You are on page 1of 8

PANAHON NG AKTIBISMO

Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1970-1972. Maraming kabataan ang

mga naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan

sa mga kabataang ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas.

Ang tatlong salita na laging isinisigaw ng mga mag-aaral:

Imperyalismo - ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya.

Feudalismo - ay mga suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan.

Facismo - ang pagiging diktador o paggamit ng kamay na bakal at hindi

paggalang sa karapatan ng kapwa.

ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG AKTIBISMO.

Ang mga kabataan ay nagpahayag ng damdaming punong-puno ng

paghihimagsik. Maliban sa makinilya ay gumamit din sila ng pisel at isinulat sa

PLAKARD, sa PULANG pintura ang mga kaugnay na salitang nagpapahayag ng

karaingan at pikikibaka. Humanga ang panitikang ito ng mga aktibista sa

pasasaad ng dapat gawin upang lutasin ang suliranin.


PANAHON NG DUGUANG PLAKARD

Panahong minsan pang pinatunayan ng kabataang Pilipino na hindi laging

pagyuyuko ng ulo at pag-ilag sa hangin ang bumubuo ng kanyang pagkalahi at

pagkabansa. -G. Panciano Pineda

Naging mainit ang pamamalasak ng aktibismo ng mga kabataan noong taong

1970 – 72. Ang dahilan ng kanilang pagiging aktibista ay samutsaring

paniniwala. Iba’t ibang samahan ang naitatag at nasapian ng ating mga kabataan

nang panahong ito.

May mga kabataang nabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New People’s Army),

may mga naging “Burgis” radikal o rebelled at mayroon ding mga nanatiling

parang mga walang pakialam sa takbo ng pamahalaan. Sa kalahatan, maraming

mga kabataan ang naging aktibista upang humingi ng pagbabago sa takbo ng

pamahalaan.

Humantong sa pagdedeklara ng Batas Militar o Martial Law noong 1972 ang

binhi ng aktibismo. Sa mga panahong ito nauso ang duguang plakard. Ang pag

rarali ng mga aktibista at ilan pang taliwas sa gobyerno nang may plakard na

kasing pula ng dugo ang ipinangsusulat.


ANG PANULAANG PILIPINO SA PANAHON NG AKTIBISMO

KATANGIAN

1. Pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan.

Tatlong Katangian

2. Pagsisiwalat ng katangian at dayukdok ng pagpapasasang mga

nanunungkulan.

3. Tahasang masasabing labag sa kagandahang-asal ng panunungayaw at

karahasan sa pananalita.

Mga katipunan ng tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo:

ILANG AKLAT NG PANAHONG ITO:

1. “Mga A! Ng Panahon” (1970)- ni Alejandro Q. Perez

2. “Kalikasan” (1970)- ni Aniceto Silvestre

3. “Peregrinasyon at Iba pang Tula”(1970)- ni Rio Alma

4. “Sitsit sa Kuliglig(1972)- ni Rolando S. Tinio

5. “Mga gintong Kaisipan”(1972)- ni Segundo Esguerra


MGA TULA

 Mga Duguang Plakard– (mahabang tulang alay sa mga demonstrador na

pinatay sa Mendiola) ni Rogelio Mangahas.

 Ang Burgis sa Kanyang Almusal– pagtuligsa sa kawalang pakialam ng

mga middle class sa karukhaan ng taumbayan Ni Rolando S. Tinio

 Ang Mga Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran - ni Juan de la Cruz ni

Jose “Pete” Lacaba

 May Bango Ang Awit ng Rebolusyon - ni P.T. Martin

 Elehiya sa Isang Rebelde - ni Virgilio Almario

Nagwagi ng Gantimpalang Palanca sa Tula (1970-71):

1. Mga Duguang Plakard at Iba pang mga Tula (Rogelio Mangahas)

2. Tatlong Awit ng Pagpuksa (Lamberto Antonio)

3. Dalawang Tula (Cirilo F. Bautista)


ANG DULA, MAIKLING KUWENTO, NOBELA, PELIKULA, AT KOMIKS SA
PANAHONG AKTIBISMO.

Ang dula, maikling kwento at nobela sa panahon ng aktibismo.

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o

maging nobela sa panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan

at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda. Naging palasak din ang

panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at

pabalbal.

MGA MAIKLING KWENTO

 Isang Araw sa Buhay ni Lazaro ni Jose Rey Munsayac

 Banyaga ni Liwayway Arceo

 Impeng Negro ni Rogelio Sicat

 Tata Selo ni Rogelio Sicat

 Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel ni Efren Abueg

 Servando Magdamag ni Ricky Lee

MGA NOBELA

 Daluyong ni Lazaro Francisco

 Dugo sa Bukang-Liwayway ni Rogelio Sicat

 Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez

 Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes


Ang mga pelikula at komiks

Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa

na tinatawag ding Pelikulang “Bomba” at mga akdang tungkol sa kahalayan. Ang

mga larawan ng komiks din ay mga walang saplot at may tema ng kapalaluan.

Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio,

telebisyon, o sa panahon ng demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-

pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan natin noon.

Pagsabog ng ‘Bomba Films’

Sa panahong ito naging laganap ang mga tinatawag na ‘nudity and passionate

sex acts’ kung saan siya ring pagsikat ng mga bituing kalaunang nakilala sa

larangan ng ‘paghuhubad’ gaya ni Merle Fernandez, Rosanna Marquez, Yvonne,

Alona Alegre, Rizza and Rosanna Ortiz. Rosanna Roces, Ina Raymundo,

Elizabeth Oropesa, Alma Moreno, Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Gina Alajar,

Cherie Gil, Lito George Estregan at marami pang iba. Ilan nga sa mga sumikat

na pelikula:Uhaw, Haliparot, Hayok, Laman sa Laman, Busog 1971: Luray,

Hidhid, Ectasy in 1971.


MGA PELIKULA

 Maynila…. Sa kuko ng liwanag

 Minsay isang gamu- gamo

 Ganito kami noon… pano kayo ngayon?

 Insiang

 Agila

MGA KOMIKS

 Pilipino

 Extra

 Love life

 Hiwaga

 Klasik

 Espesyal
MAIKLING PAGSUSULIT

1. Panahong uminit ang aktibismo at sa taong ito nauso ang Duguang Plakard?

2-4. Ano ang tatlong salita na laging isinisigaw ng mga mag-aaral ng Unibersidad

ng Pilipinas tuwing nag-ra-rally?

5. Ito ang panahon na nagsimulang mapanood ang mga malalaswa o tungkol sa

kahalayan?

6-10. Ang limang tulang naisa aklat sa panahon ng aktibismo:

You might also like