You are on page 1of 21

Panahon ng Amerikano at Hapones

Ang kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay masalimuot. Dumaan ito sa maraming diskusyon at pagsusuri.
Bagaman ang bansa ay Sinakop ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang para matamo nito ang pagkakataong
matukoy at mapaunlad ang napiling Wikang Pambansa at Wikang Panturo.

Sa pagsasalaysay ni Rubrico (1998) sa kanyang akdang pinamagatang The Metamorphosis or the Fillpino as a
National Language," inilarawan niya ang naging maapoy na kontrobersiyang nadaanan ng Wikang Pambansang
Filipino mula noong 1935 sa pagitan ng mga sang-ayon at hindi sumasang ayon dito. Gayunpaman, napagtibay pa
rin ng saligang-batas na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Sa panahon ng mga Amerikano, ang bagong kasisilang na Republika ng Pilipinas na pinamumunuan ni Hen. Emilio
Aguinaldo at iprinoklama sa Kawit, Cavite ay sasandaling nabuhay. Sa pagdating ng hukbong Amerikano sa Look
ng Maynila sa pamumuno ni Almirante Dewey, nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga kawal Filipino, ngayon
ay hindi laban sa mga Kastila kundi laban sa mga Ameikano. At nasakop na naman ang Pilipinas. Dumating sa
kapuluan ang mga bagong puno upang diumano ay ituro sa mga Filipino ang demokrasya at pamumuhay na
demokratiko. Nais nilang maturuan agad ang mga nasakop, Kanit na ang unang naging mga guro ay Kawal-
Amerikano na tinatawag na Thomasites.

Sinabi ni William Cameron Forbes na naniniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad
sa Kapuluan ang wikang ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.

Nagpadala si Pangulong McKinley ng isang lupon upang mapag-aralan ang mga pangunahing pangangailangan ng
mga Pilipino. Ang lupon ay pinamumunuan ni Schurman. Sa ulat ng Komisyong Schurman, lumitaw na ang
kailangan ng Pilipinas ay isang "walang gugol at pambayang paaralan Sinabi rin nila na ang pagpipilit na wikang
Ingles ang gagawing wikang panturo sa mga Pipno ay kawalan ng katarungan. Marami pang mga lupon ang nag-aral
ng suliranin sa edukasyon, lalo na ang tungkol sa gagawing wikang panturo. Nariyan ang Komisyong Taft, ang
Komisyong Monroe at iba pa. Lumitaw na mahirap na gawing panturo ang wikang katutubo dahil sa walang isang
wikang katutubo lamang na magagamit at maunawaan ng lahat sa buong kapuluan.

Ayon kay N.M. Saleeby, sa kanyang artikulong "The Language of Education in the Philippine Islands, Kkailangan
ng Pilipinas ang isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga bernakular. Sang-ayon dito si Blake. At
idinagdag niyang ang wikang Tagalog ay siyang karapat-dapat na maging saligan ng wikang pambansa.

Labag man sa tagubilin ni Pangulong McKinley na turuan ang mga Pilipino sa kanilang wikang sarili, nanatili ring
wikang panturo sa mga paaralan ang wikang Ingles na tinulungan ng wikain ng pook lalo na sa pagtuturo ng
kabutihang-asal at kagandahang-ugali. Sa kanilang programang pang-edukasyon, mahalaga ang papel ng paggamit
ng wikang Ingles. Una ay inirekomenda ito ng Schurman Commission kay Presidente William McKinley noong
Enero, 1900, at ito nama'y ipinaloob ng Presidente sa kanyang instruksyon sa Taft o Second Philippine Commission
na siyang naatasang magtatag ng gobyerno sibil noong 1901. Wika pa ni McKinley sa huli:

In view of the great number of languages spoken by the different tribes, it is especially important to the prosperity of
the islands that a common medium of communication be established, and it is obviously desirable that this medium
should be the English language. Especial attention should be at once given to affording full opportunity to all the
people of the Islands to acquire the use of the English language (De La Costa, 1965)

Sa report ng Secretary of Public Instruction noong 1914 ay idinetalye ang kahalagahan ng Ingles bilang wikang
panturo:

1) Linguistic unity is the most important step toward national unity;


2) English means contact with ideals compatible with democratic government;
3) English is the commercial language of the world, especially in the Far East (Philippine Commission, 1914).
Sa pagkakatatag ng Malasariling Pamahalaan at sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon,
nagkaroon ng malaking hakbang sa pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa. Sinabi ni Pangulong
Quezon na " …ang isang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay dapat magkaroon ng isang wikang
sinasalita at nauunawaan ng lahat. Ito'y isa sa pinakamatibay na buklod sa bumibigkis sa bayan at nagpapaunlad sa
ikapagkakaisa ng mga pambansang mithiin, lunggati, at damdamin."

Kayat sinikap ni Pangulong Quezon na sa Saligang-Batas ng Komonwelth ay mapasama ang artikulo tungkol sa
pagkakaroon ng Pilipinas ng isang wikang pambansa. Isinasaad sa Artikulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang-Batas ng
1935 na ang "... ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”

Ang Kongreso ay bumuo ng mga batas para sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Unang natatag ang isang lupon
na siyang mag-aaral kung aling wikang katutubo ang pababatayan ng wikang pambansa. Ang lupong ito na siyang
naging Surian ng Wikang Pambansa ay natatag sa bisa ng Batas Komonwelth Bilang 184.

Maraming haka-haka ang nabuo tungkol sa naging batayan ng wikang pambansa. Bakit daw Tagalog ang naging
batayan ng wikang pambasa? Paano raw ito napili? Marahil daw ay naatasang gumawa ng pag-aaral pawing tubo sa
Katagalugan ang lupong

Ang lupon ay binubuo nina:


1. Jaime C. de Veyra
2. Santiago A. Fonacier Samar-Leyte Puno
3. Casimiro F. Perfecto llocano Bikolano Kagawad
4. Felix S. Balas Rodriguez Hiligaynon Kagawad
5. Felimon Sotto Cebuano Tausug Kagawad
6. Hadji Butu Tagalog Tagalog Kagawad
7. Cecilio Lopez Pampango Kagawad
8. Lope K. Santos Visaya Kagawad
9. Zoilo Hilario Kinatawan
Kinatawan
10. Isidro Abad
Kinatawan

Isinagawa ng lupon ang kanilang tungkulin. Gumawa sila ng pag-aaral kung alin sa mga pangunahing wika ang
sinasalita at nauunawaan ng lalong maraming Pilipino; alin sa mga wika ang may mayaman nang panitikan ang
nasusulat, at alin sa mga wika ang sinasalita at ginagamit sa sentro ng pamahalaan, ng komersiyo at edukasyon.
Lumitaw na sa tatlong panukatang ito, ang wikang Tagalog ang higit na nakatutugon.

