Professional Documents
Culture Documents
Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Halos kalahati ng
ating populasyon ang nagsasabi na nabibilang sila sa isang maralitang pamilya. Dahil
dito, kinalap namin at pinagsama-sama ang ilang mga halimbawa ng sanaysay tungkol
sa kahirapan. Mayroong mga halimbawa rito ng pormal at di-pormal na uri ng sanaysay.
Nawa ay makatulong sa inyo ang koleksyong ito at mangarap ng mas mataas para
umasenso sa buhay. Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating
bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero
sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila,
“Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila
naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming
trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila
masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos
kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa
isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad,
pinakadahilan ng kahirapan. May Pag-asa Kung Maniwala Ka Sa mundong ito hindi
maikakailang marami ang naghihirap. Dahil sa kahirapang ito maraming pamilya ang
walang matirahan, walang sapat na edukasyon, at walang makain at iba pa. Kahirapan
rin ang dahilan ng maraming krimen sa mga bansa. Walang hanap-buhay ang mga
taong sangkot sa mga krimeng ito, mga krimen tulad ng pagnanakaw, pangho-hold-up,
at marami pang iba. Subalit, bakit nga ba marami pa ring naghihirap kung ang mga
bansa ay may kanya-kanyang sapat na yaman? Ano ba ang mga ginagawa ng
gobyerno ng bawat bansa at hindi pa rin malutas-lutas ang issue tungkol sa kahirapan?
Isa sa mga bansa na laganap ang kahirapan ay ang Pilipinas. Tinatayang dalawampo’t
walong porsyento ng populasyon ng Pilpinas ay mahihirap. Kabilang sa populasyong
naghihirap ang mag-anak na nabanggit sa kwentong “Si Miming at Ang Sanggol sa
Underpass” na katha ni Crispulo Alarde Jr. Ang mag-anak na ito’y doon sa underpass
natutulog, iyon na rin ata ang tinuturing nilang tahanan, dahil sa wala silang sariling
tahanan. Ang mag-asawang ito’y nagkaroon ng anak. Ngunit dahil sa kahirapan
napilitan silang ibinta ang kanilang anak sa isang mayamang pamilya sa Makati.
Masakit man iyon sa kanila, ginawa pa rin nila iyon para rin sa ikabubuti ng buhay ng
kanilang anak. Sapagkat, hindi nila gugustuhin na maranasan ng kanilang anak ang
hirap na nararanasan nila ngayon. Marahil sa loob-loob ng ina ng bata sinasabi niya
“kung hindi lang ako naging mahirap kasama ko pa sana ngayon ang aking anak at buo
pa sana ang aming pamilya hanggang ngayon”. Pero hindi niya magawang sabihin ang
mga katagang iyon dahil sa alam niya ang katutuhanan at alam niyang may kasalanan
din siya kung bakit mahirap pa rin siya hanggang ngayon. Isa lamang itong patunay ng
kahirapan sa bansa. Ang mag-anak na iyon ay ang siyang sumasalamin sa kahirapang
nararanasan ng bansa. Ang mga ganitong pangyayari, na nagaganap sa bansa, ay
nakakapagpagabagab sa aking isipan. Maraming tanong ang mga nabubuo. Bakit may
mga taong walang makain at matirahan? Higit sa lahat, bakit may mga naghihirap pa
rin? Katanungang kung minsan ay alam ko ang sagot, kung minsan nama’y hindi. Isa sa
mga naiisip kong dahilan ng kahirapan ay dahil sa mga mukhang pera’t corrupt na mga
opisyal ng pamahalaan. Masasabi kong halos lahat ay panghuthut lang ng pera ng mga
mamamayan ang habol. May iba naming mabuti ang pakay pero mabibilang mo sila
gamit lang ang iyong mga daliri, ganun lang sila kadami. Hindi naman iyon
nakapagtataka at kapansin-pansin naman ang resulta nito. Sa mga probinsya masasabi
kong pinakalaganap ang mga katiwalian. Minsan nagsusumiti sila ng proyektong sa
pamahalaan upang ito’y approbahan at upang sila’y makalikom ng pundo sa gagawin
nilang proyekto. Sa unang taon (o marahil buwan) ng pagsasagawa ng proyekto
masasabing mong “okay naman pala at sinisimulan nila ng maaga ang proyeko” pero
pagkalipas ng mga taon mapapansin mong hindi pa rin iyon natatapos. Bakit? Dahil sa
ang pundo ang pinagbubulsa na nila at wala ng natitira upang tapusin pa ang proyekto.
