You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino 4

I. Layunin
Nasusuri kung ang pahayag ay opinion o katotohanan. (F4PB-IIIg-8)

II. Nilalaman
Paksa: Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan
Kagamitan:
Sanggunian- Yaman at Lahi 4 p. 163-164
Mga larawan, Tsart, Flashcard

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Sabihin ang damdaming inilalarawan ng mga pahayag.
1. Ang tagal naman ni Jonathan! Baka mahuli tayo sa practice.
2. Hayaan mo, sasabihan ko pagdating.

Pagbasa ng mga salita: (Integrasyon- Araling Panlipunan)


LPA Opinyon
PAGASA Katotohanan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Pagganyak
- Suriin ang mga larawan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
- Isulat sa kahon ang salitang katumbas ng nasa larawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Paglalahad)


Pagganyak na tanong
- Handa ba ang inyong pamayanan sa kalamidad?
- Paano mo nasabi?

D. Pagtatalakay ng bagong Konsepto

-Pagbabasa ng editorial sa aklat


-Pagsagot sa pagganyak na tanong
-Anu-anong pangungusap sa binasang editorial ang katotohanan? Opinyon? Paano mo nasabi?
-Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pangungusap na nagsasabi ng katotohanan? Opinyon?

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat- Sabihin kung Opinyon o Katotohanan ang bawat pahayag
Ikalawang Pangkat- Basahin at unawaing mabuti ang balita.

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Anu-ano ang mga mahahalagang katotohanan o impormasyong makikita sa balita?
2. Batay sa nabasang talata, ano ang iyong opinion tungkol dito?

F. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng Opinyon sa Katotohanan?

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay Katotohanan at O kung Opinyon.

1. Ang COVID19 ay nakakahawan sakit na sanhi ng isang bagong Virus.


2. Para sa akin, si Ana ang pinakamaganda sa lahat.
3. Ang Pilipinas ay isang bansang archipelago.
4. Mas malulusog ang mga kabataan noon kaysa ngayon.
5. Sa tingin ko, mataas ang aking marka sa sususnod na pagsusulit.

V. Takdang-Aralin

Magbasa ng mga artikulo sa pahayagan o making ng balita sa radio. Itala ang mga impormasyong
katotohanan at opinion sa inyong assignment notebook sa Filipino.

Inihanda ni:

JOSIE T. BALANO
Teacher III
Filipino Teacher

You might also like