You are on page 1of 5

Pahina |1

Sorsogon National High School


SELF-DIRECTED LEARNING ACTIVITY SHEET (Module 7)
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Kuwarter 1; Taong Panuruan 2020-2021

Pangalan ng mag-aaral:________________________________________Antas at Seksyon: ________________

PAMAGAT NG ARALIN: Paksa: MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Sa panahon ng Hapon, sa panahon ng pagsasarili at hanggang sa kasalukuyan

I. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inasaahang:

1. Nakasusulat ng sanaysay na tumataluntun sa isang partikular na yugto ng


kasaysayan ng Wikang Pambansa - F11PU – Iq – 86
2. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad
ng Wikang Pambansa – F11PU – Ih – 86

II. PAGLALAHAD NG ARALIN:

SA PANAHON NG HAPON

Enero taong 1942, sinakop ng Hapon ang Bansang Pilipinas. Pinahintulutan ang mga Pilipino na
magkaroon ng sariling Pamahalaan ngunit sa ilalim ng batas militar na kilala sa katawagang
“Puppet Government”. Na pinamumunuan ng pangulong Jose P. Laurel

Sa bisa ng Executive Order No. 2 inuutos ang pagtuturo sa Tagalog at bilang asignatura.

Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay imperyong hapon na naglalayong tanggalin ang
impluwensiya ng Anglo-American sa kabuhayang pampulitikal at panlipunan ng mga Pilipino.
Nakapaloob dito na ang Asya ay para sa Asya at ang Plilipinas ay para sa Pilipino.

Gayunpaman, tinagurian ang panahong ito na “Gintong Panahon ng Panitikang Filipino” dahil mas
malaya ang mga Pilipino sa pagsulat sa panitikan, pagsanib ng kultural, kaugalian at
paniniwalang Pilipino. Subalit sa wikang Tagalog lamang.

Hulyo 24, 1942 ay ipinag-utos na Niponggo at Tagalog ang siyang opisyal na wika. Tinuruan ang
mga guro ng Niponggo upang sa gayon siya ang magturo sa mga magaaral.

Ipinag-utos din na magiging midyum ng pagtuturo sa elementarya, publiko man o pribado ay


pawang Tagalog lamang sa bisa ng Ordinansa Militar Bilang 13 Executive Order No. 10 na
nailathala noong 1943. Isinakatuparan ang restorasyon ng Unibersidad ng Pilipinas na naatasang
payabungin ang wikang Pambansa at itaguyod ang Nasyonalismo. Muling binuhay ang usapin sa
pagtataguyod ng pambansang wika na Pilipino, pati na rin nang dayuhang Hapon.

Ang pinakamagandang naidulot ng pagsasakop ng mga Hapon ay ang pagkakaroon ng sigla sa


ating Wikang Pambansa at nagbigay daan upang tayo ay maging makata tungo sa panitikan.

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 17, 2020
Pahina |2

SA PANAHON NG PAGSASARILI AT HANGGANG SA KASALUKUYAN


Sa panahon ng pamumuno ng Pangulong Manuel L. Quezon ay nadama niya ang
kahirapan ng pakikipatalastasan sa mga mamayan na hindi marunong mag Ingles. Kaya
naman sa taong 1935 ay bumuo ng grupo na kinabibilangan nina Lope K. Santos, Sofronio
Calderon, Jose M. Sevilla na kalauna’y napagkaisahan na Tagalog ang magiging batayan
sa paglikha ng Wikang Pambansa.

Panahon ng Liberasyon – ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng


Batas Komonwelt bilang 570.

Nang matapos ang digmaan noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag na Tagalog ang opisyal na
wika ng Pilipinas kasama ng Ingles at Kastila batay sa Batas Komonwelt Bilang 570.
Ngunit muling namayagpag ang wikang Ingles bilang midyum ng komunikasyon sa mga
pahayagan at pamahalaan.

Bumuo ng batas ang Consitutional Commission sa panahon ni Cory C. Aquino sa Saligang


Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang maitaguyod ang Wikang Filipino.

Noong 1972, habang binubuo ng mga Delgado ng Kumbensyong Konstitusyonal, 1972,


ang bagong Saligang Batas ng Pilipinas, masasabing dumaan sa langit-langitan ng wikang
pambansa ang isang daluyong. Subalit pagkatapos ng daluyong at sigwa ay sumikat ang
araw sa Wikang Pambansa. Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, sumulong at umunlad
nang malaki ang Wikang Pambansa. Sa iba’t ibang pagkakataon, ipinahayag ng Pangulong
Marcos ang matatag na paninindigan tungkol sa kahalagahan ng wika bilang mahalaga
ast mabisang kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.

Ang noon ay Pangulo ng Pilipinas, Corazon C. Aquino, ay nagpalabas ng isang kautusang


nakatulong nang malaki sa pagsulong sa paggamit ng wikang Filipino.

Masasabing tinatamasa ng kasalukuyang panahon ang pagpapakahirap ng mga naunang


mananaliksik, lingguwista, mambabatas, at iba pang kasangkot para magkaroon ng klaro
at iisang kaisipan ang mga Pilipino tungkol sa Pambansang Wika ng bansa. Sa ngayon ay
masasabing gabay na lamang at inspirasyon ang mga masalimuot na prosesong
pinagdaanan ng pagkakatukoy at pagsasabatas sa ating Wikang Pambansa.

Gayunpaman, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang iba’t ibang ahensiya ng


pamahalaan sa kasalukuyan para isulong at paunlarin ang ating Wikang Pambansa.

