You are on page 1of 32

MAGANDANG HAPON

SA INYONG LAHAT!!!
DULA/PATANGHAL
MGA LAYUNIN
◼ 1. Nagagamit
ang kasanayan sa mahusay na
pagbabasa ng iba’t ibang akda ng dula.
◼ 2. Nakikilala at natatalakay ang kahulugan ng dula,
sangkap, elemento at mga uri ng dula.
◼ 3. Nahuhubog ang kaalaman at kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsagot ng mga pagsubok sa bawat
liksyon.
AYON KAY WILLIAM SHAKESPEARE

“Ang Mundo
ay isang
teatro…”
I. DULA / PATANGHAL
◼ Ito ay nahahango sa salitang Griyego na “drama” na
nangangahulugang gawin o ikilos.
◼ Ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas
sa tanghalan.
◼ Ang dula ay isang uri ng panitikan . Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa
entablado o tanghalan. Ang tagpo sa dula ay paglabas-masok sa
tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga
mandudula, dramatist o dramaturgo.
ANG DULA AYON KAY
◼ Ayon sa Panitikang Filipino ni Arrogante (1961), ang Patanghal na anyo ay
ipinalalabas sa tanghalan o isinasadula
◼ Ayon kay Aristotle ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
◼ Ayon kay Rubel ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento.
◼ Ayon kay Sauco ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ngnkilos ng katawan,
dayalogo at iba pang aspekto nito.
◼ Ayon kay Schiller at Madame De Staele ito ay isang uri ng akdang may
malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.
KAHALAGAHAN NG DULA
◼ Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang
itinatanghal ay hango sa totoong buhay.
◼ Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay
gaya ng mga tao at mga suliranin.
◼ Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga
tao sa particular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.
3 SANGKAP NG DULA :
◼ 1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan at sulyap sa
suliranin.
◼ a. Tagpuan – ang panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad.
◼ b. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigaybuhay sa dula.
◼ c. Sulyap sa Sulirannin – pagpapakilala sa problema ng
kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng
tauhan na sarili niyang likha o gawa.
2. GITNA - MATATAGPUAN ANG NA KASIGLAHAN,
TUNGGALIAN AT KASUKDULAN.
◼ a. Saglit na Kasiglaan – ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng
mga tauhan sa suliraning nararanasan.
◼ b. Tunggalian – maaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaring magkaroon
ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian.
◼ c. Kasukdulan – sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan.
Dito pinakamantindi at pinakamabugso ang damdamin o ang
pinakakasukdulan ng tunggalian.
3. WAKAS - MATATAGPUAN NAMAN DITO ANG
KAKALASAN AT ANG KALUTASAN.

