You are on page 1of 2

FILIPINO

GAWAIN 1: PAPEL

SAAN O PAANO
TAGAPAGSALITA LAYUNIN NG TALUMPATI
NATUNGHAYAN
Pagtanggap ng parangal bilang Napanood sa telebisyon
1. CHRISTIAN BABLES Best Supporting Actor sa gabi ng
parangal ng MMFF 2016.
Tungkol sa nararanasang Napanood sa YouTube
2. ANGEL DELA PENA edukasyon sa gitna ng
pandemya.
Kaugnay ng enhance Napanood sa Facebook
3. HARRY ROQUE community quarantine sa
Luzon.
Sa pagdating ng presidente ng Napanood sa Facebook
4. NOYNOY AQUINO World Bank na si Dr. Jim Yong
Kim

GAWAIN 2: BILUGAN SA MODULE

1st paragraph – simula

2nd - 4th paragraph - gitna

5th – 6th paragraph - wakas

P.T.

1. Dahil ang talumpati ay naglalaman ng mga impormasyon na magpapalawak ng ating kaalaman


tungkol sa isa o maraming bagay. Halimbawa, sa talumpating nagtatalakay ng edukasyon sa
gitna ng pandemya, malalaman ng tagapanood kung anon ga ba ang karanasan ng iba’t ibang
esudyante sa bansa kagaya ng kanilang mga hamong hinaharap at kung natututo ba sila.
2. Oo. Ito’y dahil ang talumpati ay ang pagsasalita sa harap ng madla tungkol sa paksang hindi
alam ng madla. Halimbawa, sa paaralan ay magsasalita ang guro ng kanyang welcome address
para sa dumalo ng okasyon, at hindi siya nabigyan ng sapat na oras upang maghanda ngunit
nagawa niya pa rin nang maayos, kaya matuturing iyon na talumpati.
3. Ang kadalasang nagtatalumpati ay ang may matataas na posisyon dahil sila ang may
pinakamaring alam tungkol sa paksang itatalakay nila at dahil maayos at maganda ang kanilang
pagsasalita dahil sa ilang taong karanasan at kaalaman.
4. Upang matalakay ng nagtatalumpati ang paksa nang maayos. Importanteng maalam sa paksa
ang nagtatalumpati upang marami at mahalaga ang kanyang mapaliwanag sa madla at mas
madali niyang mapaliwanag ang paksa, at dahil dito, mas maiintindihan ng madla ang
tinatalakay ng nagtatalumpati.
5. Sa paningin ko, oo, lalo na ang karisma ng nagtatalumpati. Kapag mataas ang karisma at
nagtatalumpati ay marami ang gustong makinig at matuto mula sa kanya. Dumadagdag ang
mataas na karisma sa pagkasikat at pagka-importante ng nagtatalumpati at ng talumpati.
6. Ang paksang itatalumpati ko ay ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19 dahil marami
nga ang may pag-aalinlangan sa dulot ng bakuna. Importanteng mawala ang kanilang
pagdududa upang rumami ang nakatanggap ng bakuna at mabalik na tayo sa normal.

GAWAIN 3: I-FILM ANG TALUMPATI (ayaw ipakita sa camera ang ginabasa)

TALUMPATI
Ngayong panahon ng pandemya, ang pagbabakuna ay nakapaka-importante upang
malabanan ang impeksyon at malubhang sakit dulot ng virus. Sa Pilpinas, higit 30 million
na ang fully vaccinated at higit 70 million naman ang nakakuha ng first dose, ngunit
marami pa ring Pilipino ang may pag-aalinlangan pagdating sa bakuna. Ayon sa
pananaliksik ni Mark Antonio, halos senior citizen ang mag pagdududa sa bakuna.
Ang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi makakaiwas sa atin ng impeksyon ng COVID
ngunit ito’y upang hindi malala ang sintomas ng virus sa atin. Ang bakuha ay bagong
imbensyon dahil ginagamit nito ang mRNA ng ating katawan. Ang mRNA, o Messenger RNA,
ay nagsisilbing guro ng mga cells; tinuturoan nito ang mga cells kung paano gumawa ng
protein na mag-ti-trigger ng immune response sa ating mga katawan. Dahil nga bagong
teknolohiya ang mRNA vaccine, maraming tao ang nag-aalinlangan dahil akala nila’y
binabago nito ang ating DNA, ngunit hindi iyon katotohanan at walang batayan sa agham.
Ang bakunang ito ay mayrong ispesipikong target at iyon ay ang paggawa ng angkop na
proteins upang mas lumakas ang immune system ng indibidwal, kaya naman palaging
sinusubaybayan ng mga mananaliksik ang bakuna upang masiuradong hindi ito
makakapinsala. Ang side effects ng bakuna tulad ng lagnat at pananakit ng katawan ay
resulta ng inflammatory response dulot ng bakuna upang maaktibo ang immune system ng
tao. Normal lamang ang side effects pagdating sa bakuna dahil ito ang nagpapaalam sa atin
na epektibo ang bakuna at protektado na tayo.
Ang bakuna ay hindi dapat kinatatakutan ng tao dahil ito ay nagsisilbing proteksyon
laban sa malubhang sintomas dulot ng virus. Kailangan nating magpabakuna dahil ito ay
ang pinakamabisang panangga ng COVID-19. At ang pinaka-mahalagang silbi ng bakuna ay
kapag rumami na ang fully vaccinated, maaari na nating makamit ang herd immunity at
muli nang babalik sa normal ang pamamayanan.

You might also like