Gumawa ang lupon ng kaukulang rekomendasyon sa Pangulong Quezon. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Bllang 134, ipinahayag na ang wikang pambansa ay ibabatay sa isa sa mga umiiral sa wikang katutubo at ito ay
lagalog o wIkang Pambansa Batay sa Tagalog.

Hindi nagtapos ang pakikibaka ng mga Pilpino sa Panahon ng mga Amerikano dahil sa pagsiklab ng Pangalawang
Digmaang Fandaigaig. Naapektunan ng digmaan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan na nasa
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 263.

Dahil sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng mga Hapones ang ating kapuluan. Napinid sandali ang
mga paaralan, subalit sa pagbubukas na muli, ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo. Ito ang naging
simula ng pagpapakilala sa paggamit ng sariling wika ng bansa sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang mga
aralin. Ang pagpapagamit dito bilang Wikang panturo ay isang mensahe sa mga Pilipino na ibig ng bagong mga
mananakop na Hapones na malimutan ng mga Pilipino ang wikang Ingles. Inalis nila sa kurikulum ang wikang
Ingles at sapiltang ipinaturo ang wikang pambansa, gayon din ang Niponggo. Naging masigla at nagkaroon ng
malaking pag-unlad ang wikang pambansa. Umunlad din nang malaki ang panitikang Pilipino sa Pananon ng
Hapones sapagkat ang mga manunulat na Pilipino na dati'y sa wikang Ingles sumusulat ay napilitang magsisulat sa
wikang pambansa. Ito ang dahilan kung bakit sinasabing gintong panahon ng wikang pambansa ang panahon ng
mga Hapon.
Ang malaon nang minimithing kalayaan ng mga Pilipino ay nagkaroon ng katuparan sa pagkakaloob ng kasarinlan
sa Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo, 1946. Sa petsa ring ito, isang batas ang pinagtibay ng Kongreso ang Batas ng
Komonwelt Bilang 570 na nagtatadhana na ang wikang Pambansa ay maging isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas.

Panahon ng Pagsasarili Hanggang sa


Kasalukuyan
Ang pagkakatamo ng bansa ng kaniyiang kalayaan mula sa mga mananakop noong ika-4 ng Hulyo, 1946 ay naging
hudyat din ng kalayaan ng mga Pilipino para lalong mapaunlad nito ang kaniyang Wikang Pambansa. Sa panahon
ng kasarinlan, maraming mga pag-aaral ang isinagawa tungkol sa gagawing wikang panturo sa paaralan. Isa ang
UNESCO na sumang-ayon sa pamamagitan ng isa sa kanyang misyon na dapat magkaroon ang mga bansa ng sarli
nilang pambansang patakaran sa pagpapaturo ng wikang pambansa sa paaralan. Ingles ang nanatiling wikang
panturo at iminungkahing ihandog na aralin sa mataas na paaralan o kolehiyo ang wikang Kastila. Noong 1949,
naging desisyon ng,Lupon ng Magkasanib na Kapulungan sa Kongreso na magkakaroon lamang ng pagpapalit ng
wikang panturo kung may pagbabatayang katibayan buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik pangwika.
Isa sa mga nagsagawa ng pag-aaral si Dr. Jose Aguilar, superintendente ng lloilo. Ang kanyang pag-aaral ay nakilala
sa tawag na "Ang Pagsubok sa lloilo" (The lloilo Experiment). Napatunayan sa pag-aaral na ito na higit na mabilis
matuto ang mga batang sinimulang turuan sa unang dalawang baitang sa wika ng pook (Hiligaynon) kaysa sa mga
batang tinuruan sa pamamagitan ng wikang Ingles.

Gumawa rin ng pag-aaral si Dr. Clifford Prator noong 1950 at ang kinahinatnan ay katulad din kay Dr. Aguilar. Ang
naging rekomendasyon ni Prator ay ang mga sumusunod: \

- gamiting wikang panturo sa unang dalawang baitang ang wika ng pook at


- ituro ang Ingles bilang isang aralin simula sa unang baitang at ito ay gawing wikang panturo pagsapit sa
ikationg baitang, samantala ang Filipino ay sisimulang ituro sa ikalimang baitang.

Noong 1958, sa Binagong Palatuntunang Edukasyunal ng Pilipinas na naglalayong magkaroon ang bansa ng isang
"integrated, nationalistic and democracy-inspired system, ipinatupad ang ganitong programa: Ang paggamit ng
katutubong wika ng wikang panturo sa unang dalawang baitang ng elementarya; ituro ang wikang Filipino ing
wikang Ingles simula sa unang baitang; at simula sa ikatlong baitang ay wikang Ingles ang gawing panturo.

Ang Pambansang Lupon ng Edukasyon ay nagtagubilin na gamitin ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa
paaralan simula sa Unang Baitang sa pook na hindi Tagalog. Sa pook Tagalog, gamitin ang Filipino bilang wikang
panturo sa Una, Ikalawa, at Ikatlong Baitang simula sa taong-aralan 1971-1972, sa susunod na taong-aralan (1972-
73), ang Filipino ay gagamiting wikang panturo sa Baitang I at II, sa pook di-Tagalog; sa Baitang I, II, IlI at lv
naman sa pook Katagalugan. Ito ay patuloy na gagawin hanggang sa maging wikang panturo sa lahat ng
baitang sa elementarya ang wikang Filipino.
Noong 1972, habang binubuo ng mga delegado ng Kumbensyonng Konstitusyunal, 1972, ang Bagong Saligang
Batas ng Pilipinas, masasabing dumaan sa langit-langitan ng wikang pang isang daluyong. May ilang kinatawan na
nagmungkahi na gawing wikang pambansa ng Pilipinas ang Ingles. May nagmungkahi naman na kumuha ng
kaunting salitang Ilokano, kaunting Bikol, kaunting Hiligaynon at kaunti ng iba-ibang wika at pagsamasamahin ito
upang siyang maging wikang pambansa. Subalit hindi maaari ang ganoon dahil isinasaad sa Saligang Batas ng 1935
na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

Pagkatapos ng daluyong at sigwa ay sumikat ang liwanag ng araw sa Wikang Pambansa. Sa panahong ito ng
Bagong Lipunan, sumulong at umunlad nang malaki ang Wikang Pambansa. Sa iba't ibang pagkakataon, ipinahayag
ng Pangulong Marcos ang matatag na paninindigan tungkol sa kahalagahan ng wika bilang mahalaga at mabisang
kasangkapan sa pambansang pagpapaunlad.

