You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

PHILIPPINE STATE COLLEGE OF AERONAUTICS


INSTITUTE OF LIBERAL ARTS AND SCIENCES
Piccio Garden, Villamor, Pasay City

KULTURANG
POPULAR NG
PILIPINAS
MODYUL NG PAGKATUTO

Larawan: https://www.pngitem.com/middle/TRTwTTb_clipart-
philippines-vector-png-transparent-png/

Inihanda ni:

LUIGI REGINALD B. RESOLES


Guro ng Agham Panlipunan
MODYUL 3
PANITIKAN SA PILIPINAS
Itinakdang Oras: Anim (6) na Oras
Ikapito hanggang Ikawalong Linggo

Layunin ng Pagkatuto:

• Makilala ang maikling kasaysayan ng katutubong panitikang Pilipino bago pa


pumasok ang Kanluraning mananakop.
• Makilala ang mga bantog na Pilipinong manunulat sa larangan ng panitikang
Pilipino mula noon at hanggang ngayon.

Layunin sa Paksa ng Pagkatuto:

• Matukoy ang pangunahing kahulugan, uri, anyo, at mga klase ng mga akda
at/o tuluyan.
• Makilala ang lahat ng mga Pilipinong manunulat ng tula, salaysay, kwento,
noblela at iba pang uri ng ng panitikan na nabigay ambag at naghulma sa
ating kultura at sining pampanitikan.

Talaan ng mga Nilalaman Pahina Bilang ng Oras

Layunin 2 10 minuto

Panimula 3 30 minuto

Kahulugan ng Panitikang Pilipino 4 45 minuto

Pag-uuri ng Panitikan 5-6 45 minuto

Halimbawa ng Panitikan 6-7 50 minuto

Pangunahing Pilipinong Manunulat 7-10 40 minuto

Panitikan sa Panahon ng mga Milenyal 11 20 minuto


Mga Gawain
• Gawain 1 12 60 minuto
• Gawain 2 13 60 minuto
Mga Sanggunian

2
Panimula
Sinipi mula sa mga piling akda

Ang mga tao noong unang panahon ay lumikha ng mga kagamitan para sa
pagbilang at pagsulat upang matulungan sila sa pagkalkula at makapagproseso
ng datos. Subalit, ang mga kgamitamg ito ay hindi sapat upang makatulong sa
kanila na makabilang at makasulat ng tamang-tama. Kaya't sila ay patuloy na
naghanap ng lalong mabuti, mabilis at higit na wastong paraan sa paggawa ng
kompyutasyon.
Isa sa pinakamalaking likha ng tao ay kompyuter. Ang kompyuter ang
nagpakita ng katibayan at impluwensya sa lahat ng aspeto sa makabagong
lipunan. Hindi maikakaila na ang kompyuter ang nakapagpabago ng pag-iisip ng
bawat tao. Ang kompyuter ay napakahalaga sa larangan ng kalakalan at ito ay
may pangunahing ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan.
Ang mga mananaliksik ay binigyang pansin ang kanilang pag-aaral ng
panitikang Filipino.
Sa panimula ng edukasyon sa Pilipinas, ang Panitikan ay laging nakasama
sa kurikulum ng paaralan. Bagamat ang empasis sa pampanitikan karanasan ng
mga kabataan sa paaralan ay nagbabago sa bawat panahon, ang pangunahing
gawain sa panitikan ay mahalagang sangkap sa edukasyon na mananatili.
Mayroong panlunas na kahalagahan ang panitikan na nararapat na
kilalanin. Ang panitikan ang nagbibigay ng madamdaming emosyon sa pagbasa sa
panulat ng ibang tao. Maraming tao ang nagagawang maiplano ang sarili para
makatanggap ng tulong para sa kanilang problema. Narito sila upang
maunawaan ang makataong kalikasan para matulungan ang problema na hindi
naman naiiba.
Maaaring mawala ang mga yamang materyal at ang pagiging makabayan,
subalit hindi ang panitikan. Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng
isang bansa at bawat bansa sa buong mundo.
Ang mga mananaliksik ay nagpasya na gumawa ng interaktibo na
kaparaanan sa iba't-ibang panitikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng
internet. Ang pag-aaral nito ay naglalayon na makilala ng gumagamit ng iba't
ibang panitikang Filipino kabilang ang mga parabula, bugtong, dula, salawikain,
pabula, alamat, sanaysay, maikling kwento, atbp. Ang mga mananaliksik ang
nagbibigay sa gumagamit ng madaling paraan at makakuha ng impormasyon sa
paggamit ng internet.
Ang makabagong teknolohiya ang nanguna at higit na nakaimpluwensya sa
buhay ng mga tao ngayon. Ang pagkokompyuter ng maraming gawain ay naging
pangangailangan sa halos lahat ng larangan sa buong mundo para maabot ang
mga kailangan ng mabilis sa paglago ng ating lipunan. Sa pamamagitan ng
"World Wide Web", na kinikilala na pinanggagalingan ng impormasyon sa
pangaraw-araw na makabagong lipunan.
Inaasahan, na ang pag-aaral na ito ay magiging instrumento sa mga
mambabasa lalung-lalo na sa mga Filipino na ipinagmamalaki ang kanilang
kultura at pinagmulan.