Ganun ang mga technique na ginagawa nila. Isa lamang iyon sa mga halimbawa ng
mga katiwalian sa mga probinsya, lalong-lalo na sa bansa. Nakakapanghinayang dahil
alam naman nating ang mga tao na nasa pamahalaan ay matatalino, nagkapagtapos ng
pag-aaral, may mga degree pero mas masahol pa sila sa mga magnanakaw sa
lansangan. Sabi pa nga ng tito (taga-Samar) ko “nag-aral siya sa Harvard University
tapos babalik sa Pilipinas para lang magnakaw”. Masyado silang nasilaw sa pera. Mas
masahol pa sila sa mga magnanakaw na mahihirap. Ang mga mahihirap nagnanakaw
para may makain, at para mabuhay. Nagnanakaw sila pero iilang tao lang ang
napipirwesyo. Ang mga opisyal naman nagnanakaw para sa kapangyarihan dahil para
sa kanila kapag marami kang pera makapangyarihan ka. Sa tuwing nagnanakaw sila
buong mamamayan apektado. Darating pa kaya araw na wala ng mahirap sa bansa?
Naniniwala akong darating din ang panahon kung saan wala ng nagugutom, at wala ng
naghihirap. Kung magsusumikap lang ang lahat upang makaahon sa hirap walang
impossible. Kung maglilingkod lang ng tapat ang mga namamahala sa bansa walang
impossible. Kung magtutulangan ang bawat isa malaki ang posibilidad na sa darating
na panahon bawat isa’y may kanya-kanya ng tahanan na. Ang bawat isa ay nakakain
na ng sapat araw-araw. Hindi na kailangan ng mga magulang na ibinta ang
kanikanilang mga anak dahil kaya na nila itong buhayin. Mababawasan, at maaaring
mawala, na rin ang kremin sa bansa. At kung maniniwala lang ang lahat makakamit rin
natin ang kasaganahan. Sabi pa nga “If you believe everything is possible”.Bilang tao,
isinilang tayong may kaakibat na karapatan. Karapatan na dapat tamasahin at dapat na
palaging isaalang-alang. Habang tayo ay nabubuhay, hindi maiaalis an gating mga
karapatan bilang isang tao at bilang isang mamamayan sa bansang ating ginagalawan.
Ang ating mga karapatan, kung ating iisipin ay isang bagay na libre, na hindi kailangang
bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang magmakaawa sa iba para matamasa at
higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait. Nakakalungkot mang isipin, ngayon dito
sa ating bansa, tila tuluyan ng nawawala ang mga karapan ng mga tao. Isang
halimbawa na rito ay ang karapatang mabuhay. Sa pangyayari ngayon sa ating bansa,
kabikabila na ang nababalitan nating pagpaslang at karamihan sa mga dahilan nito ay
ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. May nagawa mang mali sayo ang tao, wala
pa rin tayong karapatang kumitil ng buhay ng sinuman lalong lalo na kung gagamitin
natin ang ating kapangyarian at posisyon para gawin ito. Sa isyu naman ng karapatan
sa pagmamay-ari, andyan naman ang daan-daang katutubo na ipinaglalaban ang
kanilang karapatan sa kanilang lupa. Nalalabag ang kanilang karapatan dahil sapilitang
kinukuha ang kanilang mga pag-aari sa pamamagitan ng dahas, pananakot at
pagbayad ng mga pekeng datu na pipirma sa kasunduan ng pagmamay-ari sa lupa
para lang makuha ang lupain sa kanila. Tulad na rin n gating karapatan sa malayang
pagpapahayag ng mga saloobin lalo na dahil sa pag-usbong ng iba’t ibang social media
sites. Mahirap lumaban sa isang lipunan na hindi nakauunawa o nakararamdam sa
halaga ng karapatang pantao. Mahirap makipagtunggali sa isang mundo kung saan
hindi naiintindihan ng nakararami na lahat tayo ay may karapatang pantao, at dapat
itong bigyan ng respeto. Katungkulan din ng mga pampublikong awtoridad na supilin at
parusahan ang anumang paglabag sa karapatang pantao. Ang maayos na lipunan ay
nangangailangan ng mga taong kumikilala at sumasabuhay sa kanilang mga karapatan
at katungkulan. Kung nais natin ng maayos na lipunan, kailangan nating bukas-palad na
mag-ambag sa pagtataguyod ng isang mundo kung saan ang ating mga karapatan at
katungkulan ay nirerespeto at isinasakatuparan. Kaya dapat isabuhay ng bawat isa na
ang bawat karapatan ay irespeto, wag abusuhin bagkus ay gamitin sa naayon at
tamasahin ng bawat isa. Human Rights o Karapatang Pantao – para sa akin, ang ibig
sabihin nito ay, “Kung ikaw ay tao, dapat meron ka nito.” dahil kakabit na ng iyong
pagiging tao, mula pa lang sa pagbubuntis sa iyo ang mga karapatan mo bilang tao.
Human Rights, Karapatang pantao – hindi lang ito para sa iyo o para sa isang grupo, ito
ay para sa lahat, basta tao ka. Kaya dapat natin itong ibigay sa lahat, mapakung sino
man sya. Ngunit ang karapatan, kahit ito’y libre ay di dapat abusuhin.