You are on page 1of 8

1st Sem | SY 2022-2023 | Midterm | Ikatlong Linggo

FILIPINO:PANITIKAN
MODYUL
3
Pangalan: __________________________________ Sched Code: _________ Subject Code:____________
Time: ________ Day: _______ Petsa ng Pagpasa:___________________ Contact No.: _______________

I. INTRODUKSIYON
Ang lahat ng mga pagsasanay na nakapaloob sa sanayang ito ay maingat at masusing
isinulat upang matamo ang mga kinakailangang karunungan at kasanayang dapat taglayin ng mga
mag-aaral. Layunin di ng modyul na ito na mapataas ang interes at kawilihan ng mga mag-aaral sa
pag-aaral ng asignaturang Filipino:Panitikan sa pamamagitan ng paglalatag ng mga angkop na
gawain at pagsasanay. Inaasahang makatutulong ang modyul na ito sa mga gurong nagtuturo ng
asignatura upang mapagaan at maging mahusay ang pagtuturo. Nawa’y sa mga mag-aaral ay
maging makabuluhan at kawili-wili ang inyong paglalakbay tungo sa mundo ng Panitikang Filipino.
III. LAYUNIN / INAASAHANG PAGKATUTO
Sa kursong ito, ang mga estudyante ay inaasahang malaman, matalakay at masuri ang mga
sumusunod:
 Iba pang Paghihimagsik
 Ang mga Pahayagan sa sa Panahon ng Himagsikan
 Kaligirang Pangkasaysayan sa Panahon ng Amerikano
 Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 Ang Dulag Tagalog / Ang Nobelang Tagalog
 Ang Maikling Kuwentong Tagalog / Ang Tulang Tagalog
 Mga Iba Pang Panitikang Filipino
 Ang Panitikang Filipino sa Ingles
 Kaligirang Pangkasaysayan sa Panahon ng Hapones
 Ang mag Tula sa Panahon ng Hapones – Haiku / Tanaga / Karaniwang Tula
 Ang mga Dula sa Panahon ng Hapones
 Ang Maikling Kuwento sa Panahon ng Hapones
IV. PANGKALAHATANG PANUTO
Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto at direksiyon para sa mga gagawing gawain sa
loob ng modyul na ito. Iwasan ang anumang hindi nararapat na mga guhit o sulat na hindi itinakda
ng guro. Maging malinis at kaaya-aya sa pagsagot.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON

Kaligirang Kasaysayan

Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942
hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kalian nilusob ng Imperyo ng Hapon ang
Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.Habang nagaganap ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong
Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbour sa
Hawaii. Pagkaraaan ng mga lingo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni
Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng military ng Hapon
ang Maynila noong Enero 2, 1942.Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, dala nila
ang kanilangpropaganda na ang mga hapon ay dumating sa Pilipinas bilang kapatid na
siyangmagpapalaya sa mga Pilipino. Ngunit taliwas ang propagandang
kanilangpinangangalandakan sapagkat laganap noon ang pagmamaltratong inabot ng mgaPilipino sa
kamay ng mga hapon. Pinatunayan ito ng mga salaysay ng mgadumanas ng karahasan---
pagmamaltrato, pambubugbog, pagpatay ng mga kaanakat panggagahasa.

Mayroong pinaniniwalaang tatlong pangunahing dahilan para sakupin ngmga Hapones ang
Pilipinas. Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga haponmula sa mga US military bases.
Kinailangan nilang pigilin ito sa pamamgitan ngpagsakop sa Pilipinas na lumalabas na isang teritoryo ng
Amerika sa panahongiyon. Ikalawa, ang Pilipinas ay nasa tugmang posisyon sa Timog-Silangang Asyana
kinakailangan ng mga Hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan.Makakatulong din ng malaki
ito sa pagprotekta ng kanilang mga supply lines atpara palakasin ang depensa ng hukbong hapon. At
ikatlo, sa Pilipinas matatgpuanang mga hilaw na materyales na kailangan ng bansang hapon
para sadigmaan. Ang lahat ng ito ay para sa itataguyod ng depensang pangmilitar ng mga hapon at
siyang kumukontrol sa pamamahala ng Pilipinas.

