You are on page 1of 8

BSED II Madridejos Community College

Madridejos Cebu

MIDTERM MODYUL

PANUNURING
PAMPANITIKAN
TEORYA KATANGIAN HALIMBAWA

Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasano


kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatigsa
mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sabuhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng


mgaakdang pampanitikan, siya ang nagsusulat
osumusulat ng mga akdang pampanitikan na
atingnababasa magpasahanggang ngayon. Ang
teoryangito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda
sakanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng
ilangmga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay
ngmay-akda upang masmapaganda pa nito
angpaghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan
dinito ng pilosopiya ng may akda sa
dahilangkababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol
samga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa

Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan


ngisang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayanau bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitongipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng
taoat ng mundo.

Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-


unlad ng wikang ginamit sa mga akdangpampanitikan.
Kakikitaan ang mga akda ng mgapagbabago sa
paggamit ng mga salitang naaayon sapanahon at sa
kultura na may kinalaman sa mgapagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama ritoang mga
pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,ekonomiya,
edukasyon, agrikultura at higit sa lahatang ating
pananampalataya

Klasismo Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng


mgapangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sabuhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloyng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamitng mga salita at laging nagtatapos nang
maykaayusan
Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t
ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalayng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundongkinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin
PAG-IBIG ni
atgagawin ng isang nilalang ang lahat upangmaipaalam
JoseCorazon de
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao obayang
Jesus
napupusuan.

Ang teoryang pampanitikang umusbong sa


Europenoong ikalawang hati ng ikalabingwalong
dantaon.Kasalungat ng romantisismo ang klasismo
sapagkatang higit na pinahahalagahan ng romantisismo
ay angdamdamin at guniguni. Nagpapamalas
angromantisismo ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahalsa kalayaan ay sa lupang sinilangan,
paniniwala sataglay na kabutihan ng tao, paghahangad
ngespiritwalidad at hindi mga bagay na
materyal,pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga
karangyaanat paimbabaw na kasiyahan at kahandaan
magmahalsa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri
atmagagandang katangian, inspirasyon at kagandahan

Realismo Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang


katotohanankaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang
bagay atlipunan ayon sa mga realista, ay dapat
magingmakatotohanan ang paglalarawan o Noli Me Tangere
paglalahad.Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang
sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga
naapi.

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga angkatotohanan


kaysa kagandahan. Hangad ng Realismoang
makatotohanang paglalahad at paglalarawan ngmga
bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mangpwedeng
mapatunayan sa pamamagitan ng pag-
iisipng tao. Higit na binibigyang-pansin ng Realismoang
paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksang
isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ngmababa o
pangkaraniwang tao at hindi ngmayayamang tao (gaya
ng Klasismo), tanggap pa rinito sa panitikan. Ang tunay
na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor
Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahenna
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na Mga Tula,
higit na madaling maunawaan kaysagumamit lamang ng TulangPanambit
karaniwang salita. Sa halip napaglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahenna layong ilantad ang
totoong kaisipan ng pahayag saloob ng panitikan.

Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng


biswal,eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa
mgaideya.
Pormalismo Ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasaang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirangpanitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi Banaag at Sikat
ngmay-akda sa kanyang panitikan ang siyang niLope K. Santo
naisniyang ipaabot sa mambabasa

 walang labis atwalang kulang. Walang simbolismo at
hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang
-unawa

Siko-analitiko Nakatuon sa kalagayan ng isang tao. Maaaring sapag-


iisip o sa kanyang pag-uugali.Pag-aaral sa kilos o gawi
ng mga tauhan atpananalitang ginagamit ng tauhan.
Eksistensyalismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may
kalayaanang tao na pumili o magdesisyon para sa
kanyangsarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili samundo (human existence).

Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan


ngpersonalidad ng tao at binibigyan halaga
angkapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
Dekonstruksyon Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaankasi ng ilang mga pilosopo at manunulat
na walangiisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda
nasumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na
angnais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mongbaguhin


ang katapusan at pwede ka ding mag dagdagnga mga
tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhainang mga
namatay na sa akda

Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng


Paalam sa
mgakalakasan at kakayahang pambabae at iangat
angpagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Pagkabatani
Madalingmatukoy kung ang isang panitikan ay Nazareno D Bas
feminismosapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahingtauhan ay ipimayagpag ang mabubuti
atmagagandang katangian ng tauhan.

Ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at


sakakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento oakda.
Arketaypal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mgamahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ngmga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri "Sa Tabi ng
angmga simbolismo sa akda. Pinakamainam na Dagat" niIdelfon
alaminmuna ang kabuuang konsepto at tema ng Santos
panitikansapagkat ang mga simbolismong napapaloob
sa akda
ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo
ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ngmay-
akda sa mga mambabasa.

GAWAIN

1. Ipaliwanag ang kaibahan ng klasismo at Romantisismong pagdulog.

2. Pumili ng isang paksa at bumuo ng dalawang taludtod (stanza) na tula batay


sa Teoryang Realismo.

 
3. Ilarawan ang mga tauhan sa Naturalismo at Eksistensyalismong Pagdulog
.

GAWAIN 2
ILAGAY ANG TAMANG SAGOT

1. Binibigyang halaga nito ang indibiwalismo kaysa kolektibismo, ang rebolusyon


kaysa konserbatismo, imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpigil

2. Naniniwala ang mga humanista na kung wala ang tao, wala ang daigdig

3. Ito'y isang pananaw lamang at hindi toerya

4. Sumusuri batay sa pananaw, kilos, paninindigan at paniniwala

5.Pagtatalo kung ano gusto mong gawin.

ASSESMENT:

1. Magbigay ng tatlong katangian ng isang mabisang manunuring na sa tingin


mo ay iyong tinataglay.
2.Tukuyin kung saang teoryang pampanitikan nabibilang ang tulang nasa
ibaba:
Panambitan
Nasaan, Diyos Ko,
ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

INIHANDA NI: NOTED BY:

ROSIE A. VILLEGAS FLORIPIS A. MONTECILLO,EdD


INSTRUCTOR

2.

You might also like