3
Kahulugan ng Panitikang Pilipino
Sinipi at isinalin mula sa mga piling akda

Nilalarawan ng panitikan ang ating lipunan at panlahing pagkakakilanlan.


Ang ating kaugalian ay mababakas sa ating mga kwentong bayan, alamat, epiko,
kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at sinaunang dula. Ayon sa
mga mananakop na dayuhan, ang ating mga ninuno ay mayaman sa mga
katitikan na nagbibigay ng kasiyahan at nagtatampok sa kalinangan at kultura ng
ating lahi. Ang mga ito ay gumamit ng kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat
ng punungkahoy bilang mga sulatan habang ang ginamit nilang mga panulat ay
matutulis na kahoy, bato o bakal.

Ang balagtasan ay
isang pamamaraan ng
pagpapamalas ng
kakayahan at
kaalaman sa
panitikang Pilipino.
(Larawan mula sa
Pamahalaang
Panlalawigan ng
Bulacan)

Iba’t iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa


panitikan. Ayon kay Arrogante (1983), ito ay talaan ng buhay sapagkat dito
naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Samantala, ayon naman kay Salazar (1995), ang panitikan ay siyang lakas
na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga
diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang
yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na
makapangyarihan. Maari itong gumahis o kaya’y magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa
isang banda, maituturing ang panitikan na isang kakaibang karanasan. Ito ay
naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guniguning likhang-isip
lamang. Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad ng paningin, pandinig,
pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-iisip
at maging ang kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating nahihimbing
na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang
ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at
damdamin (Villafuerte, 2000). Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at
mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan.
Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan.

4
Pag-uuri ng Panitikan
Sinipi mula sa mga piling akda

May dalawang paraan ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at


ang ayon sa kaanyuan.
 Ayon sa Paghahalin
May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa
paghahalin. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.

Ayon sa
Kahulugan
Paghahalin
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula
sa dila at bibig ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang
mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang
nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang
nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan
Pasalindila
ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-
ulit nilang pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa
kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at pagbigkas
ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa
susunod na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.
Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga
ninuno ng pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang
Pasalinsulat kanilang panitikan. Naganap ito noong matutunan nila ang
sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang
baybayin at mga katulad nito.
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o
pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang
elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga
halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto,
Pasalintroniko
plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat
na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa
papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na), at ang
kompyuter.

 Ayon sa Kaanyuan
Ang panitikang nahahati ayon sa kaanyuan ay nahahati pa sa tatlong uri.
Ito ang patula, patuluyan at patanghal.

Ayon sa
Kahulugan
Kaanyuan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya
lamang ng sa pang-araw-araw na paglalahad ang takbo ng
pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga talata o
talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.
Patuluyan
Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento,
sanaysay, nobela o kathangbuhay, at kuwentong bayan.
Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat
o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong
katatawanan, at palaisipan.

5
Ayon sa
Kahulugan
Kaanyuan
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may
taludturan. Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang
pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang
pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig.
Subalit mayroon din namang mga panitikang patulang
tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan,
at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong
apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang
paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at
tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga ito:
Patula
• Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at
pangyayaring mahahalaga sa buhay ng tao. Mayroon itong
tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at korido, at ang
balad.
• May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-
bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda.
• May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal:
ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama.
• May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan,
duplo at balagtasan.
Sa panahon natin ngayon ay mga anyong patanghal ay sadya
nang nililikha at pinagsasanayan muna bago itanghal sa mga
lehitomong dulaan o treatro o tanghalan. Maaari itong itanghal
Patanghal na patula ang diyalogo subalit upang maging katotohanan ang
panggagaya sa buhay, karaniwan nang naging anyong
patuluyan ang diyalogo. Maaari ring lagyan ang mga bahagi
nito ng awitan at sayawan tulad ng sarsuwela.