Ninais din ng mga hapon na makuha ang respeto nga Pilipino gaya ng respetong binigay
ng mga ito sa mga Amerikano. Ngunit nahirapan silang makuhaang simpatya ng mga Pilipino.
Sinasabing gawa ng mahabang panahon ng pagkababad sa kulturang kanluranin ang mga Pilipino
ay nakalimot na sa kanyang pagiging Asyano. Gayundin, ang pagiging highly literate ng mga
Pilipino ay nagsilbing sagabal sa pagsakop ng hindi lamang bansa gayundin ng kamalayan ng mga
Pilipino. Ang problemang ito ang nagbunsod sa pagkabuo ng isang cultural policy sa panahon ng
pananakop ng Japanese Invasion Army. Nakapaloob sa cultural policy na ito ang paglalatag ng mga
programa namakakatulong sa ikabubuti ng pagsasamahang Pilipino-Hapon. Kabilang sa mga polisiyang
ito ang pagpapatuloy ng pamahahala ng mga Pilipino ng sarilinggobyerno ngunit kumikilala
sa hapon bilang bagong mananakop. At bilang pampalubag-loob ay idineklara ni Prime
Minister Hideki Tojo na ibabalik angkasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung makikipagtulungan na
ng lubusan angmga Pilipino sa mga Hapon. Kabilang din sa polisiyang ito ang pagtatatag
ngBagong Pilipinas o New Philippines.

Ang unang hakbang na kinakailangan ay ang paglalatag ng mga pundasyong ispirituwal na siyang
sentro ng kultura at siyangtanging sandigan ng politika, ekonomiya, industriya at edukasyon ng bansa.
Upang mapabilis ang pagpapasunod sa mga Pilipino sa mga polisiyang ito,ninais ng mga Hapon na
makontrol ang kaisipan ng mga Pilipino at ito’y sapamamagitan ng pagmanipula sa
edukasyon. Ang Ang AdministrasyongPangmilitar ay nag-isyu ng Order No. 2 noong 1942 na
naglalayong na baguhinang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. Kasama
sa mgakautusang ito ang pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaaripang mabura
sa isipan ng mga Pilipino ang Ingles. Nais ng mga Hapon namadebelop sa mga Pilipino
ang ideyang ang mga Hapon ang siyangmakapangyarihang lider sa Asya. Noong panahong iyon
ay idineklarang opisyal nawika ang Niponggo kasama ng Tagalog at idinagdag sa mga curriculum sa
mgapaaralan. Malaki ang ipinakitang suporta ng mga Hapon sa pagdebelop ng mga Pilipino
ng kaisipang maka-Pilipino at maka-Asyano.

Nagagawa ng mga kampanya na sumusuporta sa paggamit ng Tagalog bilang pamansang wika.


Ang wikang Ingles ay tinanggal bilang opisyal na wika at ang mga aklat o anumang nagpapakita ng
suporta sa Amerika ay sinesensor. Napakalaki rin ng epektong idinulot ng sensurang Hapon sa panitikan
sa panahong iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga literary periodicals ang napahinto sa
paglalathala. Dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko aynagkaroon ng kakulangan sa
espasyo para sa mga akdang pampanitikan sa Ingles. Taliwas naman ito sa lubos na pagyabong ng mga
akdang pampanitikang Tagalog. Mas lamang ang mga akdang pampanitikan sa Tagalog sapagkat
suportado ito ngmga Hapon. Walang puwang sa paglalathala ang mga akdang pampanitikan sa Ingles
kung kaya’t maraming mga manunulat sa Ingles ang lumipat sa pagsusulatsa Tagalog para lamang
makapagpalathala.Ipinagbawal ng mga Hapon ang pagpasok ng mga Hollywood movies
saPilipinas. Tanging mga lumang pelikulang Ingles at Tagalog lamang ang paulit-ulitna ipinapalabas.
Nagpalabas din ng mga Pelikulang Hapon. Samantala angindustriya ng pelikula sa panahong
iyon ay baldado mula sa paggawa ng mgabagong pelikula. Ang kakulangang ito ng mga
pelikula ang nagbigay-daan sa pagyabong ng Dulaang Pilipino. Ang okupasyon ito ng mga Hapon ay
nagbunsod sa masiglang panahon ng Tanghalang Pilipino.

