You are on page 1of 38

Father Saturnino Urios University

Arts and Sciences Program

Ang panitikan sa panahon NG bagong


lipunan at kontemporaryo
GE 116: Panitikang Filipino

RYAN V. BALOLOT, MAPF


HUMANITIES DIVISION
rvbalolot@urios.edu.ph
Sulyap sa kasaysayan

2
Sulyap sa kasaysayan

▰ Ang kaguluhan ay pinalitan ng disiplina sa


panahon ng bagong lipunan.
▰ Nanumbalik sa panahong ito ang katahimikan
nang di na kinakailangang baguhin ang
pamahalaan.
▰ Sa loob ng higit na limang taon naging matatag
ang Bagong Lipunan sa mga Panloob at
Panlabas na suliranin ng bansa
3
Sulyap sa kasaysayan

▰ Dahil sa pagwawalang-bahala ng pamahalaan


sa mga karaingan ng bayan, ang mga kabataan
ay naghimagsik at sila’y nagsagawa ng mga
rally at demonstrasyon sa mga lansangan na
sinamahan pa ng ibang pangkat na naghangad
ibagsak ang pamahalaan.
▰ Dahil sa mga kaguluhang nagaganap ibinaba ni
Pangulong Marcos ang Batas Militar at
ipinalaganap ang diwa ng Bagong Lipunan. 4
Sulyap sa kasaysayan

▰ Nagkaroon pagbabagong-isip ang mga


mamamayan at sila’y nagsikap na muling
makabangon sa kahirapan sa pamumuno ng
pangulo at ng unang Ginang Imelda Marcos.
▰ Sa panahong ito, naging paksa ng mga kuwento
ang tungkol sa mga simulain at programa ng
Bagong Lipunan; bukod sa paksang tungkol sa
pagbabalik-nayon at pagbabalik-bayan ng mga
Pilipinong nasa ibang bansa 5
Sulyap sa kasaysayan

▰ Ang mga nasulat na akda ay may pagmamalaki


sa pagka-Pilipino, diwang makabansa, disiplina
at kamulatan sa pamamagitang panlipunan
para sa kaunlarang panlahat.

6
A. Panulaan at awiting pilipino

▰ Ang mga tula at awitin sa panahong ito ay angking mabisang


tagahubog ng kalinangan ng bansa.
▰ Kabilang sa mga tula at awit sa panahong ito ang:
1. “Supling” – Ruth Mabanglo
2. “Isang Munting Alamat” – Imee Marcos
3. “Anak” – Fredie Aguilar
4. “Kapaligiran” - Florante
7
A. Panulaan at awiting
pilipino

8
A. Panulaan at awiting pilipino

▰ Ang awiting “T.L. Ako sa ‘Yo” ng pangkat


Cinderella ay nagbago sa takbo ng kasaysayan
at naging bantog ang awiting ito sa tawag na
Himig-Maynila kahit na gumamit ng mga
salitang balbal ay tinanggap naman ng mga
tao.

9
A. Panulaan at awiting pilipino

RUTH ELYNIA MABANGLO


▰ Siya ang pasimuno sa kanyang henerasyon
sa matapang na paghahawan ng landas
para sa peministang panulaan. Mga
Parangal: Makata ng Taon (1992) para sa
kanyang tulang “Gahasa”, “Mga Liham ni
Pinay” (1990); Centennial Literary Awards
(1998);
10
A. Panulaan at awiting pilipino

RUTH ELYNIA MABANGLO


▰ Palanca Award para sa kanyang mga
naisulat na dula tulad ng “Si Jesus at
Magdalena” (unang gantimpala, 1972);
“Awiyao” (pangatlong gantimpala, 1980);
tatlong yugtong dula – “Mga Abong
Pangarap” (1983) at “Mga Puntod” (1983).

11
A. Panulaan at awiting pilipino

RUTH ELYNIA MABANGLO


▰ Nagtrabaho din siya sa diyaryong Taliba at
Abante. Nakapagturo siya sa University of
the East (UE), Manuel Luis Quezon
University (MLQU), Phil. Normal University
(PNU), De La Salle University (DLSU) at
University of Hawaii, Manoa.

12
B. Maikling kuwento

13
B. Maikling kuwento

▰ Naging paksa ng mga kuwento ang tungkol sa


mga simulain at programa ng Bagong Lipunan;
bukod sa pagbabalik-nayon at pagbabalik-
bayan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.

14
c. nobela

15
c. nobela

▰ Sa panahong ito naging lantaran ang


pagtuligsa ng mga taong-bayan sa mga
kabulukan ng nagaganap sa ating lipunan.
Ginamit ng mga novelist ang nobela upang
ipahayag ang maigting nilang pamumuna sa
kasalukuyang kalagayan ng bansa.

16
c. nobela

1. Madilim ang Langit sa Bayan ko Jose Mercedes (1970)

2. Mga Buwaya sa Lipunan Celso Al Carunungan


3. Satanas sa Lupa Celso Al Carunungan (1971)
4. Mangluhod sa Katihan Fausto Galauran at Gervacio
Santiago (1971)
5. Bata, Bata, Paano Ka Ginawa Lualhati Bautista
6. Gapo Lualhati Bautista
7. Sakada Lualhati Bautista (1976)
8. Dekada ‘70 Lualhati Bautista
9. Bulaklak ng City Jail Lualhati Bautista (1984)
17
c. Nobela - Manunulat

FAUSTO GALAURAN
▰ Siya’y ipinangak sa Kalookan, Rizal noong 1904.
Siya’y nagtapos ng medisina. Naging kasapi siya
ng Samahan ng mga manunulat na “Ilaw at
Panitik” at “Akademya ng Wikang Pilipino.”
Nagtamo siya ng gantimpala sa timpalak sa
nobela ng Liwayway noong 1937 sa obra maestra
niyang “Lihim ng Kumpisalan” na naisapelikula
rin. 18
c. Nobela - Manunulat

FAUSTO GALAURAN\
▰ Ilan sa mga nobelang naisulat niya ang
sumusunod; “Ang Anak sa Ligaw”, “Sa
Harap ng Diyos”, “Ang Anak ng Kriminal”,
“Bulaklak ng Bayan”, at “Wala Kang
Kapantay”
▰ Tinaguriang “Ama ng Nobela at Maikling
Kathang Tagalog ng Liwayway”
19
c. Nobela - Manunulat

GERVACIO SANTIAGO
▰ Siya’y isinilang sa Quiapo, Maynila noong 1909.
Naging kasapi siya ng “12 Panitik”. Nabigyan
ng parangal ng Liwayway ang kanyang
kuwentong “Leonor Dalisay”. Siya’y naging
aktibong manunulat sa lahat ng lingguhan at
buwanang mga babasahin sa Maynila.
Napabilang siya sa “50 Batikang Kuwentista”
dahil sa kanyang kuwentong “Hinakdal”. 20
c. Nobela - Manunulat

LUALHATI BAUTISTA
▰ Siya’y isa sa mga batikan at kilalang
feministang manunulat ng maikling kuwento,
nobela at iskrip sa pelikula. Ang kanyang mga
akda ay madalas nakapokus sa isyu ng mga
kababaihan. Ang unang pelikula na kanyang
sinulat ay ang “Sakada” na tumatalakay sa
kalagayan ng mga pesante sa Negros.
21
c. Nobela - Manunulat

LUALHATI BAUTISTA
▰ Sinulat naman niya noong 1984 ang pelikulang
“Bulaklak ng City Jail”. Ito’y tungkol sa mga
babaeng nasa kulungan na mula sa kanyang
sinulat na nobela. Umani ng mga parangal ang
screenplay ng pelikulang ito tulad ng Film
Academy of the Philippines, Metro Manila Film
Festival at Philippine Movie Press Club.
22
c. Nobela - Manunulat

LUALHATI BAUTISTA
▰ Siya rin ang sumulat ng iba pang kilala at
hinahangaang pelikula gaya ng “Maricris Sison
Story”, “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?”,
“Dekada ‘70, “Nena”, at “Gusto Ko Nang
Lumigaya.” Marami na rin siyang napanalunang
pangunahing timpalak sa pagsusulat at
kabilang na rito ang Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature. 23
d. dula, telebisyon at
pelikula

24
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Malaki ang naitulong ng panahong ito sa muling


pagbangon at pagpapasigla ng dulang Pilipino.
Naging aktibo muli ang mga mandudula sa mga
paglalabas ng mga sinaunang dula gaya ng
sarswela, senakulo at Embayoka ng mga Muslim sa
binagong Metropolitan Theater (MET), at sa Folk Arts
Theater (FAT), at Cultural Center of the Phillippines
(CCP) na kapwa ipinatayo ng dating Unang Ginang
Imelda Marcos.
25
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Ilan sa mga nangunang Samahan na nakilala sa


pagtatanghal ng mga dula ay ang sumusunod:
a. Philippine Educational Theater Association (PETA)
ni Cecille Guidote at Lino Brocka
b. Repertory Philippines nina Zenaida Amador at
Rebecca Godines
c. UP Repertory ni Behn Cervantes
d. Teatro Filipino ni Rolando S. Tinio
26
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Patuloy pa rin pumaimbulong ang interes ng


mga mamayang Pilipino sa pakikinig ng mga
dulang radyu at panonood ng mga dulang
pantelebisyon at pampelikula bilang
pampalipas-oras o pangunahing libangan.

