You are on page 1of 214

1

TSAPTER 1

INTRODUKSYON

Rasyunale

Ang pagbasa ang siyang gintong susi sa daigdig ng kaalaman at kasiyahan. Ito

ang nagsisilbing pambukas sa mundo ng kabatirang ating kinatatayuan at ang

nagsisilbing tulay upang makamit ang inaasahang kasiyahan. Napakahalagang magbasa

sa kadahilanang ito ang nagsisilbing solusyon upang mapalawak ang kaisipan ng bawat

isa. Ito ang pangunahing batayan sa halos lahat ng pang kaisipang karunungan. Ang

pagbabasa pati narin ang pagsusuri ng mga akda ay lubhang kailangan sa pag unlad ng

kaalaman. Lubhang kailangan lalong lalo na sa mga kabataang naging parte na sa

mundong pabago- bago at ang kabataang naging parte sa mga kaganapan sa

kapaligiran. Mas madaling maintindihan at maiangkop ng mga mag-aaral ang kanilang

sarili sa kapaligiran kung sila ay marunong magpalawak at magsuri ng kanilang mga

nabasang akdang pampanitikan lalong- lalo na ang maikling kwento (Suico, 2016).

Ang panitikan ay isang sining, kabilang ito sa kategorya ng mataas na sining. Ang

ating pagkilala at pagpapahalaga sa panitikan ay kasinghalaga ng pagpapahalaga sa

kaugalian at buong pagkatao ng bawat isa. Ang panitikan din ay kasaysayan ng kaluluwa

ng tao at ang pagbasa ng tao ng panitikan, nakikilala, nalalaman at natutukoy nya ang

kanyang pagkatao at ang dahilan ng pamumuhay sa mundo. Hindi lamang bunga ang

panitikan, kundi isa itong pamumuna sa mga pangyayari sa buhay ng tao, ito din ay

paglalarawan ng iba't ibang uri ng buhay. Tinutukoy nito ang bawat pangyayari at ang
2

buhay ng bawat tao, nilalarawan dito kung paano nabubuhay ang isang tao sa mundo at

kung paano nakikilala ng tao ang kanyang sarili (Guiterrez et al., 2016).

Nagbibigay ng interes ng mambabasa ang sulating pampanitikan. Isinasalaysay

kasi nito ang tungkol sa buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at

karanasang kaugnay sa damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,

pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Uri din ito ng panlunas na

tumutulong sa tao upang makapagplano ng mabuti sa sari-sariling mga buhay at upang

matugunan din ang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng pagiging makatao

ng bawat isa. Pinapahalagahan ng panitikan ang bawat pangyayari sa buhay ng tao dahil

tinutukoy nito ang pamumuhay ng bawat isa. Nilalarawan din nito kung paano gumana

ang pakiramdam ng tao at kung paano mamuhay sa gusto nilang paraan, kayat maaaring

mawala o maubos ang kayamanan ng isang tao ngunit di kailan man mawawala at

makakalimutan ang panitikan, kaya ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan

ngayon ang literatura (Sauco et al., 1997).

Ang pag-aaral ng panitikan ay may layuning makagising ng damdamin ng mga

mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay at pati rin para

mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at tuloy maragdagan pa ang

pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsuri nito. Mapapansin na ganoon na lamang

ang pagsusuri sa mga batay na manunulat sa Filipino na nagpapakita ng kahusayan sa

kanilang panitik upang maipamalas ang mga bagay-bagay na pampilipno tulad ng

kanilang mga katutubong ugali, paniniwala, at kabuhayan. Sa pagsusuri ng maikling

kwento matutunghayan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao, sa kanyang mga

tuwa at dalamhati, pag-ibig at kabiguan, pangarap at pag-asa tulad ng isinaad sa winika


3

ni Hen. Azarcas mula sa kanyang aklat na Pilosopiya at Literatura (Monleon, 1970;

Guiterrez, et al., 1996; Azarcas, 1970).

Naglalahad at nagpapahiwatig ang panitikan ng mga damdamin ng tao tungkol sa

mga bagay-bagay sa mundong ating kinamulatan, sa pamumuhay na ating nakasanayan,

sa lipunan, sa kinauukulan at sa kaugnayan ng ating kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang

paraan ng pagpapahayag ay nakaayos at nakadepende sa kanyang iba’t ibang

karanasan at sa lagay ng kanyang damdamin at espiritwal na aspeto na nakabalot ng

pag-ibig o galit, kasiyahan o kalungkutan, pag-asa o pangamba. Karagdagan pa rin ang

may hawig, katuturan ng panitikan sa Panitikang Pilipino na ito ay pahayag na pasalita o

pasulat ng mga Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang

pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. Sa mga nabanggit na

Depinisyon ng Panitikan ay nagbuo ng maraming anyo ng Panitikan na tulad ng Maikling

Kwento na naging sandata sa pagpapahayag at pagpapadama ng kanilang kaisipan at

damdamin tungkol sa kapwa, sa lipunan at sa kapaligiran (Panganiban, et al.,1990).

Kaugnay nito, ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong

magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isang

maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito

pinaikling nobela o buod ng isang nobela. Isang uri ng masining na pagsasalaysay na

maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at

makapangyarihang balangkas na inilalahad ng isang paraang mabilis ang galaw

(Tumangan, et al., 1986).


4

Dagdag pa nito, layunin ng maikling kwento ang magdulot at magbigay ng

kasiyahan at kaaliwan sa pamamagitan ng isang makapangyarihang paglalahad ng

nangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at ito ay mag-iiwan ng aral sa isipan ng

mambabasa. Sa maikling kwento makakikita ang buhay, saloobin, lunggati at kaisipang

Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito. Realistikong pagtatalakay ng mga paksang

totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao. Ang pagsusuri ng maikling kwento ay

hindi lamang may layuning pukawin ang damdamin ng mga mambabasa batay sa

kanilang paniniwala at pananaw sa buhay kundi pati narin mapalawak pa ang

pagkaunawa at kawilihan sa pagsusri nito (Monleon, 1970; Guiterrez, et al., 1996;

Azarcas, 1970).

Sa mga akdang pampanitikan, ang mga manunulat lalong lalo na sa maikling

kwento ay hindi lamang manunulat. Sila din ay maihahalintulad sa isang pintor, arkitekto,

iskultor, mandirigma propeta at iba pa. Sapagkat sila’y nakapagpapakulay ng mga

malikhaing imahinasyon, nakapagbubuo ng kaalaman, nakapagmumulat,

nakapagpapakilos, at nakapagpapayanig. Sila ang nagsisilbing midyum sa pagbuo ng

mga akdang pampanitikan na labis na makakatulong sa mga kaisipang nabuhay sa

kasalukuyan. Ang maikling kwentong Hari Manawari ni German V. Gervacio ang napiling

suriin ng mga manunuri sa papel pananaliksik na ito. Isang napakalaking hamon para sa

mga mununuri sa pag-aaral na ito ang suriin ang maikling kwento sa isa sa mga

pinakasikat na manunulat sa larangan ng panitikan. Ang maikling kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio ay babasahin ng mga manunuri, at susuriin sa

pamamagitan ng pag-aanalisa kung anong teoryang pampanitikan ang maaaring ginamit

sa nasabing kwento. Susuriin kung ito ba ay ginamitan ng teoryang; bayograpikal, queer,


5

historikal, saykolohikal, eksistensyalismo, feminismo-markismo, dekonstraksyon,

arkitaypal, formalismo, at iba pa.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng kasalukuyang pananaliksik ay ang makakalap ng mga teoryang

pampanitikan na gagamitin sa pananaliksik. Pagkatapos ng pangangalap ng mga

teoryang pampanitikan ay gagamitin ito sa pag-aanalisa ng maikling kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng

maikling kwento na lalapatan ng mga teoryang pampanitikan. Layunin ng pag-aaral na

ito ang malalimang pag-aanalisa sa bawat talata ng kwento. Kailangan munang basahin

ng mga mananaliksik ang nasabing maikling kwento at alaming maigi ang nais ipahiwatig

nito nang sa ganon ay malaman ng mga mananaliksik kung anong teoryang pampanitikan

ang maaaring gamitin sa bawat talata ng maikling kwento.

Paglalahad ng Suliranin

Sa bahaging ito, naglalayon na masagot ang sumusunod na katanungan sa

ginawang pananaliksik.

1. Ano-ano ang mga teoryang pampanitikang nakapaloob sa Maikling kwentong

Pinamagatang Hari Manawari ni German V. Gervacio gamit ang iba’t ibang teoryang

pampanitikan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang panitikan ay binubuo ng iba’t ibang uri na maaaring kapupulutan ng aral. Ang

pag-aaral na ito ay maaring makadagdag ng kaalaman gamit ang mga teoryang

pampanitikan.
6

Hangarin ng pananaliksik na ito na tuklasin ang mahalagang aral mula sa Maikling

kwento ni German V. Gervacio na ang Haring Manawari. Inaasahan na ang pananaliksik

na ito ay may malaking maiambag sa mga sumusunod.

Napakahalaga ng pag-aaral na ito sa kadahilanang makapag-aambag ang pag-

aaral na ito sa mga guro na sila ang humuhubog sa mga isipan ng mga mag-aaral para

matuto at makukuha ng dagdag na kaalaman mula sa panitikan. Maaari din nilang ibahagi

ang kanilang kaalaman sa panitikan sa kanilang mga mag-aaral para mapalawak at

mapalago ang kaisipan ng kanilang mga studyante hingil dito. Makatutulong rin at

makapagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral ang pag-aaral na ito upang

mapalawak at madaragdagan ang kanilang kaalaman sa panitikan at para din malaman

nila kung ano ang mga teoryang pampanitikan na dapat gamitin o ang mga

teoryangnakapaloob sa isang kwento na halimbawa ng isang panitikan.

Ang pag-aaral ding ito ay may malaking kontribusyon sa mga mambabasa sa

kadahilanang mapapahalagahan ng mambabasa ang pagkahilig nila sa pagbabasa ng

kwento lalong lalo na sa maikling kwento dahil alam nila na hindi lamang aliw ang dulot

ng kanilang pagbabasa kundi ito rin ay kapupulutan ng aral at dahil dito mapagtanto nila

na hindi lamang mga pangyayari ang ipinapakita sa isang kwenton kundi ito rin ay may

mga nakakubling teoryang pampanitikan na inilapat sa bawat talata na dapat malaman

ng lahat ng mambabasa.

Mahalaga rin ang pag-aaral na Ito sa iba pang mga mananaliksik sa kadahilanang

makapupulutan ito ng aral, ideya at impormasyon ng mga mananaliksik sa hinaharap.

Maaari din nila itong gamiting sanggunian sa kanilang pag-aaral o isang gabay para

magawa ng maayos ang kanilang proyekto.


7

Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng ginawang pag-aaral ang pag-aanalisa ng maikling kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio. Ang maikling kwentong ito ay babasahing maigi at

susuriin sa pamamagitan ng pag-aanalisa kung anong teoryang pampanitikan ang

nakapaloob sa bawat talata. Ang pag-aaral na ito ay may limitasyon dahil hindi ito

nakapokus sa pagsusuri ng mga elemento ng maikling kwentong Hari Manawari kung

hindi nakapokus lamang ito sa pagsusuri kung ano nga ba ang nakapaloob na mga

teoryang pampanitikan sa bawat talata ng nasabing maikling kwento. At hindi saklaw ng

pag-aaral na kumuha pa ng mga partisipante upang interbyuhin at nang sa ganoon ay

makakuha ng mga datos.

Depinisyon ng mga Katawagan

Upang mas maging madali at ganap ang pagkaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginagamit ang bawat termino sa pag-aaral.

Maikling Kwento. Ito ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-

guni ng may-akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na

nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng bumabasa o nakikinig. Iilan lamang ang mga

tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-

sunod nito (Poe, 1935). Sa pag-aaral, ito ay ang akdang pampanitikan na susuriin ng

mga mananaliksik.

Manunulat. Ang sinumang lumilikha ng isang gawang nakasulat, bagaman

ginagamit ang salita sa mga taong malikha o propesyunal na nagsusulat, gayon din ang

mga taong nagsusulat sa iba't ibang mga anyo (Santiago, 2007). Sa pag-aaral tinutukoy
8

dito si German V. Gervacio, isang sikat na manunulat ng maikling kwentong Hari

Manawari.

Teoryang Pampanitikan. Ito ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang

mga paraan sa pag-aaral ng panitikan (Mabait, 2014). Sa pag-aaral, ito ang mga teoryang

gagamitin sa pagsusuri ng maikling kwentong Hari Manawari. Ito ang mga teoryang

ilalapat sa bawat talata ng kwentong susuriin.

Pagsusuri. Ito ay ang pagaanalisa o pagoobserba upang mapag-aralan at

mabigyang kasagutan ang problema. Dito hinihimay ang paksa sa maliliit na bahagi at

maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito. Kalimitan itong ginagamit

sa siyentipikong pamamaraan at pang akademiko.

Organisasyon ng Pag-aaral

Nakaorganisa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na

tsapter upang mas madaling maunawaan at makikita ng mambabasa ang paksang

tinalakay.

Tsapter 1. Inilalahad sa bahaging ito ang kaligiran ng pag-aaral na may kinalaman

sa isinagawang pananaliksik na pinamagatang Pagsusuri ng Maikling Kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio. Matatagpuan din sa bahaging ito ang layunin ng pag-

aaral na kung saan nilalayon nitong mabasa ng maigi ang maikling kwentong Hari

Manawari nang sa ganoon ay maunawaan ng mabuti ang nasabing kwento at masuri

kung anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa bawat talata. Matatagpuan din sa

bahaging ito ang suliranin o katanungan sa pag-aaral na nilalayong masagot ng mga

mananaliksik. Ang katanungan sa pananaliksik na nais mahanapan ng kasagutan ay ang

sumusunod: 1. Ano-ano ang mga teoryang pampanitikan nakapaloob sa Maikling


9

kwentong Pinamagatang Hari Manawari ni German V. Gervacio gamit ang iba’t ibang

teoryang pampanitikan? Dito rin na tsapter matatagpuan ang kahalagahan ng pag-aaral

at ang saklaw at delimitasyon ng pag-aaral. Saklaw lamang ng ginawang pag-aaral ang

pag-aanalisa ng maikling kwentong Hari Manawari ni German V. Gervacio. Nakapokus

lamang ito sa pagsusuri kung anong teoryang pampanitikan ang maiangkop sa bawat

talata ng nasabing maikling kwento. Hindi saklaw ng pag-aaral ang suriin pa ang iba’t

ibang elemento ng maikling kwento at hindi rin saklaw ng pag-aaral ang kumuha pa ng

mga partisipante upang makakuha ng mga datos. Matatagpuan din sa tsapter na ito ang

mga depinisyon ng mga katawagan upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa

ang mga terminong madalas ginamit sa pag-aaral.

Tsapter 2. Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga kaugnay na pag-aaral at

literatura. Nagtulungan ang mga mananaliksik na makakuha ng mga impormasyong

maaaring magamit sa tsapter na ito. Ang mga impormasyong iyon ay nakuha mula sa

mga aklat ng Kolehiyo ng Pantukan at ang ibang impormasyon ay mula sa internet na

may kaugnay sa pag-aaral na ito. Sinipi ang mga impormasyon na may may kinalaman

sa panitikan, pagsusuri ng makiling kwento at teoryang pampanitikan na maaaring

magamit sa papel pananaliksik.

Tsapter 3. Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Disenyo ng Pananaliksik na kung

saan ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng mananaliksik ng mga aklat at elektronik na

kagamitan kasama na rin ang internet sa pagkuha ng mga mahahalagang datos na mula

naman sa mga tesis at iba pang mga dokumento. Sa pag-aaral na ito kinakailangan ng

mga mananaliksik na magbasa nang magbasa at mag-unawa ng mga teksto. Kung kaya,

ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng malalimang pag-uunawa sa pagbabasa. At dahil


10

ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri ng isang maikling kwento, kinakailangan

na maging pamilyar sa mga manunuri ang iba’t ibang teoryang pampanitikan nang sa

ganoon mas mapadali ang pagsusuri ng nasabing maikling kwento. Susuriin ng bawat

mananaliksik sa pag-aaral na ito ang bawat talata ng maikling kwento kung anong

teoryang pampanitikan ang maaaring nakapaloob dito.

Gamit ang kolaboratib o ang pakikipagtulungan ng bawat mananaliksik sa pag-aaral na

ito, maisasakatuparan ang layunin ng pag-aaral at masusuri ng maayos ang bawat talata

ng maikling kwento. Ang pag-aaral ding ito ay ginamitan ng Disenyong Kwalitatibo sa

pamamaraang diskriptib o palarawan. Hindi sa paraang kukuha ng mga impormante ang

mga mananaliksik para may mainterbyu at mapagkukunan ng mga datos kundi sa

paraang ilalarawan at isasalaysay mismo ng mga mananaliksik ang mga impormasyong

patungkol sa pagsusuri ng maikling kwento. Dagdag pa nito, makikita rin sa tsapter na ito

ang autobiography ni German V. Gervacio.

Sa bahagi ring ito makikita ang mga dayagram ng pananaliksik, ang mga hakbang

sa pangangalap, pagsasaayos at pag-aanalisa ng mga datos. Ang mga nakalap na mga

datos o impormasyon na mula sa mga aklat at mga dokumento ay isinaayos sa

pamamagitan ng pagsusulat nito sa mga indeks kard. Isinaayos ang mga impormasyon

batay sa mga kahulugan ng panitikan, maikling kwento at kung ano-ano ang mga

teoryang pampanitikan na siyang gagamitin sa pagsusuri ng Maikling Kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio. Matapos makalap ang mga datos na kinakailangan sa

pagsusuri, iniisa-isa itong inalisa at inunawa upang mas madali na ang paglapat nito sa

bawat talata ng nasabing maikling kwento.


11

TSAPTER 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Inilalahad sa bahaging ito ang mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Sa

bahaging ito ay inilalahad rin ang ilang sipi sa tesis, internet at iba pang aklat na may

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral.

Panitikan

Sa pagpapakahulugan ng salitang panitikan di ipagkakaila na napakaraming mga

awtor ang nagbigay ng kani-kanilang mga depinisyon patungkol sa panitikan. May mga

ideyang magkahawig lamang sa isa’t isa at may iba namang binigyang ng ibang katuturan

ang panitikan.

Isang sining ang panitikan na ipinapahayag sa maayos, maganda at kaaya-ayang

pamamaraan. Isa rin itong pagpapahayag ng damdamin ng isang tao patungkol sa mga

bagay-bagay na may kaugnay sa kanyang sarili o sa pakikisama niya sa mga taong

nakapaligid sa kanya. Ang ganitong sining ay maaaring ipahayag sa pasalita o pasulat

na pamamaraan. Ito ay may labis na kahalagahan sa larangan ng sining at panitik.

Sinasabi ring ang panitikan ay matapat sa paglilikha ng mga buhay at napakamasining

sa paraang may mga buhay ang nabubuhay sa bawat kaisipan ng mga mambabasa.

Isinasaayos ito ng may katha sa payak o simple ngunit makahulugang mga karanasan

ng tao na ipinagdugtong-dugtong sa pamamaraang ninanais niya. Napakaraming

depinisyon ng panitikan mula sa mga tanyag na awtor, ngunit isinaad dito na ang tunay

na kahulugan ng panitikan ay mismong matatagpuan sa mga niloloob, sa mga ideya at

damdamin ng tao (Buensuceso, 1994).


12

Karagdagan sa may hawig, isang maayos at makabuluhang pagpapahayag ng

emosyon at mga kuro-kuro ng tao ang panitikan. Ito man ay nasa pasalita o pasulat na

ayos tungkol sa mga pangyayari o mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang sarili

o tungkol man ito sa mga pangyayari na may kaugnayan sa pakikitungo sa kapwa

(Dinglasan, 2004; Gauuan, 2013). Ang panitikan din ay isang koleksyon ng mga

mararangal, magaganda, masisining at madamdaming kaisipang naglalahad ng mga

karanasan at ng mga nais ng isang lahi (Pineda, 1984; San Juan, 2005).

Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, walang hanggan at

kailanma’y hindi magwawakas. Para bang isang imortal na di matapos-tapos ang buhay

at patuloy na mamumuhay sa mundong kinamulatan. Dagdag pa nito, sinasabing ang

totoong panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang isang ganti. Isang

ganti sa mga reaksyong araw-araw niyang nakakasalamuha. At isang ganti niya sa mga

sitwasyon at reaksyon na kanyang nararanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay at

pagsusumikap para lamang mamalagi sa mundong ibabaw at lumigaya sa kanilang

kapaligiran. Ang panitikan din ang siyang pahayagan ng damdamin ng isang indibidwal

na nagsisilbing ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap na makita ang

Maykapal (Ramos, et al., 1984).

Dagdag pa nito, ang ideya ni Ramos ay may hawig sa ideya ni Sauco patungkol

sa panitikan. Isinaad niya sa aklat na ‘Panitikang Filipino: Pandalubhasan’ na ang

panitikan ay may kahalagahan sa bawat bansa sa daigdig. Ihinalintulad niya ang

panitikan sa isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Gaya ng pananaw ni

Ramos, ang panitikan ay walang hanggan at hindi kailanma’y magwawakas. Sa isinaad

naman ni Sauco, Magwawakas lamang ang panitikan kung ang mga nakalimbag na titik
13

ay mawawala sa daigdig. At magwawakas din ito kung mawawalan na ng kakayahan ang

mga manunulat sa pagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin at karanasan. Wala

naring panitikan sa mundong ating kinalakihan kung saka-sakaling mawawalan narin ng

gana at kakayahang bumasa’t makinig ng mga akdang pampanitikan ang sangkatauhan

(Sauco, et al., 1997).

Nagpapahayag naman ng kaisipan ng isang indibidwal ang panitikan. Katulad din

ng iba sa pagbibigay ng pananaw ng panitikan, nagpapahayag din ito ng isang

damdamin. Kasama narin dito ang karanasan, ang panaginip o mga imahinasyon ng

sangkatauhan na siyang nasusulat sa masining at malikhaing pamamaraan. Nasusulat

rin ang mga ito sa pamamagitan ng isang estetikong anyo at kinapapalooban ng

kaisipang pandaigdigan. At dahil dito nasusulat ang panitikan, natitiyak din ang kawalang-

maliw nito. Dagdag pa nito, sa panitikan nasasalamin ang pinagmulan ng isang lahi, ang

pagsulong at pati narin ang pag-unlad ng isang bansa sa bawat panahong kanyang

dinaanan at pagdadaanan pa (Lalic at Matic, 2004).

Kadalasan sa mga akdang pampanitikan nakikita ang mga sitwasyong may

kinalaman sa tunay na kaganapan sa buhay. May pagkakataon na ang mga pangyayari

sa akda ay may kahawig sa tunay na pangyayari sa buhay. May pagkakatulad ito sa mga

pangyayari sa buhay dahil minsan sa mga akdang ito ay kinuha lamang mula sa mga

totoong kaganapan sa buhay ng tao. At minsan, ang may akda na mismo ang lumilikha

sa mga pangyayaring mahirap maintindihan o mga pangyayaring nalikha buhat ng

malawak na imahinasyon. Kaugnay nito, ang panitikan ay nagsisilbing talaan ng buhay

na kung saan ito ay nagsisiwalat ng mga bagay na kaugnay sa napupuna ng tao sa

kanyang sariling buhay at buhay sa kanyang daigdig. Nagagawa ang isang panitikan sa
14

pamamagitan ng malikhaing pamamaraan ng isang tao (Lorenzana, 2005; Gauuan, 2013;

Arrogante, et al., 2005).

Kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan ang panitikan. Sa kadahilanang

dito nasasalamin ang mga layunin, damdamin, mga panaginip, pag-asa, hinaing at guni-

guni ng mga mamamayan. Binabanggit o di kaya’y nasusulat sa maganda, makulay,

makahulugan, matalinghaga at masining na pagpapahayag. Ang panitikan ang nag-iingat

ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat isa. Napakalaking nagawang

impluwensiya ng panitikan sa kasaysayan ng daigdig. Ito ay may dalang mahahalagang

impluwensiya sa buhay, kaisipang at ugali ng tao. Nagiging dahilan ang panitikan upang

paglapitin ang mga kaisipan at damdamin ng sangkatauhan. At dahil dito nagkakabuklod,

nagkakaunawaan at nagkakatulungan ang mamamayan (Salazar, 1995; Gauuan, 2013).

Sa pag-aaral na ito tinalakay din na ang panitikan ay may dalawang layunin. Ito ay

ang magbigay aliw at magbigay-aral sa mga mambabasa kaya isinaad nila na

napakahalaga na magkaroon ng bias sa kaasalan ang mga akda. Ito’y mahalaga sa

kadahilanang maraming napupulot na pangyayari, mga sitwasyon at banghay na

maaaring gamiting paksa sa mga akda. At sa pamamagitan ng sariling pagmamasid at

karanasan nabubuo ang isang paksa na magagamit sa mga akdang pampanitikan.

Isinaad nila na ang ‘karanasan’ ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung

paano lumikha ng mahuhusay na panitikan. At ang pinakamahalaga namang bisang

taglay ng panitikan ay ang bias sa kaasalan dahil hindi magiging malikhain ang akda kung

wala nito. Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya

tinawag din itong bias sa kaisipan (Azarcas, 1970; Silva, et al., 2010).
15

Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag ito man ay nakasulat,

binibigkas o kahit ito ay ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit ito ay may takdang anyo o

porma katulad ng tula, maikling kwento dula, nobela at maging sa sanaysay. Nakilala

naman natin ang isang pahayag ay may katangiang pampanitikan kapay ito ay may anyo

at gumagamit ng rweikang sinasadyang bigyang-anyo bilang pahayag. Ang totoo, lahat

ng panitikan magmula paman sa mga sinaunang panahon hanggang ngayon ay umuugat

pa sa paggamit ng wika. Nang natutong magsalita ang tao at buuin niya ang karanasan

sa bisa ng pagbigkas at pagsulat. Nang likumin ng tao ang kaniyang gunita at

nagkakaroon ng masistemang paraan ng pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto.

(Santiago, 2007).

Ang panitikang ito ay siya umanong nakikipagsabayan sa pag-imulog o ugong ng

kaunlaran at kasama narin dito ang pagbabago sa mga paksang-uri ng panitikang

Pilipino. Ang panitikang ito ay nagpapakita ng ating panlipunan at panlahing

pagkakakilanlan. Ang ating kaugalian ay mababakas o nakatatak sa ating mga

kuwentong bayan, alamat, epiko, kantahing-bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan at

sinaunang dula (Rivera, 1982; Villa Fuerte, et al., 2000).

Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan at ang Hari Manawari ni German

V. Gervacio ay isang maikling kwento na kung saan ito ang susuriin ng mga manunuri

sap ag-aaral. Bago pa man masuri ang akda, naghanap muna ng mga kaugnay nap ag-

aaral ang mga mananaliksik patungkol sa maikling kwento.


16

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang

mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-

iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isang maikling katha na

nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela

o buod ng isang nobela. Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan

at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na

inilalahad ng isang paraang mabilis ang galaw (Tumangan, et al., 1986).

Isang masining na anyo ng panitikan ang maikling kwento. Ito ay isang paggagad

ng realidad. Minsa, ang mga pangyayari sa maikling kweento ay galing sa mga

pangyayari sa tunay na buhay ng tao. Sinasabing isang imitasyon ang maikling kwento

sa realidad o sa totoong buhay. Inilalarawan ng maikling kwento ang ating paningin, ang

bughaw na langit at kapag humina’y ipahabong naman ang putik sa mga lubak-lubak ng

baku-bakung landas (Lacanlale, 2004).

Sa mga ibang pag-aaral, inilahad din ang katangian ng maikling kwento sa

kasalukuyan. Isinasaad na ang katangian ng isang maikling kwento sa ngayon ay dala o

buhat sa naging nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon.

Noong Panahon na iyon ay ipinagbabawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa

kanilang wika. Kaya’t nailimbag sa panitikang Filipino ang Maikling kwento. Bagama’t sa

panahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang katha, nanumbalik,

nag-ala-dagliang kawalan ng banghay na kwento. Nagkaroon ng iba’t-ibang

pamamaraan ng pag kukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulat ay napapansin.

Dagdag pa nito, may mga banyaga ring nagbibigay ng mga pananaw patungkol sa

maikling kwento. Isa na rito si Barry na nag sasaad na isang universal na kultura ang
17

isang maikling kwento. Nagdudulot ito ng refleksyon mula sa tiyak tungo sa pinakamataas

na diwan ang sa ganoon ay maging makabuluhan ang karanasan ng mga tao sa

sanlibutan. Ang maikling kwento ang nag tatag ng isang matibay na pundasyon sa mga

kaisipang pangmoral at katangian ay tao (Barry, 1995; Cuizon, 2014).

Sa pagbabasa naman ng isang maikling kwento, layunin nito na makapagpabago

sa katauhan ng sinumang bumabasa. Bukod pa rito, sa pagbabasa rin madadagdagan

ang mga karanasan, mapasigla ang mga kaisipan at pandamang kaunlaran,

Makapagpabago rin ng pag-uugali ang pagbabasa ng maikling kwento at sa

pamamagitan ng mga ito ay makakalikha rin ng isang mahusay at matatag na katauhan.

Ang pagbasa nito ay isang masalimout na gawaing may mga aspektebong mahalaga

tulad ng pagkilala sa mga sagisag o simbolo at pag-unawa (Gray, 2008; Suico, 2016).

Layunin ng maikling kwento na magdulot ng aliw sa pamamagitan ng isang

makapangyarihang paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at

mag-iiwan ng iisang kakintalan sa isip ng mambabasa. Sa maikling kwento masasalamin

ang buhay, damdamain, lunghati at kaisipang Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito.

Realistikong pagtatalakay ng mga paksang totoong nangyayari at nagaganap sa buhay

ng tao. Ang pagsusuri ng maikling kwento ay hindi lamang may layuning makagising ng

damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa buhay kundi

pati narin mapalawak pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagsusri nito (Monleon 1970;

Guiterrez et al., 1996; Azarcas, 1970).


18

Teoryang Pampanitikan

Naging malaking bahagi na ng panitikan ang mga teoryang pampanitikan, na kung

saan marami na itong isinasakatuparan na mga katungkulan sa pagbibigay ng

kagandahan at maliwanag na kulay sa mundo. Ang teoryang pampanitikan ang siyang

mismong tagapagmasid sa kung ano ang nakapananaig na lakas sa larangan ng

panitikan. Ito rin ang isa sa mga gumigimbal sa isipan at nagbibigay ingay sa bawat

panitikan. Kung saan mang panitikan ito banda, ang mga mambabasa na mismo ang

makapagsasabi kung ang akdang kanilang binabasa ay produktibo at labis na

nakakatulong sa pag-usbong ng kamalayang etikal, moral, sosyal at ispiritwal ng tao o ng

mga mambabasa (Regalado, 1968).

Ang sumusunod na labing anim na teoryang pampanitikan ay nakuha mula sa

aklat na pinamagatang ‘Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan at Kultura sa K to 12 Kurikulum’

na siyang gagamitin ng mga mananaliksik sa Pagsusuri ng Maikling Kwentong

Pinamagatang Hari Manawari Gamit ang Iba’t ibang Teoryang Pampanitikan (Guiterrez

et al., 2016).

1. Teoryang Bayograpikal. Pinahahalagahan ng teoryang ito ang buhay at karanasan

ng may akda. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang mga ‘pinaka’ sa buhay ng may-

akda, sa pananaw na bayograpikal ang pag-unawa sa katauhan ng may akda ay

mahalaga. Hindi sapat na malaman lamang ang pangalan at talaan ng mga akdang

naisulat ng may akda, dapat ay malaman at maunawaan ang kaniyang pagkatao at

personalidad.

2. Teoryang Historikal. Pinahahalagahan ng teoryang ito ang kasaysayan ng isang lahi

o lipi ng tao at ito ang nais ipakita o ibahagi ng manunulat. Nais ding ipakita ng teoryang
19

ito na bahagi ng buhay ng tao at ng mundo ang kasaysayan na siyang humubog sa kung

sinuman siya ngayon o ano man ito ngayon. Ang mga tauhan at pangyayari sa teksto ay

kinikilalang mga kaganapan sa isang tiyak na panahon.

3. Teoryang Imahismo. Layunin ng teoryang imahismo na mailarawan ng ganap ang

isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang

maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang pinakamabisang gamiting simbolo sa teoryang

ito ay ang mga natural na bagay sa paligid.

4. Teoryang Naturalismo. Nakatuon sa mga bagay na may kaugnayan sa likas na

kapaligiran. Ito ay ekspresyon ng buhay at lipunang taglay ang mga di kaaya-aya at

madilim na realidad. Karaniwang paksa ang kahirapan, krimen, kamangmangan at

kawalang pag-asa. Mababang pagtingin sa buhay, mga taong tiwalag sa lipunan at may

negatibong damdamin at pagkilala sa sarili. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na maaaring

makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat mayroon itong regularidad, kaisahan

at kabuuan batay sa likas na batas nito.

5. Teoryang Romantesismo. Ang layunin sa teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang

paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa

at mundong kinalakihan. Ang daigdig sa pananaw ng romantesismo ay maganda at

Mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higit ng pagsubok na dumarating. Masama man

o mabuti laging nangingibabaw ang pag-ibig. Gumamit ng mabubulaklak na

pagpapahayag, tuwirang nangangaral; tumatalakay sa mga pagpapahalaga at paksang

may tungkol sa pagkamakabayan, pagkamaginoo, pagka-kristiyano ngunit may mga

karakter na hayagang mapusok ang pagkatao, pinaiiral ang sarili at rebolusyonaryo. Mga
20

kinilalang makatang romantiko ng ating panitikan; Jose Corazon De Jesus, Lope K.

Santos, Ildefonso Santiago, Florentino Loiiantes, Inigo Ed Regalado, Teodoro Gener.

6. Teoryang Realismo. Katotohanan kaysa kagandahan ang realismo. Makatotohanang

paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at ang mapatutunayan sa

pamamagitan ng pag-iisip ng tao ang tuon ng teoryang ito. Ang mga paksa sa teoryang

ito ay katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, kahirapan, kamangmangan,

krimen, bisyo at iba pang karanasan ng mga mahihirap. Mga paksang nakapukos sa

sosyopolitikal. Halimbawa ng realismo ay ang Noli Me Tangere, El Felibusterismo ni Jose

P. Rizal, Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, Satanas sa Lupa ni Celso Carunungan at

May isang Sundalo at Nana ni Rene Villanueva. Ang panitikan sa teoryang ito ay hango

sa tunay na buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isaalang-alang ng sinumang

manunulat ang sining sa pagsulat.

7. Teoryang Dekonstruksyon. Pinanghahawakan ng teoryang dekonstruksyon ang

ideyang walang permanenting kahulugan ang teksto dahil ang wika ay hindi maitatag at

nagbabago. Pinaniniwalaan ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang

pananaw na nag-udyok sa may-akda na sumulat kung hindi ang pinaghalu-halong

pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng tao at mundo.

8. Teoryang Eksistensyalismo. Pinahahalagahan ng pananaw eksistensyalismo ang

kalayaan, pagkaresponsable at indibiduwalismo ng bawat tao, ng manunulat o ng

mambabasa. Ito ay kumikilala sa halaga ng tao na walang iba kung hindi kung ano ang

kaniyang nilikha sa kaniyang sarili depende sa lawak ng kaniyang kakayahan at

limitasyon o hangganan. Pananagutan ng tao ang kaniyang sarili at walang kaugnayan

ang kapaligiran at minanang katangian sa kaniyang pumili at magpasya sa sariling


21

kahihinatnan o kapalaran. Walang maaaring magsabi kung alin ang tama o mali, ang

totoo o malikmata, importante at walang halaga, maliban lamang sa mismong taong

nakararanas nito.

9. Teoryang Arketipal. Ang teoryang arketipal o tinatawag ding metolohikal ay may

pagkakatulad sa pananaw sikolohikal ng parehong nakatuon sa paraan ng paglikha at

ang epekto nito sa mambabasa ngunit higit na malawak ang sinasaklaw ng arketipal dahil

ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahe na nakikita sa teksto ng

pandaigdigang kultura ang sinusuri. Layunin ng panitikan na ipakita ang mahahalagang

bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Upang masuri ang mga simbolismo sa

akda, nararapat alamin ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat lahat ng

simbolismong nakapaloob sa akda ay magkakaugnay.

10. Teoryang Moralistiko. Masasalamin sa teoryang moralistiko ang pangunahing

tungkulin ng panitikan sa lipunan. Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal

ng mga kaisipang batayan sa wastong pamumuhay at pakikipagkapwa. Ang akda ay

kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa mga maling landasin sa buhay. Nagsisilbing

gabay ang akda na dapat sundin upang maitanghal ang kadakilaan ng tao at

kapangyarihan ng Maylikha. Tinatalakay ang moral at immoral na isyu ng akda habang

binibigyang pansin ang kultura, pamumuhay, paniniwala, batas, tradisyon at pamantayan

ng bansa.

11. Teoryang Sikolohikal. Sa teoryang sikolohikal, inaalam ang mga nagaganap sa mga

antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kaniyang pag-iisip at pagkilos. Ang mga

panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri ayon sa mga panloob na sanhi.


22

Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa tauhan na ipinakita sa kaniyang paraan ng

pagsasalita, daloy ng pag-iisip, at kilos na may sinasagisag.

12. Teoryang Sosyolohikal. Tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang

institusyon tulad ng pamahalaan, simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa pagtatakda

ng sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito. Sa sosyolohikal na pananaw,

mas malawak ang perspektiba na pagsusuri ng isang akda. Hindi lamang ang kasiningan

at naging katangian ng akda ang sinusuri, kundi pati narin ang bahagi ng lipunan at

kasaysayan nito. Sa pagsusuri ng panitikan sa teoryang sosyolohikal bigyan ng tuon ang

kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ng may akda.

13. Teoryang Klasismo. Ang teoryang klasismo ay nakatuon sa pagpapahalaga ng

panitikan sa lipunan. Ang akda sa teoryang ito ay nagpapayaman at nagpapayabong sa

kaisipan ng tao, bukod pa nito kinikilala ang katuwiran, kadakilaan at kaganapan ng mga

bagay. Naglalahad din ito ng mga pangyayaring payak ngunit masining, matimpi ngunit

makahulugan, mahigpit at hindi nagbabago, dakila, marangal at matapat sa estilo sa

kinagigiliwan ng mga mapagmahal sa katotohanan.

14. Teoryang Feminismo. Ang teoryang feminismo ay nakatuon sa kalagayan ng

kababaihan sa isang akda. Layunin nito na masuri ang akda sa paningin o perspektiba

ng babae. Layunin din nitong baguhin ang mga de-kahong paglalarawan sa kababaihan

sa kahit anong uri ng panitikan. Ito ba ay mahina, marupok, tanga, sunod-sunuran,

maramdamin o pantahanan.

15. Teoryang Humanismo. Pinahahalagahan ng teoryang humanismo ang tao at ang

kaniyang mga saloobin at damdamin. Ito ang teoryang nagbibigay ng pangunahing


23

halaga sa tao, na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang tuon ang kalakasan at

mabubuting katangian ng tao bilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari.

16. Teoryang Pormalismo. Pinahahalagahan ng teoryang ito ang nilalaman, kaanyuan

o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda o ang pisikal na katangian ng akda. Sa

teorya ding ito, sinusuri ang tema o paksa ng akda, ang pag-uugnayan ng mga salita,

estruktura ng wika, metapora, simbolismo, tono, pati ang punto de bista sa ilalim ng

sistemang tekstuwal.

Ang sumusunod na labing anim na teoryang pampanitikan ay mula naman sa mga

dokumento sa internet.

1. Teoryang Bayograpikal. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o

kasagsagan sa buhay ng may akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga

bahagi sa buhay ng may akda na siyang pinakamasaya, pinakamahirap,

pinakamalungkot at lahat ng mga ‘pinaka’ na inaasahang magsilbing katuwang ng

mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

2. Teoryang Historikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi

ng tao na siyang masasalaminan sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais

din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Layunin

din nitong ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng

may akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga sunod

na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

3. Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal. Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa

pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior

(pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.


24

Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior

dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

4. Teoryang Eksistensyalismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan

ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng

kanyang pananatili sa mundo (human existence).

5. Teoryang Feminismo. Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng

kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay

ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na

ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

6. Teoryang Dekonstraksyon. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang

aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at

manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang

pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay nag kabuuan ng pagkatao at mundo.

7. Teoryang Arkitaypal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang

bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang

mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at

tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay

sa isa’t-isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinakilala ng

may akda sa mga mambabasa.

8. Teoryang Formalismo/ Formalistiko. Ang layunin ng panitikan ay iparating sa

mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

Samakatuwid, kung ano ang sinabi ng may-akda sa kanyang panitikan ay siyang nais
25

niyang ipaabot sa mambabasa; walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at

hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

9. Teoryang Klasismo/ Klasisismo. Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga

pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,

karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita

at laging natatapos ng may kaayusan.

10. Teoryang Humanismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro

ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng

talino, talento at iba pa.

11. Teoryang Imahismo. Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahe na higit

na manghahayag sa mga damdamin, kaisipang, ideya, saloobin at iba pang nais na

ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng

karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahe na

layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

12. Teoryang Realismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at

nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa

totoong buhay ngunit tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang

kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

13. Teoryang Feminismo. Ang layunin ng panitikan ay magpakilala sa mga kalakasan

at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag

babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag ang mabuti at magagandang katangian

ng tauhan.
26

14. Teoryang Romantesismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang

paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa

at mundong kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin na isang nilalang

ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

15. Teoryang Sosyolohikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at

suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita nito ang

pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan ng

magsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

16. Teoryang Moralistiko. Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang

pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali.

Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o

kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling

sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon narin sa kaantasan nito.

Batayang Teoretikal

Nagiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo na’t may katulong na mga teorya

na siyang gagamiting gabay upang makamit ang minimithi ng mananaliksik.

Isinalig ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa teorya ni Edward Lee

Thorndike ang Law of Readiness, Law of Exercise at ang tinatawag na Law of Effect dahil

may kaugnayan ang mga teoryang ito sa kasalukuyang pananaliksik. Ang Law of

Readiness ay tumatalakay sa kaisipang handang matuto sa isang pag-aaral o kahandaan

ng isang mag-aaral na matuto ng mahusay sa gagawing pag-aaral. Dagdag pa nito, ang

Law of Readiness ay nagpapahiwatig ng isang antas ng konsentrasyon at pagkasabik.

Sa teorya ni Thorndike isinaad din niya na ang mga indibidwal ay matututo nang mahusay
27

kapag sila ay nasa pisikal, mental, at emosyonal na kahandaan. Sa kahandaan o (Law

of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito na nakahanda ang kaisipan ng bawat

mananaliksik na babasa ng isang katha na itaya ang kanilang kahandaan at magsilbing

tagapatnubay sa bawat isa upang mapadali ang kanilang paglinang sa kanilang

kakayahan sa pagsusuri ng Maikling Kwento (Thorndike, 1932; Suico, 2016).

Ang teoryang Law of Exercise naman ni Thorndike, ay nangangahulugan na ang

pagsasanay ay nakakatulong sa pagdaragdag ng kahusayan at tibay ng pag-aaral.

Maraming mga halimbawa ang ibinigay ni Thorndike patungkol sa teoryang ito. Isinaad

niya na makakatulong ang pagsasanay sa pag-aaral ng tao. Kagaya na lamang ng pag-

aaral ng isang tao na magmaneho ng motor o kotse, pag-tatype, pag-awit o pagsasaulo

ng isang tula, ng isang matematika, musika at iba pa. Ito ay nangangalaingan ng

pagsasanay at pag-uulit upang mas maging matibay at maganda ang kinalalabasan ng

pag-aaral. Kaya sa pag-aaral na ito na kung saan susurin ang maikling kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio, ang teoryang ito ay konektado rito. Sa paglalahad ng

pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga magnanaliksik ay sasanayin

na malinang ang kanilang pag-unawa sa babasahing katha ukol sa Maikling Kwentong

Hari Manawari upang masuri nila nang maayos ang nabasa (Thorndike, 1932; Suico,

2016).

Ang teoryang Law of Effect naman ni Thorndike ay may kaugnay sa kasalukuyang

pag-aaral. Ito ay nagpapahiwatig na kung ang resulta ay tumutugon sa paksa. Ang

kinalabasan o (Law of Effect) sa bahaging ito ay malalaman ng mga mananaliksik ang

bunga ng pag-aaral. Sa teoryang ito nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga

mananaliksik sa pagsusuri at malalaman kung anong teoryang pampanitikan ang ilalapat


28

sa bawat talata ng kwentong Hari Manawari. Ang teoryang ring ito ay batay sa emosyonal

na reaksyon ng mag-aaral. Ito ay may direktang kaugnayan sa pagganyak. Isinaad din ni

Thorndike sa teoryang ito na kapag sinamahan ang isang pag-aaral ng kaaya-aya at

kasiya-siyang pakiramdam ay magiging kaaya-aya at maganda rin ang kinalalabasan ng

pag-aaral. At kapag ang isang pag-aaral ay iniugnay sa hindi kasiya-siyang pakiramdam

ay hindi din kasiya-siya ang magiging resulta. Isinaad niya sa kanyang teorya na ang

estudyante ay magsisikap na makamit ang magandang resulta sa mga ginawa niyang

pag-aaral. Kaya sa pananaliksik na ito, ihahanda ng mga mananaliksik ang kani-kanilang

mga sarili sa pagbasa ng susuriin at sasanayin ang mga kaisipan na maunawaan ang

bawat talata ng kwento na may kaaya-ayang pakiramdam nang sa ganoon ay magkaroon

ng kasiya-siyang resulta. Ang resultang ito ay yaong makamit ang layuning mailapat ng

maayos ang mga nakalap na teoryang pampanitikan sa bawat talata ng maikling kwento

(Thorndike, 1932; Suico, 2016).


29

Batayang Konseptwal

Makikita sa ibaba ang iskema ng paradaym ng ginawang pananaliksik.

PANITIKAN

MAIKLING
KWENTO

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTONG


PINAMAGATANG HARI MANAWARI NI
GERMAN V. GERVACIO

TEORYANG PAMPANITIKAN

BAYOGRAPIKAL ROMANTESISMO ARKITAYPAL

HISTORIKAL REALISMO MORALISTIKO

IMAHISMO DEKONSTRUKSYO SIKOLOHIKAL


N
NATURALISMO EKSISTENSYALISMO FEMINISMO

KLASISMO HUMANISMO PORMALISMO

Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng Pananaliksik


30

Ang bahaging kahon na makikita sa Figyur 1 ay kumakatawan sa Panitikan. Sa

ibabang bahagi ng kahon ay ang bilog na kung saan nakapaloob naman ang maikling

kwento dahil isang uri ng panitikan ang maikling kwento. Ang maikling kuwento na

pinamagatang Hari Manawari na isinulat ni German V. Gervacio ang siyang babasahin

at susuriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral. Ang Maikling Kwentong Hari Manawari ni

German V. Gervacio ang siyang pokus ng pag-aaral. Ang parihabang nakalagay naman

sa may gitna ng iskematik na dayagram ay nangangahulugan ng pagsusuri sa Maikling

Kwentong Hari Manawari. Kasunod nito ang parihabang kumakatawan sa Teoryang

Pampanitikan. Kaugnay naman nito ang mga maliliit na parihabang nasa hulihang parte

ng dayagaram na tumutukoy sa iba’t ibang teoryang pampanitikan upang lubos na

maintindihan o maunawaan ang nais ipahiwatig ng nilalaman ng isang maikling kwento.

Mahalagang maunawaan ang mga ginamit na teoryang pampanitikan sa pag-aaral na ito

upang mapabilis o madaling maintindihan ng mga mambabasa ang pananaliksik.

Bilang isang mananaliksik kailangan talagang maipabatid ng maayos sa mga

mambabasa ang mga teoryang pampanitikan na inilapat sa isang kwento upang lubos

nila itong maunawaan at nang magkaroon din sila ng sapat na kaalaman mula sa mga

teoryang ito. Hindi na bago sa atin ang mga teoryang pampanitikan subalit kinakailangan

natin itong pag-aralan o suriing maigi upang matiyak, maibatid natin kung ano talaga ang

kahalagahan nito sa panitikan at para rin malaman ng bawat isa kung paano ito gagamitin

o kung ano ang tiyak na paggamit nito sa pagsusuri ng isang maikling kwento.
31

TSAPTER 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng Disenyo ng Pananaliksik, mga tungkulin ng

mga mananaliksik, ang lugar ng pag-aaral, pangangalap, pagsasaayos at pag-aanalisa

ng mga datos. Sa pamamagitan ng paglalahad ng bahaging ito, malalaman ang mga

pamamaraan kung paano isinagawa ang kasalukuyang pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Sa pangangalap ng mga datos o mga impormasyon patungkol sa pagsusuri ng

akdang pampanikan na maikling kwento, gumamit ang mga mananaliksik ng mga aklat

at elektronik na kagamitan kasama na rin ang internet sa pagkuha ng mga mahahalagang

datos na mula naman sa mga tesis at iba pang mga dokumento. Sinimulan ng mga

mananaliksik ang pagpunta sa silid-aklatan ng Kolehiyo ng Pantukan upang makahanap

ng mga aklat hinggil sa panitikan lalong lalo na ang maikling kwento. Dagdag pa nito,

naghanap ang mga mananaliksik sa nasabing silid-aklatan ng mga aklat nang sa ganoon

ay makahanap ng mga teoryang pampanitikan na siyang gagamitin sa pagsusuri ng

Maikling Kwentong Hari Manawari ni German V. Gervacio. Sinipi ang mga impormasyong

mula sa mga aklat at mga dokumento upang ito ay magamit sa mga bahagi ng pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito kinakailangan ng mga mananaliksik na magbasa nang

magbasa at mag-unawa ng mga teksto. Kung kaya, ang pag-aaral na ito ay gagamitan

ng malalimang pag-uunawa sa pagbabasa. At dahil ang pag-aaral na ito ay nakapokus

sa pagsusuri ng isang maikling kwento, kinakailangan na maging pamilyar sa mga

manunuri ang iba’t ibang teoryang pampanitikan nang sa ganoon mas mapadali ang
32

pagsusuri ng nasabing maikling kwento. At sa pagbabasa na ng maikling kwentong Hari

Manawari ni German V. Gervacio, kinakailangan ng malalilamang pag-uunawa sa

kadahilanang ito ay napakahalaga sa gagawing pagsusuri. Susuriin ng bawat

mananaliksik sa pag-aaral na ito ang bawat talata ng maikling kwento kung anong

teoryang pampanitikan ang maaaring ilapat dito. Gamit ang kolaboratib o ang

pakikipagtulungan ng bawat mananaliksik sa pag-aaral na ito, maisasakatuparan ang

layunin ng pag-aaral at masusuri ng maayos ang bawat talata ng maikling kwento.

Ang pag-aaral ding ito ay ginamitan ng Disenyong Kwalitatibo sa pamamaraang

diskriptib o palarawan. Hindi sa paraang kukuha ng mga impormante ang mga

mananaliksik para may mainterbyu at mapagkukunan ng mga datos kundi sa paraang

ilalarawan at isasalaysay mismo ng mga mananaliksik ang mga impormasyong patungkol

sa pagsusuri ng maikling kwento. Sa itaas na bahagi ng pag-aaral, nailarawan ang mga

katangian ng teoryang pampanitikan. At sa susunod pa na tsapter ng pag-aaral,

isasalaysay ng mga mananaliksik kung ano ang mga teoryang pampanitikan sa bawat

talata ng Maikling Kwentong Hari Manawari ni German V. Gervacio.

Autobiography ni German V. Gervacio

Si German V. Gervacio ay guro ng wika at panitikan sa Mindanao State

University-Iligan Institute of Technology. Isa sa mga unang naka-TOMA (Ten Outstanding

MSU-IIT Alumni). Siya ay estudyante ng Ph.D. Malikhaing Pagsulat sa UP-Diliman,

miyembro ng Board of Directors ng Mindanao Creative Writers Group, Inc. at Resident

Panelist ng Iligan National Writers Workshop. National fellow din siya sa tula ng 50th

(2011) UP Likhaan National Writers Workshop. Ilan sa mga napagwagian na niya ay

mga Palanca Award sa tula, maikling kathang pambata at maikling kuwento, at


33

ang HomeLife Magazine National Poetry Competition. Katha niya ang Hari Manawari, Si

Tanya, Ang Uwak na Gustong Pumuti, Babuyan Island at 101 Bugtong na Hindi Alam ng

Titser Mo. Kasalukuyan niyang tinatapos ang Hari Manawari (Adbentyur II).

Pangangalap ng Datos

Sa pangongolekta ng mga teoryang pampanitikan na magagamit sa pagsusuri sa

bawat talata ng Maikling Kwentong Hari Manawari, nagsadya ang mga mananaliksik sa

pag-aaral na pumunta sa silid-aklatan upang makahanap ng mga aklat hinggil sa

panitikan at nang sa ganoon ay makapangolekta ng mga teoryang pampanitikan.

Nagsadya ring manaliksik ng mga teoryang pampanitikan na mula sa mga dokumento sa

internet ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Kung kaya’t isinagawa ang mga

sumusunod na hakbang at pamamaraan upang maisakatuparan ang kasalukuyang pag-

aaral.

Pagbabasa. Gumamit at nagbasa ang mga mananaliksik ng iba’t ibang aklat

tungkol sa panitikan at mga dokumento mula sa internet upang makapangalap ng mga

datos o impormasyon na kinakailangan, at maibabagay sa isinasagawang pag-aaral.

Nangalap din ang mga mananaliksik ng mga datos hinggil sa iba’t ibang teoryang

pampanitikan upang magamit at mailapat sa bawat talata ng Maikling Kwentong Hari

Manawari. Gamit ang iba’t ibang teoryang pampanitikan, malalaman kung alin sa mga ito

ang ilalapat sa bawat talata ng nasabing kwento.

Pagtatala ng mga Datos. Sa pangangalap ng mga impormasyon, gumamit ng papel at

bolpen ang mga mananaliksik upang maitala ang mga datos na nakalap tungkol sa
34

isinagawang pananaliksik. Isinipi din ang mga nakalap na datos tungkol sa iba’t ibang

teoryang pampanitikan upang mas lalong maintindihan o maunawaan.


35

Pagbabasa

Pagtatala ng mga Datos

Pagsasaayos ng mga Datos

Pag-aanalisa/ Pagsusuri

Figyur 2. Daloy ng Gawain sa Pangangalap ng Datos


36

Pagsasaayos ng mga Datos

Dahil ang susuriing pananaliksik ay isang panitikan, ito ay walang mga

impormanteng mapagkukunan ng mga impormasyon. At dahil ang mga pananaliksik na

susuriin ay nakapukos lamang sa isang maikling kwento. Kung kaya’t sa pagsusuring ito

ay pawang mga teoryang pampanitikan lamang ang mga datos na ginamit na nakalap

mula sa pagbabasa ng mga aklat at dokumento mula sa internet. Nagbasa ang mga

mananaliksik, itinala sa mga indeks kard at inunawa ng mabuti upang mas mapadali ang

pagsusuri ng Maikling Kwentong Pinamagatang Hari Manawari ni German V. Gervacio

Gamit ang Iba’t ibang Teoryang Pampanitikan.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga nakalap na mga datos o impormasyon na mula sa mga aklat at mga

dokumento ay isinaayos sa pamamagitan ng pagsusulat nito sa mga indeks kard.

Isinaayos ang mga impormasyon batay sa mga kahulugan ng panitikan, maikling kwento

at kung ano-ano ang mga teoryang pampanitikan na siyang gagamitin sa pagsusuri ng

Maikling Kwentong Hari Manawari ni German V. Gervacio. Matapos makalap ang mga

datos na kinakailangan sa pagsusuri, iniisa-isa itong inalisa at inunawa upang mas madali

na ang paglapat nito sa bawat talata ng nasabing maikling kwento.


37

TSAPTER 4

RESULTA

Sa tsapter na ito makikita ang mga resulta kung ano ang mga teoryang

pampanitikang nakapaloob sa Maikling kwentong Pinamagatang Hari Manawari ni

German Gervacio Gamit ang Iba’t ibang Teoryang Pampanitikan. Dito matutunghayan

kung paano sinusuri ng mga mananaliksik ang nasabing kwento. May isang katanungan

na pinagsumikapang masagot ng mga mananaliksik at ito ang:

1. Ano-ano ang mga teoryang pampanitikang nakapaloob sa Maikling Kwentong

Pinamagatang Hari Manawari ni German V. Gervacio Gamit ang Iba’t ibang Teoryang

Pampanitikan?

Ito ang unang talata ng Maikling Kwentong Hari Manawari na sinusuri ng mga

mananaliksik.

Isang sanggol ang ipinaghehele ng


yayat at kulubot na bisig:
Ako ay nagtanim, Kapirasong luya
Nang tumubo’y gabi, Namunga ng mangga
Nang pipitasin ko, Hinog na papaya
Lumagpak sa lupa, Magandang Dalaga
Sa paglaki ng sanggol, maniniwala ito
sa pag-ibig. At kababalaghan.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo na siyang layuning

mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang

makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang pinakamabisang

gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa paligid. Nakapaloob sa

talatang ito ang teoryang ito dahil ito ay may simbolo na ginagamitan ng mga natural na
38

bagay na makikita sa paligid, at ito ay tuwirang naglalahad ng mga imahe na layong

ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Ito ang mga halimbawa ng

imahe na makikita sa talata, gaya ng kapirasong luya, gabi, mangga at papaya. Dagdag

pa nito, ang may akda sa talatang ito ay mas nakapokus sa mga imahe o simbolo na

makikita sa paligid na siyang ginamit sa paglalahad at paglalarawan ng isang sanggol na

inalagaang mabuti at nang lumaon ay naging isang magandang dalaga na siyang

maniniwala sa mga kababalaghan at pag-ibig.

I. DALAWANG BUGTONG
UNANG TALATA
Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang babae
ang aakyat sa bahay na yari sa
kapis upang magpakulo ng halamang-dagat.
Magsasayaw ang hagdan. Magigiba ang
bubong ng lutuan. Madudurog ang kalan.
Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan
ang pumatay kay Prinsipe Manawari.

Ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang

Feminismo. Ang Teoryang Feminismo ay nakatuon sa kalagayan ng kababaihan sa isang

akda. Layunin nito na masuri ang akda sa paningin o perspektiba ng babae. Layunin din

nitong baguhin ang mga de-kahong paglalarawan sa kababaihan sa kahit anong uri ng

panitikan. Nakapaloob sa unang talata ang Teoryang Feminismo sa kadahilanang

nakatuon ito sa kalagayan o ang paglalarawan sa mga kilos ng isang bababe sa nasabing

talata. Masining nga lamang ang paglalarawan ng may akda sa mga kilos ng isang babae

sa talatang ito.

IKALAWANG TALATA

Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng


Laguindingan subalit ngayon lang niya namalas ang tunay nitong
39

ganda. Mula sa kinalululanang Magik Malong ay sinuyod niya ang


angkin nitong halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang lipad ng
Magik Malong. Sa tanglaw ng buwan, ay tila ulap ang labusaw ng
dagat. Mistulang sariwang cauliflower ang pulo sa gitna ng sariwa
ring tubig. Subalit sa sandaling ito ay ang hagdan-hagdang palayan
ang nakanakaw ng pansin ni Prinsipe Manwari. Obra-maestra ng isang
manlililok ang mga payaw. O mistulang piraso ng jamon na inilatag ng
isang henyong kusinero. Nakaramdam tuloy ng gutom ang prinsipe
maging ang tatlong hayop na lulan ng Magik Malong.

Teoryang Naturalismo naman ang nakapaloob sa ikalawang talata. Nakatuon sa

mga bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran ang teoryang ito. Pinaniniwalaan

sa teoryang ito na maaaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat mayroon

itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa likas na batas nito. Nakapaloob sa

talatang ito ang Teoryang Naturalismo dahil mas nakatuon ang talata sa mga bagay na

may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Kung babasahin at iintindihin ang talata, mas

nakapokus ito sa paglalarawan ng paligid. Sa paglalarawan sa kagandahan ng mga

natural na bagay-bagay sa kapaligiran na nakikita ng pangunahing tauhan ng talata.

IKATATLONG TALATA

Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay


umatake ang mabangis na berkakan. Ang hampas ng buntot nito ang
nagpagewang sa Magik Malong na ikinahulog naman ni Prinsipe
Manawari. Bumagsak siya sa bunganga ng dambuhalang isda. Sinalo
ang kanyang katawan ng sagpang ng matatalim na pangil nito. Hinila
siya pababa, sa lalim ng dagat ng mabangis na berkakan.
Nagpupuyos ang galit ng dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe
sa matatalim na korales. Kumayod ang kanyang mga braso’t binti sa
mga korales at ngumudngod ang mukhang ngayo’y nabubuan ng
dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil sa nawawakawak niyang mga
laman ay may tila sumusundot na kuryente sa kanyang isipan.
Nagsalimbayan sa humuhulagpos niyang kamalayan ang mga sandali
ng pinagdaanang buhay. Manhid na ang pakiramdam ni Prinsipe
Manawari at anumang sandali’y tanto niyang iiwan siya ng huling
pusikit sa kanyang nanlalabong mga mata. Sa isang mariing sakmal
ng berkakan at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay inangkin siya
40

ng di maipaliwanag na kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang


dilim.

Nakapaloob sa ikatatlong talata ang Teoryang Formalismo/ Formalistiko at ang

Teoryang Naturalismo. Ang layunin ng Teoryang Formalismo ay iparating sa mambabasa

ang nais niyang ipaabot gamit ang kaniyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano

ang sinabi ng may-akda sa kanyang panitikan ay siyang nais niyang ipaabot sa

mambabasa, walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng

higit na malalimang pagsusuri at pang-unawa. Nakapaloob ang Teoryang Formalismo sa

kadahilanang tuwiran ang mensaheng nais ipaabot ng may-akda sa mga mambabasa.

Kung ano ang isinaad na mga pangyayari sa talata ay siya ring mabubuong pangyayari

sa isipan ng mga mambabasa. Nakapaloob din ang Teoryang Naturalismo na nakatuon

sa mga bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Ito ay ekspresyon ng buhay at

lipunang taglay ang mga di kaaya-aya at madilim na realidad. Karaniwang paksa ang

kahirapan, krimen, kamangmangan at kawalang pag-asa. Nakapaloob sa talata ang

teoryang ito sa kadahilanang nakatuon ang talata at ang tauhan sa pakikipagsapalaran

sa likas na kapaligiran. Nakatuon din ito sa ekspresyon ng buhay, sa di-kaaya-ayang

pangyayari at madilim na realidad ni Prinsipe Manawari. Dagdag pa nito, ipinakita sa

pangyayari sa talatang ito ang kawalan na ng pag-asa. Ang kawalang pag-asa na

mabuhay pa ang tauhan ng kwentong ito.

IKAAPAT NA TALATA

Payapa na ang kanina lang ay halos


sumabog sa galak na kaharian. Bilog na
bilog ang maliwanag na buwan. Nakatindig
si Prinsipe Manawari sa labas ng balkon.
Tinatanaw niya ang latag ng kabundukang tila
nahihimbing na mayuming dalaga. Naiisip niya
kung ilang mga bundok, patag at dagat pa ang
41

nasa likuran nito. Saang bundok, patag o dagat


doon nagkukubli ang katuparan ng kanyang mga
pangarap?

Nakapaloob naman sa ikaapat na talata ang Teoryang Imahismo. Ang Teoryang

Imahismo ay may layuning mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang

pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga

mambabasa. Ang pinakamabisang gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural

na bagay sa paligid. Nakapaloob ang teoryang ito sa ikaapat na talata sa kadahilanang

gumamit ang may akda sa talatang ito ng mga salitang magbibigay imahe sa mga

kaisipang ng mga mambabasa. Dagdag pa nito, hindi lamang gumamit ng mga

karaniwang salita ang may akda sa talata ng kwentong ito, kundi gumamit rin siya ng mga

salitang matayutay at mga salitang maglalahad ng mga imahe na layong ilantad ang

totoong kaisipang ng pahayag. Gaya na lamang ng ‘Bilog na bilog ang maliwanag na

buwan’ na mababasa sa talatang ito, sa pagbabasa pa lamang ay makapagbubuo na ang

mga mambabasa ng isang imahe.

IKALIMANG TALATA

Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niya’y ang


kanilang kaharian lamang ang kanyang lilibutin. Hindi ba’t ito ang
ihinayag ng bolang kristal ni Merlin? Siya, si Prinsipe Manawari, ang
pinakamakisig at nag-iisang prinsipe, ay makatatagpo ng dalagang
kanyang mamahalin. Isang dalagang bigla na lamang susulpot sa
inihandang masigabong kasiyahan ng kanyang Amang Haring
Bacocos at Inang Reyna Bicuda. Nakasakay ang dalaga sa
karwaheng hila-hila ng makikisig na kabayo. Kitang-kita niya sa
bolang kristal ang dalagang iyon. Ang balingkinitang
pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na
ginintuang buhok. Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya
ang dalagang ito sa saliw ng waltz. At maglalaho ang kaharian at
anumang nasa kanilang paligid. Sila na lamang dalawa at sa pagitan
nila’y ang dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig
na ito ang dalaga. Maglalaho ito sa hudyat ng hatinggabi at iiwanan
siya ng isang makinang na alaala at malamlam na anino ng
42

panghihinayang. Subalit hindi siya mag-aalala. Ito rin ang sinasabi


ng bolang kristal. Susuyurin niya ang buong kaharian at pasasaan
man ay matatagpuan din niya ang mahiwagang dalaga. At muling
sasabog sa galak ang buong kaharian sa kanilang pag-iisang dibdib.