Ang Sangguniang Bansa At Ang Pamahalang Tagapagpalaganap Ng Pilipinas


Ang Hapon ay matagal na nagbalak na sakupin ang Pilipinas. Umaasang magtatagumpay sa
pakikidigma sa mga Amerikano.

Tatlong araw pagkatapos ng talumpati ni Primyer Hadeki Tojo noong ika-21 ng Enero, 1942 na ang
mga Pilipino raw ay makiisa sa pagtatag ng “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere,” ang Pamahalaang
Tagapagpalaganap ng Pilipinas ay itinatag.

Ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Punong Komandante ng Imperial Japanese Forces (IJF).
Bawat komisyoner ay inatasang tagapayo ng Hapon. Ang komisyon ay laging nagbabago. Hinirang sa
tungkulin ang mga gobernador at alkalde sa halip na ihalal ng taong-bayan. Sa payo ng Kempetai (lihim na
Hapong pulis), ang mga tao ay pinapatay kahit walang paglilitis.

Isinilang din ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Inlikha ito ng Bilang 109,
at si Benigno Aquino ang hinirang na direktor nito.

Ilan sa mga mahalagang layunin nito ay:


1. Madaling pagtatayo at pagbabagong tatag ng Pilipinas.
2. Pagsulong ng mga tao sa kultura, mabubuting asal, at pangkaluluwa.
3. Pakikipagtulungan sa mga Hapon.
4. Pakikipag-ugnayan sa simulain ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

ANG KABUHAYAN SA PANAHON NG HAPON

Lumasap ang mg Pilipino ng gutom sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon. Kinumpiska ang mga
ani, mga minahan, pabrika at mga lagak sa bangko. Ang mga tao, babae man at bata, ay pinipilit gumawa
para sa mga sundalong Hapon. Kaya maramingtao ang nagutom at namatay sa labis na parusa ng mga
sundalong Hapon.Lahat ngmga bagay na may halaga ay ipinagpapalit sa pagkain. Nawala lahat ng
produktong Amerikano, at napalitan ang karamihan nito ng mga gawang Pilipino.Ang kasapi ng kilusang
Hapon ay nagdulot ng takot sa mga tao. Lahat ng mapaghinalaan ay dinadakip. Walang nakaalam kung
kalian darakpin. Ginawa nilang kulungan ang mga unibersidad at eskuwelahan. Ipinagbawal din ang
pagtatalumpati at pagbasa ng aklat at magasin.Ang wikang hapon ay itinuro sa mga tao. Ang mga guro at
kawani ng pamahalaan ay tinuturuang bumasa ng Hanasi, Kotoba, at panimulang aklat ng Hapon.
Tinuruan din silang sumulat sa Niponggo na tinatawag na Hiragana. Ang mga gurong Pili[ino ay tinuturang
umawit ng awiting Hapon, at tumugtong ng himig-Hapon.