Noong 1974, isang kautusang pangkagawaran ang ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyonat Kultura, na
nagbibigay-sigla sa pagpapalaganap ng wikang pambansa. Ito ay Kautusang Pangkagawaran Bilang 25, s. 1974, ang
Patakarang Edukasyong Bilinggwal.

Isang napakalaking hakbang sa pagsulong ng wikang Filipino at sa pagpapalaganap ng paggamit nito sa larangan ng
edukasyon ang isinagawang pagpapairal ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.

Sa Artikulo XIV sa 1987 Konstitusyon ng Republika ay may tadhanang pangwika.

Sek. 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.

Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hangga't walang ibang tinatadhana ang batas, Ingles.

Sek 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipanayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Espanyol.

Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba panga mgawika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Ang noon ay Pangulo ng Pilipinas, Corazon C. Aquino, ay nagpalabas ng isang kautusang nakatulong nang malaki
sa pagsulong sa paggamit ng wikang Filipino. lto ay ang Atas Tagapagpaganap Bilang 335, na "Nag-aatas sa lahat
ng mga Kagawaran/ Kawanihan/ Opisina/ Ahensya/ Instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang
na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.”

Masasabing tinatamasa ng kasalukuyang panahon ang pagpapakahirap ng mga naunang mananaliksik, lingguwista,
mambabatas, at iba pang kasangkot para magkaroon ng klaro at iisang kaisipan ang mga Pilipino tungkol sa
Pambansang Wika ng bansa. Sa ngayon ay masasabing gabay na lamang at inspirasyon ang mga masalimuot na
prosesong pinagdaanan ng pagkakatukoy at pagsasabatas sa ating Wikang Pambansa.

Gayunpaman, hindi lamang nanatili sa pagkakalahad sa Konstitusyon ng Plipinas ang ating Wikang Pambansa. May
mga iba't ibang ahensiya ang pamahalaan sa kasalukuyan ang gumagawa ng mga hakbang para isulong ito at
paunlarin. Maliban sa mga naunang mga batas mula sa Artikulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935
hanggang sa Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987, may mga sumunod pang mga batas na nagsasaad sa mga
nararapat gawin ng mga kinauukulan para mapanatili itong buhay. Ito ang mga sumusunod:

 Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990) - Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng


panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
 CHED Memorandum Blg. 59 (1996) - Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining
ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't lbang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
 Proklamasyon Blg. 1041 (1997) - Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na naytatakda na ang buwan ng
Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtagubilin sa iba't ibang sangay/tanggapan
ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon
ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa lspeling ng Wikang
Filipino.
 Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) ng Enhanced Basic Education Act of 2013 -
Ang MTB-MLE ay kumikilala sa malaking ambag ng mga unang wika ng mga mag-aaral sa kanilang
pagkatuto. Ang bago sa patakarang ito ay ang pagkilala sa MTB-MLE nilang "fundamental educational
policy program ng Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang
Alternative Learning System (ALS). Kaugnay nito, iniaatas sa unang tatong taon ang implementasyon ng
tinatawag na "MTB-MLE Bridging Plan, isang plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang
panturo sa mga itinakdang wika at paaralan, dibisyon, at rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasa at
panitikang pambata, at ang paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang wikang panturo (MOI) mula
sa pre-school hanggang Grade 3.

PAGGAMIT NG WIKA SA RADYO,


TELEBISYON AT INTERNET
Lahat ng katangian at tungkulin ng wika na napag-aralan sa mga naunang modyul ay napakinggan sa radyo at
natutunghayan sa telebisyon. Sa katunayan, ang dalawang midyum na ang pinakamaimpluwensyang instrumento sa
pagpapakilala sa mga wika at sa mga pagbabagong nangyayari sa mga ito.

Sa Kasalukuyan, ang sitwasyong pangwika sa radyo at telebisyon ay masasabing naiiba kumpara sa mga nakaraang
panahon. Ang mga pagbabagong ito ay isang pagpapatunay na ang wika ay buhay, nagbabago, at umuunlad. Ayon
sa pag-aaral na isinagawa ni Ranasuriya (2015), malaki ang naging pagbabago ng paggamit ng wika ng mga
nagtatrabaho sa industriya ng radyo at telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang mapag-aralan ang
sitwasyong pangwiIka ng dalawang instrumentong ito sa pakikipag-ugnayan sa lipunan.
Ang radyo at telebisyon ay may malaking papel sa buhay ng mga tao. Ang nagagawa ng mga ito para sa pagbabago
ng kanilang bunay ay isang katotohanan na hindi puwedeng ipagkaila. Samakatuwid, ang pakikinig sa radyo at
panonood ng telebisyon ay bahagi na ng buhay ng mga tao. Iba-iba ang mga dahilan ng mga tao kung bakit sila
nakikinig sa radyo at nanonood sa telebisyon. May mga nakikinig sa radyo o nanonood ng telebisyon para mapagaan
ang kanilang nararamdaman mula sa mabigat na pagtatrabano, para maaliw, para malaman ang nangyayari sa
lipunan, para hindi antukin, at iba pa. Magkakaiba man ang kanilang dahilan, pare-pareho naman ang
pangangailangan na dapat nilang matugunan para ang mga kadahilanang ito ay matamo. Kailangang sapat ang
kanilang kaalaman at pang-unawa sa wika, berbal o di-berbal, na ginagamit. Nangangailangan ang tagapakinig o
tagapanood ng antas ng karunungan sa wika na ginagamit para sa epektibong pang-unawa sa ipinaaabot na mensahe.
Gayunpaman, responsibilidad ng media na maunawaan ang mga tagapakinig at tagapanood sa pamamagitan ng
pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Kung ang kani-kanilang mga media ay hindi nagbibigay ng ayon sa
kanilang mga kagustuhan, magkakaroon ng respondibilidad na sila ay maghahanap ng ibang paraan ng media.

A. Wika sa Telebisyon
Sa ating bansa, hindi maikakaila na napakali ng impluwensiya ng telebisyon sa bawat mamamayang Pilipino.
Karamihan sa mamamayang Pilipino ang nanonood ng telebisyon kung kaya’y kilalang-kiilala nila ang mga sikat na
mamamahayag at mga artista. Malalaman ang impluwensiya ng telebisyon sa gawi ng karamihan lalong-lalo na sa
mga kabataan. Ang impluwensiyang ito ay mapatutunayan sa kanilang mga uri ng pananamit lalong-lalo na sa mga
linya na kanilang binibitawan. Ito ang sinasabi nila sa kasalukuyan na “hugot lines”. Ang “hugot line” na ito ay mga
linyang maaaring nasambit sa mga teleserye, sitcom, talk show, at iba pang mga programa.

