You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: Iskor:
Baitang/Pangkat: Guro:

GAWAING PAGSASANAY Bilang 4

Pagsusuri ng Katotohanan bago gumawa ng anumang


hakbangin batay sa mga nakalap na impormasyon ayon sa
balitang napanood.

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng pagiging mapanuri at MALI kung hindi.
1. Naniniwala agad si Lea sa balitang narinig lamang niya
sa kaniyang kapitbahay.
2. Pinakikinggan at inuunawang mabuti ni Mark ang bawat
balitang napapanood sa T.V.
3. Ayaw manood ng T.V. ni Liza kung ang palabas ay balita.
4. Sinusuri munang mabuti ni John kung ang balitang
napanood ay may patunay at batayan.
5. Nakaugalian na ni Mary na mangalap pa ng iba pang
impormasyon para lalong masigurado na ang balita ay
dapat niyang paniwalaan o hindi.

Pagsasanay 2

Panuto: Suriin ang mga balita kung ito ay magandang balita o


mapanghamong balita. Isulat lamang ang bilang ng iyong sagot
sa loob ng telebisyon.
1. Magbibigay ng relief goods si Mayor Vico sa lahat ng
residente ng Pasig.
2. Tumataas ang bilang ng positibo sa Covid -19 sa Quezon City.
3. Gumaling ang isang lalaking 65 taong gulang mula sa sakit na
Covid.

13
4. Mga mamamayan sa kabilang bayan hindi sinusunod ang
social distancing.
5. Magbibigay ang DSWD ng 8,000 pesos bawat pamilya sa
Pilipinas.

Sagot:

Sagot: Sagot:

Magandang Balita Mapaghamong Balita

Pagsasanay 3

Manood ngayong linggo ng balita sa T.V. at isulat mo kung


paano mo ito sinuri, anong hakbangin ang ginawa mo para
malaman ang katotohanan nito.

13
Pangwakas na Gawain

Panuto: Isulat sa patlang ang OPO kung tama ang ipinapahayag


ng pangungusap at HINDI PO kapag mali.

1 .Ang tunay at totoong balita ay may konkretong


ebidensya, patunay at batayan.

2. Nasusuri ang balitang may karahasan at droga na isang


mapanghamong balita.
3. Hindi na nagtatanong at naniniwala agad ang taong
magaling magsuri ng balita.
4. Ang balita ay hindi na dapat suriin lalo na kapag
napanood sa telebisyon.
5. Maaaring ihayag o mapanood ang balita sa telebisyon
lamang.

13

You might also like