Kalagayan Ng Panitikan

Namahingang tuluyan ang Panitikang Filipino at Kastila sa Panahon ng Hapon. Sa kabila nito,
nagpatuloy ang pagsulat sa mga wikang Tagalog at ingles nataglay ang diwang makabansa, bagama’t
hindi nakararating lahat sa mga mambabasang Pilipino. Masasabing iilang akda lamang sa loob ng mahigit
na taltlong taon ang naisulat mula 1945 hanggang 1944.
Tahasang ipinagamit ang Filipino sa mga paaralan bilang Wikang Pambansa, at ang Ingles na wikang
panturo sa mga batang nag-aaral. Ngunit nagkaroon ng kautusan na bawal ang pagturo ng mga bagay na
may kinalaman sa Demokrasya at Estados Unidos. Upang maiwasan ang hinggil dito ay pinilas o tinakpan
ang mga aklat pampaaralanna kababasahan ng mga bahaging ipinagbabawal ng mga Hapones.
Kung maituturing na may buting nagawa ang Hapon sa Pilipinas, iyon ay ang pagpapahalaga sa
wikang sarili. Nailagay sa mataas na anta sang wikang Filipino na gawin itong wikang opisyal. Dahilan sa
pinamamahalaan ng Hapon ang paglalathala ng mga babasahing nasusulat sa wikang katutubo o Ingles,
hindi na gaanong nabigyang-pansin ng mga publisista ang pagkita ng salapi, at kinalimutan na
pansamantala ang patakarang pampanitikan.Ang ilang kwentong nakilala sa panahon ng pananakop ng
Hapon ay isinulatsa wikang Ingles na kababakasan ng kabihasnang pamana ng Amerikano, lalo na ang
ilang mahilig sa pagsulat sa wikang Ingles.
Nakilala sa larangan ng sanaysay sina Juan Cabreros Laya, Maria Luna Lopez, at Maria Kalaw
Katigbak, na pawing sa Ingles unang nagsisulat. Si Laya aysumulat ng isang dula na batay sa nobelang
Ingles na His Native Soil (Sa Sariling Lupa).Sa bahaging pampanitikan, walang gaanong pag-unlad sa
dulang Tagalog, ngunit maituturing na ang pagsasalin sa wikang sariling dulang banyaga, tulad ng Cyrano
de Bergerac ni Edmond Rostand na isinalin ni Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, ay isang pasimula ng tunay na
pagkaunawa sa sa pamaraang pandulaan pinangunahan nina Francisco ‘’Soc’’ Rodrigo, Epifanio G.
Matute, at ilan pa ang pagsasalin sa wikang Tagalog ng mga dula sa wikang Ingles.Dahilan sa kahirapan
ng buhay dulot ng digmaan, ang tao ay nahilig sa panonood ng dula upang mapagkalibangan. Natigil ang
pagsasapelikula dahilan sa giyera, kaya’t ang malalaki’t maliliit na teatro ay nakilala at kinalugdan ng
tao.Ang Dramatic Philippines na isang samahan ng mga mandudulang Pilipino ay itinatag nina Narciso
Pimentel, Jr., Francisco “Soc” Rodrigo, Alberto Canio, at iba pa. Sa pagkatatag nito, isa sa nakilala ang
dulang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo na tunay na kinagiliwan ng marami.Ang ilang dulang
natanghal sa Metropolitan Theatre at sa ilang tanghalan ayang sumusunod: Ang Palabas ni Suwan, Dahil
sa Anak, Higanti ng Patay, Sino ba Kayo, at Libingan ng mga Bayani, na pawang sinulat ni Julian Cruz
Balmaceda.Bukod sa mga tula at sanaysay, ang maikling kathang Tagalog ay nakilala rinat napalathala sa
Liwayway at Haligi. Ang Philippine Publication ay naglabas ng Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang
Pilipino ng 1943.
Ang ilan sa mga ito ay Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes; Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway
A. Arceo at Lunsod, at Nayon at Dagat-Dagatan ni N.V.M Gonzalez. Sina Reyes at Gonzalez ay dating
manunulat sa Ingles na nakilala ring may kakayahan sa pagsulat sa wikang Tagalog. Sa mga nobelang
nasulat sa wikang sarili noong panahon ng Hapon, nakilalaang mga sumusunod na akda: Dalisay ni
Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano P. Laudico at A.E. Litiaco; Tatlong Maria ni Jose Esperanza;
Zenaida ni Adriano P. Laudico; Ako’y Maghihintay ni Gervasio Santiago; at Lumubog ang Bituin ni
IsidraZarraga-Castillo.

