You are on page 1of 30

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Filipino

Kasaysayan ng
Wikang Pambansa
(Ikalawang
Bahagi)
Panuto: Basahin ang sumusunod na
pahayag, isulat sa papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Siya ang Kalihim ng edukasyon na naglagda at nag-utos na simulan sa
taong-aralan 1963-1964 na ilimbag sa Pilipino ang mga sertipiko at
diploma ng pagtatapos.
A. Alejandro Roces C. Bro. Armin Luistro
B. Leonor Briones D. Jesli Lapus
2. Kailan pinalitan ang tawag sa wikang pambansa mula Tagalog na
ginawang Pilipino?
A. Agosto 13, 1959 C. Hunyo 12, 1897
B. Hulyo 13, 1954 D. Agosto 16, 1966
3. Ito wikang opisyal ng Pilipinas na pinagtibay sa bisa ng
Batas Komonwelt Bilang 570.
A. Wikang Katutubo C. Tagalog at Ingles
B. Vernakular at Nihonggo D. Tagalog at
4. Ang Memorandom Sirkular na nag-uutos na ang lahat ng kawani ng
pamahalaan ay dumalo sa seminar na pinangungunahan ng Surian ng
Wikang Pambansa?
A. Memorandom Sirkular Blg. 110 C. Memorandom Sirkular Blg.198
B. Memorandom Sirkular Blg. 199 D. Memorandom Sirkular Blg. 132
5. Ang pangulo ng Pilipinas na nag-utos na pangalanan sa Pilipino ang lahat
ng edipisyo, gusali at tanggapan.
A. Corazon C. Aquino C. Fidel V. Ramos
B. Fedinand E. Marcos D. Gloria M. Arroyo
6. Ang kautusang Pangkagawaran na nagpatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal.
A. Kautusang Pangkagawaran Blg. 20 s.1974
B. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s.1970
C. Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 s.1978
D. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s.1974
7. Ang Kautusang Tagapagpalaganap na nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan tanggapan , at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika.
A. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 187
B. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 60
C. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 120
D. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 180
8. Ang pangulo ng Pilipinas na bumuo ng Constitutional Commission bilang bagong batas sa pagsulong
ng paggamit ng Filipino.
A. Corazon C. Aquino C. Fidel V. Ramos
B. Fedinand E. Marcos D. Gloria M. Arroyo
9. Siya ang presidente ng Pilipinas na naglabas ng Executive Order No. 210 na nag-aatas sa pagbabalik
sa isang monolingguwal na wikang panturo ang wikang Ingles.
A. Corazon C. Aquino C. Fidel V. Ramos
B. Fedinand E. Marcos D. Gloria M. Arroyo
10. Ano ang Kahulugan ng KWF?
A. Komisyon ng Wika para sa Filipino
B. Komisyon ng Wikang Filipino
C. Konstitusyon sa Wikang Filipino
D. Kultura at Wikang Filipino
Kasaysayan ng
Wikang Pambansa
(Ikalawang
Bahagi)
Sa araling ito matutuloy ang pagtalakay sa
kasaysayan ng wikang pambansa kung saan naman mapag-
uusapan ang mga pangyayaring kaugnay ng wika sa
Panahon ng Pagsasarili hanggang Kasalukuyan.
Panuto: Tukuyin ang mga
sumusunod na pahayag kung
ito ay tama o mali. Gawin ito
sa isang buong papel.
1. Ang baybayin ang naging paraan ng pasulat at pasalita sa panahon ng
mga Hapon.
2. Itinuro ang Doctrina Christiana sa mga Pilipino sa Panahon ng Kastila.
3. Nagkaroon ng kilusang propagandista na simula ng paghihimagsik noong
panahon ng pagsasarili.
4. Ang mga prayle ay gumawa ng diksyunaryo upang mapag-aralan ang
wika ng katutubo at mapadali ang pagpapalaganap ng kristiyanismo.
5. Ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian ayon sa Teorya ng
Paglikha.
6. Sumibol ang kaisipang isang bansa isang diwa sa panhon ng Espanyol.
7. Napalawak ng kristiyanismo sa bansa sa panahon ng Amerikano.
8. Ang mga Austronesian ang kinilalang nagpalago ng pagtatanim ng palay
ito ay mula sa teoryang pandarayuhan.
9. Nasa pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan sa
panahon ng Hapones.
10. Tinaguriang Gintong Panahon, ang panahon ng mga Amerikano.
11. Ang mga misyunero ang nagging guro ng mga Pilipino sa panahon
ng Kastila
12. Ang wave migration theory ay pinasikat ni Dr. Henrey Otley Beyer.
13. Nabuo ang konstitusyon ng Biak-na-Bato sa
panahon ng Rebulosyon.
14. Ang mga Thomasites ang nagturo ng wikang Ingles
sa mga Pilipino sa panahon ng Rebulosyon.
15. Ginamit at pinayabong ang wikang katutubo sa
panahon ng mga Hapon.
Ang Seksiyon 6 ng
Artikulong XIV ng
Saligang Batas
1987
SEK 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhan ng batas
at sang-ayon sa nararpat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
SEK 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas at Filipino at, hangga’t
walang ibang itinadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo doon. Dapat itaguyod
nang kusa at opisyonal ang Kastila at Arabic.
SEK 8. Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles
at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic, at
Kastila.
SEK 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang
komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, a pagpapanatili.
Tinupad ito ng Pangulong Corazon C. Aquino sa
pamamagitan ng Executive Order No. 335, ito ay “Nag-
aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensiya at instrumentality ngpamahalaan na
magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.”Isang
atas na matabang itinuloy ng ibang administrasyon at
hindi pinansin ng konggreso. Nang umupo naman si
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya
ng Executive Order No. 210 noong Mayo 2003 na nag-
aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang
panturo- ang Ingles, sa halip na ang Filipino. Nalungkot
ang maraming tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa
antas na ito.
Sa kasalukuyan, masasabing marami pa
ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino.
Ngunit kung ang pagbabatayan natin ay ang
paglaganap at paggamit ng wikang Filipino,
masasabi nating mabilis nga ang
pagsulong nito. Bunga ito ng
epektibong pagtuturo ng wikang
Filipino sa mga paaralan. Resulta rin
ito ng patuloy at dumaraming paglabas
ng mga babasahin na nakasulat sa
wikang Filipino, lalo na ang komiks.
Ilan pang dahilan ay ang patuloy na
pambansang pagtangkilik sa mga
telenobela, at pelikulang Pilipino, at
