You are on page 1of 19

Sarsuwela

 Isang anyo ng
dulang musikal na
unang umunlad sa
España noong ika-17
siglo.
 Binubuo ito ng mga
pagsasalaysay na
sinamahan ng mga
sayaw at tugtugin at may
paksang mitolohikal at
kabayanihan.
 Hinango ang taguring
Sarsuwela sa
maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na
malapit sa Madrid,
España.
 Sa Pilipinas, dinala
ito ni Alejandro
Cubero noong 1880
kasama ni Elisea
Raguer.
 Ang sarsuwela bagamat
ipinakilala noong
panahon ng Español ay
namulaklak noong
Panahon ng Himagsikan
at ng Amerikano.
Mga Elemento
ng Sarsuwela
1. Iskrip – Ito ang
pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang
iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang
mga aktor o gumaganap ang
magbibigaybuhay sa iskrip.
Sila ang bumibigkas ng
diyalogo, at nagpapakita ng
iba’t ibang damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na
pinagpasyahang pantanghalan ng
isang dula ay tinatawag na
tanghalan. Maaaring hindi lamang
entablado ang tanghalan ang
daan, sa loob ng siid-aralan, at iba
pa ay nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang
direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nagpapasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang
nagpapahalaga sa dula. Sila ang
pumapalakpak sa galing at
husay ng nagtatanghal.
Pinanonood nila nang may
pagpapahalaga ang bawat
tagpo , yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang
eksena ay ang paglabas-
masok sa tanghalan ng mga
tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang
pagpapalit ng tagpuan.
Severino Reyes
Mas kilala bilang
Lola Basyang at
itinuturing na Ama ng
Sarsuwela.
Isa siyang mahusay
na direktor at
manunulat ng dula.
Nang itinatag ang Liwayway
noong 1923, si Reyes ang naging
unang patnugot nito. Siya rin ay
nagsilbing pangulo ng Aklatang
Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw
at Panitik, kapwa mga samahan
ng mga manunulat.
Si Reyes ay naging kilala sa
mga kuwentong isinulat niya
tungkol kay Lola Basyang.
Nagsimula ang Lola Basyang
noong siya ay naging punong-
patnugot sa Liwayway.
Unang nailathala ang
kuwento ni Lola Basyang
sa Liwayway noong 1925.
Siya ay nakasulat ng 26 na
Sarsuwela.

You might also like