Maikling Katha

Naging maunlad ang maikling kuwento sa panahon ng Hapon. Hindi makapagmalaki ang mga
mambabasa na di bibili ng magasin sapagkatiilan lamang ang ganitong uri ng babasahin.Nakilala sa
pamagat na Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943 ang pinakamahusay na kathang
Pilipino. Ito ay naipalimbag sa panlukbutang laki ng papel, at peryodikong malutong at marupok.
Nagkaroon ng kakapusan ng mapaglilimbagan sa panahong ito kaya ginamitan ng tipong maliliit ang
limbag sa mga magasin upang maging marami ang mapasama sa babasahin.
Tama lamang tawaging “Panahon ng Pamumulaklak” ang Panahon ng Hapon sa panitikang Filipino.
Ayon sa mga istoryador at kritiko ay tumpak tawagin itong “Gintong Panahon.” Maraming manunulat na
Pilipino ang nahikayat sumulat sa panahong ito dahil sa mahigpit ang mga Hapones sa paglalathala sa
Ingles. Ito ang panahong nagpataas sa uri ng mga pamumunang pampanitikan, mga sanaysay, at mga
maikling kuwento.Utang sa maawaing pamumuno ni Kinichi Isakawa ang pamumulaklak ng sariling
panitikan sa panahong ito.
Naging popular ang Liwayway, at mga babasahing Pilipino.Napiling pinakamahusay ang maikling katha
ang mga akda ni Macario Pineda, Brigido Batungbakal, Serafin Guinigundo, at iba pa.Ang mga itinaguyod
ng mga pasanayang pangwika sa panahong ito sa larangan ng panulatan ay nakatulong nang Malaki sa
mga manunulat sa pangunguna ni Lope K. Santos.

Mga Katangian ng Maikling Katha:

1. Matimpi ang pagpapahayag ng paksa


2. Nagsasalaysay ng madudulang pangyayari
3. Walang balangkas ang kuwento
4. Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao
5. Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan

Tatlong Pinakamahusay na Kuwento sa Panahon ng Hapon

1. Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes


2. Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo
3. Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales

DULA

Isa sa naging libangan ng mga tao ang panonood ng dula. Ang mga teatrong malalaki at maliliit ay
nagsipagtanghal ng dulang iisahing yugto o maiikli. Kinalugdan ng mga tao ang mga pagtatanghal sa
malalaking dulaan tulad ng Avenue, Life, Manila Grand Opera Hous, at iba pa. Nagkaroon din ng
pagtatanghalng mga mahuhusay na dula sa Metropolitan Theatre, ngunit ang naging suliranin ay ang
kawalan ng kalayaan sa pananalita.Kadalasang mga paksa sa pagtatanghal ang pagmamahal ng ina sa
anak, ng kasuyo sa kasintahan, at pag-ibig sa tinubuang lupa.Sa mga dula, karaniwang nilalarawan ang
buhay-Pilipino, buhay lungsod o nayon, at karaniwang ugali ng mga Pilipino.
Maraming pagtatanghal ang may mga paksang katawa-tawa upang ikubli ang mga kapintasan ng mga
Hapones tulad ng pangunguha ng mga ari-arian sa mga pilipnong nabibihag o pangungurakot. Nagtanghal
ang samahang Dramatic Philippines ng ilang dula ni Wilfredo Guerrero sa Metropilitan Theatre.
Naglathala naman ng isang dula sa Liwayway sina Clodualdo Del Mundo at Matteo Cruz Cornelio, ang
Bulaga noong ika-23 ng Pebrero 1943. Nalathala rin ang Sangkwaltang Abaka ni Alfredo Pacifico Lopez.
Itinanghal din and dulang Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” Rodrigo.
Mga Dulang nasa wikang Filipino
(karamihan ay mula sa orihinal sa Ingles at isinalin sa Pilipino at iba naman ay orihinal na akda)

