You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
District of Barotac Viejo
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL (116081)

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO IV

I. LAYUNIN
A. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. F4PB-IVd-19

II. NILALAMAN
Paksa: Pagsusuri kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Punan ng tamang pangatnig ang bawat patlang sa pangungusap.
1. Para makatipid sa kuryente, patayin ang ilaw _____ hindi naman
kailangan.
2. Pipiliin ko ang Pangulo ______ Pangalawang Pangulo na maging panauhing
tagapagsalita.

Pagbasa ng salita: (Integration: Araling Panlipunan)


LPA PAGASA
Opinyon Katotohanan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Pagganyak: (Relevance)
Suriin ang mga larawang ipinakita. Ano ang ipinahihiwatig nito? Sumangguni sa Modyul ng
Filipino IV.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Paglalahad)


- Pagganyak na tanong: (Participation)
Handa ba ang inyong pamayanan sa kalamidad? Paano mo nasabi? Sumangguni sa
Modyul ng Filipino IV. (Integration: Science)

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto (Repitition)


- Pagbabasa ng editorial sa aklat
- Pagsasagot sa mga tanong/pagtatalakay

Ano-anong pangngusap sa binasang editorial ang katotohanan? Opinyon? Sumangguni sa


Modyul ng Filipino IV.

E. Paglalapat (Feedback)

Sa inyong kwaderno sa Filipino, gumawa ng isang maikling “dialogue” na nagpapahayag ng


katotohanan at opinyong pangyayari sa paaralan o sa kanilang pamayanan.

F. Pagtataya: (Transference)
Isulat ang K kung ang pahayag ay Katotohanan at O kung ang pahayag ay Opinyon.
Sumangguni sa Modyul ng Filipino IV.
1. Ang Brgy. San Juan ay malapit sa dagat kay karamihan sa mga
naninirahan ay mangingisda.
2. Higit na sa maganda ang babaeng may mapulang pisngi at
mahabang buhok.
3. Si Bb. Capistrano ang bagong District Supervisor ng Distrito ng
Barotac Viejo.
4. Pinakamasarap na keyk ang yari sa tsokolate.

H. Takdang Aralin

Magbasa ng mga artikulo sa pahayagan at making ng mga balita sa radyo. Batay sa mga
nabasa at napakinggan, itala ang mga impormasyon na sa palagay mo ay batay sa katotohanan o opinyon
lamang ng may akda sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

JOSIE T. BALANO
Teacher III
Filipino Teacher

You might also like