Teoryang Bayograpikal, Teoryang Feminismo at Teoryang Romantesismo ang

nakapaloob sa talatang ito. Pinahahalagahan ng Teoryang Bayograpikal ang buhay at

karanasan ng may akda. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang mga ‘pinaka’ sa buhay

ng may-akda, sa pananaw na bayograpikal ang pag-unawa sa katauhan ng may akda ay

mahalaga. Nakapaloob ang teoryang Bayograpikal dahil ipinamalas sa talatang ito ang

magiging karanasan ng Prinsipe Manawari sa pamamagitan ng isang bolang kristal.

Ipinamalas din sa talatang ito ang magiging ‘pinakamasayang’ buhay ng Prinsipe. Ang

Teoryang Feminismo naman ay nakatuon sa kalagayan ng kababaihan sa isang akda.

Layunin nito na masuri ang akda sa paningin o perspektiba ng babae. Layunin din nitong

baguhin ang mga de-kahong paglalarawan sa kababaihan sa kahit anong uri ng

panitikan. Nakapaloob ang Teoryang Feminismo sa talatang ito sa kadahilanang may

sagisag na babae ang lumutang na siyang magiging dahilan ng Prinsipe upang umibig at

maglakbay patungo sa kinaroroonan ng babaeng ipinakita sa kanya ng bolang kristal. At

ang Teoryang Romantisismo na ang layunin ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o

sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong

kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin na isang nilalang ang lahat

upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Kung

kaya, nakapaloob din sa ikalimang talata ang teoryang ito sa kadahilanang ipinakita ang

magiging pag-iibigan ng Prinsipe at ng babae. Gagawin at gagawin ng Prinsipe ang lahat


43

ng kanyang makakaya, maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa dalaga na siyang

magiging dahilan na ang buong kaharian ay sasabog sa galak.

IKAANIM NA TALATA

Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlin at lumalabo na ang


bolang kristal nito? Bakit isang mahiwagang dalaga lamang ang
lumitaw sa bolang kristal? Bakit hindi nahagip ng mga tarot kard ang
pagdatal din ng isa pang mahiwagang dalaga? Dahil noong gabi
ngang iyon, matapos tumalilis ang unang mahiwagang dalaga’y may
natanaw sila mula sa papawirin. Ang akala nila’y ang ikapat lang ng
nagtatanod na buwan. Ngunit habang papalapit nang papalapit ay
napagsino nilang isa palang napakalaking barko! Mistula itong isang
islang lumilipad. At sa paglapag nito ay napuno ang kaharian ng
simoy ng aromang tila nagmumula sa ibang daigdig. Iniluwa nito ang
isang may kaliitang dalaga. Kulay-lupa ang balat nito at kaygandang
pagmasdan. Umaalong itim na dagat ang buhok nito na ultimo ang
liwanag ng buwan ay hindi makalagos. Ang mga mata ng dalaga’y
pares ng mutiang pinagyaman sa pinakamalalim na karagatan. Muntik
na niyang mabitiwan at mabasag ang tangang salaming sapatos sa
pagkakatigalgal.

Nakapaloob sa ikaanim na talata ang Teoryang Feminismo. Ang layunin ng

panitikan ay magpakilala sa mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang

pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay

feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag

ang mabuti at magagandang katangian ng tauhan. Nakapaloob sa ikaanim na talata ang

Teoryang Feminismo sa kadahilang nakatuon ito sa kalagayan ng babae. Inilarawan dito

ang isa pang babae na nakita nila sa bolang kristal na siyang lilitaw mula sa papawirin.

Isang babaeng iba sa unang babaeng nakita nila ng Prinsipe. Sa talatang ito, mas

nakapukos sa sagisag babae, at sa pagpapamayagpag ng magandang itsura nito.


44

IKAPITONG TALATA

Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya
ito nakadaupang palad dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya
mawawaang musika na nagmumula sa mahiwagang barko. Hindi rin ito
tumititig sa kanya habang umiimbay. Ang mga mata nito’y lagi nang
nakatutok sa lupa o dili kaya’y sa kalangitan. Waring hinahalukay nito
ang lihim ng lalim at sinusungkit ang hiwaga ng kalawakan. Alitaptap
na dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong kalumbiga’t pulseras
sa braso’t bukong-bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang
sarikulay na sedang kasuutan nito. Isang kaanyuang ngayon lang
nasilayan ng buong kaharian. Isang kagandahang hindi niya mawari
kung ang mga mata niya ang naglalarawan o ang kaibuturan ng kanyang
kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa unang mahiwagang dalaga
ay muli niyang naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang
pinagmamasdan niya ang ritmo ng mga paang iyon na walang sapin ay
parang ang dibdib niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa. Walang
sapin ang maliliit na paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niya’y
tila mas makinang ito kaysa salaming sapatos ng naunang dalaga. At
sa yugtong iyon na wari’y nakapag-ipon siya ng lakas ng loob para
lapitan ang dalaga ay bigla itong tumalilis katulad ng unang dalaga.
Wala siyang nagawa kundi ang tanawin ang kinalulanang barko nito
papalayo, papataas sa kung saan mang bituin galing ang kagandahang
iyon. Nakangangang sugat ang kanyang mukha at unat pataas ang
kanyang bukas-palad na mga kamay na wari’y nais higupin pabalik ang
dalaga. Sa halip, isang panyo mula sa itaas ang lumapag sa
nangungulila niyang palad.

Sa pagsusuri sa ikapitong talata, nakapaloob pa rin ang Teoryang Feminismo sa

kadahilanang nakapokus pa rin ito sa sagisag babae gaya ng ikaanim na talata.

Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Imahismo, Teoryang Sikolohikal at ang

Teoryang Bayograpikal. Ang layunin ng Teoryang Imahismo ay gumamit ng mga imahe

na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipang, ideya, saloobin at iba pang nais

na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng

karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahe na

layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Nakapaloob ang

nasabing teorya sa talata sa kadahilanang makapagbibigay ito ng imahe sa bawat


45

kaisipang ng mga mambabasa, sa pamamagitan lamang ng paglalarawan ng mga pisikal

na kaanyuan at mga bagay ng babaeng tauhan sa talata. Nakapaloob din ang Teoryang

Sikolohikal lalong-lalo na sa may bandang huli. Isinaad na, ang Teoryang Sikolohikal ay

nakapokus sa pag-alam ng antas ng isang tao na batayan ng kanyang pag-iisip, ang

kaniyang daloy ng isip at paraan ng kaniyang pagkilos. Sa huling bahagi ng talata, nang

makita niya ang isa pang babae ay agad pumasok sa kaniyang isipan na iba ang

kagandahan at kaanyuan ng pangalawang dalaga na siyang nagbigay ng ibang kabog

ng kaniyang damdamin. Dahil sa kaniyang naisip at pagkabighani sa dalaga, ninais niya

itong lapitan ngunit umalis na ito na naging dahilan ng kaniyang pangungulila. Dagdag

pa nito, nakapaloob din sa talata ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang nakatuon

rin ang talata sa karanasan ng pangunahing tauhan.

IKAWALONG TALATA

Salaming sapatos. Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng


bugtong ang pag-ibig? At ang Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa
kanya ng Amang Hari. Ito rin ang nabanaag niya sa umaasang mga
mata ng buong kaharian. At hindi nga ba’t ito naman ang inihihimatong
ng tadhana? Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang kristal? Ito
ang bukas na maghahatid sa kanya at sa kanila sa walang hanggang
kaligayahan.

Sa ikawalong talata ng unang kabanata ng kwento, nakapaloob dito ang Teoryang

Sikolohikal na ang layunin ay ipaliwanag ang panitikan sa pamamagitan ng pagpapakita

ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,

pagkatao) sa isang tauhan sa kaniyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay

nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o

mabuo ito. Nakapaloob ang teoryang ito sa nasabing talata sa kadahilanang


46

ipinaliliwanag ng talatang ito kung ano ang nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng

buhay ni Prinsipe Manawari. Dagdag pa nito, nakapokus ang may akda sa mga

pangyayari na maaaring mangyari kay Prinsipe Manawari sa pamamagitan ng mga

katanungan at mga kilos na may sagisag.

IKASIYAM NA TALATA

Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa


galak na kaharian na naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may
naghuhumiyaw namang lungkot sa kanyang kaluluwa. Hindi niya
napigil ang pagsilip ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa
manlabo ang kanyang paningin—ang bilog na bilog na buwan ay naging
barko sa dagat na papawirin. Ang latag ng bundok na tila mayuming
dalagang nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko.
Papalapit sa kanya ang barko. Papalapit sa kanya ang dalaga.
Nahintakutan siya sa waring nakikita’t naiisip. Nagpasya na lamang
siyang pumasok na sa kuwarto nilang magsing-irog.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Humanismo. Pinahahalagahan ng

Teoryang Humanismo ang tao at ang kaniyang mga saloobin at damdamin. Ito ang

teoryang nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, na ang tao ang sentro ng mundo.

Binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao bilang panukatan ng

maraming bagay at pangyayari. Nakapaloob sa ikasiyam na talata ang Teoryang

Humanismo dahil pinahahalagahan dito ang damdamin ni Prinsipe Manawari. Ang

malungkot na saloobin ni Prinsipe Manawari. Sentro ng talatang ito ang kalungkutang

nadarama ng Prinsipe sa kadahilanang naiisip parin niya ang isang dalaga kahit siya ay

nakipag-isang dibdib na sa unang dalaga.

IKASAMPUNG TALATA

Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kanina’y-halos-


sumabog-sa-galak na mukha ng prinsesa. Bagamat tila hindi
47

naalagaan ang ginintuang buhok ay may kintab itong banayad sa


mata. Umupo ang prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang
buhok ng prinsesa. Sinalo ng daliri ang nakasaboy sa may patilya’t
pisngi at iniipit sa likod ng tainga. Tumambad tuloy ang nanghihigop
na uli-uli sa pisngi. Napansin niyang sa pagkakapikit ay lalong
pumilantik ang mga pilikmata ng marikit na prinsesa. Tinangka niyang
hagkan ang mga pilikmatang tila laging nagkakanlong ng mamasa-
masang luha. Hindi niya itinuloy ang pagtatangka.

Nakapaloob ang Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal sa ikasampung talata. Sa

teoryang sikolohikal, inaalam ang mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang

tao na batayan ng kaniyang pag-iisip at pagkilos. Ipinaliliwanag ang mga nangyayari sa

tauhan na ipinakita sa kaniyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip, at kilos na may

sinasagisag. Ipinapakita rin sa teorya na ang mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang

behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kaniyang akda.

Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior

dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Nakapaloob sa talata ang nasabing teorya

sa kadahilanang mas nakapukos ang talatang ito sa pagbuo ng naturang pag-uugali o

pagkatao ni Prinsipe Manawari. Sa pag-upo niya sa gilid ng kama at paghaplos ng buhok

ng prinsesa ay pansing mahal na mahal niya talaga ang prinsesa ngunit sa pagtangka

niyang hagkan ang prinsesa ay hindi niya ito tinuloy. Nagpapahiwatig lamang ito ng

pagpapakita ng behavior at pagpapakita ng may akda na ang tao o ang tauhan sa

talatang ito ay nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may maaaring may nag-udyok

sa kaniyang isipan na siyang dahilan sa biglaang pagbago ng kaniyang kilos.

IKALABING ISA NA TALATA

Idinako niya ang wari’y lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang


leeg ng prinsesang kabiyak. Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng
kabiyak. Sa kurbadang baiwang at humpak na puson ng kabiyak. Sa
48

hita’t binti ng kabiyak. Sa maliliit na paa’t hubog-kandilang mga daliri.


Sa kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din sa kanyang kaluluwa.
Ang nangungurog na ngayong kamay na kanina’y nagtangkang
humawak sa kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong
dinarama sa halip ang palad nito.

Nakapaloob naman sa talatang ito ang Teoryang Realismo na ang layunin ng

panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan.

Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit tuwirang totoo sapagkat

isinaalang-alang ng may akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kaniyang sinulat.

Nakapaloob dito ang Teoryang Realismo sa kadahilanang makatotohanang paglalahad

at paglalarawan ng mga bagay at mga tao ang mapatutunayan sa pamamagitan ng pag-

iisip ng tao na siyang tuon ng nasabing teorya. Inilahad ng may akda sa talatang ito kung

ano ang totoong nakikita ni Prinsipe Manawari sa pisikal na kagandahan ng kaniyang

kabiyak. Ito ay inilahad at inilarawan ng may akda kung ano ang nakikita at naiisip ni

Prinsipe Manawari sa natutulog na prinsesa. Nakapaloob din ang Teoryang Bayograpikal

na ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may

akda. Dagdag pa nito, nakapokus din ang talata sa karanasan ni Prinsipe Manawari sa

palasyo kasama ang natutulog niyang kabiyak.

IKALABIN DALAWANG TALATA

Tinatalo siya ng paggalang? O binabagabag siya ng napipintong


pagtataksil? Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na
prinsesa. Dahan-dahan siyang bumitiw sa palad nito at hinubad ang
nakatulugan nang pares ng salaming sapatos ng kanyang prinsesang
nahihimbing. Parang kaybigat ikilos ng kanyang mga bisig. Kaygaan
ng sapatos subalit parang kaybigat ng kanyang ginagawa. Hindi
lamang niya matiyak kung dahil ito sa takot at kalungkutang kanyang
nadarama. Dinala siya sa harap ng antigong aparador ng kimkim niya
ngayong takot at kalungkutan. Marahan niyang binuksan at ang
malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay hindi nakagambala
sa nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang
49

damputin ang isang baulito na napapalamutian ng binuhanging ginto


at lantay ng diamante, ruby at jade. Marahan niyang binuksan ito at
unti-unting nakatakas ang ningning at liwanag na nakabilanggo sa
loob ng baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong
gantsilyo. Ang mahiwagang panyong hindi niya matiyak kung
sadyang ihinulog ng mahiwagang dalaga. Kinuha niya ito at inihalili
sa baulito ang pares ng sapatos ng kabiyak. At saka siya muling
nagpasya. Kailangan niyang tugunin ang Ikalawang Bugtong ng Pag-
ibig.

Nakapaloob naman sa talatang ito ang Teoryang Imahismo na ang layunin ay

mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang

makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang pinakamabisang

gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa paligid. Nakapaloob

ang Teoryang Imahismo sa talatang ito sa kadahilanang pukos dito ang paggamit ng may

akda ng mga imahe na manghahayag sa kaisipang o ideya ng mga mambabasa.

Gumamit ang may akda ng mga salita at pangungusap na makapagbibigay larawan sa

kaisipan ng mga bumabasa.

IKALABIN TATLONG TALATA


Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang
tila nunal na lamang na kaharian sa nguso ng malawak na lupain.
Nagtago na ang buwan nang maulinigan ang pag-anggi ng niyebe.
Napabaling ang tanaw ng prinsipe sa kakahuyan habang
nalalambungan ito ng puting niyebe. Nakagaan ng bahagya sa
kanyang pakiramdam ang tanawing ito at magpapasya sana siyang
magpahinga muna sandali. Subalit humalinghing ang kanyang
matikas na kabayo upang ipaalalang hindi saklaw ng kanilang
kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang
ipagpatuloy ang paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang
dalagang may ari ng mahiwagang panyong isiniksik niya sa kanyang
marangya ring pananamit, sa tapat ng kanyang nasasabik-nag-
aalalang dibdib.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Eksistensyalismo. Pinahahalagahan ng

pananaw ng eksistensyalismo ang kalayaan, pagkaresponsable at indibiduwalismo ng


50

bawat tao, ng manunulat o ng mambabasa. Nakapaloob sa talatang ito ang nasabing

teoryang pampanitikan sa kadahilanang ipinapakita sa talata na may kalayaan si Prinsipe

Manawari na pumili kung sino nga ba ang para sa kaniya. Ang kalayaang pumili kung

sino nga ba ang babaeng nais niyang ibigin, kung kaya nagpasya siyang lisanin ang

kaharian at ang natutulog na prinsesa mahanap lamang niya ang babaeng nagmamay-

ari ng panyo. Ipinapakita rin sa talatang ito ang indibiduwalismo at ang pagdedesisyon ni

Prinsipe Manawari para sa kaniyang sarili. Nakapaloob din ang Teoryang Bayograpikal

sa kadahilanang nakapokus pa rin ito sa karanasan ni Prinsipe Manawari.

II. ISANG KAHILINGAN


UNANG TALATA
Bumulagta na lamang bigla ang kanyang dating matikas na puting
kabayo na ngayon ay tila parilya ng isang gumuhong tore. Sa
pagsasara niya ng mga mata nito ay naaninaw pa niya ang waring
paghingi ng paumanhin dahil hindi nito nagampanan ang kanyang
silbi sa among prinsipe. Nanlumo si Prinsipe Manawari sa sinapit ng
nasirang hayop at nakaramdam ng bahagyang pagkakonsensya at
nadamay ito sa kanyang kahibangan. Halos nakakatatlong palit na ng
buwan at patuloy pa rin silang naglalakbay. At ngayon nga’y sumuko
na ang kawawang alalay matapos na matawid nila ang ilang bundok at
ilang disyertong katulad ng katatapos lang nilang mabagtas.
Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil ngayon pa ito tinakasan
ng hininga gayong tanaw na niya di-kalayuan ang isang punungkahoy
na sa pagkakaluhod ay tila hinahagkan ang mga paa ng Dios. Inubos
niya ang natitira pang lakas sa paghila sa wala nang hiningang kabayo
palapit sa punungkahoy. Isang Punong Higera pala ang kanyang
natanaw. Napakalapad ng punong ito na kakailanganin siguro ang
dalawampung gladiator na magkakapit-bisig para mayakap ang
katawan ng dambuhalang puno. Dinala niya sa likod ng Punong
Higera ang kabayo at nangalap ng mga tuyong dahon at yabat na
ipantatabon dito. Wala na siyang lakas para gumawa ng hukay na
paglilibingan nito. Ang tila nakadipang-krus na puno ang magiging
tanda ng pagpanaw ng kanyang matapat na alalay.

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay Teoryang Imahismo na ang layunin ay

mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malayang
51

makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang pinakamabisang

gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa paligid. Nakapaloob sa

unang talata ng ikalawang kabanata ang Teoryang Imahismo dahil nakatuon ito sa

paglalarawan ng ganap ang paksa. Malayang inilarawan ng may akda ang mga

kaganapan sa buhay ni Prinsipe Manawari sa talatang ito. Dagdag pa nito, sa

paglalarawan ng may akda sa mga kaganapan sa buhay ni Prinsipe Manawari at

pagbabasa rin ng mga mambabasa sa talatang ito ay malaya silang makapagbubuo ng

mga larawang maikintal sa kanilang mga isipan. Sa pagbabasa ng mga mambabasa sa

talatang ito ay makapagbubuo sila ng mga imahe sa kani-kanilang mga isipan sa

kadahilang ginamitan din ng may akda ang nasabing talata ng mga salitang may kaugnay

sa mga natural na bagay at imahe.

IKALAWANG TALATA

Matapos siyang umusal ng dasal ay sumalampak siya nang pasandal


sa katawan ng malapad na puno. Ngayon niya naramdaman ang
matinding hapo, uhaw at gutom. Inilabas niya ang pilak na kanister ng
tubig. Sinalo ng kanyang nanunuyong dila ang huling tatlong patak
ng tubig. Inilabas niya mula sa lukbutan ang kahuli-hulihang piraso ng
tinapay na ipinabaon ni Merlin. Akmang kakagatin na niya ang tinapay
nang may mapansin siyang isang usang tumatakam at nakatanghod
sa kanya. Piniraso niya ang katlong bahagi ng tinapay at isinubo sa
mabilis namang tumalilis na usa. Isusubo na sana niya ang natirang
tinapay nang may maramdaman siyang marahang tapik sa kanyang
balikat at maulinigang tila nangangalos na tinig.

Teoryang Fomalismo/ Formalistiko ang teoryang nakapaloob sa ikalawang talata. Ang

layunin ng nasabing teoryang pampanitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang

ipaabot gamit ang kaniyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinabi ng

may-akda sa kaniyang panitikan ay siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa, walang


52

labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang

pagsusuri at pang-unawa. Nakapaloob sa talata ang Teorya Formalismo sa kadahilanang

nais iparating ng talatang ito sa mga mambabasa ang nais ipaabot gamit lamang ang

tuwirang panitikan ng may akda. Direktang ipinaaabot ng may akda sa mga mambabasa

ang tuwirang kahulugan ng kuwento sa nasabing talata. Dagdag pa nito, hindi na

gaanong humihingi ng higit na malalimang pagsusuri at pang unawa ang talata dahil sa

tuwiran ang pagpapahayag ng mga pangyayari na nakapaloob sa talata.

IKATATLONG TALATA

“Amang, maari bang mabahaginan mo ako ng iyong pagkain?” Nang


lingunin niya ang may-ari ng tinig ay tumambad sa kanya ang isang
gusgusin at butuhang matandang babaeng pulubi na tila isang
tungkod na lamang sa loob ng isang nangangarilong na kumot. “Ito
na po ang huling piraso ng aking pagkain. Kung hindi nga lang po ako
nagugutom din ay ibibigay ko na sa inyo lahat. Pero kung inyo pong
ipagpapatawad, hahatiin ko po ito para sa ating dalawa.” “Salamat
Amang. Ilang araw na rin po kasi akong hundi kumakain.” “Kung
gayo’y pagdamutan po ninyo itong kapirasong tinapay.” “Salamat.
Pagpalain ka sana ni Bathala.” Ngingitian sana niya ang matanda
upang sabihin na walang anuman nang biglang may nakasisilaw na
liwanag na bumalot dito. Napapikit ang prinsipe sa sobrang liwanag at
nang idilat niya ang kanyang mga mata ay hindi na ang gusgusing
matanda ang kanyang nasa harapan. Kaharap niya ngayon ang isang
dalagitang ang walang saping mga paa ay nakalutang sa lupa.
Nababalutan ito ng kulay dilaw-na-gintong liwanag. Hindi niya
maaninag ang mukha nito sa tindi ng liwanag na nakapalibot. Hinugot
niya at iniumang ang kanyang espada pero paatras ang kanyang
katawan. Tinangka niyang tumakbo subalit wala na siyang mahugot
na lakas.

Nakapaloob naman sa talatang ito ang Teoryang Saykolohikal o Sikolohikal sa

kadahilanang ipinapahayag sa talata ang pagpapakita ni Prinsipe Manawari ng

magandang pag-uugali. At dahil ang teoryang saykolohikal o sikolohikal ay nakapokus sa

pagpapakita ng mga mga salig sa pagbuo ng naturang behavior, ipinapakita sa talata sa


53

pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangyayari na may pagbabago sa behavior ni

Prinsipe Manawari dahil may nag-udyok sa kaniyang sarili. Sa pagkakakita niya na isa

itong matandang babae na humihingi ng tinapay ay di siya nagdalawang isip na bigyan

ang matanda. Masasabing Teoryang Saykolohikal ang nakapaloob sa ikatatlong talata

sa kadahilanang may pagbabago rin sa kaanyuan ng matandang babae matapos itong

mapakitaan ni Prinsipe Manawari ng magandang pag-aasal.

IKAAPAT NA TALATA

“Huwag kang matakot, Prinsipe Manawari. Ako ang diwata ng


kagubatang ito at nasaksihan ko ang iyong pagpapala sa mga hayop
at paggalang sa mga punungkahoy. Naramdaman ko rin ang
kadalisayan ng iyong puso sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Bilang gantimpala ay bibigyan kita ng isang kahilingan.” Mangha ang
prinsipe dahil kilala siya nito subalit alam niyang pangkaraniwan
naman ang ganitong mga nilalang. Maging sa kanilang kaharian ay
mayroong tulad nito. Ang kinagugulumihanan niya ngayon ay ang
gantimpalang nais ipagkaloob nito. Dahil nga rin siguro sa
desperasyon kaya nais niyang kustyunin kung bakit isang kahilingan
lamang ang ibibigay sa kanya. Ayaw niyang manghula ng sagot kaya
bagamat nag-aalangan ay itinanong na rin niya. “Maraming salamat
po at malugod kong tinatanggap ang inyong gantimpala. Subalit kung
inyo pong mamarapatin ay mayroon po sana akong nais na malaman.”
“Magpatuloy ka, ano ang iyong katanungan?” “A, e… Hindi po ba na
ang karaniwang ibinibigay na kahilingan ng mga tulad ninyo ay tatlo?
Bakit po isang kahilingan lamang ang maari kong hilingin?” “Kaydali
mo yatang makalimot. Hindi ba’t katlong bahagi lamang ng tinapay
ang ibinigay mo sa akin? Kung gayo’y isang kahilingan lamang ang
laan sa iyo.” Napakamot ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe.
Nagpatuloy ang Diwata ng Kagubatan. “Subalit ano ba ang bale kung
isang kahilingan lamang? Kung ikaw naman ay tuso’t matalas,
mahihiling mo ang naisin sa isa lamang kahilingan.” Napaisip ang
prinsipe at napangisi siya nang may biglang bumumbilyang ideya sa
kanyang utak. “Kung gano’n po, Mahal na Diwata. Ang una ko pong
hiling ay bigyan n’yo ako ng tatlong kahilingan!” Ang Mahal na Diwata
naman ang napakamot sa di-naman-makating-ulo. Subalit mangingiti
lamang ito at… “Kung iyan ang nais mo’y matutupad. Ibibigay ko ang
iyong kahilingan.” Kwwwtxxxx.zzzzzzz… Kwwwtxxxx.zzzzzzz…
Biglang wari’y lumakas ang prinsipe at sabik na pinagkiskis ang
kanyang dalawang palad. Handa na siya sa natawarang tatlong
kahilingan. Subalit naiwang nakanganga ang kanyang bibig nang may
54

ipahabol ang Diwata. “Tandaan mo lamang na ang iyong hihilingin ay


may kinalaman sa iyong pakay subalit hindi ang mismong katuparan
ng pakay na iyon. At anumang iyong hihilingin ay ikapitong beses
mong isipin dahil hindi mo na ito mababago. Nagkakaunawaan ba
tayo? “Malinaw na po sa akin ang lahat. Kung gayon po’y maaari na
po ba akong humiling? “Sige, ano ang iyong kahilingan? “Bigyan n’yo
po ako ng kasama sa aking paglalakbay. Kahit ano pong makatutulong
sa paghahanap ko sa aking pakay.” Ipinadyak ng Diwata sa hangin
ang mga paa nitong walang sapin at biglang may sumulpot sa harapan
nilang isang tisikong asong putol ang buntot at alimbyuging manok
na may napakahabang buntot at lunting palong na tila dahon ng
kaktus. Napalitan ng pagtataka ang gulat ng prinsipe. “Paano naman
po makatutulong ang aso at manok na iyan sa aking paglalakbay?”
“Hinihiling mo bang ihayag ko sa iyo kung paano ka matutulungan ng
asong iyan?” “Siempre naman po,” “At gusto mo ring malaman ang
silbi ng manok? “Opo rin po.” “Kung gano’n. Para sa iyong ikalawang
kahilingan…” “Teka, teka lang po…Bakit po ikalawa nang
kahilingan?” “Hindi ba’t sinabi mong hinihiling mo na sabihin ko sa
iyo ang halaga ng dalawang hayop na iyan?” Nakangising paliwanag
ng Diwata. “Kung gayon, ito na ang iyong ikalawang kahilingan...”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Feminismo, Teoryang Eksistensyalismo,

Teoryang Imahismo at ang Teoryang Bayograpikal. Sa linyang ito masasabing

nakapaloob ang Teoryang Feminismo ‘Ako ang diwata ng kagubatang ito at nasaksihan

ko ang iyong pagpapala sa mga hayop at paggalang sa mga punungkahoy’, sa

kadahilanang may sagisag babae ang talata na kung saan siya ang diwatang nagbigay

ng kahilingan sa Prinsipe Manawari. Dagdag pa nito, sinuri ang nasabing talata at

nakapaloob rin dito ang Teoryang Eksistensyalismo. Sentro ng teoryang ito ang kalayaan

ng karakter na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili at pananatili sa mundo.

Nakapaloob din sa talata ang Teoryang Eksistensyalismo sa kadahilanang malayang

nakapagdesisyon at nakapili si Prinsipe Manawari kung ano ang kaniyang magiging

kahilingan. At sa paglabas ng mga kahilingang nabuo gamit ang mahika ng mahiwagang

diwata ay nabuo ang mga imaheng maghahayag sa kaisipang ng mga mambabasa. Kung
55

kaya nakapaloob din sa mahabang talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil sa

paglalarawan ng mga bagay at tuwirang paglalahad ng mga imahe. Dagdag pa nito,

nakapaloob din ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang nakatuon din ito sa mga

karanasan ng mga tauhan sa nasabing talata.

IKALIMANG TALATA

Napailing at napakamot na naman ng di-naman-makating-ulo ang


prinsipe pero hindi na siya nakipagtalo pa sa Diwata. Nagpatuloy ang
Diwata para tuparin ang kanyang susunod na kahilingan. “Aalulong
ang asong ito kapag may mga espiritu at lamanlupang nakikita o dili
kaya’y may panganib na nagbabadya. Kung nais mo ring makita ang
nakikita ng aso, ipahid mo ang muta nito sa iyong mga mata. Sa
pagtulog mo naman ay dadalawin ka ng masasamang panaginip.
Kung ayaw mong magkatotoo ito, ikuwento mo sa manok ang iyong
mga bangungot at matapos ay kagatin mo ang lunting palong nito.
Sige, humayo ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.” Pagkasabi
niyon ay akmang paglalahuin na ng Diwata ang sarili nito. Subalit
napatayo na ang prinsipe para “habulin” ang ikatlo pa niyang
kahilingan. “Teka lang po, Mahal na Diwata. May natitira pa po yata
akong isang kahilingan?” “Hindi yata tayo nagkakaunawaan…?”
“Hindi nga po yata…” Medyo yamot na ang prinsipe. “Ang isang
kahilingan mo’y ang makakatuwang mo sa paglalakbay. Nariyan na
ang aso at manok. Hiniling mo na sabihin ko sa iyo kung paano mo
magagamit ang aso at manok. Sinabi ko sa iyo ang silbi ng aso at silbi
ng manok, isa na namang kahilingan…” “Kung gano’n man po’y
dalawa pa lamang ang aking nahihiling.” “Ang aga mo yatang nag-
ulyanin. Hindi ba’t nung una’y humiling ka na bigyan kita ng tatlong
kahilingan? Isang kahilingan din iyon. Kung ganoon ay tatlong
kahilingan mo na ang aking natupad.” Tumangu-tango na lamang ang
prinsipe bagamat nagsasalubong na ang kanyang kilay. Bagamat sa
pagsusuma ay napagtanto rin niyang wala naman siyang dapat
ikatampo sa tila naglalarong dalagitang Diwata. Bagamat nga rin na
malungkot-ang-mukhang nagpaalam na siya sa Diwata. Ang Diwata
naman ang pumigil sa kanya. “Teka lang. Masyado ka namang
matampuhin. Dahil madali ka namang kausap, may pabuya ka sa
akin.”

Kagaya ng ikaapat na talata, nakapaloob din sa ikalimang talata ang Teoryang

Feminismo, Teoryang Imahismo at Teoryang Bayograpikal. Nakapaloob sa talatang ito


56

ang Teoryang Feminismo sa kadahilanang pokus pa rin sa talatang ito ang sagisag

babae, ang mahiwagang diwata. Dagdag pa nito, nakapaloob din sa talatang ito ang

Teoryang Imahismo dahil sa paglalahad ng may akda at paglalarawan ng mga imaheng

nakapaloob na siyang layong ilantad ang totoong kaisipang ng pahayag sa loob ng

panitikan. Kagaya na lamang ng mga naibigay na kasama ng diwata sa Prinsipe

Manawari, ang manok, ang aso at ang kalabaw at ang mga pangyayaring inilarawan sa

loob ng talata na siyang makapagbibigay imahe sa bawat isipan ng mga mambabasa.

Nakapaloob pa rin ang Teoryang Bayograpikal na may layuning pahalagahan ang buhay

at karanasan ng may akda o ang karanasan ng mga tauhan ng kwento. Ang karanasan

ni Prinsipe Manawari sa kagubatan kasama ang isang diwata na siyang nagbigay sa

kaniyang mga kahilingan.

IKAANIM NA TALATA

Nasabik ang prinsipe. Ang Diwata naman ay pumailanlang patungo sa


dulo ng Punong Higera at may kinuha sa dahon nito. Nang lumapag
ito’y may dala-dala nang isang singsing-ita. Binulungan ito ng Diwata
at ang itim na singsing-ita ay nagkulay-ginto. “Mahiwaga ang
singsing-ita na ito. Nagpapalipat-lipat ito sa daliri ng kung sino mang
may suot nito. Ibibigay ko ito sa iyo. Kapag ibinulong mo rito na
kailangan mo ako ay bigla akong susulpot sa iyong harapan, kahit
nasaan ka man. Subalit tiyakin mo lang na bago ka bumulong ay nasa
palasingsingan ang singsing na ito. Hindi ako magpapakita kung nasa
ibang daliri ito sa halip na nasa palasingsingan. Tiyakin mo ring
bubulong ka lamang kung kailangang-kailangan mo na ako, dahil iyon
na ang ating magiging huling pagkikita natin at huling pagtulong ko
sa iyo. Nauunawaan mo ba, Prinsipe Manawari?” Bagamat hindi niya
masyadong masakyan ang Diwata ay tumango na rin ang prinsipe.
“Tanggapin mo rin ang Magik Malong na ito...” “Alam ko na! Singit ng
prinsipe. “Magagamit ko ang malong na iyan para maging imbisibol
ako!” Sabik na bulalas ng prinsipe. “Hindi. Maginaw kasi rito sa
kagubatan at medyo malamok. Baka ma-malaria ka. Puwede mo itong
gamitin sa iyong pagtulog.” “Akala ko po ba’y may magik ang malong
na ito?” “Oo nga. Hindi ito dumudumi kaya puwede mo nang hindi
labhan. At kung mabubutas man ay nasusulsihan nito ang kanyang
sarili. Hahandugan din kita ng isang…” “Water Buffalo?!” Gulat at
57

nagtatakang naisigaw ng prinsipe nang biglang may sumulpot na


tabogol na putim na hayop sa kanyang harapan. “Hindi yan Bulalo.”
“Buffalo po ang sabi ko.” “Ke Bulalo, ke Bupalo, parehong mali.
Kabaw iyan. Tawagin mo siyang Kalabawbibaw. Nakita kong namatay
na ang iyong kabayo. Kakailanganin mo si Kalabawbibaw sa iyong
paglalakbay. Ngayo’y maari ka nang humayo.” “Teka lang po.
Mukhang hindi naman tatagal ang kabaw na yan. Tingnan ninyo ang
mga paa, parang pinitpit na luya.” “Magdahan-dahan ka, binata. Baka
ang pinitpit na luyang iyan pa ang makatulong sa pagbabalik ng iyong
buhay.” “Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Ang tanda, Prinsipe
Manawari. Ang tanda.” “Hindi ko po maunawaan. Ano pong tanda?”
“Naaaninag ko sa iyong pilikmata. Ang pagsayaw ng hagdan. Ang
paggiba ng bubong ng lutuan. Ang pagkadurog ng kalan…” “Ano
pong…?” “Mapanganib ang gagawin mong paglalakbay. Ngayon pa
lang ay masanay ka nang magtiwala.” Pagkasabi nito ay may
itatanong pa sana ang prinsipe subalit bumalik na sa dating anyo ang
Diwata ng Kagubatan. Muli itong naging tila tungkod sa loob ng
nangangarilong na kumot. Nagpasya ang prinsipeng itanong na rin sa
matandang pulubi ang itatanong sana niya sa Diwata. “Paano po ako
makararating sa aking paroroonan?” Tanong niya sa gusgusing
matanda. “Huwag mo lang kalimutang lumingon sa iyong
pinanggalingan Amang,” sagot ng butuhang matanda at matapos ay
naglaho na lamang itong parang bula. Isinampay ng prinsipe ang
kanyang lukbutan sa balikat ng kalabaw at sinapinan ng malong ang
likod nito. Sumakay na siya at nagpatuloy sa paglalakbay. Umiinday-
inday ang tabogol na kabaw na may mga paang parang pinitpit na luya
at kasunod na nila ang kuma- “kaw! kaw!” na tisikong aso at kumo-
“korokokok” na alimbyuging manok.

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang Imahismo at Teoryang

Bayograpikal. Ang layunin ng Teoryang Imahismo ay gumamit ng mga imahe na higit na

manghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi

ng may akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang

salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahe na layong ilantad

ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Nakapaloob pa rin sa talatang ito

ang Teoryang Imahismo sa kadahilanang ang talatang ito ay nakapokus pa rin sa

paggamit ng may akda ng mga imahe at paglalarawan ng mga imahe. Kagaya na lamang
58

sa mga bagay na ibinigay ng diwata, ito ang magik malong, ang mahiwagang singsing,

at ang mga mahihiwagang hayop. Ang mga bagay na ito ang siyang pokus na imahe sa

talatang ito. Kasabay sa pagpapakilala ng diwata sa mga bagay na kaniyang ibinigay,

inilarawan din ng may akda sa talatang ito ang mga pangyayari na makapagbibigay ng

senaryo sa kaisipan ng mga mambabasa. Dagdag pa nito, nakapaloob din sa nasabing

talata ang Teoryang Bayograpikal na ang layunin ay ipamalas ang karanasan o

kasagsagan sa buhay ng may akda. Nakatuon pa rin ang talata sa karanasan ni Prinsipe

Manawari sa kagubatan at ang kaniyang paglalakbay kasama ang kalabaw, ang aso at

ang manok na ibinigay ng diwata sa kaniyang kahilingang nais niyang magkaroon ng

kasama sa paglalakbay.

III. LUPAIN NG MGA HIGANTE

UNANG TALATA

Hindi lamang siya lumingon kundi bumalik na sa kanyang


pinanggalingan. Tahimik ang kaharian tulad ng gabing lisanin niya
ito. Una niyang pinuntahan ang nilisang kabiyak. Payapa itong
natutulog tulad ng gabing iwan niya. Ganoong-ganoon ang ayos ng
prinsesa maliban sa suot nito ang salaming sapatos na hinubad niya
at itinago sa baulito bago siya umalis at naglayag. Umupo siya sa gilid
ng kama at hahagkan sana sa noo ang kabiyak na prinsesa nang may
bigla siyang napansin sa noo nito. Kaytagal na ba niyang nawala at
may gatla na ang noo ng kanyang kaawa-awang asawa? Subalit tila
yata may pilantik ng buhok ang gatla nito sa noo? Hahaplusin dapat
niya ang “gatla” nang biglang bumukas ito. Hindi siya makapaniwala
ngunit mata ba ang nakikita niyang nasa noo ng kabiyak? Kumurap-
kurap ang matang iyon at nang mapansin siya ay tinitigan siya nito
nang masama. Parang titig ng pusang nasa hapag. Napaatras ang
prinsipe at napahandusay sa sahig. Biglang bumangon ang kabiyak
na prinsesa. Pikit ang dalawang mata nito maliban sa mata ngang
nakadilat na nasa noo. Galit ang matang iyon. At mula sa
pagkakahandusay niya’y tila lumalaki ang tingin niya sa kabiyak.
Lumaki ito nang lumaki hanggang sa umumpog na sa kisame ng
kanilang kuwarto. Nagpatuloy ito sa paglaki hanggang sa mabutas na
at gumuho ang kanilang bubungan. Sumayaw ang hagdan. Nagiba rin
59

ang bubong lutuan. Nadurog ang kalan. Iniangat ng prinsesa ang


kanang paa nito na ngayon ay halos kasinglaki na ng prinsipe. Nakita
niya ang repleksyon ng nahihintakutang sarili sa talampakan ng
salaming sapatos. Yayapakan siya at pipisakin ng kanyang
pinagtaksilang kabiyak. Napakatulis na tila dambuhalang balaraw ang
takong ng salaming sapatos na padikit na sa kanyang namumutlang
mukha. Naisip ng prinsipeng magpasaklolo sa Diwata ng Kagubatan.
Bubulungan na dapat niya ang suot na gintong singsing-ita subalit sa
hinlalato niya ito nakapulupot. Iginalaw-galaw niya ang kanyang mga
daliri sa pagbabakasakaling lumipat ang singsing sa kabilang daliri,
sa palasingsingan. Subalit tulog-suka ang singsing. Walang nagawa
si Prinsipe Manawari kundi umusal ng dasal na sana manawari’y
napatawad siya ng kabiyak na prinsesa bago lamang siya patayin nito.
Napapikit na lamang ang prinsipe. Handa niyang tanggapin ang
kanyang kaparusahan. Una niyang naramdamang tumusok ang
matulis na takong sa kanyang pisngi. Sunud-sunod ang tusok nito at
napaungol siya. Isa pang mariing pagtusok at napadilat siya.
Nagisnan niya ang alimbyuging manok na tinutuka ang kanyang
pisngi.

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal.

Inaalam muna sa Teoryang Saykolohikal/ Sikolohikal ang nagaganap sa antas ng

kamalayan ng isang tao na batayan ng kaniyang pag-iisip at pagkilos. Ang mga panlabas

na katangian ng karakter ay sinusuri ayon sa kaniyang paraan ng pagsasalita, daloy ng

pag-iisip at kilos na may sinasagisag. Kung kaya sa talatang ito ay may nabuong

pagbabago o panibagong pag-uugali gaya na lamang sa pagpapalit anyo ng kabiyak ni

Prinsipe Manawari na naging isang higante na may mata sa noo at ang pagpapalit ng

ugali ng kaniyang kabiyak. Dagdag pa nito, ang talata ay ipinaliwanag sa pamamagitan

ng pagpapakita ng mga salig sa pagbuo ng naturang pag-uugali, paniniwala, pananaw,

at pagkatao ng isang tauhan sa kaniyang akda. Ipinapakita din dito na ang tao ay

nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag uugali dahil may nag udyok sa tauhan na

magbago.
60

IKALAWANG TALATA

Matapos mapayapa ang sasal ng kanyang dibdib at mahabol ang tila


tumakas nang hininga ay ikinuwento niya sa manok ang
napakasamang panaginip katulad ng bilin ng Diwata ng Kagubatan.
Mataman namang nakinig ang alimbyuging manok. Nang matapos
siyang magkuwento ay ihinilig ng manok ang ulo nito sa kanyang
braso. Natuwa siya sa ipinakitang simpatiya at pag-alo ng manok sa
kanya. Hinagod niya ang lunting palong nito upang ipahiwatig ang
kanyang pasasalamat. Bagamat parang ikinasiya naman ng manok
ang kanyang ginawa, hindi ito tumigil sa paghilig ng ulo nito sa
kanyang mga palad. Parang may nais itong ipagawa pa sa kanya
subalit hindi na niya iyon inintindi dahil lumipad na ang isip niya sa
napaginipang kabiyak. Nakaramdam na naman siya ng di mawaring
kalungkutan.

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang Imahismo dahil sa mga

salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw ngunit mayaman sa matayog na kaisipan at

ginagamitan ng mga eksaktong paglalarawan at pagbibigay anyo sa mga ideya. Dagdag

pa nito, ang talata ay gumagamit ng mga imahe na higit na maghahayag sa mga

damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit na

madaling maunawaan kaysa gumagamit lamang ng karaniwang salita. Halimbawa na

lamang nito ay ang panaginip na kung saan ay ibinahagi ni Prinsipe Manawari ang

kaniyang saloobin sa kaniyang kaibigang manok tungkol sa kaniyang napanaginipan na

hindi niya maipaliwanag kung ano nga ba ang mensahe na nais iparating sa kaniya.

IKATATLONG TALATA

Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ng prinsipe ang napanaginipan kaya


hindi niya napansing kakaiba na ang simoy ng hangin. Bumalik na
lamang ang kanyang ulirat nang mapansing tila nasa ibang kagubatan
na sila. Naglalakihan at nagtatayugan ang mga puno rito. Mas
malalapad ang puno rito kaysa Puno ng Higerang tinigilan niya
kahapon at halos singtatayog ng tore ng kanilang kaharian. Maya-
maya’y tumigil si Kalabawbibaw sa gilid ng isang puno. Tinahul-
tahulan naman ang puno ng aso at ang tila yata matamlay ngayong
61

manok na may napakahabang buntot ay lumipad sa may tuktok nito.


Napansin niya ang dinapuan ng manok na tila isang bagay na sa
kataasan ay hindi niya mapagtanto kung ano. Basta’t ang nasisiguro
niya’y hindi ito sanga o bahagi man ng puno. Ikinaway ng manok ang
pakpak at napakahabang buntot nito na parang niyayaya si Prinsipe
Manawaring umakyat sa kinadadapuan. Naalala ng prinsipe ang
kuwento ni Merlin tungkol sa Magoyoda Selegen. Isang lugar daw ito
sa pagitan ng langit at lupa. Dito raw iniimbak ang mga sandata at
kagamitang hindi ginagamit. Pinasya ng prinsipeng umakyat sa puno
sa pamamagitan ng mga baging na nakapulupot dito. Isa palang
lumang baul ang kinadadapuan ng manok. Lumipat ang manok sa
sanga at binuksan ng prinsipe ang baul. Nanlumo siya nang
malamang hindi mga sandata ang nakaimbak dito kundi mga lumang
gamit lamang—tatlong piye ng nangungutim nang lubid, dalawang
dipa ng malapad na goma, isang malaking kabibeng hugis tambuli,
isang lumang agong at isang malaking palakol ngunit walang
hawakan. Pag-angat niya ng palakol ay may nakita siyang kanister ng
tubig sa ilalim nito. Dinampot niya ito at inalog-alog. May laman. Sa
isip niya’y ito lamang ang kanyang mapakikinabangan. Bababa na
sana siya subalit nagtitilaok ang manok at dumapo ito sa naiwang mga
kagamitan at kinala-kalahig ang mga iyon na para bang iniuutos sa
prinsipe na kunin ang mga lumang gamit na iyon. Nakatingala naman
si Kalabawbibaw at tahol nang tahol ang tisikong aso. Bagamat
natitiyak ng prinsipeng hindi naman niya ito magagamit sa
paglalakbay, may kung anong puwersang nagtulak sa kanya para
kunin na lang din ang mga natirang lumang gamit. Inihulog niya ang
baul at muntik nang mabagsakan ang dalawang hayop sa ibaba.
Bumaba na rin siya pagkatapos at lumipad na rin pababa ang masigla
na ngayong manok.

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang Dekonstruksyon dahil

ito ay may ideyang walang pernamenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay hindi

maitatag at nagbabago at hindi masasaklaw o matatakdaan sapagkat ang kahulugan ay

nagbabago. Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Eksistensyalismo sa

kadahilanang pinapahalagahan dito ang kalayaan, pagkaresponsable at indibidwalismo

ng bawat tao. Ang tauhan ay malayang pumili at nagpasya sa kaniyang sariling

kahihinatnan o kapalaran. Ipinaliwanang sa teoryang ito na walang maaaring magsabi


62

kung alin ang tama o mali, ang totoo o malikmata, importante at walang halaga maliban

lamang sa mismong taong nakaranas.

IKAAPAT NA TALATA

Iba na nga ang simoy ng hangin sa kagubatang ito. Nakaramdam ng


banas ang prinsipe at tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo’t
katawan. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng init. Nagpasya siyang
magpahinga muna sila. Bumaba siya sa kabaw at naupo pasandal sa
isang puno. Lumagok siya ng kaunting tubig at pinainom din niya ang
tatlong kasamang tila hindi naman nakararamdam ng pagod.
Tumatagiktik pa rin ang pawis niya sa noo. Naalala niya ang panyong
nasa may dibdib. Matapos magpunas ng pawis ay tinitigan niya ang
panyo at napatapik siya sa kanyang noo nang may maalala. Bakit nga
pala hindi niya ito naipakita sa Diwata ng Kagubatan at bakasakaling
mabigyan siya ng impormasyon tungkol dito o sa may-ari ng panyo?
Nakaramdam siya ng panghihinayang. Sumunod, ng gutom. Subalit
alam niyang wala na siyang natirang pagkain. Ang huling piraso ng
tinapay ay pinagsaluhan nila ng Diwatang nagpanggap na matandang
pulubi. Dadaanin na lang niya sa tulog. Wala pang ilang sandali ay
naghihilik na ang prinsipe. Naaawang pinagmamasdan lamang siya ng
tatlong hayop niyang kasama.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil gumagamit ito ng mga

imahe na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin, at iba pang

nais na ibahagi ng may akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang

ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahe

na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag. Dagdag pa nito, ang pahayag ay

ginagamitan ng mga eksaktong paglalarawan at pagbibigay anyo sa mga ideya. Sa

talatang ito nakapaloob ang teoryang imahismo sa kadahilanang ito ay ginamitan ng

isang imahe na naghahayag ng isang kaisipan gaya na lamang ng pagpapanggap ng

isang diwata sa isang imaheng matanda kay Prinsipe Manawari.


63

IKALIMANG TALATA

Naalimpungatan siya sa tila alulong ng aso. Tuluyan na siyang dumilat


nang mapansing takipsilim na pala. Ganoon ba siya katagal
nahimbing? May parang dalawang pusang nagkakalmutan sa kanyang
sikmura. Pinilit niyang huwag na lang itong pansinin. Bakit kasi
walang puno ng kahit anong prutas sa kagubatang ito? O kung may
puno man ng prutas ay bakit wala siyang makita ni isang bunga? Ang
ibang mga puno nga ay putol-putol na waring natigpas ng kidlat. Nasa
ganoon siyang kontemplasyon nang muli niyang marinig ang alulong
ng aso. Nasa di kalayuan ito, tantiya niya base sa di gaanong lakas
ng alulong niyang naririnig. Napabalikwas siya hindi dahil wala rin sa
tabi niya ang manok at kabaw kundi naalala niya ang paalala ng Diwata
kapag umalulong ang aso. Mayroon ba itong nakikitang espiritu? O
lamanlupa kaya? May nakaamba bang panganib? Mabilis siyang
napatayo para hanapin ang kanyang mga kasama lalo na ang
umaalulong na aso. Madali naman niyang natagpuan ang mga ito.
Umaalulong pa rin ang aso habang nagkukutkot ng lupa at
nakatanghod sa kinukutkot nito ang manok at kabaw. Palinga-lingang
lumapit sa tatlo ang prinsipe. Parang may hinahanap siyang ayaw
niyang makita. Tulad ng masasamang espiritung sinabi ng diwata o
mga lamanlupa. Nasaan ang panganib? Dahan-dahan niyang hinaltak
ang katawan ng nagkukutkot na aso. Kailangan niyang kumuha ng
muta nito at ipahid sa kanyang mga mata gaya ng bilin ng Diwata.
Mahirap kalabanin kung saka-sakali ang kaaway na hindi nakikita.
Subalit pumapalag ang aso. Waring ayaw itong papigil sa ginagawa.
Makahuhulagpos ito sa kanya at magpapatuloy sa pagkukutkot.
Huhulihin niya muli at magpapambuno pa nga sila. Sa kapipilit ay
nagpaubaya na rin ang aso pero umuungol-ungol ito na para bang
naiinis na sa kanyang bagong amo. Nadakma ng prinsipe ang ulo nito
at umukit ng konting muta mula sa umiiwas na mata ng aso. Bagamat
nandidiri ay nagawa niyang ipahid ito sa magkabila niyang mata.
Medyo mahapdi at tila baga lalong lumabo ang kanyang mga mata.
Ikinurap-kurap niya ito habang iginagala sa paligid. Maya-maya pa’y
luminaw na ang kanyang paningin. Nakatunganga naman sa kanya
ang tatlo at takang-taka sa kanyang ikinikilos. Hawak ang espada sa
kanang kamay at balaraw sa kaliwa, inikot-ikot ng prinsipe ang bahagi
ng kagubatang iyon at inilibot ang mata sa lahat ng maaabot ng
pananaw nito. Sa mga puno. Sa gilid-gilid ng mga puno. Sa mga sala-
salabat na sanga at malalagong dahon. Sa taas at dumidilim nang
kalangitan. Sa mga puno uli. Sa gilid-gilid. Sa lupa. Sa matataas na
gubat-damo sa paligid. Maging ang tatlong hayop na kasa-kasama
niya ay tinitigan niya at baka nagkatawang-hayop pala ang mga
espiritu at lamanlupa. Natunaw na lang yata ang muta ng aso sa
kanyang mga mata ngunit wala siyang nabanaag man lang na espiritu
at lamanlupa. Walang bakas ng panganib. Samantala’y ipinagpatuloy
64

na ng aso ang naabala nitong ginagawa. Napasandal na lang muli ang


prinsipe sa isang puno sabay bitiw sa kanyang mga sandata. Sa
pagsalampak ay kumalansing ang mga pilak sa bulsitong nakatali sa
kanyang baiwang. Ngunit ano nga ba ang halaga ng mga pilak na ito
sa ganitong lugar? Lalong tumindi ang gutom na kanyang
dinaramdam. Wala siyang magawa kundi isubsob ang mukha sa
nanginginig niyang mga palad. Gusto niyang maghuhumiyaw dahil
bukod sa gutom, pakiramdam niya’y pinaglaruan lamang siya ng
maypagkapilyang Diwata. Sumuko na ang aandap-andap na liwanag
sa dilim. Gabi na. Mukhang maiidlip na naman siya sa ganoong ayos.
Subalit hindi matutuloy ang kanyang pag-idlip dahil sabay-sabay
niyang maririnig ang tahol ng aso, tilaok ng manok at ungol ng kabaw.
Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo upang tuklasin kung ano na
namang walang saysay ang gingawa ng tatlo. Nakita niyang tulung-
tulong na ang mga ito sa paghukay sa sinimulang kutkuting lupa ng
aso. Kahit malayu-layo siya sa tatlo at tanaw niyang may kalaliman na
ang nahukay ng mga ito. Hindi na niya matanaw ang manok at putol
na buntot na lamang ng aso ang kanyang naaaninag. Hindi na rin niya
kita ang ulo ni Kalabawbibaw na tila may sinusungkit sa nalikhang
hukay. Nang iahon ng kabaw ang ulo mula sa hukay ay may napansin
siyang nakatusok sa kaliwang sungay nito. Lumapit siya para
usyosohin ang pinagkakaabalahan ng tatlo.

Nakapaloob sa talatang ito ang teoryang Realismo dahil sa makatotohanang

paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at ano pa mang

mapapatunayan sa pamamagitan ng pag iisip ng tao. Hango sa tunay na buhay ang

Teoryang Realismo ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang alang na lamang

ng manunulat ang sining ng pagsulat. Halimbawa na lamang sa talatang ito ang hirap na

dinanas ni Prinsipe Manawari sa kaniyang paglalakbay na kung saan masasalamin ito ng

may akda noong panahon ng mga taong naglalabakbay. Ipinapakita sa talata kung gaano

kahirap ang dinanas ng mga tao noon. Nakapaloob din sa ikalimang talata ang Teoryang

Imahismo dahil ginagamitan ito ng mga imahe na higit na naghahayag sa mga damdamin,

kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi. Ito rin ay ginagamitan lamang ng

karaniwang salita sa halip na paglalarawan upang ito ay madali lamang maunawaan.


65

Nakapaloob ang teorya dahil sa mga sagisag o mga imahe ng kaniyang mga kaibigang

hayop na kasama niya sa kaniyang paglalakbay.

IKAANIM NA TALATA

Natawa siya’t napailing at biglang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili


at sa tatlong kasama. Kaya pala umaalulong ang aso kanina. Totoo
palang may nakikita itong hindi niya nakikita. Totoo palang may
nakikita itong lamanlupa. At napakaraming lamanlupa. Ang lalaki pa’t
ang tataba. Ang lalaki at ang tatabang lamanlupa! Ang lalaki at ang
tatabang kamote at gabi! Napakamot siya at tuluyang naggabi na.

Nakapaloob sa talatang ito ang teoryang Realismo dahil sa makatotohanang

paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at ano pamang

mapatutunayan sa pamamagitan ng pag iisip ng tao. Ito rin ay hango sa tunay na buhay

ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang na lamang ito ng sinumang

manunulat ang sining ng pagsulat. Halimbawa nito ay ang paghihirap ng mga kaibigan ni

Prinsipe Manawari para makalikom ng mga pagkain at ito ay masasalamin ng isang akda

sa mga nangyayari sa kaniyang kapanahunan noon.

IKAPITONG TALATA

Nakakailang dighay na ang prinsipe subalit parang hindi nabawasan


ang inaning lamanlupa ng tatlong itinuturing na niya ngayong mga
kaibigan. Parang inantok na naman siya ngayon sa kabunsulan. Iidlip
na sana siyang muli nang may maramdaman siyang marahang tapik
sa kanyang balikat at makaulinig ng tila nagpupugay na tinig.
“Kapatid, purihin ang Buhay na Panginoon.” Bati ng lalaki at itinaas
ang kanina’y kilik-kilik na surat. “Salamat nang walang hoyang sa iyo
Dios kong maalam at ito ngang librong mahal tinulutang ilimbag.
Nang kaming mga binyagan may basahin gabi at araw.”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Arkitaypal sa kadahilanang nakatuon ito

sa paraan ng paglikha at epekto nito sa mambabasa ngunit higit na malawak ang


66

sinasaklaw dahil ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahe na nakikita sa

teksto ng pandaigdigang kultura ang sinusuri. Nararapat alamin ang kabuuang konsepto

at tema ng panitikan sapagkat lahat ng simbolismong nakapaloob sa akda ay

magkaugnay. Hindi basta bastang masusuri ang mga simbolismo sa akda. Kung kaya ito

ay kinakailangan ng malalimang pagsusuri upang alamin at malaman ang kabuuang

konsepto at tema ng isang panitikan.

IKAWALONG TALATA

Pinag-angatan niya ng mukha ang nagsalita at bahagya siyang nagulat


sa tumambad sa kanya. Isang lalaki itong nasa kalagitnaan ang edad.
Kakaiba ang bihis nito na tila hinabing sinulid ng pinya. May
iwinawagayway itong itim na surat at may dalang maliit na supot na
bughaw. Sa likuran nito’y may pitumpu’t pitong puting payat na tupa.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Humanismo dahil pinahahalagahan nito

ang tao at ang kaniyang saloobin at damdamin. Ito din ay nagsasabi na ang tao ay

rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Binibigyang

tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, kakayahan

niya bilang isang insibidwal. Ito rin ay nagpapakita ng tamang asal na nagbibigay diin sa

dignidad at halaga ng indibidwal gaya na lamang ng pagbibigay ng galang at respeto ni

Prinsipe Manawari sa isang lalaki kahit hindi niya ito kilala.

IKASIYAM NA TALATA

“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Naitanong ng prinsipe nang


matiyak niyang malayong maging pulubi ang lalaki dahil mukha
namang malakas ang pangangatawan nito. Tuwid na tuwid din ang
piston ng suot nitong pantalon at kaykintab ng itim na katad na
sapatos. Tila mayulap ito sa buhok. May bituin ang ngiti. May apoy
sa tuktok. At may tinig itong tila nanggagaling sa langit. Naalala niya
ang Diwata ng Kagubatan. Isa na naman ba itong paglalaro sa kanya?
67

Subalit hindi naman masama kung magagantimpalaan na naman siya


ng kahilingan. Gayunpama’y inalok pa rin niya ito ng kamote at gabi.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Humanismo dahil ang tao ay rasyunal

na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti, at ito din ay

nagbibigay tuon sa kalakasan at kabutihang katangian ng tao. Dagdag pa nito, dito rin

makikita ang kabutihang asal ng isang indibidwal gaya na lamang ng pagbigay galang ni

Prinsipe Manawari sa isang lalaki.

IKASAMPUNG TALATA

“Huwag ka nang mag-abala pa, kapatid. Naririto ako para sa iyong


kaligtasan. Para sa kaligtasan ng lahat. Purihin ang Buhay na
Panginoon!” “Kung ganoo’y ano pa po ang maari kong maipaglingkod
sa inyo?” “Lubhang napakahirap po kasi ng gawain kong pamamastol
ng tupa. Napakagastos pong talaga sa panahon at gugulin. Kanina
po’y may narinig akong kalansing ng mga pilak. Maari po bang
mabahaginan n’yo ako kahit ilang piraso man lamang?”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Historikal dahil ito ay bahagi ng buhay

ng tao at ng mundo, ang kasaysayan na siyang humubog sa kung sinuman siya ngayon

o ano man ito ngayon at ang mga tauhan at pangyayari sa teksto ay kinakailangan ng

mga kaganapan sa isang tiyak na panahon gaya na lamang ng lalaking taga pastol ng

tupa ito ay masasalamin natin sa kapanahonan noon.

IKALABING- ISA NA TALATA

Napaisip siya kung ano na namang laro itong naisipan ng Diwata. May
dalawampung piraso siya ng pilak sa kanyang bulsito. Maaring
magamit niya ito sa kanyang malayo pang lalakbayin subalit nagpasya
siyang ibigay ang tatlong pirasong pilak sa duda niyang Diwatang
nagpapanggap naman ngayong pastol. Tatlong pirasong pilak. Sa
isip-isip niya’y walang dudang katumbas ito ng tatlong kahilingan!
Halos daklutin ng pastol sa palad ng prinsipe ang tatlong pirasong
68

pilak sabay hulog sa supot nitong bughaw. Subalit parang hindi ito
nakuntento sa kanyang ibinigay. Subalit hindi naman ito nagpumilit na
dagdagan pa iyon ng prinsipe. Nagpasaring nga lamang ito.

Teoryang Eksistensyalismo naman ang nakapaloob sa talatang ito sa

kadahilanang pinahahalagahan ang kalayaan, pagka responsable at indibidwalismo ng

bawat tao. Ang tauhan ay may kalayaang pumili at magpasya sa sariling kahihinatnan o

kapalaran. Walang maaaring mag sabi kung alin ang tama o mali, ang totoo o malikmata,

importante at walang halaga maliban na lamang sa mismong taong nakararanas gaya na

lamang ng kaniyang pagdesisyon na bigyan ng pilak ang isang lalaki kahit hindi naman

niya ito kilala.

IKALABIN DALAWANG TALATA

“Salamat kapatid. Sana’y tinatandaan din nating hindi tinitingnan ng


Buhay na Amang nasa Langit kung magkano ang ating ibinibigay para
sa kanya, kundi ang tinitignan niya ay ang halagang iniiwan natin sa
bulsa.”

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang Arkitaypal. Layunin ng

teoryang Arkitaypal na ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng

mga simbolismo. Upang masuri ang mga simbolismo sa akda nararapat alamin ang

kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat lahat ng simbolismong nakapaloob sa

akda ay magkakaugnay at ito din ay nangangailan ng masinsinang pagsusuri. Kaya ang

talatang ito ay hindi basta-bastang masusuri ang mga simbolismo sa akda. Kinakailangan

munang alamin ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan.


69

IKALABIN TATLONG TALATA

Mangangatwiran sana ang prinsipe na maaring kailanganin din niya


ang mga pilak sa kanyang paglalakbay, subalit nagpasya siyang
huwag na lang patulan ang laro ng pinagsususpetsahang Diwata.

Teoryang Arkitaypal ang teoryang nakapaloob sa talatang ito dahil ang buong

kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahe na nakikita sa teksto ng pandaigdigang

kultura ang sinusuri. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng

panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t

isa at ito ay tiyak na kinakailangan ng masinsinang pagsusuri.

IKALABING APAT NA TALATA

Hindi na hinintay ng lalaki kung mamarapatin nga ng prinsipe at


dumampot na ito ng ilang pirasong kamote at gabi. Nagmamadaling
lumisan ang pastol kasunod ang pitumpu’t pitong puting payatot na
tupa at nawala na lamang ang mga ito sa kasukalan. Nabura ang ngiti
sa mukha ng prinsipe nang lumipas pa ang ilang sandali ay walang
sumusulpot na Diwatang kanyang inaasahan. Napakamot siya sa ulo
nang mapagtantong mukhang nakikilan lamang siya ng pastol ng
tatlong pirasong pilak at ilang pirasong kamote at gabi. Pigil na
naghahagikgikan ang tatlong hayop sa tabi niya na tumigil lamang
nang tapunan niya ng nananaway na sulyap. Napabuntunghininga ang
prinsipe at sa malalim na hugot ng hininga ay di naiwasang lumabas
at tumunog ang hangin mula sa kanyang puwit. Umepekto na ang
musical root. Hindi na napigil ng tatlong hayop ang paghagikgik.
Nakihagikgik na rin ang prinsipe. Naghahagikgikan silang nagpatuloy
sa paglalakbay.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Saykolohikal o Sikolohikal dahil inaalam

muna ang mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng

kaniyang pag-iisip at pagkilos. Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri

ayon sa kaniyang paraan ng pagsasalita daloy ng pag iisip, at kilos na may sinasagisag
70

at ito ay nagkakaroon ng pagbabago o nagkaroon ng panibagong pag uugali gaya ng

pinakita ng pastol kay Prinsipe Manawari para lamang makahingi ng pilak.

IKALABIN LIMANG TALATA

Umaga na. Matapos maghilamos ay pinuno ni Prinsipe Manawari ang


kanister ng tubig. Dito na sila nakatulog sa tabi ng ilog na natagpuan
nila kagabi. Nakabanaag ng bahagyang pag-asa si Prinsipe Manawari
pagkakita sa ilog. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na sila sa
dagat. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Merlin. “Lahat ng ilog ay pauwi
sa dagat.” At malamang na sa tabi ng dagat niya matatagpuan ang
mahiwagang dalagang nakalulan sa mahiwagang barko. Iginala ng
prinsipe ang kanyang paningin sa paligid. Hindi niya ito masyadong
namasdan kagabi. Kakaiba ang kagubatang ito kaysa kanilang
pinanggalingan. Bagamat nagtatayugan din ang mga puno rito, may
mga bunga naman ito hindi tulad ng pinanggalingang kagubatan. May
nakita siyang puno ng lanzones, makopa, kaymito, mangga,
rambutan, langka, durian at marami pang iba. Ngayon lang siya
nakakita ng mga prutas na ganito. At ang mga ito’y namumutiktik sa
bunga. Nakatingala ang prinsipe sa higanteng Punong Duhat. Ang
kumpul-kumpol na mga bunga nito’y tila mga palayok na itim na
bibitin-bitin. Tinantiya ng prinsipe kung maaakyat niya ito. Mukhang
kaya naman niya. Ihahakbang na niya ang kanyang isang paa paakyat
nang biglang gumalabog ang lupa. Kagabi pa niya naririnig na tila may
kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Subalit ito nga’y hindi lamag kaluskos
kundi napakalakas ngang galabog. Napabalikwas pati ang tatlong
hayop na natutulog. Hindi makatingin sa kanya nang diretso ang
tisikong aso. Aminadong pumalpak ito sa di pagbibigay ng babala sa
panganib na darating. Papalakas nang papalakas ang galabog ng
lupa. Parang may nagbabayo ng bigas sa ilalim nito. Napayakap ang
prinsipe sa Puno ng Duhat habang hinahanap kung ano o sino ang
may kagagawan ng paggalabog na iyon. Mula sa di-kalayuan ay
napansin niyang parang hinahawi ng buhawi ang nagtatayugang mga
puno. May kadiliman sa bahaging iyon ng gubat kung saan nakatanaw
siya ng tila katawan ng puno subalit sa tingin niya’y gumagalaw ito.
Ngayo’y natitiyak niyang gumagalaw nga ang punong ito at papalapit
sa kinaroroonan nila. Kinagat-pahila ng aso ang kamay ng prinsipeng
nakayakap sa puno. Niyayaya na nito ang amo na tumakbo o
magtago. Napasunod naman ang prinsipe dahil kung hindi’y tiyak na
masusugatan ang kanyang kamay sa kagat ng aso. Dinala siya ng aso
sa isang malaking kuweba sa tabi ng ilog. Papasok na sila sa
bunganga nito nang salubungin sila ng kawan ng libo-libong
nabulabaog na Ibong Tabon. Naging para itong lambong ng ulap sa
papawirin. Nadatnan na nila sa loob ang kabaw at manok. Bagamat
71

madilim sa loob ng kuweba, banaag ni Prinsipe Manawari ang


nakasalansang kalansay at bungo ng mga tao’t hayop. Inisyoso niya
ang ilan at napansin niyang ang ibang bungo ng tao ay may mga
gintong ngipin. Ang ilan naman ay may nakabaon ding ginto sa
mismong bungo. Nakiramdam sila sa nangyayari sa labas. Papalakas
pa rin nang palakas ang galabog. Maya-maya’y bigla na lang itong
tumigil. Mula sa kinatataguang yungib ay sumilip ang prinsipe. Muntik
nang lumuwa ang kanyang mga mata pagkakita sa nanginginain ng
duhat.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil ito ay naglalarawan at

tuwirang naglalahad ng mga imahe na layung ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag

sa loob ng panitikan at ang pahayag ay nagiging matulain sapagkat ginagamitan ng mga

eksaktong paglalarawan at pagbibigay anyo sa mga ideya. At nakapaloob din dito ang

Teoryang Dekonstruksyon dahil pinahahalagahan dito ang ideyang walang

permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay hindi maitatag at nagbabago. Ang

isang akda ay hindi masasaklaw o matatakdaan sapagkat ang kahulugan ay nagbabago.

Ang kahulugan ng akda ay matatagpuan hindi lamang sa mga salitang nabasa o

nararanasan.

IKALABING ANIM NA TALATA

Isang babaeng higante! Sumalampak ang higante paharap sa yungib


na kinatataguan nina Prinsipe Manawari. May kalayuan din ang
kinalalagyan nito ngunit dahil sa sobrang laki ay parang nasa harapan
lamang niya. Iisa ang mata nitong nasa gitna ng noo. Naalala niya
ang napanaginipan. Ano’t nagkatotoo ang kanyang panaginip
samantalang sinunod naman niya ang bilin ng Diwata na ikuwento ito
sa manok at naalala niya ang nakaligtaan niyang gawin. Sinulyapan
niya ang alimbyuging manok at nakasulyap din ito sa kanya na para
bang sinasabing “Ikaw kasi e, ‘no? Hindi mo kasi kinagat ang palong
ko.” Napapalatak na lang ang prinsipe at ibinaling niya muli ang
paningin sa babaeng higante. Iisa lang din ang tenga nitong tulad ng
sa kuneho at para lang ihinugpong sa kanang bahagi ng ulo. Hindi
tuloy nito naririnig ang anumang nasa kaliwa. Para namang mga
kuwebang umuusok ang tatlong butas ng busalsal nitong ilong.
72

Sobrang luwang din ang bunganga na umukopa halos sa kalahati ng


mukha. Para iyong balong malalim na punung-puno ng maduduming
patalim. Ngumangasab-ngasab pa rin ito ng duhat. Kung makasubo
ito’y parang mauubusan gayong wala naman itong kasalo. Sa
paghabhab ay halos masungalngal na sa buong mukha ang prutas.
Nang mabunsol ay dumighay ito nang singlakas ng dagundong ng
kulog. Minasdan ni Prinsipe Manawari ang babaeng higante pagtayo
nito papunta sa kalapit-ilog. Maiikli ang biyas nito at kung hindi nga
lamang ito higante at kasinglaki lang ng tao ay lalabas pa ngang
pungok ito. Sumalampak na naman ito sa tabing-ilog. Kinalag nito ang
lukbutang nakatali sa may beywang at may dinukot na tila tinik ng
katawan ng pating. Sumungaw ito sa tubig para manalamin at
manuklay. Napansin nito ang isang duhat na dumikit sa kaliwang
pisngi. Iginalaw-galaw nito ang mukha, pakanan-pakaliwa at nang
mapagkuru-kurong mukha namang maganda ang epekto ng duhat sa
kaliwang pisngi ay hinayaan na lang ito doon. Matapos makapanuklay
ay muling isinilid ang tinik ng pating sa lukbutan. Tumayo na rin ito at
tatalikod na sana nang biglang matigilan. Naging magalaw ang mata
nito at sumisinghapsinghap ang umuusok na ilong.

Nakapaloob ang Teoryang Feminismo sa talatang ito sa kadahilanang

pinagtutuunan ng pananaw ang kalakasan o representasyon ng kababaihan sa isang

akda at ito din ay nagpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang

pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Halimbawa ng talatang ito kung bakit teoryang

Feminismo ang nakapaloob dahil ang tauhan sa kwento ay isang babae gaya na lamang

ng isang higanteng babae na nakita ni Prinsipe Manawari. At nakapaloob din dito ang

Teoryang Bayograpikal dahil sa paglalarawan ng katangian at personalidad ng higante

at ang pagsasaad ng talata kung ano ang karanasan ng mga tauhan ng kwento.

IKALABIM PITONG TALATA

“Tao!” Napaatras si Prinsipe Manawari lalo na nang makitang papunta


sa direksyon nila ang babaeng higante. “May tao akong naaamoy.
Hhwaaahhh. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng tao.”
Sinasambit ito ng higante sa sarili habang hinahawi-hawi ang mga
puno at inaangat-angat ang malalaking tipak ng bato sa tabing-ilog.
Napadako ang mata ng higante sa yungib na pinagtataguan nina
73

Prinsipe Manawari. Sunud-sunod ang pagsinghap ng ilong nito na


wari’y natitiyak nang galing sa yungib na iyon ang amoy-tao. Hindi
naman malaman ni Prinsipe Manawari kung ano ang gagawin. Ang
gintong singsing-ita! Tiningnan niya ito subalit sa hinlalaki niya ito
nakapulupot. Ginalaw-galaw niya ang mga daliri at gumalaw naman
ang singsing at lumipat sa kanyang palasingsingan. Natuwa ang
prinsipe at bubulungan na sana niya ito nang bigla na namang
gumalaw ang singsing at lumipat sa kanyang hinliliit. Iginalaw niyang
muli ang mga daliri. Hindi natinag ang singsing. Kinurot-kurot niya ito
pero nakapagkit na itong parang linta sa kanyang hinliliit. Papalapit na
ang babaeng higante sa bunganga ng yungib. Alam naman ng
prinsipeng hindi ito makapapasok sa loob pero maaabot naman sila
ng kamay kahit na maypagkaikli ang mga biyas nito. Samantala’y
kinakagat pahila ng aso ang lukbutang nakasalampay sa batok ni
Kalabawbibaw. Nahila naman ito ng aso at sumambulat ang mga
lumang kagamitang nakuha ng prinsipe sa Magoyoda Selegen.
Kinagat nito ang kabibe at dinala kay Prinsipe Manawari. Hindi naman
maintindihan ng prinsipe kung ano ang gamit ng kabibeng hugis
tambuli sa pagkakataong ganito at kung ano ang gustong ipagawa ng
aso. Tinanggal niya ang kabibe sa pagkakakagat ng aso at ihinagis
pabalik sa kalat ng mga lumang gamit. Binalikan naman ito ng aso at
tumahol sa tapat ng mas makipot na dulo ng kabibe. Umalingawngaw
ang “KAW! KAW!” nito at halos mabingi ang prinsipe. Napaatras
naman ang higante pagkarinig nito. Bigla na namang may
bumumbilyang ideya sa isip ni Prinsipe Manawari. Dali-dali niyang
kinuha ang kabibeng hugis tambuli at pumunta sa may bukana ng
yungib na hindi pa rin tanaw ng higante. Papalapit nang muli ang
higante.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil pinahahalagahan dito

ang pagpili ng tiyak na mga salita. Mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw

ngunit mayaman sa matayog na kaisipan. At ito din ay gumagamit ng mga imahe upang

madaling maunawaan ang ibig na ipahiwatig ng akda sa kaniyang panitikan. Gaya na

lamang ng kagamitan ni Prinsipe Manawari na naging simbolo o imahe para sa paglaban

niya sa babaeng higante.


74

IKALABING WALONG TALATA

“Hanggang diyan ka na lang kaibigan.!” Pigil ng prinsipe. Nagulat


naman at napatigil ang higante nang marinig ang malakas na tinig na
nanggagaling sa yungib. “Sino ka?” Tanong ng higante habang
inaaninaw kung kanino galing ang mala-higanteng tinig na iyon.
“Ako’y isa ring higanteng tulad mo. Nagpapahinga ako rito at
ayokong-ayokong may gumagambala sa aking pamamahinga.”
Panlalansi ng prinsipe. “Mwaahaha! Higante? Ako lang ang higante sa
lupaing ito, ‘no. Huwag mo akong linlangin kung sino ka man!” “Iyan
ang akala mo. Ikaw, sino ka naman, babaeng pungok?” “Sino’ng
pungok? Pikon na ang babae.” Ako yata ang lakan dito, ‘no? Akin ang
lupaing ito” “Mala-lakan ‘yang pananalita mo subalit pa’no ka naging
lakan? Sa katunayan nga, kaninang nakasalampak ka sa may ilog, ang
akala ko’y isa ka lang labandera.” Pang-aasar pa ng prinsipe. Lalo
namang umusok ang mas lumaki ngayong mga butas ng ilong ng
babaeng higante.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Eksistensyalismo dahil

pinahahalagahan dito ang pananaw, kalagayan at pagkaresponsable at indibidwalismo

ng bawat taong manunulat o ng mambabasa. Ito ay kumikilala sa halaga ng tao na walang

iba kundi kung ano ang kaniyang nilikha sa kaniyang sarili depende sa lawak ng kaniyang

kakayahan at limitasyon o hangganan. Pananagutan ng tauhan ang kaniyang sarili at

walang kaugnayan ang kapaligiran at minanang katangian sa kaniyang hangarin at

pagkilos. Siya ay may kalayaang pumili at magpasya sa sariling kahihinatnan o

kapalaran. Walang maaring magsabi kung alin ang tama o mali ang totoo o hindi kundi

ang kaniyang sarili lamang.

IKALABIN SIYAM NA TALATA

“Huwag mo akong galitin at baka hindi mo alam ang kaya kong gawin
sa iyo.” “Puwes, ano ang kaya mong gawin sa akin gayong mas malaki
ako sa iyo?” “Ano’ng mas malaki? Ako yata ang pinakamalaki dito,
‘no? At pag nahuli kita, tingnan lang natin kung hindi kita tatadtarin
nang pinong pino!” “Sige, subukan mo. ‘Pag tinadtad mo ako ay
dadami ako. Pagtutulungan kita! Hahaha!” Napaisip ang babaeng
75

higante. “Kung gayo’y idadarang na lang kita sa apoy!” “Sige, idarang


mo ako sa apoy para pumula ako. Mas gaganda ang kutis ko sa iyo.”
Napaisip na naman at napairap ang banidosang higante. “Alam ko na.
Ihahagis na lang kita sa ilog!” “Bopol ka talaga. Sinabi ko na ngang
mas malaki ako sa iyo. Pa’no mo ako maihahagis, aber?”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sosyolohikal dahil ipinakikita dito ang

pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na

nagsilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin kagaya

na lamang sa paglaban ni Prinsipe Manawari sa higante hindi man sa dahas subalit sa

pamamagitan ng mga salita kaya maaari natin itong mapagkakunan ng aral na kahit salita

lang ang iyong gagamitin maaari mong matakot ang kahit gaano pa kalaki sayo.

IKADALAWAPUNG TALATA

“Hindi nga ako naniniwalang mas malaki ka kaysa akin. Ako lang sabi
ang higante dito, ‘no?” At akma nang susugod ang bugnot na bugnot
nang higante sa kinatataguan ng prinsipe. Kinabahan naman ang
prinsipe at nag-isip ng susunod na gagawin. Nasulyapan niya ang
tatlong hayop na tila pinapapansin sa kanya ang mga nagkalat na
lumang gamit. Inisa-isa ito ni Prinsipe Manawari at may bigla na
naman siyang naisip na solusyon. Kinuha niya ang malapad at
mahabang goma at dali-dali niyang itinali ang magkabilang dulo nito
sa magkabilang sungay ni Kalabawbibaw. Matapos ay dinampot niya
muli ang kabibe at agong. Namulot din siya ng isang pirasong tadyang
sa salansan ng mga kalansay. Bumalik siya sa bukana ng yungib.
Malapit na malapit na sa kanila ang babaeng higante.

Ang nakapaloob na teorya pampanitikan sa talatang ito ay ang Teoryang

Eksistensyalismo dahil pinahahalagahan dito ang pananaw, kalagayan at

pagkaresponsable at indibidwalismo ng bawat taong manunulat o ng mambabasa. Ito ay

kumikilala sa halaga ng tao na walang iba kundi kung ano ang kaniyang nilikha sa

kaniyang sarili depende sa lawak ng kaniyang kakayahan at limitasyon o hangganan.


76

Pananagutan ng tao ang kaniyang sarili at walang kaugnayan ang kapaligiran at

minanang katangian sa kaniyang hangarin at pagkilos. Siya ay may kalayaang pumili at

magpasya sa sariling kahihinatnan o kapalaran. Walang maaring magsabi kung alin ang

tama o mali ang totoo o hindi kundi ang kaniyang sarili lamang. At ito din ay ipinapakita

na ang tao ay may kalayaang pumili o mag desisyon, ipinapakita niya dito na may

kalayaan ang isang tao na magdesisyon gaya na lamang ng pagdesisyon ni Prinsipe

Manawari na labanan ang higante kahit na natatakot siya rito pero para lamang mailigtas

niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga kaibigan wala siyang takot na kausapin ito

subalit hindi siya nagpakita sa nasabing higante.

IKADALAWAMPU’T ISA NA TALATA

“Sandali lang sabi, Kapatid.” “Walang kapa-kapatid sa akin at walang


kai-kaibigan. Wag mo akong subukan at talagang malilintikan ka na
ngayon.” “Kung gayo’y talaga ring hinahamon mo ako, ha?!”
Nananakot na rin ang prinsipe. “Pero ayaw ko nga ng away at sinabi
ko na ngang namamahinga lang ako dito. Kung ang problema mo ay
hindi ka naniniwalang higante rin akong tulad mo. Patutunayan ko sa
iyo.”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sikolohikal dahil inaalam muna ang mga

nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kaniyang pag-iisip

at pagkilos. Ang mga panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri ayon sa kaniyang

paraan ng pagsasalita, daloy ng pag iisip, at kilos na may sinasagisag. Halimbawa nito

ay ang pagbabago ng ugali ni Prinsipe Manawari dahil hindi siya natakot na kausapin ang

higanteng babae at ang kaniyang paggawa ng paraan para matakot niya ito.
77

IKADALAWAMPU’T DALAWANG TALATA

Napatigil ang higante at napaisip na naman. “Puwes, patunayan mo!


Lumabas ka dito para mapitik kitang parang langaw!” “Kool ka lang.
Hindi ako makakalabas diyan. Pakinggan mo na lang ang pintig ng
aking puso.” Sabay hataw ng tadyang sa agong. “DUM! DUM! DUM!”
Medyo nabagabag ang higante pero hindi ito nagpahalata. Ibinaling
nito ang ulo sa bandang kanan upang marinig mabuti ang
pinanggalingan ng tunog. “M-m-malay ko ba kung me dala ka lang t-
tambol diyan, ‘n-no?”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil pinapahalagahan dito

ang pagpili ng tiyak na mga salita. Mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw

ngunit mayaman sa matatayog na salita at ito din ay ginagamitan ng mga imahe para

madaling maunawaan ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

IKADALAWAMPU’T TATLO NA TALATA

“Ha-ha-ha!” Dinaan sa tawa ng prinsipe ang kaba at baka nabuking na


siya ng higante. Pero hindi rin siya nagpahalata. “Tambol? Eto ang
tambol. Ang aking tiyan, dahil katatapos ko lang manghimagas ng
mga ito…” Dumampot si Prinsipe Manawari ng tatlong bungo at
ibinala ito sa gomang nakatali sa sungay ni Kalabawbibaw. Bininit niya
ang goma— estilong-tirador at umilanlang ang mga bungo at
bumagsak sa may paanan ng babaeng higante. Kinakabahan na
ngayon ang babaeng higante pero kahiya-hiya na kung ngayon pa siya
tatakbo.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sosyolohikal sa kadahilanang tinitingnan

nito ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang institusyon sa pagtatakda ng

sitwasyon at oportunidad para sa mga mamamayan nito. Ito din ay may malawak na

perpektiba na pagsusuri ng isang akda. Pinapakita dito ang pamamaraan ng mga tauhan

sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsilbing gabay sa mga

mambabasa na mapuksa ang mga katulad na suliranin.


78

IKADALAWAMPU’T APAT NA TALATA

“Hindi pa rin ako naniniwala. Maaring isa ka lang kanibal, ‘no?” “A,
kanibal pala ha? Tingnan mo kung may kanibal na ganito kahaba ang
pilikmata!” Sabay tirador ng prinsipe sa nangungutim na lubid. “At
may ganito kalaking ipin!” Ang palakol na walang hawakan naman ang
pumailanlang. Lumagpak sa palad ng higante ang pilikmata.
Napamulagat ito. Ang ipin naman ay diretso sa kaliwang pisngi nito at
nahagip at nahati ang nunal na duhat na duhat ng higante. Nanlaki
ang nag-iisang mata nito sa pagkakita sa nakabaong ipin sa pisngi.
Nanlatoy bigla ang tuhod ng babaeng higante pero nakapagpasya pa
rin itong tumakbo.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sikolohikal dahil inaalam muna ang mga

nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kaniyang pag-iisip

at pagkilos. Ang mga panlabas na katangian ng karakter ang sinusuri ayon sa kaniyang

paraan ng pagsasalita, daloy ng pag iisip, at kilos na may sinasagisag. At ito rin ay

nagkakaroon ng panibagong pag-uugali na nagaganap ang isang tauhan sa kwento gaya

ng pagbago ng isip ng higanteng babae na siyang dahilan sa pagpasya na tumakbo dahil

sa takot niya kay Prinsipe Manawari.

IKADALAWAMPU’T LIMANG TALATA

Nang matiyak ni Prinsipe Manawaring wala na ang higante, lumabas


na rin sila ng yungib. Maya-maya’y nakaramdam na naman sila ng
parang kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Ilang sandali pa’y nakita
nilang umangat ang malaking bahagi ng balat ng lupa. Mula rito’y may
sumulpot na tao. Sinundan ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na
halos mahulugan ng karayom ang nagkalupumpung tao sa kanilang
harapan. Nalaman nilang ang mga taong ito ang tunay na mayari ng
lupaing iyon na kung tawagin ay Tribu Maliputu. Napilitan silang
magtago at manirahan sa ilalim ng lupa nang mabalitaang doon na nga
papunta ang babaeng higante, matapos nitong maubos at masalanta
ang iba pang kagubatan. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nila
kay Prinsipe Manawari. Inalok ng pinuno ang prinsipe at mga kasama
nito na doon na manirahan subalit tumanggi naman ang prinsipe at
idinahilan ang kanyang hinahanap. Subalit pinaunlakan naman niya
ang imbitasyon nito para sa isang masigabong pagdiriwang. Matapos
79

ang masaganang hapunan, inihandog ng pinuno kay Prinsipe


Manawari ang Patola Kaorayan. Isa raw itong pulang magik sinturon
na kapag ibinigkis mo sa iyong noo ay mapoproteksyunan ka sa
anumang labanan. Makararamdam ka rin ng higit at kakaibang lakas
at hindi ka manghihina sa pakikipaglaban. Malugod itong tinanggap
ng prinsipe at bilang ganti naman daw ay ibibigay na lang niya sa anak
ng pinuno ang tisikong asong gusgusin na’y putol pa ang buntot.
Ngumuyngoy sa pagtatampo ang asong pumalpak sa paghuhudyat ng
panganib sa prinsipe at tuwang-tuwa naman ang anak ng pinuno.
Ginulo ng prinsipe ang buhok ng bata at sinabi ritong biro lang ang
pagbibigay niya rito ng aso. Sa halip, ibinigay niya rito ang mga
lumang gamit na galing sa Magoyoda Selegen at itinuro niya sa bata
kung paano ang gagawin sakasakaling may maligaw uling higante sa
kanilang tribu. Galak na galak ang bata at tumakbo na ito papalayo
para ipagmagaling sa mga kalaro ang bigay ng prinsipe. Muli namang
nagpasalamat ang pinuno sa ihinandog ni Prinsipe Manawari sa anak
nito at matapos ay pinitik nito nang tatlong beses ang kaliwang tenga
ng prinsipe. Tinanong ng prinsipe kung para saan ang tatlong pitik na
iyon. Sinabi naman ng pinuno na parusa iyon sa pagkakabasag ng
tatlong bungo ng kanilang mga ninuno na ibinala sa “tirador” ng
prinsipe. Nagpaalam na sila matapos ihimatong ng pinuno ang
pinakamalapit na daan papunta sa dagat. Sakay ng kabaw sa likod
ang prinsipe at nakadapo sa may puwitan nito ang alimbyuging
manok. Ang tisikong aso naman ay masiglang-masigla at
nagpapatiuna pa habang kinakampay-kampay ang putol na buntot.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Realismo. Layunin ng Teoryang

Realismo ang ipaliwanag at pahalagahan ang katotohanan kaysa kagandahan.

Makatotohang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at ano pa

mang mapatutunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao ang tuon. Dagdag pa nito, ito

ay hango sa tunay na buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng

sinumang manunulat ang sining ng pagsulat at ito rin ay binabasi ng may akda sa

kaniyang nasaksihan sa totoong buhay.


80

IV. Awit ng Sirena

UNANG TALATA

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat, Doon sa ang


lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang
mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at
napakatamis ng kamatayan man.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil pinapahalagahan nito

ang pagpili ng tiyak na mga salita, mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw

ngunit mayaman at matayog na kaisipan. Ito ay ginagamitan ng mga eksaktong

paglalarawan at pagbibigay anyo sa mga salita. Sa talata ding ito ay gumagamit ng mga

imahe na higit na naghahayag ng mga damdamin at saloobin at iba pang nais na ibahagi

ng akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit ng mga salita.

IKALAWANG TALATA

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina


Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil ito ay ginagamitan ng mga

imahe na daling maunawaan ng mambabasa ang sinulat ng isang akda. Dagdag pa nito,

ito rin ay naghahayag ng mga damdamin at saloobin at iba pang nais ibahagi ng may

akda. Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Realismo dahil katotohanan kaysa

kagandahan ang pinahahalagahan din nito. Makatotohanang paglalahad ng mga tao. Ito
81

ay hango sa tunay na buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng

sinumang manunulat ang sining ng pagsulat.

IKATATLONG TALATA

Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan, Doon sa


ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy na
galing sa bukid ay lubhang mapanglaw, Sa wala nang anak, wala nang
tahana't walang nagmamahal.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil pinapahalagahan nito

ang pagpili ng tiyak na mga salita, mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw

ngunit mayaman sa matayog na kaisipan. Ito rin ay gumagamit ng mga imahe na higit na

naghahayag ng mga damdamin at saloobin at iba pang nais na ibahagi ng akda na

madaling maunawaan kaysa gumamit ng mga karaniwang salita.

IKAAPAT NA TALATA

Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo.


Sumisigid sa kalamnan ni Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot
na lamig subalit mas nakapaninindig ng kanyang balahibo ang awit.
Kagabi pa niya naririnig ang awit na iyon na waring nagmumula sa
pusod ng karagatan. Noo’y madalas ikuwento sa kanya ni Merlin ang
Alamat ng mga Sirena. Ang mga kuwento ni Merlin ay nagpapahiwatig
na ang mga sirena na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig.
Singlungkot marahil ng naririnig niya ngayong awit. Bagamat
nangangaligkig pa sa ginaw ay pinilit bumangon ng prinsipe. Madilim
man at may nagbabantang bagyo ay kailangan na nilang ipagpatuloy
ang paglalakbay. Ngayong umaga niya binalak tawirin na ang dagat.
Muli niyang pinagmasdan ang dagat na iyon. Nalulula siya sa lawak
nito. Ang mapayapang pintig ng dibdib nito’y nagbabadya ng angkin
nitong kalaliman. Subalit nakapagpasya na siya. Hinila niya sa tulong
ng kabaw ang tatlong araw niyang ginawang balsa mula sa
pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at pagbigkis nito ng
baging. Nang maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila ang
kanilang mga gamit at pagkain, lumulan na rin silang silang apat at
iginaod ng prinsipe ang balsa. Hindi pa sila nakalalayo ay siya namang
pagbagsak ng ulan na tila nag-uunahang sibat ng langit. Nag-
82

aalimpuyo ang hangin at kumulong parang dugo ang kaninang


payapang kadagatan. Isang haplit ng malakas na hangin ay parang
tuyong dahong tinangay pabalik sa dalampasigan ang kanilang kalas-
kalas at bali-baling balsa. Tumilapon silang parang mga ipa ng
binabayong bigas. Nalamog ang baon nilang mga prutas na binalot
nila ng malong. Sinaktan ng balakang ang kabaw. Nabali naman ang
dulo ng mahabang buntot ng manok. Namutla ang kayumangging aso.
Halos mawalan ang tatlo ng malay-hayop. Halos magkalasug-lasog
naman ang buto ni Prinsipe Manawari. Napahandusay na lamang siya
at ang mga luha niya’y nagsumbong sa puting buhangin ng pasigan.
Hindi malaman ng tatlong hayop kung paano aaluin ang kanilang amo-
kaibigan.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Realismo dahil katotohanan kaysa

kagandahan ang pinahahalagahan nito. Makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng

mga bagay, mga tao at lipunan at ano pa mang mapatutunayan sa pamamagitan ng pag

iisip ng tao ang toon nito. Ipinapakita dito ang karanasan na nasaksihan ng may akda sa

kanyang lipunan at ito din ay sa hango sa totoong buhay ngunit isinaalang alang na

lamang ito upang maging katiwa tiwala.

IKALIMANG TALATA

Maya-maya’y biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng


gubat na nasa tapat ng kadagatan. Pagbalik nito ay may dala-dalang
halamang sili na binunot kung saan. Pinagmasdan lamang ni Prinsipe
Manawari kung ano ang ginagawa ng hayop na tila baga nasiraan na
ng ulo. Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at isinubo ito nang
sabay-sabay. Umusok ang tenga’t ilong ng kabaw sa sobrang
anghang at nagkulay bughaw ang katawan nito. Napatayo si Prinsipe
Manawari. Nagpaikot-ikot ang kabaw sa buhanginan na para bang
nasusunog ang buong katawan. Maging ang dalawang sungay nito ay
umikot-ikot na parang ipoipo. Hindi malaman ng prinsipe ang
gagawin. Nakatunganga naman ang aso at manok sa di-
pangkaraniwang nangyayari sa kapwa-hayop. Bagamat nag-aalangan
ay nilapitan ni Prinsipe Manawari si Kalabawbibaw at hinimas-himas
ang bughaw na katawan nito na tila dagat. Parang nahimasmasan
naman ang kabaw. Pero bigla na namang nagtatakbo ito at pumunta
sa dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na tila niyayaya na ang mga
kasama. Nagtataka namang tumalima ang tatlo. Kinumbatan sila ni
83

Kalabawbibaw na sumakay na sa likod nito. Pinagbigyan naman nila


ang napapraning na yatang hayop. Muli nilang inilulan sa likod ng
kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay lumusong
na sa tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib
sa dagat. Umiikot-ikot din ang dal’wang sungay nito na para ngang
uliuling humahalukay sa tubig. Hindi makapaniwala si Prinsipe
Manawari subalit tunay ngang umaandar na sila. Humaplit na naman
ang pagkalakas-lakas na hangin subalit hindi na nito kayang itaob ang
mabigat na katawan ng tabogol na hayop. Maging ang nangangalmot
na higanteng alon ay hindi ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang
kanilang paglalakbay, may bagyo man at ang umaga’y nginangatngat
ng dilim.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sikolohikal o Saykolohikal dahil inaalam

muna ang mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng

kanyang pag-iisip at pagkilos. Ang panlabas na katangian ng karakter ay sinusuri ayon

sa kaniyang paraan ng pagsasalita, daloy ng pag-iisip at kilos na may sinusuri at ang

tauhan din sa kwento ay nagkakaroon ng pagbabago sa kaniyang pag uugali.

IKAANIM NA TALATA

Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon. Habang


papalapit sila sa pusod ng dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang
tinig. Halos makakaisang palit na ng buwan mula nang magsimula
silang maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga ang andar ni
Kalabawbibaw at bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang
nawala sa lupa ay saka nagkulay-lupa ang balat ng prinsipe. Humaba
na ang kanyang buhok at nang manalamin siya sa tubig ay hindi na
niya nakilala pa ang sarili. Anino na lamang siya ng dating matikas na
prinsipe. Nakaramdam ng gutom ang prinsipe subalit ubos na rin ang
mga prutas na ipinabaon ng pinuno ng Tribu Maliputu. Nalagok na rin
niya ang huling patak ng tubig sa kanyang sisidlan. Nahiga ang
prinsipe sa likod ng kalabaw at nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi
lang humahalik ang araw sa dagat na ito kundi nangangagat pa. Sa
pakiwari ni Prinsipe Manawari ay tinutuya siya nito. Nagsimulang
manlabo ang paningin ng prinsipe at huli niyang namasdan ang araw
na tila sumasayaw. Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.
84

Sa ikaanim na talata ang teoryang pampanitikang nakapaloob ay ang Teoryang

Historikal dahil ipinapakita sa talatang ito ang karanasan ng isang tao. Pinahahalagahan

ng teoryang ito ang kasaysayan ng isang lahi o lipi ng tao at ito ang nais ipakita o ibahagi

ng manunulat. Nais ipakita nito na ang bahagi ng buhay ng tao at ng mundo ang

kasaysayan na siyang humuhubog sa kung sinuman siya ngayon o anuman ito ngayon.

Ipinapakita sa talatang ito na ang karanasan ng isang tao ay masasalamin sa isang

kasaysayan.

IKAPITONG TALATA

Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi.


Hirap ma’y pilit niyang ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi.
Lumagos sa tuyot niyang lalamunan ang malamig na tubig mula sa
kabibe. Nang idilat niya ang mga mata’y wala na ang nagsasayaw na
araw. Ang bumati sa kanya’y isang maamong mukha ng may-ari ng
malabughaw na buhok na isinasayaw ng banayad na hanging amihan.

Nakapaloob naman sa talatang ito ang teoryang Arkitaypal dahil hindi basta-

bastang masusuri ang mga simbolo ng akda, kinakailangan muna itong alamin at

unawain ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong

nakapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa at ang simbolismo ay naaayon lamang

sa tema at konseptong ipinapakita ng may akda.

IKAWALONG TALATA

“Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.” “Prinsipe


Manawari.” Habang nakikipagkilala’y ibinaling-baling ng prinsipe ang
paningin niya sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga tanong
na naglalaro sa kanyang isipan. “Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan
sa pusod ng kadagatan. Ang iyong mga kasama’y sumakay sa
kabayong dagat at gumala sa lalim. Tatlong araw ka na ring walang
malay.” Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib
ng babaeng kinakakandungan niya. Siya ang bahagyang napahiya at
85

tuloy napabangon. “Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka


makasama sa iyo.” “Hindi, kaya ko na…maraming salamat.”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Feminismo dahil pinagtutuunan ng

pananaw ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Babae ang

gumaganap na karakter sa panitikan at nagpapakilala ng mga kalakasan at kakayahang

pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Dagdag pa nito,

ipinamayagpag ang kabutihan at magandang katangian ng tauhan gaya ng pagtulong ni

Zephyra sa Prinsipe.

IKASIYAM NA TALATA

Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap.


Ang maamong mukha nito. Ang mga matang mutia. Ang mamasa-
masang pilikmata. Ang manipis at tikom na tikom na mga labi na tulad
ng isang ayaw bumukang talaba. Ang napakahabang buhok na
mangasul-ngasul tulad ng dagat. Hindi sinasadyang muling napadako
ang mga mata ng prinsipe sa walang saplot na dibdib ng babae. Para
itong maputlang mga ulo ng sanggol na pugita. May biglang kumislot
sa pagitan ng mga hita ng prinsipe. Hindi na inalala ng prinsipe ang
hiya at dagling dinukot niya ang kumikislot sa pagitan ng hita. Halos
mapisak sa palad niya ang may kalakihang isdang bolinao na
nakapasok pala sa kanyang karsunsilyo. Napangiti ang babae.
Ngingiti na rin sana ang prinsipe nang mapansin niya ang ibabang
bahagi ng babae. Pagkakinis-kinis nito. Pagkakinis-kinis na buntot ng
isda!

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo dahil pinahahalagahan nito

ang pagpili ng tiyak na mga salita, mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw

ngunit mayaman sa matayog na kaisipan. Ang pahayag ay naging matulain sapagkat

ginagamitan ng mga eksaktong paglalarawan at pagbibigay anyo sa mga ideya at

ginagamitan ito ng mga imahe na higit na naghahayag sa mga damdamin at ideya. Ito rin
86

ay madaling maunawaan dahil inilalantad dito ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob

ng panitikan at hindi lamang karaniwang salita ang ginagamit dito.

IKASAMPUNG TALATA

“Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?” Alanganin ang tango ni


Prinsipe Manawari na waring hindi pa nakababawi sa pagkakatigalgal.
Hindi pala alamat lamang ang mga kuwento ni Merlin, naisip niya.
“Huwag kang magimbal,” pang-aalo ng sirena. “Ako man dati’y hindi
naniniwalang may taong katulad mo. Subalit hindi nga ba’t ganito
talaga ang ating daigdig?” “Ikaw yung naririnig naming umaawit?”
Tumango ang sirena. “Kaylungkot naman ng iyong awit.” “Dahil
siguro’y iyon ang laman ng aking puso.”

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Pormalistiko dahil pinahahalagahan nito

ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda o ang pisikal na

katangian ng akda. Ito din ay nais ipaabot ng may akda na kung saan dito sa mundo,

hindi lamang tao ang nabubuhay maaaring hindi tayo maniniwala dahil hindi natin ito

nakikita o nasasaksihan. Bukod pa nito, ang talata ay walang simbolismo at humihingi ng

higit na malalimang pagsususri at pag-unawa.

IKALABING ISA NA TALATA

At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng


kalungkutang iyon. Hindi sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy
na may paa. Nagalit ang Bathala ng Pag-ibig-Dagat sa pagsalangsang
nila sa batas ng pagmamahalan sa kanilang daigdig. Siya at ang
kanyang banang si Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo nga ng
Maniwantiwan sa pusod ng dagat na iyon. Sila ang inatasang
magtanod sa Dagat-Maniwantiwan. Noong una’y napakapayapa at
masaganang masagana ang yamang dagat. Ang Maniwantiwan ang
kanilang naging paraiso. Ang kanilang naging tanging kaligayahan
kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Dito na
rin nagluwal si Zephyra. Ang Paraiso’y tila naging Langit na nga yata
sa pagdatal ng kanilang anak. Hanggang sa isang araw ay may
dumating na isang dambuhalang buwayang may kambal na buntot.
Pinangakuan sila nitong tutulungan sa pagtatanod ng kadagatan.
87

Noong una’y parang gayon nga subalit nang lumaon ay natuklasan


nilang ninanakaw ng buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain
sa kabilang dagat. Hindi nakapagpigil si Ukuy-Ukuy nang matuklasan
ang pananraydor ng buwaya. Sinugod nito ang dating kaibigan at
nagpambuno sila ng pitong araw at pitong gabi sa ibabaw at ilalim ng
dagat. Subalit hindi napantayan ni Ukuy-Ukuy ang lakas ng
dambuhalang buwaya at warat-warat ang katawang umilandang ito sa
kung saan sa hampas ng kambal na buntot ng buwaya. Hindi na
natagpuan ni Zephyra ni bakas ng bangkay ng bana. Tinangay rin ng
buwaya ang sanggol nilang si Astra at mula noon ay hindi na nakita
pa ni Zephyra ang anak. Ang balita niya sa mga Isdang Alapaap ay
ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong Higanteng Buwitreng
Bumubuga ng Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang si
Astra, naisp ni Zephyra at lalong kumirot ang kanyang puso.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang dambuhalang buwaya
sa pananalasa ng yamang dagat. Sumusulpot ito sa may Pulo ng
Maniwantiwan tuwing kulay kahel ang buwan. At ngayong gabi nga’y
kulay kahel ang bilog na bilog na buwan sa likuran ng ulilang bahay
na iyon na yari sa kapis.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sosyolohikal dahil tinitingnan muna ang

kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang institusyon, tulad ng pamahalaan, simbahan,

pamilya, paaralan at iba pa sa pagtatakda ng sitwasyon at oportunidad para sa mga

mamayan nito. Mas malawak ang perspektiba na pagsusuri nito. Ipinapakita dito na ang

kalagayan at suliranin ng lipunang kinabibilangan ng may akda at gumagamit na lamang

siya ng ibang tauhan para maging interesado ang kaniyang kwento ngunit ipinahihiwatig

dito na hindi dapat basta-basta magtitiwala sa isang tao dahil hindi natin alam kung ano

talaga ang pakay nito sa atin. Dagdag pa nito, nagsilbi ding gabay sa mga mambabasa

kung paano puksain ang katulad na suliranin.

IKALABIN DALAWANG TALATA

Samantala’y nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong


Dagat. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang may malay na ang
prinsipe. Subalit saglit lang ang kanilang kasiyahan. Mula sa likuran
ng prinsipe ay may nabanaag silang parang pahabang pulong
88

papalapit. Ang dambuhalang buwayang may kambal na buntot!


Habang papalapit ito sa Pulo ng Maniwantiwan ay hinahampas-
hampas nito ang kambal na buntot sa tubig. Parang pagsabog ng
dinamita ang nalilikhang ingay ng ihinahampas na buntot. Sa bawat
paghampas ay naglulutangan ang mga namamatay na isda na
karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga korales sa lalim.
Biglang nag-init ang ulo ni Prinsipe Manawari. Subalit alam naman
niyang wala siyang magagawa. Ano nga ba ang laban ng isang taong
tulad niya sa buwayang ito na bukod sa dambuhala na, ang buntot ay
dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw bagamat alam niyang
wala namang gamit ito. Kuminang ang talim ng balaraw sa tama ng
kahel na buwan at napansin iyon ng buwaya. Waring ang dambuhala
naman ang uminit ang ulo pagkakita kay Prinsipe Manawari. Pasugod
na ang buwaya at handa nang manlapa. Si Prinsipe Manawari’y tila
handa namang mamatay. Mabuti na lamang at kahit tuluyan na niyang
nalimutan ang gintong sing-sing-ita ay naalala naman niya ang
diumano’y Magik Sinturon daw na handog ng mga taga-Tribu
Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari ang Patola Kaorayan sa
kanyang noo. Dumagundong ang mga kulog at gumiyagis ang mga
kidlat sa kalangitan. May kung anong puwersang nanuot sa kalamnan
at mga buto ng prinsipe mula ulo pababa hanggang sa pinakadulo ng
daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat ng higanteng punong
nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday sa
unod ng kanyang buto. May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng
kanyang pulso. At may biglang humiwang kidlat galing sa kanyang
mabalasik na mga mata. Sumugod na ang prinsipe at tila may bagwis
ang kanyang mga paa. Nagpanagpo sila sa ere ng dambuhalang
buwaya at kaagad siyang hinalihaw ng kambal nitong buntot. Talsik
ang prinsipe sa dalampasigang pinanggalingan nila. Kinaon naman
siya ng mga Isdang Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng
Maniwantiwan. Nagpatuloy sa pakikihamok sa buwaya si Prinsipe
Manawari. Nadakma ng prinsipe Manawari ang buntot ng
dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at ihinagis sa kabilang
pangpang. Mabilis namang nakalangoy pabalik ang buwaya at
sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang prinsipe at nakalundag siya sa
leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsa’y napapailalim
siya sa buwaya at minsan nama’y nakukubabawan niya ito. Minsang
mapadako sila sa pampang at magpagulong-gulong at kung minsan
naman ay sa lalim ng dagat at magpabali-baligtad. Kapwa ayaw
magpatalo ng isa’t isa. Apatnapung araw at apatnapung gabi na silang
nagpapambuno subalit wala pa ring sumusuko. Walang gustong
sumuko. Subalit sa labanang tulad ng gayon ay kailangang may
magwagi. Hanggang sa parang tinatakasan na ng lakas ang
dambuhalang buwaya at nakapag-ipon naman ng panibago si Prinsipe
Manawari. Itinikom niya nang mariin ang kamao at lumagutok ang
nagngangalit na buto. Isinalin ni Prinsipe Manawari ang lahat ng
89

natitira pa niyang lakas sa kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng


kamao. Dumapo sa maganit na panga ng dambuhalang buwaya ang
isang maliit na kamaong tila may lulang poot ng isang bulkan. At ang
dating mabalasik na dambuhalang buwaya ay naging hilong talilong
na walang masilungan. Nang matiyak na ang pagkagapi ng kalaban,
sumisid si Prinsipe Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang
baging-dagat. Iginapos ng prinsipe ang leeg at unahang paa ng
dambuhalang buwayang sa pagkakataong iyo’y hindi na makapalag
pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo ang dambuhalang buwaya na laslas
ang tiyan at lalamunan. Bagamat punit-punit ang kasuotan ni Prinsipe
Manawari, nagtamo lamang ito ng kaunting gasgas sa braso. Hindi
magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na nang putulin ni Prinsipe
Manawari ang kambal na buntot ng dambuhalang buwaya at
iwagayway ito bilang tropeo ng napagtagumapayang labanan. Naging
simbolo ang kambal na buntot ng nangangakong kapayapaan sa
dagat na iyon na hinahalikan ng araw.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Humanismo dahil pinahahalagahan nito

ang tao at ang kaniyang mga saloobin at damdamin. Ito ay nagbibigay ng pangunahing

kaisipan na nagsasabi na ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging

makatotohanan at mabuti, binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng

tao gaya ng talino, talento, kakayahan at marami pang iba. Layunin nito na ipakita na ang

tao ang sentro ng mundo, halimbawa sa talatang ito ay ang pagbigay ni Prinsipe

Manawari ng lakas at mabuting katangian para labanan ang traydor at mapinsalang

buwaya. Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Sikolohilal dahil inaalam muna ang

mga nagaganap sa mga antas ng kamalayan ng isang tao na batayan ng kaniyang pag-

iisip at pagkilos. Ang panlabas na katangian ay sinusuri ayon sa kaniyang paraan ng

pagsasalita daloy ng pag-iisip at kilos na may sinasagisag at dito rin makikita ang

pagpapalit ng ugali ng isang karakter sa isang panitikan gaya na lamang sa pagpapalit

ng ugali ni Prinsipe Manawari para matalo niya ang buwaya.


90

V. Mga Amoy at Panimdim

UNANG TALATA

Nanghuhuli ang tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula
ang buntot, dilaw ang ulo at itim ang pakpak. Nakadapa sa isang
malaking bato sa gitna ng dibdib ng talon si Prinsipe Manawari at
pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa walang kulay na tubig.
Makalabingwalong araw bago nila matagpuan ang Talon ng Tinago.
Naliligiran ito ng mga bundok na perpekto ang paltok. Ikawalong araw
at ikapitong gabi na nila sa talon subalit hindi pa rin sumusungaw ang
bughaw na buwan. Isang tutubi ang dumapo sa tubig sa gitna ng
repleksyon ng buwang tinititigan ni Prinsipe Manawari. Nilundag ito ni
Kalabawbibaw at nabasag ang repleksyon ng buwan sa tubig.
Nakaramdam ng bahagyang pagkainis ang prinsipe subalit hindi niya
inialis ang paningin sa tubig. Nang makaahon si Kalabawbibaw,
dakma ang bakas ng nakaalpas ding tutubi ay unti-unting nabuong
muli ang nabuak na repleksyon ng buwan. Waring nakasilip si Prinsipe
Manawari sa isang kaleidoscope. Sa paghupa ng dibdib ng walang
kulay na tubig ay tumingkad ang bagong hilamos na bughaw na
buwan. Napabalikwas ang prinsipe at tiningala kung hindi lamang
siya pinaglalaruan ng tubig o ng kanyang paningin. At naroroon nga’t
nakatalalan sa papawirin ang pagkalaki-laki at bilog na bilog na
bughaw na buwan.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo. Layunin ng Teoryang

Imahismo na mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at

malayang makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang

pinakamabisang gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa

paligid. Nakapaloob ang Teoryang Imahismo sa kadadahilanang gumagamit ang may

akda ng mga imahinasyong karakter. Kagaya na lamang sa linya na ito, “Nanghuhuli ang

tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula ang buntot, dilaw ang ulo at itim

ang pakpak”. Nakapaloob din dito ang Teoryang Arkitaypal dahil hindi ginagamit ng may

akda ang mga karakter base sa tunay nitong anyo kundi ginagamit ang mga karakter

base sa simbolong nais niyang ipahatid sa mambabasa. Isa ito sa mga linya na
91

masasabing Teoryang Arkitaypal din ang nakapaloob sa unang talata ng ikalimang

kabanata, “Nilundag ito ni kalabawbibaw at nabasag ang repleksyon ng buwan sa tubig”.

Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang Pormalismo dahil Ito ay ginagamitan ng

mga matalinhagang salita na sinuring mabuti upang ihambing at pag ugnayin ang bawat

pangungusap.

IKALAWANG TALATA

Natigil sa panghahabol ng tutubi ang tatlong hayop. Nagsiksik ang


mga ito sa likuran ni Prinsipe Manawari. May naamoy silang
kakaibang sangsang. Mistulang halimuyak ng nabubulok na mga
bulaklak. Umalulong ang tisikong aso at ihinilig ang mukha nito sa
braso ng Prinsipe. Nahulaan naman ng prinsipe ang nais ipagawa nito.
Umukit siya ng kaunting muta at ipinahid sa mga mata. Ipinikit-pikit
niya ito hanggang sa luminaw ang kanyang paningin at napatda sa
kanyang nasaksihan. Mula sa bughaw na buwan ay may bumababang
pitong babaeng nakalutang sa hangin. Ito na siguro ang magkakapatid
na Haori, naisip ng prinsipe. Walang saplot ang mangasul-ngasul
nitong kabuuan maliban sa umaalimbukay na mahabang buhok na
panaka-nakang tumatabing sa maseselang bahagi ng mga katawan
nito. Asul din ang mga pakpak nitong tulad ng sa tutubi. Iisa halos
ang itsura ng pito. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa uri at disenyo
ng mga bulaklak na nakaputong sa ulo. Habang papalapag ang pitong
diwata sa walang kulay na tubig, ay lalong sumisigid ang halimuyak
ng tila nabubulok na mga bulaklak. Natitiyak ng prinsipeng galing sa
mga diwata ang di-kanais-nais na amoy na iyon. Nagtago sila sa likod
ng isang malaking bato at pinagmasdan ang naliligo na ngayong
magkakapatid. Sa bawat paglulunoy ay kumukupas ang pangangasul
ng katawan ng mga ito at humahawa sa kanina’y walang kulay na
tubig. Sa bawat paglulunoy rin ay naiibsan ang sangsang na
nalalanghap nina Prinsipe Manawari. Ilang sandali pa’y umahon na
ang pitong magkakapatid na Haori at kumikinang na ngayon ang
kanilang kabuuan dahil sa busilak na kaputian. Ang Talon ng Tinago
naman na kanilang pinagliguan na kanina’y walang kulay ay nagkulay-
bughaw. Naglaho na rin ang masamang amoy sa paligid at nahalinhan
ito ng halimuyak ng kabubukang mga bulaklak.

Teoryang Feminismo naman ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang

ito. Ang Teoryang Feminismo ay nakatuon sa kalagayan ng kababaihan sa isang akda.


92

Layunin nito na masuri ang akda sa paningin o perspektiba ng babae. Nakapaloob ang

teoryang ito sa kadahilanang gumagamit ng mga babaeng karakter ang may akda sa

talata. Dagdag pa nito, nakapaloob ang Teoryang Feminismo dahil mababasa sa linyang

ito ang mga sagisag babae, “Mula sa bughaw na buwan ay may bumababang pitong

babaeng nakalutang sa hangin”. Nakapaloob din ang Teoryang Klasismo dahil ang may

akda ay gumagamit ng mga masisining at matatalinghagang mga salita ngunit

makahulugan. Ang linyang ito na nakuha mula sa ikalawang talata ay isa sa mga linya na

kung saan nakapaloob ang Teoryang Klasismo, “Sa bawat paglulunoy ay kumukupas

ang pangangasul ng katawan ng mga ito at humahawa sa kanina’y walang kulay na

tubig”.

IKATATLONG TALATA

Naghanda na sa muling paglipad ang mga diwata kaya napilitan si


Prinsipe Manawaring lumabas na sa kinatataguan. Nagulat ang mga
diwata pagkakita sa kanya subalit saglit lang din dahil napansin nila
ang panyong Mosala na iwinawagayway ng prinsipe. Isinalaysay ng
prinsipe ang kuwento sa likod ng panyong iyon at humingi ng tulong
kung paano niya matatagpuan kung sino man ang may ari ng Mosala.
Sinabi ng panganay na diwata na sila nga ang humabi ng panyong
iyon at hinandog nila iyon sa isang sanggol na babaeng pinuspos sa
talon ding ito, labingwalong bughaw na buwan na ang nakararaan.
Ang sanggol na iyon ay anak nina Datu Puti at Ba’i Anko ng Pulo ng
Laguindingan, ayon naman sa bunsong diwata. Itinuro din ng mga
diwata kung saan matatagpuan ang Pulo ng Laguindingan. Malapit
lamang daw ito sa Talon ng Tinago at tatlong bundok na lang ang
kanilang tatawirin. Ito lamang ang tanging pulo sa daigdig na
sinisikatan at nilulubugan ng araw. Lubos na nagpasalamat si Prinsipe
Manawari at nagpaalam na rin ang magkakapatid na Haori. Lumipad
na ang mga ito pailanlang sa bughaw na buwan at maya-maya pa’y
ang bughaw na buwan ay bumalik na sa dati nitong kulay. Sabik na
sabik naman si Prinsipe Manawari sa nakuhang balita at hindi na niya
nagawang makatulog pa. Iyon ding sandaling iyon ay naglakbay na
sila sakay ng Magik Malong patungo sa Pulo ng Laguindingan, ang
tanging pulong sinisikatan at nilulubugan ng araw. Ang pulong
tahanan ng kanyang mahiwagang dalaga.
93

Ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang ito ay Teoryang Feminismo

dahil mayroon itong karakter na mga babae na nagsilbing simbolo sa talata, “Nagulat ang

mga diwata pagkakita sa kanya subalit saglit lang din dahil napansin nila ang panyong

Mosala na iwinawagayway ng prinsipe”. Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang

Naturalismo. Nakatuon ang Teoryang Naturalismo sa mga bagay na may kaugnayan sa

likas na kapaligiran. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na maaaring makilala at mapag-

aralan ang kalikasan sapagkat mayroon itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa

likas na batas nito. Nakapaloob rin ang teoryang ito sa ikatatlong talata sa kadahilanang

nakatuon ang talata sa mga bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa linyang

ito masasabing nakapaloob ang Teoryang Naturalismo, “Malapit lamang daw ito sa Talon

ng Tinago at tatlong bundok na lang ang kanilang tatawirin”.

IKAAPAT NA TALATA

Hindi pa man lumalapag ang Magik Malong ay napansin na ni Prinsipe


Manawari ang kaibang simoy ng hangin. Amoy patay na daga ang
paligid at tila naninikit ito sa kanyang ilong. Lumapag sina Prinsipe
Manawari sa isang burol na tanaw ang isang pulo. Payapa ang
kadagatang nakapalibot dito. Paputok pa lamang ang araw sa
silangan. Ang gintong silahis nito’y unang humalik at tuluyan nang
yumakap sa naturang pulo. Isa na lamang ang dapat tiyakin ng
prinsipe. Dito rin ba lulubog ang Haring Araw? Ito na ba ang Pulo ng
Laguindingan? Pinasya ng prinsipeng magpalipas doon ng maghapon
upang matiyak kung doon nga rin lulubog ang araw. Lumipad ang isip
niya sa iniwang kaharian. Sa mga mahal sa buhay na natitiyak nang
nag-aalala ngayon. Sa Amang Haring Bacocos at Inang Reynang
Bicuda. Sa kanyang iniwan at pinagtaksilang kabiyak. Ayaw niyang
isipin kung paano pinapatay ang mga ito ng panghuhula sa kanyang
biglang pagkawala. Tanging sila ni Merlin ang nakaaalam ng hibang
niyang paglalakbay. At muli siyang nakadama ng matinding
panimdim. Nang mapagod ang isipa’y ipinasya muna niyang
humimbing. Itinalukbong niya ang malong upang huwag malanghap
ang masangsang na amoy na sa wari niya’y nanggagaling sa pulong
iyon. Dala na rin ng puyat at pagod ay madali siyang nakatulog. Sa
94

panaginip ay dinalaw siya ng kanyang pangarap. Siya at ang


mahiwagang dalaga sa isang planetang di niya mawawaan. Sa iba’t
ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Minsa’y sa sepiang sapa at sila’y
mga palaka. Minsa’y sa lilac na layak at sila’y mga bayawak. Kung
hindi nama’y sa pulang parang at sila’y mga balang. Sa iba’t ibang
dako at iba’t ibang kaanyuan. Ngunit iisang damdamin. Iisang pintig
ng pagniniig. At sa lahat ng dako at kaanyuang iyon ay siya ang
bihasa. Siya ang Guro. Siya ang Lalaki. Mga palaka sila ngunit ililipad
niya sa langit ang kaniig. Mga bayawak sila ngunit mapapakokak sa
lualhati ang kanyang minimithi. Mga balang sila ngunit magpipingkian
ang malalamig nilang pusod at kuyukot. Sa lahat ng dako at iba’t ibang
kaanyuan. Laging julio at tag-ulan. Laging tag-ulan ng ligaya. Subalit
matapos ang pagniniig ay madudurog sa paanan nila ang mga luha.
Mabubulok ang mga balat nila’t laman at mangangamoy patay na
daga. Babalutin sila ng itim na panindim. Ang mahiwagang dalaga’y
huhulagpos na parang usok. Pipigilin niya ito subalit mabibigo siya.
Tatastasin niya ang laylayan ng malong at itatali niya ang sarili at ang
dalaga. Subalit makatatakas pa rin ito. Subalit mangangako itong
babalik kapag siya, ang Guro at ang Lalaki ay maalam nang
makipagtalik tulad ng isang tao. At siya’y mangangako rin. Hindi niya
ikukuwento sa alimbyuging manok ang panaginip.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Feminismo. Ang Teoryang Feminismo

ay isa sa mga teoryang pampanitikan na nakatuon sa kalagayan ng kababaihan sa isang

akda. Layunin nito na masuri ang akda sa paningin o perspektiba ng babae. Nakapaloob

sa talatang ito ang Teoryang Feminismo sa kadahilanang nagtataglay ito ng mga

babaeng karakter o sagisag babae. Isa ito sa mga linya na mababasa sa talata na

masasabing nakapaloob ang teoryang ito, “Siya at ang mahiwagang dalaga sa isang

planetang di niya mawawaan” at ang linyang “Ang mahiwagang dalaga’y huhulagpos na

parang usok. Pipigilin niya ito subalit mabibigo siya. Dagdag pa nito, nakapaloob din ang

Teoryang Realismo. Katotohanan kaysa kagandahan ang Teoryang Realismo.

Makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan at ang

mapatutunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao ang tuon ng teoryang ito.

Nakapaloob din sa ikaapat na talata ang teoryang ito sa kadahilanang ipinakikita sa


95

pangunahing karakter ang totoong buhay, ang realidad at kung paano mamuhay ang mga

ordinaryong tao.

IKALIMANG TALATA

Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli


niyang minasdan ang pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan. Mula
sa burol na kinatatyuan ay mistula itong tumpok ng putik. Wala siyang
maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya rin siguro ganito na
lamang kasangsang ang hanging nagmumula rito. Nakaramdam siya
ng kalungkutan at panghihinayang para sa pulong ito.

Ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang

Naturalismo dahil makikita dito ang ugnayan ng tao at kalikasan lalo na sa kaniyang

kapaligiran, “Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli niyang

minasdan ang pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan”. Nakapaloob din dito sa talatang

ito ang Teoryang Realismo na layuning iparating sa mambabasa ang katotohanan ng

akda kaysa sa kagandahan. Ipinakita at ibig ipahiwatig sa ikalimang talata ang

katotohanan na ang ating kalikasan ay unti unting nasisira dahil sa ating pag aabuso at

sa ating pagpapabaya dito, “Mula sa burol na kinatatyuan ay mistula itong tumpok ng

putik. Wala siyang maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya rin siguro ganito na

lamang kasangsang ang hanging nagmumula rito. Nakaramdam siya ng kalungkutan at

panghihinayang para sa pulong ito”.

VI. Tatlong Haragan, Isang Sugatan

UNANG TALATA

Dati’y mistulang Paraiso ang Pulo ng Laguindingan. Kung tatanawin


sa malayo ay para itong sariwang cauliflower na nakalutang sa sariwa
ring tubig. Malulusog ang nasasakupan ni Datu Puti. Malalakas ang
96

mga kawal nito na laging handang magtanggol sa kaaway ng pulo.


Namumutiktik sa ginto ang lupain. Ang mga kababaihan, sa
pangunguna ni Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim at
pagpapalago ng mga bulaklak at halamang-gamot. Naging
matagumpay rin ang mga kalalakihan sa pangangasawa. Napakabilis
lumawak ng kanilang nasasakupan. Nag-uumapaw ang kanilang
yaman at wala silang paglagyan ng kaligayahan. Para ngang wala
nang katupasan ang lahat. Hanggang sa dumating ang Tatlong
Maputlang Haragan. Una’y isa-isang sinubok ng tatlo na paibigin ang
kaisa-isang anak na babae ng Datu at ng Ba’i. Subalit dahil sa
magagaspang na ugali nito’y walang mapusuan sa mga ito si Prinsesa
Ganda. Subalit hindi naman talaga ang prinsesa lamang ang pakay ng
Tatlong Haragan. Higit, ay ang birheng kagubatan ng Pulo ng
Laguindingan at ang mga ginto nito ang puntirya ng tatlo. Nang hindi
sila umubra sa prinsesa, ang datu ang kanilang dinigahan. Simula’y
pinuri nila ang datu sa angking kayamanan at kapangyarihan. Matapos
ay unti-unting tinuya. Bakit daw Datu Puti ang tawag dito samantalang
kulay ebak naman ang balat? May alam daw ang mga itong pampaputi.
Dagta ng puno. Ito raw ang ginagamit nila para pumuti. Sa madaling
salita’y nauto nila ang datu. Na sa katotohanan, ay kaya naman
mapuputi ang tatlo ay galing ito sa lupaing laging nakalubog ang araw.
Nagpagawa ang datu ng isang napakalaking hukay at pinapuno iyon
ng dagta ng mga puno. Samantala’y ang mga pinuputol na punong
pinangangasiwaan ng Tatlong Haragan ay kinukulimbat ng mga ito at
dinadala sa kanilang lupain. Sabay sa pagkapuno ng dagta ng
napakalaking hukay ang pagkaubos ng puno sa kagubatan ng Pulo ng
Laguindingan. Ipinag-utos naman ni Datu Puti na lahat ng kanyang
nasasakupan ay kailangang maglunoy sa “Ilog ng Dagta” sa
pangunguna niya upang ang lahat ng tao sa pulo ay mangagsiputian.
Dito hindi nagkasundo si Datu Puti at Ba’i Anko. Hindi ito pumayag
maglunoy sa dagta at maging si Prinsesa Ganda ay hindi nito
hinayaang pumuti. Itinakas ni Ba’i Anko ang kaisa-isang anak na
babae palayo sa tila inaalihan ng Yawang bana. Noong una’y natikis
ni Datu Puti ang mag-ina lalo na nang umani sila ng papuri sa mga
dayuhang napapadpad sa Pulo ng Laguindingan pagkakita sa
kanilang malalabanos na kutis. Subalit sandali lamang ang
kaligayahang iyon. Unti-unti, ang kanilang mapuputing kutis ay
nagkabitak-bitak dahil sa hindi na masalang sikat ng araw. Ang bitak
ay naging nakangangang sugat na nilalabasan ng tila kinakalawang
na dagtang pinanggalingan ng malansang amoy. Ito raw ang huling
ganti ng mga naghingalong punungkahoy. Maging ang lupain ng pulo
ay nagmistulang kayumangging disyerto ng kahungkagan. Wala na ni
isang punong tumubo pa, maliban sa Binansot na Baliteng may kahel
na dahon na handog ng mga anito kay Datu Puti noong ito’y puspusin.
Halos maubos ang kayamanan ng Laguindingan sa pagtuklas ng
lunas sa misteryosong sakit na lumaganap, hindi lamang sa lahat ng
97

tao kundi sa buong lupain. Isang malagim na sumpa ng kalikasan!


Ang Tatlong Haragan naman na nagsimula ng lagim na ito ay bigla na
lamang naglaho sa pulo. Huli man, ay nagawa pa ring magsisi ni Datu
Puti. Kagyat niyang pinahanap ang mag-ina subalit si Prinsesa Ganda
na lamang ang naiuwi ng Rinamentaw Mapalaw. Namatay sa labis na
pagdadalamhati ang Ba’i Anko. Sakmal man ng matinding
pangungulila sa mga mahal sa buhay ay tiniis ni Datu Puting huwag
nang patungtungin si Prinsesa Ganda sa pulo at inatasan nga nito ang
mahiwagang barko na itakas muna pansamantala ang prinsesa
hanggang hindi humuhupa ang sakit. Ang prinsesa na lamang ang
natitirang yaman ng datu. Maging ang magigiting na anak ng
Laguindingan ay hindi na nakabalik matapos hanapin ang Ibong
Aninipot na ang awit ay pinaniniwalaang makapaghihilom sa
Laguindingan.

