Professional Documents
Culture Documents
1STPT AP 2023-2024 Edited
1STPT AP 2023-2024 Edited
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
DAYAP ELEMENTARY SCHOOL
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang at sagutin ang katanungang kasunod nito. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang.
______ 4. Ano ang tawag kay Andres Bonifacio bilang lider ng Katipunan?
A. Supremo B. Ilustrado C. Ladislao Diwa D. Utak ng Katipunan
______ 5. Ano ang binuo ng mga makabayang Pilipino na ang layunin ay wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan
ng pwersa at lakas?
A. Supremo C. Katipunan
B. B. Ilustrado D. Kilusang Propaganda
______ 6. Alin dito ang inilalarawan kung ang bansa ay malaya at umiiral ang nasyonalismo?
A. Ang bansa ay hindi malaya
B. Ang bansa ay sakop ng ibang lahi
C. Ang bansa ay walang sariling pagkakakilanlan
D. Ang bansa ay malaya at umiiral ang nasyonalismo
______ 8. Sinong Gobernador Heneral ang naghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir?
A. Jose Burgos
B. Mariano Gomez
C. Rafael Izquierdo
D. Miguel Morayta
______ 9. Sino ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad?
A. Jose Rizal
B. Pedro Palaez
C. Jacinto Zamora
D. Marcelo H. Del Pilar
______ 11. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang
Cavite,Laguna,Maynila,Bulacan,Tarlac,NuevaEcija,Pampanga,at____. Ano ang pangwalong lalawigan?
A. Batangas B. Quezon C. Romblon D. Mindoro Oriental
______ 12. Sino ang sumulat ng Saligang Batas ng Biak na Bato na pinagtibay noong Nobyembre 1,1897?
A. Emilio Aguinaldo C. Isabelo Artacho
B. Fernando Primo de Rivera D. Pedro Paterno
______13. Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Biak na Bato ay itinatag ang pamahalaang_______.Alin sa mga sumusunod?
A. Diktatoryal B. Komonwelt C. Rebolusyonaryo D. Biak na Bato?
______14. Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang nagdulot
ng kapayapaan?
A. Estados Unidos B. Hapon C. Hongkong D. Tsina
______15. Sa ginawang pag-uusap ng mga kinatawan ng Espanya at Pilipinas bakit nangakong magbabayad ng Pamahalaang
Espanya sa Pilipinas?
A. Ayuda ng pamahalaang Espanya sa ating bansa.
B. Kabayaran ng mga namatay na Pilipino sa digmaan.
C. Kabayaran ng mga pinsalang gawa ng digmaansa pagitan nila.
D. Multa ng pamahalaang Espanya sa pagsisimula ng digmaan.
______16.Bakit tumutol ang isang kasapi ng Katipunan sa pagkahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interior?
A. Wala siyang natapos sa pag-aaral.
B. Mas magaling siya sa pakikipagdigma.
C. Masyadong mataas ang kanyang pinag-aralan.
D. Mas marami pa ang nararapat sa tungkuling ito.
______17.Nang litisin and magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio, ano ang kasalanang inihatol sa kanila?
A. Pagtataksil sa bayan. C. Pandaraya sa eleksiyon.
B. Pagkampi sa Espanol. D. Pagpapabaya sa tungkulin.
______25. Siya ay isang kompositor at guro sa musika, at ang pambansang awit ang pinakamahalagang kontribusyon na kanyang
ginawa?
A. Faustino Ablen
B. Julian Felipe
C. Macario Sakay
D. Severino Reyes
______27. Anong katangian ang ipinakita ng mga taong bayan sa Balangiga sa tagumpay na pakikibaka sa mga sundalong
Amerikano?
______33.Ang pagpatay ng maraming gerilya, sibilyan, mga bata at pagsunog ng mga ari-arian ng mga taga Balangiga ay napakasakit
na pangyayari ng ating kasaysayan. Ano ang tawag dito?