 Paa ng Kuwago – adaptasyon ni Francisco Soc Rodrigo mula sa The Monkey’s


Paw ni W.W. Jacobs
 Sino ba kayo? – isang yugtong dula sa panulat ni Julian Balmaseda sa Inglesat isinalin sa
Tagalog ni Francisco Soc Rodrigo sa direksyon ni Narciso Pimentel Jr.
 Ang Asawa ng Abogado – isang adaptasyon ng orihinal na dula ni F.Liongson
sa Espanyol at isinalin sa Tagalog
 Sa Pula, Sa Puti – isang yugtong dula sa panulat ni Francisco Soc Rodrigo saTagalog na
orihinal sa Ingles. Sa panahon ng Hapon ito ay itinanghal sa direksyonni Narciso Pimentel Jr. ng Dramatic
Philippines
 Martir sa Golgota – isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo sa Tagalogmula sa Pasyon sa
Ingles ng Ateneo sa panulat ni Rev. Hunter Guthrie at Rev.Joseph A. Mulrey sa Ingles.
 Ang Kahapong Nagbalik- isinalin at inadapt ni Francisco Soc Rodrigo mulasa orihinal nito sa
Espanyol ang El Pasada Que Vuelve ni Francisco Liongson
 Tia Upeng – salin mula sa Ingles ang Charley’s Aunt
 Ulilang Tahanan –orihinal sa Ingles ni Wilfrido Ma. Guerrero noong 1940 atisinalin sa Pilipino
ni Juan C. Laya. Isinapelikula ng Premiere Productions sadireksyon ni Gerardo de Leon at
ipinalabas noong Hunyo 1994 sa Capitol Theatersa pamagat na House For Sale, The Foresaken House.
Itinanghal sa MetropolitanTheater noong Enero 1944 sa Tagalog

TULA

Mga katangian ng Tula

1. Maikli, lalo na ang mga nalathala sa Liwayway noong 1943


2. Maraming gumagad sa Haiku
3. May talinhaga
4. Namayani ang malayang taludturan- walang sukat at wala ring tugma

Sa tula ay namalasak ang Haiku, isang tulang binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtud.
Ang una ay may limang pantig, ang ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlo ay may limang pantig.
Maikling-maikli ang Haiku, ngunit nagtataglay ng malawak na kahulugan, kagandahan at damdamin.

Halimbawa:

MANUNULAT
Dilang makatas
Tinta ipinamalas
Makata'y lunas

Isa pang uri ng tulang namalasak sa Panahaon ng Hapon ay ang Tanaga. Binubuo ito ng apat na
taludtod na bawat isa ay may pitong pantig. Ito ay maikli ngunit may sukat at tugma sa hulihang pantig.

Halimbawa:

PERA
Sa isang kisapmata
Gintong hawak ni ina
Nawala ng makita
Magagarang dalaga

Ang Singkian naman ay binubuo ng isang pangalan o pangngalan sa unang taludtod; dalawang pang-
uri sa ikalawa; tatlong pandiwa sa ikatlo; isang parirala saikaapat; at isang pangalan o pangngalan sa
ikalimang taludtod.
Halimbawa:
Maganda, masinop, maalaga
Halina’t kilalanin
Binibining aking pinakamamahal
Madilim, mausok, nakasusulasok
Kumakanta’t sumasayaw
Sa entabladong puno ng pait

NOBELA

Hindi umunlad ang nobela sa panahong ito. Dahilan marahil sa kakapusan ng papel kaya walang
gaanong naisulat na nobela sa panahong nabanggit. Ang mganobelang napalathala sa Liwayway ay
ginamitan ng maliit na tipo upang habaan ang mailalathala sa bawat labas. Naisapelikula ang nobelang
Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz; Sa Lundo ng Pangarap ni Gervasio Santiago; Pamela ni Adriano
Laudico at Lumubogang Bituin ni Isidra Castillo.