Ang paggamit ng wika sa telebisyon at sa iba pang media katulad ng dyaryo at pahayagan ay naaayon sa ilang mga
patakaran. May mga giya na sinusunod ang mga kasangkot sa mga programa para mapanatili ang mga inaasahang
istandard sa komunikasyon sa media. Ang mga patakarang ito ay nakasaad sa “Code of Ethics for Media” na
sumusuporta sa Konstitusyon ng Pilipinas. Ayon sa Artikulo III, Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon:

“Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o


sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang
kanilang mga karaingan.”

Ito ay pagpapaalala na ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi ganap at ang karapatan ay maaaring sumailalim sa
ilang mga regulasyon ng bansa para hindi ito maksama sa pantay-pantay na karapatang pantao. Samakatuwid,
kinakailangang ang wikang gagamitin ng lahat ng mga taong kasangkot sa media ay naaayos sa nasabing probisyon
ng batas.

Ilan sa mga binigyang pansin sa Code of Ethics na kailangang pag-ukulan ng pagkakataon:


1. Kinakailangang tumpak ang impomasyon na ibinigay o ipinamamalita. Ang mga sanggunian o mga
pinanggagalingan ng mga impormasyon ay may awtoridad. Kung imposible ang direktang pagmamasid,
maaaring makuha ito ng reporter sa isang pangalawang tagapagsalaysay (second-hand account) pero ang
mga ito ay kailangang kumpirmahin sa pamamagitan ng mga dokumento at ibang maaaring
makakapagbigay ng kupirmasyon.
2. Kailangang tiyak at tama ang mga gagamiting salita. Maaaring magkamali ang isang reporter dahil sa
maling gamit ng mga salita sa isang kuwento. Kung hindi tiyak ang wika, hindi maiuulat nang tama ang
isang balita o kuwento. Halimbawa, hind puwedeng gamitin ang salitang “magkano” kung ang dapat na
salitang gamitin ay “paano”. Hindi puwedeng gamitan ang salitang “mataas” para sa salitang “matangkad”,
at iba pa.
3. Iwasan ang mga salitang nang-i-estereotype sa mga kababaihan, katutubo, at iba’t ibang pangkat ng tao.

Alinsunod sa Konstitusyon, nabuo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa bisa ng
Presidential Decree No. 19867 sa ilalim ng pamamahala ng Pangulo ng Pilipinas na naglalayong mapangalagaan ang
kalidad ng mga lumabas sa mga telebisyon at pelikula. Ang MTRCB ay may kapangyarihan na aprubahan at hindi
aprubhan ang mga programa sa telebisyon at pelikula kung ang mga ipinakikita at mga wikang ginagamit ay hindi
kanais-nais, imoral, malaswa, salungat sa batas at mabuting kaugalian, nakapipinsala sa prestihiyoso ng Pilipinas o
mamamayang Pilipino, o nanghihikayat sa paggawa ng krimen o karahasan.

Ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ay kumikilala sa tamang paggamit ng wika sa
pagsasahimpapawid ng mga balita at impormasyon. Sa Artikulo 27, On-Air Language, ng Code of Ethics ng
Broadcast Code of the Philippines, isinasaad dito na:

Seksyon 1: Ang mga bulgar at malalaswang mga salita ay ipinagbabawal.


Seksyon 2: Ang mga pananalitang nag-uudyok upang mapahintuluta ang karahasan, sedisyon o panghihimagsik ay
ipinagbabawal.
Seksyon 3: Ang pagbanggit ng pangalan at personal na pang-iinsulto ay ipinagbabawal.
Ang pagkakaroon ng mga nabanggit na mga batas at panuntunan ay may malaking ambag para maging maayos ang
pakikipag-ugnayan ng mga nasa media sa kanilang mga tagapakinig o tagapanood. Maaaring maraming mga
karapatang-pantao ang lalabagin ng mga nasa media kung walang panuntunan na sinusunod at maaari ring ang
media ang magdulot ng kaguluhan sa mga mamamayan kung magiging iresponsable ang pamamahayag.
Alalahaning napakalaki ng impluwensya ng media lalo na ang telebisyon sa kaniyang mga tagapanood.

DAGDAG KAALAMAN:
 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naaabot nito. Ito ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable/satelite connections para
marating ang malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel.
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga
teleserye, mga pangtanghaling palabas, mga magazine show, news and public affairs, reality show, at iba
pa.
 Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaliang programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manonood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mga
mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
 Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga mamamayan
sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino ay maraming kabataan ang namulat sa wikang ito bilang
kanilang unang wika maging sa mga lugar na di-Katagalugan.

B. Wika sa Radyo at Diyaryo


B.1 Radyo
Hanggang ngayon napanatili ng radyo ang pagkawili ng kaniyang mga tagapakinig sa kaniyang mga programa.
Hayunpaman, mainam pa rin na mapag-usapan ang paksa tungkol sa wikang ginagamit sa radyo sa kasalukuyan
dahil kamakailan lamang ay dumaranas ito ng mabilis na pagbabago kaugnay sa berbal na komunikasyong
ginagamit ng mga tagapagsalita rito.

Mapapansing marami sa mga tagapagsalita sa radyo ang gumagamit ng pagpapalit-koda (code-switching) o


paghahalong-koda (code-mixing). Ang pagpapalit-koda at paghahalong-koda at nagsasangkot ng dalawa o higit
pang wika. Ang koda ay tumutukoy sa wikang ginagamit. Maaaring ang wikang ginagagamit na pinaghahalo o
pinagpapalit-palit ay Ingles, Filipino, mga katutubong wika ng mga tagapakinig, at mga ibang banyagang wikang
nalalaman ng tagapagsalita.

Maraming mga diskusyon sa lingguwistika ang tumatalakay sa paglilipat-koda at paghahalong-koda. Ang


kasaysayan ng usaping ito ay nagsimula pa noong panahon Blom at Gumperz. Ang pag-aaral tungkol dito ay hindi
usaping lingguwistika kundi sikolohikal. Ang phenomenon na ito ay karaniwang nangyayari sa pakikipagtalastasan
sa mga multilingguwal at multi-kultural na pamayanan. Ayon kay Vogt, ang pagpapalit-koda ay hindi lamang
natural na nangyayari kundi ito ay palasak na napapansin sa kasalukuyang lipunan. Maraming mga dahilan kung
bakit nagkakaroon ng pagpapalit-koda ang mga tagapagsalita. Maaaring ito ay dulot ng karangalang matatamo ang
isang tao sa kaniyang kakayahang makagamit ng wika ng ibang tao o maaaring dahil may dominanteng wika na
karaniwang nakakonekta sa usaping relihiyon, edukasyon, at iba pang larangan.

Sa radyo, wika ang pinakainstrumento para magawa nito ang tungkuling makapaghatid ng balita, aliw, at
impormasyon sa tao. Alalahaning sa pamamagitan lamang ng pakikinig, natatanggap na ng tagatanggap (addresee)
ang mensahe ng mga tagahati (addreser) mula sa radyo. Samakatwid, kailangang maging malikhain sila sa
pagsasalita para maihatid nila nang epektibo ang kanilang mga mensahe. Sa drama halimbawa, ginagawang
detalyado ng mga direktor ang bawat linyang binibitiwan ng mga dramatista kumpara sa pagganap ng mga
nagtatangnal sa teleserye. Kahit ang mga tagapagbalita, mapapansin na mas gumagamit sila ng masinsinang
paglalarawan gamit ang wika sa impormasyong kailangan nilang maihatid sa mga tagapakinig.

Sa istasyon man ng AM o FM, makikilala sa bawat salitang binibitiwan ng mga DJ at tagapagbalita ang iba’t ibang
tungkulin ng wika. Sa katunayan, may mga programang naglalayong magbigay payo, may mga programang
naglalayong magbigay ng utos, may mga programang naglalayon lamang na magbigay ng impormasyon.
Hinggil naman sa mga uring wikang kanilang ginagamit, may mga programang gumagamit ng pormal, may
programang puwedeng gumamit ng salitang balbal at kolokyal. Kung susurin ang mga salitang ginagamit,
mapapansin na ang mga ito ay umaakma sa uri ng programa at sa layunin nito. Ang mga tagapagbalita ay
gumagamit ng pormal samantalang hindi pormal naman o kumbinasyon ng pormal at hindi pormal ang gamit ng
mga programang naglalayong makapagbigay aliw.

Ang pagiging maingat sa mga sasabihin sa radyo at ang pagiging tapat sa serbisyo ay mahalaga. Ito ang dahilan
kung bakit may mga polisiya o patakaran sa paggamit ng wika ang mga tagapagbalita, dramatista, panauhin, at iba
pang sangkot sa pagpapalabas ng anomang programa sa radyo. Mayroon silang tinatawag na mga patakarang pang-
etika na gumagabay sa kanila, hinggil sa mga salitang kanilang binibitawan at sa wikang kanilang gagamitin.

DAGDAG KAALAMAN:
 Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o FM.
 May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng wikang Ingles sa pagbobroadcast
subalit nakararami pa rin ang gumagamit ng Filipino.
 May mga estasyon ng radyo sa mga probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag may
kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.

B.2 Diyaryo
Wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino naman sa mga tabloid maliban sa People’s
Journal at Tempo na nakasulat sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng masa o mga karaniwang tao
tulad ng mga drayber ng bus at dyip, mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa, at iba pa dahil sa mas
mura at nakasulat sa wikang higit nilang naiintindhan, kaya naman masasabing mas malawan ang impluwensiya ng
mga babasahing ito sa nakararaming Pilipino. Iyon nga lang, ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay
hindi ang pormal na karaniwang ginagamit sa mga broadsheet. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na
headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding sensasyonal at litaw sa
mga ito ang mga barayti ng wika kaysa sa pormal na Filipino.

PAGGAMIT NG WIKA SA DULA AT PELIKULA


A. Ang Dula
Ang dula ay isang pagtatanghal bilang paglalarawan sa mga iba’t ibang kaganapan sa buhay. Ito ay may iba’t ibang
bahagi, uri, at elemento na siyang nakatutulong para sa pagtukoy sa tungkuling nagagawa ng wika. Ang mga ito ay
ipinakikilala ayon sa pagbanggit ni Baloydi Lloydi (2011).

Bagamat ang dula ay isang uri rin ng panitikan, masasabing ito ay naiiba sa ibang mga katha dahil sa paraan at istilo
ng paglalahad nito.

Ang dula sa alinmang panahon ay ginagamit ng manunulat sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan at damdamin.
Batid nilang madaling naipaaabot at nalalarawan ang alinmang mensahe sa pamamagitan ng teatro. Higit na
epektibo, sapagkat bukod sa usapan, ang tagpo at kilos ng mga tauhan ay malinaw na nagbabadya ng nais ipaabot sa
manonood.

Ang nobela at ang dula ay kapwa nagsasalaysay ng mga pangyayari ngunit ang nobela ay nakalimbag at binabasa
samantalang ang dula ay itinatanghal at pinanunuod.
Makikitang may higit na pagkakahawig din ang dula sa pelikula lalo na ngayong may mga dula na ring ipinalalabas
sa telebisyon. Datapwat ang pelikula sa sinehan ay maaring ulitin ang panonood ngunit ang sa telebisyon ay hindi.
Ngunit sa pamamagitan ng pag-unlad ng teknolohiya, ang dula ay maari na ring ulit-ulitin sa pamamagitan naman
ng internet.

Mayroong yugto sa buhay ng dula ang halos ito ay nawala na sa larangan dahil sa pamamayagpag ng pelikula.
Sinasabing ang pelikula raw ang pumatay sa dula. Ngunit sa paglipas ng panahon, na halos mamatay na rin ang
pelikula dahil naman sa pagpasok ng mga telenobela mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Korea, unti-unti namang
umuusbong o maaring sabihing muling namumulaklak ng dula sa panahong ito dahil naman sa pagpasok ng mga
namimirata. Sa kabila ng malaking gastos ng mga prodyuser sa paggawa ng pelikula, tila nakikipag-agawan naman
sila sa mga pirate kung kailan ipapalabas ang isang pelikula. Dahil dito, muling umusbong ang dula dahil ito ay
hindi maaring ibenta ng basta lamang sa bangketa.

Bahagi ng Dula
1. Yugto - Ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ng tabing ang bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga nagtatanghal gayon din ang mga manonood.
2. Tanghal - Kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto.
3. Tagpo - Ito ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.

Mga Uri ng Dula


1. Trahedya - nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang mga
tauhan ay magkakasundo.
3. Melodrama - kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito ay may malulungkot na bahagi.
4. Parsa - ang layunin nito ay magpatawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga pananalitang katawa-tawa.
5. Saynete - mga karaniwang ugali ang pinaksa rito.

Mga Elemento ng Dula


1. Banghay – binubuo ng paglalahad at kakalasan ang banghay ng isang dula.
a) Paglalahad – ay isang tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging ito ipinapakilala ang mga
tauhan, lugar, panahon, tunggalian at ang maaaring maganap sa kabuuang aksyon.
b) Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan
gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap.
c) Ang Kakalasan – sa bahaging ito pinagagaang ang daloy ng istorya at ang matinding pagtatagisan
ng tauhan o ng mga pangyayari ay nagiging magaang.
2. Tauhan – kung pagbabatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng dalawa: ang
tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa
simula ng dula hanggang sa matapos ito.
3. Dayalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay ginagamit upang maipaalam sa manonood o
mambabasa ang mga nangyayari na, ang mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at
damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbitiw ng diyalogo ay kinakailangang malakas kaysa sa normal na
pagsasalita.

