You are on page 1of 2

Lynevell P.

Nonato Anazel Estilo

Panahon ng Hapon

Ang Edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihan institusyong humuhubog sa


katauhan ng isang nilalang.Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga
hapones.Upang hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa adhikaing napakaloob sa
patakarang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Noong 1942 , nilikha ang
Commission of Education, Health, and Public Welfare sa bisa ng Military Order No. 2
ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng simulain nito ang mga sumusunod:

1.Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi


ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

2.Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa


mga bansa sa Kanluran, particular sa mga bansang Gran Britanya at ang
Estados Unidos.

3.Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng


pagigigng Oryental o Asyano.

4.Pagtuturo ng wikang Nihonggo.

5.Pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyunal

Makikita sa mga tuntuning ito ng mga hapones, tulad din ng mga Amerikano
nagpapahalaga nang higit sa pagpapalaganap ng kanilang wika bilang paghubog sa
isipan ng mga sinakop.sa balatkayong pagtatag ng katutubong kalinangan, sinikap
nitong mawala lahat ng papuri sa Amerika na nakasulat sa mga aklat. Noong Hunyo
1942 ay binuksan ang mga paaralan sa elementary . Ang wika , kulturang hapones, at
Pilipino lamang ang ipinaturo rito. Masusing sinuri ang mga aklat at ipinatatanggal ang
mga pahina nitong mayroong pahiwatig ng kulturang Kanluranin. Ipinaalis ng mga
Hapones ang mga pahina ng mga aklat na mayroong pahiwatig ng kulturang
Kanluranin. Gayundin, noong 1943 ay binuksan ang mga institusyong naghahanda sa
mga guro sa layuning magkaroon ng sapat na gurong may Pilipino-Asyanong
oryentasyon.

Nang mahalal na pangulo si Jose P. Laurel noong 1943 ay nagmunghaki siya ng


ilang mga pagbabago upang maayos ang sistema ng edukasyon sa bansa.

1.Pinakuha niya ng lisensya sa pagtuturo ang lahat ng mga guro at mga pinuno ng mga
paaralan, kolehiyo, at unibersidad.

2.Inutos niya ang pagpapalaganap ng Tagalog bilang Wikang Pambansa.

3.Inutos niya rin na mga Plipino lamang ang dapat magturo ng wika, kasaysayan ng
Pilipinas, at kabutihang asal.

4.Inutos din niyang kinakailangang nakakarami sa lupon ng bawat paaralan, kolehiyo at


unibersidad ang mga Pilipino.

5.Pinagbawalan niyang magturo ng kasaysayan ng Pilipinas at mga asignaturanmay


kinalaman sa mga simulaing makabayan ang mga dayuhan.

https://cdn.fbsbx.com/v/t59.2708-
21/79603548_109908280403740_4097717663051022336_n.docx/KURIKULUM.docx?
_nc_cat=101&_nc_ohc=sWDivnpiRS4AX8jHs9r&_nc_ht=cdn.fbsbx.com&oh=7476ab69b9047f1583a59ca
6d6ab10aa&oe=5E2586AF&dl=1

You might also like