You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
BAGONG NAYON II ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Antipolo City

Name of Teacher : AIZA C. COLET Learning Area FILIPINO 6


Teaching Date : MARCH 4, 2024 Quarter 3
Teaching Time : 6:20-7:10 AM Week 4

I - OBJECTIVES *Natutukoy kung ang pahayag ay opinion o katotohanan


*Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan
*Napapahalagahan ang tamang paggamit ng social media
Content Standards Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba”t ibang uri ng teksto at
napapalawak ang talasalitaan
Performance Standards Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas.
Most Essential Learning Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
Competencies (MELC) F6PB-IIIj-19
Enabling Competencies
II. SUBJECT MATTER Opinyon o Katotohanan

III – LEARNING RESOURCES


A. References
1. Textbook, Teacher’s K-12 MELC page 166, CLMD 4-A Budget of Work V.3 page
Guide
Pages and Internet
Sources
2. Learner`s Material
Pages
3. Additional Materials
from LR
B. Instructional Materials Pictures, PowerPoint, pahayagan
IV - PROCEDURE
INTRODUCTION A. Panimulang Gawain:

1. Pagbati

2. Paghahanda:

* Bago tayo magsimula sa ating aralin ngayong araw, tingnan muna ang
tapat at ilalim ng inyong upuan, damputin kung may kalat at ilagay sa loob ng
bag.
*Siguraduhing nakaayos ang mga upuan at umupo ng maayos.
*Sabihin ang mga dapat gawin at sundin habang kayo ay nasa oras ng
klase.

B. Panlinang na Gawain:
1. Balik-aral:

4 PICs 1 WORD

-s

Address: Bagong Nayon II, Brgy. San Isidro Padilla, Antipolo City
Telephone No. (02) 8693-9151
DepEd Email: 109320@deped.gov.ph
a.Ano ang salitang ugat?
b. Ano ang panlapi?

2. Pagganyak:
Buuin ang mga larawan
upang alamin kung ano ito.

a. Ano-ano ang mga


ito?
b. Meron ba kayo ng
social media
account?
c. Alin sa mga ito ang
meron kayong
account?
d. Katulad ng aralin
natin sa ESP,
dapat ba nating suriin ang ating nababasa sa inyong social
media account kung ito ay totoo o dapat paniwalaan?
Bakit?

Bago natin basahin ang kuwento bigyan natin ng linaw ang ilang salita mula
dito.
3. Paghahawan ng Sagabal
Sabihin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
a. Mahina ang internet dahil sa masamang panahon.
b. Ang FB ay isa sa pinakamagandang halimbawa ng
social media dahil halos lahat ay mayroong account dito.
c. Dahil sa aking cellphone nakakausap ko
lagi ang aking kaibigan.

4. Pagganyak na tanong
Ano-ano ang mga naging epekto ng pagkahilig ni Ana sa
social media?

5. Pagbibigay ng Pamantayan sa Tahimik na Pagbasa

6. Pagbasa ng Tahimik
“Iskul o Internet”
Ni Seonny M. Matociños

Mga Tanong:
1. Anong katangian mayroon si Ana bilang mag-aaral?
2. Ano ang nangyari sa kanya sa paaralan?
3. Bakit nagalit ang titser kay Ana?
4. Anong aral ang natutunan ni Ana?
5. Kung ikaw si Ana, ano ang iyong nararapat na gawin? Bakit?

DEVELOPMENT A. Paglalahad/ Pagtalakay:

Basahin: (isahan, dalawahan at pangkatan)


1. Ayon kay titser Lina, Pangatlong Pamanahunang Pagsusulit namin ngayon.
2. Batay sa ginawa ni Ana, dahilan ito para siya ay hindi makapasa sa klase.
3. Sa palagay ko, maaari kong dayain si titser.
4. Para sa akin, hindi masama ang mangopya.

Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon? Bakit?