B. Ang Pelikula

Kung kinahiligan noon pang panahon ng mga Kastila ang pagtatanghal ng mga dula sa pinilakang tabing o sa mga
teatro, ang panonood naman ng pelikula ay nagsimula sa bansa noong panahon ng mga Amerikano.

Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa aying bansa taon-taon, ang mga lokal
na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding tinangkilik ng mga manonood.
Katunayan, sa dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita, lima sa mga ito ang
lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng pelikulang
Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again, It Takes a Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My
Boss, You’re Still The One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wik.
Hindi maitatawag Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing
ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit ng mas maraming
manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin
pang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi rin mapasusubalian ang katotohanang dahil sa malawak na
impluwensiya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon ang
nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting senyales para sa lalong pag-unlad
at paglago ng ating wikang pambansa. Isang pag-asam at hamon para sa mga taong nasa likod ng mass media at mga
taong tumatangkilik sa mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga nasabing
midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.

Mga Gabay Para sa Pagsusuri ng Pelikula

Para maging makabuluhan ang panunuod ng mga pelikula, mainam kung ang mga sumusunod na gabay ay
gagamitin para sa pamimili o para sa pagsusuri sa mga pelikulang panonoorin:
1. Tauhan – Naging malinaw ba ang presentasyon ng mga tauhan magmula sa mga pangunahing tauhan
hanggang sa mga tauhang pangsuporta sa mga bida at kontrabida. Nagampanan ba nila nang may hustisya
ang kanilang mga papel sa pelikula?
2. Kuwento – Malinaw ba ang pagkakaorganisa ng daloy ng kuwento. Ito ba ay makabuluhan sa mga
tagapanood? May kaibahan ba ang kuwento sa ibang mga kuwentong nailabas na?
3. Dayalogo – Tiyak ba at angkop ang mga palitan ng mga linya ng mga tauhan? Malinaw ba ang pagsasalita
ng mga tauhan sa kabuuan ng pelikula? Balanse ba ang palitan ng usapan sa pagitan ng mga tauhan?
4. Pamagat – angkop ba ang pamagat ng pelikula. Nakakaengganyo ba sa mga manonood ang pagkakabuo ng
pamagat? Nakikilala ba kaagad ang simbolismong nakapaloob sa pamagat ng pelikula?
5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Angkop ba ang mga
ginamit na visual effects para sa pagpapalutang sa damdamin at mensahe ng kuwento?
6. Tema – Ang paksa ba ng kuwento ay makabuluhan at makahulugan sa buhay ng mga manonood? May
taglay ba itong kaisipan at diwang manunuot sa diwa at kaisipan ng mga manonood? Ito ba ay may puso?

Mga Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng


Kulturang Popular
Isa sa mga katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang
paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng impluwensiya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Sa
kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng malihaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang Filipino at
mga barayti nito sa mga sitwasyong tulad ng sumusunod:

A. FlipTop
Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay
magkakatugma bagama’t sa FlipTop ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang
ang paksang sisimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kaniyang katunggali. Hindi tulad balagtasan na
gumagamit ng pormal na wika sa pagtatalo, sa FlipTop ay walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga
salitang ibinabato ay di-pormal at mabibilang sa iba’t ibang barayti ng wika. Pangkaraniwan din ang paggamit ng
mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.

Laganap ang FlipTop sa kabataan. Katunayan, may malalaking sa samahan na silang nagsasagawa ng mga
kompetisyong tinatawag na Battle League. Ang bawat kompetisyong tinatampukan ng dalawang kalahok ay
tigatlong round at ang panalo ay dinedesisyunan ng mga hurado. May mga FlipTop ma isinasagawa sa wikang
Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino lalo sa tinatawag nilang Filipino Conference Battle. Ang
karaniwang paraan ng paglaganap ng FlipTop ay sa pamamagitan ng YouTube. Milyon-milyon ang views ng mga
kompetisyong ito. Sa ngayon, may mga paaralan na rin ang nagsasagawa ng FlipTop lalo na tuwing ipinagdiriwang
ang Buwan ng Wika.

B. Pick-up Lines
May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay
na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Masasabing ang mga ito ay nakatutuwa,
nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, chessy, at masasabi ring corny. Madalas itong marinig sa usapan ng mga
kabataang magkakaibigan. Nakikita rin ito sa Facebook, Twitter, at iba pang social media network.

Ang wikang karaniwang ginagamit sa pick-up lines ay Filipino at mga barayti nito subalit nagagamit din ang Ingles
o Taglish dagil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito. Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-
up line ay mabilis mag-isip at malikhain para sa ilang sandali lang ay maiugnay o mai-konekta ang kaniyang tanong
sa isang nakapagpapakilig na sagot. “BOOM!” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksiyon ng dalawa.

Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o si Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble Gang
na may ganitong segment. Naging lalong matunog din ito nang gamitin ni Senadora Mirriam Defensor Santiago sa
kaniyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever. Dito pinagsama-sama niya ang iba’t ibang
pick-up lines orihinal man o hindi at naging best seller ang aklat na ito.

Halimbawa ng Pick-up Lines:

BOY: Google ka ba?


GIRL: Bakit?
BOY: Kasi, nasa ‘yo na ang lahat ng hinahanap ko.

GIRL: Kapuso ka ba?


BOY: Bakit?
GIRL: Pinatatanong kasi ni mama kung kelan ka pwedeng maging kapamilya.

C. Hugot Lines
Ang hugot lines ay kaiba sa pick-up lines. Ito ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito ang tawag sa mga linya
na nakakikilig, cute, cheesy, o minsa’y nakaiinis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o
telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sariling hugot lines
ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito ay
nakasulat sa Filipino subalit madalas Taglish ang gamit na salita sa mga ito.

Halimbawa ng Hugot Lines:


“Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating pang mas magmamahal sa ‘tin -- ‘yung hindi tayo
sasaktan at paaasahin, ‘yung magtatama ng lahat ng mali sa buha natin.”
-John Lloyd Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007)

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako”?
- Claudine Baretto bilang Jenny, Milan (2004)

D. Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilala bilang text message o text ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong text ang
ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong “Texting Capital of The World”.
Higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono o cellphone dahilbukod sa mas murang mag-text kaysa
tumawag sa telepono ay mas komportable ang taong magpaparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa
sabihin ito sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Sa text nga naman ay hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses ng taong nagpapadala at tumatangap
ng mensahe. Mas nabibigyan ng pagkakataon na i-edit ang ang sarili niyang mensahe at piliin ang mas angkop na
pahayag at salita kaysa sa aktuwal niya itong sinasabi sa harapan man o sa telepono.

Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag. Gumagamit ng Ingles at Filipino at mga pinaikling salita rito.

Madalas binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali at mas mabilis itong mabuo. 160 characters
(titik, numero, simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang padalahan ng mensahe kaya nangyayari ito upang
makatipid sa espasyo at para mapabilis ang pagpindot sa maliliit na keypad ng cellphone. Walang sinusunod na
tuntunin sa pagpapaikli ng mga salita, Ingles o Filipino man ang gamit basta’t maipadala ang mensahe sa
pinakamaikli, pinakamadali, at nauunawaan.

Halimbawa:

Okay - ok o k
Dito na ako - D2 na me Nasaan ka na? - Wr na u? Nasaan ka na ba? - Sn knb?
Are you going to see me? - R u goin 2 c me 2day?

Usong-uso rin sa text ang paggamit ng daglat bilang shortcut o pagpapaikli sa mga parirala lalo na sa Ingles.

Halimbawa:
AAP Always a Pleasure G2G Got To Go
AML All My Love GBU God Bless You
B4N Bye For Now IDC I Don’t Care
BFF Best Friends Forever ILY I Love You
BTY By The Way LOL Laughing Out Loud
BRB Be Right Back Ayt Alright
HBD Happy Birthday OMG Oh My Gosh/Oh My God
EOD End of Discussion WTG Way To Go
JK Just Kidding XOXO Hugs and Kisses

E. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet


Halos lahat ng kabataan ay mayroon ng social media account tulad ng Gacebook, Twitter, Instagra, Tumblr,
Pinterest, at iba pa. Maging ang mga nakatatanda tulad ng mga lolo at lola at kasama na rin sa mga tinatawag na
netizen o tawag sa mga taong gumagamit ng social media.

Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil naging daan ito ng pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng
magkakaibigan o mga mahal sa buhay lalo na iyong malalayo sa isa’t isa o matagal nang hindi nagkikita. Madaling
makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga naka-post na impormasyon, larawan, at
pagpapadala ng pribadong mensahe gamit ang mga ito.

Tulad din sa text, karaniwang ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag gayundin
ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post o komento rito. Gayunpaman, dahil hindi tulad sa
text o SMS na pribado o iisang tao lang ang inaasahang makababasa, sa social media ay mapapansing mas pinag-
iisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang maaaring makabasa nito. Sa post o
komento ay makikita ang edited. Maaring i-edit o baguhin ang post o komento.

Sa Internet, bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa
wikang Filipino o Tagalog ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang pangunahing wika sa mga
website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig, at mapapanood sa Internet ay nananatiling Ingles.
Masasabing ang mga babasahing nasusulat sa wikang ating sariling wika ay hindi pa nakasasapat sa
pangangailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga mag-aaral na naghahanap ng impormasyon. Isang hamon ito
sa hinaharap. Bagama’t hindi pa sapat ay mahalaga na pagtutulungan ng bawat isa na kung anoman ang mayroon
tayo sa kasalukuyan ay ay lalong madagdagan o maparami upang sa hinaharap ay lalo pang mapayaman o
mapalaganap ang paggamit ng wikang Filipino sa mundong tinatawag na virtual.

F. Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan


Wikang Ingles ang ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo sa mga pag-aari o
pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang wika sa mga Business Process
Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang
sineserbisyuhan ay dayuhang customer. Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo. Kautusan, kontrata, at iba
pa ay gumagamit din ng wikang Ingles. Ang website ng malalaking mangangalakal na ito ay sa Ingles din nakasulat
gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala.

Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mall,
restoran, pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga komersiyal o
patalalastas pantelebisyon o panradyo na umaakit sa mga mamimili upang bilhin ang mga produkto o tangkilikin
ang mga serbisyon ng mga mangangalakal. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi ang naaabot
ng mga impormasyong ito kung wikang nauunawaan ng nakararai ang gagamitin.

G. Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan


Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan,
opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya”.

Ang opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino ang ginagamit subalit hindi naiiwasan ang code
switching lalo nasa mga salitang teknikal na hindi agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino.

H. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


Sa mga naunang aralin ay nalaman na ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa
itinadhana ng K to 12 Basic Education Curruiculum. Kinder hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang
panturo at sa mas mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles).

I. Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba’t Ibang Sitwasyon


Napag-aralan natin sa nagdaang aralin ang tungkol sa iba’t ibang barayti ng wika. Ang mga barayting ito ay
nagagamit sa iba’t ibang sitwasyong pangwikang ating natalakay rito. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyang-
diin dito, ang paggamit ng mga jargon o terminong kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan.
Kapag narinig ang mga terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamitan
ng mga ito.

Halimbawa:
- Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng sumusunod na mga jargon: exhbit,
appeal, complainant, suspect, court, justice, at iba pa
- Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng sumusunod: lesson plan, test
assessment, curriculum, textbook
- Ang mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina ay maipakikilala ng sumusunod:
Symptoms, x-ray, check-up, prognosis, diagnosis, therapy
Kakayahang Linggwistika o Gramatikal
Ang kakayahang linggwistika ay tumutukoy sa kakayahang makapagsalita sa isang epektibong pamamaraan sa lahat
ng antas gramatikal. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na kakayahan: leksikal, gramatikal, semantik, ponolohiya, at
ortograpiyang kakayahan. Isa sa mga mahahalagang pinag-aaralan sa linggwistiko ang istruktura ng wika na siya
ring napag-aralan ninyo sa mga naunang mga baitang ng iyong pag-aaral. Sa ating pagbabalik-aral, muli nating
balikan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito.