Nakapaloob sa unang talata ng ika anim na kabanata ang Teoryang Feminismo

sa kadahilanang ipinapakita dito ang karanasan ng isang babae at kalakasan ng mga

kababaihan gaya na lamang sa mga linyang ito, “Ang mga kababaihan, sa pangunguna

ni Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim at pagpapalago ng mga bulaklak at

halamang-gamot” at ang linyang “Itinakas ni Ba’i Anko ang kaisa-isang anak na babae

palayo sa tila inaalihan ng Yawang bana”. Dagdag pa nito, nakapaloob sa talatang ito

ang Teoryang Romantesismo dahil ipinapakita dito ang pagmamahal sa kapwa, pamilya

maging sa minamahal. Nakapaloob din dito ang Teoryang Naturalismo dahil nakatuon

ang nasabing talata sa mga tao at karanasan ng mga tao, gaya na lamang sa linyang ito

na mababasa sa unang talata ng ika anim na kabanata ng kwento. “Sa pangunguna ni

Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim at pagpapalago ng mga bulaklak at halamang-

gamot. Naging matagumpay rin ang mga kalalakihan sa pangangasawa. Napakabilis

lumawak ng kanilang nasasakupan”.


98

IKALAWANG TALATA

Matapos magsalaysay ng kakamot-kamot na bantay ay saka pa


lamang nito napunang tulog na ang kainuman. Halos maubos ni
Prinsipe Manawari ang tatlong buhong kawayan ng basi. Subalit ang
katawan lamang ng prinsipe ang sumuko. Nakaukit sa isipan niya ang
kaliit-liitang detalye ng kuwento ng nangangating bantay.

Ang teoryang pampanitikan na nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang

Humanismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.

Binibigyang-tuon dito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,

talento at iba pa. Nakapaloob sa ikalawang talata ang Teoryang Humanismo sa

kadahilanang mas nakapokus ito at mas binibigyang halaga ang karanasan at buhay ng

tao. Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang

nakapokus din ito patungkol sa karanasan. Ang karanasan ng pangunahing karakter ng

maikling kwento.

IKATATLONG TALATA

Kinaumagahan ay muling nakipagharap si Prinsipe Manawari kay Datu


Puti. Ihinayag din niya ang banal na pakay kay Prinsesa Ganda. Wala
namang pagtutol sa parte ng datu maliban sa kailangang sumunod ni
Prinsipe Manawari sa kostumbre ng pulo. Kailangang matugunan ng
prinsipe ang doteng hihingin ng pangkalahatang datu at ng iba pang
pinuno ng Laguindingan. Una nilang hiningi ang labindalawang libong
alipin. Ang isang pinuno’y humingi ng pitong baul ng mamahaling
hiyas. Naalala ni Prinsipe Manawari ang gintong barkong handog ni
Zephyra na punung-puno ng mamahaling hiyas. Sa pamamagitan ng
kanyang isip ay nagawang utusan ng prinsipe ang turuang barko na
maglayag papunta sa Pulo ng Laguindingan. Anong mangha’t anong
tuwa ng buong kapuluan nang makita ang paparating na gintong
barkong may lulang mamahaling hiyas. Ang isang pinunong may
pagtingin kay Prinsesa Ganda ay humiling sa prinsipe ng isang
imposibleng bagay. Hiniling nitong patumbalikin ang agos ng tubig
sa ilog. Binalaan ng prinsipeng maaring hindi maging maganda ang
resulta nito kung magkakagayon man. Subalit mapilit ang kanyang
karibal sa paniniwalang hindi dapat matugunan ng prinsipe ang dote
99

para hindi mapasakamay nito ang hinahangad din nitong prinsesa.


Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi pagbigyan ang hiling ng
pinunong karibal. Hiningi niya ang tulong ni Kalabawbibaw para
maisagawa ang pagpapatumbalik sa agos ng tubig sa ilog. Tumalima
naman ang kaibigang hayop at lumulon ito ng sampung kaing na sili.
Matapos ay pumuwesto ito sa gitna ng Ilog-Agko at sa pamamagitan
ng mga sungay na nag-alimpuyong parang ipo-ipo’y napatumbalik
nito ang agos sa ilog. Subalit dahil sa sobrang anghang ng sampung
kaing na siling nakain, bumilis ng sampung ulit ang pag-ikot ng
sungay nito na lumikha din ng sampung higanteng ipo-ipo. Ang mga
bahay sa Laguindingan ay natangay. Kung hindi pa nagmakaawa ang
hambugerong pinunong humiling ng imposible ay hindi patitigilin ni
Prinsipe Manawari ang kabaw. Ang babaeng pinuno naman ay
humiling ng 7,100 Makahiyang hindi nakatiklop ang dahon. Ang isa’y
humiling ng 50 kalapating mula sa langit. Ang isa nama’y sarikulay na
tela bilang pamalit sa mga dahon ng puno. Hiningi naman ng batang-
batang pinuno ang Patola Kaorayan ng prinsipe. Sinabi ng prinsipeng
humiling na lamang ng iba dahil hindi niya maaring ibigay sa iba ang
anumang bagay na handog lamang din sa kanya. Subalit mapilit ang
batang pinuno. Hinablot nito ang Magik Sinturon na nakabigkis sa
noo ng prinsipe at dagling ibinigkis sa sarili nitong noo. Maya-maya’y
dumaing ang batang pinuno na masakit ang kanyang ulo. Nataranta
ang lahat nang makitang naging sawa ang sinturon at nilingkis ang
ulo ng batang pinuno. Humigpit nang humigpit ang pagkakalingkis
hanggang sa para nang mapipisak ang ulo ng bata. Nagngangangawa
itong nagpasaklolo kay Prinsipe Manawari at dagli namang hinaltak
ng prinsipe ang nakalingkis na sawang bigla namang bumalik sa
pagiging sinturon sa kamay ng may-aring prinsipe. Matapos ang mga
ito’y tila ayaw nang humiling ng iba pa. Pinalabas muna ni Datu Puti
sa torogan si Prinsipe Manawari at pinulong ang kanyang mga pinuno.
Nagkaroon ng mainitang pagtatato sa loob ng torogan. Panaka-naka’y
nakaririnig si Prinsipe Manawari ng mga sigawan. Sa bandang huli’y
nangibabaw na ang malakas at matatag na tinig ni Datu Puti. Maya-
maya’y lumabas na sa torogan ang mga pinunong sambakol ang
mukha. Naiwan sa torogan si Datu Puti. Pinapasok si Prinsipe
manawari sa torogan at sila na lamang ng tiim-bagang na datu ang
magkaharap sa loob.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Humanismo dahil pinapakita dito na mas

binibigyang halaga ang tao at ang mga pinagdadaanan ng mga tao at ang tao ang sentro

ng kwento, “Sa bandang huli’y nangibabaw na ang malakas at matatag na tinig ni Datu

Puti. Maya-maya’y lumabas na sa torogan ang mga pinunong sambakol ang mukha”.
100

Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Romantesismo sa kadahilanang hahamakin

lahat ni Prinsipe Manawari ang lahat-lahat upang makita at mailigtas lamang ang mahal

niyang si Ganda. Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang Feminismo sa

kadahilanang pinapakita dito ang suliranin at karanasan ng isang babae.

VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa

UNANG TALATA

Nakatulungko si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas.


Pinagmamasdan niya ang Binansot na Balite. Isang kahel na dahon
na naman ang nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang taning niya
at hindi pa niya natatagpuan ang Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang
ideya kung saang lupalop ng daigdig ito humahapon. Noon lang din
niya muling napansin ang gintong singsing-itang ibinigay ng Diwata
ng Kagubatan. Kailanma’y hindi pa niya ito napakikinabangan. Gusto
na niyang maniwalang biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsa’y
hindi naman niya ito nakitang nakapulupot sa kanyang
palasingsingan. Ngayon nga, katulad ng lumipas na ilang mga araw,
ay sa hintuturo niya ito laging nakapulupot. Napangalumbaba ang
prinsipe at naibulong niyang sana’y kahit maituro man lang nito kung
saan matatagpuan ang Mahiwagang Ibon. Pagkausal nito’y biglang
kumalawa ang gintong singsing-ita sa kanyang hintuturo. Nalaglag ito
sa lupa at biglang naging isang dambuhalang sawa.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sosyolohikal at Teoryang Naturalismo

sa kadahilanang nailalarawan sa teoryang sosyolohikal kung paano nasusugpo ng

tauhan ang suliranin sa isang bagay. At nailalarawan naman sa teoryang naturalismo ang

pagkawalang pag-asa ni Prinsipe Manawari at ang pagiging may negatibong damdamin

sa kung paano niya masosolusyunan ang suliranin.

IKALAWANG TALATA

“Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.” Matapos ang
lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samu’t saring
101

nasaksihang kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe. “Ituro


mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong
Aninipot.” “Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.”
“Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?” “Naisin ko
man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong ituro sa inyo
kung sino ang maaring makapagturo sa inyo ng inyong hinahanap.”
“Kung ganoo’y sino ang makapagtuturo sa akin?” “Ang Prinsesang
Nakaupo sa Tasa.” “Nakaupo saan?” “Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.”
“T-tasa…?” Bagamat nalilito’y nagpatuloy ang prinsipe. “Saan ko
matatagpuan ang prinsesang sinasabi mo?” “Matatagpuan n’yo siya
sa Hinulugang Taktak.” “Hinulugang Taktak?” “Doon po
sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol sa
anumang problemang hindi nila madesisyunan o masolusyunan.”
“Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak? “Pumikit po kayo,
Mahal na Prinsipe.”

Sa ikalawang talata, nakapaloob dito ang Teoryang Imahismo, ang teoryang ito ay

gumagamit ng mga imahae na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipang ideya,

saloobin at iba pang nais ibahagi ng may akda na higit maunawaan kaysa gumamait

lamang ng karaniwang salita. Sa dalawang linyang, “Madali po iyon. Humahapon po ito

sa puno ng aninipot” at “Ang prinsesang nakaupo sa tasa”, nagiging malikot ang pag-iisip

at naikikinintal ng may akda sa isip ng mga mambabasa ang naisulat na talata. Nagiging

malikot ang pag-iisip sapagkat gumagawa ng sariling imahe sa isipan ang mga

mambabasa kung ano ang itsura ng puno ng aninipot at ng prinsesang nakaupo sa tasa.

IKATATLONG TALATA

Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat.


Itatanong dapat niyang” O, Ngayon?” nang mapansing nasa ibang
lugar na siya. Nasa isang maliit siyang tila pulo na napapaikutan ng
di-kataasang talon. Nadilatan ni Prinsipe Manawari ang mga taong
nakapila na iba’t iba ang kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pila’y
nagwawakas sa harap ng isang parang dalagitang, parang batang, di
lang niya matiyak. Nakaupo ito sa gilid ng isang malaking tasa. Sa
magkabilang tagliran nito ay may nakatayong dalawang tanod na
mukhang uod. Nakipila si Prinsipe Manawari. Ito na siguro ang
Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang sinasabi ng gintong
102

singsing-itang naging higante ngang sawa. Sa harap ngayon ng


prinsesa’y may dalawang babaeng may dalang isang sanggol. Kunot
ang noo ng prinsesang sa malapitan pala ay pakiwari ni Prinsipe
Manawari ay mukhang lolang katatapos lang magnganga.

Ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang

Formalismo, layunin ng panitikan ay iparating sa mga mambabasa ang nais niyang

ipaabot gamit ang kaniyang tuwirang panitikan. Walang labis at walang kulang, wealang

simbolismo at hindi humihingi ng malalimanang pagsusuri at pang-unwa. Tulad ng

linyang, “Nadilatan ni Prinsipe Manawari ang mga taong nakapila na iba’t iba ang

kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pila ay nagwawakas sa harap ng isang parang

dalagitang, parang batang di lang niya matiyak”. Madaling naiintindihan ng mga

mambabasa ang talata sapagkat nailahad ito ng walang kulang at maayos.

IKAAPAT NA TALATA

“Ano ang inyong problema?” “Ang akin pong sanggol ay gusto niyang
agawin.” Anang nasa kaliwa. “Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol
na ito’y ako ang nagluwal.” Anang nasa kanan. “Sino ba talaga ang
ina ng sanggol na ito?” “Ako po.” Anang dalawa. “Hindi puwede ang
sinungaling dito. Alam n’yo ang kaparusahan. Kanino talagang anak
ang sanggol na ito?” “Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa.” Anang
dalawa pa rin. Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-
isip kung paano lulutasin ang problemang ito. “Ikaw?” Tanong niya sa
babae sa kaliwa. “Ano’ng pangalan mo?” “Ana po.” “Ikaw naman?”
“Ana rin po.” “Parehong Ana ang pangalan n’yo?” “Opo.” Anang
dalawa sabay tango. “Ganito na lang ang gawin natin. Yaman din
lamang na pareho ninyong pinangangatawanan na sa inyo ang
sanggol na ito, na imposibleng mangyari dahil hindi maaring sa
dalawang ina manggaling ang isang sanggol, eto ang aking
solusyon...” Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang
dalawang Ana. “Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong
dalawa para parehas at walang away.” Napaisip ang dalawang ina.
103

IKALIMANG TALATA
“Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?” Nagkatinginan ang
dalawa at sabay pang sumagot. “Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po
kami.” Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na
prinsesa. Nang makapanimbang ay inagaw niya sa dalawa ang
sanggol at inutusan ang dalawang tanod na gawaran ng parusa ang
dalawang babae. Medyo namroblema naman ang prinsesa sa sanggol
na magiging kargo pa yata niya ngayon. Mabuti na lamang at ang anim
na lalaki palang kasunod sa pila ang “mga ama” ng sanggol.
“Itatanong ko rin sa inyo ang itinanong ko kanina, at alam kong payag
din kayong anim na hatiin itong sanggol na ito.” “Pero, Mahal na
Prinsesa, “anang anim na lalaki. “Hindi po kami pumapayag na hatiin
sa amin ang sanggol.” “Pero imposible ngang kayong anim ang ama
nito!” Sumisigaw na ang prinsesa. “Pero ako po talaga ang ama ng
sanggol na iyan!” Sabay-sabay ang anim at sumisigaw na rin.
Napangalung-noo ang prinsesa at matamang nag-isip. Una’y naisip
ng prinsesang hingan kaya ng birth certificate ang anim pero maging
ito’y hindi garantiya dahil puwede namang pekehin ang ganitong mga
sertipiko. Tiningnan nito ang mukha ng sanggol at ang mukha ng
anim na “ama” at tiningnan kung sino ang kamukha ng sanggol. Ang
bawat isa naman ay may katangiang makikita sa sanggol. Nang wala
na talagang maisip na solusyon ang prinsesa ay may kinuha ito sa
loob ng tasa. Naglabas ito ng baraha. “Daanin na lang natin sa Pusoy
Dos.” Nagtatakang nagkatinginan ang anim. “Kung sino sa inyo ang
magwawagi sa laro ay sa kanya mapupunta ang sanggol. Marunong
ba kayong mag-Pusoy Dos?” Tumango ang anim.

IKAANIM NA TALATA
“Kung gayo’y doon kayo sa isang tabi at simulan n’yo na ang
pagsusugal. O, yung sunod…” Utos ng prinsesa sa anim at matapos
ay tinawag na niya ang susunod sa pila. Pupuwesto na sa isang tabi,
sa likod ng tasa ang anim na lalaki para mag-Pusoy Dos. Hindi pa
nakapag-uumpisang magbaraha ang anim ay bumalik na ang isang
lalaki sa harap ng prinsesa. “O, ano naman ngayon?” “Iginagalang ko
po ang inyong naging desisyon, Mahal na Prinsesa.” “So?” “Kung
sinuman sa amin ang tunay na ama ng sanggol ay sino nga ba ang
nakaaalam? Puwede ko po itong ipakipagsapalaran sa Pusoy Dos at
sinusumpa ko sa inyong ako ang magwawagi…” Matamang nakikinig
ang prinsesa at nagpatuloy naman ang lalaki. “Dangan nga lamang na
naipangako ko sa sarili na hindi na ako muli pang magsusugal. Ang
aming yaman, ang aking asawa’t iba pang mga anak ay nawala sa akin
dahil sa sugal—cara y cruz, sabong, jai-alai, jueteng, karera, lotto,
ending…Ultimo kung matitiis ko bang hindi magsugal o hindi ay
104

pinakipagpustahan ko.” “Ano ngayon ang gusto mong mangyari?”


“Hindi po ako sasali sa Pusoy Dos. Hihilingin ko lang pong mahagkan
ko at mayakap ang aking anak bago man lang ako lumisan.” Halos
madurog ang puso ng prinsesa at mapuno ng kanyang luha ang
malaking tasa sa pagkarinig ng tinuran ng lalaki.

IKAPITONG TALATA
“Ano ba ang iyong pangalan, lalaki?” “Tana po.” “Kung gayon, Tana.
Narito ang iyong anak. Umuwi na kayo.” “Subalit, maaring
nagsisinungaling lamang ako at hindi ako ang tunay na ama ng batang
ito?” “Hindi na mahalaga kung ikaw man ang tunay na ama ng sanggol
o hindi. Nakapagpasya na ako. Ikaw lamang sa anim na nagke-claim
ang puwedeng asahan ng sanggol na iyan. Paano magiging
responsableng ama ang isang sugarol? Subalit ipangako mong
hinding-hindi ka na magsusugal, Tana.” Tumango ang lalaki at
tuwang-tuwang nagpaalam na. Bago siya umalis ay may pahabol na
tanong ang prinsesa. “Teka nga. Bakit n’yo ba pinag-aagawan ang
sanggol na iyan?” “Maniwala po kayo at sa hindi, Mahal na Prinsesa.
Ang sanggol na ito ay umiihi ng langis at gasolina.” Napakunot ang
noo ng prinsesa subalit hindi na niya pinansin ang tila naging weird
na lalaki. Kinurot na lang niya ang pisngi ng sanggol. “At ano naman
ang pangalan ni beybi?” “Spratlys po, Mahal na Prinsesa.” Pagkasabi
ay dali-dali nang lumisan ang exayted na ama ng sanggol na umiihi ng
langis at gasolina. Samantala’y inip na inip na si Prinsipe Manawari.
Bukod sa hindi niya mawawaan ang nagaganap at naririnig ay nag-
aalala siya sa nasasayang na panahon. Naiisip niya ang Binansot na
Balite. Ilang kahel na dahon na naman kaya ang nalagas dito? May
tatlo pa sa unahan bago siya. Sa likod niya’y lalong humahaba ang
pila. Subalit wala na siyang pakialam sa mga ito. Matapos siya’y dagli
na siyang tatalilis. Hindi niya maunawaan ang lugar na ito. Umabante
naman sa pila ang dalawang lalaking ang amoy ay tila galing sa ilalim
ng lupa. Isang babae na lang at siya na. Nakabawas ito sa pag-aalala
at pagkainip ng prinsipe. Sinimulan na ng Prinsesang Nakaupo sa
Tasa ang susunod na sesyon.

Ang Teoryang Naturalismo naman ang nakapaloob na teoryang pampanitikan sa

talatang ito dahil nakapaloob sa paksa ang kawalang pag-asa at negatibong damdamin.

Katulad nalang sa napaloob sa talata na nawalan ng pag-asa ang lalaki at nais nalang

niyang yakapin at hagkan ang kaniyang anak na sanggol pa lamang bago pa siya lumisan
105

nawalan na siya ng pag-asa at hindi na sumali sa sugal subalit alam na niyang hindi siya

mananalo at hindi niya makukuha pa ang kaniyang anak.

IKAWALONG TALATA

Nakatulog si Prinsipe Manawari sa paghihintay sa pag-uusap ng


dalawang babae. Naalimpungatan siya nang maulinigang
nagpapaalam na ang magandang dilag sa munting prinsesa. “Sa
wakas!” Naisigaw na may kahalong buntunghininga ng isipan ng
prinsipe. Lalapit na sana si Prinsipe Manawari sa Prinsesang Nakaupo
sa Tasa nang may biglang sumingit na lalaking singkit mula sa likod
ng tasa. Namukhaan ito ng prinsipe. Isa ito sa anim na lalaki kaninang
nagke-claim ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina. Halos
nagtatatalon ito at nagsisisigaw hawak sa kamay ang winning cards.
“Bwa-haha! Ako ang nagwagi! I’m the King of the World!” Bulalas ng
parang napapraning na lalaki. “Ako ang nanalo sa Pusoy Dos, Mahala
na Prinsesa! Akin na ang anak ko, akin na ang anak ko!” Tinuktukan
ito ng kawayan sa ulo ng prinsesa at kinumbatan ang tanod na
gawaran na ito ng parusa. Takang-taka naman ang lalaking singkit
habang biya-biyabit na ito sa magkabilang bisig ng mga tanod. Nasa
harapan na ngayon ng prinsesa si Prinsipe Manawari. Nagpalinga-
linga muna siya para tiyaking wala nang eeksena at oras na talaga niya
para sa kanyang sariling problema. Kinalimutan niya ang pagka-asar
at nagpugay sa paham.

Ang teoryang Formalismo/ Formalistiko ang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat

nais niyang ipaabot sa mambabasa ang kaniyang tuwirang panitikan. Walang labis at

walang kulang ang mga impormasyong nais ipaabot ng may akda at hindi humihingi ng

higit na malalimang pang-unawa sa talatang nabasa.

IKASIYAM NA TALATA

“Magandang umaga, Mahal na Prinsesa. Ako po si Prin…” “Prinsipe


Manawari. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?” “Bakit nyo po ako
kilala?” Pagtataka ng prinsipe dahil sa mga nauna sa kanya’y walang
kilala ang prinsesa. “Ayan, o,” sabay hablot ng prinsesa sa nakabigkis
na sinturon sa noo ng prinsipe. “Nakaburda yang pangalan mo.”
Ngayon lang niya napansin at totoong nakaburda pala ang pangalan
niya sa Patola Kaorayan. Binawi niya sa prinsesa ang Magik Sinturon
106

at nagpatuloy. “Nagsadya po ako rito para malaman kung saan ko


matatagpuan si Prinsesa Ganda ng Pulong Laguindingan.” Hayag ng
prinsipe habang dinudukot sa may dibdib ang Mosala. Bago sumagot
ang prinsesa ay may kinuha itong dahon. May binasa ito sa dahon na
para bang may tinitiyak. Matapos ay tumitig nang parang may inaarok
sa mga mata ng prinsipe. “Pero ayon dito sa mensahe ng gintong
singsing-ita ay magpapaturo ka lang kung saan matatagpuan ang
Punong Aninipot? Walang nabanggit ditong Prinse-prinsesa Ganda.
Niloloko mo ba ako?”

IKASAMPUNG TALATA
“Hindi po, Mahal na Prinsesa,” parang napahiyang nasabi ng
prinsipe. “Isa rin po iyon sa gusto kong malaman.” “Puwes,
ipagpaumanhin mo subalit kung ano lamang ang nasa dahong ito, ay
iyon lamang ang maituturo ko sa iyo.” Hindi na pumasok pa sa isip ng
prinsipe na makipagtalo sa prinsesa. Ibinalik na lamang niya ang
Mosala sa may dibdib. “Kung ganoon po’y maari bang ituro n’yo sa
akin kung saan ko matatagpuan ang Punong Aninipot?” Mula sa loob
ng tasa’y naglabas ng tila garapon ang prinsesa. “Tatlong pilak.”
“Para saan po ang tatlong pilak?” “Para ituro ko sa iyo ang puno.”
“Subalit kanina’y hindi n’yo naman sila siningil?” “Iba naman ang
sadya nila. Ikaw ay nagpapaturo. Hindi mo ba alam kung gaano
kahirap magturo, Prinsipe Manawari?” Iiling-iling na kumuha sa
bulsito niya ng tatlong pirasong pilak si Prinsipe Manawari at ihinulog
sa inilabas na tila garapon ng prinsesa. Kumalansing ito kasama ng
ilan pang pilak sa halos mangangalahati pa lamang na lalagyan.
“Ngayon po’y maari n’yo na po bang ituro?” “Huwag ka munang
magmadali. Kailangan mo munang masagot ang dalawa sa tatlong
tanong na ibibigay ko.” Gusto nang maglulupasay sa lupa ni Prinsipe
Manawari subalit tinatagan niya ang kanyang loob. “Sige po. Ano ang
inyong katanungan?” “Konting bugtong lang naman ito at palaisipan.”
“Ano nga po iyon?” “Teka, galit ka ba?” “Hindi po.” “Galit ka e.” “Hindi
nga po.” “Asar?” “Hindi po.” “Asar ka yata, e…” Umiling na lang si
Prinsipe Manawari. Di na niya mapilit magsinungaling ang dila.

Ang Teoryang Klasismo naman ang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat ang

teoryang ito ay nagpapayaman at nagpapayabong sa kaisipan ng tao, ipinapakita dito

ang kaganapan ng mga bagay. Matapat sa istilo sa kinagigiliwan ng mga mapagmahal

sa katotohanan, katulad nalang ng ginawa ni Prinsipe Manawari, huminto siya sa


107

pakikipagtalo sa Prinsesa dahil kahit anong gawin niya, hindi na niya kayang

magsinungaling pa sapagkat naasar na siya sa prinsesa.

IKALABING ISA TALATA

“Tandaan mo. Dalawa ang kailangan mong masagot nang tumpak


bago ko ituro ang kinaroroonan ng Punong Aninipot. May tatlumpung
segundo ka para sagutin ang mga tanong.” Tinantiya ni Prinsipe
Manawari kung kaya niyang ihagis ang Munting Prinsesa. Mukhang
sa liit nito’y kayang-kaya naman niya kahit hindi niya suot ang Magik
Sinturon. Subalit siempre, sa halip na ihagis ang nasa harapan, pinili
niyang pigilin na lang ang panginginig ng laman. “Tatlumpung
segundo lang?” “Oo. Pagkasagot mo’y puwede mong pahintuin ang
oras. Puwede ka ring magpass kung hindi mo alam ang sagot. Pag
me natira ka pang oras ay babalik tayo sa hindi mo nasagot na tanong.
Game ka na ba?” “Hindi pa po.” “Bakit?” “Kung masagot ko po ang
tatlong tanong?” “Hindi mo masasagot.” “Pa’no nyo naman nalaman?
Pa’no kung masagot ko nga po?” “Basta, huwag kang mag-alala.
Hindi mo masasagot. Maniwala ka.” “E kung masagot ko nga po e.”
“E hindi n’yo nga po masasagot e.” Ginagad pa siya ng prinsesa.
“Sige po, ano ang tanong?” “Eto ang tanong...” “Eto ang sagot…”
“Wala pang tanong.” “Wala pa rin namang sagot.” Inis si Prinsipe
Manwari dahil parang nahahawa na siya sa kakulitan ng mga tao rito.
Pinagtaasan naman siya ng isang kilay ng prinsesa.

Teoryang Dekonstruksyon ang nakapaloob a talatang ito, sapagkat walang

permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay hindi nagbabago. Walang malinaw

na kahulugan kung ano ba talaga ang nais iparating nang may akda.

IKALABING DALAWA NA TALATA

“Narito ang una mong tanong. Kung ang isang electric train ay
tumatakbo pa-Timog sa bilis na 100 milya per hora at bigla itong
lumiko sa kanan at bumagal ang takbo sa 75 milya per hora. Ano ang
direksyon ng usok ng train? Timer starts now!” halos ibagok ni
Prinsipe Manawari ang ulo sa labi ng tasa. Hindi niya masyadong
mawawaan ang tanong. Basta ang alam niya’y may tumatakbo, may
usok, may lumiko, saan papunta usok…Wala siyang mahagilap na
sagot. Tumatakbo ang segundo. Ayaw niyang magpass kaya
nanghula na lamang siya. “Papunta ang usok sa Hilaga? Stop the
108

clock!” Walong segundo ang nakain sa tatlumpung segundo niya.


“Mali.” “Silangan?” “Isang beses ka lang puwedeng sumagot. Pero
mali din naman.” “Kung gayo’y sa Kanluran o sa Timog din papunta
ang usok.” “Mali. Mali. Mali.” “E nasabi ko na ang lahat ng direksyon.
Ano po ang sagot?” “Wala. Wala namang usok ang electric train, e.”

Teoryang Sosyolohikal ang teroyang pampanitikang nakapaloob naman sa

talatang ito, sapagkat ipinapakita nito ang kalagayan at suliraning panlipunan,

naipapakita din nito ang paraan ng tauhang katulad ni Prinsipe Manawari kung paano

niya sugpuin ang suliranin, dahilan sa pagiging gabay ng mambabasa kung paano din

sugpuin ang sinasabing suliranin na kinakaharap ni Prinsipe Manawari.

IKALABING TATLO NA TALATA

Napaisip at napakamot sa ulo si Prinsipe Manawari. Kinabahan siya


dahil kailangang masagot na niya pareho ang huling dalawang tanong.
Tuso ang kanyang kaharap, naisip niya. “May natira kang dalawampu’t
dalawang segundo para sa dalawang katanungan. Narito ang
susunod na tanong. Hulaan mo kung ano ito: Baboy ko sa Maliputo,
Mga balahibo’y pako.” Pagkarinig sa bugtong at sa Maliputo ay
biglang lumipad ang isip ni Prinsipe Manawari sa Tribu Maliputu. Wala
siyang natatandaang nakitang baboy doon na may balahibong pako.
Maging ang pinuno ng tribu na bagamat mukhang baboy ay wala
namang balahibong pako. Ni wala nga yatang hayop sa kagubatan ng
Maliputu. Ang marami doon ay prutas. Prutas! Biglang may naalala
si Prinsipe Manawari at sa isip niya ay hinagod ang mga prutas na
nakita niya sa tribu— lanzones, makopa, kaymito, mangga, rambutan,
langka, durian…at biglang kumislap ang mga mata niya at dagling
sumagot. “Durian! Stop the clock!” “M-m…” sasabihin na dapat na
“Mali” ng nakangisi nang prinsesa subalit nagdalawang-isip nang
rumehistro sa utak nito ang isinagot na prutas ng prinsipe. Saglit
itong napaisip at para hindi mapahiya’y sa nauntol na sasabihin ay:
“M-m…Magaling! Tumpak! Durian nga.” Napatalon si Prinsipe
Manawari.

Teoryang Eksistensyalismo ang teoryang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat

ipinakita na may kalayaan si Prinsipe Manawari na magdesisyon para sa kanyang sarili,


109

kung aalis ba sya o patuloy na haharapin ang suliranin na binibigay sa kanya ng

Prinsesang nakaupo sa tasa.

IKALABING APAT NA TALATA

“Subalit bago ka matuwa ay gusto kong malaman mong isang


segundo na lamang ang natira sa oras mo.” “Isang segundo? Ang
bilis naman po yata? Hindi ba’t…” “Hindi ba’t ang tagal mong
sumagot at lumipad yata kung saang tribu ang isipan mo kanina?
Huwag kang mag-alala. Ke bigyan pa kita uli ng tatlumpung segundo
ay bale wala rin. Wala pang nakakasagot sa katanungan kong ito. O,
handa ka na?” Tumango na lang si Prinsipe Manawari. Sa isip niya’y
alam na niya ang gagawin sa gintong singsing-ita pagbalik niya. “Para
sa iyong huling palaisipan. May isang segundo ka, tandaan mo,” mas
ay pang-iinis iyon kaysa paalala sa prinsipe. Mas nilakasan din nito
ang boses na parang ipinaririnig sa lahat nang nakapila “Ano itong
apat sa uma…” “Tao!” Sagot ni Prinsipe Manawari bago pa man
matapos ng Munting Prinsesa ang tanong. Tigalgal ang prinsesa.
“Tao. Apat sa umaga, dalawa sa tanghali at tatlo sa gabi. Tao ang
sagot sa palaisipan n’yo, Mahal na Prinsesa. Ang tao kapag sanggol
pa ay gumagapang. Sa paglaki ay naglalakad at kapag tumanda na ay
nakatungkod.” Paniniyak ng prinsipe.

Teoryang Sosyolohikal din ang nakaob sa talatang ito sapagkat pinapakita parin

kung paano ipinagpatuloy at kung paano hinarap ni Prinsipe Manawari ang suliraning

ibinibigay sa kaniya ng Prinsesa.

IKALABING LIMANG TALATA

Di nakaimik ang prinsesa. “Pa’no mo natsambahan?” Ayaw pa rin


nitong bumilib sa prinsipe. “Pagpaumanhin ninyo, Mahal na Prinsesa.
Subalit nabasa ko na ito sa mga libro. Maari n’yo na bang ituro sa akin
ang kinaroroonan ng Punong Aninipot? Kailangang-kailangan ko
lang po talagang malaman. Kailangan kong madakip ang Mahiwagang
Ibong Aninipot na humahapon sa punong ito.” Seryoso na ang
prinsipe at sumeryoso na rin ang humahanga na ngayong prinsesa.
Subalit biglang sumanib sa bulalas ng paghanga ang pinalungkot
nitong mukha. “Ipagpaumanhin n’yo rin po, Mahal na Prinsipe. Subalit
hindi ko alam ang kinaroroonan ng inyong hinahanap. Hindi ko rin po
kasi inaasahang masasagot ninyo ang aking mga tanong.”
110

Ang Teoryang Eksistensyalismo naman ang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat

ipinapakita dito na pananagutan ng tao ang kanyang sarili at walang kaugnayan ang

kapaligiran at minanang katangian sa pagpapasya sa sariling kahihinatnan o kapalaran.

IKALABING ANIM NA TALATA

Parang binagsakan ng mundo ang prinsipe. Subalit ano pa ang


magagawa niya? Baka nga siya naman ang talagang may diprensya?
Bakit nga ba hindi niya agad naisip? O kung naisip man niya ay kung
bakit pinaniwala niya ang sarili na hindi nga ganoon? Baka nga ito na
ang talagang katotohanan. Baka nga ang lahat ng ito ay pawang mga
laro lamang. At siya ay isang napakamasunuring laruan! Gusto
niyang maglulupasay at bumunghalit ng iyak. Biglang nakaramdam
siya ng pagnanais na bumalik sa Kaharian ng Hansen at humagulgol
na lamang sa kandungan ng Inang Reyna Bicuda. O kaya’y sa
kandungan ng kanyang kabiyak. Hindi ba’t doon talaga siya
nabibilang? Bakit niya ginagawa ito sa kanila? Bakit niya ito ginagawa
sa sarili? Ang prinsesa naman na nakaramdam ng pagkaawa sa
prinsipe ay nagsikap humagilap ng mga katagang kakalamay sa
damdamin ng prinsipe. “Huwag kang mag-alala, may paraan pa.”

Teoryang Naturalismo naman ang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat pinapakita

dito ang ekspresyon ng buhay, tulad nalang ng pagkawala ng pag-asa at pagkakaroon

ng negatibong damdamin ni Prinsipe Manawari nang malaman niyang hindi maituro ng

Prinsesa kung saan matatagpuan ang puno ng aninipot.

IKALABING PITONG TALATA

“Kung ganoon po’y kapwa-tawad tayo, Mahal na Prinsesa.


Magpapaalam na po ako at may naghihintay pa sa aking mga kasama.
Sa katunaya’y isang naghihingalong pulo ang umaasa sa akin.”
Parang nangongonsyensyang nasambit ng prinsipe. “Idinadalangin
kong sana’y magtagumpay ka sa iyong misyon, Prinsipe Manawari.
Isang paalala na lamang. Huwag mong hayaang mawala ang pag-asa
sa iyong puso. At huwag mong paniwalaan ang lahat ng iyong
nakikita’t naririnig. Mapanlinlang ang daigdig na ito.” Hindi malaman
111

ng prinsipe kung matatawa o mabubugnot na naman. Humirit pa ng


isa ang prinsesa. “Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay.
Gaanan mo lang ang iyong puso tulad ng nasaksihan ko sa iyo.” A
gaanan pala, ha? Biglang kambyo ng mood ang prinsipe. “Matanong
ko nga po pala, Mahal na prinsesa. Saan n’yo po ba gagamitin ang
mga pilak na ito?” sabay turo ng prinsipe sa tila garapon ng pilak ng
prinsesa. Humilig sa kanya ang prinsesa at may ibinulong.

Teoryang Eksistensyalismo naman ang nakapaloob sa talatang ito sapagkat

ipinapakita dito ang pagdedesisyon ni Prinsipe Manawari sa kaniyang sarili na

ipagpatuloy nalang ang paglalakbay para matulungan ang naghihingalong pulo na

umaasa pa sa kanya. Sa teoryang ito ipinapakita na malayang makapag desisyon ang

mga tauhan sa naisulat na akda.

IKALABING WALONG TALATA

“Madalas kasi ang pagdalaw ko sa babaylan. Inaabala ako nitong


almoranas ko. Ikaw ba naman ang umupo sa gilid ng tasang ito sa
loob ng eksaktong…” Nag-isip sandali ang prinsesa, “…anim na
bilyon, limandaang milyon at apatnapu’t tatlong daang taon at
dalawampu’t isang araw…e ewan ko lang kung hindi sumakit ang
puwit mo. Mahal na magpagamot ngayon…”

Sa talatang ito naman ay ang teoryang feminismo, dahil ipinapakita dito ang

kakayahan ng babaeng maiangat ang sarili, ang pagkamabuti at ang pagkakaroon ng

magandang katangian. Sa ipinakitang kabutihan ng Prinsesa kay Prinsipe Manawari ay

malaya din siyang magdesisyon para sa kanyang sarili kung ano ang nais niyang gawin

pagkatapos ng mahabang araw niya sa pagtulong.

IKALABING SIYAM NA TALATA

“Kung iyon lang ang problema n’yo’y, mayroon akong suhestyon.”


Sabik na naghihintay ang prinsesa sa suhestyon ng prinsipe. Pinalapit
ng prinsipe ang dalawang tanod na mukhang uod at ipinabuhat ang
112

prinsesa pababa sa gilid ng tasa. Matapos ay inutusan ng prinsipe ang


tanod na baligtarin ang tasa. Pagkabaligtad ay pinaupo muli ang
prinsesa. “O, ano po ang pakiramdam? Hindi ba’t mas kumportable?”

Teoryang Romantesismo ang nakapaloob sa talatang ito, sapagkat nakahanap ng

solusyon si Prinsipe Manawari upang di na mahirapan ang Prinsesa sa pag-upo sa tasa.

Ibinaliktad ng Prinsipe Manawari ang tasa upang mas komportable ang prinsesa, sa

pagtulong na ginawa ng Prinsipe, naipapakita nya na ang kanyang pagka maginoo.

IKADALAWANGPUNG TALATA

Dinama ng prinsesa ang lapat na niya ngayong inuupuang puwitan ng


tasa. Nakaramdam siya ng ginhawa at abot-abot ang pasasalamat
niya sa “mala-henyong” idea ng prinsipe. Nangiti na rin si Prinsipe
Manawari. Kailangan na talaga niiyang magpaalam. Muli, ay tinitigan
niya sa mata ang Munting Prinsesang Nakaupo sa baligtad na
ngayong Tasa. Nasalamin niya sa mga mata nito ang kislap na tila
baga kailanma’y di dumapo sa kanyang mga mata. Munti nga ang
prinsesang ito at para rito’y laro lang ang buhay. Siya, na matanda
na’y mahirap maunawaan ito. Subalit aminin man niya o hindi, ay nais
niyang magpasalamat sa prinsesa sa saglit paghahatid sa kanya nito
sa daigdig ng mga bata. Hindi nga ba’t lahat naman ng tao’y minsang
naging bata? Hindi nga kaya ang suliranin ay sumulpot sa daigdig
dahil nalimutan na ng tao kung paano maging bata? Bigla ay
nakaramdam ng inggit si Prinsipe Manawari sa Munting Prinsesang
Nakaupo sa Baligtad na Tasa. Subalit huli na para bumalik siya sa
pagkabata. Sunog na ang tulay na nagdudugtong sa mga yugtong ito.
Wala na nga siyang matandaan sa kanyang kabataan. O nagdaan nga
bang talaga siya sa pagkabata? Bakit parang ang pahina ng kanyang
buhay ay nagsimula na binata na siya kaagad? Isang binatang
naghahanap ng makakaisang-dibdib. Isang binatang may kakambal
agad na problemang pangmatanda. Nakalilito’t nakangangalos isipin.
Basta’t ang nauunawaan niya’y sino man ang Dakilang Awtor ng
kanyang buhay ay kailangan niyang sundin. Ito ang papel niya sa
panulat nito. Kailangan niyang bumalik sa mga pahina ng tunay
niyang daigdig.
113

Teoryang Realismo naman ang nakapaloob sa talatang ito, dahil ipinapakita dito

ang mga karanasan ng mga tauhan. Samakatuwid, ang panitikan ang hango sa totoong

buhay, katulad nalang sa talatang ito, sapagkat isinasaalang-alang ng may akda ang

kasiningan at pagka epektibo ng kanyang sinulat.

IKADALAWANGPU’T ISA NA TALATA

Hinagkan niya sa noo ang Munting Prinsesa at nagpaalam na.


Pagbitiw ng kanyang labi sa noo nito ay tinitigan siya sa mata ng
prinsesa. “May puwing ka yata sa pilikmata, Mahal na Prinsipe.
Pumikit ka’t tatanggalin ko. “Pumikit si Prinsipe Manawari at
naramdaman niya ang pagdampi ng munting daliri ng prinsesa sa
kanyang pilikmata. Nang dumilat siya ay halos mahalikan na niya ang
mamasa-masang nguso ni Kalabawbibaw. Sa magkabila niyang
tagliran ay naroon ang alimbyuging manok at tisikong aso. Gabi na
naman pala. Sinulyapan niya ang Binansot na Balite. Iilan na lang ang
dahong kahel nito. Tinabig niya ang malaking ulo ng tabogol na kabaw
at hindi siya makapaniwala sa nakitang tanawing natabingan ng hayop
kanina. Sa di-kalayuan ay isang higanteng punong tila nagriringas sa
gitna ng dilim. Dali-dali itong nilapitan ni Prinsipe Manawari at
natuklasan niya ang dahilan ng pagdingas ng puno. Napapalibutan ito
ng milyon-milyong alitaptap! Ito na ba ang Puno ng Aninipot? Bigla
niyang naalala ang Munting Prinsesang Nakaupo Na Ngayon sa
Binaligtad Niyang Tasa. May kumislap na ngiti sa sulok ng kanyang
mata.

Ang Teoryang Imahismo naman ang nakapaloob sa talatang ito, dahil layunin ng

teorya na mailarawan ng ganap ang isang paksa, at mailahad ito ng walang pagkiling.

VIII. Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot?

UNANG TALATA

Kailangang tandaan ni Prinsipe Manawari ang bilin ng kakamot-kamot


na bantay ng Laguindingan. Sa sandaling humapon ang Mahiwagang
Ibong Aninipot sa sanga ng Punong Aninipot ay magsisimula na itong
umawit para magpaantok. May lamyos ang tinig nitong tila pinanday
sa pinakamalalim na pusod ng kadagatan. Subalit katulad ng lalim ay
114

mapanganib raw ang tinig na ito. Ang sinumang mabibighani ng


mapanghalinang tinig ay tiyak na makakatulog din. Ito ang hindi dapat
hayaang mangyari ni Prinsipe Manawari. Dahil sa sandaling
makatulog siya ay iiputan siya sa ulo ng ibon. Ang sinumang maiputan
ng Mahiwagang Ibong Aninipot ay magiging buto. “Baka bato?”
Tanong ng prinsipe. “Hindi bato, buto!” Pagdidiin ng bantay. “Parang
ningas ang ipot ng ibon at naaagnas ang balat at lamang mahulugan
nito. Kaya buto na lamang ang matitira sa iyo.” Sagot ng bantay.
Muling nangilabot ang prinsipe nang maalala ang pinag-usapan nila
noon ng kinakating bantay. Subalit baka naman hindi ito totoo. Marami
na rin silang nainom noon ng bantay at baka iyon ay usapang-lasing
na. Subalit mahirap ding magbakasakali. Kailangan ngayong
mapigilan ng prinsipe ang antok para huwag maiputan at maging buto.
Matapos namang umawit at umipot ng Ibong Aninipot ay makakatulog
na ito nang sakdal himbing. Ito na ang tanging pagkakataon para kay
Prinsipe Manawari na dakpin ang nasabing ibon.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Sosyolohikal dahil ipinakita dito ang

kalagayan at suliranin panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda.

Ipinapaliwanag din dito ang pamamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o

kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa kung paano o ano ang

kanilang pamamaraan sa pagsugpo ng kanilang tinatahak na suliranin.

IKALAWANG TALATA

Samantala’y nakapuwesto na si Prinsipe Manawari at ang tatlong


hayop sa ilalim ng Higanteng Punong Aninipot. Nakaririmarim ang
salansan ng bungo’t buto ng tao sa ilalim ng higanteng puno. Ganito
na ba karami ang biktima ng Ibong Aninipot? Saan dito ang kalansay
ng mga anak ng Laguindingan? O ang lahat ng mga ito’y buto’t bungo
ng mga kinapos ang kapalarang sakop ni Datu Puti? Nanghilakbot si
Prinsipe Manawari sa isiping maaring mamaya lang ay nakasalansan
na rin dito ang kanyang mga buto’t bungo. Lumalalim na ang gabi
subalit wala pa silang namamataang ibong humahapon sa puno. Ang
mga mata nila’y inaaliw ng nagpapalibot-libot na alitaptap sa mga
sanga’t dahon ng higanteng puno. Namumutiktik sa liwanag ng
lampara sa puwitan ng mga insekto ang palibot nito. Parang
dinudumog ng mumunting bituin ang puno. Maya-maya’y may narinig
silang malakas na pagaspas ng mga pakpak. Mula sa madilim na
kalawakan ay paparating ang isang mangasul-ngasul na ibong
115

kaykintab ng balahibong tila kaliskis ng isda. Mistula rin itong bituing


nanaog mula sa langit. Pumili ito ng isang manipis na sangang
paghahapunan. Napahanga si Prinsipe Manawari sa kagandahang
taglay ng ibon. Pagkalapag ng ibon sa napiling sanga ay itiniklop na
nito ang malalapad na pakpak at ipinaloob ang ulo sa dibdib at
sandaling di tuminag na para bang namamahinga o umuusal ng dasal.
Maya-maya’y tumuka ito ng isang dahon at nagsimulang humimig.
Sumisigid sa kaibuturan ng kaluluwa ni Prinsipe Manawari ang
musikang nalilikha ng ibon sa pamamagitan ng dahon. Minsan na
siyang nakarinig ng ganoong katimyas at kalungkot na himig. Inugoy-
ugoy ng ibon ang sangang kinadadapuan na tila baga ipinaghehele
ang sarili. Maya-maya pa’y iniluwa na nito ang dahon at nagsimulang
umawit:

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang

nagpapaliwanag ito o nagpapakita kung ano ang karanasan o kasaysayan sa buhay ni

Hari Manawari. Ipinahihiwatig din sa akdang ito ang mga bahagi sa buhay ni Hari

Manawari kung ito ba ay pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at pinaka hindi

niya malilimutan sa kaniyang paghuli sa higanting ibon, pero ayun umano sa talata na ito,

si Hari Manawari ay nakadama ng paghihirap at pagkatakot ng kung paano niya mahuhuli

ang ibon.

IKATATLONG TALATA

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw, Nang munti pang bata sa
piling ni Nanay, Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal, Awit ng pag-
ibig habang ako'y nasa duyan, Sana'y di magmaliw ang dati kong
araw, Nang munti pang bata sa piling ni Nanay, Nais kong maulit ang
awit ni Inang mahal, Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan, Sa
aking pagtulog na labis ang himbing, Ang bantay ko'y tala, Ang tanod
ko'y bituin, Sa piling ni Nanay, Langit ang buhay, Puso kong may dusa,
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay, Sana narito ka Inay, Sana'y di
magmaliw ang dati kong araw, Nang munti pang bata sa piling ni
Nanay, Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal, Awit ng pag-ibig
habang ako'y nasa duyan
116

Ang teoryang nakapaloob sa talatang ito ay ang Teoryang Formalismo/

Formalistiko na ang ibig sabihin ay kung ano ang nais niyang ipaabot na mensahe sa

kaniyang mambabasa, halimbawa sa talatang ito ang ibon ay umaawit ng mga awiting

malumanay dahil gusto niyang iparating na mensahe o kaniyang gustong gawin ay para

makatulog ang sinumang makaririnig ng kaniyang awitin.

IKAAPAT NA TALATA

Parang pinipiga ang puso ni Prinsipe Manawari sa naririnig at


nasasaksihan. Hindi niya maarok ang lungkot na bumabalot sa ibon
at sa awit nito. Hinayaan niyang maglandas sa kanyang mga pisngi
ang luha. Ito ba ang ibong kanyang dadakpin? Subalit mapanlinlang
nga raw ang daigdig ayon sa Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa.
Huwag daw paniwalaan ang lahat ng nakikita’t naririnig. Hindi nga ba’t
nasa kagandahan ang paglililo’t pagtataksil? Sino nga ba ang mag-
aakalang ang ibong ito ang may kagagawan ng nakasalansang
bungo’t buto sa ilalim ng higanteng puno na ngayon nga’y kanila ring
kinatatayuan? Mula sa pagkakatayo’t pagkakatingala’y napaupo si
Prinsipe Manawari. Tinatangay ng awit ang lakas ng kanyang mga
tuhod. Naramdaman niya ang pamimigat ng kanyang kalooban. Halos
kasabay rin nito ang pamimigat ng talukap ng mga mata. Nag-apuhap
ng makakapitan ang kanyang malay at kamay.

Teoryang Humanismo naman ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa

talatang ito dahil nakasulat dito kung ano ang saloobin at damdamin ng isang tao, kagaya

sa talatang ito, si Hari Manawari ay nakadama ng panghihina ng kaniyang katawan at

panghihina ng kaniyang talukap ng kaniyang mga mata dahil umano sa pag-awit ng ibon,

ngunit hindi siya nagpadaig nilabanan niya ang panghihina ng kaniyang katawan sa

paraan na sugatan ang kaniyang sariling katawan.

IKALIMANG TALATA

Ang malay niya’y naglagalag sa iniwang kaharian. Ang kamay niya’y


sinuyod ang mga makahiya sa damuhan. Ang malay niya’y nakatagpo
117

ng mga alaalang pagduduyanan. Ang mga daliri niya’y napakukupkop


sa nagtiklop na mga damong-halaman. Ang kaninang kapamigatan ay
naging kagaanan. Hanggang sa ang katawan niya’t isip ay lumulan sa
ritmong pumapailanlang. Ang tusok ng sungay ni Kalabawbibaw sa
kanyang tagliran at pagdila-dila ng aso ang nagpabalik sa kanya sa
pandamdam. Ipinilig-pilig ni Prinsipe Manawari ang namigat na
namang ulo. Nakalulan pa rin sa hangin ang himig ng Mahiwagang
Ibon. Hinugot ng prinsipe ang balaraw sa suksukan. Handa niyang
sugatan ang sariling braso upang mapaglabanan man lang ang antok
na dumadagan. Subalit bago niya nagawang hiwaan ang sarili’y
inagaw ng alimbyuging manok ang balaraw sa kanyang kamay.
Matapos ay lumipad ito papunta sa kung saan. Pagbalik nito’y sakmal
sa mga kuko ang isang bunga ng bulak. Tinuka-tuka nito ang bulak
hanggang sa lumabas ang busilak na kaputian. Kumurot ito ng
kapirasong bulak at ibinara sa kaliwang tainga ni Prinsipe Manawari.
Nahulaan na ng prinsipe ang nais gawin ng manok. Siya na ang
nagkusang lagyan ng bulak ang kanang tainga at saka niya naisip
ngayong itakip pa ang mga palad sa magkabilang tainga. Nang
tanggalin niya ang mga palad at bulak sa magkabilang tainga ay
tahimik na ang paligid. Wala nang katinag-tinag ang Ibong Aninipot at
ang ulo nito’t tuka ay nakabaon na sa dibdib. Tiklop na rin ang mga
pakpak. Lumulan si Prinsipe Manawari sa Magik Malong at marahan
itong lumipad papalapit sa nahihimbing na ibon. Noon lang namasdan
nang malapitan ng prinsipe ang ibon. May kalakihan ito tulad ng isang
pabo. Dahan-dahan niyang dinakma ang katawan nito, sapu-sapo ang
pakpak. Naihilig niya ito sa kanyang mga bisig at dibdib tulad nang
isang nahihimbing na sanggol. Bukas pa, pagputok ng araw ang
gising nito ayon sa bantay ng Laguindingan. Minasdan niyang muli
ang maamong mukha ng nahihimbing. Paano kung hindi naman
totoong ito ang makapaghihilom sa Pulo ng Laguindingan? Paano
kung hindi naman ito ang may kagagawan ng mga buto’t bungong
nakasalansan? Ano’ng lupit ngayon ang iginagawad niya sa walang
muwang na ibong ito na anak ng kalikasan? Nakaramdam ng
pagkakonsyensya ang prinsipe. Bakit nga ba siya ang kailangang
maging instrumento sa pagputol ng kalayaan nito? Sapat na ba ang
pagkahibang niya kay Prinsesa Ganda para pangatwiranan ang
kalupitang ito? At muli niyang naalalang likha nga lang pala siya ng
isang Dakilang Awtor. Bagamat may halong pagtatampo’y napahanga
siya kung sino man ang Dakilang Awtor na ito. Siya, bilang tauhan o
tau-tauhan ay napakikilos sa anumang naisin nito. Ang lahat ng
kanyang mga ginawa at gagawin pa. Labag man sa loob ay siyang
mangyayari. Tunay ngang matalino ang manlilikhang iyon. Lahat ng
ito’y kanyang sinusunod dahil una pa lang ay alam na ng Dakilang
Awtor kung paano siya mapasusunod. Una pa lang. Una pa lang, ay
tinuruan na siya nitong umibig. Sa lahat ng dako at sa lahat ng
118

panahon. Iba’t-iba man ang mukha, iba-iba man ang pangalan. Iisa
ang kislap ng pagmamahal. Iisa rin ang kislap ng kahibangan.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Eksistensyalismo dahil ipinakita dito na

may karapatan at kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili kung

ano ang makabubuti para sa kaniya kung ito ba ay tama o kung ito ba ay mali na siyang

pinakasentro ng kaniyang pananatili dito sa mundo, kagaya din sa higanteng ibon na

alitaptap. Ang mga hayop din ay may karapatan na mabuhay ditto sa mundo at kalayaan

na mamuhay ng mapayapa.

IX. Mga Sumpa

UNANG TALATA

Ikinulong ni Prinsipe Manawari ang Mahiwagang Ibong Aninipot sa


gintong hawlang inumit niya mula sa mahigpit na pagkakakapit ng
isang nakatalungkong kalansay sa salansan ng buto’t bungo sa ilalim
ng higanteng puno. Wala na silang inaksayang panahon at nagbasta
na sila pabalik sa Pulo ng Laguindingan. Hindi pa sila nakakalayo ay
humaplit ang pabugsu-bugsong napakalakas na hangin. Isang bugso
ang naligaw sa direksyon nila. Nahagip ng haplit ang Binansot na
Balite at naiwanan lamang ito ng isang dahong tatawing-tawing sa
marupok nang sanga. Maliwanag naman ang kalawakan at walang
tanda ng namumuong bagyo. Mula sa lumilipad na malong ay natanaw
ni Prinsipe Manawari ang tila nabulabog na mga alitaptap. Sabay-
sabay itong lumipad papataas, papalayo sa Higanteng Puno ng
Aninipot. Para itong mumunting bituin na pabalik na sa kalawakan.
Kung ano ang dahilan ng pagkabulabog ng mga ito’y palaisipan pa rin
sa prinsipe. Nagmistulang higanteng kalansay na itim ang puno sa
paglisan ng mga alitaptap. Bumubulusok ang Magik Malong na tila
nakatuklas ng panibagong lakas ang mga palikpik ng Isdang Alapaap
na nakalala rito. Hinihinuha ng prinsipe ang tuwang maibibigay niya
sa datu sa pagkahuli ng ibon. Nakikini-kinita niya ang ligayang babalot
sa katauhan ng pinuno. Subalit ang hindi alam ng prinsipe’y nasa
gitna ngayon ng bangungot ang datu at dinalaw ito ng nililimot na
nakaraan. Ang Pulo ng Laguindingan noong una, ay isa lamang lawak
ng kasukalan. Hiniling ni Datu Puti sa mga anito na ibigay sa kanya
ang lupaing ito at sumumpang itataguyod ito hanggang sa maging
isang napakamakapangyarihang imperyo. Sa tulong ng mga anito at
119

pagpupunyagi ni Datu Puti’y naitaguyod naman niya ito hanggang sa


maging mistula itong paraiso bago nga dumating ang Tatlong
Haragan. Ang Laguindingan ay naging simbolo ng isang matagumpay
na pamumuno. Liyad ang dibdib namang tinatanggap ni Datu Puti ang
mga papuring iyon. Dahil tunay ngang ang Laguindingan ay si Datu
Puti at si Datu Puti ay ang Laguindingan. Kanya ang Imperyong itong
ang mga sarili niyang kamay ang pangunahin at patuloy na lumilikha.
Buong buhay niya’y naialay niya sa pulong ito.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang

pinahalagahan nito ang buhay at karanasan tulad ng pagbugsong-bugsong napakalakas

na hangin. At sa ipinamalas na karanasan ni Prinsipe Manawari dahil sa naramdaman

niya sa pag kadukot sa kaniya at sa pag patay ng kaniyang ama. Isang bugso ang naligaw

sa direksyon nila. Nakapaloob din dito ang Teoryang Realismo sa kadahilanang ipinakita

ang mga karanasan at nasaksihan na dinalaw ng bangungot ang datu at hangin sa

totoong buhay ngunit tuwirang totoo. Dagdag pa nito, nakapaloob din sa talatang ito ang

Teoryang Imahismo na ang layunin ng panitikan ay gumamit ng imahe na higit na

manghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi

ng may-akda. May halong panabik at pangamba ang nararamdaman ng Datu Puti nang

hilahin na ang kakambal ang ulo ng sanggol palabas.

IKALAWANG TALATA

Nasa kalagitnaan na nga siya ng kanyang gulang nang mapagbigyan


niya ang asawang magkaroon na sila ng supling. Araw-gabi’y
nagsasayaw sila sa Isla-Ubando. Hindi rin sila nakakalimot
manalangin at mag-alay kay Apo Buros para mabiyayaan sila ng
sanggol kahit sa gulang nilang iyon. At talagang malakas siya kay
Bathala at sa mga anito. At lalong umapaw ang kanyang kaligayahan
nang gabing iyon ay ibalita sa kanya ni Ba’i Anko na nagdadalantao
na ito. Mabubuo na ang kanyang pamilya at ang Laguindingan ang
kanilang magiging habangbuhay na paraiso. Nasasabik siyang
tinugon ang pagtulog noong gabing iyon na nangangako ng isang
napakagandang panaginip. Subalit, sa halip ay dinalaw siya ng isang
120

bangungot. Bakit tila isang binata ang nagtataguyod ngayon ng


Kapuluan? Hindi siya iyon subalit parang siya? Nasaan siya? Sino
ang binatang ito? Hindi ba’t siya at ang Laguindingan ay iisa? Ang
Laguindingan at siya ay iisa? At siya lamang ang kailangang
mangalaga sa lupaing walang iba’t siya nga rin ang lumikha. Bakit ito
ngayong binatang ito ang sinusunod ng kanyang nasasakupan?
Nasaan siya? At naglakbay ang kanyang diwa at hinanap ang sarili
niya. Natagpuan niya ang sarili na nakaratay sa banig ng karamdaman.
Mistula siyang tumpok na kalansay na sumisinghap-singhap.
Nagising siya sa panaginip na iyon at nanghilakbot. Sino ang binatang
iyon sa kanyang panaginip? Sino itong nangahas pamunuan ang
Laguindingan at palitan siya? Noon din ay ipinatawag niya ang
kanyang kakambal na Catalonan. Binagabag si Datu Puti ng nakitang
bisyon ng kapatid. Ang binata sa kanyang panaginip ay walang iba
kundi ang kanyang anak. Ang hahalili sa kanya bilang pinuno ng
Laguindingan. Ang kinasasabikang pagbubuntis ng asawa ay
nahalinhan ng pangamba. Gumawa siya ng paraan upang hindi
matuloy ang pagbubuntis ng asawa. Pinagawa niya ang kapatid na
Catalonan ng mga halamang-gamot na maglalaglag sa buhay na nasa
sinapupunan ni Ba’i Anko. Bagamat napipilitan ay sumunod ang
kakambal. Alam nitong walang makasasalangsang sa utos ng kapatid
na pinuno. Isa pa’y utang nito kay Datu Puti ang angking
kapangyarihan. Ang datu ang humiling sa mga anito na bigyan ng
kapangyarihan ang kakambal. Subalit sadyang mas makapangyarihan
ang kalikasan. Nagpatuloy sa paglaki ang tiyan ng Ba’i. Inalo na
lamang ng Catalonan ang datu na huwag munang mangamba dahil
hindi pa naman sila nakatitiyak na lalaki ang kanyang magiging
panganay. Isa pa’y maaring kabaligtaran ang kanyang panaginip.
Dumating ang araw ng pagsisilang ni Ba’i Anko. Ang mag-asawa
lamang ang nasa torogan at ang kakambal ng datung Catalonan na
magpapaanak sa Ba’i. Abot-abot ang panalangin ng datu sa mga anito.
Harinawa’y babae nga sana ang isilang ng kanyang kabiyak.
Magkahalong pananabik at pangamba ang naramdaman ni Datu Puti
nang hilahin na ng kakambal ang ulo ng sanggol palabas. Dahil sa
hirap at sakit ay nawalan ng malay si Ba’I Anko paglabas ng sanggol.
Isang napakagandang sanggol na babae ang isinilang nito. Nag-
umapaw ang kaligayahan sa puso ni Datu Puti. Kagyat na naglaho ang
kanyang pangamba at dagling niyakap ang anak. Nangako siya sa
sariling ito na ang magiging huli at katangi-tangi niyang anak.

Teoryang Imahismo naman ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa talatang ito.

Layunin ng Teoryang Imahismo na mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad

nang walang pagkiling at malayang makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng


121

mga mambabasa. Ang pinakamabisang gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga

natural na bagay sa paligid. Nakapaloob ang teoryang ito sa kadahilanang nakatuon ito

sa mga sagisag o imahe na maglalarawan sa bawat pangyayari ng kwento. Dagdag pa

nito, nakatuon din ang talata sa damdamain, kaisipan, ideya, at saloobin ng tauhan na

mabigyan siya ng kaniyang asawa ng sanggol at magkaroon ng supling. Nakapaloob din

dito ang Teoryang Bayograpikal dahil sa karansan at kasagsagan sa buhay ng tauhan ng

kwento, na kung saan may bahaging pinakamahirap, pinakamalungkot. Iyon ang

natagpuan niya, ang kaniyang sarili na nakaratay sa banig.

IKATATLONG TALATA

Hindi makapaniwala si Prinsipe Manawari sa nasasaksihang himala.


