You are on page 1of 34

KARAHASAN

SA PAARALAN
Ang paaralan ang
itinuturing na pangalawang
tahanan ng maraming mga
mag-aaral. Katulad ng
kaligtasan at kapanatagan na
mayroon sa tahanan ay
inaasahan din na makakamtan
ito sa paaralan.
Karaniwang kaalaman sa lahat na
ang paaralan ay isang institusyon
para sa pagtuturo sa mga mag-aaral
sa ilalim ng paggabay ng isang
guro. Ngunit mas malalim pa rito
mailalarawan ang paaralan bilang
isa sa institusyon na humahasa sa
isang indibidwal sa
pakikipagkapwa.
Dito mas naging malawak ang
mundong ginagalawan ng isang bata
labas sa kanilang tahanan at dito
nagsisimulang makitungo ang isang
bata sa mga taong hindi niya kadugo o
kamag-anak. Kaya nga natalakay sa
nagdaang mga aralin ang kahalagahan
ng paghahanda ng pamilya sa mga bata
sa pakikipagkapwa.
Ngunit marami nang binabago ang
panahon at hindi nakaligtas dito ang
kalagayan ng mga paaralan sa ating bansa.
Sa mga nagdaang panahon, maririnig at
mapanonood ang balita tungkol sa mga
karahasan na nangyayari sa paaralan.
Nakalulungkot na ang lugar na dating
sagrado dahil dito dumadaloy ang
karunungan at katuwiran ay nababahiran na
ng karahasan.
Ano-ano nga ba ang
mga karahasan na
maaaring nagaganap
sa paaralan?
Ang ilan sa mga pangunahing kategorya ng karahasan sa
paaralan ay
pambubulas o bullying,
labanan,
pag-aaway o pagsasakitan sa loob man o sa labas ng
paaralan,
pagdadala ng droga,
sexual harassment,
vandalism,
pagnanakaw,
pagdadala ng mga nakasasakit na bagay at marami
pang iba.
Ang Pambubulas
O
Bullying
Ang pambubulas o bullying ay
isang sinasadya at madalas na
malisyosong pagtatangka ng isang
tao o pangkat na saktan ang
katawan o isipan ng isa o mahigit
pang biktima sa paaralan. Ito ay
nagaganap dahil sa hindi pantay na
kapangyarihan o lakas sa pagitan
ng mga tao.
Ang mga batang nambubulas ay
ginagamit ang kaniyang
kapangyarihan, na nakahihigit sa
kaniyang binubulas – pisikal na
lakas, pagkakaroon ng kaalaman sa
mga nakahihiyang impormasyon
tungkol sa binubulas o kaya naman
ay popularidad – upang kontrolin o
magdulot ng panganib sa kapwa.
Matatawag lamang na
pambubulas kung ito
ay isasagawa ng
paulit-ulit o may
potensyal na maulit
sa takdang panahon.
Ang pambubulas ay
hindi palaging marahas.
Sa katunayan, mas
malalim ang sugat na
iniiwan ng pambubulas
na hindi marahas.
Uri ng
Pambubulas
1. Pasalitang Pambubulas.
Pagsasalita o pagsusulat ng
masasamang salita laban sa isang
tao. Kasama rito ang
pangangantyaw, pangungutya,
panunukso, panlalait, pang-aasar,
paninigaw, pagmumura, pang-
iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa
harap ng maraming tao, at iba pa.
Sa nabanggit na pag-aaral ng
PLAN Philippines, ang
pangungutya at panunukso ang
pinakapangunahin sa nararanasan
ng mga mag-aaral sa paaralan.
Kahit sa maagang yugto ng pag-
aaral ng mga bata sa paaralan ay
nararanasan na nila ang kutyain at
tuksuhin bunga ng iba-ibang
2. Sosyal o Relasyonal
na Pambubulas. Ito ay
may layuning sirain ang
reputasyon at ang
pakikipag-ugnayan sa
ibang tao.
Kasama rito ang hindi pagtanggap
sa isang tao o sadyang pang-iiwan
sa kaniya sa maraming
pagkakataon, panghihikayat sa
ibang mag-aaral na huwag
makipagkaibigan sa isang
partikular na indibidwal o pangkat,
pagkakalat ng tsismis, pagpapahiya
sa isang tao sa gitna ng nakararami
3. Pisikal na
Pambubulas. Ito ay ang
pisikal na pananakit sa
isang indibidwal o
pangkat at paninira ng
kaniyang mga pag-aari.
Kasama rito ang panununtok,
paninipa, pananampal,
pangungurot, o ang biglang pag-alis
ng upuan habang nakatalikod upang
matumba ang nakaupo. Kabilang
din dito ang pagkuha at pagsira sa
gamit o pagpapakita ng hindi
magagandang sensyas ng kamay.
Profile ng mga
Karakter sa Pambubulas
Ang Nambubulas

