You are on page 1of 3

Filipino 8

Week 4 (January 25- 29, 2021)


Paksa: Sarswela

Intro

1. Ang podcast na ito ay hatid sa inyo ng Punta Integrated School

2. Music – Light hearted beat B

3. 2nd quarter Episode 2

4. Pagtanggap sa mga tagapakinig (mag-aaral at mga magulang) at kamustahan.

Body

5. Para sa episode na ito pag-uusapan natin ang Sarswela

a. Ano ang sarswela?

b. Paano ito nagsimula sa ating panitikan?

6. Ano ang sarswela?

7. Ang sarswela ay isang dulang musikal.

8. Isa itong pagtatanghal na may pag-arte, may pag-awit, may musika at meron ding

pagsayaw.

9. Tinatawag rin itong zarzeule, dulang inawitan, drama-lirico at operetta.

10. Kung napanood niyo ang ‘Ang Huling El Bimbo –The Musical’ last year’, ganon ang

sarwela.

11. Paano nagsimula ang sarswela sa ating panitikan?

12. Nagsimula ito sa Espanya noong ika-17 siglo.

13. Ang pangalang sarswela ay galing sa pangalan ng isang palasyo na malapit sa Madrid,

Spain na may pangalang La Zarzuela.


14. Noong 1880 (panahon pa ng kastila), dinala ito sa Pilipinas ni Alejandro Cubero at

Elisea Roguer.

15. Pero sumikat ito sa panahon na ng mga Amerikano kung saan itinanghal ang

sarswelang isinulat ni Severino Reyes na ‘Walang Sugat’.

16. Malamang na naantig ang mga Pilipino sa sarswelang ito dahil meron itong temang

pagkamakabayan.

17. Tamang tama noon ang timing dahil noong itinanghal ito noong 1902, panahon ng

pananakop ng mga Amerikano.

18. Kaya naman maraming sarswela ang tinangkilik ng mga Filipino mula non.

19. Nandiyan ang ‘Dalagang Bukid’ na isinulat ni Hermogenes Ilagan

20. Ang Tanikalang Ginto ni Juan K Abad.

21. Anak ng Katipunan ni Juan Crisostomo Sotto

22. at marami pang iba.

23. Trivia: Alam niyo ba na si Lola Basyang ay isa palang lalaki?

24. Pen name rin kasi ni Severino Reyes ang pangalang Lola Basyang na lumabas sa

magasing Liwayway noong 1925.

25. Minsan naimbitahan ang pamilya nila Severino sa bahay ng pamilya Zamora sa Quiapo,

Manila.

26. Dito niya nakilala si Tandang Basyang o si Gervacia Guzman de Zamora.

27. Sa isang bahagi kasi ng bahay, nakukumpulan ang mga bata habang giliw na giliw sa

pakikinig kay Tandang Basyang.

28. Dito nagkaroon ng inspirasyon si Severino Reyes sa kaniyang pagsulat.

29. Mula noong 1925, nakapaglathala ang magasing Liwayway na may mga akda na ‘Mga

Kwento ni Lola Basyang’.

30. 400 kwento ang naisulat ni Severino Reyes sa pangalang Lola Basyang.
Outro

31. Bago tayo magtapos, gusto ko lang ishout out sila Gheian Sadang, Joylen Polangi at

Pauleen Trinidad ng Grade 8 Narra.

32. Congrats dahil sila ay nakatanggap ng Academic excellence award para sa 1st quarter.

33. Gayundin sa iba pang grade 8 na nakatanggap ng mga award. Tuloy-tuloy lang.

34. Dito na tayo nagtatapos.

35. Ako si Sir Anthony mula dito sa aking kinauupuan, hanggang sa muli, paalam.

36. Music: Light hearted A

You might also like