You are on page 1of 9

Introduksyon sa Pag-aaral

ng Literatura

Nina:
SUSAN M. TINDUGAN, PhD
JOVERT R. BALUNSAY,PhD
MA. SOFIA M. SOCITO-LLAGUNO, MAFE
JAIME T. AMANTE JR., MAFE
Panimulang Pagsusulit
______5. Nagtanim ako ng dalandan,Sa gitna ng daan,Marami ang naghanap,Iisa ang
nagkapalad ( a. palaisipan b. bugtong c. tugma d. salawikain)

______6. Ito’y mga kuwentong bayan na ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop na
kalimitan ay kapupulutan ng aral. (a nobela b. epiko c. pabula d. elehiya)

______7. Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.
(a Noli Me Tangere b. Kahapon, Ngayon at Bukas c. Doctrina Christiana d) Banaag at
Sikat)

______8. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuro-kuro


o opinyon ng mga akda? (a. sanaysay b. alamat c. nobela d. parabola)

______9. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola
nang hindi man lang nagalaw ang sombrero? ( a. tugma b. bugtong c. palaisipan )

______10. Tiririt ng maya, tiririt ng ibon, Ibig mag-asawa, walang ipalamon ( a.


palaisipan b. kasabihan c. bugtong d. tugma)

III.

Isulat mo sa patlang kung ang anyo ng sumusunod na uri ng literatura ay


kuwentong bayan, tula, talumpati, dula, maikling katha,sanaysay, kasabihan.

1. Ang Panday Kaputol na bakal na galing sa bundok, Sa dila ng apoy, kanyang


pinalambot; Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok At pinagkahugis sa nasa ng loob.
Walang ano-ano’y naging kagamitan, Araro na pala ang bakal na iyan; Ang mga bukiri’y
payapang binungkal, Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.
Anyo:__________________________________

2. Leron Leron Sinta Leron, leron sinta, buko ng papaya Dala-dala’y buslo,
sisidlan ng bunga Pagdating sa dulo, nabali ang sanga Kapus kapalaran, humanap ng
iba. Halika na neneng, tayo’y manampalok Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y lalamba-lambayog Kumapit ka, Neneng, baka ka mahulog. Anyo:
_____________________________________

3. “Ang maitim ang gilagid ay kuripot” at “ang kulot ay salot” ay mga sabi-sabi.
“Ang nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin” at ang “nasa Diyos ang awa nasa tao ang
gawa” ay ano? ________________________________

4. “Ang araw ng katwiran na sumisikat sa Silangan, ay malinaw na itinuturo sa


ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin, ang
liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay
sa atin ng mga ganid na asal”. Anyo:________________________________
5. Kung kailan ko pinatay, saka humaba ang buhay, matangkad kung nakaupo,
mababa kung nakatayo.Anyo:________________________

Liksyon 1.1
Kahulugan ng Literatura
Mga Tiyak na Layunin:

1. Mabigyang-kahulugan ang literatura


2. Makapagbigay ang sariling pagpapakahulugan ng literatura sa pamamagitan
ng akronim
3. Makilala ang mga awtor na nagbigay-kahulugan sa literatura
4. Maipaliwanag ang repleksyon o kalagayang panlipunan ng literatura sa isang
bansa.
Kaibigan, handa ka na ba sa ating unang aralin? Sisimulan
natin ang pagpapayaman sa iyong kaalaman sa pamamagitan
ng pagsagot sa gawain. Sa tulong ng KWHL sheet, bigyan mo
ng hinuha ang pahayag na nasa loob ng kahon. Sagutin muna
ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sagutin naman ang
huling kolum pagkatapos ng liksyon 1.1.

Masasalamin ba sa literatura ang kultura o kalagayang panlipunan ng


isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito?

(K) (W) (H) (L)

KNOW WANT HOW LEARN

Ano ang alam Ano ang nais Paano mo Ano ang iyong
mo na? mong makikita/makukuha natutunan/
malaman? ang nais mong
maunawaan? naunawaan?

ANO NA BA ANG ALAM MO?


Ang Literatura o Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin at
kaisipan ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
lipunan at pamahalaan.

Ito ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng


sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang
aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan, at dahil ito ay
nasusulat, natitiyak ang kawalang-maliw nito (Villafuerte, et al. 2000). Masasabi kung
gayon na ito ang nagsisilbing patnubay upang maintindihan ng mga tao ang katotohanan
sa mundo (Calixihan, ni Asaytuno, 2008).