Mga Halimbawa ng Panitikan


Sinipi mula sa mga piling akda

Ayon sa
Kahulugan
Kaanyuan
Ang mitolohiya ay katipunan ng iba't ibang paniniwala at mga
kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. Gaya ng mga Romano
at Griyego, tayo ay may katipunan ng mga ganitong paniniwala
Mitolohiya at kuwento. Marahil, nakatulong nang malaki sa bagay na ito
ang pangyayaring ang ating mga ninuno ay pagano bago
dumating ang mga Kastila. Sila ay naniwala sa maraming
diyos, sa espiritung mabuti o masama.
Ang alamat ay kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong
bayan, at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay. Ito ang karaniwan na pinagkukunan ng kasagutan sa
Alamat mga kababalaghan o mga pangyayaring may kaugnayan sa
kalikasan na hindi matukoy ng agham. Marami tayong mga
alamat, ngunit makabuluhang pag-aaralan ang ilang
naglalarawan sa paniniwala ng ating mga ninuno.

6
Ayon sa
Kahulugan
Kaanyuan
Gaya ng mga alamat, ang mga kuwentong bayan ay mga
kuwentong pasalin-salin sa bibig ng mga taong bayan. Kabilang
dito ang mga kuwentong bayan tungkol kina Mariang Makiling,
Mariang Sinukuan, Juan Tamad, at marami pang iba. Ang mga
Kuwentong kuwentong bayan tungkol sa iisang paksa ay pabagu-bago sa
Bayan iba't ibang pook sapagka't nadaragdagan o nababawasan ang
mga nilalaman nito sa proseso ng pagsasalin. Kung ang
nagkukuwento ay malilimutin, ang kuwentong bayan ay
nababawasan. Kung mayaman naman ang guniguni ng
nagsasalaysay, ang kuwento ay nararagdagan.
Ang pabula ay kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at
nangagsasalitang parang tao, at ang layon ay makapagturo ng
aral sa bumabasa. Kilalang-kilala ang mga pabula ni Aesop, na
Pabula
noong pa mang una ay nakatuklas nang ang tao'y ayaw panga-
ngaralan nang tuwiran, kaya, marahil, dinaan niya ito sa
tulong ng mga pabula.
Karaniwang nanggagaling sa Banal na Kasulatan, ang parabula
ay kuwentong umaakay sa tao sa tuwid na landas ng buhay.
Kabilang na marahil sa mga kinagigiliwang parabula ang mga
Parabula sumusunod: "Ang Mabuting Samaritano", "Ang Publikano at ang
Pariseo", "Ang Manghahasik", at "Ang Lagalag na Anak".
Magkatulad ang layunin ng pabula at parabula, ang magturo ng
aral sa tao, bagaman magkaiba ang pamaraan.
Maiikling kuwento ng mga tunay na karanasan ang anekdota na
kung minsan ay katuwa-tuwa, at kung minsan naman ay "nag-
Anekdota iiwan ng aral". Kadalasan nang kawili-wiling basahin ang mga
anekdota tungkol sa mga bayani, mga dakilang tao, o mga
kilalang tao.
Karaniwang kuwento ang tawag sa mga salaysay na sinulat ng
mga paring Kastila upang magbigay ng halimbawa sa kanilang
mga pangaral gaya ng "Mga Buhok na Nangungusap" at "Sa
Karaniwang
Kagalitan". At karaniwang kuwento rin ang tawag sa mga
Kuwento
zdcfs sumusunod na salaysay na lumabas sa mga pahayagan noong
mga unang taon dito ng mga Amerikano. Kabilang dito ang
mga dagli ni Lope K. Santos sa puhayagang Muling Pagsilang!
Ang nobela ay tumutukoy sa mahabang makathang
pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang
Nobela
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay
may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng
isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod
ng nobela.
Ang balita ay isang uri ang komunikasyon na ang layunin ay
Balita
ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
Ang talumpati ay isang uri ng akdang nagpapahayag ng opinyon
Talumpati o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito
ay ipinapahayag sa ibabaw ng isang establado.

