Professional Documents
Culture Documents
TH) 7:30-9:00 AM
Ganito rin ang naging obserbasyon at paliwanag ni Cruz (2003). Aniya, ayon sa
kababawan, ang literatura'y salamin ng buhay. Makikita raw sa literatura ang
kasalimuotan ng buhay. Sa mga likha raw ng literatura mapapag-aralan ang
repleksyon ng katotohanan, dahil makatotohanan daw ang literatura.
A. MGA KARUNUNGANG-BAYAN
SALAWIKAIN
SAWIKAIN
KASABIHAN
BUGTONG
SALAWIKAIN
• Ang Salawikain ay butil ng mga kaisipan na ang layunin ay makapagbigay ng
mabubuting payo hinggil sa kagandahang asal.
• Nagtataglay ang salawikain ng malalim na kahulugan, panuntunan at batas ng
buhay na gumagabay sa tao tungo sa matuwid na pamumuhay.
SAWIKAIN
•Ito'y mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
KASABIHAN
• Itinuturing ding karunungan bayan ang sabihan na ang layon ay mailarawan ang
gawi, kilos at ugali ng tao.
• Binubuo ito ng dalawang taludtud na may tugma at sukat.
BUGTONG
•Ang bugtong ay karaniwang ginagawang laro noon at pampalipas-oras sa mga
tindahan. pondahan, lamayan ng patay at iba pang mga okasyon.
1. ROMANTISISMO
2. EKSISTENSIYALISMO
3. ISTRAKTURALISMO
4. DEKONSTRUKSYON
5. MORALISTIKO
6. HSTORIKAL/SOSYOLOHIKAL
7. ARKTIPAL
8. REALISMO
1. ROMANTISISMO
Umano'y naniniwala ang Romantisimo na ang daigdig ay hindi isang walang
kahulugan kasalimuotan na kaaway ng tao.
2. EKSISTENSIYALISMO
Ito ay hindi teorya kundi paniniwala-paniniwalang hindi tunay ang buhay kung
nakakulong sa sistema ng paniniwala.
3. ISTRAKTURALISMO
Sa pangkalahatang pananaw, iisa ang simulain niti, ang pagpalatunay na ang wika
o lenggwahe ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi
humuhubog din sa kamalayang panlipunan.
4. DEKONSTRUKSYON
Winawasak nito ang kabuuan ng sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang
kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad. (Reyes 1992).
5. MORALISTIKO
Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi
lang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga
katotohanan at mga pampapawing pagpapahalaga.
6. HISTORIKAL / SOSYOLOHIKAL
Hindi ang teksto bilang teksto ang lubusang pinagtutuunan ng pansin kundi ang
kontekstong dito'y nagbibigau diin.
7. ARIKTIPAL
Katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang atensyon nito sa paraan ng
paglikha at ang epekto nito sa mambabasa.
8. REALISMO
Ang teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan
ang teksto at ang manunulat ang akda, na susuriin ang mga masalimuot na
realidad (mga emperikal ng datos) at gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang
akda na sa tingin ay representasyon ng realidad.
KASAYSAYAN NG PILIPINAS
PANAHON NG KASTILA
PANAHON NG HAPONES
Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945 noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kallan nilusob
ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng
kapangyarihan ng Estados Unidos.
1. TULANG PASALAYSAY
2. TULANG LIRIKO/ PANDAMDAMIN
3. TULANG PANDULAAN
4 TULANG PATNIGAN
B. KOMEDYA- Karaniwang nagtatapos ito nang masaya, may tunggalian ang mga
tauhan sa umpisa subalit ito ay nalulunasan din.
IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN
SA IBAT-IBANG PANIG NG DAIGDIG MALAKING IMPLUWENSIYA ANG PANITIKAN
NA MATUTUKOY NA ISA O ILANG TANGING AKDA NA NAGHAHATID NG
IMPLUWENSIYA SA TRADISYON, KULTURA, PAMUMUHAY, PANINIWALA AT
KABIHASNAN NG TAO. ILAN SA MGA ITO ANG MGA SUMUSUNOD;
A. BANAL NA KASULATAN o BIBLIYA- batayan ng pananampalatayang Kristiyano.
B. QUR-AN O KORAN -bibliya ng mga Muslim.
C. illiad at ODDYSEY ni HOMER (GRESYA Kinatutuhan ng mga mitolohiya
atnAlamat.
D. MAHABHARATA (INDYA) tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya.
inakamahabang epiko sa buong daigdig.
E. CANTERBURY TALES NI CHAUCER (INGLATERA) Naglalarawan ng mga
ugaling Ingles at ang kanilang pananampalataya noong unang panahon.
F. UNCLE TOM'S CABIN NI HARRIET BEECHER STOWE Nagbukas sa mga mata
ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
G. DIVINA COMEDIA NI DANTE (Italya) Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong panahon.
H. EL CID COMPEADOR (ESPANYA) Nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-
uugali at kasaysayan.
I. ISANG LIBO AT ISANG GABI Akdang nagmula sa Arabya at Persya.
Naglalarawan ito ng pamahalaan. Kabuhayan at Lipunan ng mga Arabo at
Persyano.
J. AKLAT NG MGA ARAW NI CONFUCIUS (TSINA) Naging batayan ng kalinangan
at pananampalataya ng mga Intsik.
K. AKLAT NG MGA PATAY (EHIPTO) Naglalaman ng mga kulto ni Osiris at
tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya.
L. AWIT NI ROLANDO Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng
Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya.