You are on page 1of 16

KASAYSAYAN NG WIKA-

UNANG BAHAGI
KASAYSAYAN
NG
WIKANG
PAMBANSA
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Panahon ng Kastila
Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga
Pilipino. Ang pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod-bukod ang
gamit ng mga Espanyol upang magkalayo-layo ang mga Pilipino. Walang
isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro ang Wikang Espanyol
ang mga paring dayuhan ang nag-aaral ng mga katutubong wika.
Sa huling dantaon ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatakang
itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.
Panahon ng Rebolusyunaryong Pilipino
Ang kilusang propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagan isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog din
ginamit sa pagbuo ng mga kautosan gaya sa Saligan – Batas ng biak na
bato noong 1897. Dito pinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng
pamahalaan.
Panahon ng Hapon
Sapilitang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang
mga Pilipino sa paggamit ng sariling wiki. Sumigla ang panitikang Pilipino
gaya ng nobela at maikling kwento.

Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Naging midyum sa mga


paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon na ng aklat
para sa Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang
magamit itong panturo.
Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraan ng ikalawang Digmaang Pandaigdig nagtagumpay ang
pagtuturo ng wikang pambansa na tinatawag na Pilipino sa isang
kautusang nilagdaan ng naging kalihim na si Jose Romero ng pagtuturo.
Dala ng malaking pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo
ng Pilipino, nadagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa punong
tanggapan. Ang Maynila ay nagkaron naman ng isa bagama’t wala ang
mga nasa lalawigang Tagalog at di- tagalog.
Panahon ng kasalukuyan
Nagpatupan ng Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon at
sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan,
sekondarya sa tersyarya sa lahat ng paaralan sa bansa. Ipinaunlad ang
wikang Filipino upang magamit sa mga paaralan mula elementarya
hanggang kolehiyo. Higit na Lumalaganap ang paggamit ng wika pag-
aaral ng wika at nagkaroon ng intelektuwalisasyon, estandardisasyon at
elaborasyon ng wikang Filipino.
Proklama BIg.186 na nagsususug sa Proklama
BIg. 12 serye ng 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang paglipat ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang pambansa taun-taon simula sa ika- 13 hanggang ika- 19
ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang ng kaarawan
ni Quezon ( Agosto 19 )

Kautusang tagapagpaganap BLg.60- Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado


macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang Pilipino.
MGA BATAS PANGWIKA
Ilang legalidad pagdating sa usapang pangwika. ( sa mga batas
pangwika sa tatlong yugtong inilahad sa itaas. ) Ito ay mga kautusang
tagapagpaganap. Kautusang Pangkagawaran, Memorandom,
Proklamasyon at iba pa na nagpapahayag tungkol sa wikang pambansa.

Kautusang Pangkagawaran BLg.24- Ipinalabas noong 1962 ng kalihim


ng Edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos na mula sa taong-aralan
1963-1964, Ipalimbag ang lahat ng sertipiko at diploma ang pagtatapos
sa wikang Pilpino.
Saligang batas ng 1973- Dapat gumagawa ang Batasang Pambansa ng mga
hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na
wikang pambansa na tawaging Pilipino. Ang pagbibinyag ng pangalawang
Pilipino sa ating Wikang Pambansa sa taong E. Romero ng kagawarang ng
Edukasyon.

Kautusang Pangkagawaran Big.25- Hulyo 19, 1974 –Nilagdaan ng Kalihim ng


Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng Edukasyon
Bilingguwal sa mga paaralan simula taong-panuruan 1974-1975.
Kautusang Big. 22- Hulyo 21, 1978, nilagdaan ni kalihim Juan Manuel
na simula sa taong panuruan 1979-1980 ituturo ang 6 na yunit sa
Kolehiyo.

Kautusang tagapagpaganap BIg.1179( 1981)- Pagpapalit ng pangalan


ng Surian ng Wikang pambansa (SWP) sa linangan ng mga wika sa
Pilipinas (LWP).
Proklamasyon BIg.12 Marso 26 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.

Proklamasyon BIg. 186 ( Set 23 1955 ) – nilagdaan ng Pangulong Ramon


Magsaysay nagsususog sa Proklama Big. 12 serye ng 1954, na sa
pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon sa ika- 13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Batas Republika BIg, 1704 (1986)- nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF). Sa kasalukuyan ang ahensya sa ilalim ng gobyerno na may malaking
papel sa mga hakbangin para sa Wikang Filipino bilang patunay sa mga
minimithing pagpapatibay sa wikang pambansa’y nagkaroon ng pagpapalimbag
sa taong 1940 ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa.

Proklamasyon BIg. 1041 – ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda


na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na masagawa ng gawain kaugnay
Memorandum Sirkular Big. 448- humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambsa, Agosto 13-19.

Proklamasyon BIg.9 ( Agosto 12, 1986 )- nilagdaan ni Pangulong Corazon C.


Aquino na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalang papel
sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihan Bayan na nagbunsod ng bagong
pamahalaan.
PANIMULANG
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang sagot kaugnay sa kasaysayan ng
Wikang Pambansa. Isulat ang titik sa tamang sagot sa inyong sagotang
papel.

1. Ano ang katutubong wika na ginagamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon?


A. Ingles B. Filipino
C. Taglish D. Cebuano
2. Ang KWF ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na binou upangmagsagawa ng mga
pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pa pang wika sa bansa.
Ano ang kinatawanan ng acronym na KWF?
A. Tagalog at Ingles B. Filipino
C. Taglish D. Cebuano
4. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inales ang Ingles.
A. Rebolusyon B. Hapon
C. Amerikano D. Pagsasarili
5. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika sa panahong ito.
A. Amerikano B. Pagsasarili
C. Kasalukuyan D. Hapon
6. Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng Edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan
1963-1964. Ipinalimbag ang lahat ng sertipiko at Diploma sa Wikang Filipino?
A. Kautusang Tagapagpaganap 24
B. blg 60
C. Saligang batas 1973
D. Kautasang Tagapagpaganap 25
7. Siya ang kinikilalang Ama ng Pambansang Wika sa Filipino
A. Ferdinand Marcos B. Manuel L. Quezon
C. Ferdenand Armosolo D. Isagani Cruz
8. Sa anong panahon naipatupad ng Patakarang Bilingguwal?
A. Kasalukoyan B. Panahon ng Hapones
C. Panahon ng mga Amerikano D. Pagsasarili

9. Ipinag-utos ni ________________ na awitin ang Pambansang Awit sa Wikang Pilipino.


A. Jose Corazon de Jesus B. Jusan Manuel
C. Ferdinand E. Marcos D. Corazon C. Aquino
10. Sino ang nagpasa ng panukalang ituturo ang anim ( 6 ) nay unit ng kursong Filipino sa kolehiyo? Pagtuturo ng
anim ( 6 ) na yunits ng Filipino sa kolehiyo.

A. Jose Corazon de Jesus B. Jusan Manuel


C. Ferdinand E. Marcos D. Corazon C. Aquino

You might also like