You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Leyte
LA PAZ II DISTRICT
BAGACAY EAST ELEMENTARY SCHOOL
Brgy. Bagacay East, La Paz, Leyte

Banghay Aralin
sa Edukasyong Pagpapakatao V
Ika- 01 ng Setyembre 2023

KRISTINE JOY B. MIRANDA


Teacher

I. Layunin
MELCS: Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa
mga: 1.1. balitang napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na
programang pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27
II. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Kawilihan sa Pagsusuri ng Katotohanan
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao V Modyul, Batayang Aklat sa
Edukasyong Pagpapakatao 5
C. Kagamitan: Aklat, Modyul, Bidyu, Mga Larawan
III. Pamamaraan
A. Paghahanda

1. Pagganyak
Mag pakita nga mga post sa internet at ipasuri sa mga mag-aaral kung
alin ang dapat paniwalaan at alin ang hindi.

B. Pagpapalalim ng Kaalaman

1. Paglalahad
Gawain 1:

1. Nabasa ni Van mula sa pahayagan na may virus na lumaganap sa


kanilang lugar. Nagsaliksik siya tungkol dito at nagtanong din sa
kaniyang mga magulang.
2. Kinukumpara ni Mika ang mga balitang napakinggan mula sa iba’t
ibang himpilan ng radyo para makakuha ng tamang impormasyon.
3. Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang sinasabi ng kaniyang
iniidolong artista.
4. Sinusunod ni Mariel ang lahat nang nakikita at naririnig sa
patalastas tungkol sa pag-iwas sa COVID-19.
5. Tuwang-tuwa si Benny nang mabasa sa internet na may dagdag
sahod sila, pero nang tinanong niya ang may-ari ay napag-alamang
fake news lang pala.

2. Paglalahat
Dapat bang paniwalaan kaagad ang lahat ng ating nababasa o
naririnig mula sa mga balita? Bakit kaya kailangang suriin
muna natin ang mga ito bago paniwalaan at magpasiya.

- Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isipan na kayang


umunawa kung ano ang totoo at huwad. Ang kakayahan sa
pagsusuri at pagsisiyasat ng katotohanan ay magiging susi
at daan upang makapagbigay ng tamang desisyon na
magagamit upang maging matagumpay sa pang araw-araw
na hamon ng buhay.
3. Paglalapat

IV. Pagtataya

V. Takdang Aralin

You might also like