1. Nagsimula ang Panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972.
– idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang Batas Militar (Martial Law). Matapos ipalabas ang proklamasyon, agad na ipinaaresto ang mga katunggali ni Fredie sa pulitika, at mga palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad nagtupad ang curfew sa buong kapuluan. Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot laban kay dating Defence Secretary/Minister Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa ng mga kumonistang grupo at pamahalaan at patulog na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na iligtas ang republika mula sa mga masasamang elemento at bumuo ng Bagong Lipunan.
2. Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay ng patimpalak.
- Halos tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain (nutrition), “drug addiction,” polusyon, at iba pa. 3. Pinagsikapan ng Bagong Lipunan na maputol ang mga malalaswang babasahin -gayundin ang mga akdang nagbibigay ng masamang impluwensiya sa moral ng mga mamamayan. Ang lahat ng pahayagang pampaaralan ay pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaaralan. 4. Nagtatag ang Pamahalaang Militar ng bagong kagawaran na tinawag na “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” -upang siyang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan. 5. Muling ibinalik ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa pagpapanibagong-buhay ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga Muslim at iba pa. 6. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theatre, at maging ang Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino. 7. Naging laganap din ang pag-aawit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga ipinadadala sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. -Ang mga lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay malakiang naitulong sa pagpapaunlad ng panitikan. Naging lagusan ito ng manunulat upang mailathala ang kanilang mga akda. 8. Tahasang masasabi na naging maningning ang Panitikang Filipino sa panahong ito.
ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos ideklara ang Batas Militar, ang mga sumusunod ang naging “Islogan” ng Bagong Lipunan ay nabasa at narinign ng mga mamamayan: 1. “Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang kailangan.” 2. “Tayo’y kumain ng gulay Upang humaba ang buhay.” 9. 6. 3. “Magplano ng pamilya Nang ang buhay ay lumigaya.” 4. “Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang.” 5. “Tayo’y magtanim Upang mabuhay.” 6. “Tayo’y magbigayan at huwag magsikisikan.” 10. Naging paksa rin ng tula ang pagkakaisa, tiyaga, pagpapahalaga sa pamnasang kultura, ugali, kagandahan ng kapaligiran, at iba pa. -Kabilang sa mga nagsisulat ng tula nang panahong ito sina Ponciano Pineda, ang kasalukuyang direktor ng SWP, Aniceto Silvestre, Jose Garcia Relevo, Bienvenido ramos, Vicente Dimasalang, Cir Lopez Francisico, Pelagio Sulit Cruz, at iba pa. 11. 8. AWITIN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN -Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ng awitinng Pilipino nang ang “TL Ako Sa Iyo” ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging popular sa tawag na himig-Maynila. Binubuo ito ng ilang “balbal” na Pilipino na may kakaibang kumpas kaya mabilis na tinanggap ng mga tao. -Naging tanyag din si Rico J. Puno sa pag-awit ng himigMaynila tulad ng kanyang “The Way We Were.” Kabilang din sina: Freddie Aguilar – Anak Florante – Ako’y Pinoy Jose Mari Chan Tito, Vic at Joey 12. 9. DULA SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN -Nabuhay muli ang mga sinaunang dula tulad ng Sarsuela ng mga Tagalog, Senakulo, at Embayoka ng mga Muslim na pawang itinanghal sa ipinakumpuning Metropolitan Theater at ipinatayong Folk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines. Marami ring mga paaralan at samahan ang nagtanghal ng naiibang dula. 1. Mindanao State University – Sining Kambayoka 2. PETA – nins Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka 3. Repertory Philippines – nina Rebecca Godines at Zenaida Amador 4. UP Repertory – ni Behn Cervantes 5. Teatro Filipino – ni Rolando tinio 13. Itinanghal din ang “Tales of Manuvu” na isang makabago o istilong rock na operang ballet at ` nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977. Ito’y tinampukan nina Celeste Legazpi, Leah Navarro, Hajji Alejandro, Boy Camara, Anthony Castelo, Rey Dizon, Gina Mariano, at iba pa. Sinulat ito ni Bienvenido Lumpera. -Si Imee Marcos na anak ng ating ng Pangulo ng bansa ay isa ring artista ng dulaan sa kanyang pagkakaganap bilang pangunahing papel sa “Santa Juana ng Koral” at “The Diary of Anne Frank. 