You are on page 1of 2

Nilalaman ng kuwento

Saan kinukuha ng manunulat ang laman ng kanyang maikling kuwento?


Ang pangunahing pinagmulan ng kuwento ay:
Sariling karanasan
Obserbasyon
Pananaliksik
Imahinasyon
Kumbinasyon
1. Sariling karanasan
Ang personal na karanasan ng manunulat ay nakabatay sa uri ng karanasan at kung
paano siya natinag nito. Ang karanasan ay maaring pangkaraniwan o pambihira. Kung
ang karanasan ay karaniwan, kailangang magkaroon ng bagong pagtingin dito at kung
ang karanasan ng manunulat ay pambihira, masisiyahan tayo sa di-karaniwang karanasan.
Sa mga kuwento tungkol sa karaniwang buhay kailangang maglakip ng sariwang
pagkilala sa lihim na katangian ng baga, tao o pangyayari. Sa kabilang dako, ang
kuwentong may pambihirang karanasan ay kailangang magkaroon ng karaniwang
ugnayan sa ating buhay.
2. Obserbasyon
Ang obserbasyon o pagmamasid ng manunulat sa buhay ng kanyang mga tauhan
ay nauukol sa mga ito: ang motibo sa kanilang kilos, ang mga nangyayari sa kanila at ang
mga damdaming nararanasan nila.
3. Pananaliksik
Ang karanasan ng manunulat ssa mga record ng kasaysayan at ang masining na
panitikan ay nababatay sa lawak ng kangyang edukasyon at kakayahan niyang magbigaybuhay sa mga tauhan. Malaki ang impluwensya ng mga pahayagan at magasin, ng mga
polyeto at aklat, ng fiction at hindi fiction, gayundin ang mayamang kaalaman ng kultura
sa Pilipinas at sa buong daigdig. Ito ang dahilan kung bakit laging may maisusulat ang
awtor ng kuwento. Kung maisasalin niya nag mga ito sa karanasan na may kabuluhan sa
iba, kung mapapasigla niya ang buhay ng mga mambabasa at kung mabibigyan niya ng
magandang mensahe ang kuwento.
4. Imahinasyon
Mahalaga ang kapangyarihan ng imahinasyon. Ang manunulat ay makalilika ng
tanawin o tagpo na hindi pa niya nakita, tulad ng kuwentong historikal. Lumilikha ng
mga bagong anyo-tauhan, aksyon, o tagpuan galing samga elementong bunga ng mga
karanasang personal o kultural ng manunulat.

5. Kumbinasyon
Ang paksa ng manunulat ay maaring manggaling sa apat na bagay 1) karanasan;
2) obserbasyon; 3) pananaliksik sa kasayasayan , panitikan at sining; 4) imahinasyon.
Ang temang sentral ng kuwento ay maaring imungkahi ng isang tao o isang pangyayaring
nakit ng manunulat. Tinitimbag ito sa liwanag ng karanasang moral at pilosopikal ng
awtor. Lalong pinayayaman ito ng kangyang kultura, sa pamamagitan ng kaalaman sa
kasaysayan ay sining. At sa wakas, mababalutan ng ningning ang mga pangyayari bunga
ng kanyang imahinasyon.

Aplikasyon
Ang buong klase ay papangkatin ko sa tatlong pangkat.
Panuto: Bawat pangkat ay kailangang bumuo ng ng isang maikling kuwento na mababasa
lamang sa loob ng apat hanggang limang minuto. Pumili lamang ng isa sa mga
maaring painagmumulan ng kwento. Tandaan na ang napili na ng ibang
pangkat ay
hindi na maaring gayahin ng ibang pangkat.
KRAYTERYA
Nilalaman
Kalinisan
Pagkamalikhain
Kabuuan

30 puntos
10 puntos
10 puntos
50 puntos

You might also like