You are on page 1of 1

SARSUWELA

KAHULUGAN

Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang
kabanata. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at
kontemporaryong isyu.

PINAGMULAN

Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong
dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at
patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o
nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la
Zarzuela ng Espanya.

Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo
ang mga diyalogong ginagamit dito — "patula" at "pasalita". Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng
mga pangunahing tauhan, bukod ito sa nilagyan ng komposition na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang
diyalogo ay yaong ginamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang
mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya'y tragikomedya.
Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan sa damdamin, lalo na sa pag-ibig
kayâ nagiging "soap operatic".

HALIMBAWA NG AKDA

Bagama't ipinakilala ito noong panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak noong panahon ng
himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring "Lola Basyang" sa
kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang kahapon, Ngayon at bukas, Juan Abad sa
kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisosmo Soto sa kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa
kanyang Patria Amanda; At iba pa.

ELEMENTO

Mga Elemento ng Sarsuwela

1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng
diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.


Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging
tanghalan din.

4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura
ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.

6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo
nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.

PAKSA/LAYUNIN

Ang layunin ng suursuwela ay mag bigay aliw sa mga manonood, mag pakita ng tunay na pangyayari sa buhay
ng tao o lipunan, masasalamin ang ating kultura o paniniwala, mag pahayag ng mga damdaming nakapaloob sa
mga dula o sursuwela at Magkital ng ARAL o MENSAHE sa mga na nonood.

Isa naman sa dahilan ng panghina o kawalan ng sikat o pagkilala ng sarsuwela ay ang bodabil o stage show.
Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyari kung kayâ
sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.

You might also like