You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 7

June 06, 2023

I. Layunin:
Ia. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting
pagpapasiya

Ib. Pamantayan sa Pagganap


Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay ( Personal Mission Statement) batay sa mga
hakbang sa mabuting pagpapasiya

Ic. Mga Kasanayang Pampagkatuto


EsP7PB-IVc-14.1-14.2 Naipapaliliwanag ang kahalagahan sa ginawang
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasiya

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA : ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PAGPAPASIYA SAURING


BUHAY
SANGGUNIAN : TEACHING GUIDE (ESP-7)
MODYUL 13
KAGAMITAN : WORSHEETS/ MANILA PAPER

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO/PAMAMARAAN:

A. BALIK-ARAL:
Gabay na tanong:
1.Paano nahuhubog ng mga panlabas na salik na ito ang iyong
pagkatao?
B. PAGGANYAK :

Gawain 1: Basahin ang maikling kuwento

Gabay na Taong:
- a.Nararapat bang sabihin ng nakatatandang kapatid ni Judy na si
Louise sa kanilang ina na si Judy ay nagsinungaling tungkol sa pera o
siya ba ay mananahimik na lamang?
- Ang pagsasabi ban g totoo ay may kinalaman sa pagiging isang
mabuting anak? Bakit?
- Nangako ang ina ni Judy na papayagan itong manood ng konsiyerto
kung magtitipid siya ng pera. Ang katotohanan ban a nangako ang ina
ni Judy ang pinakamahalaga sa sitwasyon na ito? Bakit ?
-
C. PAGTATALAKAY : Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya.
Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya katulad ng: kung anongdamit ang isusuot, kung
kakain kaba ng hapunan, hanggang sa mga komplekadong pagpapasiya katulad ng:
kung papasok ba o hindi sa paaralan, sasama bas a kaibigan sa isang party nang walang
paalam sa magulang o pakokopyahin mo ba ang kaibigan mo sa pagsusulit at marami
pang iba. Alinman sa mga ito ay nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng
matalinong pasiya lalo na sa mga sitwasyong moral.

Gawain 2

Halika at Suriin Natin:

Panuto: Suriin ang bawat pahayag kung ito ay may mabuting pagpapasya. Isulat ang T
kung tama at M naman kung mali.

___ 1. Ang tumulong sa matandang tumawid sa kalsa.


___ 2. Ang pagkuha sa cellphone ng iyong kaklase na naiwan niya sa inyong silid-aralan.
___ 3. Ang pagtsismis o pagsiwasat ng sikreto ng isang tao kahit alam mong hindi ito totoo.
___ 4. Ang pagsasabi ng mali upang maiwasan na mapagalitan ng magulang.
___ 5. Hindi kailanman sagot ang pagnanakaw kahit gaano pa kahigpit ang pangangailangan.

D. PAGLALAHAD:

Pag-aralan natin ito

Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasya

1.Magkalap ng kaalaman.
2.Magnilay sa mismong aksiyon.
3.Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpasiya.
4.Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
5.Pag-aralang muli ang pasya.

E. PAGSASAGAWA :

Gawain 4

1.Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili?


2. Nakagawa ka na ba ng pagpapasiya na iyong labis na pinagsisisihan?
2.Bakit mahalagang magkalap ng kaalaman bago magsagawa ng pagpapasya?

PAGNILAYAN MO!

Magsulat ng pagninilay sa iyong journal. Ang napulot kong aral mula sa aking
karanasan….

F. PAGBUBUOD :

GAWAIN 5

1. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang bago ang iyong pagpapasiya?


2. Anong edad dapat ang isang tao na sa palagay mo kaya na nito ang
magdesisyon para sa sarili?
IV. PAGTATAYA:

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. May mga pagpapasiya ka ba na pinagsisihan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.


2. Ano ang pinakamatinding aral na iyong natutunan sa iyong mga ginawang pagpapasiya
sa buhay sa nakalipas na mga taon?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang isang pagpapasiya na iyong ginawa,
gagawin mo ba? Ipaliwanag ang iyong sagot

V. TAKDANG ARALIN: (JOURNAL WRITING)

Panuto: Sagutin sa isang buong papel ang mahihinunang sagot sa katanungang,

1.Tama ba ang pagpapasiya na aking nagawa sa aking buhay? Ipaliwanag


2. Ano-ano ang mga dapat kung gawin upang mas maiangat ko ang aking sarili?

You might also like