Alin sa mga pangungusap ang nagpapahayag katotohanan? Bakit?
Katotohanan ang isang pahayag kapag ito ay naglalahad ng mga idea o
impormasyon na napatunayan na at tinanggap ng lahat na ito ay totoo. Hindi
rin ito maaaring tutulan kahit saan mang lugar. Hindi rin ito magbabago.

Opinyon ang isang pahayag kapag ang pananaw ng isang tao ay maaaring
totoo. Isa rin itong paniniwala batay sa obserbasyon at eksperimento. May
mga panandang ginagamit upang matukoy kung ang pahayag ay isang
opinyon o katotohanan.

a) Katotohanan: mga panandang:


1. Batay sa resulta...
2. Tinutukoy ng.....
3. Pinatutunayan ni....
4. Mababasa sa....
5. Mula kay......
6. Ayon sa/kay.....

Ang guro ay magpapakita ng pahayagan na nagpapakita ng opinion at


katotohanan na lathain.

INDIBIDUWAL NA GAWAIN
Tukuyin kung ang bawat pahayag ay opinyon o katotohanan.
1. Tingnan ang graph sa ibaba. Ayon sa Octa Research Group Survey, ano
ang satisfaction rate ni Pangulong Marcos? Paki lahad ang datos (interpret
data) na nagpapakita ng satisfaction rating. (tumawag ng bata na maaaring
magpaliwanag)

Nasa 59% ng mga Pinoy ang satisfied sa pamumuno ng administrasyong


Marcos, ayon sa inilabas na survey ng OCTA Research. 14% naman ang hindi
aprub sa performance ng kasalukuyang administrasyon, habang 29% ang
hindi sigurado.
Isinagawa ang survey noong December 10 hanggang 14, 2023 sa 1,200 na
respondents. #News5

2. Mula sa isinagawang pag-aaral ng mga dalubhasa sa medisinang herbal,


hindi pa napapatunayan na mabisa ang tawatawa bilang gamot sa dengue.

3. Para sa akin, kailangan ng Pilipinas ng pagsasanay Militar para maging


handa sa anumang banta ng digmaan.

4. Marahil, makakatulong ang pag-inom na gatas para mas mabilis lumaki ang
mga bata.

ENGAGEMENT PANGKATANG GAWAIN

Pamantayan sa Pangkatang Gawain


*Makilahok sa inyong grupo.
*Magsalita ng mahinahon.
*Basahing mabuti ang panuto.
*Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.

Panuto: Hatiin sa tatlo (3) na pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan
ng sipi ng pahayagan.Tukuyin ang mga pahayag na opinyon at katotohanan.
Isulat ito sa huwarang balangkas.

Bibigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral upang tapusin ang gawain.


Ilalahad ang usapang kanilang nabuo sa loob ng 2 minuto.
Mamarkahan ang mga mag-aaral batay sa rubriks.

Rubriks Pangkat 1 2 3
Nakasusunod sa panuto at naisasagawa ang mga
gawain na may pagkaunawa sa paggawa (5)
Di- nakasusunod sa panuto ngunit naisaayos ang mga
gawain na may pagkaunawa sa paggawa (4)
Di nakasunod sa mga panuto sa pagsasagawa ng
gawain (3)
Di- nakasunod sa mga Gawain at walang pagkakaisa(2)
Iskor
Paglalapat:
Panuto: Tumayo kung ang pahayag ay katotohanan at umupo kung ito ay
opinyon.

1.Para sa akin, mas masarap maligo sa dagat kesa sa swimming pool.

2. Ayon sa balita walang bagyong naamumuo sa bansa.

3.Kung ako ang tatanungin, mas masarap tumira sa probinsya.

4.Batay sa resulta ng survey, si Pangulong Bongbong Marcos ay nakakuha ng


mataas na satisfaction rating mula sa mga Pinoy.

5.Ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.

Paglalahat:
Ano nga ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon na pahayag?
EVALUATION Pagtataya:

Panuto:Suriin ang mga pahayag o pangungusap .Isulat ang O kung ang


pangungusap ay nagpapahayag ng opinyon at K naman kung nagsasaad ng
katotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________1. Sa aking palagay, mas mainam na bumili ng mga lokal na prutas
kaysa galing sa ibang bansa.

