You are on page 1of 3

VITUG, JAFAR C.

PANITIKANG FILIPINO 9-4-2019

Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling
salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya’t ang
pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang mga pangyayari sa
akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot na imahinasyon ng manunulat, maari ding ito ay
nakabatay sa sariling karanasan ng may akda.

Ito ay nakakapagbigay agad ng maikling inpormasyon na pinapaksa ng isang artikulo. Nagkakaroon agad
tayo ng kaalaman sa pangyayari sa ating kapaligiran.At ito ang nagpapahiwatig ng mga pangyayari sa
isang okasyon na kung saan may mahahalagang bagay ang nakasaad dito.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo. Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na
ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda.
Ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.

Mga Halimbawa: ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal. ‘Ang Tatlong Panahon ng
Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda ‘Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed Regalado

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Grecia bago isinilang si Kristo.

Halimbawa: ‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo, binibigyang tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Renacimiento o Muling Pagsilang sa Italya

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay
ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Rebolusyong Industriya: Ika-19
na siglo

Mga Halimbawa: ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal ‘Banaag at Sikat’ ni Lope K.
Santos ‘Santanas sa Lupa’ ni Celso Carunungan ‘Laro sa Baga’ ni Edgar Reyes ‘Ito Pala ang Inyo’ ni
Federico Sebastian (dula) ‘May Isang Sundalo’ at ‘Nana’ ni Rene Villanueva (dula)

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
VITUG, JAFAR C. PANITIKANG FILIPINO 9-4-2019

nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. “nasa paghahanapbuhay ang tugon upang
lasapin ang sarap ng buhay.” -nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan. Bago ipanganak si Kristo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,ideya, saloobin at iba
pang nais na ibahagi ng may akda

Teoryang nag uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang


lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural. lahat ng karunungan ay maaaring dumaan
sa masusing pagsusuri

Ang arketipal o mitolohikal na pagdulog ay nahahawig sa pananaw Sikolohikal, na nakatuon ang


atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ngunit higit na malawak ang
sinasaklaw ng pananaw Arketipal, dahil ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahen na
lumilitaw sa teksto ng pandaigdigang kultura ang masusing pinagtutuunan nito ng pansin.

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar,
mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng
kanyang panahon.

Ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. Maihahalintulad ito sa dalawang teorya ang
romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon;
modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Huling bahagi ng
ikalawang dekada ng nakaraang dantaon

Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan, ipinalalagay ng
maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan.

Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag at
nagbabago. Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
VITUG, JAFAR C. PANITIKANG FILIPINO 9-4-2019

may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.

You might also like