7
Ilang Pangunahing Manunulat na
Pilipino
Sinipi mula sa North Illinois University

Ang Pilipinas ay mayaman at hitik sa kasaysayan, kaya hindi na rin


nakapagtataka na umusbong din dito ang maraming mga tanyag na manunulat.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tanyag na manunulat sa Pilipinas.

Manunulat Maiksing Deskripsyon

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat


siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino
noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng
mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at
kaibigan ang paksa ng mga ito.

Dr. Jose Rizal


Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco
Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang
patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming
dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang
naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng
Panulaang Tagalog si Balagtas.

Francisco Baltazar
Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La
Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot
nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga
lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa
pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino
para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang
sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na
Graciano Lopez nangangahulugang bundat na prayle.
Jaena
Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag
ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang
makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging
patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang
awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa
sa mga maling ginagawa ng mga prayle.

Marcelo H. del
Pilar
Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng
tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik
ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe.
Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating
pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya
nakilala bilang isang manunulat.

Jose Palma

8
Manunulat Maiksing Deskripsyon

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si


Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil
sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng
wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng
Balarila ng Wikang Pambansa.

Lope K. Santos
Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng
Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang
sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-
araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang
kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang
"Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."

Jose Corazon de
Jesus
Si Amado Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya
ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay.
Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya
ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na
kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga
popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at
"Bayang Malay."

Amado Hernandez
Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola
Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama
ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang
sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan
ng mga Katipunero.

Severino Reyes
Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala
bilang kuwentista at nobelista. Ang “The Woman Who Had
Two Navels” ang kanyang pinakamahalagang nobelang
nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino.
Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the
Artist as Filipino.

Nick Joaquin
Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni
Nick Joaquin. Ang “The Bamboo Dancers” ang
pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang
kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na
maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa
panitikan sa bansa.

N.V.M. Gonzalez

9
Manunulat Maiksing Deskripsyon

Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa


Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award
at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon
ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia
Villa's Many Voices.

Jose Garcia Villa


Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong
manunulat. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada
'70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa
kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980,
1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca
Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kuwento:
Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang
gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng
Lualhati Bautista Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang
kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi
bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film
Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.
Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling
Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng
Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng
De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA,
maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow
for Fiction, 1991–1992, ng U.P. Press.

Genoveva Matute
Ang mga nakilalang tula ni Leona Florentino ay Rucrunoy,
(Dedikasyon), Naangaway a Cablaw (Mabuting Pagbati),
Nalpay a Namnama (Naglalahong Pag-asa), Benigna, Para
ken Carmen, Panay Pacada (Paalam), at iba pa. Siya ay
tinagurian bilang “Ina ng Panitikan ng Kababaihan sa
Pilipinas”.

Leona Florentino
Si Magdalena Jalandoni ay isang Pilipinong peministang
manunulat. Tanyag siya sa kanyang mga akda sa wikang
Hiligaynon. Ilan sa kanyang mga akda ay Ang Mga Tunoc
Sang Isa Ca Bulac (Ang Tinik sa Isang Bulaklak) at Ang
Matam-is Kong Pagkabata (Ang Matamis Kong Pagkabata).

Magdalena
Jalandoni

10
Panitikan sa Panahon ng mga
Milenyal
Sinipi at iniangkop mula sa Press Reader

Ang panitikan sa kasalukuyang panahon kung tumatatak man sa mga utak


nating mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan, ay kumakaunti na lamang dahil sa
pag-usbong ng teknolohiya na siyang ginagamit na ring akdang pampanitikan.
Ang mga milenyal ay mas nahuhumaling na sa chat, tweet, Facebook, blog at
marami pang iba. Dahil dito, ang mga makabagong sosyolek katulad ng jejemon
ay umuusbong. Sa panahon ngayon, ang mga gawaing pampanitikan ay
kadalasang nanggagaling ng Amerika o ibang bansa kung kaya
naiimpluwensyahan ang mga gawaing pampanitikan sa Pilipinas.
Dahil sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, nailuluwal ang makabagong
anyo ng panitikan sa pamamagitan ng pagtula at pagkukuwento. Mayroong mga
kuwento na isinusulat at ibinibidyo at inilalagay sa YouTube gaya ng mga gawa
ni Marcelo Santos III na ngayon ay may dalawang libro nang nailimbag dahil sa
milyun-milyong mga nag-subscribe sa kanyang YouTube channel. Nariyan din ang
mga lupon ng maiikling tula na mabilis basahin at ang rap battles na pinabantog
ng FlipTop Battle League bilang makabagong anyo ng balagtasan.