Noong ika-5 Agosto 2013 sa pamamagitan ng
Kapasyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang kaluponan
ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang
Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pagbigkas at
sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa
buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis
itong pinauunlad ng arawaraw at iba’t ibang uri ng
paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nalilinang
sa iba’t ibang antas ngsaliksik at talakayang akademiko
ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga
lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan. Mula sa mga katutubong wika
ng bansa.
(http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/
FAQ_2.4.15.pdf)
Katulad ng sinabi Komisyon ng
Wikang Filipino, napakarami pang
dapat gawin upang sumulong at
magtagumpay ang wikang
Filipino. Patuloy itong yayaman
sa pamamagitan ng araw-araw na
paggamit ng mga mamamayan.
Sama-sama nating abutin ang
wagas na hangaring maging wika
ng karunungan ang wikang
Pambansa
Panahon ng Pagsasarili Hanggang Kasalukuyan
Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula
noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay rin ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog
at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt Bilang 570.
Ito ang panahon ng pagbangon sa mga nasalanta ng digmaan. Dahil
bumabangon pa lamang ang Pilipinas ng mga panahong iyon, sumentro sa
mga gawaing pangekonomiya ang mga Pilipino. Naramdaman pa rin ang
impluwensiyang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano.
Maraming mga banyagang kapitalista, na karamihay Amerikano, ang
dumagsa sa ating bansa.
Nakaaapekto ito sa Sistema ng ating edukasyon na tumugon sa
pangangailangan ng mga korporasyon at kompanya.Ito ang nagging sanhi
ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad at paggamit ng wikang
Pambansa. Bagama’t ang pelikulangPilipino at komiks ay gumagamit ng
wikang Pilipino, nagging paboriong midyum paarin ang Ingles.
Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang
tawag sa wikang Pambansa. Mula Tagalog, ito
ay naging Pilipino sa bias ng kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose
B. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon.
Nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces
at nag-utos na simulan sa taong aralan 1963-
1964 na ang mga sertipiko at
diploma sa pagtatapos ay ipalimbag
na sa wikang Pilipino. Noong 1963,
pinag-utos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong
Pilipino. To ay batay sa kautusang
tagapagpaganap Blg. 60 s. 1963 na
nilagdaan ni Pangulong Diosdado
Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang
pangulo ng Pilipinas, iniutos niya sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967, na ang lahat ng
edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa Pilipino.
Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas
ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na naguutos
na ang mga ulong liham ng mga tanggapan ng
pamahalaan ay isulat sa Pilipino. Kalakip ng kaukulang
teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pulmonaryo sa
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Ang Memorandum
Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay nagtagubilin sa lahat
ng kawani ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa
Pilipino na pangungunahan ng Surian ng Wikang
Pambansa sa iba’t ibang purok lingguwistika ng
kapuluan.
Noong 1969 naman nilagdaan ni
Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos
sa lahat ng kagawaran, kawanihan,
tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang wikang
Pilipino hanggat maaari sa Lingo ng
Wikang Pambansa at pagkaraan naman
ay sa lahat ng opisyal na komisyon at
transaksiyon.
Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan
L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 s.1974 ng mga panuntunan
sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal.
Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang
babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong
batas ang Constitustional Commission. Sa Saligang
Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin
upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing
sa termino ni Pangulong Aquino isinulong ang
paggamit ng wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng
Artikulong XIV ng Saligang Batas 1987
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Gawin ito sa isang buong
papel.
1. Naging mabilis ba ang pagsulong ng ating wika pagkatapos
nating makalaya sa mga nansayuhan sa ating bansa?
Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Anong mga batas o
proklamasyon ang inilabas upang maitaguyod ang Wikang
Pambansa?
3. Sa iyong palagay, epektibo ba bang naipatupad ang mga
batas o proklamasyong nabanggit? Ipaliwanag ang iyong
sagot>
4. Alin sa mga batas o kautusang tinalaky ang
totoong nagpapakita ng pagtaguyod sa wikang
Filipino?
5. Masasabi mo bang naabot na ng wikang Filipino
Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa
wikang Pambansa. Mula Tagalog, ito ay nagging Pilipino
sa bias ng kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ngi
kalihim Edukasyon. Nang umupo naman si Ferdinand E.
Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, iniutos niya sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1967, na ang
lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa
Pilipino. Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang
babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong
batas ang Constitustional Commission. Sa Saligang
Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang gawin upang
maitaguyod ang wikang Filipino.
Panuto: Gumawa ng isang graphic Organizer katulad ng nasa
ibaba. Kung babalikan ang kasaysayan ng wikang pambansa,
maraming mga pangyayari ang naging sanhi o bunga ng isa pa o
maraming pangyayari. Kung nauunawaan at natatandaan mo
ang mga tinalakay sa panahon ng kasaysayan ng wikang
pambansa ay punan ang fishbone organizer sa ibaba.

You might also like