III. GAWAING PAMPAGKATUTO:

A. Gawain 1: Sanhi at Bunga


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Suriin ang salita, parirala o
pangungusap na ginamit na nagpapahayag ng konseptong sanhi at bunga. Isulat ang
mga salita, parirala o pangungusap nagsasaad ng sanhi sa kolum na nakalaan para
sa sanhi at ang mga salitang nagsasaad ng bunga ay sa kolum na nakalaan para sa
bunga.
Gayahin ang pormat na ibinigay.

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 17, 2020
Pahina |3

1. Tinagurian ang panahon ng Hapon na “Gintong Panahon ng Panitikang Filipino”


dahil mas malaya ang mga Pilipino sa pagsulat sa panitikan, pagsanib ng kultural,
kaugalian at paniniwalang Pilipino.
2. Sapagkat Tagalog lamang ang ginamit ng mga Pilipino noong panahon ng Hapon sa
kanilang pagsusulat ng mga akda, naging masigla ang ating Wikang Pambansa.
3. Sa panahon ng pamumuno ng Pangulong Manuel L. Quezon ay nadama niya ang
kahirapan ng pakikipatalastasan sa mga mamayan na hindi marunong mag-Ingles.
Kaya naman sa taong 1935 ay bumuo ng grupo na kinabibilangan nina Lope K.
Santos, Sofronio Calderon, Jose M. Sevilla na kalauna’y napagkaisahan na Tagalog
ang magiging batayan sa paglikha ng Wikang Pambansa.
4. Para maitaguyod ang Wikang Pambansa, bumuo ng batas ang Constitutional
Commission sa panahon ni Cory C. Aquino sa Saligang Batas 1987 na kung saan
ay nilinaw ang kailangang gawin sa pagtataguyod nito.
5. Patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa
kasalukuyan para maisulong at mapaunlad ang Wikang Filipino.

SANHI BUNGA

1.____________________________________________ 1.____________________________________________
2.____________________________________________ 2.____________________________________________
3.____________________________________________ 3.____________________________________________
4.____________________________________________ 4.____________________________________________
5.____________________________________________ 5.____________________________________________
B. GAWAIN 2 – Pagtitiyak sa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayaring may
Kaugnayan sa Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Panuto: Suriin ang mga detalye ng kasaysayan ng Wikang Pambansa sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones, sa panahon ng pagsasarili hanggang sa kasalukuyan. Kung “sanhi” ang
ibinigay na impormasyon, kailangang maibigay ang hinihinging bunga o resulta ng sanhi. Kung
“bunga” ang naibigay na impormasyong, kailangang mabigyan mo ng kasagutan ang kahon
para sa sanhi. Maaaring magbasa ng mga aklat, dyornal, o mula sa internet ng mga
impormasyong makatutulong sa iyo.

SANHI BUNGA

Inalis ng mga Hapones sa kurikulum ang


wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang
wikang Pambansa, gayon din ang Niponggo.

Yumabong ang wikang pambansa at nagging


makata tayo tungo sa panitikan

Ang malaon nang minimithing kalayaan ng


mga Pilipino ay nagkaroon ng katuparan sa
pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas noong
ika-4 ng Hulyo, 1946

Ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay


gumagawa ng mga hakbang para isulong at
paunlarin ang ating Wikang Pambansa.

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 17, 2020
Pahina |4

Gawain 3- Pagsulat ng Sanaysay


Panuto: Ayon sa Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Hapon ay masalimuot ang
pangyayari, at ginintuang panahon naman sa panitikang Filipino. Ano kaya ang ibig
sabihin nito? Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol dito. Maari ring magbasa,
magtanong sa nakatatanda ng mga pangyayari noon, at manood ng mga dokumentaryo na
may kinalaman sa pananakop ng mga Hapon. Pakatandaan lamang na ang sanaysay ay may
tatlong bahagi ang Simula o Introduksyon, Gitna o Katawan ng Sanaysay, at Wakas o
Konklusyon.

IV. PAGLALAHAT

1. Paano matitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag-unlad ng wikang pambansa?
2. Bakit kailangang matiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa?

V. PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na maglalahad ng kalagayan ng ating wikang pambansa
sa kasalukuyan at kung paano makatutulong ang mga mag-aaral na kabataan ng ating
bansa sa pagpapalaganap ng gamit ng wikang pambansa. Isaalang-alang ang gamit ng mga
salita o pahayag na nagpapakita ng pagkakaroon ng konseptong sanhi at bunga. Lagyan ng
sariling pamagat. Gawin sa malinis na papel.

Gagamitin ang
pamantayang ito sa
pagmamarka ng sinulat
na sanaysay sa gawain
3 at sa panapos na
gawain.

VI. MGA TALA


Sa bahaging ito, maaari mong sabihin sa iyong guro ang hindi mo lubos na naunawaan, saang bahagi ka
nahirapan? o ano ang iyong natutuhan?
_____________________________________________________________________________________

Prepared by: MARY LOURDES DOCTOR, Teacher I

Language Critic: ANNE E. MANCIA, Assistant School Principal II for Academics

Content Editors: FRANCOIS L. DETERA, Master Teacher I


ANNE E. MANCIA, Assistant School Principal II for Academics
No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 17, 2020
Pahina |5

MARILYN B. DIVINA, School Principal IV

No portion of this activity learning sheet may be reproduced without the expressed consent of the writer, and of
Sorsogon National High School. December 17, 2020

You might also like