SANAYSAY

Pinagtangkaang paunlarin noong Panahon ng Hapon ang sanaysay ni Kinichi Isikawa. Sinundan ito
nina Maria Luisa Lopez, Lina Flor, Emilio Agustin, Gemiliano Pineda, Florencio Garcia, at iba pa.
Nalathala sa Liwayway ang mga sanaysay na isinulat nina Teodoro Agoncillo, Pura Santillan
Castrence, Alejandro Abadilla at Felipe de Leon.Naglalarawan ang mga nalathalang dula, tula, sanayasay
at maikling kuwento ng damdaming makabayan.
Pinilit itago ng mga manunulat ang pagbanggit nang tuwiran sa mga katiwalian ng pamamahalang
Hapones kaya kahit na mahigpit sa sensura ang pamahalaan ay nakaligtas ang mga ito.

Ang Panitikan sa Ingles

Pinangunahan ang panitikan sa Ingles nina Federico Mangahas, Salvador Lopez, Francisco Icasiano
at Manuel Agila.
Sa panahong ito, ang marami sa mga manunulat sa Ingles ay nagsipagtago. Habang nasa Amerika,
isinulat ni Jose Garcia Villa ang tulang Have Come, Am Here. Isinulat naman ni Carlos Bulosan sa
kanyang antolohiyang Chorus from America at Letter from America noong 1942.
Sa sanaysay ay nanguna sa pagsulat si Carlos P. Romulo. Pinakatanyag niyang aklat ang I Saw the
Fall of the Philippines na lumabas noong 1942. Sinundan ito ng Mother America (1943), My Brother
Americans (1945), at ang I See the Philippines Rise (1946).

Ang Ating Panitikang Filipino

Ipinaturo ng Hapones ang wikang Filipino sa lahat ng antas ng pag-aaral ngunit hidi rin napawi ang
wikang Ingles, na ginamit pa ring wikang panturo sa panahong nabanggit.

Ang mga pahayagang pinahintulutang lumabas ay ang The Tribune, Philippine Review, Pillars, Free
Philippines at Filipiniana.

MGA URI NG LIBANGAN PAGKATAPOS NG LIBERASYON

1. Pelikula – Silent Movies tampok si Charlie Chaplin


Jose Nepomuceno – Ama ng Pelikulang Pilipino
Ang Punyal na Ginto – gawa ng Malayan Studios: unang pelikulang Tagalog
2. Stage Show – drama/musical
3. Bodabil – awit, tugtog at sayaw

---------------------------------------------------------------------------------------

GAWAIN 1 PAG-UNAWA SA BINASA


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba nang may kritikal na paglalahad at masining na
pagsagot sa tanong.

1. Bakit maituturing na “Ginintuang Panahon ng Panitikang Pilipino” ang Panahon ng pananakop ng mga
Hapones? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
GAWAIN 2 ITULA MO!
Panuto: Batay sa iyong natutunan sa panahong ito patungkol sa panitikang ito, bumuo ng sariling tanaga at
haiku batay sa mga paksa na nasa loob ng kahon.

TANAGA HAIKU
Pag-ibig sa Bayan Kamusmusan

Kolehiyo Pandemya

GAWAIN 3 SURIIN NATIN!


Panuto: Isaliksik at Basahin ang isang halimbawang kuwentong pinamagatang “Lupang Tinubuan ni Narciso
G. Reyes”. Pagkatapos basahin ang kuwento, sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic
organizer sa ibaba.

Kahulugan Nilalaman(Paksa/Tema)

Lupang
Tinubuan
Sinasalaming Kultura Kalagayan ng Kuwento sa Panahong ito

SANGGUNIAN:
Sanchez, R.A., Reyes, J.J., Panitikan ng Pilipinas., Intramuros, Manila. Unlimited Books Library Services &
Publishing Inc., 2019

Panitikan_Modyul 3_Midterms

You might also like