalalay dito ang inyong pagkakaibigan.
3. Hahayaan mo na lang na iba ang magsabi kaysa sayo pa magalit
ang iyong mga kaibigan.
4. Pag-iisipan mong mabuti ang suliranin at pipiliin ang pinaka-
tamang solusyon na ayon sa turo ng Diyos.
5. Minsan ka ng nagkamali kaya ginagamit mo na ang iyong tunay
na konsiyensiya upang itama ang mga kasalanan.

Sagot: 1. Mali 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama


F. Kasunduan Panuto: Magsaliksik, basahin at pag-aralan ang ibig sabihin ng mga
sumusunod na paksa:

1. Ano ang konsiyensiya?


2. Mga Uri ng konsiyensiya ayon kay Agapay?
3. Ano ang apat na yugto ng konsiyensiya?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

MARITHA C. KEENER AILEEN G. SANTIAGO


Guro, ESP10 EsP Dept. Chairman

Inobserbahan ni: Inobserbahan ni:

DANNY H. CANON VIOLETA N. QUIDES


Master Teacher I Head Teacher II

You might also like