Nang matiyak ng Ibong Aninipot na nagampanan na niya ang iniatang
sa kanyang tungkulin ay lumipad na ito pababa at nagbalik sa
pinagkulungang hawlang ginto. Mistula itong sugatang kawal na mula
sa digmaan. Nangangalos ito sa kabayanihang ginampanan. Mula
naman sa gitna ng di-magkamayaw sa kaligayahang mamamayan ng
Laguindingan ay maagap na lumapit si Datu Puti sa hawlang ginto at
dagling pinawalan ang mahinang-mahina nang ibon. Nag-alala ang
datu sa kalagayan ng ibon subalit huwag daw itong mag-alala dahil
nakatalaga na talagang ipalit ng ibon ang sarili nito sa anumang
ginampanan. Si Prinsipe Manawari nama’y may nais pang malaman
sa Mahiwagang Ibon. “Subalit ang salansan ng bungo’t buto sa ilalim
ng Punong Aninipot? Hindi ba’t ikaw rin ang may kagagawan noon?”
“Di yata’t may pag-aalinlangan ka pa rin sa akin, Mahal na Prinsipe.”
“Kung hindi ikaw ay sino?” “Halos gabi-gabi’y iniiputan ko ang
salansan ng mga kalansay na iyon upang ibalik ang kanilang buhay.
Ngunit gabi-gabi rin ay dumarating ang Kambal-Ulong Buwitre at
binubugahan ng apoy ang mga taong iyon hanggang sa maging buto’t
bungo muli.” “Kambal-Ulong Buwitre?” Naalala ng prinsipe ang
ikinukuwento ng mga Isdang Alapaap na nagbabantay sa anak ni
Zephyra. “Oo. Ang Higanteng Kambal-Ulong Buwitreng Bumubuga ng
Apoy.” “Saan naman nanggaling ang halimaw na ito?” “Ito ay isa sa
tatlong haragang isinumpa ng Diwata ng Kalikasan.” Nakisingit si datu
Puti nang marinig ang tatlong haragan. May galit na sumanib sa mga
panga nito. “Tatlong Haragan ba kamo?” “Opo, Mahal na Datu.
Isinumpa ng diwata ang tatlong haragan nang matuklasan ang
pananalasa ng mga ito sa mga kagubatan. Ang haragang naging
122

buwitre ang pumatay sa inyong mga sakop na nagtangkang hulihin


ako. Ang dalawang haragan ay ipinatapon sa dagat. Ang isa’y naging
Mabangis na Berkakan at ang isa nama’y naging Dambuhalang
Buwaya. Subalit dahil nga sa ipinagbili na ng tatlong haragan ang mga
kaluluwa nito sa mga espiritu sa lalim ng lupa, ay nagkaroon pa rin ito
ng lakas at kapangyarihan.” “Ang sinasabi mo bang dambuhalang
buwaya ay yaong may kambal na buntot?” Tanong ni Prinsipe
Manawari. “Oo, iyon din ang pumaslang sa aking ama at dumukot sa
akin.” “Dumukot sa iyo?” “Noong ako’y sanggol pa lamang.” “Sa Pulo
ng Maniwantiwan?” Muling nagbalik sa Mahiwagang Ibon ang
malamlam na alaala mula sa pulong binanggit ng prinsipe. Marahan
itong tumango. “A-Astra?” Ang ibon naman ang nagulat. Bahagyang
nakaramdam ito ng panibagong lakas. Tinitigan nito ang prinsipe nang
may halong pagtataka at pananabik. “Ikaw ang anak ni Zephyra? Pero
bakit…?” “Kilala mo si Ina? Alam mo kung nasa’an siya?” Tumango
ang prinsipe. “Maari kitang dalhin sa kanya subalit…” Hindi itinuloy
ng prinsipe ang kanyang sasabihin. Ang ipinag-aalala niya’y kung
paano niya mapaniniwala si Zephyra na itong ibon na ito ang dinukot
na anak. “Oo. Isinumpa rin ako ng buwitre kaya ganito ang aking
anyo.” “May paraan pa ba para magbalik ka sa dati mong anyo?” “Ang
mutia.” “Mutia? Saan ito matatagpuan?” “Ang mutia. Nakabaon ito
sa atay ng Higanteng Buwitre.” “Sa atay? Baka sa puso?” “Sa atay.
Walang puso ang buwitreng iyon.” “Kung gayon ay kailangang
hanapin natin at mapatay ang buwitre. Saan natin ito matatagpuan?”
“Sa Higanteng Puno ng Aninipot. Doon din sa pinaghulihan mo sa
akin.” At ngayon naalala ni Prinsipe Manawari ang dahilan ng malakas
na hangin at pagkabulabog ng mga alitaptap noong gabing paalis na
sila sa kinahulihan ng ibon. “Sumumpa ako sa iyong ina na ibabalik
ka sa kandungan niya. Kailangang mapatay ko ang buwitreng iyon!”
Higit ay sa sarili sinasabi ni Prinsipe Manawari ang mga katagang
iyon. “At ang mga kalansay ng aking sakop?” Muling sumingit si Datu
Puti. “Huwag kayong mag-aalala, Mahal na Datu. Ibabalik namin ang
magigiting na anak ng Laguindingan.” Muling niyakap ng datu ang
prinsipe.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Saykolohikal/ sikolohikal dahil sa

pinaniniwalan niya ang ibon. Ang pagpaniniwala, pag uugali, pananaw at pagkatao.

Nakapaloob din dito ang Teoryang Eksistensyalismo sa kadahilanang ipinakita ang

kalayaan ng tao na pumili at magdesisyon at dahil na gusto sanang pigilan ng Datu ang

Prinsipe Manawari ngunit hinayaan nalang niya ito. Walang nagawa ang Datu kung hindi
123

hayaan na lamang ang Prinsipe sa anumang desisyon nito. Handog lamang ng Datu sa

Prinsipe ang isang kampling pinanday ng talim. Nakapaloob din dito ang Teoryang

Sosyolohikal na ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning

panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Nakapaloob ang teoryang ito dahil

sa pangyayaring lahat ay handang magpakamatay sa pagtatanggol sa kahihilom lang na

bayan. Umaatikabong bakbakan ang naganap sa pagitan ni Prinsipe Manawari at

Higanteng Buwitre. Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang Klasismo na ang

layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng

estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan. Nakapaloob ang teoryang ito dahil sa

pagkakaiba ng estado ni Prinsipe Manawari at ni Ganda. Ngunit sa kabila ng pagkakaiba

nilang dalawa nangako pa rin ang Datu na magkakaroon ng isang pinakamasigarbo at

pinakamahabang pagdiriwang sa pag- iisang dibdib ni Prinsipe Manawari at Prinsesa

Ganda. Bukod pa rito, nakapaloob din ang Teoryang Bayograpikal sa kadahilanang

ipinapakita rin sa talata ang ‘pinaka’ sa buhay ng mga tauhan ng kwento,

“pinakamasigarbo at pinakamahabang pagdiriwang sa pag- iisang dibdib ni Prinsipe

Manawari at Prinsesa Ganda”.

X. Ang Rebelasyon

UNANG TALATA

Walang mga tao’t hayop sa lahat ng tahanan sa Pulo ng laguindingan.


Ang lahat ay nagkalupumpon sa may pangpang. Lahat ay nais
makadaupang-palad ang mga lilisan. Magkahalong lungkot at ligaya
ang nadarama ng bawat isa. Muling niyakap ni Datu Puti ang
prinsipeng itinuturing na niyang anak ng Laguindingan. Muli niyang
inulit ang alok ditong mamuno sa pulo. Muli namang tumanggi si
Prinsipe Manawari. Sa katunayan ay isinoli niya sa datu ang
makapangyarihang kampilan ni Agyu sa pag-aalalang hindi pa tapos
ang panganib na nagbabanta sa pulo. May isa pang haragang hindi
124

napapatay. Hindi rin naman niya magagamit pa ang kampilan dahil


matapos maihatid si Astra kay Zephyra ay babalik na rin siya sa
Kaharian ng Hansen. Susubukan niyang dugtungan ang pinutol
niyang relasyon sa kabiyak. Muling humingi ng paumanhin ang datu
sa hindi niya sa hindi niya inaasahang pag-aasawa ni Prinsesa Ganda.
Tinugon lamang ito ng matipid na ngiti ni Prinsipe Manawari. Bago
umalis ay iginala ni Prinsipe Manawari ang mga mata sa paligid. Sa
mga taong bagamat ang karamihan ay hindi pa nakakatakas sa
nagdaang hilakbot, ay maaaninawan naman ng matatag na pananalig.
Napansin niya ang binatang may benda ang putol na kanang braso.
Natuwa siya dahil hanggang ngayon ay tangan pa rin nito ang bandila
ng Laguindingan. Nilapitan niya ang binata. Hinubad niya sa
pagkakabigkis sa noo ang Patola Kaorayan at ibinigkis ito sa noo ng
matapang na binata. Saka niya ito kinamayan.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryamg Moralistiko. Sa maikling kwentong ito

mababasa na ang Prinsipe ay iniwasto niya ang mga maling landasin sa kaniyang buhay.

Ang mga pangyayari sa kaniya ay nagsisilbing aral sa kaniyang buhay. At mababasa din

kung paano makisalamuha ang prinsipe sa kaniyang kapwa.

Sa talata na ito nakapaloob ang Teoryang Romantesismo na ang layunin sa teoryang ito

ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao sa pag-aalay ng kaniyang pag-ibig sa kapwa

at sa teoryang ito maganda man o masalimoot ang mga pangyayaring naganap ay laging

nangingibabaw ang pag-ibig. Sa talatang ito sinubukan ni Prinsipe Manawari na

dugtungan ang naputol niyang relasyon sa kabiyak na si Prinsesa Ganda. Nakapaloob

din sa talatang ito ang Teoryang Moralistiko, masasalamin sa teoryang ito ang

pangunahing tungkulin ng panitikan sa lipunan. Ang akda ay kapupulutan ng mga aral,

pagwawasto sa mga maling landasin sa buhay. Mababasa sa talatang ito na si Datu Puti

ay humingi ng tawad kay Prinsipe Manawari sa hindi niya inaasahang pag-aasawa ni

Prinsesa Ganda. Dahil sa mga nagawang landas ni Prinsipe Manawari sinubukan niyang

dugtungan ang naputol niyang relasyon sa kabiyak. Nakapaloob din ang Teoryang
125

Saykolohikal na ang layunin ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng

lipunang kabibilangan ng may akda. Naipapakita nito ang pamaraan ng mga tauhan sa

pagsugpo ng suliranin o kalagayan ng lipunan na magsisilbing gabay sa mga

mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad ng suliranin. Sa talatang ito mababasa, sa mga

taong bagamat ang karamihan ay hindi pa nakatakas sa nagdaang hilakbot ay

maaaninawan naman ng matatag na pananalig.

IKALAWANG TALATA

Magbubukang liwayway at pumailanlang na sina Prinsipe Manawari


patungo sa Pulo ng Maniwantiwan. Mula sa kinalululanang malong,
tinapunan ng prinsipe ng huling sulyap ang Pulo ng Laguindingan.
Tila ito maliit na nunal sa nguso ng dagat na dinadampian na ng halik
ng Haring Araw.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Romantisismo at Teoryang

Eksistensyalismo. Mababasa sa saknong na ito kung paano ipinamalas ng prinsipe ang

kaniyang pagmamahal sa kapwa at kung paano niya gustong makita o mabalikan muli

ang kaniyang lupang sinilangan. At kung paano niya gustong balikan ang kaniyang

kabiyak. Sa teoryang eksistensyalismo ay mababasa din sa saknong na ito kung paano

pahalagahan ng may akda ang halaga ng bawat tao. Ang pagkaresponsable, kalayaan,

at indibidwalismo sa bawat tao.

IKATATLONG TALATA

Magbubukangliwayway nang lumisan sila sa Pulo ng Laguindingan.


Papalubog naman ngayon ang araw nang matanaw na nila ang Pulo
ng Maniwantiwan. Minasdan ni Prinsipe Manawari si Astra. Bakas sa
mukha nito ang pananabik tulad ng sanggol na kinakaon ng ina sa
duyan. Isinasayaw ng hanging amihan ang mangasul-ngasul nitong
buhok na tulad ng sa ina. Ang mga mata nitong tila mutia ay may linaw
at kislap na banayad sa sinumang tumitingin. Napansin ng babae na
126

nakatitig sa kanya ang prinsipe. Nginitian niya ito at nanghigop ang


dalawang ipo-ipo nito sa pisngi. May gusto na namang sumungaw na
kislap sa mga mata ng prinsipe. Sinaway ito ng prinsipe sa
pamamagitan ng pagbabaling ng atensyon sa tatlong hayop pa nilang
kasama. Hinagod-hagod kunwari ang sungay ng kabaw, inayos ang
pagkakasalabid ng pakpak ng manok at pinunasan ng Mosala ang
muta ng aso. Nagulat ang prinsipe sa kanyang ikinilos. “Ano ba ito at
pati ang tinatangi kong Mosala ay naipampunas ko ng muta?” Nasabi
niya sa isip. Si Astra naman ang parang napahiya at idinako na lang
din ang tanaw sa lumilinaw nang guhit ng pulo. Ilang sandali pa’y
lalapag na sila sa kanyang kinawalayang sinilangan.

Sa talata na ito ay nakapaloob ang Teoryang Feminismo na ang layunin ay

magpakilala sa mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng

lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo

sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan, ipamayagpag ang mabuti at

kagandahang katangian ng tauhan. Sa talata na ito mababasa na minasdan ni Prinsipe

Manawari si Astra. Bakas sa mukha nito ang pananabik tulad ng sanggol na kinakaon ng

ina sa duyan. Isinasayaw ng hanging amihan ang mangasulngasul nitong buhok tulad ng

sa ina. Ang mata nitong tila mutya ay may linaw at kislap na banayad sa sinumang

tumitingin. Nakapaloob din sa talata ng ito ang Teoryang Imahismo, ang teoryang

imahismo ay gumagamit ng mga imahe na higit na maghahayag sa mga damdamin,

kaisipang, ideya, saloobin at iba pang nais ibahagi ng may akda na higit na madaling

mauunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at

tuwirang paglalahad ng mga imahe na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag

sa loob ng panitikan tulad sa talata na ito na hinagod hagod kunwari ang sungay ng

kalabaw, inayos ang pagkasabid ng pakpak ng manok at pinunasan ng mosala ang muta

ng aso.

IKAAPAT NA TALATA
127

Buong-akala ni Prinsipe Manawari’y nakita na niya ang


pinakamatayog na kaligayahan sa mamamayan ng Pulo ng
Laguindingan. Subalit nang masaksihan niya ang pagyayakapan ng
mag-inang muling nagtagpo, ang sapantaha niya’y napasubalian.
Maging ang tatlong hayop ay nadama ang dumapong kaligayahang
iyon. Ang sumunod ay ang malungkot namang pamamaalam. Bago
lumisan ay may inilabas si Zephyrang damit. Sinulsihan pala niya ang
nagkapunit-punit na damit ni Prinsipe Manawari noong ito’y
napalaban sa dambuhalang buwaya. Ibinigay ito ni Zephyra para
madala ng prinsipe sa pagbalik nito sa Kaharian ng Hansen. Subalit
nagpasya na rin ang prinsipeng isuot na ito. Hinubad niya ang baluting
handog ni Zephyra. Ayaw sana itong ipahubad ng sirena subalit sinabi
ng prinsipeng hindi na niya ito gagamitin. Matapos ang lahat ay
babalik na siya sa kaharian upang hindi na muling lumisan pa. Wakas
na ng kanyang paglalakbay. Wakas na ng kanyang pagkahibang.

Nakapaloob sa talata na ito ang Teoryang Feminismo, ang teoryang ito ay

nagpapakilala sa mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin sa

lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism

sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ipinapamayagpag ang mabuti

at ang magagandang katangian ng tauhan tulad sa talata na ito. Ipinakita ng ina ni Astra

na si Zephra sa punit punit na damit ni Haring Manawari noong ito ay napalaban sa

dambuhalang buwaya, sinulsihan niya ang damit at ipinasuot sa Prinsipe. Nakapaloob

din sa talata na ito ang Teoryang Humanismo na ang layunin sa panitikan na ito ay ipakita

na ang sentro ng mundo ay ang tao na kung saan binibigyan ng tuon ang kalakasan at

mabubuting katangian ng tao gaya ng talento, talino, at iba pa. Sa talata na ito ipinakita

ang mabubuting katangian ng tauhan sa maikling kwento, ipinakita din ang talento ni

Zephra sa pag susulsi ng damit at ang pagkamatapat ng Prinsipe.

IKALIMANG TALATA

Hinimok ni Astra si Prinsipe Manawari na doon na magpalipas ng


magdamag at kinabukasan na ng umaga ipagpatuloy ang paglalakbay.
128

May bahagi man sa katauhan ni Prinsipe Manawaring nais pagbigyan


ang dalaga ay tinatalo ito ng isang katwirang siya lamang ang
nakababatid. May sumungaw na lungkot sa kaninang pagkasaya-
sayang mga mata ng dalaga. Lumulukob ang dilim at nagsimula na
namang kumampay ang mga palikpik ng Isdang Alapaap sa laylayan
ng Magik Malong. Ibinigay na ng mga ito ang lahat ng lakas para sa
inaasahan nilang huli nang paglalakbay. Lumiit nang lumiit ang pulo
sa paningin ni Prinsipe Manawari. May malamlam na kislap sa
pinakamadilim na bahagi nito. Pusikit kaya iyon ng mutiang mata ni
Astra? Kung panibago man iyong Bugtong ng Pag-Ibig ay ayaw na
niyang tugunin pa.

Nakapaloob sa talata na ito ang Teoryang Bayograpikal na ang layunin ng

panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda.

Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay may akda na siya

ang pinakamasaya, pinakamalungkot at pinakamahirap, lahat ng ‘pinaka’ na siyang

inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kaniyang karanasan sa mundo. Sa

talata na ito ay mailalarawan ang lungkot na sumungaw sa mukha ni Astra ang kaninang

pagkasaya sayang mga mata. Nakapaloob din sa talatang ito ang Teoryang Klasismo na

naglalahad ng mga pangyayaring payak ngunit masining, matindi ngunit may

makahulugan, mahigpit at hindi nagbabago, dakila at marangal, matapat sa estilo sa

kinagigiliwan ng mga mapagmahal sa katotohanan. Sa talata na ito mababasa ang

masisining na salita, “lumulukob ang dilim at nagsimula na namang kumampay ang mga

palikpik ng Isdang Alapaap sa laylayan ng Magik Malong at lumiit ng lumiit ang pulo sa

paningin ni Prinsipe Manawari”.

IKAANIM NA TALATA

Kudlit na nunal na lamang ang Pulo ng Maniwantiwan sa malapad na


mukha ng dagat. Walang nakaaalam sa iniisip ni Prinsipe Manawari
subalit malinaw na ngayon na ang kanyang mga mata’y naakit ng mga
129

tanawin nang muli nilang madaanan ang Pulo ng Laguindingan. Nasa


ganito siyang pagkamangha ng salakayin ng dambuhalang berkakan.

Nakapaloob sa talata na ito ang Teoryang Realismo, makatotohanang paglalahad

at paglalarawan ng mga lugar, bagay, tao ang tuon sa teoryang ito. Katulad sa

paglalarawan ng Prinsipe sa Pulo ng Maniwantiwan na isang kudlit na nunal na lamang

sa malapad na mukha ng dagat. At mailalarawan din ng Prinsipe Manawari ang Pulo ng

Laguindingan na naakit siya sa tanawin dito ng muli nilang madaanan ang Pulo ng

Laguindingan. At naalala din niya noong salakayin ng dambuhalang berbakan.

IKAPITONG TALATA

Hindi malaman ng tatlong hayop kung anong lintik ang tumama sa


kanilang amo-kaibigan. Sa isang iglap ay lumubog ito kasama ng
sumakmal na halimaw. Lumapag ang Magik Malong sa pampang at
inantabayanan ng tatlong hayop ang paglutang ng prinsipe.
Makalipas ang ilang sandali, ang warat-warat lamang na kasuotan ng
prinsipe ang iniluwa ng dagat.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Realismo na kung saan ito ay hango sa

totoong buhay ngunit tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may akda ang

kasiningan at pagkaepektibo ng kaniyang sinulat. Sa talata na ito ang Prinsipe Manawari

ay lumubog kasama ng sumakmal na halimaw, sa isang iglap lumapag ang Magik Malong

sa pampang at inantabayanan ng tatlong hayop ang paglutang ng Prinsipe. Makalipas

ang ilang sandali ang warat-warat na lamang na kasuotan ng Prinsipe ang iniluwa ng

dagat. Sa paglalakbay ni Prinsipe Manawari, naging ordinaryong tao siya na ang

kaniyang pagkatao ay naging natural na kung saan siya ay natutong lumaban, magtiis at

maging responsable sa kabila ng kaniyang pinagdaanan.


130

IKAWALONG TALATA

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga hayop. Kinagat ng tisikong aso


ang isang daliri ng kabaw na parang pinitpit na luya. Kinalahig ng
alimbyuging manok ang buhangin sa pampang at ihinulog ng mga ito
ang daliring parang luya at saka tinabunan. Lumusong si
Kalabawbibaw at lumagok ng tubig-dagat. Ibinuga nito ang tubig sa
pinagtaniman ng piraso ng kanyang daliri sa paa. Maya-maya pa’y
may tumubong halamang gabi sa kanilang pinagtaniman. Ilang sagli’t
pa’y namunga naman ito ng mangga. Nang pipitasin na nila ito’y
naging hinog na papaya. Bigla itong lumagpak sa lupa at naging isang
napakagandang dalaga!

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Klasismo. Ang teoryang ito ay

nagpapayaman at nagpapayabong sa kaisipan ng tao bukod pa nito kinikilala ang

katuwiran, kadalakilaan at kaganapan ng mga bagay. Naglalahad din ito ng mga

pangyayaring payak ngunit masining, matindi ngunit makahulugan, mahigpit at hindi

nagbabago, dakila marangal, matapat sa estilo sa kinagigiliwan ng mga mapagmahal sa

katotohan. Ang bawat salita sa talata na ito ay may dalang matinding kahulugan sa

pangyayari sa buhay ni Prinsipe Manawari. Nakapaloob din sa talata na ito ang Teoryang

Imahismo na naglalarawan at tuwirang naglalahad ng mga imahe na layong ilantad ang

totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Sa talata na ito ay nais ihatid ng may

akda sa mga mambabasa ang kataga at mga salita na madaling mailarawan o madaling

maintindihan na mga salita na matatagpuan sa kapaligiran.

IKASIYAM NA TALATA

Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalaga at sumisid ito sa dagat.


Makalipas ang mga sandali’y umahon ito dala ang pira-pirasong buto
ni Prinsipe Manawari. Ikinumot ng dalaga ang Magik Malong sa mga
buto ng prinsipe at dagling tumalikod ang babae at biglang naglaho.
Tumilaok ang alimbyuging manok at gumalaw ang mga buto. Ang
tisikong aso naman ay tumahol nang dalawang ulit saka nito kinahig
ang mga buto.
131

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Feminismo. Sa teoryang ito, tinutukoy

ang feminismo sapagkat babae ang pangunahing tauhan, ipinamayagpag ang mabuti at

magagandang katangian ng tauhan. Na kung saan sa talata na ito ay tinutukoy ang

dalaga na natagpuan ni Prinsipe Manawari sa kaniyang paglalakbay na akala niyang

nakita na niya ang kaniyang hinahanap ngunit hindi pala dahil kalaunay naisip ng Prinsipe

na nasa maling landasin na siya.

IKASAMPUNG TALATA

Ganito ring oras nang lisanin niya ang Kaharian ng Hansen. Sa balkon
ng kanilang kuwarto niya pinalapag ang Magik Malong. Maingat
siyang pumasok sa kuwarto at nadatnang nahihimbing pa rin ang
iniwang kabiyak. Ganitong-ganito pa rin ang ayos nito katulad nang
kanyang iwan. Hindi tulad sa masama niyang panaginip, hindi nga nito
suot ang salaming sapatos. Subalit baka naman hindi talaga siya
lumisan at ang lahat ng iyon ay isang napakasamang panaginip lang?
Gusto na sanang maniwala ng prinsipeng ganoon nga subalit
nasulyapan niya ang nakadungaw na kabaw, aso at manok sa labas.
Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kabiyak. Halos
nakapitong pagpapalit ng buwan siyang nawala ngunit walang pinag-
iba ang prinsesa.
Tinangka niyang hagkan ito sa noo at ilulan sa halik na iyon ang
kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad. Subalit ngayon siya
nakadama ng matinding agam-agam. Isinapo na lang niya ang palad
sa pisngi ng kabiyak at hinagod ng hinlalaki ang mamasa-masang
pilikmata nito. Naalimpungatan ang prinsesa at nagtangkang tumalilis
ang prinsipe. Ngunit huli na. Nagising na at bigla itong napabalikwas
pagkakita sa kanya. Hindi siya makatitig ng tuwid sa pinagkasalaang
kabiyak subalit nahagip niya ang matinding pananabik sa mga mata
nito.

Nakapaloob sa talata ang Teoryang Imahismo na ang layunin sa teoryang ito ay

mailalarawan ng ganap ang paksa. Mailalahad ang walang pagkiling at malayang

makapili ng mga larawang maikintal sa isip ng mambabasa. Ang pinakamabisang gamit


132

ng simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa paligid. Mababasa sa talata

na ito na kung ano ang ayos ng kaniyang kabiyak noong ang Prinsipe ay lumisan, sa

pagbalik ganoon pa rin mahimbing na natulog ang Prinsesa. Kung ano yong ayos sa

paglisan niya ay ganoon parin pagbalik niya. Nakapaloob din ang Teoryang Feminismo,

madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag

babae ang pangunahing tauhan, ipinayagpag ang mabuti at magagandang katangian ng

tauhan. Sa talata na ito ay nakapokus ang mga salita ng may akda kay Prinsesa Ganda.

Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang Romantesismo, masama man o mabuti

mangingibabaw pa rin ang pag-ibig sa kapwa o bayan. Sa talata na ito si Prinsipe ay

nakabalita na nag-asawa na ang kaniyang kabiyak ngunit sa kaniyang isipan pinilit pa rin

niyang paniwalaan na ang lahat na nagyari ay panaginip lang sapagkat nangibabaw pa

rin ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang kabiyak.

IKALABING ISA NA TALATA

Tinangka niyang hagkan ito sa noo at ilulan sa halik na iyon ang


kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad. Subalit ngayon siya
nakadama ng matinding agam-agam. Isinapo na lang niya ang palad
sa pisngi ng kabiyak at hinagod ng hinlalaki ang mamasa-masang
pilikmata nito. Naalimpungatan ang prinsesa at nagtangkang tumalilis
ang prinsipe. Ngunit huli na. Nagising na at bigla itong napabalikwas
pagkakita sa kanya. Hindi siya makatitig ng tuwid sa pinagkasalaang
kabiyak subalit nahagip niya ang matinding pananabik sa mga mata
nito.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Bayograpikal, ipinahiwatig sa may akda

na bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may akda na siya ang pinakamasaya at

pinakamalungkot at pinakamahirap na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa

sa kaniyang karanasan sa mundo. Sa talatang ito si Prinsipe Manawari ang


133

pinakamalungkot sa kadahilanang nag-asawa ang kaniyang kabiyak, pinipilit ni Prinsipe

na panaginip lang lahat ang nangyayari. Ramdam ni Prinsipe Manawari ang kaniyang

pagsisisi at paghingi ng tawad sa kabiyak. Namasa ang pilikmata ni Prinsipe Manawari

sa kadahilanang hindi na niya maibalik sa dati ang naputol niyang relasyon kay Prinsesa

Ganda.

IKALABIN DALAWANG TALATA


“Alam kong babalik ka. Babalikan mo ako” Parang dinudurog siya ng
mga katagang iyon. Nais man niyang isatinig ang pagsisisi’t paghingi
ng tawad ay walang mahagilap na kataga ang kanyang dila. Pinilit
niyang ipatalastas sa mata ang hindi masabi ng kanyang dila. Wala
namang bahid ng paninisi sa parte ng kabiyak ni paninikis kaya. At
tila baga may bahagi rin itong kasalanang iniinda.
Nakapaloob sa talata na ito ang Teoryang Bayograpikal na ang layunin ng

panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda.

Ipinahihiwatig ng may akda na siya ang pinakamasaya at pinakamalungkot at

pinakamahirap. Sa talata na ito si Prinsipe ay nakaramdam ng kahirapan sa kaniyang

damdamin gusto man niyang sabihin sa kabiyak ang kaniyang pagsisisi at paghingi ng

tawad ay hindi niya masabi sa kadahilanang dinurog ang kaniyang damdamin nang

marinig niya ang kataga mula sa kaniyang kabiyak na ‘alam kong babalik ka. Babalikan

mo ako’.

IKALABIN TATLONG TALATA

Kasalanan ko rin, aking mahal.” Maluha-luhang nasambit ng prinsesa.


Nabahiran naman ng pagtataka ang prinsipe. Hinawakan niya sa baba
ang kabiyak at inangat ang nakatungong ulo nito at ihinarap sa kanya.
Tuluyan nang humagulgol ang kabiyak. Wala sa loob ng prinsipeng
nahugot ang Mosala sa dibdib at ipinampahid sa naglalandas na luha
ng kabiyak. Inagaw ng kabiyak ang Mosala sa kamay niya at bagamat
hilam sa luha ang mga mata’y pinilit itong ititig nang tuwid sa mga
mata ng prinsipe.
134

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Bayograpikal, layunin ng panitikan ay

ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda. Ipinahiwatig sa may akda

na siya ang pinakamasaya at pinakamalungkot at pinakamahirap na inaasahang

magsilbing katuwang ng mambabasa sa kaniyang karanasan sa mundo. Dito sa saknong

na ito ay mababatid na hindi lang pala si Prinsipe Manawari ang nakaramdam ng pagsisisi

gayundin ang Prinsesa Ganda na kung saan siya rin ay nagsisisi sa kaniyang lihim na

itinago niya sa Prinsipe. Ramdam ang lungkot at hirap sa damdamin ni Prinsesa Ganda,

na iyak ng iyak at napahagulhol ang Prinsesa Ganda.

IKALABING APAT NA TALATA


“May kailangan kang malaman, aking mahal. Nagugulumihanan pa
ring pinagmasdan ng prinsipe ang kabiyak habang tangan nito ang
Mosala at tila binabasa ang intrikadong gantsilyo ng panyo. Ang mga
sumunod na tagpo’y nakapagpanindig ng balahibo ng prinsipe. Mula
sa Mosala ay may bumukal na matinding liwanag. Binalot ng liwanag
na iyon ang kabiyak. Iniangat ng liwanag ang prinsesa sa hangin.
Napakapit nang mahigpit si Prinsipe Manawari sa kinauupuang kama.
Sa harap niya ay ang nakalutang na prinsesang balot-balot ng
mahiwagang liwanag. Muli niyang napagmasdan ang kabuuan nito.
Ang balingkinitang pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian.
Ang nakapusod na ginintuang buhok. Ang mga matang tila diamante.
Subalit sa isang sambulat muli ng liwanag mula sa Mosala ay
masasaksihan ng prinsipe ang isang kagilagilalas na pagbabago sa
nakalutang na kabiyak. Ang balingkinitang pangangatawan ay ganoon
pa rin subalit ang kulay-niyebeng kaputian ay naging kayumangging
aligatan. Ang nakapusod na ginintuang buhok ay nalugay at umalong
tila dagat na itim. Ang mga matang diamante ay naging mutia ng
kailaliman. At dahan-dahan. Ang walang saping paa ay banayad na
lumapag sa sahig. Naglaho ang liwanag na bumabalot sa prinsesa at
nilulukob ito ngayon ng pag-aalala kung ano ang magiging reaksyon
ng kabiyak na prinsipe. Ang tatlong hayop naman na kanina’y nag-
uusyoso lang ay nanghahahaba ngayon ang leeg at nandididilat ang
mata. Umurong naman yata ang dila ng prinsipe.
135

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo sa kadahilanang ibinunyag ng

Prinsesa ang kaniyang pagbabalat kayo ang kaniyang lihim na itinago niya mula sa

simula. Dagdag pa nito, nakapaloob din ang Teoryang Saykolohikal sa kadahilanang

ipinakita ng Prinsesa ang kaniyang tunay na pagkatao. Nakapaloob din sa talatang ito

ang Teoryang Moralistiko na ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang

pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayang tama at mali.

Inilalahad din dito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagtama o kamalian

ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa talatang ito ay

mababasa na si Prinsesa Ganda ay may kamaliang nagawa sa Prinsipe na kaniyang

kabiyak, ang kaniyang pagbabalat kayo ngunit batid sa talata na ito ay itinama ng

Prinsesa Ganda ang kaniyang kamaliang nagawa at ito naman ang ikinatuwa ni Prinsipe

Manawari.

EPILOG

UNANG TALATA

Mabituing-mabituin ang gabi. Bughaw at putim ang kalawakan.


Malamlam ang anino ng mga burol. Natutulog na ang mga daffodils.
Pinagmamasdan ni Prinsipe Manawari mula sa kinalululanang
Rinamentaw Mapalaw ang isinaboy na mga bituin. Ngayon ay
nauunawaan na niya kung ano ang gustong sabihin ng mga ito sa
kanya. Kung paanong ang mga ito’y nagtitiis sa kanilang katinuan.
Kung paanong sinusubok ng mga itong palayain siya. Subalit hindi
siya nakikinig. Hindi siya nakikinig dahil hindi niya alam kung paano.
Maaring ngayo’y makinig na siya. Naramdaman niya ang marahang
dampi ng palad ni Prinsesa Ganda sa kanyang balikat. Kinuha niya
ang palad nito at pinisil. Nagpakawala ng maramot na ngiti ang
kakambal. Kailangan niyang suklian ang ngiting iyon. Hindi siya
maaring magmagaling sa kalungkutan. Ang prinsesa ma’y
nawakwakan din ng kaluluwa. At ngayon nila kailangan muling
humalukay ng tatag ng loob. Dahil sa uuwian nilang bayang sinilangan
ay may nilalandi ang hangin. Dinampi-dampi ng hangin ang malamig
nitong labi sa pisngi ng tatawing-tawing na ulilang kahel na dahon ng
136

Binansot na Balite. Kinilig ang dahon at nadupilas sa kinatitindigang


manipis na sanga. Isinayaw muna ito ng hangin bago lumapag sa
malamig na labi ng datu. Natakpan ng dahong kahel ang mapayapang
ngiti ng pamamaalam.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo. Ang layunin ng teoryang ito

ay mailarawan ng ganap ang isang paksa, mailahad nang walang pagkiling at malaya

makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa. Ang pinakamabisang

gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa paligid. Sa talatang ito

mababasa ang mabituin ang gabi, ang kalawakan ay bughaw at puti ang kalawakan at

malamlam ang anino ng burol.

IKALAWANG TALATA

Nakailang palit na ng buwan mula noon. Nasa dila ng pangpang si


Hari Manawari. Katatapos lang pag-isahing-dibdib ni Merlin sina
Prinsesa Ganda at ng binatang isa ring bayani ng Laguindingan. Sa
binatang putol ang kanang braso at nakapatay sa Dambuhalang
Berkakang sumalakay sa pulo kamakailan lamang. Tinakasan
sumandali ni Hari Manawari ang masigabong pagdiriwang. May
makati sa isip niya’t dibdib.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Romantesismo. Ang layunin ng teoryang

ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng

kaniyang pag-ibig sa kapwa bansa at mundong kinalakihan. Ang daigdig sa pananaw ng

romantesismo ay maganda at mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higit ng pagsubok

na dumarating ay laging nangingibabaw ang pag-ibig. Sa talatang ito mababasa ang pag-

iisang dibdib ni Prinsesa Ganda at Binatang Bayani sa Laguindingan. Si Prinsipe

Manawari ay nakaramdam ng may makati sa isip at dibdib.


137

IKA TATLONG TALATA


Nilalanghap ng hari ang hanging amihang hatid ng payapang dagat.
Napatitig siya sa pusikit ng ulilang bituing nakahiwalay sa pumpon ng
nagniningningang mga tala sa kalawakan. Tila ito nagpapakupkop sa
kanya. Natakpan ang panginoring iyon ng isang di niya mawaring
bagay na lumilipad. Papalapit ito sa kanya. Lumukso ang kanyang
puso nang mapagsino ang papalapit. Ang Magik Malong! Lulan nito
si Kalabawbibaw, ang alimbyuging manok na may napakahabang
buntot at ang tisikong aso. Hindi na pinalapag ng mga ito ang Magik
Malong sa halip ay kinumbatan si Hari Manawari na lumulan na.
Pagkasakay na pagkasakay ng bagong hari ng Laguindingan ay tila
kidlat na pumagaspas ang mga palikpik ng Isdang Alapaap.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Imahismo. Layunin ng teoryang ito na

mailalarawang ganap ang isang paksa. Mailalahad nang walang pagkiling at malayang

makapamili ng mga larawang maikintal sa isip ng mga mambabasa at ang

pinakamabisang gamiting simbolo sa teoryang ito ay ang mga natural na bagay sa

paligid. Sa talata na ito mailalarawan si Prinsipe Manawari na nilalanghap niya ang

hanging amihan sa dagat. Nakatitig sa pusikit ng ulilang bituing nakahiwalay sa pumpon

ng nagniningningang mga tala sa kalawakan ang imahe ng bagong hari ng Laguindingan.

IKA APAT NA TALATA

Sa isang iglap ay tanaw na ni Hari Manawari ang pamilyar na pulo sa


pusod ng Dagat Maniwantiwan. May malamlam na kislap sa
pinakamadilim na bahagi nito. Pusikit kaya iyon ng mutiang mata ni
Astra? May biglang nais sumungaw na kislap sa mga mata ng hari.
Hindi na niya ito ito hinila paloob. Napahalik na lamang siya sa
kanyang kamao. Nasalat ng kanyang nasasabik na labi ang isang
matigas na bagay sa kanyang daliri. Ang gintong singsing-ita!
Napatingin si Hari Manawari sa singsing at sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakita niya itong nakapirmi sa kanyang
palasingsingan. Lumilinaw na ang guhit ng pulo at tumitingkad ang
kanina’y malamlam na kislap na natatanaw ni Hari Manawari. Hinugot
niya ang singsing sa daliri at ihinagis sa dagat. Takang-taka ang
tatlong hayop sa ginawa ng hari. Nakangiti lamang ang nasasabik na
Hari Manawari. Walang bakas ng panghihinayang sa huling
kahilingang maaring mapasakanya. Humugot lamang siya ng malalim
138

na hininga at tumingala sa mabituing kalangitan. Subalit humiling na


rin siya. Harinawa’y makaya niyang sungkiting mag-isa ang bituing
maykislap ng mutia ang mata.

Nakapaloob sa talatang ito ang Teoryang Klasismo, ang teoryang ito ay nakatuon

sa pagpapahalaga ng panitikan sa lipunan. Ang teoryang ito nagpapayaman at

nagpapayabong sa kaisipan ng tao bukod pa rin kinikilala ang katuwiran, kadakilaan at

kaganapan ng mga bagay. Naglalahad din ito ng mga pangyayaring payak ngunit

masining, matindi ngunit makahulugan, mahigpit at hindi nagbabago, dakila, marangal,

matapat sa estilo sa kinagigiliwan ng mga mapagmahal sa katotohanan. Sa huling talata

na ito ay mailalarawan ang kung sino ang tunay na pag-ibig ng Prinsipe Manawari. Sa

kaniyang paglalakbay ay may mga maling landasin na kaniyang nagawa. Nang ito ay

napagtanto ni Prinsipe Manawari ay kailangan niyang itama ang mga nagawa niyang

maling landas sa buhay. Ngunit nang siya ay bumalik sa kaharian akala niya siya lang

ang may kasalanan sa kaniyang kabiyak ngunit nagulat ang Prinsipe nang ibunyag ng

Prinsesa ang kaniyang pagbabalat kayo. At ang paghingi niya ng tawad sa Prinsipe sa

kadahilanan ng Prinsesa na magustuhan siya ng Prinsipe. Walang sabisabi ang Prinsipe

sa Prinsesa at napakasaya ni Prinsipe Manawari dahil hindi lang siya ang nawakwakan

ng kaluluwa. Naitama nila ang mga maling landasin sa buhay. At si Hari Manawari sa

wakas ay humiling na rin sa huli niyang hiling. Harinawa ay makaya niyang sungkiting

mag-isa ang bituing may kislap ng mutia ang mata. Na ang ibig sabihin na sana ay

masungkit ng Prinsipe ang pag-ibig sa magandang dalaga na si Astra. Ang dalagang

iniibig ng Prinsipe Manawari. Sa maikling kwento mababatid ang katangian ng may akda,

laging nangingibabaw ang pagmamahal niya sa kapwa at sa kaniyang bayan sa hirap at


139

lungkot na nangyari sa kaniyang buhay ay lagi siyang matatag dahil siya ay may

pananalig sa Diyos.

Mga Sanggunian

Suico, L. S. (2016). Pagsusuri ng Maikling kwento at Tula sa Larangan ng Panitikan.


Ormoc City: Mutya Publishing House. Retrieved at December 27 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/326482288

Gutierrez, J. C. et al., (2016). Ang pagtuturo ng Wika, Panitikan at kultura sa K to 12


kurikulum. Malabon City: Jimczyville Publications. Retrieved at December 10,
2018

Sauco, C. P. et al., (1997). Panitikang Filipino: Pandalubhasa. Quezon City: Katha


Publications. Retrieved at December 28, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/230038234

Monleon, F. at Hen Azarcas. (1970). Pilosopiya at Literatura. Manila: Aleiva Publishing


House Inc. Retrieved at December 27, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/135935758
140

Guiterrez, L. et al., (1996). Pagtataya ng Lawak ng Paglinang ng Pang-unawa sa


Binasang Maikling Kwento sa Panitikan. Cabuyao Laguna: Booklore Publications.
Retrieved at December 10, 2018

Panganiban, J. V. et al., (1990). Panitikan ng Pilipinas. Limbagon Pilipino San Juan


Rizal: Mutya Publishing House, (p. 12). Retrieved at December 10, 2018

Tumangan, A. P. et al., (1986). Sining ng Pakikipagtalastasan. Metro Manila: National


Bookstore Inc. Retrieved at December 26, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/96677359

Poe, H. (1935). Panunuring Pampanitikan. Valenzuela City: Mutya Publishing House.


Retrieved at November 27, 2018
https://filipino3zchs.multiply.com/panunuring_pampanitikan/item/24

Santiago, L. Q. (2007). Mga Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: C & E Publishing


House. Retrieved at December 26, 2018
https://www.scribd.com/doc/97415497/panitikan

Buensuceso, T. S. (1994). Panitikang Pilipino. Manila: UST Printing Office. Retrieved


at December 28, 2018
https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/34161625/1.docx

Gauuan, R. C. (2013). Research Sample 2. Nueva Vizcaya: Published Online.


Retrieved at December 27, 2018 www.rcgauuan.blogspot.com/2013/12/research-
sample-2.html

Pineda, B. P. at San Juan G. P. (2005). Panunuring Pampanitikan. Pampanga City:


Booklore Publications. Retrieved at December 26, 2018
www.books.google.com.ph/books

Ramos, M. S. et al., (1984). Panitikang Pilipino: Pangalawang Edisyon. Quezon City:


Katha Publications. Retrieved at December 28, 2018
www.worldcat.org/title/panitikang-pilipino-pangalawang-edisyon/oclc/248395221
141

Lalic, E. D. at Matic, A. J. (2004). Ang Ating Panitikang Filipino. Bulacan: Trinitas


Publishing Inc. Retrieved at December 26, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/97415497

Lorenzana (2005). Research Sample 2. Nueva Vizcaya Region 2, Pilipinas: Published


Online. Retrieved at December 27, 2018
www.rcgauuan.blogspot.com/2013/12/research-sample-2.html

Arrogante, J. A. et al., (2005). Panitikang Filipino- Pampanahong Elektroniko (Binagong


Edisyon). Quezon City: National Book Store Inc. Retrieved at December 27, 2018
https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/32021828/Ang-panitikan-
sa-panahong-kasalukuyan.docx

Silva, E. T. et al., (2010). Pilosopiya at Literatura. Article first published online:


29DEC2010DOI:111/j.1600-0579.2010.00669x. Retrieved at December 27, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/135935758
Rivera, C. (1982). Panitikang Pambata Kasaysayan at Halimbawa. Manila City: Rex
Book Store, Inc. Retrieved at December 27, 2018
http://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/downloa/3
80/232

Villafuerte, P. V. et al., (2000). Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas. Valenzuela City:


Mutya Publishing House. Retrieved at December 13, 2018
http://p.v/2000/files/pdf3%20post-panitikangpanrehiyonsapilipinas.pdf/

Lacanlale, V. M. et al., (2004). Panitikang Filipino: Antolohiya. Mandaluyong City,


Philippines: National Book Store. Retrieved at December 28, 2018
https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/34161625/1.docx

Cuizon, R. I. (2014). Mga Pag-aaral ng Mailing Kwento: Isang Meta- Analysis.


Zamboanga del Sur: Katha Publications. Retrieved at December 27, 2018
https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/34691093/APJMR-2014-2-
117.pdf
142

Regalado, I. Ed. (1968). Kritisismo: Mga Teorya at Antolohiya Para sa Epektibong


Pagtuturo ng Panitikan. Metro Manila: Anvil Publishing Inc. Retrieved at
December 27, 2018
https://www.scribd.com/documentdownloads/direct/135935758

Apendiks

Orihinal na mga Datos

Hari Manawari
German Villanueva Gervacio

Isang sanggol ang ipinaghehele ng yayat at kulubot na bisig:


Ako ay nagtanim
Kapirasong luya
Nang tumubo’y gabi
Namunga ng mangga
143

Nang pipitasin ko
Hinog na papaya
Lumagpak sa lupa
Magandang Dalaga
Sa paglaki ng sanggol, maniniwala ito sa pag-ibig
At kababalaghan.
I. Dalawang Bugtong
Sa pulo ng Mnaiwantiwan, isang dalaga ang aakyat sa bahay na yari sa kapis
upang magpakulo ng halamang-dagat. Magsasayaw ang hagdan. Magigiba ang bubong
ng lutuan. Madudurog ang kalan.
Sa katunayan, ang ganda ng Laguindingan ang pumatay kay Prinsipe Manawari.
Inagaw ng paligid ang kanyang iniisip. Galing siya sa Pulo ng Laguindingan subalit
ngayon lang niya namalas ang tunay nitong ganda. Mula sa kinalululanang Magik Malong
ay sinuyod niya ang angkin nitong halina. Pinababa niya kaysa karaniwan ang lipad ng
Magik Malong. Sa tanglaw ng buwan, ay tila ulap ang labusaw ng dagat. Mistulang
sariwang cauliflower ang pulo sa gitna ng sariwa ring tubig. Subalit sa sandaling ito ay
ang hagdan-hagdang palayan ang nakanakaw ng pansin ni Prinsipe Manwari. Obra-
maestra ng isang manlililok ang mga payaw. O Mistulang piraso ng jamon na inilatag ng
isang henyong kusinero. Nakaramdam tuloy ng gutom ang prinsipe maging ang tatlong
hayop na lulan ng Magik Malong.
Subalit mas may gutom pa pala sa kanila. Mula sa kanilang likuran ay umatake
ang mabangis na berkakan. Ang hampas ng buntot nito ang nagpagewang sa Magik
Malong na ikinahulog naman ni Prinsipe Manawari. Bumagsak siya sa bunganga ng
dambuhalang isda. Sinalo ang kanyang katawan ng sagpang ng matatalim na pangil
nito. Hinila siya pababa, sa lalim ng dagat ng mabangis na berkakan. Nagpupuyos ang
galit ng dambuhalang isda at hinalihaw ang prinsipe sa matatalim na korales. Kumayod
ang kanyang mga braso’t binti sa mga korales at ngumudngod ang mukhang ngayo’y
nabubuan ng dugo. Sa bawat paggiyagis ng pangil sa nawawakawak niyang mga laman
ay may tila sumusundot na kuryente sa kanyang isipan. Nagsalimbayan sa
humuhulagpos niyang kamalayan ang mga sandali ng pinagdaanang buhay. Manhid na
ang pakiramdam ni Prinsipe Manawari at anumang sandali’y tanto niyang iiwan siya ng
huling pusikit sa kanyang nanlalabong mga mata. Sa isang mariing sakmal ng berkakan
at paghambalos ng ulo niya sa korales, ay inangkin siya ng di maipaliwanag na
kagaangan. Matapos ay ang walang hanggang dilim.
Payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na kaharian. Bilog na bilog
ang maliwanag na buwan. Nakatindig si Prinsipe Manawari sa labas ng balkon.
Tinatanaw niya ang latag ng kabundukang tila nahihimbing na mayuming dalaga. Naiisip
niya kung ilang mga bundok, patag at dagat pa ang nasa likuran nito. Saang bundok,
patag o dagat doon nagkukubli ang katuparan ng kanyang mga pangarap?
144

Mamaya ang simula ng kanyang paglalakbay. Ang akala niya’y ang kanilang
kaharian lamang ang kanyang lilibutin. Hindi ba’t ito ang ihinayag ng bolang kristal ni
Merlin? Siya, si Prinsipe Manawari, ang pinakamakisig at nag-iisang prinsipe, ay
makatatagpo ng dalagang kanyang mamahalin. Isang dalagang bigla na lamang
susulpot sa inihandang masigabong kasiyahan ng kanyang Amang Haring Bacocos at
Inang Reyna Bicuda Nakasakay ang dalaga sa karwaheng hila-hila ng makikisig na
kabayo. Kitang-kita niya sa bolang kristal ang dalagang iyon. Ang balingkinitang
pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na ginintuang buhok.
Ang mga matang tila diamante. At isasayaw niya ang dalagang ito sa saliw ng waltz. At
maglalaho ang kaharian at anumang nasa kanilang paligid. Sila na lamang dalawa at sa
pagitan nila’y ang dumadapong pag-ibig. Subalit kasinghiwaga ng pag-ibig na ito ang
dalaga. Maglalaho ito sa hudyat ng hatinggabi at iiwanan siya ng isang makinang na
alaala at malamlam na anino ng panghihinayang. Subalit hindi siya mag-aalala. Ito rin
ang sinasabi ng bolang kristal. Susuyurin niya ang buong kaharian at pasasaan man ay
matatagpuan din niya ang mahiwagang dalaga. At muling sasabog sa galak ang buong
kaharian sa kanilang pag-iisang dibdib.
Subalit tumatanda na nga bang talaga si Merlin at lumalabo na ang bolang kristal
nito? Bakit isang mahiwagang dalaga lamang ang lumitaw sa bolang kristal? Bakit hindi
nahagip ng mga tarot kard ang pagdatal din ng isa pang mahiwagang dalaga? Dahil
noong gabi ngang iyon, matapos tumalilis ang unang mahiwagang dalaga’y may natanaw
sila mula sa papawirin. Ang akala nila’y ang ikapat lang ng nagtatanod na buwan. Ngunit
habang papalapit nang papalapit ay napagsino nilang isa palang napakalaking barko!
Mistula itong isang islang lumilipad. At sa paglapag nito ay napuno ang kaharian ng
simoy ng aromang tila nagmumula sa ibang daigdig. Iniluwa nito ang isang may kaliitang
dalaga. Kulay-lupa ang balat nito at kaygandang pagmasdan. Umaalong itim na dagat
ang buhok nito na ultimo ang liwanag ng buwan ay hindi makalagos. Ang mga mata ng
dalaga’y pares ng mutiang pinagyaman sa pinakamalalim na karagatan. Muntik na niyang
mabitiwan at mabasag ang tangang salaming sapatos sa pagkakatigalgal.
Mas mahiwaga ang ikalawang dalaga kaysa una. Hindi man lang niya ito
nakadaupang palad dahil umimbay itong mag-isa sa saliw ng di niya mawawaang musika
na nagmumula sa mahiwagang barko. Hindi rin ito tumititig sa kanya habang umiimbay.
Ang mga mata nito’y lagi nang nakatutok sa lupa o dili kaya’y sa kalangitan. Waring
hinahalukay nito ang lihim ng lalim at sinusungkit ang hiwaga ng kalawakan. Alitaptap
na dumadapo sa kanyang mga mata ang gintong kalumbiga’t pulseras sa braso’t bukong-
bukong ng dalaga habang isinasayaw ng hangin ang sarikulay na sedang kasuutan nito.
Isang kaanyuang ngayon lang nasilayan ng buong kaharian. Isang kagandahang hindi
niya mawari kung ang mga mata niya ang naglalarawan o ang kaibuturan ng kanyang
kaakuhan. Muli, ang naramdaman niya sa unang mahiwagang dalaga ay muli niyang
naramdaman. At tila higit pa. Dahil habang pinagmamasdan niya ang ritmo ng mga paang
iyon na walang sapin ay parang ang dibdib niya ang kumakabog sa halip na ang sa lupa.
Walang sapin ang maliliit na paang ito at kulay-lupa subalit sa pananaw niya’y tila mas
makinang ito kaysa salaming sapatos ng naunang dalaga. At sa yugtong iyon na wari’y
nakapag-ipon siya ng lakas ng loob para lapitan ang dalaga ay bigla itong tumalilis katulad
ng unang dalaga. Wala siyang nagawa kundi ang tanawin ang kinalulanang barko nito
papalayo, papataas sa kung saan mang bituin galing ang kagandahang iyon.
145

Nakangangang sugat ang kanyang mukha at unat pataas ang kanyang bukas-palad na
mga kamay na wari’y nais higupin pabalik ang dalaga. Sa halip, isang panyo mula sa
itaas ang lumapag sa nangungulila niyang palad.
Salaming sapatos. Mahiwagang panyo. Hindi na ba naubusan ng bugtong ang
pag-ibig? At ang Unang Bugtong ang pinilit ipatugon sa kanya ng Amang Hari. Ito rin
ang nabanaag niya sa umaasang mga mata ng buong kaharian. At hindi nga ba’t ito
naman ang inihihimatong ng tadhana? Ito ang bukas na pinatototohanan ng bolang
kristal? Ito ang bukas na maghahatid sa kanya at sa kanila sa walang hanggang
kaligayahan.
Subalit ngayon ngang payapa na ang kanina lang ay halos sumabog sa galak na
kaharian na naging saksi sa kanilang pag-iisang-dibdib, may naghuhumiyaw namang
lungkot sa kanyang kaluluwa. Hindi niya napigil ang pagsilip ng luha sa kanyang mga
mata hanggang sa manlabo ang kanyang paningin—ang bilog na bilog na buwan ay
naging barko sa dagat na papawirin. Ang latag ng bundok na tila mayuming dalagang
nahihimbing ay waring tumindig at lumulan sa buwang barko. Papalapit sa kanya ang
barko. Papalapit sa kanya ang dalaga. Nahintakutan siya sa waring nakikita’t naiisip.
Nagpasya na lamang siyang pumasok na sa kuwarto nilang magsing-irog.
Marahil ay nahapo kaya nahimbing. Payapa na ang kanina’y-halos-sumabog-sa-
galak na mukha ng prinsesa. Bagamat tila hindi naalagaan ang ginintuang buhok ay may
kintab itong banayad sa mata. Umupo ang prinsipe sa gilid ng kama at hinaplos-haplos
ang buhok ng prinsesa. Sinalo ng daliri ang nakasaboy sa may patilya’t pisngi at iniipit
sa likod ng tainga. Tumambad tuloy ang nanghihigop na uli-uli sa pisngi. Napansin niyang
sa pagkakapikit ay lalong pumilantik ang mga pilikmata ng marikit na prinsesa. Tinangka
niyang hagkan ang mga pilikmatang tila laging nagkakanlong ng mamasa-masang luha.
Hindi niya itinuloy ang pagtatangka.
Idinako niya ang wari’y lumilikot na mga mata sa mahaba at bilugang leeg ng
prinsesang kabiyak. Sa tamang-tamang umbok ng dibdib ng kabiyak. Sa kurbadang
baiwang at humpak na puson ng kabiyak. Sa hita’t binti ng kabiyak. Sa maliliit na paa’t
hubog-kandilang mga daliri. Sa kabuuan ng kabiyak, at tila may nabibiyak din sa kanyang
kaluluwa. Ang nangungurog na ngayong kamay na kanina’y nagtangkang humawak sa
kabuuan ng kabiyak, ay natagpuan niya ngayong dinarama sa halip ang palad nito.
Tinatalo siya ng paggalang? O binabagabag siya ng napipintong pagtataksil?
Kinudlitan niya ng halik sa noo ang nahihimbing na prinsesa. Dahan-dahan siyang
bumitiw sa palad nito at hinubad ang nakatulugan nang pares ng salaming sapatos ng
kanyang prinsesang nahihimbing. Parang kaybigat ikilos ng kanyang mga bisig. Kaygaan
ng sapatos subalit parang kaybigat ng kanyang ginagawa. Hindi lamang niya matiyak
kung dahil ito sa takot at kalungkutang kanyang nadarama. Dinala siya sa harap ng
antigong aparador ng kimkim niya ngayong takot at kalungkutan. Marahan niyang
binuksan at ang malakas-lakas na kreeek ng nabuksang pinto ay hindi nakagambala sa
nahihimbing. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang damputin ang isang baulito na
napapalamutian ng binuhanging ginto at lantay ng diamante, ruby at jade. Marahan
niyang binuksan ito at unti-unting nakatakas ang ningning at liwanag na nakabilanggo sa
loob ng baulito. Tumambad sa kanya ang panyong may intrikadong gantsilyo. Ang
mahiwagang panyong hindi niya matiyak kung sadyang ihinulog ng mahiwagang dalaga.
146

Kinuha niya ito at inihalili sa baulito ang pares ng sapatos ng kabiyak. At saka siya muling
nagpasya. Kailangan niyang tugunin ang Ikalawang Bugtong ng Pag-ibig.
Sakay siya ng kanyang matikas na puting kabayo at tinatanaw ang tila nunal na
lamang na kaharian sa nguso ng malawak na lupain. Nagtago na ang buwan nang
maulinigan ang pag-anggi ng niyebe. Napabaling ang tanaw ng prinsipe sa kakahuyan
habang nalalambungan ito ng puting niyebe. Nakagaan ng bahagya sa kanyang
pakiramdam ang tanawing ito at magpapasya sana siyang magpahinga muna sandali.
Subalit humalinghing ang kanyang matikas na kabayo upang ipaalalang hindi saklaw ng
kanilang kamaharlikaan ang ganitong uri ng pag-aaliw. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang
paglalakbay upang hanapin ang mahiwagang dalagang may ari ng mahiwagang panyong
isiniksik niya sa kanyang marangya ring pananamit, sa tapat ng kanyang nasasabik-nag-
aalalang dibdib.
II. Isang Kahilingan
Bumulagta na lamang bigla ang kanyang dating matikas na puting kabayo na
ngayon ay tila parilya ng isang gumuhong tore. Sa pagsasara niya ng mga mata nito ay
naaninaw pa niya ang waring paghingi ng paumanhin dahil hindi nito nagampanan ang
kanyang silbi sa among prinsipe. Nanlumo si Prinsipe Manawari sa sinapit ng nasirang
hayop at nakaramdam ng bahagyang pagkakonsensya at nadamay ito sa kanyang
kahibangan. Halos nakakatatlong palit na ng buwan at patuloy pa rin silang naglalakbay.
At ngayon nga’y sumuko na ang kawawang alalay matapos na matawid nila ang ilang
bundok at ilang disyertong katulad ng katatapos lang nilang mabagtas. Nakaramdam
siya ng panghihinayang dahil ngayon pa ito tinakasan ng hininga gayong tanaw na niya
di-kalayuan ang isang punungkahoy na sa pagkakaluhod ay tila hinahagkan ang mga
paa ng Dios. Inubos niya ang natitira pang lakas sa paghila sa wala nang hiningang
kabayo palapit sa punungkahoy. Isang Punong Higera pala ang kanyang natanaw.
Napakalapad ng punong ito na kakailanganin siguro ang dalawampung gladiator na
magkakapit-bisig para para mayakap ang katawan ng dambuhalang puno. Dinala niya
sa likod ng Punong Higera ang kabayo at nangalap ng mga tuyong dahon at yabat na
ipantatabon dito. Wala na siyang lakas para gumawa ng hukay na paglilibingan nito. Ang
tila nakadipang-krus na puno ang magiging tanda ng pagpanaw ng kanyang matapat na
alalay.
Matapos siyang umusal ng dasal ay sumalampak siya nang pasandal sa katawan
ng malapad na puno. Ngayon niya naramdaman ang matinding hapo, uhaw at gutom.
Inilabas niya ang pilak na kanister ng tubig. Sinalo ng kanyang nanunuyong dila ang
huling tatlong patak ng tubig. Inilabas niya mula sa lukbutan ang kahuli-hulihang piraso
ng tinapay na ipinabaon ni Merlin. Akmang kakagatin na niya ang tinapay nang may
mapansin siyang isang usang tumatakam at nakatanghod sa kanya. Piniraso niya ang
katlong bahagi ng tinapay at isinubo sa mabilis namang tumalilis na usa. Isusubo na
sana niya ang natirang tinapay nang may maramdaman siyang marahang tapik sa
kanyang balikat at maulinigang tila nangangalos na tinig.
“Amang, maari bang mabahaginan mo ako ng iyong pagkain?”
147

Nang lingunin niya ang may-ari ng tinig ay tumambad sa kanya ang isang gusgusin at
butuhang matandang babaeng pulubi na tila isang tungkod na lamang sa loob ng isang
nangangarilong na kumot.
“Ito na po ang huling piraso ng aking pagkain. Kung hindi nga lang po ako nagugutom
din ay ibibigay ko na sa inyo lahat. Pero kung inyo pong ipagpapatawad, hahatiin ko po
ito para sa ating dalawa.”
“Salamat Amang. Ilang araw na rin po kasi akong hundi kumakain.”
“Kung gayo’y pagdamutan po ninyo itong kapirasong tinapay.”
“Salamat. Pagpalain ka sana ni Bathala.”
Ngingitian sana niya ang matanda upang sabihin na walang anuman nang biglang
may nakasisilaw na liwanag na bumalot dito. Napapikit ang prinsipe sa sobrang liwanag
at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay hindi na ang gusgusing matanda ang
kanyang nasa harapan. Kaharap niya ngayon ang isang dalagitang ang walang saping
mga paa ay nakalutang sa lupa. Nababalutan ito ng kulay dilaw-na-gintong liwanag.
Hindi niya maaninag ang mukha nito sa tindi ng liwanag na nakapalibot. Hinugot niya at
iniumang ang kanyang espada pero paatras ang kanyang katawan. Tinangka niyang
tumakbo subalit wala na siyang mahugot na lakas.
“Huwag kang matakot, Prinsipe Manawari. Ako ang diwata ng kagubatang ito at
nasaksihan ko ang iyong pagpapala sa mga hayop at paggalang sa mga punungkahoy.
Naramdaman ko rin ang kadalisayan ng iyong puso sa pagtulong sa mga
nangangailangan. Bilang gantimpala ay bibigyan kita ng isang kahilingan.”
Mangha ang prinsipe dahil kilala siya nito subalit alam niyang pangkaraniwan naman ang
ganitong mga nilalang. Maging sa kanilang kaharian ay mayroong tulad nito. Ang
kinagugulumihanan niya ngayon ay ang gantimpalang nais ipagkaloob nito. Dahil nga rin
siguro sa desperasyon kaya nais niyang kustyunin kung bakit isang kahilingan lamang
ang ibibigay sa kanya. Ayaw niyang manghula ng sagot kaya bagamat nag-aalangan
ay itinanong na rin niya.
“Maraming salamat po at malugod kong tinatanggap ang inyong gantimpala. Subalit kung
inyo pong mamarapatin ay mayroon po sana akong nais na malaman.”
“Magpatuloy ka, ano ang iyong katanungan?”
“A, e… Hindi po ba na ang karaniwang ibinibigay na kahilingan ng mga tulad ninyo ay
tatlo? Bakit po isang kahilingan lamang ang maari kong hilingin?”
“Kaydali mo yatang makalimot. Hindi ba’t katlong bahagi lamang ng tinapay ang ibinigay
mo sa akin? Kung gayo’y isang kahilingan lamang ang laan sa iyo.”
Napakamot ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe. Nagpatuloy ang Diwata ng
Kagubatan.
“Subalit ano ba ang bale kung isang kahilingan lamang? Kung ikaw naman ay tuso’t
matalas, mahihiling mo ang naisin sa isa lamang kahilingan.”
148

Napaisip ang prinsipe at napangisi siya nang may biglang bumumbilyang ideya sa
kanyang utak.
“Kung gano’n po, Mahal na Diwata. Ang una ko pong hiling ay bigyan n’yo ako ng tatlong
kahilingan!”
Ang Mahal na Diwata naman ang napakamot sa di-naman-makating-ulo. Subalit
mangingiti lamang ito at…
“Kung iyan ang nais mo’y matutupad. Ibibigay ko ang iyong kahilingan.”
Kwwwtxxxx.zzzzzzz… Kwwwtxxxx.zzzzzzz…
Biglang wari’y lumakas ang prinsipe at sabik na pinagkiskis ang kanyang dalawang palad.
Handa na siya sa natawarang tatlong kahilingan. Subalit naiwang nakanganga ang
kanyang bibig nang may ipahabol ang Diwata.
“Tandaan mo lamang na ang iyong hihilingin ay may kinalaman sa iyong pakay subalit
hindi ang mismong katuparan ng pakay na iyon. At anumang iyong hihilingin ay ikapitong
beses mong isipin dahil hindi mo na ito mababago. Nagkakaunawaan ba tayo?”
“Malinaw na po sa akin ang lahat. Kung gayon po’y maaari na po ba akong humiling?
“Sige, ano ang iyong kahilingan?
“Bigyan n’yo po ako ng kasama sa aking paglalakbay. Kahit ano pong makatutulong sa
paghahanap ko sa aking pakay.”
Ipinadyak ng Diwata sa hangin ang mga paa nitong walang sapin at biglang may sumulpot
sa harapan nilang isang tisikong asong putol ang buntot at alimbyuging manok na may
napakahabang buntot at lunting palong na tila dahon ng kaktus. Napalitan ng pagtataka
ang gulat ng prinsipe.
“Paano naman po makatutulong ang aso at manok na iyan sa aking paglalakbay?”
“Hinihiling mo bang ihayag ko sa iyo kung paano ka matutulungan ng asong iyan?”
“Siempre naman po,”
“At gusto mo ring malaman ang silbi ng manok?”
“Opo rin po.”
“Kung gano’n. Para sa iyong ikalawang kahilingan…”
“Teka, teka lang po…Bakit po ikalawa nang kahilingan?”
“Hindi ba’t sinabi mong hinihiling mo na sabihin ko sa iyo ang halaga ng dalawang hayop
na iyan?” Nakangising paliwanag ng Diwata. “Kung gayon, ito na ang iyong ikalawang
kahilingan...”
Napailing at napakamot na naman ng di-naman-makating-ulo ang prinsipe pero hindi na
siya nakipagtalo pa sa Diwata. Nagpatuloy ang Diwata para tuparin ang kanyang
susunod na kahilingan.
149

“Aalulong ang asong ito kapag may mga espiritu at lamanlupang nakikita o dili kaya’y
may panganib na nagbabadya. Kung nais mo ring makita ang nakikita ng aso, ipahid mo
ang muta nito sa iyong mga mata. Sa pagtulog mo naman ay dadalawin ka ng
masasamang panaginip. Kung ayaw mong magkatotoo ito, ikuwento mo sa manok ang
iyong mga bangungot at matapos ay kagatin mo ang lunting palong nito. Sige, humayo
ka na at malayo pa ang iyong lalakbayin.”
Pagkasabi niyon ay akmang paglalahuin na ng Diwata ang sarili nito. Subalit napatayo
na ang prinsipe para “habulin” ang ikatlo pa niyang kahilingan.
“Teka lang po, Mahal na Diwata. May natitira pa po yata akong isang kahilingan?”
“Hindi yata tayo nagkakaunawaan…?”
“Hindi nga po yata…” Medyo yamot na ang prinsipe.
“Ang isang kahilingan mo’y ang makakatuwang mo sa paglalakbay. Nariyan na ang aso
at manok. Hiniling mo na sabihin ko sa iyo kung paano mo magagamit ang aso at manok.
Sinabi ko sa iyo ang silbi ng aso at silbi ng manok, isa na namang kahilingan…”
“Kung gano’n man po’y dalawa pa lamang ang aking nahihiling.”
“Ang aga mo yatang nag-ulyanin. Hindi ba’t nung una’y humiling ka na bigyan kita ng
tatlong kahilingan? Isang kahilingan din iyon. Kung ganoon ay tatlong kahilingan mo na
ang aking natupad.”
Tumangu-tango na lamang ang prinsipe bagamat nagsasalubong na ang kanyang kilay.
Bagamat sa pagsusuma ay napagtanto rin niyang wala naman siyang dapat ikatampo sa
tila naglalarong dalagitang Diwata. Bagamat nga rin na malungkot-ang-mukhang
nagpaalam na siya sa Diwata. Ang Diwata naman ang pumigil sa kanya.
“Teka lang. Masyado ka namang matampuhin. Dahil madali ka namang kausap, may
pabuya ka sa akin.”
Nasabik ang prinsipe. Ang Diwata naman ay pumailanlang patungo sa dulo ng Punong
Higera at may kinuha sa dahon nito. Nang lumapag ito’y may dala-dala nang isang
singsing-ita. Binulungan ito ng Diwata at ang itim na singsing-ita ay nagkulay-ginto.
“Mahiwaga ang singsing-ita na ito. Nagpapalipat-lipat ito sa daliri ng kung sino mang may
suot nito. Ibibigay ko ito sa iyo. Kapag ibinulong mo rito na kailangan mo ako ay bigla
akong susulpot sa iyong harapan, kahit nasaan ka man. Subalit tiyakin mo lang na bago
ka bumulong ay nasa palasingsingan ang singsing na ito. Hindi ako magpapakita kung
nasa ibang daliri ito sa halip na nasa palasingsingan. Tiyakin mo ring bubulong ka lamang
kung kailangang-kailangan mo na ako, dahil iyon na ang ating magiging huling pagkikita
natin at huling pagtulong ko sa iyo. Nauunawaan mo ba, Prinsipe Manawari?”
Bagamat hindi niya masyadong masakyan ang Diwata ay tumango na rin ang prinsipe.
“Tanggapin mo rin ang Magik Malong na ito...”
“Alam ko na! Singit ng prinsipe. “Magagamit ko ang malong na iyan para maging
imbisibol ako!” Sabik na bulalas ng prinsipe.
150

“Hindi. Maginaw kasi rito sa kagubatan at medyo malamok. Baka ma-malaria ka.
Puwede mo itong gamitin sa iyong pagtulog.”
“Akala ko po ba’y may magik ang malong na ito?”
“Oo nga. Hindi ito dumudumi kaya puwede mo nang hindi labhan. At kung mabubutas
man ay nasusulsihan nito ang kanyang sarili. Hahandugan din kita ng isang…”
“Water Buffalo?!” Gulat at nagtatakang naisigaw ng prinsipe nang biglang may sumulpot
na tabogol na putim na hayop sa kanyang harapan.
“Hindi yan Bulalo.”
“Buffalo po ang sabi ko.”
“Ke Bulalo, ke Bupalo, parehong mali. Kabaw iyan. Tawagin mo siyang Kalabawbibaw.
Nakita kong namatay na ang iyong kabayo. Kakailanganin mo si Kalabawbibaw sa iyong
paglalakbay. Ngayo’y maari ka nang humayo.”
“Teka lang po. Mukhang hindi naman tatagal ang kabaw na yan. Tingnan ninyo ang mga
paa, parang pinitpit na luya.”
“Magdahan-dahan ka, binata. Baka ang pinitpit na luyang iyan pa ang makatulong sa
pagbabalik ng iyong buhay.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
“Ang tanda, Prinsipe Manawari. Ang tanda.”
“Hindi ko po maunawaan. Ano pong tanda?”
“Naaaninag ko sa iyong pilikmata. Ang pagsayaw ng hagdan. Ang paggiba ng bubong
ng lutuan. Ang pagkadurog ng kalan…”
“Ano pong…?”
“Mapanganib ang gagawin mong paglalakbay. Ngayon pa lang ay masanay ka nang
magtiwala.” Pagkasabi nito ay may itatanong pa sana ang prinsipe subalit bumalik na sa
dating anyo ang Diwata ng Kagubatan. Muli itong naging tila tungkod sa loob ng
nangangarilong na kumot. Nagpasya ang prinsipeng itanong na rin sa matandang pulubi
ang itatanong sana niya sa Diwata.
“Paano po ako makararating sa aking paroroonan?” Tanong niya sa gusgusing matanda.
“Huwag mo lang kalimutang lumingon sa iyong pinanggalingan Amang,” sagot ng
butuhang matanda at matapos ay naglaho na lamang itong parang bula. Isinampay ng
prinsipe ang kanyang lukbutan sa balikat ng kalabaw at sinapinan ng malong ang likod
nito. Sumakay na siya at nagpatuloy sa paglalakbay. Umiinday-inday ang tabogol na
kabaw na may mga paang parang pinitpit na luya at kasunod na nila ang kuma- “kaw!
kaw!” na tisikong aso at kumo- “korokokok” na alimbyuging manok.
III. Lupain ng mga Higante
151

Hindi lamang siya lumingon kundi bumalik na sa kanyang pinanggalingan.


