You are on page 1of 20

Father Saturnino Urios University

Arts and Sciences Program

Batayang Kaalaman Sa
Pag-aaral ng Panitikan
GE 116: Panitikang Filipino

STEPHANIE F. EBARAT
Faculty, Humanities Division
sfebarat@urios.edu.ph
2
Paunang Gawain
Akrostik

2
4
5
6
Source: ANG PANITIKANG
PILIPINO – PART1. Kate Zabala.
Retrieved August 2021 from
https://www.youtube.com/watch
?v=D8ChL7ZYD_g&t=46s

7
Mga Tanong at Sagot
Tungkol sa Panitikan

2
“ Ang panitikan ng bawat lahi ay
nakaugat sa kulturang
pinanggalingan nito. Ito ay
salamin ng nakaraan, ng
kasalukuyan at ng hinaharap ng
isang bansa o lahi”.

9
Ano ang Panitikan?

▰ Ang panitikan ay katumbas ng “literatura” sa wikang Kastila at


“literature” sa wikang Ingles. Ito ay mula sa salitang Latin na “litera” na
ang ibig sabihin ay “letra” o “titik” (Mateo, 1996).

▰ Ayon naman kay Webster, ang panitikan ay Katipunan ng mga akdang


nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at
kawalang-maliw.

▰ Ayon naman kay Ponciano b. P. Pineda, ang panitikan at Katipunan ng


magaganda, marangal, masisining at madamdaming kaisipang
magpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.

10
Iba pang Konsepto ng
Panitikan
• Ang panitikan ay buhay.

• Ang panitikan ay ang kahapon, ngayon at hinaharap ng bansa.

• Ang panitikan ay impukan-kuhanan ng kultura.

• Ang panitikan ay sining.

• Ang panitikan ay lumilinang ng damdaming makabayan o


nasyonalismo.
11
Ano ang etimolohikal na
katuturan ng Panitikan?

pang + titik + an

pan + titik + an

panitikan

12
Ano ang etimolohikal na
katuturan ng Panitikan?

13
Ano-anong paksa ang tinatalakay sa Panitikan?

• Karanasan ng sumulat
Halimbawa
• Kalikasan o kapaligiran
• Gawain ng tao
• Pook na tirahan • Ang pinakakomprehensibong panitikan na
• Panahon nagawa ng tao ay ang Bibliya. Ang
• Klima kasaysayan ng sangkatauhan simula kina
• Lipunan Adan at Eba hanggang sa modernong
• Pulitika panahon ay nakatala sa nasabing
• Edukasyon babasahin (Tamidles, 2001).
• Relihiyon
• Mga suliranin ng tao
• Relasyon ng tao sa isa’t isa
• Kabihasnan
• Teknolohiya
• Mga pangyayari o kaganapan 14
Ano ang pagkakaugnay ng panitikan sa
kasaysayan?

Nagtataglay ng
mga ulat ukol sa
mga nagaganap
sa isang lahi at
mga naiisip na
Panitikan dakila at Kasaysayan
marangal ng
lahing ito (San
Juan, et al,
2005).

15
BAKIT ANG PANITIKAN AY SALAMIN NG
KULTURA ALINMANG BANSA?

16
Ano-ano ang mga layunin kung bakit pag-aaralan
ng mga Pilipino ang kanilang sariling panitikan?

a. Mababatid natin na tayo ay may sariling kalinangan o kultura


na maipagmamalaki sa ibang lahi sa daigdig at malaman at
ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.

b. Maipaalam sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng kanyang


pagiging Pilipino kundi man ay mas malalim nating
pagpapadama.

17
Ano-ano ang mga layunin kung bakit pag-aaralan
ng mga Pilipino ang kanilang sariling panitikan?

c. Magsisilbing gabay upang tayo’y mahubog na maging isang


taong may damdaming marangal, makatao at kahali-halina.

d. Makita at masuri ang magaganda at mahuhusay na mga


isinulat na akda, ang mga kamalian at kapintasan ng ating
panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.

e. Mamulat ang ating kamalayan at sensibilidad at matamo ang


magandang saloobin at pagpapahalaga sa kagalingang hatid
ng panitikan (Sauco, et al; 2004).

18
Sources:

• Montera, Godfrey G. et al. 2009. Panitikang Filipino.


Quezon City: Alps Publications.
• https://www.youtube.com/watch?v=D8ChL7ZYD_g&t=
46s

19
20

You might also like