You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
District of Barotac Viejo
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL (116081)

Banghay Aralin sa Filipino VI


I.Layunin
Nasusuri ang pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-Kathang Isip na teksto. (Fiction at Non-Fiction)

II. Nilalaman
Pagsusuri ng pagkakaiba ng Kathang Isip at Di-Kathang Isip na teksto. (Fiction at Non-Fiction) F6-PB-IVc-e22

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Pagbasa ng mga salita
 Piksyon
 Kathang Isip
 Di-Kathang Isip
 Di-Piksyon

b. Batay sa mga pamagat ng mga seleksiyong nakatala sa ibaba, isulat ang K kung makatotohanan ang
ipinapahiwatig at DK kung di makatotohanan.

1. Talambuhay ni Heneral Martin T. Delgado


2. Ang Sirena sa Ilog.
3. Hangin tubig na may lason. (Editoryal)
4. Mulawin
5. Alamat ng Makahiya
6. Darna
7. Ang aking Talaarawan
8. Pope Benedict XVI ang Unang Papa ng Milenyo
9. Encantadia
10. Kagamitang medical ng mga sundalo, iayos (Editoryal)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Paglalahad
1. Ano ang masasabi mo sa mga pamagat ng kuwentong iyong binasa? Sa iyong palagay, totoo kaya itong
nangyayari? Kung ang sagot mo ay hindi, tama ka. Ito ay Kathang Isip o imahinasyon ng may akda na inilahad sa
paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay babasahing piksyon.

2. Isang araw, nagkita sina Pagong at Matsing malapit sa bahay na pinaghahandaan ng salu-salo. “Ano ba ang
ginagawa mo?” tanong ni Matsing. Nagbabantay ako ng pinakuluang tubig para pampaligo ng aking inay para siya ay
pumuti. “Gusto ko yan!” dagdag ni Matsing sabay lundag sa kumukulong tubig.
 Ano sa palagay ninyo ang pangyayaring ito?
 Ito ba ay totoo o kathang isip lamang?

3. Isang paparating na super bagyo ang inaasahang sasalanta sa tiritoryo ng bansa. Ito ay may lakas na humigit
kumulang sa 190 kilometro bawat oras. Ang lahat ay binabalaang maghanda. (Integrasyon: Science)
 Ano ang iyong masasabi sa tekstong ito? Ito ba ay totoo o kathang isip lamang?

C. Paglalahat (Integrasyon: English)


Ano ang pagkakaiba ng Kathang Isip sa Di-Kathang Isip?

D. Paglalapat
A. Kilalanin kung ang sumusunod ay piksyon o di piksyon. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Alamat
________2. Balita
________3. Kuwentong Bayan
________4. Sanaysay
________5. Pabula
________6. Epiko
________7. Nobela
________8. Talambuhay
________9. Anekdota
________10. Parabula

B. Basahin at unawain nang mabuti ang teksto. Suriin kung ang nilalaman nito ay Kathang Isip o Di-Kathang
Isip.

Hilumin ang Inang Kalikasan (Lathalain)

Pagpuputol ng mga puno, pagsunog sa kagubatan, pagtapon ng mga basura at kemikal sa ilog at mga usok na
nanggaling sa pabrika at sasakyan—ilan lamang ang mga ito sa mga karaniwang ginagawa ng mga tao na siya naming
dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kalikasan nang hindi natin namamalayan. Ang simpleng gawaing ito ay lingid
sa ating kaalaman na mayroon palang napakalaking epekto sa atin.
Naitanong ba natin sa ating sarili kung bakit nagkakaroon ng bagyo, lindol at iba pang kalamidad na siyang
naging dahilan ng pagkawasak ng ating kabuhayan, pagkasira ng ating mga naipundang ari-arian at pagkitil ng buhay
ng ilan sa ating mga kababayan? Ang lahat ng ito ay dulot ng kapabayaan natin sa atin kalikasan.
Ang mga gawaing ito ay malamang makadudulot sa atin ng pansamantalang yaman dahil ito ang
makapagbigay sa atin ng pera para sa pang araw-araw na buhay. Ngunit dapat nating isaalang-alang ang kapakanan
ng lahat. Paano na ang mga susunod na henerasyon? Makakalanghap pa kaya sila ng sariwang hangin?
Makakapaglaro pa ba sila sa malinis na ilog? Alam natin ang kasagutan sa mga tanong na ito kaya gampanan natin an
gating tungkulin.

Simulant na natin ang isang pagbabago na makatutulong sa atin na makaiwas sa kapahamakan. Buksan natin
an gating puso’t isipan at sabay-sabay nating pangalagaan at mahalin ang kapaligiran. Halina’t makibahagi at sagipin
natin ang Inang Kalikasan!

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa tekstong iyong nabasa? Ito ba ay kathang isip? Bakit?
2. Ano-ano ang mga imporamasyong nagsasaad ng katotohanan batay sa paksang tinalakay sa teksto?

IV. Pagtataya

Panuto: Suriin kung kathang isip o di-kathang isip ang mga sumusunod na teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Nagwawalis si Lita ng bakuran nang marinig niya ang mahinang tawag. Paglingon niya, nakita niya ang isang
duwende na nakaupo sa malaking kabuti.
2. Noong unang panahon, sa isang maliit na nayon sa Samar ay may mag-asawang dinapuan ng karamdaman. Hindi
nagtagal sila’y napatay. Naiwan ang kanilang sanggol na lalaki sa matandang dalagang kapatid ng lalaki.
3. Kaagad na hinubad ni Leo ang kaniyang pantalon at T-shirt at biglang lumangoy papunta kay Nestor. Hinila niya
si Nestor sa dalampasigan at binigyan ng artificial respiration.
4. Itinaas ng kaniyang ninang na engkantada ang baston. Sa isang iglap ang kalabasa ay naging ginituang kurawahe.
5. Lumakas ng patiyad si Nena at sa pintuan ng likod-bahay nagdaan. Mabilis siyang lumakad palayo ng bahay. Sa
kalalakad ay inabot siya ng dilim sa daan.

Inihanda ni:

JOSIE T. BALANO
Teacher III

You might also like