Tahimik ang kaharian tulad ng gabing lisanin niya ito. Una niyang pinuntahan ang nilisang
kabiyak. Payapa itong natutulog tulad ng gabing iwan niya. Ganoong-ganoon ang ayos
ng prinsesa maliban sa suot nito ang salaming sapatos na hinubad niya at itinago sa
baulito bago siya umalis at naglayag. Umupo siya sa gilid ng kama at hahagkan sana sa
noo ang kabiyak na prinsesa nang may bigla siyang napansin sa noo nito. Kaytagal na
ba niyang nawala at may gatla na ang noo ng kanyang kaawa-awang asawa? Subalit
tila yata may pilantik ng buhok ang gatla nito sa noo? Hahaplusin dapat niya ang “gatla”
nang biglang bumukas ito. Hindi siya makapaniwala ngunit mata ba ang nakikita niyang
nasa noo ng kabiyak? Kumurap-kurap ang matang iyon at nang mapansin siya ay
tinitigan siya nito nang masama. Parang titig ng pusang nasa hapag. Napaatras ang
prinsipe at napahandusay sa sahig. Biglang bumangon ang kabiyak na prinsesa. Pikit
ang dalawang mata nito maliban sa mata ngang nakadilat na nasa noo. Galit ang matang
iyon. At mula sa pagkakahandusay niya’y tila lumalaki ang tingin niya sa kabiyak. Lumaki
ito nang lumaki hanggang sa umumpog na sa kisame ng kanilang kuwarto. Nagpatuloy
ito sa paglaki hanggang sa mabutas na at gumuho ang kanilang bubungan. Sumayaw
ang hagdan. Nagiba rin ang bubong lutuan. Nadurog ang kalan Iniangat ng prinsesa
ang kanang paa nito na ngayon ay halos kasinglaki na ng prinsipe. Nakita niya ang
repleksyon ng nahihintakutang sarili sa talampakan ng salaming sapatos. Yayapakan
siya at pipisakin ng kanyang pinagtaksilang kabiyak. Napakatulis na tila dambuhalang
balaraw ang takong ng salaming sapatos na padikit na sa kanyang namumutlang mukha.
Naisip ng prinsipeng magpasaklolo sa Diwata ng Kagubatan. Bubulungan na dapat niya
ang suot na gintong singsing-ita subalit sa hinlalato niya ito nakapulupot. Iginalaw-galaw
niya ang kanyang mga daliri sa pagbabakasakaling lumipat ang singsing sa kabilang
daliri, sa palasingsingan. Subalit tulog-suka ang singsing. Walang nagawa si Prinsipe
Manawari kundi umusal ng dasal na sana manawari’y napatawad siya ng kabiyak na
prinsesa bago lamang siya patayin nito. Napapikit na lamang ang prinsipe. Handa niyang
tanggapin ang kanyang kaparusahan. Una niyang naramdamang tumusok ang matulis
na takong sa kanyang pisngi. Sunud-sunod ang tusok nito at napaungol siya. Isa pang
mariing pagtusok at napadilat siya. Nagisnan niya ang alimbyuging manok na tinutuka
ang kanyang pisngi.
Matapos mapayapa ang sasal ng kanyang dibdib at mahabol ang tila tumakas
nang hininga ay ikinuwento niya sa manok ang napakasamang panaginip katulad ng bilin
ng Diwata ng Kagubatan. Mataman namang nakinig ang alimbyuging manok. Nang
matapos siyang magkuwento ay ihinilig ng manok ang ulo nito sa kanyang braso. Natuwa
siya sa ipinakitang simpatiya at pag-alo ng manok sa kanya. Hinagod niya ang lunting
palong nito upang ipahiwatig ang kanyang pasasalamat. Bagamat parang ikinasiya
naman ng manok ang kanyang ginawa, hindi ito tumigil sa paghilig ng ulo nito sa kanyang
mga palad. Parang may nais itong ipagawa pa sa kanya subalit hindi na niya iyon inintindi
dahil lumipad na ang isip niya sa napaginipang kabiyak. Nakaramdam na naman siya ng
di mawaring kalungkutan.
Gising na rin ang tisikong aso at tabogol na kabaw. Iniligpit niya ang nakalatag na
malong at isinapin ito sa likod ng kabaw. Puputok na ang araw at handa na muli silang
maglakbay. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan ng prinsipe ang napanaginipan kaya hindi
niya napansing kakaiba na ang simoy ng hangin. Bumalik na lamang ang kanyang ulirat
152

nang mapansing tila nasa ibang kagubatan na sila. Naglalakihan at nagtatayugan ang
mga puno rito. Mas malalapad ang puno rito kaysa Puno ng Higerang tinigilan niya
kahapon at halos singtatayog ng tore ng kanilang kaharian. Maya-maya’y tumigil si
Kalabawbibaw sa gilid ng isang puno. Tinahul-tahulan naman ang puno ng aso at ang
tila yata matamlay ngayong manok na may napakahabang buntot ay lumipad sa may
tuktok nito. Napansin niya ang dinapuan ng manok na tila isang bagay na sa kataasan
ay hindi niya mapagtanto kung ano. Basta’t ang nasisiguro niya’y hindi ito sanga o bahagi
man ng puno. Ikinaway ng manok ang pakpak at napakahabang buntot nito na parang
niyayaya si Prinsipe Manawaring umakyat sa kinadadapuan. Naalala ng prinsipe ang
kuwento ni Merlin tungkol sa Magoyoda Selegen. Isang lugar daw ito sa pagitan ng langit
at lupa. Dito raw iniimbak ang mga sandata at kagamitang hindi ginagamit. Pinasya ng
prinsipeng umakyat sa puno sa pamamagitan ng mga baging na nakapulupot dito. Isa
palang lumang baul ang kinadadapuan ng manok. Lumipat ang manok sa sanga at
binuksan ng prinsipe ang baul. Nanlumo siya nang malamang hindi mga sandata ang
nakaimbak dito kundi mga lumang gamit lamang—tatlong piye ng nangungutim nang
lubid, dalawang dipa ng malapad na goma, isang malaking kabibeng hugis tambuli, isang
lumang agong at isang malaking palakol ngunit walang hawakan. Pag-angat niya ng
palakol ay may nakita siyang kanister ng tubig sa ilalim nito. Dinampot niya ito at inalog-
alog. May laman. Sa isip niya’y ito lamang ang kanyang mapakikinabangan. Bababa na
sana siya subalit nagtitilaok ang manok at dumapo ito sa naiwang mga kagamitan at
kinala-kalahig ang mga iyon na para bang iniuutos sa prinsipe na kunin ang mga lumang
gamit na iyon. Nakatingala naman si Kalabawbibaw at tahol nang tahol ang tisikong aso.
Bagamat natitiyak ng prinsipeng hindi naman niya ito magagamit sa paglalakbay, may
kung anong puwersang nagtulak sa kanya para kunin na lang din ang mga natirang
lumang gamit. Inihulog niya ang baul at muntik nang mabagsakan ang dalawang hayop
sa ibaba. Bumaba na rin siya pagkatapos at lumipad na rin pababa ang masigla na
ngayong manok.
Iba na nga ang simoy ng hangin sa kagubatang ito. Nakaramdam ng banas ang
prinsipe at tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo’t katawan. Hindi siya sanay sa
ganitong klaseng init. Nagpasya siyang magpahinga muna sila. Bumaba siya sa kabaw
at naupo pasandal sa isang puno. Lumagok siya ng kaunting tubig at pinainom din niya
ang tatlong kasamang tila hindi naman nakararamdam ng pagod. Tumatagiktik pa rin ang
pawis niya sa noo. Naalala niya ang panyong nasa may dibdib. Matapos magpunas ng
pawis ay tinitigan niya ang panyo at napatapik siya sa kanyang noo nang may maalala.
Bakit nga pala hindi niya ito naipakita sa Diwata ng Kagubatan at bakasakaling mabigyan
siya ng impormasyon tungkol dito o sa may-ari ng panyo? Nakaramdam siya ng
panghihinayang. Sumunod, ng gutom. Subalit alam niyang wala na siyang natirang
pagkain. Ang huling piraso ng tinapay ay pinagsaluhan nila ng Diwatang nagpanggap na
matandang pulubi. Dadaanin na lang niya sa tulog. Wala pang ilang sandali ay naghihilik
na ang prinsipe. Naaawang pinagmamasdan lamang siya ng tatlong hayop niyang
kasama.
Naalimpungatan siya sa tila alulong ng aso. Tuluyan na siyang dumilat nang
mapansing takipsilim na pala. Ganoon ba siya katagal nahimbing? May parang
dalawang pusang nagkakalmutan sa kanyang sikmura. Pinilit niyang huwag na lang itong
pansinin. Bakit kasi walang puno ng kahit anong prutas sa kagubatang ito? O kung may
153

puno man ng prutas ay bakit wala siyang makita ni isang bunga? Ang ibang mga puno
nga ay putol-putol na waring natigpas ng kidlat. Nasa ganoon siyang kontemplasyon
nang muli niyang marinig ang alulong ng aso. Nasa di kalayuan ito, tantiya niya base sa
di gaanong lakas ng alulong niyang naririnig. Napabalikwas siya hindi dahil wala rin sa
tabi niya ang manok at kabaw kundi naalala niya ang paalala ng Diwata kapag umalulong
ang aso. Mayroon ba itong nakikitang espiritu? O lamanlupa kaya? May nakaamba
bang panganib? Mabilis siyang napatayo para hanapin ang kanyang mga kasama lalo
na ang umaalulong na aso. Madali naman niyang natagpuan ang mga ito. Umaalulong
pa rin ang aso habang nagkukutkot ng lupa at nakatanghod sa kinukutkot nito ang manok
at kabaw. Palinga-lingang lumapit sa tatlo ang prinsipe. Parang may hinahanap siyang
ayaw niyang makita. Tulad ng masasamang espiritung sinabi ng diwata o mga
lamanlupa. Nasaan ang panganib? Dahan-dahan niyang hinaltak ang katawan ng
nagkukutkot na aso. Kailangan niyang kumuha ng muta nito at ipahid sa kanyang mga
mata gaya ng bilin ng Diwata. Mahirap kalabanin kung saka-sakali ang kaaway na hindi
nakikita. Subalit pumapalag ang aso. Waring ayaw itong papigil sa ginagawa.
Makahuhulagpos ito sa kanya at magpapatuloy sa pagkukutkot. Huhulihin niya muli at
magpapambuno pa nga sila. Sa kapipilit ay nagpaubaya na rin ang aso pero umuungol-
ungol ito na para bang naiinis na sa kanyang bagong amo. Nadakma ng prinsipe ang ulo
nito at umukit ng konting muta mula sa umiiwas na mata ng aso. Bagamat nandidiri ay
nagawa niyang ipahid ito sa magkabila niyang mata. Medyo mahapdi at tila baga lalong
lumabo ang kanyang mga mata. Ikinurap-kurap niya ito habang iginagala sa paligid.
Maya-maya pa’y luminaw na ang kanyang paningin. Nakatunganga naman sa kanya ang
tatlo at takang-taka sa kanyang ikinikilos. Hawak ang espada sa kanang kamay at
balaraw sa kaliwa, inikot-ikot ng prinsipe ang bahagi ng kagubatang iyon at inilibot ang
mata sa lahat ng maaabot ng pananaw nito. Sa mga puno. Sa gilid-gilid ng mga puno.
Sa mga sala-salabat na sanga at malalagong dahon. Sa taas at dumidilim nang
kalangitan. Sa mga puno uli. Sa gilid-gilid. Sa lupa. Sa matataas na gubat-damo sa
paligid. Maging ang tatlong hayop na kasa-kasama niya ay tinitigan niya at baka
nagkatawang-hayop pala ang mga espiritu at lamanlupa. Natunaw na lang yata ang muta
ng aso sa kanyang mga mata ngunit wala siyang nabanaag man lang na espiritu at
lamanlupa. Walang bakas ng panganib. Samantala’y ipinagpatuloy na ng aso ang
naabala nitong ginagawa. Napasandal na lang muli ang prinsipe sa isang puno sabay
bitiw sa kanyang mga sandata. Sa pagsalampak ay kumalansing ang mga pilak sa
bulsitong nakatali sa kanyang baiwang. Ngunit ano nga ba ang halaga ng mga pilak na
ito sa ganitong lugar? Lalong tumindi ang gutom na kanyang dinaramdam. Wala siyang
magawa kundi isubsob ang mukha sa nanginginig niyang mga palad. Gusto niyang
maghuhumiyaw dahil bukod sa gutom, pakiramdam niya’y pinaglaruan lamang siya ng
maypagkapilyang Diwata. Sumuko na ang aandap-andap na liwanag sa dilim. Gabi na.
Mukhang maiidlip na naman siya sa ganoong ayos. Subalit hindi matutuloy ang kanyang
pag-idlip dahil sabay-sabay niyang maririnig ang tahol ng aso, tilaok ng manok at ungol
ng kabaw. Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo upang tuklasin kung ano na
namang walang saysay ang gingawa ng tatlo. Nakita niyang tulung-tulong na ang mga
ito sa paghukay sa sinimulang kutkuting lupa ng aso. Kahit malayu-layo siya sa tatlo at
tanaw niyang may kalaliman na ang nahukay ng mga ito. Hindi na niya matanaw ang
manok at putol na buntot na lamang ng aso ang kanyang naaaninag. Hindi na rin niya
kita ang ulo ni Kalabawbibaw na tila may sinusungkit sa nalikhang hukay. Nang iahon ng
154

kabaw ang ulo mula sa hukay ay may napansin siyang nakatusok sa kaliwang sungay
nito. Lumapit siya para usyosohin ang pinagkakaabalahan ng tatlo.
Natawa siya’t napailing at biglang nakaramdam ng pagkahiya sa sarili at sa tatlong
kasama. Kaya pala umaalulong ang aso kanina. Totoo palang may nakikita itong hindi
niya nakikita. Totoo palang may nakikita itong lamanlupa. At napakaraming lamanlupa.
Ang lalaki pa’t ang tataba. Ang lalaki at ang tatabang lamanlupa! Ang lalaki at ang
tatabang kamote at gabi! Napakamot siya at tuluyang naggabi na.
Nakakailang dighay na ang prinsipe subalit parang hindi nabawasan ang inaning
lamanlupa ng tatlong itinuturing na niya ngayong mga kaibigan. Parang inantok na
naman siya ngayon sa kabunsulan. Iidlip na sana siyang muli nang may maramdaman
siyang marahang tapik sa kanyang balikat at makaulinig ng tila nagpupugay na tinig.
“Kapatid, purihin ang Buhay na Panginoon.” Bati ng lalaki at itinaas ang kanina’y kilik-kilik
na surat. “Salamat nang walang hoyang sa iyo Dios kong maalam at ito ngang librong
mahal tinulutang ilimbag. Nang kaming mga binyagan may basahin gabi at araw.”
Pinag-angatan niya ng mukha ang nagsalita at bahagya siyang nagulat sa
tumambad sa kanya. Isang lalaki itong nasa kalagitnaan ang edad. Kakaiba ang bihis
nito na tila hinabing sinulid ng pinya. May iwinawagayway itong itim na surat at may
dalang maliit na supot na bughaw. Sa likuran nito’y may pitumpu’t pitong puting payat na
tupa.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Naitanong ng prinsipe nang matiyak niyang
malayong maging pulubi ang lalaki dahil mukha namang malakas ang pangangatawan
nito. Tuwid na tuwid din ang piston ng suot nitong pantalon at kaykintab ng itim na katad
na sapatos. Tila mayulap ito sa buhok. May bituin ang ngiti. May apoy sa tuktok. At
may tinig itong tila nanggagaling sa langit. Naalala niya ang Diwata ng Kagubatan. Isa
na naman ba itong paglalaro sa kanya? Subalit hindi naman masama kung
magagantimpalaan na naman siya ng kahilingan. Gayunpama’y inalok pa rin niya ito ng
kamote at gabi.
“Huwag ka nang mag-abala pa, kapatid. Naririto ako para sa iyong kaligtasan. Para sa
kaligtasan ng lahat. Purihin ang Buhay na Panginoon!”
“Kung ganoo’y ano pa po ang maari kong maipaglingkod sa inyo?”
“Lubhang napakahirap po kasi ng gawain kong pamamastol ng tupa. Napakagastos pong
talaga sa panahon at gugulin. Kanina po’y may narinig akong kalansing ng mga pilak.
Maari po bang mabahaginan n’yo ako kahit ilang piraso man lamang?”
Napaisip siya kung ano na namang laro itong naisipan ng Diwata. May
dalawampung piraso siya ng pilak sa kanyang bulsito. Maaring magamit niya ito sa
kanyang malayo pang lalakbayin subalit nagpasya siyang ibigay ang tatlong pirasong
pilak sa duda niyang Diwatang nagpapanggap naman ngayong pastol. Tatlong pirasong
pilak. Sa isip-isip niya’y walang dudang katumbas ito ng tatlong kahilingan! Halos
daklutin ng pastol sa palad ng prinsipe ang tatlong pirasong pilak sabay hulog sa supot
nitong bughaw. Subalit parang hindi ito nakuntento sa kanyang ibinigay. Subalit hindi
naman ito nagpumilit na dagdagan pa iyon ng prinsipe. Nagpasaring nga lamang ito.
155

“Salamat kapatid. Sana’y tinatandaan din nating hindi tinitingnan ng Buhay na Amang
nasa Langit kung magkano ang ating ibinibigay para sa kanya, kundi ang tinitignan niya
ay ang halagang iniiwan natin sa bulsa.”
Mangangatwiran sana ang prinsipe na maaring kailanganin din niya ang mga pilak sa
kanyang paglalakbay, subalit nagpasya siyang huwag na lang patulan ang laro ng
pinagsususpetsahang Diwata.
“Ako’y yayao na, kapatid, at bahala na ang Nasa Itaas na gumanti sa iyo.” At akmang
tatalikod na nga at yayayain na ng pastol ang kanyang mga payatot na tupa.
“Sandali lang po, ka-ka-kapatid. Mayroon po yata kayong nalimutan?” Paalala ni Prinsipe
Manawari para idiing hindi pa siya nabibiyayaan ng kahilingan.
“Ay, oo nga pala.”
Lumapit ang pastol sa nakaupong prinsipe at ipinatong ang kaliwang kamay nito
sa ulo niya at itinaas sa hangin ang kanang kamay na parang nagpapanatang
makabayan. Nanonood lamang ang tila ngumingising mga hayop sa kanila. Nakapikit
ang pastol at nanginginig-nginig pang umusal ng mga katagang tunog-pinaghalong Intsik
at Latin. Naguguluhang matawa-tawa na rin ang prinsipe sa antic ng pastol na natitiyak
na niya ngayong walang iba kundi ang maypagkapilya talagang Diwata ng Kagubatan.
May iba na naman itong paraan ng pagbibigay ng kahilingan, naisip niya. Maya-maya’y
binitawan na ng pastol ang ulo ng prinsipe at muling nagpaalam.
“Ngayo’y tutuloy na akong talaga, kapatid, at maraming salamat. Magbabaon na rin ako
ng ilang pirasong kamote at gabi na inaalok mo sa akin kanina kung iyong mamarapatin.”
Hindi na hinintay ng lalaki kung mamarapatin nga ng prinsipe at dumampot na ito
ng ilang pirasong kamote at gabi. Nagmamadaling lumisan ang pastol kasunod ang
pitumpu’t pitong puting payatot na tupa at nawala na lamang ang mga ito sa kasukalan.
Nabura ang ngiti sa mukha ng prinsipe nang lumipas pa ang ilang sandali ay walang
sumusulpot na Diwatang kanyang inaasahan. Napakamot siya sa ulo nang
mapagtantong mukhang nakikilan lamang siya ng pastol ng tatlong pirasong pilak at ilang
pirasong kamote at gabi. Pigil na naghahagikgikan ang tatlong hayop sa tabi niya na
tumigil lamang nang tapunan niya ng nananaway na sulyap. Napabuntunghininga ang
prinsipe at sa malalim na hugot ng hininga ay di naiwasang lumabas at tumunog ang
hangin mula sa kanyang puwit. Umepekto na ang musical root. Hindi na napigil ng
tatlong hayop ang paghagikgik. Nakihagikgik na rin ang prinsipe. Naghahagikgikan
silang nagpatuloy sa paglalakbay.
Umaga na. Matapos maghilamos ay pinuno ni Prinsipe Manawari ang kanister ng
tubig. Dito na sila nakatulog sa tabi ng ilog na natagpuan nila kagabi. Nakabanaag ng
bahagyang pag-asa si Prinsipe Manawari pagkakita sa ilog. Isa lang ang ibig sabihin
nito. Malapit na sila sa dagat. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Merlin. “Lahat ng ilog ay
pauwi sa dagat.” At malamang na sa tabi ng dagat niya matatagpuan ang mahiwagang
dalagang nakalulan sa mahiwagang barko. Iginala ng prinsipe ang kanyang paningin sa
paligid. Hindi niya ito masyadong namasdan kagabi. Kakaiba ang kagubatang ito kaysa
kanilang pinanggalingan. Bagamat nagtatayugan din ang mga puno rito, may mga bunga
naman ito hindi tulad ng pinanggalingang kagubatan. May nakita siyang puno ng
156

lanzones, makopa, kaymito, mangga, rambutan, langka, durian at marami pang iba.
Ngayon lang siya nakakita ng mga prutas na ganito. At ang mga ito’y namumutiktik sa
bunga. Nakatingala ang prinsipe sa higanteng Punong Duhat. Ang kumpul-kumpol na
mga bunga nito’y tila mga palayok na itim na bibitin-bitin. Tinantiya ng prinsipe kung
maaakyat niya ito. Mukhang kaya naman niya. Ihahakbang na niya ang kanyang isang
paa paakyat nang biglang gumalabog ang lupa. Kagabi pa niya naririnig na tila may
kumakaluskos sa ilalim ng lupa. Subalit ito nga’y hindi lamag kaluskos kundi napakalakas
ngang galabog. Napabalikwas pati ang tatlong hayop na natutulog. Hindi makatingin sa
kanya nang diretso ang tisikong aso. Aminadong pumalpak ito sa di pagbibigay ng babala
sa panganib na darating. Papalakas nang papalakas ang galabog ng lupa. Parang may
nagbabayo ng bigas sa ilalim nito. Napayakap ang prinsipe sa Puno ng Duhat habang
hinahanap kung ano o sino ang may kagagawan ng paggalabog na iyon. Mula sa di-
kalayuan ay napansin niyang parang hinahawi ng buhawi ang nagtatayugang mga puno.
May kadiliman sa bahaging iyon ng gubat kung saan nakatanaw siya ng tila katawan ng
puno subalit sa tingin niya’y gumagalaw ito. Ngayo’y natitiyak niyang gumagalaw nga
ang punong ito at papalapit sa kinaroroonan nila. Kinagat-pahila ng aso ang kamay ng
prinsipeng nakayakap sa puno. Niyayaya na nito ang amo na tumakbo o magtago.
Napasunod naman ang prinsipe dahil kung hindi’y tiyak na masusugatan ang kanyang
kamay sa kagat ng aso. Dinala siya ng aso sa isang malaking kuweba sa tabi ng ilog.
Papasok na sila sa bunganga nito nang salubungin sila ng kawan ng libo-libong
nabulabaog na Ibong Tabon. Naging para itong lambong ng ulap sa papawirin.
Nadatnan na nila sa loob ang kabaw at manok. Bagamat madilim sa loob ng kuweba,
banaag ni Prinsipe Manawari ang nakasalansang kalansay at bungo ng mga tao’t hayop.
Inisyoso niya ang ilan at napansin niyang ang ibang bungo ng tao ay may mga gintong
ngipin. Ang ilan naman ay may nakabaon ding ginto sa mismong bungo. Nakiramdam
sila sa nangyayari sa labas. Papalakas pa rin nang palakas ang galabog. Maya-maya’y
bigla na lang itong tumigil. Mula sa kinatataguang yungib ay sumilip ang prinsipe. Muntik
nang lumuwa ang kanyang mga mata pagkakita sa nanginginain ng duhat.
Isang babaeng higante!
Sumalampak ang higante paharap sa yungib na kinatataguan nina Prinsipe
Manawari. May kalayuan din ang kinalalagyan nito ngunit dahil sa sobrang laki ay parang
nasa harapan lamang niya. Iisa ang mata nitong nasa gitna ng noo. Naalala niya ang
napanaginipan. Ano’t nagkatotoo ang kanyang panaginip samantalang sinunod naman
niya ang bilin ng Diwata na ikuwento ito sa manok at naalala niya ang nakaligtaan niyang
gawin. Sinulyapan niya ang alimbyuging manok at nakasulyap din ito sa kanya na para
bang sinasabing “Ikaw kasi e, ‘no? Hindi mo kasi kinagat ang palong ko.” Napapalatak
na lang ang prinsipe at ibinaling niya muli ang paningin sa babaeng higante. Iisa lang
din ang tenga nitong tulad ng sa kuneho at para lang ihinugpong sa kanang bahagi ng
ulo. Hindi tuloy nito naririnig ang anumang nasa kaliwa. Para namang mga kuwebang
umuusok ang tatlong butas ng busalsal nitong ilong. Sobrang luwang din ang bunganga
na umukopa halos sa kalahati ng mukha. Para iyong balong malalim na punung-puno ng
maduduming patalim. Ngumangasab-ngasab pa rin ito ng duhat. Kung makasubo ito’y
parang mauubusan gayong wala naman itong kasalo. Sa paghabhab ay halos
masungalngal na sa buong mukha ang prutas. Nang mabunsol ay dumighay ito nang
singlakas ng dagundong ng kulog. Minasdan ni Prinsipe Manawari ang babaeng higante
157

pagtayo nito papunta sa kalapit-ilog. Maiikli ang biyas nito at kung hindi nga lamang ito
higante at kasinglaki lang ng tao ay lalabas pa ngang pungok ito. Sumalampak na naman
ito sa tabing-ilog. Kinalag nito ang lukbutang nakatali sa may beywang at may dinukot
na tila tinik ng katawan ng pating. Sumungaw ito sa tubig para manalamin at manuklay.
Napansin nito ang isang duhat na dumikit sa kaliwang pisngi. Iginalaw-galaw nito ang
mukha, pakanan-pakaliwa at nang mapagkuru-kurong mukha namang maganda ang
epekto ng duhat sa kaliwang pisngi ay hinayaan na lang ito doon. Matapos
makapanuklay ay muling isinilid ang tinik ng pating sa lukbutan. Tumayo na rin ito at
tatalikod na sana nang biglang matigilan. Naging magalaw ang mata nito at
sumisinghapsinghap ang umuusok na ilong.
“Tao!”
Napaatras si Prinsipe Manawari lalo na nang makitang papunta sa direksyon nila ang
babaeng higante.
“May tao akong naaamoy. Hhwaaahhh. Matagal na rin akong hindi nakakakain ng tao.”
Sinasambit ito ng higante sa sarili habang hinahawi-hawi ang mga puno at inaangat-
angat ang malalaking tipak ng bato sa tabing-ilog. Napadako ang mata ng higante sa
yungib na pinagtataguan nina Prinsipe Manawari. Sunud-sunod ang pagsinghap ng ilong
nito na wari’y natitiyak nang galing sa yungib na iyon ang amoy-tao. Hindi naman
malaman ni Prinsipe Manawari kung ano ang gagawin. Ang gintong singsing-ita!
Tiningnan niya ito subalit sa hinlalaki niya ito nakapulupot. Ginalaw-galaw niya ang mga
daliri at gumalaw naman ang singsing at lumipat sa kanyang palasingsingan. Natuwa
ang prinsipe at bubulungan na sana niya ito nang bigla na namang gumalaw ang singsing
at lumipat sa kanyang hinliliit. Iginalaw niyang muli ang mga daliri. Hindi natinag ang
singsing. Kinurot-kurot niya ito pero nakapagkit na itong parang linta sa kanyang hinliliit.
Papalapit na ang babaeng higante sa bunganga ng yungib. Alam naman ng prinsipeng
hindi ito makapapasok sa loob pero maaabot naman sila ng kamay kahit na maypagkaikli
ang mga biyas nito. Samantala’y kinakagat pahila ng aso ang lukbutang nakasalampay
sa batok ni Kalabawbibaw. Nahila naman ito ng aso at sumambulat ang mga lumang
kagamitang nakuha ng prinsipe sa Magoyoda Selegen. Kinagat nito ang kabibe at dinala
kay Prinsipe Manawari. Hindi naman maintindihan ng prinsipe kung ano ang gamit ng
kabibeng hugis tambuli sa pagkakataong ganito at kung ano ang gustong ipagawa ng
aso. Tinanggal niya ang kabibe sa pagkakakagat ng aso at ihinagis pabalik sa kalat ng
mga lumang gamit. Binalikan naman ito ng aso at tumahol sa tapat ng mas makipot na
dulo ng kabibe. Umalingawngaw ang “KAW! KAW!” nito at halos mabingi ang prinsipe.
Napaatras naman ang higante pagkarinig nito. Bigla na namang may bumumbilyang
ideya sa isip ni Prinsipe Manawari. Dali-dali niyang kinuha ang kabibeng hugis tambuli
at pumunta sa may bukana ng yungib na hindi pa rin tanaw ng higante. Papalapit nang
muli ang higante.
“Hanggang diyan ka na lang kaibigan.!” Pigil ng prinsipe. Nagulat naman at napatigil ang
higante nang marinig ang malakas na tinig na nanggagaling sa yungib.
“Sino ka?” Tanong ng higante habang inaaninaw kung kanino galing ang mala-higanteng
tinig na iyon.
158

“Ako’y isa ring higanteng tulad mo. Nagpapahinga ako rito at ayokong-ayokong may
gumagambala sa aking pamamahinga.” Panlalansi ng prinsipe.
“Mwaahaha! Higante? Ako lang ang higante sa lupaing ito, ‘no? Huwag mo akong
linlangin kung sino ka man!”
“Iyan ang akala mo. Ikaw, sino ka naman, babaeng pungok?”
“Sino’ng pungok? Pikon na ang babae.” Ako yata ang lakan dito, ‘no? Akin ang lupaing
ito”
“Mala-lakan ‘yang pananalita mo subalit pa’no ka naging lakan? Sa katunayan nga,
kaninang nakasalampak ka sa may ilog, ang akala ko’y isa ka lang labandera.” Pang-
aasar pa ng prinsipe. Lalo namang umusok ang mas lumaki ngayong mga butas ng ilong
ng babaeng higante.
“Huwag mo akong galitin at baka hindi mo alam ang kaya kong gawin sa iyo.”
“Puwes, ano ang kaya mong gawin sa akin gayong mas malaki ako sa iyo?”
“Ano’ng mas malaki? Ako yata ang pinakamalaki dito, ‘no? At pag nahuli kita, tingnan
lang natin kung hindi kita tatadtarin nang pinong pino!”
“Sige, subukan mo. ‘Pag tinadtad mo ako ay dadami ako. Pagtutulungan kita! Hahaha!”
Napaisip ang babaeng higante.
“Kung gayo’y idadarang na lang kita sa apoy!”
“Sige, idarang mo ako sa apoy para pumula ako. Mas gaganda ang kutis ko sa iyo.”
Napaisip na naman at napairap ang banidosang higante.
“Alam ko na. Ihahagis na lang kita sa ilog!”
“Bopol ka talaga. Sinabi ko na ngang mas malaki ako sa iyo. Pa’no mo ako maihahagis,
aber?”
“Hindi nga ako naniniwalang mas malaki ka kaysa akin. Ako lang sabi ang higante dito,
‘no?” At akma nang susugod ang bugnot na bugnot nang higante sa kinatataguan ng
prinsipe. Kinabahan naman ang prinsipe at nag-isip ng susunod na gagawin. Nasulyapan
niya ang tatlong hayop na tila pinapapansin sa kanya ang mga nagkalat na lumang gamit.
Inisa-isa ito ni Prinsipe Manawari at may bigla na naman siyang naisip na solusyon.
Kinuha niya ang malapad at mahabang goma at dali-dali niyang itinali ang magkabilang
dulo nito sa magkabilang sungay ni Kalabawbibaw. Matapos ay dinampot niya muli ang
kabibe at agong. Namulot din siya ng isang pirasong tadyang sa salansan ng mga
kalansay. Bumalik siya sa bukana ng yungib. Malapit na malapit na sa kanila ang
babaeng higante.
“Sandali lang sabi, Kapatid.”
“Walang kapa-kapatid sa akin at walang kai-kaibigan. Wag mo akong subukan at
talagang malilintikan ka na ngayon.”
159

“Kung gayo’y talaga ring hinahamon mo ako, ha?!” Nananakot na rin ang prinsipe. “Pero
ayaw ko nga ng away at sinabi ko na ngang namamahinga lang ako dito. Kung ang
problema mo ay hindi ka naniniwalang higante rin akong tulad mo. Patutunayan ko sa
iyo.”
Napatigil ang higante at napaisip na naman.
“Puwes, patunayan mo! Lumabas ka dito para mapitik kitang parang langaw!”
“Kool ka lang. Hindi ako makakalabas diyan. Pakinggan mo na lang ang pintig ng aking
puso.” Sabay hataw ng tadyang sa agong. “DUM! DUM! DUM!”
Medyo nabagabag ang higante pero hindi ito nagpahalata. Ibinaling nito ang ulo sa
bandang kanan upang marinig mabuti ang pinanggalingan ng tunog.
“M-m-malay ko ba kung me dala ka lang t-tambol diyan, ‘n-no?”
“Ha-ha-ha!” Dinaan sa tawa ng prinsipe ang kaba at baka nabuking na siya ng higante.
Pero hindi rin siya nagpahalata. “Tambol? Eto ang tambol. Ang aking tiyan, dahil
katatapos ko lang manghimagas ng mga ito…” Dumampot si Prinsipe Manawari ng
tatlong bungo at ibinala ito sa gomang nakatali sa sungay ni Kalabawbibaw. Bininit niya
ang goma— estilong-tirador at umilanlang ang mga bungo at bumagsak sa may paanan
ng babaeng higante. Kinakabahan na ngayon ang babaeng higante pero kahiya-hiya na
kung ngayon pa siya tatakbo.
“Hindi pa rin ako naniniwala. Maaring isa ka lang kanibal, ‘no?”
“A, kanibal pala ha? Tingnan mo kung may kanibal na ganito kahaba ang pilikmata!”
Sabay tirador ng prinsipe sa nangungutim na lubid. “At may ganito kalaking ipin!” Ang
palakol na walang hawakan naman ang pumailanlang. Lumagpak sa palad ng higante
ang pilikmata. Napamulagat ito. Ang ipin naman ay diretso sa kaliwang pisngi nito at
nahagip at nahati ang nunal na duhat na duhat ng higante. Nanlaki ang nag-iisang mata
nito sa pagkakita sa nakabaong ipin sa pisngi. Nanlatoy bigla ang tuhod ng babaeng
higante pero nakapagpasya pa rin itong tumakbo.
Nang matiyak ni Prinsipe Manawaring wala na ang higante, lumabas na rin sila ng
yungib. Maya-maya’y nakaramdam na naman sila ng parang kumakaluskos sa ilalim ng
lupa. Ilang sandali pa’y nakita nilang umangat ang malaking bahagi ng balat ng lupa.
Mula rito’y may sumulpot na tao. Sinundan ng isa pa. At isa pa. Hanggang sa hindi na
halos mahulugan ng karayom ang nagkalupumpung tao sa kanilang harapan. Nalaman
nilang ang mga taong ito ang tunay na mayari ng lupaing iyon na kung tawagin ay Tribu
Maliputu. Napilitan silang magtago at manirahan sa ilalim ng lupa nang mabalitaang doon
na nga papunta ang babaeng higante, matapos nitong maubos at masalanta ang iba
pang kagubatan. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nila kay Prinsipe Manawari.
Inalok ng pinuno ang prinsipe at mga kasama nito na doon na manirahan subalit tumanggi
naman ang prinsipe at idinahilan ang kanyang hinahanap. Subalit pinaunlakan naman
niya ang imbitasyon nito para sa isang masigabong pagdiriwang. Matapos ang
masaganang hapunan, inihandog ng pinuno kay Prinsipe Manawari ang Patola
Kaorayan. Isa raw itong pulang magik sinturon na kapag ibinigkis mo sa iyong noo ay
mapoproteksyunan ka sa anumang labanan. Makararamdam ka rin ng higit at kakaibang
160

lakas at hindi ka manghihina sa pakikipaglaban. Malugod itong tinanggap ng prinsipe at


bilang ganti naman daw ay ibibigay na lang niya sa anak ng pinuno ang tisikong asong
gusgusin na’y putol pa ang buntot. Ngumuyngoy sa pagtatampo ang asong pumalpak
sa paghuhudyat ng panganib sa prinsipe at tuwang-tuwa naman ang anak ng pinuno.
Ginulo ng prinsipe ang buhok ng bata at sinabi ritong biro lang ang pagbibigay niya rito
ng aso. Sa halip, ibinigay niya rito ang mga lumang gamit na galing sa Magoyoda
Selegen at itinuro niya sa bata kung paano ang gagawin sakasakaling may maligaw uling
higante sa kanilang tribu. Galak na galak ang bata at tumakbo na ito papalayo para
ipagmagaling sa mga kalaro ang bigay ng prinsipe. Muli namang nagpasalamat ang
pinuno sa ihinandog ni Prinsipe Manawari sa anak nito at matapos ay pinitik nito nang
tatlong beses ang kaliwang tenga ng prinsipe. Tinanong ng prinsipe kung para saan ang
tatlong pitik na iyon. Sinabi naman ng pinuno na parusa iyon sa pagkakabasag ng tatlong
bungo ng kanilang mga ninuno na ibinala sa “tirador” ng prinsipe. Nagpaalam na sila
matapos ihimatong ng pinuno ang pinakamalapit na daan papunta sa dagat. Sakay ng
kabaw sa likod ang prinsipe at nakadapo sa may puwitan nito ang alimbyuging manok.
Ang tisikong aso naman ay masiglang-masigla at nagpapatiuna pa habang kinakampay-
kampay ang putol na buntot.
IV. Awit ng Sirena
Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling dagat,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina


Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating dagat na sinilangan,


Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang anak, wala nang tahana't walang nagmamahal.
Maulap ang umagang iyon. May nagbabantang bagong bagyo. Sumisigid sa
kalamnan ni Prinsipe Manawari ang nakapangingilabot na lamig subalit mas
nakapaninindig ng kanyang balahibo ang awit. Kagabi pa niya naririnig ang awit na iyon
na waring nagmumula sa pusod ng karagatan. Noo’y madalas ikuwento sa kanya ni
Merlin ang Alamat ng mga Sirena. Ang mga kuwento ni Merlin ay nagpapahiwatig na
161

ang mga sirena na ang pinakamalungkot na nilalang sa daigdig. Singlungkot marahil ng


naririnig niya ngayong awit. Bagamat nangangaligkig pa sa ginaw ay pinilit bumangon
ng prinsipe. Madilim man at may nagbabantang bagyo ay kailangan na nilang ipagpatuloy
ang paglalakbay. Ngayong umaga niya binalak tawirin na ang dagat. Muli niyang
pinagmasdan ang dagat na iyon. Nalulula siya sa lawak nito. Ang mapayapang pintig
ng dibdib nito’y nagbabadya ng angkin nitong kalaliman. Subalit nakapagpasya na siya.
Hinila niya sa tulong ng kabaw ang tatlong araw niyang ginawang balsa mula sa
pagdadatig-datig ng malalaking sanga ng puno at pagbigkis nito ng baging. Nang
maiguyod nila ito sa dila ng dagat ay nilulan na nila ang kanilang mga gamit at pagkain,
lumulan na rin silang silang apat at iginaod ng prinsipe ang balsa. Hindi pa sila nakalalayo
ay siya namang pagbagsak ng ulan na tila nag-uunahang sibat ng langit. Nag-aalimpuyo
ang hangin at kumulong parang dugo ang kaninang payapang kadagatan. Isang haplit
ng malakas na hangin ay parang tuyong dahong tinangay pabalik sa dalampasigan ang
kanilang kalas-kalas at bali-baling balsa. Tumilapon silang parang mga ipa ng
binabayong bigas. Nalamog ang baon nilang mga prutas na binalot nila ng malong.
Sinaktan ng balakang ang kabaw. Nabali naman ang dulo ng mahabang buntot ng
manok. Namutla ang kayumangging aso. Halos mawalan ang tatlo ng malay-hayop.
Halos magkalasug-lasog naman ang buto ni Prinsipe Manawari. Napahandusay na
lamang siya at ang mga luha niya’y nagsumbong sa puting buhangin ng pasigan. Hindi
malaman ng tatlong hayop kung paano aaluin ang kanilang amo-kaibigan.
Maya-maya’y biglang nagtatakbo si Kalabawbibaw papunta sa loob ng gubat na
nasa tapat ng kadagatan. Pagbalik nito ay may dala-dalang halamang sili na binunot
kung saan. Pinagmasdan lamang ni Prinsipe Manawari kung ano ang ginagawa ng
hayop na tila baga nasiraan na ng ulo. Pinitas-pitas ng kabaw ang mapupulang sili at
isinubo ito nang sabay-sabay. Umusok ang tenga’t ilong ng kabaw sa sobrang anghang
at nagkulay bughaw ang katawan nito. Napatayo si Prinsipe Manawari. Nagpaikot-ikot
ang kabaw sa buhanginan na para bang nasusunog ang buong katawan. Maging ang
dalawang sungay nito ay umikot-ikot na parang ipoipo. Hindi malaman ng prinsipe ang
gagawin. Nakatunganga naman ang aso at manok sa di-pangkaraniwang nangyayari sa
kapwa-hayop. Bagamat nag-aalangan ay nilapitan ni Prinsipe Manawari si
Kalabawbibaw at hinimas-himas ang bughaw na katawan nito na tila dagat. Parang
nahimasmasan naman ang kabaw. Pero bigla na namang nagtatakbo ito at pumunta sa
dila ng dagat. Ikinaway nito ang buntot na tila niyayaya na ang mga kasama. Nagtataka
namang tumalima ang tatlo. Kinumbatan sila ni Kalabawbibaw na sumakay na sa likod
nito. Pinagbigyan naman nila ang napapraning na yatang hayop. Muli nilang inilulan sa
likod ng kabaw ang mga gamit at pagkain. Pagkalulan nilang tatlo ay lumusong na sa
tubig ang kabaw. Ang katawan nitong bughaw ay tila sumasanib sa dagat. Umiikot-ikot
din ang dal’wang sungay nito na para ngang uliuling humahalukay sa tubig. Hindi
makapaniwala si Prinsipe Manawari subalit tunay ngang umaandar na sila. Humaplit na
naman ang pagkalakas-lakas na hangin subalit hindi na nito kayang itaob ang mabigat
na katawan ng tabogol na hayop. Maging ang nangangalmot na higanteng alon ay hindi
ininda ng tila sinapiang kabaw. Tuloy ang kanilang paglalakbay, may bagyo man at ang
umaga’y nginangatngat ng dilim.
Muli ay narinig ni Prinsipe Manawari ang awit na iyon. Habang papalapit sila sa
pusod ng dagat ay mas lumilinaw at lumalakas ang tinig. Halos makakaisang palit na ng
162

buwan mula nang magsimula silang maglayag sa dagat na ito. Bumabagal na nga ang
andar ni Kalabawbibaw at bumabalik na sa dati ang kulay nito. Sa tagal nilang nawala
sa lupa ay saka nagkulay-lupa ang balat ng prinsipe. Humaba na ang kanyang buhok at
nang manalamin siya sa tubig ay hindi na niya nakilala pa ang sarili. Anino na lamang
siya ng dating matikas na prinsipe. Nakaramdam ng gutom ang prinsipe subalit ubos na
rin ang mga prutas na ipinabaon ng pinuno ng Tribu Maliputu. Nalagok na rin niya ang
huling patak ng tubig sa kanyang sisidlan. Nahiga ang prinsipe sa likod ng kalabaw at
nakikipagtitigan siya sa araw. Hindi lang humahalik ang araw sa dagat na ito kundi
nangangagat pa. Sa pakiwari ni Prinsipe Manawari ay tinutuya siya nito. Nagsimulang
manlabo ang paningin ng prinsipe at huli niyang namasdan ang araw na tila sumasayaw.
Tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.
Una niyang naramdamang sumayad ang tubig sa kanyang mga labi. Hirap ma’y
pilit niyang ibinuka nang bahagya ang namumutok na labi. Lumagos sa tuyot niyang
lalamunan ang malamig na tubig mula sa kabibe. Nang idilat niya ang mga mata’y wala
na ang nagsasayaw na araw. Ang bumati sa kanya’y isang maamong mukha ng may-ari
ng malabughaw na buhok na isinasayaw ng banayad na hanging amihan.
“Mabuti naman at nagkamalay ka na. Ako si Zephyra.”
“Prinsipe Manawari.” Habang nakikipagkilala’y ibinaling-baling ng prinsipe ang paningin
niya sa paligid. Nahulaan naman ng babae ang mga tanong na naglalaro sa kanyang
isipan.
“Narito kayo sa Pulo ng Maniwantiwan sa pusod ng kadagatan. Ang iyong mga kasama’y
sumakay sa kabayong dagat at gumala sa lalim. Tatlong araw ka na ring walang malay.”
Napansin ni Prinsipe Manawaring walang saplot ang dibdib ng babaeng
kinakakandungan niya. Siya ang bahagyang napahiya at tuloy napabangon.
“Huwag ka munang masyadong magkikilos at baka makasama sa iyo.”
“Hindi, kaya ko na…maraming salamat.”
Doon lang din muling namasdan ng prinsipe ang kanyang kausap. Ang maamong
mukha nito. Ang mga matang mutia. Ang mamasa-masang pilikmata. Ang manipis at
tikom na tikom na mga labi na tulad ng isang ayaw bumukang talaba. Ang napakahabang
buhok na mangasul-ngasul tulad ng dagat. Hindi sinasadyang muling napadako ang mga
mata ng prinsipe sa walang saplot na dibdib ng babae. Para itong maputlang mga ulo ng
sanggol na pugita. May biglang kumislot sa pagitan ng mga hita ng prinsipe. Hindi na
inalala ng prinsipe ang hiya at dagling dinukot niya ang kumikislot sa pagitan ng hita.
Halos mapisak sa palad niya ang may kalakihang isdang bolinao na nakapasok pala sa
kanyang karsunsilyo. Napangiti ang babae. Ngingiti na rin sana ang prinsipe nang
mapansin niya ang ibabang bahagi ng babae. Pagkakinis-kinis nito. Pagkakinis-kinis na
buntot ng isda!
“Ngayon ka lang ba nakakita ng tulad ko?”
Alanganin ang tango ni Prinsipe Manawari na waring hindi pa nakababawi sa
pagkakatigalgal. Hindi pala alamat lamang ang mga kuwento ni Merlin, naisip niya.
163

“Huwag kang magimbal,” pang-aalo ng sirena. “Ako man dati’y hindi naniniwalang may
taong katulad mo. Subalit hindi nga ba’t ganito talaga ang ating daigdig?”
“Ikaw yung naririnig naming umaawit?”
Tumango ang sirena.
“Kaylungkot naman ng iyong awit.”
“Dahil siguro’y iyon ang laman ng aking puso.”
At ikinuwento ni Zephyra kay Prinsipe Manawari ang dahilan ng kalungkutang iyon.
Hindi sinasadyang napaibig siya sa isang syokoy na may paa. Nagalit ang Bathala ng
Pag-ibig-Dagat sa pagsalangsang nila sa batas ng pagmamahalan sa kanilang daigdig.
Siya at ang kanyang banang si Ukuy-Ukuy ay ipinatapon sa Pulo nga ng Maniwantiwan
sa pusod ng dagat na iyon. Sila ang inatasang magtanod sa Dagat-Maniwantiwan.
Noong una’y napakapayapa at masaganang masagana ang yamang dagat. Ang
Maniwantiwan ang kanilang naging paraiso. Ang kanilang naging tanging kaligayahan
kapalit ng pagkakalayo sa kanilang mga kaanak at kaibigan. Dito na rin nagluwal si
Zephyra. Ang Paraiso’y tila naging Langit na nga yata sa pagdatal ng kanilang anak.
Hanggang sa isang araw ay may dumating na isang dambuhalang buwayang may
kambal na buntot. Pinangakuan sila nitong tutulungan sa pagtatanod ng kadagatan.
Noong una’y parang gayon nga subalit nang lumaon ay natuklasan nilang ninanakaw ng
buwaya ang yamang dagat at dinadala sa lupain sa kabilang dagat. Hindi nakapagpigil
si Ukuy-Ukuy nang matuklasan ang pananraydor ng buwaya. Sinugod nito ang dating
kaibigan at nagpambuno sila ng pitong araw at pitong gabi sa ibabaw at ilalim ng dagat.
Subalit hindi napantayan ni Ukuy-Ukuy ang lakas ng dambuhalang buwaya at warat-
warat ang katawang umilandang ito sa kung saan sa hampas ng kambal na buntot ng
buwaya. Hindi na natagpuan ni Zephyra ni bakas ng bangkay ng bana. Tinangay rin ng
buwaya ang sanggol nilang si Astra at mula noon ay hindi na nakita pa ni Zephyra ang
anak. Ang balita niya sa mga Isdang Alapaap ay ibinigay ito ng buwaya sa Kambal-Ulong
Higanteng Buwitreng Bumubuga ng Apoy. Marahil ay dalagita na ngayon ang kanyang
si Astra, naisp ni Zephyra at lalong kumirot ang kanyang puso. Hanggang ngayon ay
hindi pa rin tumitigil ang dambuhalang buwaya sa pananalasa ng yamang dagat.
Sumusulpot ito sa may Pulo ng Maniwantiwan tuwing kulay kahel ang buwan. At ngayong
gabi nga’y kulay kahel ang bilog na bilog na buwan sa likuran ng ulilang bahay na iyon
na yari sa kapis.
Samantala’y nakabalik na ang tatlong hayop na lulan ng Kabayong Dagat.
Tuwang-tuwa ang mga ito nang makitang may malay na ang prinsipe. Subalit saglit lang
ang kanilang kasiyahan. Mula sa likuran ng prinsipe ay may nabanaag silang parang
pahabang pulong papalapit. Ang dambuhalang buwayang may kambal na buntot!
Habang papalapit ito sa Pulo ng Maniwantiwan ay hinahampas-hampas nito ang kambal
na buntot sa tubig. Parang pagsabog ng dinamita ang nalilikhang ingay ng ihinahampas
na buntot. Sa bawat paghampas ay naglulutangan ang mga namamatay na isda na
karamihan ay maliliit pa at nababasag ang mga korales sa lalim. Biglang nag-init ang ulo
ni Prinsipe Manawari. Subalit alam naman niyang wala siyang magagawa. Ano nga ba
ang laban ng isang taong tulad niya sa buwayang ito na bukod sa dambuhala na, ang
buntot ay dalawa pa? Hinugot niya ang kanyang balaraw bagamat alam niyang wala
164

namang gamit ito. Kuminang ang talim ng balaraw sa tama ng kahel na buwan at
napansin iyon ng buwaya. Waring ang dambuhala naman ang uminit ang ulo pagkakita
kay Prinsipe Manawari. Pasugod na ang buwaya at handa nang manlapa. Si Prinsipe
Manawari’y tila handa namang mamatay. Mabuti na lamang at kahit tuluyan na niyang
nalimutan ang gintong sing-sing-ita ay naalala naman niya ang diumano’y Magik Sinturon
daw na handog ng mga taga-Tribu Maliputu. Ibinigkis ni Prinsipe Manawari ang Patola
Kaorayan sa kanyang noo. Dumagundong ang mga kulog at gumiyagis ang mga kidlat
sa kalangitan. May kung anong puwersang nanuot sa kalamnan at mga buto ng prinsipe
mula ulo pababa hanggang sa pinakadulo ng daliri sa paa. Nakaramdam siya ng tila ugat
ng higanteng punong nilalala sa kanyang mga himaymay. May tila bakal na pinapanday
sa unod ng kanyang buto. May kuryenteng dumuduro sa bawat pintig ng kanyang pulso.
At may biglang humiwang kidlat galing sa kanyang mabalasik na mga mata. Sumugod
na ang prinsipe at tila may bagwis ang kanyang mga paa. Nagpanagpo sila sa ere ng
dambuhalang buwaya at kaagad siyang hinalihaw ng kambal nitong buntot. Talsik ang
prinsipe sa dalampasigang pinanggalingan nila. Kinaon naman siya ng mga Isdang
Alapaap at inilipad pabalik sa Pulo ng Maniwantiwan. Nagpatuloy sa pakikihamok sa
buwaya si Prinsipe Manawari. Nadakma ng prinsipe Manawari ang buntot ng
dambuhalang buwaya at iwinasiwasiwas ito at ihinagis sa kabilang pangpang. Mabilis
namang nakalangoy pabalik ang buwaya at sinakmal ang prinsipe. Nakailag ang prinsipe
at nakalundag siya sa leeg ng buwaya. Nagpambuno silang dalawa. Minsa’y
napapailalim siya sa buwaya at minsan nama’y nakukubabawan niya ito. Minsang
mapadako sila sa pampang at magpagulong-gulong at kung minsan naman ay sa lalim
ng dagat at magpabali-baligtad. Kapwa ayaw magpatalo ng isa’t isa. Apatnapung araw
at apatnapung gabi na silang nagpapambuno subalit wala pa ring sumusuko. Walang
gustong sumuko. Subalit sa labanang tulad ng gayon ay kailangang may magwagi.
Hanggang sa parang tinatakasan na ng lakas ang dambuhalang buwaya at nakapag-ipon
naman ng panibago si Prinsipe Manawari. Itinikom niya nang mariin ang kamao at
lumagutok ang nagngangalit na buto. Isinalin ni Prinsipe Manawari ang lahat ng natitira
pa niyang lakas sa kanyang bisig at ibinuga ito sa dulo ng kamao. Dumapo sa maganit
na panga ng dambuhalang buwaya ang isang maliit na kamaong tila may lulang poot ng
isang bulkan. At ang dating mabalasik na dambuhalang buwaya ay naging hilong talilong
na walang masilungan. Nang matiyak na ang pagkagapi ng kalaban, sumisid si Prinsipe
Manawari sa lalim at kumuha ng mahabang baging-dagat. Iginapos ng prinsipe ang leeg
at unahang paa ng dambuhalang buwayang sa pagkakataong iyo’y hindi na makapalag
pa. Iniahon ng prinsipe sa pulo ang dambuhalang buwaya na laslas ang tiyan at
lalamunan. Bagamat punit-punit ang kasuotan ni Prinsipe Manawari, nagtamo lamang
ito ng kaunting gasgas sa braso. Hindi magkamayaw ang mga nakasaksi lalo na nang
putulin ni Prinsipe Manawari ang kambal na buntot ng dambuhalang buwaya at
iwagayway ito bilang tropeo ng napagtagumapayang labanan. Naging simbolo ang
kambal na buntot ng nangangakong kapayapaan sa dagat na iyon na hinahalikan ng
araw.
Walang paglagyan ang kasiyahan ni Zephyra. Bilang pasasalamat ay
hahandugan niya ng bagong bihis ang bayaning prinsipe kapalit ng napunit nitong
kasuotan. Pumutol siya ng bahagi ng kanyang mahabang buhok at humabi siya ng baluti
mula rito. Ang baluting ito na yari sa kanyang buhok at itinubog sa alat ng dagat ay hindi
tinatablan ng init o apoy. Kinuha rin ng sirena ang Magik Malong ng prinsipe at ang
165

laylayan nito ay sinulsihan ng palikpik ng Isdang Alapaap. Mula sa kung saan ay may
lumitaw na pagkalaki-laking gintong barko na nalululanan ng mga mutia at sarisaring
alahas. Inihandog niya ito sa prinsipe. Puwedeng turuan sa isip lamang ang barkong ito
at nakapaglalayag mag-isa. Nagpaalam na sina Prinsipe Manawari at nangako ang
prinsipe sa sirena na ibabalik niya ang dinukot na anak nitong si Astra. Bago sila
magpaalam ay ikinuwento ni Prinsipe Manawari ang tungkol sa mahiwagang dalagang
kanyang hinahanap. Ipinakita rin niya kay Zephyra ang mahiwagang panyong pag-ari ng
dalaga.
“Mosala…” Nausal ng sirena pagkakita sa panyo. Sinabi ng sirena na ang Mosala ay
hinahabi lamang ng pitong magkakapatid na Haori. Ang mga diwatang ito ay bumababa
lamang sa Talon ng Tinago para maligo tuwing bughaw ang buwan. Itinuro ng sirena sa
prinsipe kung saan matatagpuan ang Talon ng Tinago. Magbubukangliwayway at
nagpaalam na sina Prinsipe Manawari, lulan ng lumilipad na ngayong Magik Malong.
Inutusan naman ng prinsipe ang napakalaking barko puno ng mahahalagang hiyas na
pumasok muna sa isang malaking yungib sa may pangpang. Mula sa itaas ay tanaw nila
ang kumukutitap na ngiti ni Zephyra at bagamat may sumusungaw pang lungkot sa mata
dala ng pag-aasam sa anak, umaasa silang hindi na nila muling maririnig na ganoon
kalungkot ang awit na dala ng banayad na hanging amihan.
V. Mga Amoy at Panimdim
Nanghuhuli ang tatlong hayop ng mga tutubing asul ang katawan, pula ang buntot,
dilaw ang ulo at itim ang pakpak. Nakadapa sa isang malaking bato sa gitna ng dibdib ng
talon si Prinsipe Manawari at pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa walang kulay
na tubig. Makalabingwalong araw bago nila matagpuan ang Talon ng Tinago. Naliligiran
ito ng mga bundok na perpekto ang paltok. Ikawalong araw at ikapitong gabi na nila sa
talon subalit hindi pa rin sumusungaw ang bughaw na buwan. Isang tutubi ang dumapo
sa tubig sa gitna ng repleksyon ng buwang tinititigan ni Prinsipe Manawari. Nilundag ito
ni Kalabawbibaw at nabasag ang repleksyon ng buwan sa tubig. Nakaramdam ng
bahagyang pagkainis ang prinsipe subalit hindi niya inialis ang paningin sa tubig. Nang
makaahon si Kalabawbibaw, dakma ang bakas ng nakaalpas ding tutubi ay unti-unting
nabuong muli ang nabuak na repleksyon ng buwan. Waring nakasilip si Prinsipe
Manawari sa isang kaleidoscope. Sa paghupa ng dibdib ng walang kulay na tubig ay
tumingkad ang bagong hilamos na bughaw na buwan. Napabalikwas ang prinsipe at
tiningala kung hindi lamang siya pinaglalaruan ng tubig o ng kanyang paningin. At
naroroon nga’t nakatalalan sa papawirin ang pagkalaki-laki at bilog na bilog na bughaw
na buwan.
Natigil sa panghahabol ng tutubi ang tatlong hayop. Nagsiksik ang mga ito sa
likuran ni Prinsipe Manawari. May naamoy silang kakaibang sangsang. Mistulang
halimuyak ng nabubulok na mga bulaklak. Umalulong ang tisikong aso at ihinilig ang
mukha nito sa braso ng Prinsipe. Nahulaan naman ng prinsipe ang nais ipagawa nito.
Umukit siya ng kaunting muta at ipinahid sa mga mata. Ipinikit-pikit niya ito hanggang sa
luminaw ang kanyang paningin at napatda sa kanyang nasaksihan. Mula sa bughaw na
buwan ay may bumababang pitong babaeng nakalutang sa hangin. Ito na siguro ang
magkakapatid na Haori, naisip ng prinsipe. Walang saplot ang mangasul-ngasul nitong
kabuuan maliban sa umaalimbukay na mahabang buhok na panaka-nakang tumatabing
166