◼ a. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa


kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian.
◼ b. Kalutasan – dito nawawaksi at natatapos ang
mga suliranin at tunggalian sa dula.
MGA ELEMENTO NG DULA
◼ Iskrip o Banghay
◼ Gumaganap o actor/ Karakter
◼ Dayalogo
◼ Tanghalan
◼ Tagadirehe o Direktor
◼ Manonood
◼ Tema
MGA ELEMENTO NG DULA
◼ Iskrip o Banghay – ito ang pinakaluluwa ng isang dula.
Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
◼ Aktor o Karakter – ang nagsisilbing tauhan ng dula at
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
◼ Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga actor na
siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon.
MGA ELEMENTO NG DULA
◼ Tanghalan – ang anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula
◼ Tagadirehe o director – Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura sa tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
◼ Manonood – saksi sa isang pagtatangha. Hindi maituturing na dula
ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang
tao
◼ Tema – ito ang pinakapaksa ng isang dula.
BAHAGI NG DULA
◼ Yugto (Act) – Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang
pinakabanatang paghahati sa dula.
◼ Tanghal – eksena (Scene) – Ang bumubuo sa isang yugto. Ito
ay maaaring magbadya ng pababago ng tagpuan ayon sa kung
saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
◼ Tagpo (Frame) – ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung
sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.
HALIMBAWA NG TULANG DULA
◼ A. Komedya – isang tulang dula na ang layunin ay pukawin ang kawilihan ng
mga manonood walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay lagging
nagtatagumpay.
◼ B. Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical, kasama
ang opera, magkahalo naman ang lungkot at saya at kung minsan ay eksaherado
ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong
madala ang damdamin ng mga manonood nang sila ay maawa o mapaluha sa
nararanasan ng bida.
◼ C. Trahedya – isang uri ng dula na nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng
pangunahing tauhan.
◼ D. Parsa – isang uri ng dulang patulad na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa puro tawanan at walang saysay ang kwento,
at ang mga aksyon ay puro “ salapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at
maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
◼ E. Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o ng mga
tao sa isang pook.
◼ F. Parodya – ang dula ay mapanudyo, ginagya ang ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at
pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na
katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
◼ G. Proberyo – Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain,
ang kwento ay pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.
ANG MGA UNANG DULA
◼ Ang mga matatawag na tunay na uri ng dula ay
nagsimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga
Amerikano. Bagaman may mga palabas-dulaan nang
napanood at pinaglibangan ang mga mamamayan sa
katagalugan bago sumapit ang panahong ito, ang mga
tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng
pinakamalalim na pangarap ng isang bansa.
A. ANG DUPLO AT KARAGATAN
◼ Karagatan – ang nilalaman ay tungkol sa isang
singsing na sadyang inihulog ng prinsesa sa dagat sa
hangarin niyang mapangasawa ang kasintahang
mahirap.
◼ Duplo – ay larong patula. May isang gumaganap na
hari, na nag-uutos at naglalapat ng parusa may
tauhang belyako at belyaka.
B. ANG MGA DULANG PANRELIHIYON
◼ Senakulo – ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari
hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako
siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang
tekstong apokripa.
◼ Panunuluyan – ay isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino
na nagtatanghal ng masalimuot napaglalakbay nina Santo Jose at
Birheng Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem upang
maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo.
◼ Tibag – ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan
ng ikalawang pandaigdigang digmaan. Ito ay itinaguyod ng
mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng
mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon.
◼ Moro-moro – ay ginaganap sa isang entabladong tulad din ng
senakulo. Dalawang pangkat ang naghahanap, ang mga
Kristyano at moro. Ang banghay ay karaniwang tungkol sa
isang prinsesang di-binyagang sinusuyo ng isang prinsipeng
Kristyano.
ANG MGA DULA BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
◼ Karilyo – ang ibang mga dula bago dumating ang mga Kastila ay
ibinatay sa mga puppet show o Karilyo ng mga taga Java katulad ng
Wayang Orang at Wayang Purwa. Ang mga palabas na ito ay
ginaganap ng mga tauhang kumakatawan sa mga tao at pinakikilos sa
pamamagitan ng mga alambre, panali at iba pa.
◼ Pagtatalong Patula – ang iba pang dula noong panahon yaon ay may
pagkakahawig sa dulang pangkasalukuyan ng mga Muslim na kung
tawagin ay bayok o embayoka. Ito ay ginagampanan ng isang babae na
binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas.
◼ Gawain 1 para sa Final
◼ Manood ng isang dula sa T.V. (Kahit anong uri ng DULA) na nagtuturo ng magandang
asal. Isusulat ang sumusunod:

◼ 1. Pamagat

◼ 2. Anong liksyon o aral ang natutunan sa dula

◼ 3. Inyong repleksyon tungkol sa dulang napanood


NOBELA
◼Ang nobela o kathambuhay ay
mahabang salaysayin na hango sa tunay
na pangyayari sa buhay ng tao na
nahahati sa mga kabanata at nagtataglay
ng maraming tagpuan at tauhan at
sumasaklaw sa mahabang panahon.
◼ 1. Nobela ng pangyayari – sa nobelang ito ay
binibigyan ng diin ang mga pangyayari.
◼ 2. Nobela ng tauhan – binibigyan ng diin ang katauhan
ng pangunahing tauhan. Binibigyan din ng pansin ang
pangangailangan at hangarinng mga tauhan.
◼ 3. Nobela ng romansa – binibigyang-pansin sa
nobelang ito ang pag-iibigan o romansa.
◼ 4. Nobela ng pagbabago – ang binibigyang diin sa nobelang ito ay mga layunin ng may-akda
o mga ninanais na pagbabago sa pamahalaan at lipunan gaya ng Noli Me Tangere at El
Felibusteresmo ni Dr. Jose P. Rizal.
◼ 5. Nobela sa kasaysayan – ang uri ng nobelang ito ay pawang mga panyayaring may
kaugnayan sa kasaysayan ng bayan. Naglalarawan ito ng mga pagmamahal at pakikipaglabang
ginawa ng ating mga bayani para sa miniithing kalayaan ng Inang Bayan.
◼ 6. Nobela ng layunin – ang nobelang ito ay nagbibigay-diin sa mga layunin at simulating
mahalaga sa buhay ng tao.
◼ 7. Nobelang masining – ito ay nobelang may mahusay na pagkakahanay at pagkakatalakay ng
mga pangyayari. Taglay rin nito ang mahusay na paglalarawan ng pagkatao ng mga tauhan.
 
KASAYSAYAN NG NOBELA
◼ Ang ipinalagay na kauna-unahang nobelang nasulat at napalimbag sa
Pilipinas ay ang Barlaan at Josaphat. Ito ay isang pagsasalin sa
Tagalog ni Padre de Borja mula sa orihinal na wikang Greyigo na
akda ni San Juan Damaceno. Isinalin din ito sa Ilokano ni Padre
Agustin Mejia. Ang nobelang ito ay hinago sa kwento sa Bibliya.
◼ Nene at Neneng – nailimbag noong 1904 na isinulat ni Valeriano
Hernandez Peña.
◼ Salawahang Pag-ibig – isinulat ni Lope K. Santos noong1900 at
nalathala sa pahayagang “Ang Kaliwanagan”.
PANAHON NG PROPAGANDA

◼ Ang paghahangad ng mga propagandista na kinabibilangan nina Jose


Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena at iba na
magkaroon ng panatay-pantay na karapatan ang mga Pilipino at
Kastila sa Ilalim ng batas, kalayaan sa pamamahayag at iba pang
hinaing na humuhingi ng pagbabago ay di napagbigyan ng
pamahalaang Kastila. Bunga nito ay sumulat si Jose Rizal ng
dalawang nobela ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo dito
inilahad ni Rizal ang mga hinaing ng sambayanan sa lumalalang sakit
ng lipunan.
PANAHON NG AMERIKANO
◼ Nagsimulang lumabas ang mga nobelang Tagalog noong
1900. Unang nabasa ang nobelang “Salawahang Pag-ibig”
isinulat ni Lope K. Santos noong1900 at nalathala sa
pahayagang “Ang Kaliwanagan”. Nasundan pa ito ng
nobelang Unang Bulaklak isinulat ni Valeriano Hernandez
Peña at Pagsintang Naluoy isinulat ni Modesto Santiago at Si
Rosa at si Valerio isinulat nman ni Valeriano Hernandez
Peña noong 1901.
PANAHON NG HAPON HANGGANG
KASALUKUYAN
◼ Walang gaanong nasulat na nobela noong panahon
dahil sa kakapusan ng papel. Ilan sa nobela ay nalathala
sa linguhang Liwayway. Ilan sa mga nobela ay
nalathala sa lingguhang Liwayway. Ang nobelang “
Tatlong Maria” ni jose Esperanza Cruz ng panahong ito
ay isinapelikula
IBA PANG NOBELA AT MAY AKDA:
◼ 1. Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago
◼ 2. Magandang Silangan ni Gervacio Santiago
◼ 3. Lumubog ang Bituin ni Isidro Zanaga Castillo
◼ 4. Pamela ni Adriano Laudico
◼ 5. Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
◼ 6. Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
◼ 7. Daluyong ni Lazaro Francisco nalathala sa Liwayway noong 1962
◼ 8. Igorota sa Baguio ni Fausto Galauran
◼ 9. Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
◼ 10. Mga Halik sa Alabok ni Dominador Mirasol
GAWAD PALANCA SA NOBELA
◼ Idinagdag na isa pang kategorya sa pagbibigay ng
gantimpalang salapi ay ang larangan ng pagsulat ng
nobela noong 1979-1980. Nakamit ni Lualhati Bautista
dela Cruz ang halagang 25,000.00 sa kanyang nobelang
Gapo at ang Pilipino sa Mundo ng mga Amerikanong
Kulay Brown.
IBA PANG NOBELANG NAGKAMIT NG GATIMPALA SA PALANCA:

◼ 1980-1981 - Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig ni Reynaldo Duque


◼ 1981-1982 - Tutubi! Tutubi! Huwag Kang Magpapahuli sa Mamang
Salbahe ni Jun Cruz Reyes
◼ 1982-1983 – Dekada 70 ni Lualhati Bautisata dela Cruz
◼ Ficcion ni Edel Garcellano
◼ 1984 – Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul ni Tony Perez
◼ Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista

You might also like