27
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Sa panahong ito, nahumaling ang tao sa


pakikinig ng dulang: Ito ang Palad ko, Mr.
Lonely, Si Matar, at panood sa dulang
pantelebisyon gaya ng Gulong ng Palad, Flor de
Luna, Anna Liza, Makulay na Daigdig ni Nora,
Buhay Artista, at iba pa.

28
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Inilusad din sa panahong ito ang taunang pista


ng mga pelikulang Pilipino tuwing buwan ng
Disyembre sa pamamagitan ng Metro Manila
Film Festival. Ang mga pelikula ay ipinalalabas
sa mga sinehan sa Kamaynilaan at mga karatig
lalawigan.

29
d. dula, telebisyon at pelikula

▰ Lumabas din ang iba’t ibang organisayong


nagbibigay parangal sa mga mahuhusay na
pelikula at artistang Pilipino gaya ng Urian
Awards, Film Academy of the Ohils (FAP),
FAMAS, Catholic Mass Media Awards (CMMA),
at iba pa.

30
d. dula, telebisyon at pelikula

Ilan sa mga natampok at pinarangalan na pelikula sa panahong ito ay::


1. Maynila… Sa mga Kuko ng Sinulat ni Edgardo Reyes at tinampukan nina
Liwanag Bembol Roco, Hilda Koronel, Tommy Abuel
sa direksyon ni Lino Brocka

2. Ganito Kamo Noon, Paano Pinangunahan nina Christopher De Leon at


Kayo Ngayon Gloria Diaz
3. Tatlong Taong Walang Pinagunahan nina Christopher De Leon at
Diyos Bembol Roco
4. Minsa’y Isang Gamugamo Tinampukan ni Nora Aunor

5. Insiang Pinangunahan ni Hilda Koronel at nabigyan


ng parangal sa Cannes Film Festival sa
Pransya
31
Kontemporaryong
panahon

32
Kontemporaryong panahon

▰ Nagkaroon ng makulay ang panunuring


pampanitikan
▰ Lumabas ang mga mananaliksik at kritiko
▰ Nalathala ang mga aklat na pag-aaral sa iba’t
ibang panitikang panrehiyon (bernakular)
▰ Ang mga tula ay nagpapahayag ng walang
atubiling damdamin ng makata
33
Kontemporaryong panahon

▰ Tinatangkilik ang mga pahayagang


nagpapahayag ng katotohanan tulad ng
Philippine Daily Inquirer, Malaya Forum, at
Manila Times.
▰ Naganap ang Lakas ng Bayan o “People’s
Power” mula Pebrero 21-25 noong 1986.
Nagkaroon ng pagbabago sa kalagayan ng
ating bansa hanggang sa kasalukuyan.
34
Kontemporaryong panahon

▰ Ang mga manunulat sa panahong ito ay nagkaroon ng


kalayaang magpahayag ng kanilang naiisip at damdamin.
Malaya na nilang tinalakay ang masasama at mabubuting
sitwasyon sa pamahalaan at sa lipunan, ang umiiral na
kahirapan ng buhay ng mga mamamayan, ang sitwasyon
ng ekonomiya, edukasyon, kultura at politika sa bansa, at
ng mga iba pang paksang tunay na naglalawaran sa
kasalukuyang kaganapan sa ating bansa.
35
Kontemporaryong panahon

▰ Sa kasalukuyan, napakalaganap na ng
tinatawag na panitikang popular. Nasa anyo ito
ng mga pelikula, komiks, mga programang
pantelebisyon (telenobela, sitcom, dula, at iba
pa.) Marami ring lathalain, sanaysay, maikling
kuwento, at tula ang nalilimbag sa mga
magasin, diyaryong pampaaralan, at iba pa.

36
Sanggunian:

▰ Godfrey G. Montera, Avita A. Perez, at De


Guzman, Nestor C. 2009. Panitikang Filipino.
Quezon City: ALPS Publication.

37
Maraming salamat!

38

You might also like