14. ANG RADYO AT TELEBISYON -Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik nang panahong ito. Ang kanyang dugtungang “Si Matar”, “Dahlia”, “Ito ang Palad Ko,” at “Mr. Lonely,” at iba pa ang naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng ating mga kabataan. -Subalit di maikakaila na maraming artista sa radyo na lumipat sa telebisyon sa dahilang mas malaki ang bayad ng pagganap sa telebisyon kaysa sa radyo. Ilan dito ay sina Augusto Victa, Gene Palomo, Mely Tagasa, Lina Pusing, Ester Chavez, Luz Fernandez, at iba pa. 15. Ang mga dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na tinagkilik ng marami ay ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Anna Liza at iba pa. -Ang “Superman” at “Tarzan” ay kinagiliwan ng mga bata nang panahong ito. 16. ANG PELIKULANG PILIPINO -Nagkaroon ng Pista ng mga Pelikulang Pilipino sa panahong ito. Sa ganitong kapistahan ay pawang mga pelikulang Pilipino ang ipinalalabas sa mga sinehan sa Metro Manila. Ginagawaran ng gantimpala at pagkilala ang nagwawaging mga pelikula at artista. -Nagsilabas sa panahong ito ng Bagong Lipunan hanggang 1979 ang mga pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil sa kakaibang kayarian nito. 17. MGA PELIKULA: 1. “Maynila…Sa mga Kuko ng Liwanag” – sinulat ni Edgardo Reyes. Isinapelikula sa direksyon ni Lino Brocka sa pangunguna ni Bembol Roco. 2. “Minsa’y Isang Gamu-gamo” – ang pangunahing bituin dito ay si Nora Aunor. 3. “Ganito Kami Noon…Paano Kayo Ngayon” – pinangunahan nina Christopher de Leon at Gloria Diaz. 4. “Insiang” – pinangunahan ni Hilda Coronel 5. “Aguila”- pinangunahan ni Fernando Poe Jr., Jay Ilagan, at Christopher de Leon. 18. Ngunit hindi pa rin napahindian nang panahong ito ang mga pelikulang nahihinggil sa seks na kinagiliwan ng mga tao. Mula sa mga inangkat na pelikula sa ibang bansa na natutungkol dito at maging ang mga pelikulang Pilipino ay ito ang naging kasangkapan ng mga prodyuser sa pagkita ng salapi mula sa takilya. 19. ANG PAHAYAGAN, KOMIKS, MAGASIN, AT IBA PANG BABASAHIN -Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, nagbihis ng panibagong anyo ang nilalaman ng mga pahayagan. Ang mga balitang dati’y naglalahad ng karahasan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa, at iba ay napalitan ng mag balitang pangkaunlaran, pangekonomiko, disiplina, pangkultura, turismo at iba pa. Maga Pahayagan: 1. Bulletin Today 5. Pilipino Express 2. Times Journal 6. Phil Daily Express 3. Peolple’s Journal 7. Evening Express 4. Balita 8. Evening Post 20. Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pilipino ang magasing Liwayway simula noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang magasing mababasa nang panahong ito ay ang: 1. Kislap 2. Bulaklak 3. Extra Hot 4. Jingle Sensation 21. Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang mga komiks na siyang kinagigiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga sumusunod: 1. Pilipino 4. Klasik 2. Hiwaga 5. Espesyal 3. Love Life -Sa kabuuang tanaw, masasabing ang sangay ng Panitikang Pilipino na nanaluktok sa Bagong Lipunan ay ang mga sanaysay, mga talumpati at tula.
22. Pangkalahatang Pananaw sa Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan • Sa kabuuan,
bagaman nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa Panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Naging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw sa interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal, awitin at musikang naisulat at mga pelikulang naipalabas. 23. Layong iligatas ang republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng Extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski ang mga ordinaryong tao ay napagbintangan kaya ang iba sa kanila ay sinaktan, pinatay at pinahiya sa harap ng mamamayang takot at mabilis maniwala samga sabi ng gobyerno 24. Hangad ni Marcos na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niay ang lupunan dahil sa takot ng mga Pilipino sa kanya. Malaki ang pinagbago ng kalagayang pangkabuhayan at pangkalinisan –nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay nagging malinis at napanatiling malinis ng mag tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa mga pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon nga kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaran na dati rati’y may ligalig at karahasan. 25. Napapaloob ang mga programa at reporma ng pamahalaan sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay Peace and Order (Kapayapaan at Kaayusan); Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran saKabuhayan); Development of Moral Values Government Reforms (Mga pagbabago sa Pamahalaan); Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema sa Edukasyon); Social Services (Serbisyong Panlipunan). 26. Itinuturing na maganda ang reporma ngunit ang pepormang naipangako ay hanggang papel lamang. Kung may pagbabago ay nangyari lamang sa unang taon ng Bagong Lipunan. Ang kanyang bagong lipunan ay nabalot ng takot at pangamba dahil sa isang utos niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong Pilipinas na puno ng karahasan at patayan 27. Ika-21 ng Septyembre 1972