1. Mas malamang na napalaki ng isang


pamilyang napabayaan na gawin ang lahat ng
kaniyang gustong gawin at hindi
napaaalalahanan lalo na sa mga hindi tamang
nagagawa.
2. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang
pagmamahal
3. Hindi napalago ang komunikasyon at ugnayan
sa loob ng pamilya
Ang Nambubulas

4. Ginamitan ng pananakit bilang


pagdisiplina
5. Nakita ang pagiging marahas ng
magulang na magdudulot ng
pagkakaroon ng damdamin ng poot sa
kapwa at malaon ay makaramdam ng
kasiyahan sa pananakit sa iba
Ito ang lumalabas na pasimula sa
pagkakaroon ng kakayahan ng isang
mambubulas na makapanakit ng
kanilang kapwa. Ang isang
mambubulas ay may pagkiling sa mga
gawaing masama at nakasasakit ng
kapwa at makikita ang kanilang
malabis na pagnanais na mangibabaw
(dominance) sa lahat.
Ginagamit nila ang
pangingibabaw na ito upang
maisakatuparan ang kanilang
mga ninanais, napasusunod nila
ang mga batang mas mahina sa
kanila. Nakalulugod sa kanila
ang maramdaman ang kanilang
kapangyarihan at kakayahang
kontrolin ang ibang tao.
Ang Binubulas

1. Kaibahang Pisikal (physically different). Ang mga


halimbawa nito ay ang maaaring pakakaroon ng
kapansanan sa katawan, masyadong mataba o payat,
mahina o astigin, masyadong matangkad o bansot, at
iba pa.
2. Kakaibang Istilo ng Pananamit (dresses up
differently). Halimbawa, kung ikaw ay
babae,maaaring magiging target ka nila kung
masyadong maiksi o bulgar ka sa iyong pananamit, o
di kaya masyado namang mahaba o balot ang
katawan o konserbatibo ka kung manamit.
Ang Binubulas

3. Oryentasyong sekswal (sexual orientation). Lapitin


ka ng mga mambubulas kung nakikitaan ka nila ng
pagiging mahina bilang isang lalaki o di kaya sa
pagiging astigin mo bilang isang babae.

4. Madaling mapikon (short-tempered). Matutuwa ang


isang nambubulas kung makikitang kagyat ang galit na
ipakikita kapag tinutukso o kinukutya. Alam nilang
nakaaapekto ang kanilang ginagawa kung kaya
matutuwa silang ito ay ulit-uliting gawin.
Ang Binubulas

5. Balisa at di panatag sa sarili (anxious and


insecure). Ang kawalan ng seguridad sa sarili ay
isang palatandaan ng kahinaan. Madali itong
nakikita ng mga nambubulas.

6. Mababa ang tingin sa sarili (low self-


esteem). Maging ang kawalan ng tiwala ay isang
napakagandang indikasyon na magiging madali
para sa isang mambubulas na maipakita ang
kaniyang nakahihigit na kapangyarihan.
Ang Binubulas

7. Tahimik at lumalayo sa
nakararami (quiet and withdrawn).
8. Wala kang kakayahang
ipagtanggol ang sarili (inability to
defend oneself) laban sa kanila.
Mga Epekto
ng Pambubulas
1. May mga pag-aaral na
makapagpapatunay na ang mga biktima
ng pambubulas ay may posibilidad na
magkaroon ng labis na pagkabalisa,
kalungkutan, suliranin sa pagtulog
(sleep difficulties), mababang tiwala sa
sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at
pangkalahatang tensiyon kumpara sa
mga kabataan na hindi nagiging
biktima ng pambubulas.
2. Ang biktima ng pambubulas ay
madalas na kakaunti ang kaibigan o
maaaring walang kaibigan. Dahil sa
kanilang labis na pagiging balisa at
sa kanilang mababang pagtingin sa
kanilang sarili, masyadong mahirap
para sa kanila ang humanap at
magkaroon ng kaibigan.
3. Isa pa sa posibleng epekto sa
biktima ng pambubulas ay ang
posibiliad na sila mismo ay maging
marahas, maaaring sa panahon ng
pambubulas o sa hinaharap. Ang
karahasan na ito ay maaaring nilang
gawin sa kanilang sarili, sa paaralan
o maaaring sa taong nambubulas sa
kanila.
Maaaring makagawa sila ng
mas marahas na bagay lalo
pa at naging malabis ang
sakit na kanilang naranasan
mula sa mga nambubulas.
Sila ay napipilitang gumanti
at makapanakit.

You might also like