sa maseselang bahagi ng mga katawan nito. Asul din ang mga pakpak nitong tulad ng
sa tutubi. Iisa halos ang itsura ng pito. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa uri at disenyo
ng mga bulaklak na nakaputong sa ulo. Habang papalapag ang pitong diwata sa walang
kulay na tubig, ay lalong sumisigid ang halimuyak ng tila nabubulok na mga bulaklak.
Natitiyak ng prinsipeng galing sa mga diwata ang di-kanais-nais na amoy na iyon.
Nagtago sila sa likod ng isang malaking bato at pinagmasdan ang naliligo na ngayong
magkakapatid. Sa bawat paglulunoy ay kumukupas ang pangangasul ng katawan ng
mga ito at humahawa sa kanina’y walang kulay na tubig. Sa bawat paglulunoy rin ay
naiibsan ang sangsang na nalalanghap nina Prinsipe Manawari. Ilang sandali pa’y
umahon na ang pitong magkakapatid na Haori at kumikinang na ngayon ang kanilang
kabuuan dahil sa busilak na kaputian. Ang Talon ng Tinago naman na kanilang
pinagliguan na kanina’y walang kulay ay nagkulay-bughaw. Naglaho na rin ang
masamang amoy sa paligid at nahalinhan ito ng halimuyak ng kabubukang mga bulaklak.
Naghanda na sa muling paglipad ang mga diwata kaya napilitan si Prinsipe
Manawaring lumabas na sa kinatataguan. Nagulat ang mga diwata pagkakita sa kanya
subalit saglit lang din dahil napansin nila ang panyong Mosala na iwinawagayway ng
prinsipe. Isinalaysay ng prinsipe ang kuwento sa likod ng panyong iyon at humingi ng
tulong kung paano niya matatagpuan kung sino man ang may ari ng Mosala. Sinabi ng
panganay na diwata na sila nga ang humabi ng panyong iyon at hinandog nila iyon sa
isang sanggol na babaeng pinuspos sa talon ding ito, labingwalong bughaw na buwan na
ang nakararaan. Ang sanggol na iyon ay anak nina Datu Puti at Ba’i Anko ng Pulo ng
Laguindingan, ayon naman sa bunsong diwata. Itinuro din ng mga diwata kung saan
matatagpuan ang Pulo ng Laguindingan. Malapit lamang daw ito sa Talon ng Tinago at
tatlong bundok na lang ang kanilang tatawirin. Ito lamang ang tanging pulo sa daigdig na
sinisikatan at nilulubugan ng araw. Lubos na nagpasalamat si Prinsipe Manawari at
nagpaalam na rin ang magkakapatid na Haori. Lumipad na ang mga ito pailanlang sa
bughaw na buwan at maya-maya pa’y ang bughaw na buwan ay bumalik na sa dati nitong
kulay. Sabik na sabik naman si Prinsipe Manawari sa nakuhang balita at hindi na niya
nagawang makatulog pa. Iyon ding sandaling iyon ay naglakbay na sila sakay ng Magik
Malong patungo sa Pulo ng Laguindingan, ang tanging pulong sinisikatan at nilulubugan
ng araw. Ang pulong tahanan ng kanyang mahiwagang dalaga.
Hindi pa man lumalapag ang Magik Malong ay napansin na ni Prinsipe Manawari
ang kaibang simoy ng hangin. Amoy patay na daga ang paligid at tila naninikit ito sa
kanyang ilong. Lumapag sina Prinsipe Manawari sa isang burol na tanaw ang isang pulo.
Payapa ang kadagatang nakapalibot dito. Paputok pa lamang ang araw sa silangan. Ang
gintong silahis nito’y unang humalik at tuluyan nang yumakap sa naturang pulo. Isa na
lamang ang dapat tiyakin ng prinsipe. Dito rin ba lulubog ang Haring Araw? Ito na ba
ang Pulo ng Laguindingan? Pinasya ng prinsipeng magpalipas doon ng maghapon
upang matiyak kung doon nga rin lulubog ang araw. Lumipad ang isip niya sa iniwang
kaharian. Sa mga mahal sa buhay na natitiyak nang nag-aalala ngayon. Sa Amang
Haring Bacocos at Inang Reynang Bicuda. Sa kanyang iniwan at pinagtaksilang kabiyak.
Ayaw niyang isipin kung paano pinapatay ang mga ito ng panghuhula sa kanyang biglang
pagkawala. Tanging sila ni Merlin ang nakaaalam ng hibang niyang paglalakbay. At muli
siyang nakadama ng matinding panimdim. Nang mapagod ang isipa’y ipinasya muna
niyang humimbing. Itinalukbong niya ang malong upang huwag malanghap ang
167

masangsang na amoy na sa wari niya’y nanggagaling sa pulong iyon. Dala na rin ng


puyat at pagod ay madali siyang nakatulog. Sa panaginip ay dinalaw siya ng kanyang
pangarap. Siya at ang mahiwagang dalaga sa isang planetang di niya mawawaan. Sa
iba’t ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Minsa’y sa sepiang sapa at sila’y mga palaka.
Minsa’y sa lilac na layak at sila’y mga bayawak. Kung hindi nama’y sa pulang parang at
sila’y mga balang. Sa iba’t ibang dako at iba’t ibang kaanyuan. Ngunit iisang damdamin.
Iisang pintig ng pagniniig. At sa lahat ng dako at kaanyuang iyon ay siya ang bihasa.
Siya ang Guro. Siya ang Lalaki. Mga palaka sila ngunit ililipad niya sa langit ang kaniig.
Mga bayawak sila ngunit mapapakokak sa lualhati ang kanyang minimithi. Mga balang
sila ngunit magpipingkian ang malalamig nilang pusod at kuyukot. Sa lahat ng dako at
iba’t ibang kaanyuan. Laging julio at tag-ulan. Laging tag-ulan ng ligaya. Subalit
matapos ang pagniniig ay madudurog sa paanan nila ang mga luha. Mabubulok ang mga
balat nila’t laman at mangangamoy patay na daga. Babalutin sila ng itim na panindim.
Ang mahiwagang dalaga’y huhulagpos na parang usok. Pipigilin niya ito subalit mabibigo
siya. Tatastasin niya ang laylayan ng malong at itatali niya ang sarili at ang dalaga.
Subalit makatatakas pa rin ito. Subalit mangangako itong babalik kapag siya, ang Guro
at ang Lalaki ay maalam nang makipagtalik tulad ng isang tao. At siya’y mangangako
rin.
Hindi niya ikukuwento sa alimbyuging manok ang panaginip.
Mataas pa rin ang araw nang magising si Prinsipe Manawari. Muli niyang
minasdan ang pinaghihinalaang Pulo ng Laguindingan. Mula sa burol na kinatatyuan ay
mistula itong tumpok ng putik. Wala siyang maaninaw ni isang punong nakatindig. Kaya
rin siguro ganito na lamang kasangsang ang hanging nagmumula rito. Nakaramdam siya
ng kalungkutan at panghihinayang para sa pulong ito.
Humapon ang alimbyuging manok sa sanga ng punong kinahihiligan ni Prinsipe
Manawari. Mahaba at malamlam ang anino ng tumitilaok na manok. Palubog na ang
araw. Lumakad sa dalisdis ng burol si Prinsipe Manawari. Doo’y tanaw na niya ang kahel
na araw na lumulubog sa dagat sa likod ng pulo. Walang ingay at kalatis ang paglubog
nito. Bago magpaalam ang mga silahis nito’y nagbahid muna ng sari-saring kulay sa
ulap. Tila ito isang pinsel sa maingat na kamay ng isang dibuhista. Magkahalong tuwa
at lungkot ang idinulot ng pamamaalam na iyon ng araw sa puso ni Prinsipe Manawari.
Ito na ang wakas ng kanyang paghahanap subalit simula rin nga kaya ng kinatatakutang
panimdim? Bukas ng umaga niya binalak harapin ang kasagutan.
Humahangos papasok sa torogan ni Datu Puti ang kakamot-kamot na bantay.
“Mahal na Datu! Mahal na Datu! May dayuhan sa labas at dala-dala ang Mosala ni
Prinsesa Ganda!”
Napabalikwas sa pagkakahiga ang nanghihinang si Datu Puti. Inutusan nito ang
bantay na papasukin ang dayuhan. Kagyat namang tumalima ang inutusan. Naiwan sa
labas ng torogan ang tatlong hayop. Hinubad ni Prinsipe Manawari ang kanyang sapin
at sumunod na pumasok sa torogan ng datu. Sinalubong siya ng matinding amoy at
muntik na siyang maduwal. Inabutan ng prinsipe ang datu na tumatayo mula sa higaan
at umupo sa maharlikang trono nito. May bigla siyang naalala pagkakita sa datu subalit
hindi lang niya mapagwari kung sino. Maputlang-maputla ang datu at tadtad ng sugat
168

ang mukha nito’t mga braso. Mga sugat na inaagusan ng tila-dagtang natitiyak na ngayon
ng prinsipe na pinanggagalingan ng masangsang na amoy.
“Isang malugod na umaga po, Datu Puti.” Pagpupugay ni Prinsipe Manawari.
“Ihayag mo binata, kung sino ka? Saang kaharian ka nagmula at ano ang iyong pakay?”
Bagamat hirap ay pinilit magsalita ang datu.
“Nagpupugay po sa inyo si Prinsipe Manawari ng Kaharian ng Hansen. Nilakbay po
namin ang ilang bundok at kadagatan sa pagbabakasakaling matagpuan namin ang may-
ari ng Mosalang ito.” Pagpapakilala ng prinsipe kasabay ng pag-aabot sa datu ng
mahiwagang panyo. Lumiwanag ang mukha ng datu nang mamasdan ang Mosalang
inabot ng prinsipe subalit bigla uli itong lumamlam nang may sumagi sa isipan nitong
nagdulot ng matinding pag-aalala.
“Ganda...” Pabulong na nausal ng datu sa sarili. Subalit pabulong man iyon ay nahagip
ng pandinig ni Prinsipe Manawari.
“G-Ganda?”
“Ang kaisa-isa naming anak. Ang kaisa-isa naming anak na babae.”
Sumasal ang tibok ng dibdib ni Prinsipe Manawari. Ganda. Ngayo’y may ngalan na ang
mahiwagang dalaga. Ganda. Kaytamis nito sa kanyang pandinig. Kaytamis nito sa
kanyang damdamin. Nais na niyang tapusin ang pananabik.
“Kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Datu. Maari ko po bang masilayan ang inyong
anak?”
Hindi umimik si Datu Puti at wari’y nilunod na ito ng nadaramang kalungkutan.
“Kung nalalaman n’yo po lamang ang aking nilakbay. Hindi n’yo po ipagkakait sa a…”
“Wala siya rito.” Putol ng datu sa nag-aatubiling prinsipe.
Para namang nabagsakan ng bundok si Prinsipe Manawari sa narinig. Nagmamakaawa
ang mga mata nitong nagtatanong.
“Pinatakas namin siya sa Laguindingan mula nang lumaganap ang mahiwagang sakit na
ito. Lulan siya ng Rinamentaw Mapalaw.”
“Rinamentaw Mapa…”
“Rinamentaw Mapalaw. Ang mahikal na barko ng pulo.”
“Ang dambuhalang barkong may kakaibang aroma?”
Tumango ang datu. Ito naman ang naging interesado.
“Alam mo kung nasaan ang barkong iyon? Alam mo kung nasaan ang aking anak? Ang
mahal naming Ganda?” Sunud-sunod na tanong ng datung nalipos ng pananabik.
“Abot-tanaw ko lamang siya. Abot-tanaw at…at…biglang nawala.” Usal ng prinsipe na
para bang nangangarap.
169

“Nawala?”
“Nagsasayaw siya. Walang sapin. Ang buhok. Ang mata…”
“Nagsasayaw?”
“Nagsasayaw at biglang nawala. Ganda pala ang ngalan niya…”
“Nagsasayaw. Nawala. Nasaan siya? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala?”
“Parang awa n’yo na po Mahal na Datu. Gusto ko pong masilayan si Ganda. Nasaan po
ang inyong anak?”
“Hindi ka ba nakikinig, binata? Wala rito si Ganda. Ikaw kamo ang nakakita sa kanya.
Saan mo siya nakita? Bakit nasa iyo ang kanyang Mosala?
“Ang Mosala. Oo, ang Mosala. Ito lamang ang iniwan niyang alaala nang sumulpot siya
at biglang maglaho matapos sumayaw sa aming kaharian.”
“Kung ganoo’y hindi mo rin alam kung nasaan si Prinsesa Ganda?”
Marahang tumango ang prinsipe.
“Mabuti pa’y magpahinga ka muna at mukhang malayo ang iyong nilakbay. Mamaya
natin ipagpatuloy ang pag-uusap.”
“Babalik pa po ba si Prinsesa Ganda? Magkikita po ba kami?”
“Ang Rinamentaw Mapalaw lamang ang makapagpapasya no’n. Binilinan ko ito na ibalik
lamang sa Pulo ng Laguindingan ang prinsesa kapag wala na ang pesteng sakit na ito.”
“Hahanapin ko po ang inyong anak. Ituro n’yo po kung saan ko siya matatagpuan.”
Umiling-iling si Datu Puti.
“Mas makabubuting magpahinga ka muna, binata.”
Tumayo nang muli ang datu sa kinauupuan at inot-inot itong bumalik sa higaan. Tila
lalong nakaragdag sa karamdaman nito ang balitang dala ng dayuhang prinsipe. Wala
namang nagawa si Prinsipe Manawari kundi sumama na sa nagkakakalkal na ngayong
bantay at lumabas ng torogan. Paglabas niya’y naroon ang tatlong hayop na kaibigan.
Matapat na naghihintay kay Prinsipe Manawari. Sa prinsipeng sa tindi ng panimdim ay
tila isang saranggolang sumabit sa matutulis na sanga.
VI. Tatlong Haragan, Isang Sugatan
Dati’y mistulang Paraiso ang Pulo ng Laguindingan. Kung tatanawin sa malayo
ay para itong sariwang cauliflower na nakalutang sa sariwa ring tubig. Malulusog ang
nasasakupan ni Datu Puti. Malalakas ang mga kawal nito na laging handang magtanggol
sa kaaway ng pulo. Namumutiktik sa ginto ang lupain. Ang mga kababaihan, sa
pangunguna ni Ba’i Anko ay matagumpay sa pagtatanim at pagpapalago ng mga bulaklak
at halamang-gamot. Naging matagumpay rin ang mga kalalakihan sa pangangasawa.
Napakabilis lumawak ng kanilang nasasakupan. Nag-uumapaw ang kanilang yaman at
wala silang paglagyan ng kaligayahan. Para ngang wala nang katupasan ang lahat.
170

Hanggang sa dumating ang Tatlong Maputlang Haragan. Una’y isa-isang sinubok ng


tatlo na paibigin ang kaisa-isang anak na babae ng Datu at ng Ba’i. Subalit dahil sa
magagaspang na ugali nito’y walang mapusuan sa mga ito si Prinsesa Ganda. Subalit
hindi naman talaga ang prinsesa lamang ang pakay ng Tatlong Haragan. Higit, ay ang
birheng kagubatan ng Pulo ng Laguindingan at ang mga ginto nito ang puntirya ng tatlo.
Nang hindi sila umubra sa prinsesa, ang datu ang kanilang dinigahan. Simula’y pinuri
nila ang datu sa angking kayamanan at kapangyarihan. Matapos ay unti-unting tinuya.
Bakit daw Datu Puti ang tawag dito samantalang kulay ebak naman ang balat? May alam
daw ang mga itong pampaputi. Dagta ng puno. Ito raw ang ginagamit nila para pumuti.
Sa madaling salita’y nauto nila ang datu. Na sa katotohanan, ay kaya naman mapuputi
ang tatlo ay galing ito sa lupaing laging nakalubog ang araw. Nagpagawa ang datu ng
isang napakalaking hukay at pinapuno iyon ng dagta ng mga puno. Samantala’y ang
mga pinuputol na punong pinangangasiwaan ng Tatlong Haragan ay kinukulimbat ng
mga ito at dinadala sa kanilang lupain. Sabay sa pagkapuno ng dagta ng napakalaking
hukay ang pagkaubos ng puno sa kagubatan ng Pulo ng Laguindingan. Ipinag-utos
naman ni Datu Puti na lahat ng kanyang nasasakupan ay kailangang maglunoy sa “Ilog
ng Dagta” sa pangunguna niya upang ang lahat ng tao sa pulo ay mangagsiputian. Dito
hindi nagkasundo si Datu Puti at Ba’i Anko. Hindi ito pumayag maglunoy sa dagta at
maging si Prinsesa Ganda ay hindi nito hinayaang pumuti. Itinakas ni Ba’i Anko ang
kaisa-isang anak na babae palayo sa tila inaalihan ng Yawang bana. Noong una’y natikis
ni Datu Puti ang mag-ina lalo na nang umani sila ng papuri sa mga dayuhang napapadpad
sa Pulo ng Laguindingan pagkakita sa kanilang malalabanos na kutis. Subalit sandali
lamang ang kaligayahang iyon. Unti-unti, ang kanilang mapuputing kutis ay nagkabitak-
bitak dahil sa hindi na masalang sikat ng araw. Ang bitak ay naging nakangangang sugat
na nilalabasan ng tila kinakalawang na dagtang pinanggalingan ng malansang amoy. Ito
raw ang huling ganti ng mga naghingalong punungkahoy. Maging ang lupain ng pulo ay
nagmistulang kayumangging disyerto ng kahungkagan. Wala na ni isang punong tumubo
pa, maliban sa Binansot na Baliteng may kahel na dahon na handog ng mga anito kay
Datu Puti noong ito’y puspusin. Halos maubos ang kayamanan ng Laguindingan sa
pagtuklas ng lunas sa misteryosong sakit na lumaganap, hindi lamang sa lahat ng tao
kundi sa buong lupain. Isang malagim na sumpa ng kalikasan! Ang Tatlong Haragan
naman na nagsimula ng lagim na ito ay bigla na lamang naglaho sa pulo. Huli man, ay
nagawa pa ring magsisi ni Datu Puti. Kagyat niyang pinahanap ang mag-ina subalit si
Prinsesa Ganda na lamang ang naiuwi ng Rinamentaw Mapalaw. Namatay sa labis na
pagdadalamhati ang Ba’i Anko. Sakmal man ng matinding pangungulila sa mga mahal
sa buhay ay tiniis ni Datu Puting huwag nang patungtungin si Prinsesa Ganda sa pulo at
inatasan nga nito ang mahiwagang barko na itakas muna pansamantala ang prinsesa
hanggang hindi humuhupa ang sakit. Ang prinsesa na lamang ang natitirang yaman ng
datu. Maging ang magigiting na anak ng Laguindingan ay hindi na nakabalik matapos
hanapin ang Ibong Aninipot na ang awit ay pinaniniwalaang makapaghihilom sa
Laguindingan.
Matapos magsalaysay ng kakamot-kamot na bantay ay saka pa lamang nito
napunang tulog na ang kainuman. Halos maubos ni Prinsipe Manawari ang tatlong
buhong kawayan ng basi. Subalit ang katawan lamang ng prinsipe ang sumuko.
Nakaukit sa isipan niya ang kaliit-liitang detalye ng kuwento ng nangangating bantay.
171

Kinaumagahan ay muling nakipagharap si Prinsipe Manawari kay Datu Puti.


Ihinayag din niya ang banal na pakay kay Prinsesa Ganda. Wala namang pagtutol sa
parte ng datu maliban sa kailangang sumunod ni Prinsipe Manawari sa kostumbre ng
pulo. Kailangang matugunan ng prinsipe ang doteng hihingin ng pangkalahatang datu at
ng iba pang pinuno ng Laguindingan. Una nilang hiningi ang labindalawang libong alipin.
Ang isang pinuno’y humingi ng pitong baul ng mamahaling hiyas. Naalala ni Prinsipe
Manawari ang gintong barkong handog ni Zephyra na punung-puno ng mamahaling
hiyas. Sa pamamagitan ng kanyang isip ay nagawang utusan ng prinsipe ang turuang
barko na maglayag papunta sa Pulo ng Laguindingan. Anong mangha’t anong tuwa ng
buong kapuluan nang makita ang paparating na gintong barkong may lulang mamahaling
hiyas. Ang isang pinunong may pagtingin kay Prinsesa Ganda ay humiling sa prinsipe
ng isang imposibleng bagay. Hiniling nitong patumbalikin ang agos ng tubig sa ilog.
Binalaan ng prinsipeng maaring hindi maging maganda ang resulta nito kung
magkakagayon man. Subalit mapilit ang kanyang karibal sa paniniwalang hindi dapat
matugunan ng prinsipe ang dote para hindi mapasakamay nito ang hinahangad din nitong
prinsesa. Walang nagawa si Prinsipe Manawari kundi pagbigyan ang hiling ng pinunong
karibal. Hiningi niya ang tulong ni Kalabawbibaw para maisagawa ang pagpapatumbalik
sa agos ng tubig sa ilog. Tumalima naman ang kaibigang hayop at lumulon ito ng
sampung kaing na sili. Matapos ay pumuwesto ito sa gitna ng Ilog-Agko at sa
pamamagitan ng mga sungay na nag-alimpuyong parang ipo-ipo’y napatumbalik nito ang
agos sa ilog. Subalit dahil sa sobrang anghang ng sampung kaing na siling nakain,
bumilis ng sampung ulit ang pag-ikot ng sungay nito na lumikha din ng sampung
higanteng ipo-ipo. Ang mga bahay sa Laguindingan ay natangay. Kung hindi pa
nagmakaawa ang hambugerong pinunong humiling ng imposible ay hindi patitigilin ni
Prinsipe Manawari ang kabaw. Ang babaeng pinuno naman ay humiling ng 7,100
Makahiyang hindi nakatiklop ang dahon. Ang isa’y humiling ng 50 kalapating mula sa
langit. Ang isa nama’y sarikulay na tela bilang pamalit sa mga dahon ng puno. Hiningi
naman ng batang-batang pinuno ang Patola Kaorayan ng prinsipe. Sinabi ng prinsipeng
humiling na lamang ng iba dahil hindi niya maaring ibigay sa iba ang anumang bagay na
handog lamang din sa kanya. Subalit mapilit ang batang pinuno. Hinablot nito ang Magik
Sinturon na nakabigkis sa noo ng prinsipe at dagling ibinigkis sa sarili nitong noo. Maya-
maya’y dumaing ang batang pinuno na masakit ang kanyang ulo. Nataranta ang lahat
nang makitang naging sawa ang sinturon at nilingkis ang ulo ng batang pinuno. Humigpit
nang humigpit ang pagkakalingkis hanggang sa para nang mapipisak ang ulo ng bata.
Nagngangangawa itong nagpasaklolo kay Prinsipe Manawari at dagli namang hinaltak
ng prinsipe ang nakalingkis na sawang bigla namang bumalik sa pagiging sinturon sa
kamay ng may-aring prinsipe. Matapos ang mga ito’y tila ayaw nang humiling ng iba pa.
Pinalabas muna ni Datu Puti sa torogan si Prinsipe Manawari at pinulong ang kanyang
mga pinuno. Nagkaroon ng mainitang pagtatato sa loob ng torogan. Panaka-naka’y
nakaririnig si Prinsipe Manawari ng mga sigawan. Sa bandang huli’y nangibabaw na ang
malakas at matatag na tinig ni Datu Puti. Maya-maya’y lumabas na sa torogan ang mga
pinunong sambakol ang mukha. Naiwan sa torogan si Datu Puti. Pinapasok si Prinsipe
manawari sa torogan at sila na lamang ng tiim-bagang na datu ang magkaharap sa loob.
“Buhay at kasaysayan ang pinuhunan namin sa lupaing ito, Prinsipe Manawari. Itinatag
namin ito sa giya ng aming mga kostumbre’t paniniwala. Subalit higit, sa pananalig.”
172

Bagama’t natatalinghagaan ang prinsipe’y mataman siyang nakinig sa datu.


“Masdan mo ang buong kapuluan. Ni anino ng naglahong paraiso’y hindi mo na
mababakas. Ako na ang nagpasya. Mahihiling namin sa iyo ang kahit ano kapalit ni
Prinsesa Ganda. Mga kahilingang alam naming hindi mo lahat matutupad. Ngayo’y
handa akong salangsangin ang aming kaugalian.”
Hindi malaman ng prinsipe kung matutuwa o matatakot sa naririnig. Bakas na bakas niya
ang katiiman ng mga katagang iyon sa matatag na panga ng datu.
“Kalimutan mo na lahat ang mga hiningi naming dote. Maging ang gintong barko ng
mamahaling hiyas ay ibabalik ko na sa iyo. Ano pa nga ba ang halaga noon sa amin o
sa layaw ng aming katawan kung maging ang sarili naming balat ay amin nang
ikinahihiya?”
Humugot ng isang malalim na hininga si Datu Puti at tumitig nang diretso sa mga mata ni
Prinsipe Manawari.
“Isa lang ang hihilingin ko sa iyo, Prinsipe Manawari…” Hindi na tinig iyon ng isang nag-
uutos o humihiling, kundi higit, ng isang nagmamakaawa. “Dalhin mo sa amin ang
Mahiwagang Ibong Aninipot.”
Nang mapansing parang natigilan ang prinsipe’y idinagdag pa nitong:
“Maging ang buong Lupain ng Laguindinga’y ipagkakaloob ko sa iyo. Iligtas mo lamang
ang aking nasasakupan. Iligtas mo lamang kami.”
Hindi malaman ni Prinsipe Manawari kung anong damdamin ang dapat niyang
maramdaman. Basta’t ang alam niya’y nilulunod ng nangingilid na luha ng datu ang
kanyang kaluluwa. Sinasakal siya ng nag-iigting na litid sa leeg ng pinuno. Niyayanig
ang kanyang buong pagkatao ng gumagaralgal na tinig ni Datu Puti. Nagawa rin niyang
maisatinig ang kanyang agam-agam.
“Kung kaya ko nga lang po, Mahal na Datu.”
Hindi inaalis ng datu ang pagkakatitig sa mga mata ng prinsipe.
“Noong una’y naniniwala kaming sa lupaing ito rin manggagaling ang aming katubusan.
Subalit naubos na yatang lahat ang aming mga anak ay wala pa kaming pag-asang
matanaw. Ni isa sa mga naghanap sa Mahiwagang Ibon ay walang nakabalik. Ngayo’y
narito ka na bagamat isang dayuhan ay…”
“Subalit hindi ko po maipangangako ang inyong hinihiling.”
“Hindi mo kailangang mangako. Ang mahalaga’y ang pagpayag mo sa nag-iisa naming
kahilingan.”
“Kung ganoon po’y pumapayag na ako. Kung ito ang paraan para mapatunayan ko ang
dalisay kong pag-ibig kay Prinsesa Ganda, nakahanda akong makipagsapalaran sa
pagdakip sa Ibong Aninipot. Para ito sa inyong anak, Mahal na Datu. Para sa inyong
anak.”
Napayakap ang datu sa prinsipe at tinapik-tapik nito ang likuran niya.
173

“At para sa Laguindingan, anak…Para sa Laguindingan.”


Bago muling maglakbay sina Prinsipe Manawari para hanapin ang Mahiwagang
Ibong Aninipot ay muling ipinatawag ng datu ang prinsipe sa torogan nito. Ipinabaon ng
datu sa prinsipe ang Binansot na Baliteng may kahel na mga dahon. Binilinan ni Datu
Puti si Prinsipe Manawari na kailangang makabalik ito sa Pulo ng Laguindingan bago
malagas lahat ang dahon ng balite. Muli’y namasdan ng prinsipe ang mga sugat sa balat
ng mahinang-mahina nang datu. Subalit may mas higit siyang sugat na naaaninaw sa
malalamlam nitong mga mata.
Ang mundo ay isang komedya sa mga nag-iisip, trahedya sa mga dumaram
VII. Ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasa
Nakatulungkot si Prinsipe Manawari sa ilalim ng Puno ng Bayabas.
Pinagmamasdan niya ang Binansot na Balite. Isang kahel na dahon na naman ang
nalagas dito. Papaikli na nang papaikli ang taning niya at hindi pa niya natatagpuan ang
Ibong Aninipot. Ni wala nga siyang ideya kung saang lupalop ng daigdig ito humahapon.
Noon lang din niya muling napansin ang gintong singsing-itang ibinigay ng Diwata ng
Kagubatan. Kailanma’y hindi pa niya ito napakikinabangan. Gusto na niyang maniwalang
biniro lang talaga siya ng diwata. Ni minsa’y hindi naman niya ito nakitang nakapulupot
sa kanyang palasingsingan. Ngayon nga, katulad ng lumipas na ilang mga araw, ay sa
hintuturo niya ito laging nakapulupot. Napangalumbaba ang prinsipe at naibulong niyang
sana’y kahit maituro man lang nito kung saan matatagpuan ang Mahiwagang Ibon.
Pagkausal nito’y biglang kumalawa ang gintong singsing-ita sa kanyang hintuturo.
Nalaglag ito sa lupa at biglang naging isang dambuhalang sawa.
“Ano ang maari kong ituro sa inyo, Mahal na Prinsipe.”
Matapos ang lahat ng naging karanasan sa paglalakbay at samu’t saring nasaksihang
kababalaghan, hindi na nagugulat pa ang prinsipe.
“Ituro mo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Mahiwagang Ibong Aninipot.”
“Madali po iyon. Humahapon po ito sa Punong Aninipot.”
“Saan ko naman matatagpuan ang Puno ng Aninipot?”
“Naisin ko man, ay tunay ngang hindi ko alam. Subalit maari kong ituro sa inyo kung sino
ang maaring makapagturo sa inyo ng inyong hinahanap.”
“Kung ganoo’y sino ang makapagtuturo sa akin?”
“Ang Prinsesang Nakaupo sa Tasa.”
“Nakaupo saan?”
“Sa Tasa po, Mahal na Prinsipe.”
“T-tasa…?” Bagamat nalilito’y nagpatuloy ang prinsipe. “Saan ko matatagpuan ang
prinsesang sinasabi mo?”
“Matatagpuan n’yo siya sa Hinulugang Taktak.”
174

“Hinulugang Taktak?”
“Doon po sumasangguni ang lahat ng tao sa lahat ng panahon tungkol sa anumang
problemang hindi nila madesisyunan o masolusyunan.”
“Paano ako makararating sa Hinulugang Taktak?
“Pumikit po kayo, Mahal na Prinsipe.”
Sumunod naman si Prinsipe Manawari ngunit dagli din itong dumilat. Itatanong
dapat niyang” O, Ngayon?” nang mapansing nasa ibang lugar na siya. Nasa isang maliit
siyang tila pulo na napapaikutan ng di-kataasang talon. Nadilatan ni Prinsipe Manawari
ang mga taong nakapila na iba’t iba ang kasuotan at paraan ng pananalita. Ang pila’y
nagwawakas sa harap ng isang parang dalagitang, parang batang, di lang niya matiyak.
Nakaupo ito sa gilid ng isang malaking tasa. Sa magkabilang tagliran nito ay may
nakatayong dalawang tanod na mukhang uod. Nakipila si Prinsipe Manawari. Ito na
siguro ang Munting Prinsesang Nakaupo sa Tasang sinasabi ng gintong singsing-itang
naging higante ngang sawa. Sa harap ngayon ng prinsesa’y may dalawang babaeng may
dalang isang sanggol. Kunot ang noo ng prinsesang sa malapitan pala ay pakiwari ni
Prinsipe Manawari ay mukhang lolang katatapos lang magnganga.
“Ano ang inyong problema?”
“Ang akin pong sanggol ay gusto niyang agawin.” Anang nasa kaliwa.
“Subalit Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito’y ako ang nagluwal.” Anang nasa kanan.
“Sino ba talaga ang ina ng sanggol na ito?”
“Ako po.” Anang dalawa.
“Hindi puwede ang sinungaling dito. Alam n’yo ang kaparusahan. Kanino talagang anak
ang sanggol na ito?”
“Ako pong talaga, Mahal na Prinsesa.” Anang dalawa pa rin.
Napabuntunghininga ang prinsesa at matamang nag-isip kung paano lulutasin ang
problemang ito.
“Ikaw?” Tanong niya sa babae sa kaliwa. “Ano’ng pangalan mo?”
“Ana po.”
“Ikaw naman?”
“Ana rin po.”
“Parehong Ana ang pangalan n’yo?”
“Opo.” Anang dalawa sabay tango.
“Ganito na lang ang gawin natin. Yaman din lamang na pareho ninyong
pinangangatawanan na sa inyo ang sanggol na ito, na imposibleng mangyari dahil hindi
maaring sa dalawang ina manggaling ang isang sanggol, eto ang aking solusyon...”
175

Sabik na naghihintay ng desisyon ng prinsesa ang dalawang Ana.


“Hatiin natin ang sanggol na ito at paghatian ninyong dalawa para parehas at walang
away.”
Napaisip ang dalawang ina.
“Payag ba kayong hatiin natin ang sanggol?”
Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang sumagot.
“Opo, Mahal na Prinsesa. Payag po kami.”
Unti nang mahulog sa kinauupuang gilid ng tasa ang paham na prinsesa. Nang
makapanimbang ay inagaw niya sa dalawa ang sanggol at inutusan ang dalawang tanod
na gawaran ng parusa ang dalawang babae. Medyo namroblema naman ang prinsesa
sa sanggol na magiging kargo pa yata niya ngayon. Mabuti na lamang at ang anim na
lalaki palang kasunod sa pila ang “mga ama” ng sanggol.
“Itatanong ko rin sa inyo ang itinanong ko kanina, at alam kong payag din kayong anim
na hatiin itong sanggol na ito.”
“Pero, Mahal na Prinsesa, “anang anim na lalaki. “Hindi po kami pumapayag na hatiin
sa amin ang sanggol.”
“Pero imposible ngang kayong anim ang ama nito!” Sumisigaw na ang prinsesa.
“Pero ako po talaga ang ama ng sanggol na iyan!” Sabay-sabay ang anim at sumisigaw
na rin.
Napangalung-noo ang prinsesa at matamang nag-isip. Una’y naisip ng prinsesang
hingan kaya ng birth certificate ang anim pero maging ito’y hindi garantiya dahil puwede
namang pekehin ang ganitong mga sertipiko. Tiningnan nito ang mukha ng sanggol at
ang mukha ng anim na “ama” at tiningnan kung sino ang kamukha ng sanggol. Ang
bawat isa naman ay may katangiang makikita sa sanggol. Nang wala na talagang maisip
na solusyon ang prinsesa ay may kinuha ito sa loob ng tasa. Naglabas ito ng baraha.
“Daanin na lang natin sa Pusoy Dos.”
Nagtatakang nagkatinginan ang anim.
“Kung sino sa inyo ang magwawagi sa laro ay sa kanya mapupunta ang sanggol.
Marunong ba kayong mag-Pusoy Dos?”
Tumango ang anim.
“Kung gayo’y doon kayo sa isang tabi at simulan n’yo na ang pagsusugal. O, yung
sunod…” Utos ng prinsesa sa anim at matapos ay tinawag na niya ang susunod sa pila.
Pupuwesto na sa isang tabi, sa likod ng tasa ang anim na lalaki para mag-Pusoy Dos.
Hindi pa nakapag-uumpisang magbaraha ang anim ay bumalik na ang isang lalaki sa
harap ng prinsesa.
“O, ano naman ngayon?”
176

“Iginagalang ko po ang inyong naging desisyon, Mahal na Prinsesa.”


“So?”
“Kung sinuman sa amin ang tunay na ama ng sanggol ay sino nga ba ang nakaaalam?
Puwede ko po itong ipakipagsapalaran sa Pusoy Dos at sinusumpa ko sa inyong ako ang
magwawagi…”
Matamang nakikinig ang prinsesa at nagpatuloy naman ang lalaki.
“Dangan nga lamang na naipangako ko sa sarili na hindi na ako muli pang magsusugal.
Ang aming yaman, ang aking asawa’t iba pang mga anak ay nawala sa akin dahil sa
sugal—cara y cruz, sabong, jai-alai, jueteng, karera, lotto, ending…Ultimo kung matitiis
ko bang hindi magsugal o hindi ay pinakipagpustahan ko.”
“Ano ngayon ang gusto mong mangyari?”
“Hindi po ako sasali sa Pusoy Dos. Hihilingin ko lang pong mahagkan ko at mayakap ang
aking anak bago man lang ako lumisan.”
Halos madurog ang puso ng prinsesa at mapuno ng kanyang luha ang malaking tasa sa
pagkarinig ng tinuran ng lalaki.
“Ano ba ang iyong pangalan, lalaki?”
“Tana po.”
“Kung gayon, Tana. Narito ang iyong anak. Umuwi na kayo.”
“Subalit, maaring nagsisinungaling lamang ako at hindi ako ang tunay na ama ng batang
ito?”
“Hindi na mahalaga kung ikaw man ang tunay na ama ng sanggol o hindi. Nakapagpasya
na ako. Ikaw lamang sa anim na nagke-claim ang puwedeng asahan ng sanggol na iyan.
Paano magiging responsableng ama ang isang sugarol? Subalit ipangako mong hinding-
hindi ka na magsusugal, Tana.”
Tumango ang lalaki at tuwang-tuwang nagpaalam na. Bago siya umalis ay may pahabol
na tanong ang prinsesa.
“Teka nga. Bakit n’yo ba pinag-aagawan ang sanggol na iyan?”
“Maniwala po kayo at sa hindi, Mahal na Prinsesa. Ang sanggol na ito ay umiihi ng langis
at gasolina.”
Napakunot ang noo ng prinsesa subalit hindi na niya pinansin ang tila naging weird na
lalaki. Kinurot na lang niya ang pisngi ng sanggol.
“At ano naman ang pangalan ni beybi?”
“Spratlys po, Mahal na Prinsesa.” Pagkasabi ay dali-dali nang lumisan ang exayted na
ama ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina. Samantala’y inip na inip na si Prinsipe
Manawari. Bukod sa hindi niya mawawaan ang nagaganap at naririnig ay nag-aalala siya
sa nasasayang na panahon. Naiisip niya ang Binansot na Balite. Ilang kahel na dahon
177

na naman kaya ang nalagas dito? May tatlo pa sa unahan bago siya. Sa likod niya’y
lalong humahaba ang pila. Subalit wala na siyang pakialam sa mga ito. Matapos siya’y
dagli na siyang tatalilis. Hindi niya maunawaan ang lugar na ito. Umabante naman sa
pila ang dalawang lalaking ang amoy ay tila galing sa ilalim ng lupa. Isang babae na lang
at siya na. Nakabawas ito sa pag-aalala at pagkainip ng prinsipe. Sinimulan na ng
Prinsesang Nakaupo sa Tasa ang susunod na sesyon.
“Ano naman ang problema n’yong dalawa? Sino ba kayo at mukha yatang amoy-patay
na kayo? Sa’n ba kayo galing?”
“Ako po’y galing sa Libingan ng mga Bayani.” Tila nagmamagaling na sabi ng isa.
“Ako naman po’y mula sa Libingan ng mga Tunay na Bayani.” Pagmamayabang naman
ng isa.
“Kung gayo’y mga self-proclaimed bayani pala kayo. Bakit naman kayo naging bayani,
aber?”
“Isa po yata akong Pambansang Alagad ng Sining, Mahal na Prinsesa.”
“Ako po nama’y Pambansang Alagad ng Tunay na Sining, Kamahalan.”
“At bakit naman kayo naging Pamba-Pambansang-Ek-Ek?”
“Ako po yata ang sumulat ng Doktrinang Anakpawis.”
“Pero ako naman ang nagsapraktika ng Doktrinang iyon.”
“Praktika…Inggit ka lang.”
“Inggit…Baka ikaw?”
“Gusto mo, square na lang tayo!” Sabay pa ang dalawa at nagtikom-kamao para sa first
round ng boxing. Pero inawat sila ng prinsesa.
“Pag-uuntugin ko kayong dalawa, e. Ano ba talaga problema n’yo at mukha yatang
maging sa kabilang-buhay ay nagtatalo pa kayo?”
“Siya po kasi’y ayaw maniwala sa aking mas masarap yung ano.”
“Mas masarap naman kasi talaga yung ano kaysa ano, e.”
“Teka lang. Ano ba yung mas masarap na pinagtatalunan n’yo? Kung mas masarap
mabuhay o mamatay para sa bayan?”
Umiling ang dalawa.
“E ano nga?”
“Kung mas masarap ang Nilupak kaysa Espasol?” Duet ng dalawa.
“Ang problema n’yo’y kung ano ang mas masarap? Kung yung Nilupak ba o Espasol?”
Tumango ang dalawa.
178

“Kung gayo’y, next…” At tinawag na ng prinsesa ang babaeng kasunod sa pila. Subalit
ayaw pa ring umalis sa harapan ng dalawang bayani.
“Pero hindi n’yo pa po nasosolusyunan ang aming problema.” Solo ng isa.
“Hindi n’yo pa po nasasabi kung sino ang tama sa amin.” Solo ng isa pa.
“Kung ano nga ba ang mas masarap. Nilupak o Espasol?” Duet uli sila.
Tinastas ng prinsesa ang huling hibla ng kanyang pasensya.
“Wala akong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang problema n’yo. Mabuti pa’y
umalis na kayo sa aking harapan bago ko kayo mapatay!”
“Pero patay na po kami.”
“Tanoood!”
Habang binibiyabit ng tanod ang dalawa ay bumubulung-bulong ang mga ito na hindi
naiintindihan ng prinsesa ang kanilang problema. Subalit nagpasya na rin silang
tanggapin ang pasya ng paham na prinsesa dahil ika nga nila’y “Talaga namang walang
nakauunawa sa mga bayani sa sariling bayan.”
Sa puntong iyo’y gusto nang sisihin ni Prinsipe Manawari ang singsing-itang
naging higanteng sawa. Mas mapapadali pa siguro ang kanyang paghahanap kung hindi
siya nagpatulong o nagpaturo rito. Buwisit na buwisit na siya sa kanyang kinasadlakan
at inaalala nga niya ang tumatakbong mga sandali. Parang wala namang halaga sa mga
taong nandito ang panahon. Para nga lang naglalaro ang mga tao rito. At naisip na naman
niyang isa na naman kaya ito sa paglalaro sa kanya ng Diwata ng Kagubatan? Subalit
mas masasayang ang panahon niya kung ngayon pa siya aatras. Masyado nang
malaking panahon ang kinain ng kanyang paghihintay sa pila. At malapit na naman talaga
siya. Ito na nga lang babae at siya na. Kanina pa niya napapansin ang babae sa
kanyang harapan. Parang pamilyar ito. Hindi lamang niya matandaan kung kilala niya
ito o hindi. Marami naman kasing ganitong itsura ng babae sa Kaharian ng Hansen. Ang
balingkinitang pangangatawan. Ang pagkaputi-puting kutis na tila niyebe. Ang banayad
na paggalaw na parang lumulutang sa hangin kung maglakad. Ang garbosang pananamit
na parang laging may dadaluhang marangyang pagdiriwang. Lubha ngang kayganda sa
paningin ng babae. Ano kaya ang maaring maging problema ng kagandahang ito?
Nakatulog si Prinsipe Manawari sa paghihintay sa pag-uusap ng dalawang babae.
Naalimpungatan siya nang maulinigang nagpapaalam na ang magandang dilag sa
munting prinsesa.
! “Sa wakas!” Naisigaw na may kahalong buntunghininga ng isipan ng prinsipe. Lalapit
na sana si Prinsipe Manawari sa Prinsesang Nakaupo sa Tasa nang may biglang
sumingit na lalaking singkit mula sa likod ng tasa. Namukhaan ito ng prinsipe. Isa ito sa
anim na lalaki kaninang nagke-claim ng sanggol na umiihi ng langis at gasolina. Halos
nagtatatalon ito at nagsisisigaw hawak sa kamay ang winning cards.
“Bwa-haha! Ako ang nagwagi! I’m the King of the World!.” Bulalas ng parang
napapraning na lalaki. “Ako ang nanalo sa Pusoy Dos, Mahala na Prinsesa! Akin na ang
anak ko, akin na ang anak ko!”
179

Tinuktukan ito ng kawayan sa ulo ng prinsesa at kinumbatan ang tanod na gawaran na


ito ng parusa. Takang-taka naman ang lalaking singkit habang biya-biyabit na ito sa
magkabilang bisig ng mga tanod. Nasa harapan na ngayon ng prinsesa si Prinsipe
Manawari. Nagpalinga-linga muna siya para tiyaking wala nang eeksena at oras na
talaga niya para sa kanyang sariling problema. Kinalimutan niya ang pagka-asar at
nagpugay sa paham.
“Magandang umaga, Mahal na Prinsesa. Ako po si Prin…”
“Prinsipe Manawari. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?”
“Bakit nyo po ako kilala?” Pagtataka ng prinsipe dahil sa mga nauna sa kanya’y walang
kilala ang prinsesa.
“Ayan, o,” sabay hablot ng prinsesa sa nakabigkis na sinturon sa noo ng prinsipe.
“Nakaburda yang pangalan mo.”
Ngayon lang niya napansin at totoong nakaburda pala ang pangalan niya sa Patola
Kaorayan. Binawi niya sa prinsesa ang Magik Sinturon at nagpatuloy.
“Nagsadya po ako rito para malaman kung saan ko matatagpuan si Prinsesa Ganda ng
Pulong Laguindingan.” Hayag ng prinsipe habang dinudukot sa may dibdib ang Mosala.
Bago sumagot ang prinsesa ay may kinuha itong dahon. May binasa ito sa dahon na
para bang may tinitiyak. Matapos ay tumitig nang parang may inaarok sa mga mata ng
prinsipe.
“Pero ayon dito sa mensahe ng gintong singsing-ita ay magpapaturo ka lang kung saan
matatagpuan ang Punong Aninipot? Walang nabanggit ditong Prinse-prinsesa Ganda.
Niloloko mo ba ako?”
“Hindi po, Mahal na Prinsesa,” parang napahiyang nasabi ng prinsipe. “Isa rin po iyon sa
gusto kong malaman.”
“Puwes, ipagpaumanhin mo subalit kung ano lamang ang nasa dahong ito, ay iyon
lamang ang maituturo ko sa iyo.”
Hindi na pumasok pa sa isip ng prinsipe na makipagtalo sa prinsesa. Ibinalik na lamang
niya ang Mosala sa may dibdib.
“Kung ganoon po’y maari bang ituro n’yo sa akin kung saan ko matatagpuan ang Punong
Aninipot?”
Mula sa loob ng tasa’y naglabas ng tila garapon ang prinsesa.
“Tatlong pilak.”
“Para saan po ang tatlong pilak?”
“Para ituro ko sa iyo ang puno.”
“Subalit kanina’y hindi n’yo naman sila siningil?”
180

“Iba naman ang sadya nila. Ikaw ay nagpapaturo. Hindi mo ba alam kung gaano kahirap
magturo, Prinsipe Manawari?”
Iiling-iling na kumuha sa bulsito niya ng tatlong pirasong pilak si Prinsipe Manawari at
ihinulog sa inilabas na tila garapon ng prinsesa. Kumalansing ito kasama ng ilan pang
pilak sa halos mangangalahati pa lamang na lalagyan.
“Ngayon po’y maari n’yo na po bang ituro?”
“Huwag ka munang magmadali. Kailangan mo munang masagot ang dalawa sa tatlong
tanong na ibibigay ko.”
Gusto nang maglulupasay sa lupa ni Prinsipe Manawari subalit tinatagan niya ang
kanyang loob.
“Sige po. Ano ang inyong katanungan?”
“Konting bugtong lang naman ito at palaisipan.”
“Ano nga po iyon?”
“Teka, galit ka ba?”
“Hindi po.”
“Galit ka e.”
“Hindi nga po.”
“Asar?”
“Hindi po.”
“Asar ka yata, e…”
Umiling na lang si Prinsipe Manawari. Di na niya mapilit magsinungaling ang dila.
“Tandaan mo. Dalawa ang kailangan mong masagot nang tumpak bago ko ituro ang
kinaroroonan ng Punong Aninipot. May tatlumpung segundo ka para sagutin ang mga
tanong.”
Tinantiya ni Prinsipe Manawari kung kaya niyang ihagis ang Munting Prinsesa. Mukhang
sa liit nito’y kayang-kaya naman niya kahit hindi niya suot ang Magik Sinturon. Subalit
siempre, sa halip na ihagis ang nasa harapan, pinili niyang pigilin na lang ang panginginig
ng laman.
“Tatlumpung segundo lang?”
“Oo. Pagkasagot mo’y puwede mong pahintuin ang oras. Puwede ka ring magpass kung
hindi mo alam ang sagot. Pag me natira ka pang oras ay babalik tayo sa hindi mo nasagot
na tanong. Game ka na ba?”
“Hindi pa po.”
“Bakit?”
181

“Kung masagot ko po ang tatlong tanong?”


“Hindi mo masasagot.”
“Pa’no nyo naman nalaman? Pa’no kung masagot ko nga po?”
“Basta, huwag kang mag-alala. Hindi mo masasagot. Maniwala ka.”
“E kung masagot ko nga po e.”
“ E hindi n’yo nga po masasagot e.” Ginagad pa siya ng prinsesa.
“Sige po, ano ang tanong?”
“Eto ang tanong...”
“Eto ang sagot…”
“Wala pang tanong.”
“Wala pa rin namang sagot.”
Inis si Prinsipe Manwari dahil parang nahahawa na siya sa kakulitan ng mga tao rito.
Pinagtaasan naman siya ng isang kilay ng prinsesa.
“Narito ang una mong tanong. Kung ang isang electric train ay tumatakbo pa-Timog sa
bilis na 100 milya per hora at bigla itong lumiko sa kanan at bumagal ang takbo sa 75
milya per hora. Ano ang direksyon ng usok ng train? Timer starts now!”
halos ibagok ni Prinsipe Manawari ang ulo sa labi ng tasa. Hindi niya masyadong
mawawaan ang tanong. Basta ang alam niya’y may tumatakbo, may usok, may lumiko,
saan papunta usok…Wala siyang mahagilap na sagot. Tumatakbo ang segundo. Ayaw
niyang magpass kaya nanghula na lamang siya.
“Papunta ang usok sa Hilaga? Stop the clock!”
Walong segundo ang nakain sa tatlumpung segundo niya.
“Mali.”
“Silangan?”
“Isang beses ka lang puwedeng sumagot. Pero mali din naman.”
“Kung gayo’y sa Kanluran o sa Timog din papunta ang usok.”
“Mali. Mali. Mali.”
“E nasabi ko na ang lahat ng direksyon. Ano po ang sagot?”
“Wala. Wala namang usok ang electric train, e.”
Napaisip at napakamot sa ulo si Prinsipe Manawari. Kinabahan siya dahil kailangang
masagot na niya pareho ang huling dalawang tanong. Tuso ang kanyang kaharap, naisip
niya.
182

“May natira kang dalawampu’t dalawang segundo para sa dalawang katanungan. Narito
ang susunod na tanong. Hulaan mo kung ano ito: Baboy ko sa Maliputo, Mga balahibo’y
pako.”
Pagkarinig sa bugtong at sa Maliputo ay biglang lumipad ang isip ni Prinsipe
Manawari sa Tribu Maliputu. Wala siyang natatandaang nakitang baboy doon na may
balahibong pako. Maging ang pinuno ng tribu na bagamat mukhang baboy ay wala
namang balahibong pako. Ni wala nga yatang hayop sa kagubatan ng Maliputu. Ang
marami doon ay prutas. Prutas! Biglang may naalala si Prinsipe Manawari at sa isip niya
ay hinagod ang mga prutas na nakita niya sa tribu— lanzones, makopa, kaymito,
mangga, rambutan, langka, durian…at biglang kumislap ang mga mata niya at dagling
sumagot.
“Durian! Stop the clock!”
“M-m…” sasabihin na dapat na “Mali” ng nakangisi nang prinsesa subalit nagdalawang-
isip nang rumehistro sa utak nito ang isinagot na prutas ng prinsipe. Saglit itong napaisip
at para hindi mapahiya’y sa nauntol na sasabihin ay:
“M-m…Magaling! Tumpak! Durian nga.”
Napatalon si Prinsipe Manawari.
“Subalit bago ka matuwa ay gusto kong malaman mong isang segundo na lamang ang
natira sa oras mo.”
“Isang segundo? Ang bilis naman po yata? Hindi ba’t…”
“Hindi ba’t ang tagal mong sumagot at lumipad yata kung saang tribu ang isipan mo
kanina? Huwag kang mag-alala. Ke bigyan pa kita uli ng tatlumpung segundo ay bale
wala rin. Wala pang nakakasagot sa katanungan kong ito. O, handa ka na?”
Tumango na lang si Prinsipe Manawari. Sa isip niya’y alam na niya ang gagawin sa
gintong singsing-ita pagbalik niya.
“Para sa iyong huling palaisipan. May isang segundo ka, tandaan mo,” mas ay pang-iinis
iyon kaysa paalala sa prinsipe. Mas nilakasan din nito ang boses na parang ipinaririnig
sa lahat nang nakapila “Ano itong apat sa uma…”
“Tao!” Sagot ni Prinsipe Manawari bago pa man matapos ng Munting Prinsesa ang
tanong.
Tigalgal ang prinsesa.
“Tao. Apat sa umaga, dalawa sa tanghali at tatlo sa gabi. Tao ang sagot sa palaisipan
n’yo, Mahal na Prinsesa. Ang tao kapag sanggol pa ay gumagapang. Sa paglaki ay
naglalakad at kapag tumanda na ay nakatungkod.” Paniniyak ng prinsipe.
Di nakaimik ang prinsesa.
“Pa’no mo natsambahan?” Ayaw pa rin nitong bumilib sa prinsipe.
183

“Pagpaumanhin ninyo, Mahal na Prinsesa. Subalit nabasa ko na ito sa mga libro. Maari
n’yo na bang ituro sa akin ang kinaroroonan ng Punong Aninipot? Kailangang-kailangan
ko lang po talagang malaman. Kailangan kong madakip ang Mahiwagang Ibong Aninipot
na humahapon sa punong ito.” Seryoso na ang prinsipe at sumeryoso na rin ang
humahanga na ngayong prinsesa. Subalit biglang sumanib sa bulalas ng paghanga ang
pinalungkot nitong mukha.
“Ipagpaumanhin n’yo rin po, Mahal na Prinsipe. Subalit hindi ko alam ang kinaroroonan
ng inyong hinahanap. Hindi ko rin po kasi inaasahang masasagot ninyo ang aking mga
tanong.”
Parang binagsakan ng mundo ang prinsipe. Subalit ano pa ang magagawa niya?
Baka nga siya naman ang talagang may diprensya? Bakit nga ba hindi niya agad naisip?
O kung naisip man niya ay kung bakit pinaniwala niya ang sarili na hindi nga ganoon?
Baka nga ito na ang talagang katotohanan. Baka nga ang lahat ng ito ay pawang mga
laro lamang. At siya ay isang napakamasunuring laruan! Gusto niyang maglulupasay at
bumunghalit ng iyak. Biglang nakaramdam siya ng pagnanais na bumalik sa Kaharian
ng Hansen at humagulgol na lamang sa kandungan ng Inang Reyna Bicuda. O kaya’y sa
kandungan ng kanyang kabiyak. Hindi ba’t doon talaga siya nabibilang? Bakit niya
ginagawa ito sa kanila? Bakit niya ito ginagawa sa sarili?
Ang prinsesa naman na nakaramdam ng pagkaawa sa prinsipe ay nagsikap humagilap
ng mga katagang kakalamay sa damdamin ng prinsipe.
“Huwag kang mag-alala, may paraan pa.”
Pumailanlang ang huwad na halakhak ng prinsipe. Oo, may paraan pa. May paraan pa.
Para siyang masisiraan ng bait. Kung magkaganoon ma’y hindi niya binalak na dito
takasan ng sanidad.
“Kung ganoon po’y kapwa-tawad tayo, Mahal na Prinsesa. Magpapaalam na po ako at
may naghihintay pa sa aking mga kasama. Sa katunaya’y isang naghihingalong pulo ang
umaasa sa akin.” Parang nangongonsyensyang nasambit ng prinsipe.
“Idinadalangin kong sana’y magtagumpay ka sa iyong misyon, Prinsipe Manawari. Isang
paalala na lamang. Huwag mong hayaang mawala ang pag-asa sa iyong puso. At huwag
mong paniwalaan ang lahat ng iyong nakikita’t naririnig. Mapanlinlang ang daigdig na
ito.”
Hindi malaman ng prinsipe kung matatawa o mabubugnot na naman. Humirit pa ng isa
ang prinsesa.
“Huwag mong masyadong seryosohin ang buhay. Gaanan mo lang ang iyong puso tulad
ng nasaksihan ko sa iyo.”
A gaanan pala, ha? Biglang kambyo ng mood ang prinsipe.
“Matanong ko nga po pala, Mahal na prinsesa. Saan n’yo po ba gagamitin ang mga pilak
na ito?” sabay turo ng prinsipe sa tila garapon ng pilak ng prinsesa. Humilig sa kanya
ang prinsesa at may ibinulong.
184

“Madalas kasi ang pagdalaw ko sa babaylan. Inaabala ako nitong almoranas ko. Ikaw
ba naman ang umupo sa gilid ng tasang ito sa loob ng eksaktong…” Nag-isip sandali
ang prinsesa, “…anim na bilyon, limandaang milyon at apatnapu’t tatlong daang taon at
dalawampu’t isang araw…e ewan ko lang kung hindi sumakit ang puwit mo. Mahal na
magpagamot ngayon…”
“Kung iyon lang ang problema n’yo’y, mayroon akong suhestyon.”
Sabik na naghihintay ang prinsesa sa suhestyon ng prinsipe. Pinalapit ng prinsipe ang
dalawang tanod na mukhang uod at ipinabuhat ang prinsesa pababa sa gilid ng tasa.
Matapos ay inutusan ng prinsipe ang tanod na baligtarin ang tasa. Pagkabaligtad ay
pinaupo muli ang prinsesa.
“O, ano po ang pakiramdam? Hindi ba’t mas kumportable?”
Dinama ng prinsesa ang lapat na niya ngayong inuupuang puwitan ng tasa.
Nakaramdam siya ng ginhawa at abot-abot ang pasasalamat niya sa “mala-henyong”
idea ng prinsipe. Nangiti na rin si Prinsipe Manawari. Kailangan na talaga niiyang
magpaalam. Muli, ay tinitigan niya sa mata ang Munting Prinsesang Nakaupo sa baligtad
na ngayong Tasa. Nasalamin niya sa mga mata nito ang kislap na tila baga kailanma’y
di dumapo sa kanyang mga mata. Munti nga ang prinsesang ito at para rito’y laro lang
ang buhay. Siya, na matanda na’y mahirap maunawaan ito. Subalit aminin man niya o
hindi, ay nais niyang magpasalamat sa prinsesa sa saglit paghahatid sa kanya nito sa
daigdig ng mga bata. Hindi nga ba’t lahat naman ng tao’y minsang naging bata? Hindi
nga kaya ang suliranin ay sumulpot sa daigdig dahil nalimutan na ng tao kung paano
maging bata? Bigla ay nakaramdam ng inggit si Prinsipe Manawari sa Munting
Prinsesang Nakaupo sa Baligtad na Tasa. Subalit huli na para bumalik siya sa pagkabata.
Sunog na ang tulay na nagdudugtong sa mga yugtong ito. Wala na nga siyang
matandaan sa kanyang kabataan. O nagdaan nga bang talaga siya sa pagkabata? Bakit
parang ang pahina ng kanyang buhay ay nagsimula na binata na siya kaagad? Isang
binatang naghahanap ng makakaisang-dibdib. Isang binatang may kakambal agad na
problemang pangmatanda. Nakalilito’t nakangangalos isipin. Basta’t ang nauunawaan
niya’y sino man ang Dakilang Awtor ng kanyang buhay ay kailangan niyang sundin. Ito
ang papel niya sa panulat nito. Kailangan niyang bumalik sa mga pahina ng tunay niyang
daigdig.
Hinagkan niya sa noo ang Munting Prinsesa at nagpaalam na. Pagbitiw ng kanyang labi
sa noo nito ay tinitigan siya sa mata ng prinsesa.
“May puwing ka yata sa pilikmata, Mahal na Prinsipe. Pumikit ka’t tatanggalin ko.”
Pumikit si Prinsipe Manawari at naramdaman niya ang pagdampi ng munting daliri
ng prinsesa sa kanyang pilikmata. Nang dumilat siya ay halos mahalikan na niya ang
mamasa-masang nguso ni Kalabawbibaw. Sa magkabila niyang tagliran ay naroon ang
alimbyuging manok at tisikong aso. Gabi na naman pala. Sinulyapan niya ang Binansot
na Balite. Iilan na lang ang dahong kahel nito. Tinabig niya ang malaking ulo ng tabogol
na kabaw at hindi siya makapaniwala sa nakitang tanawing natabingan ng hayop kanina.
Sa di-kalayuan ay isang higanteng punong tila nagriringas sa gitna ng dilim. Dali-dali
185

itong nilapitan ni Prinsipe Manawari at natuklasan niya ang dahilan ng pagdingas ng


puno. Napapalibutan ito ng milyon-milyong alitaptap! Ito na ba ang Puno ng Aninipot?
Bigla niyang naalala ang Munting Prinsesang Nakaupo Na Ngayon sa Binaligtad Niyang
Tasa. May kumislap na ngiti sa sulok ng kanyang mata.
VIII. Alam Mo Ba Na Ang Tawag Sa Alitaptap Dito Ay Aninipot?
Kailangang tandaan ni Prinsipe Manawari ang bilin ng kakamot-kamot na bantay
ng Laguindingan. Sa sandaling humapon ang Mahiwagang Ibong Aninipot sa sanga ng
Punong Aninipot ay magsisimula na itong umawit para magpaantok. May lamyos ang
tinig nitong tila pinanday sa pinakamalalim na pusod ng kadagatan. Subalit katulad ng
lalim ay mapanganib raw ang tinig na ito. Ang sinumang mabibighani ng mapanghalinang
tinig ay tiyak na makakatulog din. Ito ang hindi dapat hayaang mangyari ni Prinsipe
Manawari. Dahil sa sandaling makatulog siya ay iiputan siya sa ulo ng ibon. Ang
sinumang maiputan ng Mahiwagang Ibong Aninipot ay magiging buto.
“Baka bato?” Tanong ng prinsipe.
“Hindi bato, buto!” Pagdidiin ng bantay. “Parang ningas ang ipot ng ibon at naaagnas
ang balat at lamang mahulugan nito. Kaya buto na lamang ang matitira sa iyo.” Sagot
ng bantay.
Muling nangilabot ang prinsipe nang maalala ang pinag-usapan nila noon ng
kinakating bantay. Subalit baka naman hindi ito totoo. Marami na rin silang nainom
noon ng bantay at baka iyon ay usapang-lasing na. Subalit mahirap ding magbakasakali.
Kailangan ngayong mapigilan ng prinsipe ang antok para huwag maiputan at maging
buto. Matapos namang umawit at umipot ng Ibong Aninipot ay makakatulog na ito nang
sakdal himbing. Ito na ang tanging pagkakataon para kay Prinsipe Manawari na dakpin
ang nasabing ibon.
Samantala’y nakapuwesto na si Prinsipe Manawari at ang tatlong hayop sa ilalim
ng Higanteng Punong Aninipot. Nakaririmarim ang salansan ng bungo’t buto ng tao sa
ilalim ng higanteng puno. Ganito na ba karami ang biktima ng Ibong Aninipot? Saan dito
ang kalansay ng mga anak ng Laguindingan? O ang lahat ng mga ito’y buto’t bungo ng
mga kinapos ang kapalarang sakop ni Datu Puti? Nanghilakbot si Prinsipe Manawari sa
isiping maaring mamaya lang ay nakasalansan na rin dito ang kanyang mga buto’t bungo.
Lumalalim na ang gabi subalit wala pa silang namamataang ibong humahapon sa puno.
Ang mga mata nila’y inaaliw ng nagpapalibot-libot na alitaptap sa mga sanga’t dahon ng
higanteng puno. Namumutiktik sa liwanag ng lampara sa puwitan ng mga insekto ang
palibot nito. Parang dinudumog ng mumunting bituin ang puno. Maya-maya’y may narinig
silang malakas na pagaspas ng mga pakpak. Mula sa madilim na kalawakan ay
paparating ang isang mangasul-ngasul na ibong kaykintab ng balahibong tila kaliskis ng
isda. Mistula rin itong bituing nanaog mula sa langit. Pumili ito ng isang manipis na
sangang paghahapunan. Napahanga si Prinsipe Manawari sa kagandahang taglay ng
ibon. Pagkalapag ng ibon sa napiling sanga ay itiniklop na nito ang malalapad na pakpak
at ipinaloob ang ulo sa dibdib at sandaling di tuminag na para bang namamahinga o
umuusal ng dasal. Maya-maya’y tumuka ito ng isang dahon at nagsimulang humimig.
Sumisigid sa kaibuturan ng kaluluwa ni Prinsipe Manawari ang musikang nalilikha ng ibon
186

sa pamamagitan ng dahon. Minsan na siyang nakarinig ng ganoong katimyas at


kalungkot na himig. Inugoy-ugoy ng ibon ang sangang kinadadapuan na tila baga
ipinaghehele ang sarili. Maya-maya pa’y iniluwa na nito ang dahon at nagsimulang
umawit:

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing


Ang bantay ko'y tala
Ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay
Langit ang buhay
Puso kong may dusa
Sabik sa ugoy ng duyan mo Inay
Sana narito ka Inay

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw


Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Parang pinipiga ang puso ni Prinsipe Manawari sa naririnig at nasasaksihan.
Hindi niya maarok ang lungkot na bumabalot sa ibon at sa awit nito. Hinayaan niyang
187

maglandas sa kanyang mga pisngi ang luha. Ito ba ang ibong kanyang dadakpin?
Subalit mapanlinlang nga raw ang daigdig ayon sa Munting Prinsesang Nakaupo sa
Tasa. Huwag daw paniwalaan ang lahat ng nakikita’t naririnig. Hindi nga ba’t nasa
kagandahan ang paglililo’t pagtataksil? Sino nga ba ang mag-aakalang ang ibong ito ang
may kagagawan ng nakasalansang bungo’t buto sa ilalim ng higanteng puno na ngayon
nga’y kanila ring kinatatayuan?
Mula sa pagkakatayo’t pagkakatingala’y napaupo si Prinsipe Manawari.
Tinatangay ng awit ang lakas ng kanyang mga tuhod. Naramdaman niya ang pamimigat
ng kanyang kalooban. Halos kasabay rin nito ang pamimigat ng talukap ng mga mata.
Nag-apuhap ng makakapitan ang kanyang malay at kamay. Ang malay niya’y naglagalag
sa iniwang kaharian. Ang kamay niya’y sinuyod ang mga makahiya sa damuhan. Ang
malay niya’y nakatagpo ng mga alaalang pagduduyanan. Ang mga daliri niya’y
napakukupkop sa nagtiklop na mga damong-halaman. Ang kaninang kapamigatan ay
naging kagaanan. Hanggang sa ang katawan niya’t isip ay lumulan sa ritmong
pumapailanlang. Ang tusok ng sungay ni Kalabawbibaw sa kanyang tagliran at pagdila-
dila ng aso ang nagpabalik sa kanya sa pandamdam. Ipinilig-pilig ni Prinsipe Manawari
ang namigat na namang ulo. Nakalulan pa rin sa hangin ang himig ng Mahiwagang Ibon.
Hinugot ng prinsipe ang balaraw sa suksukan. Handa niyang sugatan ang sariling braso
upang mapaglabanan man lang ang antok na dumadagan. Subalit bago niya nagawang
hiwaan ang sarili’y inagaw ng alimbyuging manok ang balaraw sa kanyang kamay.
Matapos ay lumipad ito papunta sa kung saan. Pagbalik nito’y sakmal sa mga kuko ang
isang bunga ng bulak. Tinuka-tuka nito ang bulak hanggang sa lumabas ang busilak na
kaputian. Kumurot ito ng kapirasong bulak at ibinara sa kaliwang tainga ni Prinsipe
Manawari. Nahulaan na ng prinsipe ang nais gawin ng manok. Siya na ang nagkusang
lagyan ng bulak ang kanang tainga at saka niya naisip ngayong itakip pa ang mga palad
sa magkabilang tainga.
Nang tanggalin niya ang mga palad at bulak sa magkabilang tainga ay tahimik na
ang paligid. Wala nang katinag-tinag ang Ibong Aninipot at ang ulo nito’t tuka ay
nakabaon na sa dibdib. Tiklop na rin ang mga pakpak. Lumulan si Prinsipe Manawari
sa Magik Malong at marahan itong lumipad papalapit sa nahihimbing na ibon. Noon lang
namasdan nang malapitan ng prinsipe ang ibon. May kalakihan ito tulad ng isang pabo.
Dahan-dahan niyang dinakma ang katawan nito, sapu-sapo ang pakpak. Naihilig niya ito
sa kanyang mga bisig at dibdib tulad nang isang nahihimbing na sanggol. Bukas pa,
pagputok ng araw ang gising nito ayon sa bantay ng Laguindingan. Minasdan niyang
muli ang maamong mukha ng nahihimbing. Paano kung hindi naman totoong ito ang
makapaghihilom sa Pulo ng Laguindingan? Paano kung hindi naman ito ang may
kagagawan ng mga buto’t bungong nakasalansan? Ano’ng lupit ngayon ang iginagawad
niya sa walang muwang na ibong ito na anak ng kalikasan? Nakaramdam ng
pagkakonsyensya ang prinsipe. Bakit nga ba siya ang kailangang maging instrumento
sa pagputol ng kalayaan nito? Sapat na ba ang pagkahibang niya kay Prinsesa Ganda
para pangatwiranan ang kalupitang ito? At muli niyang naalalang likha nga lang pala siya
ng isang Dakilang Awtor. Bagamat may halong pagtatampo’y napahanga siya kung sino
man ang Dakilang Awtor na ito. Siya, bilang tauhan o tau-tauhan ay napakikilos sa
anumang naisin nito. Ang lahat ng kanyang mga ginawa at gagawin pa. Labag man sa
loob ay siyang mangyayari. Tunay ngang matalino ang manlilikhang iyon. Lahat ng ito’y
188

kanyang sinusunod dahil una pa lang ay alam na ng Dakilang Awtor kung paano siya
mapasusunod. Una pa lang. Una pa lang, ay tinuruan na siya nitong umibig. Sa lahat
ng dako at sa lahat ng panahon. Iba’t-iba man ang mukha, iba-iba man ang pangalan.
Iisa ang kislap ng pagmamahal. Iisa rin ang kislap ng kahibangan.
IX. Mga Sumpa
Ikinulong ni Prinsipe Manawari ang Mahiwagang Ibong Aninipot sa gintong
hawlang inumit niya mula sa mahigpit na pagkakakapit ng isang nakatalungkong
kalansay sa salansan ng buto’t bungo sa ilalim ng higanteng puno. Wala na silang
inaksayang panahon at nagbasta na sila pabalik sa Pulo ng Laguindingan. Hindi pa sila
nakakalayo ay humaplit ang pabugsu-bugsong napakalakas na hangin. Isang bugso ang
naligaw sa direksyon nila. Nahagip ng haplit ang Binansot na Balite at naiwanan lamang
ito ng isang dahong tatawing-tawing sa marupok nang sanga. Maliwanag naman ang
kalawakan at walang tanda ng namumuong bagyo. Mula sa lumilipad na malong ay
natanaw ni Prinsipe Manawari ang tila nabulabog na mga alitaptap. Sabay-sabay itong
lumipad papataas, papalayo sa Higanteng Puno ng Aninipot. Para itong mumunting bituin
na pabalik na sa kalawakan. Kung ano ang dahilan ng pagkabulabog ng mga ito’y
palaisipan pa rin sa prinsipe. Nagmistulang higanteng kalansay na itim ang puno sa
paglisan ng mga alitaptap.
Bumubulusok ang Magik Malong na tila nakatuklas ng panibagong lakas ang mga
palikpik ng Isdang Alapaap na nakalala rito. Hinihinuha ng prinsipe ang tuwang
maibibigay niya sa datu sa pagkahuli ng ibon. Nakikini-kinita niya ang ligayang babalot
sa katauhan ng pinuno. Subalit ang hindi alam ng prinsipe’y nasa gitna ngayon ng
bangungot ang datu at dinalaw ito ng nililimot na nakaraan.
Ang Pulo ng Laguindingan noong una, ay isa lamang lawak ng kasukalan. Hiniling
ni Datu Puti sa mga anito na ibigay sa kanya ang lupaing ito at sumumpang itataguyod
ito hanggang sa maging isang napakamakapangyarihang imperyo. Sa tulong ng mga
anito at pagpupunyagi ni Datu Puti’y naitaguyod naman niya ito hanggang sa maging
mistula itong paraiso bago nga dumating ang Tatlong Haragan. Ang Laguindingan ay
naging simbolo ng isang matagumpay na pamumuno. Liyad ang dibdib namang
tinatanggap ni Datu Puti ang mga papuring iyon. Dahil tunay ngang ang Laguindingan
ay si Datu Puti at si Datu Puti ay ang Laguindingan. Kanya ang Imperyong itong ang mga
sarili niyang kamay ang pangunahin at patuloy na lumilikha. Buong buhay niya’y naialay
niya sa pulong ito. Nasa kalagitnaan na nga siya ng kanyang gulang nang mapagbigyan
niya ang asawang magkaroon na sila ng supling. Araw-gabi’y nagsasayaw sila sa Isla-
Ubando. Hindi rin sila nakakalimot manalangin at mag-alay kay Apo Buros para
mabiyayaan sila ng sanggol kahit sa gulang nilang iyon. At talagang malakas siya kay
Bathala at sa mga anito. At lalong umapaw ang kanyang kaligayahan nang gabing iyon
ay ibalita sa kanya ni Ba’i Anko na nagdadalantao na ito. Mabubuo na ang kanyang
pamilya at ang Laguindingan ang kanilang magiging habangbuhay na paraiso.
Nasasabik siyang tinugon ang pagtulog noong gabing iyon na nangangako ng isang
napakagandang panaginip. Subalit, sa halip ay dinalaw siya ng isang bangungot. Bakit
tila isang binata ang nagtataguyod ngayon ng Kapuluan? Hindi siya iyon subalit parang
siya? Nasaan siya? Sino ang binatang ito? Hindi ba’t siya at ang Laguindingan ay iisa?
Ang Laguindingan at siya ay iisa? At siya lamang ang kailangang mangalaga sa lupaing
189

walang iba’t siya nga rin ang lumikha. Bakit ito ngayong binatang ito ang sinusunod ng
kanyang nasasakupan? Nasaan siya? At naglakbay ang kanyang diwa at hinanap ang
sarili niya. Natagpuan niya ang sarili na nakaratay sa banig ng karamdaman. Mistula
siyang tumpok na kalansay na sumisinghap-singhap. Nagising siya sa panaginip na iyon
at nanghilakbot. Sino ang binatang iyon sa kanyang panaginip? Sino itong nangahas
pamunuan ang Laguindingan at palitan siya? Noon din ay ipinatawag niya ang kanyang
kakambal na Catalonan. Binagabag si Datu Puti ng nakitang bisyon ng kapatid. Ang
binata sa kanyang panaginip ay walang iba kundi ang kanyang anak. Ang hahalili sa
kanya bilang pinuno ng Laguindingan. Ang kinasasabikang pagbubuntis ng asawa ay
nahalinhan ng pangamba. Gumawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang
pagbubuntis ng asawa. Pinagawa niya ang kapatid na Catalonan ng mga halamang-
gamot na maglalaglag sa buhay na nasa sinapupunan ni Ba’i Anko. Bagamat napipilitan
ay sumunod ang kakambal. Alam nitong walang makasasalangsang sa utos ng kapatid
na pinuno. Isa pa’y utang nito kay Datu Puti ang angking kapangyarihan. Ang datu ang
humiling sa mga anito na bigyan ng kapangyarihan ang kakambal. Subalit sadyang mas
makapangyarihan ang kalikasan. Nagpatuloy sa paglaki ang tiyan ng Ba’i. Inalo na
lamang ng Catalonan ang datu na huwag munang mangamba dahil hindi pa naman sila
nakatitiyak na lalaki ang kanyang magiging panganay. Isa pa’y maaring kabaligtaran ang
kanyang panaginip. Dumating ang araw ng pagsisilang ni Ba’i Anko. Ang mag-asawa
lamang ang nasa torogan at ang kakambal ng datung Catalonan na magpapaanak sa
Ba’i. Abot-abot ang panalangin ng datu sa mga anito. Harinawa’y babae nga sana ang
isilang ng kanyang kabiyak. Magkahalong pananabik at pangamba ang naramdaman ni
Datu Puti nang hilahin na ng kakambal ang ulo ng sanggol palabas. Dahil sa hirap at
sakit ay nawalan ng malay si Ba’I Anko paglabas ng sanggol. Isang napakagandang
sanggol na babae ang isinilang nito. Nag-umapaw ang kaligayahan sa puso ni Datu Puti.
Kagyat na naglaho ang kanyang pangamba at dagling niyakap ang anak. Nangako siya
sa sariling ito na ang magiging huli at katangi-tangi niyang anak. Isang buo na silang
pamilya at wala nang kulang sa kanilang paraiso. Subalit ang kaligayahang iyon ng datu
ay nahalinhan muli ng agam-agam. Ano’t tila yata may hinuhugot pa ang kanyang
kakambal sa sinapupunan ng asawa? Ang kanyang agam-agam ay napalitan ng kaba
nang mapansin niya ang maliit na ulong sapu-sapo ng kapatid. Para siyang
pinagtakluban ng langit nang hawakan sa paa ng kakambal ang paa ng ikalawang
sanggol at itiwarik sa hangin. Iyon na ang pinakamaliit na lawit na nagbigay sa kanya ng
pinakamlaking takot. Kailangan niyang mag-isip nang mabilisan. At nagpasya siya.
BInilinan ni Datu Puti ang kakambal na Catalonan na ilihim sa lahat lalo na sa asawa ang
sanggol na lalaki. Inutusan niya ang kapatid na palihim na itakas ang sanggol palayo sa
Pulo ng Laguindingan. Dalhin ito sa ibang lupain at doon patayin. Nabagabag ang
Catalonan sa inaalihan ng yawang kapatid. Papatay siya ng anak dahil lamang sa ayaw
bitiwang kapangyarihan. Magkahalong awa at takot ang naramdaman ng Catalonan sa
kakambal. Awa dahil nakita nito sa mga mata ng datu ang balasik na ngumangatngat sa
sarili nito dahil sa hibang na pag-ibig sa kapangyarihan. Takot dahil bakas din sa mga
mata nito ang aanihing lupit sa sinumang sasalangsang. Iyong gabi ring iyon, matapos
manumpa sa kapatid na babaunin ang lihim na ito sa hukay at ipatutupad ang nais ng
datu, ay itinakas papalayo ng Catalonan ang pamangkin. Ang walang kamuwang-
muwang na sanggol na sana’y magpapatuloy sa pagtataguyod ng Paraisong Pulo ng
Laguindingan. Ikasiyam na araw nila sa gubat at ikasampung gabi nang sunod-sunod na
190

bangungutin ang Catalonan. Nginitian pa siya ng sanggol ng iangat niya sa hangin ang
balaraw na pinakislap ng pupungas-pungas pang araw.
Ginising ng kakamot-kamot na bantay ang umuungol na datu. Sabik nitong
ibinalita na bumalik na si Prinsipe Manawari at dala na nito ang Mahiwagang Ibong
Aninipot. Nahalinhan ng tuwa’t pananabik ang hilakbot na nararamdaman ni Datu Puti.
Para itong nasalinan ng bagong lakas at sinikap na makalabas ng torogan. Nayakap nito
ang prinsipe pagkakita sa ibong nasa hawlang gintong tangan ng prinsipe. Agad-agad
nitong inutusan ang Ibong Aninipot na umawit na upang maumpisahan ang paghilom sa
kanyang nasasakupan. Subalit hiniling muna ng ibon na makapag-usap sila ng sarilinan
ng datu. Kinuha ng datu ang hawla at ipinasok sa kanyang torogan.
“Ano ang nais mong ating pag-usapan?”
“Hindi magiging madali ang paghilom ng inyong lupain, Mahal na Datu. May iba pang
pangangailangan bago ko masimulan ang paghihilom.”
“Tulad ng ano?”
“Kailangang isalaysay n’yo muna sa akin ang kasaysayan ng Lupain ng Laguindingan.
Ang kasaysayan ng inyong bayan na aking isasaawit ang tanging makapaghihilom dito.”
“Kung iyan ang kinakailangan ay matutupad.”
At sinimulang isalaysay ng datu ang kasaysayan ng kanilang lupain. Walang iba’t
ang kasaysayang siya lamang ang higit na nakababatid. Ang mga hirap at pasakit. Ang
mga kabiguan at mga tagumpay. Ang mga pananakop at pagtatanggol. Maging ang
kanyang mga agam-agam at pangamba. Maging ang kanyang pinakatagu-tagong lihim.
Ang kanyang mga mali at pagsisisi. Ang nag-iisa niyang hiling na masilayang lumaya
ang bayang ito sa sarili nitong sakit. Mataman namang nakikinig ang ibon na tila baga
isinasapuso ang lahat ng isinasalaysay ng datu. Matapos ay niyaya na nito ang datu na
lumabas ng torogan. Hiniling din nito na pawalan siya sa hawlang ginto upang masimulan
na niya ang pag-awit at paghilom sa Laguindingan.
“Paano kami makatitiyak na hindi ka tatakas?”
“Hindi ako ang makasasagot ng inyong alinlangan.”
Walang nagawa ang datu kundi pawalan sa hawlang ginto ang ibon. Ikinampay nito ang
malalapad na pakpak at pumailanlang palibot sa Pulo ng Laguindingan habang umaawit.
Nakapangingilabot ang tinig nitong sumisigid sa kaluluwa ng mga taga-Laguindingan
kasama na si Prinsipe Manawari. At kakaiba ang awit na iyon. Sa halip na antukin at
makatulog ang mga nakaririnig ay tila lalo yatang nagigising ang kanilang damdamin. Sa
yugtong iyon ay binalot ng malamyos na tinig ng Ibong Aninipot ang buong kapuluan.
Tinangay ng hangin sa paligid ang malayang himig. At hindi namamalayan ni Datu Puti
na sumasabay na siya sa awit ng Ibong Aninipot. Maging si Prinsipe Manawri’y
napapahimig na rin. Nakiawit na rin ang mga pinuno ng Laguindingan at hanggang sa
ang lahat ng sakop ay nagpailanlang na ng kanilang mga tinig. Lumakas nang lumakas
ang tinig nila sa pagsabay sa awiting ang titik ay tila idinidikta ng kanilang kaluluwa:
191

Ang bayan kong Laguindingan


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Laguindingan kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Nagpatuloy ang himig. Paulit-ulit. Huminto na ang Ibong Aninipot sa pag-awit


subalit hindi, ang mga taga-Laguindingan. Patuloy na pumailanlang sa hangin ang awit
at narating nito ang kasuluk-sulukan ng pulo. Ang Ibong Aninipot naman ay muling
lumibot sa kapuluan at nagsimulang umipot. Ang bawat maiputan nito ay himalang
nagbabagong-anyo. Ang mga kalansay ng patay na puno ay inusbungan ng bagong
dahon at ugat. Ang bitak-bitak na lupa’y naghugpong at naging mamasa-masa. Ang
mga ilog ay muling luminaw. Ang tuyot na bukirin ay natighaw at umusbong ang
malulusog na uhay. Unti-unting nanariwa ang simoy ng hangin. Lumipad kapagdaka
ang Ibong Aninipot sa ulunan ng nagkalupumpong mamamayan ng Laguindingan.
Nagsipulasan ng mga tao sa takot na sila’y maiputan at maging mga buto’t bungo. Ngunit
dahil hindi napansin ng bantay ang ibon sa kanyang ulunan dahil inabala ito ng
pagkakalkal ay naiputan ito ng ibon sa buong katawan. Nag-aalalang minasdan siya ng
mga kababayan at hinintay na maging buto. Subalit laking mangha nila nang
masaksihang sa halip na maagnas, ang mga sugat ng bantay ay unti-unting naghihilom.
Ang maputlang kulay nito’y muling naging kayumanggi. Matapos masaksihan ang
nangyari sa bantay ay nag-uunahan naman sila ngayong saluhin ang babagsak na ipot
ng ibon. Maging si Datu Puti’y nag-abang na rin at tunay ngang sa pagbagsak ng ipot sa
datu ay nagbalik ito sa dati nitong kulay at naghilom ang sariwa nitong mga sugat. Hindi
192

makapaniwala si Prinsipe Manawari sa nasasaksihang himala. Nang matiyak ng Ibong


Aninipot na nagampanan na niya ang iniatang sa kanyang tungkulin ay lumipad na ito
pababa at nagbalik sa pinagkulungang hawlang ginto. Mistula itong sugatang kawal na
mula sa digmaan. Nangangalos ito sa kabayanihang ginampanan. Mula naman sa gitna
ng di-magkamayaw sa kaligayahang mamamayan ng Laguindingan ay maagap na
lumapit si Datu Puti sa hawlang ginto at dagling pinawalan ang mahinang-mahina nang
ibon. Nag-alala ang datu sa kalagayan ng ibon subalit huwag daw itong mag-alala dahil
nakatalaga na talagang ipalit ng ibon ang sarili nito sa anumang ginampanan. Si
Prinsipe Manawari nama’y may nais pang malaman sa Mahiwagang Ibon.
“Subalit ang salansan ng bungo’t buto sa ilalim ng Punong Aninipot? Hindi ba’t ikaw rin
ang may kagagawan noon?”
“Di yata’t may pag-aalinlangan ka pa rin sa akin, Mahal na Prinsipe.”
“Kung hindi ikaw ay sino?”
“Halos gabi-gabi’y iniiputan ko ang salansan ng mga kalansay na iyon upang ibalik ang
kanilang buhay. Ngunit gabi-gabi rin ay dumarating ang Kambal-Ulong Buwitre at
binubugahan ng apoy ang mga taong iyon hanggang sa maging buto’t bungo muli.”
“Kambal-Ulong Buwitre?” Naalala ng prinsipe ang ikinukuwento ng mga Isdang Alapaap
na nagbabantay sa anak ni Zephyra.
“Oo. Ang Higanteng Kambal-Ulong Buwitreng Bumubuga ng Apoy.”
“Saan naman nanggaling ang halimaw na ito?”
“Ito ay isa sa tatlong haragang isinumpa ng Diwata ng Kalikasan.”
Nakisingit si datu Puti nang marinig ang tatlong haragan. May galit na sumanib sa mga
panga nito.
“Tatlong Haragan ba kamo?”
“Opo, Mahal na Datu. Isinumpa ng diwata ang tatlong haragan nang matuklasan ang
pananalasa ng mga ito sa mga kagubatan. Ang haragang naging buwitre ang pumatay
sa inyong mga sakop na nagtangkang hulihin ako. Ang dalawang haragan ay ipinatapon
sa dagat. Ang isa’y naging Mabangis na Berkakan at ang isa nama’y naging
Dambuhalang Buwaya. Subalit dahil nga sa ipinagbili na ng tatlong haragan ang mga
kaluluwa nito sa mga espiritu sa lalim ng lupa, ay nagkaroon pa rin ito ng lakas at
kapangyarihan.”
“Ang sinasabi mo bang dambuhalang buwaya ay yaong may kambal na buntot?” Tanong
ni Prinsipe Manawari.
“Oo, iyon din ang pumaslang sa aking ama at dumukot sa akin.”
“Dumukot sa iyo?”
“Noong ako’y sanggol pa lamang.”
“Sa Pulo ng Maniwantiwan?”
193

Muling nagbalik sa Mahiwagang Ibon ang malamlam na alaala mula sa pulong binanggit
ng prinsipe. Marahan itong tumango.
“A-Astra?”
Ang ibon naman ang nagulat. Bahagyang nakaramdam ito ng panibagong lakas.
Tinitigan nito ang prinsipe nang may halong pagtataka at pananabik.
“Ikaw ang anak ni Zephyra? Pero bakit…?”
“Kilala mo si Ina? Alam mo kung nasa’an siya?”
Tumango ang prinsipe.
“Maari kitang dalhin sa kanya subalit…” Hindi itinuloy ng prinsipe ang kanyang sasabihin.
Ang ipinag-aalala niya’y kung paano niya mapaniniwala si Zephyra na itong ibon na ito
ang dinukot na anak.
“Oo. Isinumpa rin ako ng buwitre kaya ganito ang aking anyo.”
“May paraan pa ba para magbalik ka sa dati mong anyo?”
“Ang mutia.”
“Mutia? Saan ito matatagpuan?”
“Ang mutia. Nakabaon ito sa atay ng Higanteng Buwitre.”
“Sa atay? Baka sa puso?”
“Sa atay. Walang puso ang buwitreng iyon.”
“Kung gayon ay kailangang hanapin natin at mapatay ang buwitre. Saan natin ito
matatagpuan?”
“Sa Higanteng Puno ng Aninipot. Doon din sa pinaghulihan mo sa akin.”
At ngayon naalala ni Prinsipe Manawari ang dahilan ng malakas na hangin at
pagkabulabog ng mga alitaptap noong gabing paalis na sila sa kinahulihan ng ibon.
“Sumumpa ako sa iyong ina na ibabalik ka sa kandungan niya. Kailangang mapatay ko
ang buwitreng iyon!” Higit ay sa sarili sinasabi ni Prinsipe Manawari ang mga katagang
iyon.
“At ang mga kalansay ng aking sakop?” Muling sumingit si Datu Puti.
“Huwag kayong mag-aalala, Mahal na Datu. Ibabalik namin ang magigiting na anak ng
Laguindingan.”
Muling niyakap ng datu ang prinsipe. At muli rin niyang ihinayag dito ang
pangakong ibibigay nito ang Laguindingan sa prinsipe kapalit ng pagdadala niya ng Ibong
Aninipot. Subalit muli ring tinanggihan ng prinsipe ang alok ng datu. Kinamayan ni Datu
Puti si Prinsipe Manawari, tanda ng paggalang at paghanga na rin. Isinumpa nitong
tutuparin ang kanilang pinagkasunduan ng binata. Ngayong naghilom na ang
Laguindingan at ni bakas ng anino ng pesteng sakit ay wala na, wala nang dahilan para
194

hindi bumalik ni Prinsesa Ganda. Nangako pa ang datu ng isang pinakamasigabo at


pinakamahabang pagdiriwang sa pag-iisang-dibdib nina Prinsipe Manawari at Prinsesa
Ganda. Ngayon pa lamang ay nag-uumapaw na ang dibdib sa galak ng bayani na
ngayong prinsipe. Subalit maging ang iyon ay makapaghihintay. Muling nagpaalam ang
prinsipe upang tupdin ang isa pang sinumpaan. Kailangang maibalik niya si Astra kay
Zephyra. Subalit iyon ay kung mapagtatagumpayan nila ang pagpatay sa buwitreng may
hawak ng mutiang magpapalaya sa sumpa kay Astra. Nais pa sanang pigilin ng datu ang
prinsipe para sa isang masigabong pagdiriwang subalit ayaw nang sayangin ng prinsipe
ang panahon. Nais niyang bago bumalik si Prinsesa Ganda sa Laguindingan ay wala na
siyang iba pang iintindihin. Walang nagawa ang datu kundi hayaan ang prinsipe sa
anumang desisyon nito. Hinandog na lamang ng datu sa prinsipe ang isang kampilang
pinanday ng talim ng kidlat at itinubog sa kumukulong dugo ng bulkan. Handog ito sa
datu ng ninunong si Agyu at sa katwiran niya’y dapat na mapunta ito sa prinsipeng
nagligtas sa kanila. Magagamit raw ito ng prinsipe sa pagpaslang sa Dambuhalang
Buwitre. At muling nagyakap ang dalawang malapit nang maging magbiyenan.
Nakasakay na sa Magik Malong sina Prinsipe Manawari nang may namataan silang isang
puting ibong tila hinang-hina sa paglipad. Lumagpak na lamang ito sa kanilang paanan
at nagkikisay.
“Ang Nori!” Bulalas ni Datu Puti.
Ang Nori ang mensaherang ibon ni Prinsesa Ganda. Tiyak na may mensahe ito
para kay Datu Puti. Dali-dali namang pinakuha ng datu ang kanyang bantay ng tubig
mula sa Ilog-Himasmas. Kapagkuwa’y binuhusan ng tubig-ilog ang nawalan ng malay
na ibon. Matapos itong mahimasmasan ay ibinigay na nito sa datu ang mensaheng mula
kay Prinsesa Ganda. Galing daw ang Nori sa napakahabng paglalakbay. Dalawandaan
tatlumpu’t apat na araw itong walang tigil sa pagkampay. Maikli lamang ang mensahe
ng Nori. Si Prinsesa Ganda raw ay nasa napakalayong lupain. Nasa mabuti naman daw
itong kalagayan. Sa katunayan ay nakatagpo na ito ng makakaisang-dibdib at anumang
sandali’y maaring magpakasal na.
Ang dapat sanang mas lumigayang datu ay parang sinilaban ng lungkot. Hindi
para sa kanya kundi para kay Prinsipe Manawari na kaninang pinangangakuan niya ng
masigabong kasal ay hindi niya mailarawan ang tuwang nagsasayaw sa mukha nito.
Tahimik ang lahat at nakatitig lamang kay Prinsipe Manawari. Wala silang mahagilap na
salita na maaring makapagpakalamay sa kalooban nito. Subalit wala silang mabanaag
na lungkot sa mukha ng prinsipe. Walang makapanghula kung ano ang laman ng isip
nito’t kalooban. Walang anu-anong tumitig lamang ito sa kawalan. Tumanaw sa malayo
at tumitig sa kawalan.
Walang nagawa ang lahat kundi ang makititig sa inaabot ng tanaw ng prinsipe. At
may nahagip ang mga mata nilang tila isang dambuhalang ulap. Putim itong tila
nakikidalamhati sa naunsyaming kapalaran ng prinsipe. At hindi nagkasya ang ulap nito
sa pangulimlim at tila nais pa nitong lapitan at yakapin ang prinsipe. Dinadaya ba sila ng
kanilang mga mata? Ano’t tila nga bumubulusok pababa ang ulap? Subalit ano’ng ulap
ito na tila yata may kumakampay na pakpak!? At may ulap bang may kuko? At bakit
umaalulong ang tisikong aso?
195

Ang Kambal-Ulong Higanteng Buwitre!


Nagpulasan ang mga tao subalit hindi para magtago. Pagbalik ng mga ito’y may
kanya-kanya nang mga sandata. Papadagit ang buwitre habang bumubuga-buga ng
apoy. Pagtapat nito kina Datu Puti ay inilaglag ang malaking lambat na yari sa baging.
Kumalat ang mga buto’t bungong laman nito. Nag-init ang punong-tainga ni Datu Puti sa
paglapastangan ng buwitre sa kalansay ng kanyang mga sakop. Idagdag pa na ang
buwitreng ito ay siya ring isa sa mga haragang lumansi sa kanya. Inagaw ni Datu Puti
ang hinandog nang kampilan kay Prinsipe Manawari at maliksi nitong sinugod ang nasa
ereng buwitre. Tila lawin ang datung pumailanlang dala ng kapangyarihan ng kampilan.
Hindi naman nakakilos agad ang nagulantang na buwitre at sa isang tigpas ay gumulong
ang isang ulo nito sa lupa tulad ng isang sinungkit na buko. Nakabuga naman ng apoy
ang isa pang ulo ng buwitre at nahagip ang hindi agad nakailag na datu. Nahulog ang
datu at nag-aapoy ang bisig nitong may tangang kampilan. Agad na sumaklolo si Prinsipe
Manawari at kinuha niya sa kamay ng datu ang kampilan. Lumulan siya sa Magik Malong
at pumailanlang para makipagtunggali sa Higanteng Buwitreng iisa na ngayon ang ulo.
Ang mga mamamayan naman ng Laguindingan ay nakaabang sa ibaba, handa na ang
mga sandata. Panaka-naka’y binubugahan ng apoy ng buwitre ang mga ito at di iilan
ang nasunog at nasugatan. Subalit walang umaatras. Lahat ay handang magpakamatay
sa pagtatanggol sa kahihilom lang na bayan. Umaatikabong bakbakan ang naganap sa
pagitan ni Prinsipe Manawari at Higanteng Buwitre. Dahil hindi makalapit sa buwitre ang
handang lumabang mamamayan ng Laguindingan ay nagsilbing tagapugay ang mga ito
ng prinsipe. Nakamata lamang ang sugatang datu subalit sa bawat pag-unday ng
kampilan ng prinsipe ay ramdam niyang siya na rin ang nasa katauhan ng prinsipe.
Magkahalong pangamba at pananabik ang nadarama ng bawat isa. Isang binata ang
biglang umakyat sa atip ng torogan ni Datu Puti at kinalas ang bandila ng Laguindingan.
Mabilis itong bumaba at sumakay kay Kalabawbibaw. Pinalibot-libot nito ang kabaw
habang taas noong iwinawagayway ang bandila ng Laguindingan. Namataan ito ng
buwitre at lalong bumalasik ang mga mata nito sa galit. Saglit na iniwan nito ang
katunggaling prinsipe at lumipad sa direksyon ng binatang nagwawagayway ng bandila.
Sa isang halihaw ng matutulis na kuko nito ay nahagip ang kanang braso ng binatang
may hawak na bandila. Namula ang kayumangging lupang binagsakan ng putol na bisig
ng binatang may tangan pa ring bandila. Mabilis ang pangyayari at hindi agad
nakasaklolo si Prinsipe Manawari. Hindi naman bumakas ang hilakbot sa mukha ng
binata at para ngang wala namang nangyari. Dagli pa nga itong bumaba ng kabaw at
pinulot nito ng kaliwang kamay ang bandila. Dagli rin itong sumakay muli sa kabaw at
ipinagpatuloy ang pagwawagayway. Nakaramdam ng panliliit si Prinsipe Manawari sa
ipinamalas na katapangan ng binata. Lalo namang nagalit ang buwitre sa inasta ng binata
at handa na nitong daluhungin ito at gawaran ng kamatayan. Subalit mabilis na
humarang ang nag-aapoy na rin sa galit na prinsipe. Inundayan niya ng ubod-lakas na
tigbas ang buwitre at nahagip ito sa kanang pakpak. Gumaspang ang lipad ng dambuhala
ngunit nakapaninimbang pa rin ito nang maayos. Dinaluhong nito si Prinsipe Manawari
sabay buga ng apoy. Nahagip ang prinsipe subalit hindi siya nasunog dahil sa suot na
baluting yari sa buhok ni Zephyra. Ang Magik Malong ang nadilaan ng apoy.
Nagpagewang-gewang ang lipad nito subalit saglit lang dahil madali naman nitong
nasulsihan ang sariling binutas ng dila ng apoy. Humanda ang prinsipe sa panibagong
pagsalakay. Nakatalalan sa hangin ang nakaamba nitong kampilan. Wala na siyang
196

balak patagalin ang labang ito tulad ng pagtutunggali nila ng Dambuhalang Buwaya sa
Dagat ng Maniwantiwan. Ngayon pang handa na siyang mamatay dahil ano nga ba ang
halaga ng buhay gayong hindi na mapapasakamay niya si Prinsesa Ganda, ang kanyang
pinakamamahal? Hindi na siya nagtatanggol na lamang kundi siya na ang handang
sumila. Ang mga tulad ng kalaban niyang ito ang sumisira sa buhay nila. Siya o ang
buwitre? Ito lamang ngayon ang nag-iisang tanong. At handa na niyang tuklasin kung
ano man ang sagot. Nag-aabang naman ang handang-handa ring buwitre sa kanya.
Mula sa kalangitan ay gumuhit ang isang napakatalim na kidlat. Lumandas ito sa talim
ng kampilan. Nakamulagat ang lahat at nag-aabang sa manyayari. Tanging ang mga
dibdib ng mga ito ang pumipintig. Maging ang hangin ay tila inimpit ang paghinga. Mula
sa kinalululanang malong ay lumundag palipad si Prinsipe Manawari. Sinalubong siya
ng daluhong ng Dambuhalang Buwitre. Sa kanilang pinagtagpuan ay nagpingkian ang
mga kuko’t kampilan. Nasaksihan ang bilis ng mga kilos at pag-ilag. Nagsalpukan ang
mga lakas at kapangyarihan. Hanggang sa balutin ang dalawang mandirigma ng
makapal na usok ng labanan. Biglang tumigil ang lahat. Maging ang kaninang pintig sa
dibdib ng mga saksi ay hindi na mararamdaman. Tuluyan nang tumigil ang hangin sa
paghinga.
Mula sa nalikhang usok ng labanan ay may nalaglag na pahabang telang isinayaw
muna ng manipis na hangin bago lumapag sa lupa. Ang Patola Kaorayan! Kasunod nito
ay humaginit pababa ang isang katawan. Mabilis naman itong nakabangon kahit laylay
ang duguang bisig. Kasunod nito’y ang malakas na galabog. Nayanig ng tila lindol ang
lupa sa pagsalo sa ulong pugot ng buwitre at wala nang buhay nitong katawan. Sa dibdib
ng dambuhala ay nakatarak ang taas-noong kampilan! Saka pa lang nakahinga ang
hangin at umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng tagumpay.
Inot-inot na gumapang si Prinsipe Manawari sa kinatimbuwangan ng
Dambuhalang Buwitreng Wala Na Ngayong Ulo. Inakyat niya ang nakaumbok na pitso
nito. Tinantiya niya kung saang bahagi nito matatagpuan ang atay na kinababaunan ng
mutiang magpapalaya sa sumpa sa Ibong Aninipot. Hinugot niya ang nakatarak na
kampilan. Inubos niya ang natitirang lakas at muling ibinaon ang humahaginit na
kampilan. Nakangingilo ang nawawakawak na balat at laman ng patay nang dambuhala.
Ibinaon ni Prinsipe Manawari ang braso’t kamay sa nawakwak na dibdib ng buwitre.
Nang iahon niya ang duguang kamay ay may bilog na kuminang sa dulo ng kanyang mga
daliri. Muli na namang umalingawngaw ang sigawan sa pagkabawi ng prinsipe sa mutia.
Malugod na inihandog ni Prinsipe Manawari ang mutia sa Ibong Aninipot. Subalit
bago nito lulunin ang mutia upang magbalik na ito sa dating-anyo, ay sinikap nitong
makalipad sa nagkalat na buto’t bungo ng magigiting na anak ng Laguindingan. Humugot
ito ng malalim na hininga at sinimulang humimig ng isang awit. Subalit dahil siguro sa
matinding panghihina ay wala nang lumabas na tinig sa ibon. Nagkakandaluha na ito
ngunit mga paos na ik-ik na lamang ang nalilikha ng lalamunan. Tuluyan nang
napahagulgol ang ibon sa kabiguan nitong mabigyang-buhay ang mga kalansay.
Nahahabag namang nilapitan ni Datu Puti ang ibon. Hinagod-hagod ito sa likod upang
ipadamang labis-labis na ang nagawa nito para sa Laguindingan. Sinabi pa ng datung
hindi kabawasan ng kabayanihan ng mga ito ang naging kamatayan ni ang pagkabigong
madala sa lupain ang ibong magiging lunas. Ipinag-utos na lamang ng datu na imisin na
197

ang mga kalansay at bibigyan nila ito ng marangyang libing. Iniutos din nitong gamutin
na ang mga tulad niyang sugatan.
Muling inabot ni Prinsipe Manawari sa ibon ang mutia. Tinanggap na ito ng ibon
at dahan-dahang nilunok. Hindi makapaniwala ang lahat sa nasaksihan. May dumapong
kung anong liwanag sa ibon matapos nitong malunok ang mutia. Unti-unti, ay nagbago
ang anyo ng ibon. Nawala ang mga pakpak at pumalit ay mga bisig. Ang balahibo sa
ulo’y naging napakahabang buhok. Nalagas ang mga balahibo sa katawan at naging
napakakinis na kutis. Lumubog ang tuka at bumadha ang may bahagyang kakapalang
rosas na labi. Mula ulo pababa ay unti-unting nag-anyong tao ang ibon. Subalit ang
hinihintay ni Prinsipe Manawari ay hindi naganap. Ang inaasahan niyang maninipis na
binti ng ibon na magiging buntot ng isda, ay sa halip ay naging hita’t binti at maliliit na
paa. At tumambad sa kanila ang isang kagandahang kaiinggitan ng nakatanghod na mga
bituin. Parang nabatobalani si Prinsipe Manawari at di namalayang kaharap na pala niya
si Astra at nakangiting nagpapasalamat sa kanya. May nais sumungaw na kislap sa mga
mata niya subalit may kung anong panimdim na humila rito paloob.
X. Ang Rebelasyon
Walang mga tao’t hayop sa lahat ng tahanan sa Pulo ng laguindingan. Ang lahat
ay nagkalupumpon sa may pangpang. Lahat ay nais makadaupang-palad ang mga
lilisan. Magkahalong lungkot at ligaya ang nadarama ng bawat isa. Muling niyakap ni
Datu Puti ang prinsipeng itinuturing na niyang anak ng Laguindingan. Muli niyang inulit
ang alok ditong mamuno sa pulo. Muli namang tumanggi si Prinsipe Manawari. Sa
katunayan ay isinoli niya sa datu ang makapangyarihang kampilan ni Agyu sa pag-
aalalang hindi pa tapos ang panganib na nagbabanta sa pulo. May isa pang haragang
hindi napapatay. Hindi rin naman niya magagamit pa ang kampilan dahil matapos
maihatid si Astra kay Zephyra ay babalik na rin siya sa Kaharian ng Hansen. Susubukan
niyang dugtungan ang pinutol niyang relasyon sa kabiyak. Muling humingi ng paumanhin
ang datu sa hindi niya sa hindi niya inaasahang pag-aasawa ni Prinsesa Ganda. Tinugon
lamang ito ng matipid na ngiti ni Prinsipe Manawari. Bago umalis ay iginala ni Prinsipe
Manawari ang mga mata sa paligid. Sa mga taong bagamat ang karamihan ay hindi pa
nakakatakas sa nagdaang hilakbot, ay maaaninawan naman ng matatag na pananalig.
Napansin niya ang binatang may benda ang putol na kanang braso. Natuwa siya dahil
hanggang ngayon ay tangan pa rin nito ang bandila ng Laguindingan. Nilapitan niya ang
binata. Hinubad niya sa pagkakabigkis sa noo ang Patola Kaorayan at ibinigkis ito sa
noo ng matapang na binata. Saka niya ito kinamayan. Magbubukang liwayway at
pumailanlang na sina Prinsipe Manawari patungo sa Pulo ng Maniwantiwan. Mula sa
kinalululanang malong, tinapunan ng prinsipe ng huling sulyap ang Pulo ng Laguindingan.
Tila ito maliit na nunal sa nguso ng dagat na dinadampian na ng halik ng Haring Araw.
Magbubukangliwayway nang lumisan sila sa Pulo ng Laguindingan. Papalubog
naman ngayon ang araw nang matanaw na nila ang Pulo ng Maniwantiwan. Minasdan
ni Prinsipe Manawari si Astra. Bakas sa mukha nito ang pananabik tulad ng sanggol na
kinakaon ng ina sa duyan. Isinasayaw ng hanging amihan ang mangasul-ngasul nitong
buhok na tulad ng sa ina. Ang mga mata nitong tila mutia ay may linaw at kislap na
banayad sa sinumang tumitingin. Napansin ng babae na nakatitig sa kanya ang prinsipe.
Nginitian niya ito at nanghigop ang dalawang ipo-ipo nito sa pisngi. May gusto na namang
198

sumungaw na kislap sa mga mata ng prinsipe. Sinaway ito ng prinsipe sa pamamagitan


ng pagbabaling ng atensyon sa tatlong hayop pa nilang kasama. Hinagod-hagod kunwari
ang sungay ng kabaw, inayos ang pagkakasalabid ng pakpak ng manok at pinunasan ng
Mosala ang muta ng aso. Nagulat ang prinsipe sa kanyang ikinilos. “Ano ba ito at pati
ang tinatangi kong Mosala ay naipampunas ko ng muta?” Nasabi niya sa isip. Si Astra
naman ang parang napahiya at idinako na lang din ang tanaw sa lumilinaw nang guhit ng
pulo. Ilang sandali pa’y lalapag na sila sa kanyang kinawalayang sinilangan.
Buong-akala ni Prinsipe Manawari’y nakita na niya ang pinakamatayog na
kaligayahan sa mamamayan ng Pulo ng Laguindingan. Subalit nang masaksihan niya
ang pagyayakapan ng mag-inang muling nagtagpo, ang sapantaha niya’y napasubalian.
Maging ang tatlong hayop ay nadama ang dumapong kaligayahang iyon. Ang sumunod
ay ang malungkot namang pamamaalam. Bago lumisan ay may inilabas si Zephyrang
damit. Sinulsihan pala niya ang nagkapunit-punit na damit ni Prinsipe Manawari noong
ito’y napalaban sa dambuhalang buwaya. Ibinigay ito ni Zephyra para madala ng prinsipe
sa pagbalik nito sa Kaharian ng Hansen. Subalit nagpasya na rin ang prinsipeng isuot
na ito. Hinubad niya ang baluting handog ni Zephyra. Ayaw sana itong ipahubad ng
sirena subalit sinabi ng prinsipeng hindi na niya ito gagamitin. Matapos ang lahat ay
babalik na siya sa kaharian upang hindi na muling lumisan pa. Wakas na ng kanyang
paglalakbay. Wakas na ng kanyang pagkahibang.
Hinimok ni Astra si Prinsipe Manawari na doon na magpalipas ng magdamag at
kinabukasan na ng umaga ipagpatuloy ang paglalakbay. May bahagi man sa katauhan
ni Prinsipe Manawaring nais pagbigyan ang dalaga ay tinatalo ito ng isang katwirang siya
lamang ang nakababatid. May sumungaw na lungkot sa kaninang pagkasaya-sayang
mga mata ng dalaga. Lumulukob ang dilim at nagsimula na namang kumampay ang
mga palikpik ng Isdang Alapaap sa laylayan ng Magik Malong. Ibinigay na ng mga ito
ang lahat ng lakas para sa inaasahan nilang huli nang paglalakbay. Lumiit nang lumiit
ang pulo sa paningin ni Prinsipe Manawari. May malamlam na kislap sa pinakamadilim
na bahagi nito. Pusikit kaya iyon ng mutiang mata ni Astra? Kung panibago man iyong
Bugtong ng Pag-Ibig ay ayaw na niyang tugunin pa.
Kudlit na nunal na lamang ang Pulo ng Maniwantiwan sa malapad na mukha ng dagat.
Walang nakaaalam sa iniisip ni Prinsipe Manawari subalit malinaw na ngayon na ang
kanyang mga mata’y naakit ng mga tanawin nang muli nilang madaanan ang Pulo ng
Laguindingan. Nasa ganito siyang pagkamangha ng salakayin ng dambuhalang
berkakan.
Hindi malaman ng tatlong hayop kung anong lintik ang tumama sa kanilang amo-
kaibigan. Sa isang iglap ay lumubog ito kasama ng sumakmal na halimaw. Lumapag
ang Magik Malong sa pampang at inantabayanan ng tatlong hayop ang paglutang ng
prinsipe. Makalipas ang ilang sandali, ang warat-warat lamang na kasuotan ng prinsipe
ang iniluwa ng dagat.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga hayop. Kinagat ng tisikong aso ang isang daliri
ng kabaw na parang pinitpit na luya. Kinalahig ng alimbyuging manok ang buhangin sa
pampang at ihinulog ng mga ito ang daliring parang luya at saka tinabunan. Lumusong
si Kalabawbibaw at lumagok ng tubig-dagat. Ibinuga nito ang tubig sa pinagtaniman ng
piraso ng kanyang daliri sa paa. Maya-maya pa’y may tumubong halamang gabi sa
199

kanilang pinagtaniman. Ilang sagli’t pa’y namunga naman ito ng mangga. Nang pipitasin
na nila ito’y naging hinog na papaya. Bigla itong lumagpak sa lupa at naging isang
napakagandang dalaga!
Hindi nag-aksaya ng panahon ang dalaga at sumisid ito sa dagat. Makalipas ang mga
sandali’y umahon ito dala ang pira-pirasong buto ni Prinsipe Manawari. Ikinumot ng
dalaga ang Magik Malong sa mga buto ng prinsipe at dagling tumalikod ang babae at
biglang naglaho. Tumilaok ang alimbyuging manok at gumalaw ang mga buto. Ang
tisikong aso naman ay tumahol nang dalawang ulit saka nito kinahig ang mga buto.
“Ano’ng sarap ng tulog ko.” Bulalas ni Prinsipe Manawari matapos hawiin ang Magik
Malong at bumangon.
Parang wala namang nangyaring nagpatiuna na ang tatlong hayop sa pagsakay sa
malong dahil alam ng mga itong kailangan ng prinsipeng magpatuloy sa paglalakbay-
pauwi.
Ganito ring oras nang lisanin niya ang Kaharian ng Hansen. Sa balkon ng kanilang
kuwarto niya pinalapag ang Magik Malong. Maingat siyang pumasok sa kuwarto at
nadatnang nahihimbing pa rin ang iniwang kabiyak. Ganitong-ganito pa rin ang ayos nito
katulad nang kanyang iwan. Hindi tulad sa masama niyang panaginip, hindi nga nito suot
ang salaming sapatos. Subalit baka naman hindi talaga siya lumisan at ang lahat ng iyon
ay isang napakasamang panaginip lang? Gusto na sanang maniwala ng prinsipeng
ganoon nga subalit nasulyapan niya ang nakadungaw na kabaw, aso at manok sa labas.
Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kabiyak. Halos nakapitong pagpapalit
ng buwan siyang nawala ngunit walang pinag-iba ang prinsesa. Tinangka niyang hagkan
ito sa noo at ilulan sa halik na iyon ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad. Subalit
ngayon siya nakadama ng matinding agam-agam. Isinapo na lang niya ang palad sa
pisngi ng kabiyak at hinagod ng hinlalaki ang mamasa-masang pilikmata nito.
Naalimpungatan ang prinsesa at nagtangkang tumalilis ang prinsipe. Ngunit huli na.
Nagising na at bigla itong napabalikwas pagkakita sa kanya. Hindi siya makatitig ng tuwid
sa pinagkasalaang kabiyak subalit nahagip niya ang matinding pananabik sa mga mata
nito.
“Alam kong babalik ka. Babalikan mo ako.”
Parang dinudurog siya ng mga katagang iyon. Nais man niyang isatinig ang pagsisisi’t
paghingi ng tawad ay walang mahagilap na kataga ang kanyang dila. Pinilit niyang
ipatalastas sa mata ang hindi masabi ng kanyang dila. Wala namang bahid ng paninisi
sa parte ng kabiyak ni paninikis kaya. At tila baga may bahagi rin itong kasalanang
iniinda.
“Kasalanan ko rin, aking mahal.” Maluha-luhang nasambit ng prinsesa.
Nabahiran naman ng pagtataka ang prinsipe. Hinawakan niya sa baba ang kabiyak at
inangat ang nakatungong ulo nito at ihinarap sa kanya. Tuluyan nang humagulgol ang
kabiyak. Wala sa loob ng prinsipeng nahugot ang Mosala sa dibdib at ipinampahid sa
naglalandas na luha ng kabiyak. Inagaw ng kabiyak ang Mosala sa kamay niya at
bagamat hilam sa luha ang mga mata’y pinilit itong ititig nang tuwid sa mga mata ng
prinsipe.
200

“May kailangan kang malaman, aking mahal.”


Nagugulumihanan pa ring pinagmasdan ng prinsipe ang kabiyak habang tangan
nito ang Mosala at tila binabasa ang intrikadong gantsilyo ng panyo. Ang mga sumunod
na tagpo’y nakapagpanindig ng balahibo ng prinsipe. Mula sa Mosala ay may bumukal
na matinding liwanag. Binalot ng liwanag na iyon ang kabiyak. Iniangat ng liwanag ang
prinsesa sa hangin. Napakapit nang mahigpit si Prinsipe Manawari sa kinauupuang
kama. Sa harap niya ay ang nakalutang na prinsesang balot-balot ng mahiwagang
liwanag. Muli niyang napagmasdan ang kabuuan nito. Ang balingkinitang
pangangatawan. Ang kulay-niyebeng kaputian. Ang nakapusod na ginintuang buhok.
Ang mga matang tila diamante. Subalit sa isang sambulat muli ng liwanag mula sa
Mosala ay masasaksihan ng prinsipe ang isang kagilagilalas na pagbabago sa
nakalutang na kabiyak. Ang balingkinitang pangangatawan ay ganoon pa rin subalit ang
kulay-niyebeng kaputian ay naging kayumangging aligatan. Ang nakapusod na
ginintuang buhok ay nalugay at umalong tila dagat na itim. Ang mga matang diamante
ay naging mutia ng kailaliman. At dahan-dahan. Ang walang saping paa ay banayad na
lumapag sa sahig. Naglaho ang liwanag na bumabalot sa prinsesa at nilulukob ito ngayon
ng pag-aalala kung ano ang magiging reaksyon ng kabiyak na prinsipe. Ang tatlong
hayop naman na kanina’y nag-uusyoso lang ay nanghahahaba ngayon ang leeg at
nandididilat ang mata. Umurong naman yata ang dila ng prinsipe.
“P-Prinsesa G-Gan-da?”
Tumango ang kabiyak.
“Akala ko kasi’y hindi mo ako maiibig sa ganitong anyo. Na kailangan ko pang
magbalat…”
Pinigil ng prinsipe ang ano pa mang sasabihin nito. Niyakap nito nang sakdal higpit
ang kabiyak na parang dinarama ang kanyang kabuuan o kapunuan sa piling nito. Kung
may nakakikilala man ng salitang ligaya, ay tiyak na si Prinsipe Manawari na iyon. Subalit
hindi. Hindi ligaya. Ang ligaya ay isa lamang ordinaryong damdamin. Ang nadarama ni
Prinsipe Manawari ay higit pa sa damdaming iyon. Higit pa sa lahat ng damdaming
nakikilala ng daigdig. Isang damdaming abot-abot kung saan at tunay ngang
magpahanggang kailan pa man. At walang paglagyan ang damdaming ito at kailangan
niyang isalin sa iba. Sino ang unang dapat makahati sa kanyang nadarama? Naisip niya
ang Amang Haring Bacocos at Inang Reyna Bicuda. Subalit bukod sa ayaw muna niyang
abalahin ang mga magulang ay hindi pa niya alam kung paano tatanggapin ng mga ito
ang mabilis at mahiwagang pangyayari. Naisip niya si Merlin. Kung mayroon man sa
kaharian na makauunawa sa pangyayaring iyon, ito ay walang iba kundi si Merlin.
Hihilahin na sana ni Prinsipe Manawari ang kabiyak para dalhin kay Merlin subalit hindi
na pala kailangan. Narito na ito at nakatitig sa kanilang dalawa. Tuwang-tuwang niyakap
ng prinsipe ang itinuturing na ring matalik na kaibigan. Hindi nga ba’t mula pagkabata’y
si Merlin na ang kanyang kasa-kasama? Ito ang nagturo sa kanyang bumasa’t magsulat.
Umakyat sa puno at humawak ng espada. Ito rin ang tanging nakababatid ng kanyang
katatapos na paglalakbay. At ito rin dapat ang una niyang maging kahati sa tagumpay.
Tinanggap ni Merlin ang mahigpit na yakap ng prinsipe. Subalit hindi upang makihati sa
nadarama nitong kaligayahan. Mahigpit din nitong niyakap ang prinsipe dahil sa
nagbabadya na naman ditong pasakit at kalungkutan. Niyakap niya ito tulad ng pagyakap
201

kapag ito’y nadadapa at nasusugatan. Katulad ng pagyakap nang magpaalam ito sa


kanya sa binabalak na paglalakbay. Katulad ng pagyakap noong sanggol pa ito at
itinatakas niya sa inaalihan ng yawang amang datu. Katulad ng pagyakap sa madidilim
na gabi nila sa kagubatan. Katulad ng pagyakap matapos mabitiwin ng nanginginig
niyang kamay ang balaraw na itatarak sana sa nakangiting sanggol. Katulad ng
pagyakap nang matagpuan sila at bihagin ng mga kawal ng Haring Bacocos. Katulad ng
pagyakap nang araw na pumayag siyang ampunin ito ng di magkaanak na hari at reyna.
Katulad ng pagyakap ng may hawak ng katotohanang patalim na puputol sa kayilap na
kaligayang nadarama ngayon ng niyayakap. Kailangan niyang yakapin nang ganoon ang
pamangkin dahil alam niyang ang katotohanan ay hindi lagi nang nagpapalaya. Kung
minsan, ang katotohanan ay ngumangatngat ng kaluluwa.

Epilog: Sic Itur Ad Astra


Mabituing-mabituin ang gabi. Bughaw at putim ang kalawakan. Malamlam ang
anino ng mga burol. Natutulog na ang mga daffodils. Pinagmamasdan ni Prinsipe
Manawari mula sa kinalululanang Rinamentaw Mapalaw ang isinaboy na mga bituin.
Ngayon ay nauunawaan na niya kung ano ang gustong sabihin ng mga ito sa kanya.
Kung paanong ang mga ito’y nagtitiis sa kanilang katinuan. Kung paanong sinusubok ng
mga itong palayain siya. Subalit hindi siya nakikinig. Hindi siya nakikinig dahil hindi niya
alam kung paano. Maaring ngayo’y makinig na siya. Naramdaman niya ang marahang
dampi ng palad ni Prinsesa Ganda sa kanyang balikat. Kinuha niya ang palad nito at
pinisil. Nagpakawala ng maramot na ngiti ang kakambal. Kailangan niyang suklian ang
ngiting iyon. Hindi siya maaring magmagaling sa kalungkutan. Ang prinsesa ma’y
nawakwakan din ng kaluluwa. At ngayon nila kailangan muling humalukay ng tatag ng
loob. Dahil sa uuwian nilang bayang sinilangan ay may nilalandi ang hangin. Dinampi-
dampi ng hangin ang malamig nitong labi sa pisngi ng tatawing-tawing na ulilang kahel
na dahon ng Binansot na Balite. Kinilig ang dahon at nadupilas sa kinatitindigang manipis
na sanga. Isinayaw muna ito ng hangin bago lumapag sa malamig na labi ng datu.
Natakpan ng dahong kahel ang mapayapang ngiti ng pamamaalam.
Nakailang palit na ng buwan mula noon. Nasa dila ng pangpang si Hari Manawari.
Katatapos lang pag-isahing-dibdib ni Merlin sina Prinsesa Ganda at ng binatang isa ring
bayani ng Laguindingan. Sa binatang putol ang kanang braso at nakapatay sa
Dambuhalang Berkakang sumalakay sa pulo kamakailan lamang. Tinakasan sumandali
ni Hari Manawari ang masigabong pagdiriwang. May makati sa isip niya’t dibdib.
Nilalanghap ng hari ang hanging amihang hatid ng payapang dagat. Napatitig siya
sa pusikit ng ulilang bituing nakahiwalay sa pumpon ng nagniningningang mga tala sa
kalawakan. Tila ito nagpapakupkop sa kanya. Natakpan ang panginoring iyon ng isang
di niya mawaring bagay na lumilipad. Papalapit ito sa kanya. Lumukso ang kanyang
puso nang mapagsino ang papalapit. Ang Magik Malong! Lulan nito si Kalabawbibaw,
ang alimbyuging manok na may napakahabang buntot at ang tisikong aso. Hindi na
pinalapag ng mga ito ang Magik Malong sa halip ay kinumbatan si Hari Manawari na
202

lumulan na. Pagkasakay na pagkasakay ng bagong hari ng Laguindingan ay tila kidlat


na pumagaspas ang mga palikpik ng Isdang Alapaap.
Sa isang iglap ay tanaw na ni Hari Manawari ang pamilyar na pulo sa pusod ng
Dagat Maniwantiwan. May malamlam na kislap sa pinakamadilim na bahagi nito. Pusikit
kaya iyon ng mutiang mata ni Astra? May biglang nais sumungaw na kislap sa mga mata
ng hari. Hindi na niya ito ito hinila paloob. Napahalik na lamang siya sa kanyang kamao.
Nasalat ng kanyang nasasabik na labi ang isang matigas na bagay sa kanyang daliri.
Ang gintong singsing-ita! Napatingin si Hari Manawari sa singsing at sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakita niya itong nakapirmi sa kanyang palasingsingan. Lumilinaw na
ang guhit ng pulo at tumitingkad ang kanina’y malamlam na kislap na natatanaw ni Hari
Manawari. Hinugot niya ang singsing sa daliri at ihinagis sa dagat. Takang-taka ang
tatlong hayop sa ginawa ng hari. Nakangiti lamang ang nasasabik na Hari Manawari.
Walang bakas ng panghihinayang sa huling kahilingang maaring mapasakanya.
Humugot lamang siya ng malalim na hininga at tumingala sa mabituing kalangitan.
Subalit humiling na rin siya. Harinawa’y makaya niyang sungkiting mag-isa ang bituing
maykislap ng mutia ang mata.

203

Mga Mananaliksik

ANGELICA L. HERAWON

Bucana, Piso, Banaybanay Davao Oriental


Davao Oriental, Mindanao, Philippines
Contact no. 09752169886
G-mail: herawona6@gmail.com

______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Secondary Education major in Mathematics


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Leandro G. Japos National High School
204

Tumarictic, Piso Banaybanay Davao Oriental


April 2018
ELEMENTARYA: Hadji Aton Bangal Elementary School
Piso Proper Banaybanay Davao Oriental
March 2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: November 2018
Position: Practice Teacher in Block 2 I-BSED MATHEMATICS (Plane
and Solid Geometry)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
KASANAYAN:
- Mathematics Solving
- Computer Skills
- Cooking Skills
PARANGAL:
First Honorable Mention (Elementary) March 2012
With Honors (Junior High) April 2016
MTAP Quizzer Awardee April 2016
With Honors (Senior High) April 2018
Leadership Awardee April 2018
Best Demo-Teacher in Plane and Solid Geometry February 2019
ORGANISASYON:
MATHIVATION (Math Club)
Sangguniang Kabataan (SK)
205

RUFA MAE C. DUHIG

Riverside, Napnapan, Pantukan Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09676078015
G-mail: Bhabychaii05@gmail.com
______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Secondary Education major in Mathematics


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Napnapan National High School
Napnapan Pantukan Compostela Valley Province
April 2018
ELEMENTARYA: Napnapan Elementary School
Napnapan Pantukan Compostela Valley Province
206

March 2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Provinve
Date covered: November 2018
Position: Practice Teacher in Block 2 I-BSED MATHEMATICS (Plane
and Solid Geometry)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan

KASANAYAN:
- Driving Skills
- Mathematics Solving
- Computer Skills
- Microsoft Skills
PARANGAL:
NCII PASSER (Computer Hardware Servicing) December 2014
NCII PASSER (Computer System Servicing) February 2018
ORGANISASYON:
MATHIVATION (Math Club)
207

JONISA MAE M. HIACO

Purok 2, Concepcion Maco, Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09090741542
G-mail: nesalastimoso8@gmail.com
______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Technology and Livelihood Education


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Atty. Orlando S. Rimando National High School
Binuangan Maco, Compostela Valley Province
2017
MindTechs Institute of Technology Incorporated
Seminary Drive, Magugpo Street, Tagum City
208

2018
ELEMENTARYA: Concepcion Maco Elementary School
Maco Compostela Valley Province
March 2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
KASANAYAN:
- Computer Skills
- Cooking Skills
209

REGINE L. ELIAGA

Binogsayan, Napnapan, Pantukan, Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09978029955
G-mail: eliagaregine@gmail.com
______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Technology and Livelihood Education


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Napnapan National High School
Napnapan Pantukan Compostela Valley Province
April 2018
ELEMENTARYA: Binogsayan Elementary School
Binogsayan Napnapan Pantukan Compostela Valley Province
210

2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan

KASANAYAN:
- Computer Skills
- Microsoft Skills

ROSITA A. TERANTE

Sarog, Napnapan Pantukan Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09268059434
G-mail: teranterosita6@gmail.com

______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Technology and Livelihood Education


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: New Bataan National High School
New Bataan, Compostela Valley Province

ELEMENTARYA: Camanlangan Elementary School


211

March 2000
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan

KASANAYAN:
- Computer Skills
- Sewing Skills
- Cooking Skills
- Driving Skills
PARANGAL:
Academic Awardee April 2005
ORGANISASYON:
MCCT PAMILYANG PANTAWID PROGRAM
VISMAN ASSOCIATION
212

RHENA LYNE T. PERALES

Langgam, Maco Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09364989927
G-mail: peralesrhenalyne6@gmail.com

______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Technology and Livelihood Education


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Atty. Orlando S. Rimando National High School
Binuangan Maco, Compostela Valley Province
2017
ELEMENTARYA: Maco Heights Central Elementary School
Poblacion Maco, Compostela Valley Province
213

March 2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan

KASANAYAN:
- Computer Skills
- Driving Skills
- Food and Beverages Services Skills
LORRABIE I. QUIAMCO

Patilan, Bongbong, Pantukan Compostela Valley Province


Compostela Valley Province, Mindanao, Philippines
Contact no. 09168769554
G-mail: Quiamco@gmail.com

______________________________________________________________________
NATAMONG EDUKASYON:

KOLEHIYO: Bachelor of Secondary Education major in Mathematics


Kolehiyo Ng Pantukan
Juan Sarenas Campus Kingking, Pantukan Comostela Valley Province
(Ongoing)
SEKONDARYA: Mabini National High School
Mabini Compostela Valley Province
April 2018
ELEMENTARYA: Pantukan Elementary School
Townsite, Kingking, Pantukan Compostela Valley Province
214

March 2012
KASANAYAN:
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: November 2018
Position: Practice Teacher in Block 2 I-BSED MATHEMATICS (Plane
and Solid Geometry)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
2018 Kingking Pantukan Compostela Valley Province
Date covered: March 2019
Position: Audience in Seminar (Research Congress and NSTP
Seminar)
Name of School: Kolehiyo Ng Pantukan
KASANAYAN:
- Mathematics Solving
- Computer Skills
- Cooking Skills
PARANGAL:
With Honors (Junior High) April 2016
Housekeeping NCII PASSER April 2018
ORGANISASYON:
MATHIVATION (Math Club)

You might also like