_________2. Pinatutunayan ng isang survey na ang Pilipinas ay papaunlad na


bansa.

_________3. Mula kay Doktor Jose Rizal ang kasabihang mas mabaho pa sa
malansang isda ang taong hindi marunong magpahalaga sa sariling wika.

_________4. Para sa akin, masarap mabuhay ng simple lang.

_________5. Sinasaad sa Saligang Batas na maaaring tayong makulong sa


hindi pagsasabi ng katotohanan .
Karagdagang Gawain:
Sumulat ng tatlong pangungusap na may katotohanan at tatlong pangungusap
na opinyon. Isulat sa kuwaderno.

REFLECTION Sumulat ng isang maiksing taalarawan sa papel tungkol sa naramdamang


pagkatuto sa aralin.

Inihanda ni:

AIZA C. COLET
Guro II

Iwinasto ni:

MARIA LENY D. MOLINA

Dalubguro 1

Binigyang pansin ni:

DR. MARICEL R. TORTOZA

Principal III
Kwento:
Iskul o Internet
Ni Seonny M. Matociños

Isang araw, nagmamadaling bumangon si Ana. “Naku! Lagot! Huli


na ako sa klase. Ayon kay titser Lina, Pangatlong Pamanahunang Pagsusulit namin ngayon sa
Math. Hindi pa naman ako nakapag-aral”, bulong ni Ana sa sarili. Naging ugali na ni Ana na
magbabad sa kanyang social media gamit ang kanyang cellphone sa halip na mag-aral. Sabi kasi
ng kanyang pinapanood sa internet maganda sa bata na laging naka-connect sa internet dahil
maraming malalaman dito. Siya ay tamad mag-aral ng kanyang mga aralin sa paaralan. Lagi siyang
napapagalitan ng kanyang nanay,ngunit hindi siya nakikinig dito. Dalidali siyang kumain ng almusal
at naligo. “Nanay! Aalis na po ako”, pasigaw na paalam ni Ana sa kanyang nanay na si Aling Rosa
na abala rin sa paglilinis ng bahay. Napailing na lang si Aling Rosa sa anak. Pagdating niya sa
paaralan, nandoon na ang lahat ng kanyang kaklase pati na si Titser Lina, ang guro niya sa Math.
Siya na lang ang kulang. Kinakabahan siya kasi hindi siya handa sa pagsusulit. Naalala niya iyong
kuwento ng kanyang kaibigang si Princess na nasa Ikaanim na baitang. Ayon sa kaibigan niya,
masungit daw si Titser Lina lalo na pag nahuli ka na kumukopya sa pagsusulit. “Magandang umaga
sa lahat. Kumuha ng isang buong papel para sa inyong pamanahunang pagsusulit”, seryosong
bungad ni Titser Lina. Nagbigay ng panuto ang guro. “Naku po, paano na ito? Nakalimutan ko na
ang mga itinuro ni titser. Sa palagay ko maaari ko sigurong dayain si titser, bubuklatin ko ang aking
notebook, di naman siya nakatingin sa akin,” sabi niya sa kanyang sarili na sabay patingin-tingin sa
kanyang guro at katabi. PAK! Tumunog ang stik ni titser sa mesa. Nakita si Ana na kumukopya sa
kanyang kwaderno. “Ana!”, pasigaw na tawag ni Titser Lina kay Ana. “Titser....?”, nanginginig at
mangiyak-iyak na tugon ni Ana. Hindi na muli nagsalita si Titser Lina sa halip kinuha niya ang papel
ni Ana. Makalipas ang ilang minuto sinabi ni titser Lina sa klase, “Ana, papuntahin mo bukas sa
opisina ng punong guro ang iyong mga magulang. Kailangan ko silang makausap.” Umiyak si Ana
dahil sa kahihiyan. Pagsisisi niyang nasabi sa sarili, “Dapat inuna ko ang pag-aaral ng mga aralin
ko sa iskul at naging matapat ako sa aking sarili.”

You might also like