Ang FlipTop Battle,


na marahil ay hindi
para sa lahat, ay
hindi maitatangging
naging bahagi na ng
makabagong anyo ng
panitikan sa
Pilipinas. (Larawan
mula sa LIFTED Asia)

Dahil din sa internet, naging mas malapit o mas accessible ang mga akda,
tula at sulatin ng mga manunulat sa maraming mambabasa, o mga mambabasa
na hawak ang cellphone, o mga mambabasa na kadalasan hindi na kailangan
pang pumunta sa teatro o simbahan, o magbayad para makapanood ng uri ng
panitikan gaya noong araw. May mga kuwento rin galing sa Wattpad na
nailimbag bilang aklat at naisapelikula.
Ang pagiging modernisado ng pamamaraan ng pagpapahayag ng mga
milenyal ngayon sa panitikan ay isang simbolo na buhay at patuloy na
pinagyayaman ang panitikan na pamana sa atin ng ating mga ninuno.

11
MODYUL 3
MGA GAWAIN

Panunumpa ng Katapatan

“Mahigpit na ipinagbabawal ng Institusyon at ng Kolehiyo ang anumang


uri ng pandaraya tulad ng pangongopya sa kaklase o pagkuha ng sagot sa
internet. Ang sinomang mapatunayan na lumabag sa panuntunang ito ay
may karampatang parusa na igagawad, sang-ayon sa mga patakarang
ipinatutupad ng PhilSCA.”

___________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

GAWAIN 1
Panuto: Pumili ng isa sa mga nakalistang paksa sa ibaba. Sumulat ng isang slam
poetry tungkol sa paksang napili. Ang talahanayan sa ibaba ang siyang gagamitin
bilang pamantayan sa pagmamarka.

MGA PAGPIPILIANG PAKSA

1. Pagsubok ng Isang Mag-aaral sa Kolehiyo sa Gitna ng Pandemya

2. Halalan 2022

3. Pagtaguyod sa mga Kilusang Panlipunan

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Layunin Natamong
Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa gawain
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe ng
Konsepto gawain.
Pagkamalikhain Gumamit ng mga angkop at makukulay
na salita upang maipahayag ang konsepto
at mensahe sa gawain.
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
Presentasyon presentasyon.
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa.
5- Mahusay
4- Lubhang Kasiya-siya
3- Kasiya-siya Kabuuang Puntos
2 at 1- Pagbutihin pa

12
GAWAIN 2
Panuto: Sumipi mula sa iyong pinakapaboritong gawang pampanitikan at
magbigay ng maiksing paliwanag sa epekto nito sa iyong personal na buhay.

AKING PABORITONG GAWANG PAMPANITIKAN


(isulat o idikit dito ang napiling gawang pampanitikan)

Maiksing paliwanag:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

13
Mga Sanggunian
Ano Ang Panitikan - Kahulugan ng Panitikan & Mga Halimbawa Nito.
Philippine News. (2019, July 15). Retrieved October 1, 2021, from
https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-
ng-panitikan-mga-halimbawa/.
Google. (2006, February 23). Panitikan. Google. Retrieved October 1,
2021, from
https://groups.google.com/g/google.public.translators/c/MHw1C
Vz5wSc/m/fLADrvFZswIJ?pli=1.
Northern Illinois University. (n.d.). Mga Kilalang Pilipino sa Sining.
Seasite. Retrieved October 1, 2021, from
http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules_in_tagalog/
mga_kilalang_pilipino_sa_sining.htm.
Panitikang Filipino. (n.d.). Retrieved October 1, 2021, from
https://web.archive.org/web/20070510131520/http://jheff6.trip
od.com/milestone/panimula.htm.
Sauco, C. P., Papa, N. P., & Geronimo, J. R. (2004). Panitikan ng
Pilipinas: Panrehiyon. Makati City: Katha Pub.

14

You might also like