Professional Documents
Culture Documents
Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong 1-5 kabanata, at nagpapakita ng mga
sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pagibig at kontemporaryong isyu. Patula at
pasalitang diyalogo ang ginagamit dito. Nilalagyan ito ng komposisyon na maaaring awitin bilang bahagi ng
pagtatanghal. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin, at may
paksang mitolohikal at kabayanihan hinggil sa mga kuwento ng pag-ibig at suliraning pampamilya, at
tinatampukan ng mga awit at sayaw.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang zarzuela ay mula sa salitang Espanyol. Ang Sarswela ay isang anyo ng dulang musical na unang umunlad sa
Espanya noong ika-17 siglo. HInango sa opera ng Italya. Ang sarswela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung
ihahalintulad natin sa Sarsuwela ang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang
linya sa sarsuwela ay kinakanta at patula ang diyalogo nito. Idinala ito sa Pilipinas ni Alejandro Cubero noong
1880. Kasama ni Elisea Raguer, itinatag nila ang “Teatro Fernandez”, ang unang grupo ng mga Pilipinong
sarsuwelista sa Pilipinas. May ulat na ipinakilala at kinagiliwan ang zarzuela sa Filipinas sa pamamagitan ng
dulang Jugar con fuego (Maglaro ng Apoy) na itinanghal ng grupo ni Dario Cespedes sa Maynila noong mga
taong 1879 at 1880. Sa mga sumunod na taon, marami pang mga grupo ang dumating sa bansa na nagdulot ng
inspirasyon sa mga Pilipino upang gumawa ng sarili nilang orihinal na sarswela sa wikan. Tagalog, Pampango,
Ilokano, Cebuano, Ilongo at Waray.
Ang An Pagtabang ni San Miguel ang unang sarsuwela sa Waray, na may iskrip at musika ni Norberto
Romualdez.
Ang Ing Managpe naman ni Mariano Proceso Pabalan Byron ang unang sarsuwela sa pampanga.
Nang buksan ang Teatro Zorrilla noong 1893, itinuring na itong tahanan ng mga zarzuela; bagama’t itinanghal ang
mga zarzuela sa iba’t ibang panig ng bansa.
Namulaklak ang sarswela noong panahon ng mga Amerikano. Namayani ang mga pangalan nina: Severino Reyes,
Hermogenes Ilagan, Juan Abad, Juan Crisostomo Sotto, Aurelio
Tolentino, at ilan pang mga magagaling na manunulat.
Lubos itong kinagigiliwan ng mga Pilipino dahil tayo ay likas na mahilig sa awit at sayaw. Dahil dito, sumikat si
Atang Dela rama at itinaguriang “Reyna ng Sarswela” ng Pilipinas. Nakagiliwan ito ng mga edukado’t
mariwasang nasuya na sa komedya at naghahanap ng bagong aliwan. Naging pagkakataon ang naturalisasyon ng
zarzuela tungo sa sarsuwela upang itanghal ang pangyayaring higit na tungkol nagaganap sa kasalukuyan sa
lipunang Filipino. Isinulat sa Kapampangan ang unang sarsuwela. Ang maikling dulang “R.I.P.” ni Severino
Reyes, na ipinalabas noong 1902 at tumutudyo tungkol sa dapat na ilibing na bangkay ng komedya, ang hudyat ng
lubos na pananaig ng sarsuwela bilang bagong pambansang teatro.