You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Leyte
LA PAZ II DISTRICT
BAGACAY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Brgy. Bagacay East, La Paz, Leyte

Banghay Aralin
sa Edukasyong Pagpapakatao V
Ika- 30 ng Agosto 2023

KRISTINE JOY B. MIRANDA


Teacher

I. Layunin
MELCS: Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa
mga: 1.1. balitang napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na
programang pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Kawilihan sa Pagsusuri ng Katotohanan
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao V Modyul, Batayang Aklat sa
Edukasyong Pagpapakatao 5
C. Kagamitan: Aklat, Modyul, Bidyu

III. Pamamaraan
A. Paghahanda

1. Pagsasanay
2. Pagganyak
Mag pakita nga mga bidyu at ipasuri sa mga mag-aaral kung alin ang
dapat paniwalaan at alin ang hindi.

B. Pagpapalalim ng Kaalaman

1. Paglalahad

Gawain 1: Basahin ang mga pahayag sa unang kolum. Lagyan ng


tsek (✓) ang kolum kung sumasang-ayon ka o di sumasang-ayon sa
pahayag.
2. Paglalahat
Dapat bang paniwalaan kaagad ang lahat ng ating nababasa o
naririnig mula sa mga balita? Bakit kaya kailangang suriin
muna natin ang mga ito bago paniwalaan at magpasiya.

- Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isipan na kayang


umunawa kung ano ang totoo at huwad. Ang kakayahan sa
pagsusuri at pagsisiyasat ng katotohanan ay magiging susi
at daan upang makapagbigay ng tamang desisyon na
magagamit upang maging matagumpay sa pang araw-araw
na hamon ng buhay.
3. Paglalapat
Isulat ang tsek (✓) sa bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip
batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o
internet at ekis (x) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-
iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
IV. Pagtataya
Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik nang napili mong sagot
sa iyong sagutang papel at ipaliwanang kung bakit ito ang iyong napili.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng sariling pahayag kung paano mo mapahahalagahan ang katotohanan
sa mga balitang iyong nababasa o napakikinggan. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

You might also like