You are on page 1of 8

Gawain: Sa True o Chika lang yan!

Panuto:
Isisigaw ang Sa True kung ang pahayag ay
katotohanan at Chika lang yan naman kung
ito ay opinyon lamang.
1 Ang bawang ay mabisang gamot sa sakit ng ngipin.
2 Tuwing Biyernes ay laging umuulan.
3 Ang pangulo ng Pilipinas ay si Bongbong Marcos.
4 Ang Corona Virus ay nakahahawa.
5 Lahat ng mag-aaral ay may dalang cellphone.
Katotohanan o Opinyon
Katotohanan
Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napapatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nababago
at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa
ibang sanggunian tulad ng mga babasahin.
Batay sa resulta at napatunayan.
Katotohanan
Halimbawa:
1. Ang mga eroplano ay pinalilipad ng mga piloto.
2. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti
nang nababawasa ang mga out-of-school youth.
Opinyon
Isang pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng
iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas
malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon
at eksperimento.
Opinyon
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng
isang tao na may takot sa Diyos.

You might also like