Ayon naman kina Lorenzo et al. (2001), na ang Literaturang Filipino ang
dahilan kung bakit nagpapatuloy ang buhay sa sandaigdigan. Ang magagandang
pangyayari na nasasalamin dito ay nagsisilbing inspirasyon, nagpapadama ng
damdamin, kaisipan at mga karanasan ng mga mamamayang may kinalaman sa
pagsulong ng kabuhayan tungo sa kaunlaran at pagiging matatag ng isang
bansa.

Sinabi naman nina Arrogante, et al. (2010), na ang bawat bansa ay may
sari-sariling kultura, may sari-sariling identidad na madaling pagkakilanlan ng
bawat isa. Kung natural lamang sa bawat isa ang pagkakaroon ng sariling wika,
natural lamang din na magkaroon ang bawat isa ng sariling panitikan, panitikang
magsasalamin sa tangi at tunay na sariling pagkatao, pagkalahi at pagkabansa.

Sinabi rin ni Lepp (ni Asaytuno 2008), na ang literatura ang nagsisilbing
hugis ng kamalayan ng tao, ng katuwaan at kagandahan upang malirip ang
kahalagahan ng mga karanasan na magbibigay direksyon sa pagtatamo ng tunay
na kahulugan ng buhay at pagkakakilala sa sarili. Ang mga ito ayon sa kanya ang
naghuhubog ng konsensya at pagkatao at nagpapanday ng abilidad upang
baguhin ang anumang estruktura ng lipunan na kanyang kinagisnan.

Gawain 1.1.a : AKRONIMIKS


Ano na ang iyong natutunan tungkol sa literatura? Ano ba ang magagawa
nito sa iyong buhay? Bilaang pagpapahalagang mo sa Literaturang Filipino,
subuking bigyan ng kahulugan ang bawat letra nito. Ipaliwanag din ang ibig
sabihin ng mga salitang iyong ginamit.
L-
I-
T-
E-
R-
A-
T-
U-
R-
A-

PAUNLARIN MO:

Bago pa dumating ang mga Kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno
ay mayaman na sa alamat, kwentong-bayan, epiko, awiting-bayan, mga
karunungang bayan, gaya ng bugtong, salawikain, kasabihan, palaisipan, tugma
at bulong. Mayroon na rin silang dula noon. May sarili na rin silang baybayin o
alpabetong kaiba sa kasalukuyan. Ito ang Alibata- ang abakadang kahawig ng
Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating mga ninuno.
Gawain 1.1.b. GAANO KA NA KAHUSAY?

Tuklasin natin kung kung gaano ka na kahusay. Piliin sa Hanay B.


ang nagsabi ng sumusunod na kahulugan ng literatura.

HANAY A HANAY B

____1. Ang literatura ang nagsisilbing hugis ng a. Arrogante, Jose


kamalayan ng tao, ng katuwaan at kagandahan b. Santiago, Erlinda
upang malirip ang kahalagahan ng mga karanasan
na magbibigay direksyon sa pagtatamo ng tunay
na kahulugan ng buhay at pagkakakilala sa sarili.

____2. Ang bawat bansa ay may sari-sariling c. Lepp


kultura, may sari-sariling identidad na madaling
pagkakilanlan ng bawat isa

____3. Ang Literatura ay pagpapahayag ng d. Villafuerte, Patrocinio


kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng
sangkatauhan na nasusulat sa masining o
malikhaing paraan

____4. Ang Literatura ang nagsisilbing patnubay e. Calixihan


upang maintindihan ng mga tao ang katotohanan
sa mundo

____5. Ang Literaturang Filipino ang dahilan kung f. Lorenzo, Carmelita


bakit nagpapatuloy ang buhay sa sandaigdigan

Gawain 1.1.c. PAGBUO


Kaibigan,
Ang mga tapusin mo ang ay
karunungang-bayan sumusunod
nagsasalin na kaisipan
ng kultura ng upang makabuo
sinaunang Pilipino, ka ng
mahalaga ang pag-aaral nito sapagkat_________________________________________
isang talataan ukol sa araling binasa.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain 1.1.d. TALATANTASYA

Sumulat ng isang tekstong ekspositori tungkol sa paksang:Literatura…….


Salamin ng pagka-Pilipino.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

You might also like