A. Labanan sa Balangiga C. Masaker sa Balangiga
B. Pista ng Balangiga D. Yugto ng Balangiga
______34.Paano tinulungan ni Heneral Gregorio del Pilar si Pangulong Emilio Aguinaldo na matakasan ang mga humahabol na
Amerikanong sundalo para dakpin siya?
A. Itinago niya ang Pangulo sa isang sekretong yungib.
B. Isinakay niya ang pangulo sa isang eroplano patungong Australia.
C. Isinakay niya ang Pangulo sa isang submarino patungong Hongkong.
D. Matapang niyang hinarap at pinaputukan ang mga humahabol na sundalong Amerikano.
______35. Si Dr. Jose Rizal ay sumulat ng ilang mga aklat . Alin sa mga aklat na ito mababasa ang pang-aabuso ng mga Espanyol at
sa mga Pilipino?
A. Noli Me Tangere
B. El Filibusterismo
C. Sa Aking mga Kababata
D. Sa mga Kababaihan ng Malolos
______36. Ang mga manunulat ng Kilusang Propaganda ay gumamit ng mga sagisag panulat. Bakit kaya?
A. Isa itong tuntunin ng kanilang organisasyon.
B. Mas maganda ito sa paningin ng mga mambabasa.
C. Para mas marami pang babasa sa kanilang mga akda.
D. Maikubli ang tunay na pagkatao at hindi makilala ng mga Espanyol.
______39. Kung si Marcelo H. del Pilar ang patnugot ng Diaryong Tagalog sino naman ang patnugot ng Kartilya ng Katipunan?
A. Emilio Aguinaldo
B. Artemio Ricarte
C. Emilio Jacinto
D. Marcelo H.del Pilar
______ 41. Ano ang tawag kina Jose Burgos,Mariano Gomez,at Jacinto Zamora?
A. Mestizos
B. Ilustrados
C. Katipunero
D. Tatlong paring martir
______ 44.Siya ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan at nag-iingat ng mahahalagang dokumento ng organisasyon
A. Gabriela Silang
B. Gregoria de Jesus
C. Teresa Magbanua
D. Melchora Aquino
______ 45. Ano ang isang probisyon na nakasaad sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na nakatutulong sa mga rebeldeng Pilipino ?
A. papatawan ng parusa
B. patatawarin sa kasalanan
C. paaalisin sa Pilipinas
D. Pagtratrabahuin sa tanggapan
______ 46.Sa binabalak ni Andres Bonifacio na himagsikan laban sa Espanya ay pinuntahan niya ito para humingi ng payo kung
itutuloy ang labanan. Kanino siya pumunta?
A. Jose Rizal B. Emilio Aguinaldo C. Pio Valenzuela D. Emilio Jacinto
______ 48.Kailan nangyari ang Mock Battle ng Manila Bay na naging dahilan ng pag-alis ng mga Espanyol at simula ng pagsakop ng
mga Amerikano sa bansa?
A. Agosto 11,1898
B. Agosto 12,1898
C. Agosto 13,1898
D. Agosto 20,1898
______ 49. Ano ang nagpasidhi sa damdamin ng mga Pilipino na makamit ang Kalayaan?
A. Ang pagtatag ng Unang Republika
B. Ang Kasunduan sa Paris
C. Ang Kongreso ng Malolos
D. Ang Pagbagsak ng Unang Republika ng Malolos
______50. Paano nakatulong ang mga akda ng mga Pilipinong manunulat sa pagkamit ng Kalayaan ng ating bansa mula sa mga
mananakop na dayuhan?
A. Sa pagbabasa ay nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
B. Namulat sila sa maling pamamalakad ng mga dayuhan.
C. Natuto silang ipaglaban ang kanilang karapatan
D. Lahat ng nabanggit
Prepared by:
JOCELYN V. ABELA
Teacher II
Checked by:
GUILLERMA D. TENORIO
Master Teacher I
Noted:
MICHAEL T. VILLALUNA
Head Teacher III