Ponolohiya
Ponolohiya - ang pag-aaral sa mga tunog ng ating wika. Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema. Ang mga
ponema ay nahahati sa dalawang uri:
1. Ponemang Segmental - mga ponemang may katumbas na titik o letra para mabasa o mabigkas.
a) Katinig
b) Patinig
c) Klaster
d) Diptonggo
e) lba pa
2. Ang Suprasegmental - Hindi ito tinutumbasan ng mga titik ngunit ang mga ito ay ginagamitan ng
notasyong ponemik para maging giya sa tamang paraan ng pagbigkas.
a) Diin
b) Tono
c) Hinto
d) Intonasyon

Morpolohiya
Morpolohiya - Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng morpema, pinakamalit na yunit ng salita na nagtataglay ng
kahulugan. Ang mga sumusunod ang mga anyo ng morpema.
1. Morpemang Ponema - ito ay binubuo lamang ng ponemang o at /a/ na nagpapabago sa kahulugan ng salita
kung gagamitin.
2. Morpemang Salitang-ugat - Ang morpemang ito ay itinuturing na malayang morpema dahil ito ay mayroon
nang kabuluhan o kahulugan.
3. Morpemang Panlapi - Ang mga panlapi na ikinakabit sa mga salitang-ugat ay nagpapabago ng kahulugan
ng salita. Kung gayon, ang mga ito ay mga morpema.
a) Panlaping makangalan
b) Panlaping makadiwa
c) Panlaping makauri

Ang mga morpema ay nauuri rin ayon sa kahulugan. Ito ay nahahati ayon sa:
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman- ito ay binubuo ng pangngalan at panghalip bilang nominal,
pandiwa, at mga panuring na pang-abay at pang-uri.
2. Morpemang may kahulugang pangkayarian - Ang mga morpemang ito ay walang kahulugan hanggat hindi
naisasama sa iba pang morpema na magpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap. Ito ay binubuo ng
mga pananda at pang-ugnay.
3. Derivasyunal - Ito ang mga morpemang may pinaghanguan o pinagmulan.
4. Infleksyunal - Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwa sa iba't
ibang aspekto.

Sintaks
Sintaks - tumutukoy ito sa mga hanay ng mga patakaran, prinsipyo, at mga proseso na namamahala sa istruktura ng
mga pangungusap ng isang wika, kadalasan kabilang ang pagkakasunud-sunod ng mga salita. Ang terminolohiyang
sintaks ay ginagamit din upang sumangguni sa pag-aaral ng naturang mga prinsipyo at proseso ng pagbubuo ng mga
pangungusap.
Ang pangungusap ay binubuo ng mga salita o lipon ng mga salita na nagtataglay ng buong diwa.

Dalawang Uri ng Pangungusap


1. Di-Predikatibong Pangungusap - lto ay mga salita o lipon ng mga salitang walang simuno o panaguri
ngunit buo ang diwa.
a) Sambitlang panawag - Hal., Ate!
b) Padamdam - Hal., Aray ko!
c) Pagtawag - Hal., Hoy!
d) Pautos - Hal., Takbo!
e) Penominal - Hal., Lumilindol.
f) Panagot sa tanong - Hal., Opo.
g) Panahon - Hal., Bukas.
h) Pagbati o pormularyong panlipunan - Hal., Kumusta po?
i) Pagpapaalam - Hal., Paalam po.
j) Pamuling tanong- Hal., Saan nga ba?
k) Pakiusap - Hal., Puwede ba?
l) Pampook - Hal., Sa Maynila.
m) Eksistensyal - Hal., Wala na.
2. Predikatibong Pangungusap - Ito ay may paksa at panaguri.
a) Paksa - Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
b) Panaguri - Ito ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan o nagbibigay kaalaman tungkol sa
paksa.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


a) Paturol - Pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan, kalagayan, palagay, o pangyayari. Ginagamitan
ito ng bantas na tuldok (.).
b) Patanong - Ito ay pangungusap na nagtatanong at ginagamitan ng bantas na pananong (?).
c) Pautos o Pakiusap - Ito ay panqunqusap na nag-uutos o nakikiusap at karaniwang nilalagyan ng kuwit
kapag may tinatawag.
d) Padamdam - Ito ay nagsasaad ng matinding damdamin katulad ng galit, sakit at iba pa. Ginagamitan
ng bantas na padamdam (!).

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kaayusan


a) Karaniwang Ayos - Nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung nauuna ang panaguri sa paksa.
b) Di-karaniwang Ayos - Ang pangungusap ay nasa anyong ito kung nauuna ang paksa kaysa sa panaguri.
Ginagamitan ito ng panandang "ay”.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian


a) Payak -anyo ng pangungusap na may isang kaisipan lamang o isang malayang sugnay na may simuno at
panaguri ngunit iisa pa rin ang diwa. Halimbawa - Pumunta ang mga bata sa SM.
b) Tambalan - ito ay anyo ng pangungusap na binubuo ng dalawa o higit pang puno o nakapag-isang sugnay.
lto ay ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit, at o bilang pang-ugnay sa dalawang payak na
pangungusap. Halimbawa- Siya ay sasayaw ngunit ako ay kakanta.
c) Hugnayan - ito ay anyo ng pangungusap na binubuo ng isang punong sugnay at ang isa o higit pang
pantulong o di-nakapag-isang sugnay. Ginagamit na pang-ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na
kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, at sapagkat. Halimbawa: Uuwi ako kung nasa bahay ka na.
d) Langkapan - ito ay anyo ng pangungusap na binubuo ng dalawang puno o nakapag-lisang sugnay at isa o
higit pang pantulong o di-nakapag-iisang sugnay. Halimbawa: Kung ninais kong ganyan ang buhay, di
sana'y nakapag-ipon ako ng maraming pera at nakapagpatayo pa ako ng malaking bahay.

Kakayahang Sosyolinggwistik

Ang kakayahang sosyolinggwistik ay tumutukoy sa kakayahang maunawaan at makapagsalita sa iba't ibang


konteksto ng lipunan. Maaaring ang konteksto ay may iba't ibang salik na may iba't ibang tungkulin katulad ng
relasyon sa pagitan ng mga kalahok, ang kanilang sitwasyon, at iba pa. Ang mga aspekto na kinakailangang
mabigyan ng pansin ay mga pananda sa panlipunang pakikipag-ugnayan, mga tuntunin sa mabuting pakikitungo,
popular na karunungang pahayag, pagkakaiba ng register, dayalekto, pagkakaiba ng pagbigkas, at iba pa.

Ayon kay Constantino (2000) sa pagbanggit nina Santos, et al (2010) ang sosyolnggwistikong teorya ay tumutukoy
sa ideya ng paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang mga indibidwal at grupo na may
magkakaibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay
hindi simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng isang indibidwal ayon sa isang sistemang mga
alintuntunin kundi isang kolektibong puwersa, isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultural
at sosyal na mga gawain at grupo.

Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa
pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang.

S-P-E-A-K-I-N-G
S-ettings at Scene (lugar at oras ng usapan)
P-articipants (mga taong sangkot sa usapan: ang nagsasalita at ang kinakausap.)
E-nds (layunin at mitihiin ng usapan gayundin ang maaaring bunga ng pag-uusap)
A-ct Sequence (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagaganap ang pag-uusap)
K-eys (pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita: pormal o di-pormal ang takbo ng usapan)
I-nstrumentatlities (anyo at estilong ginagamit sa pag-uusap: pasalita, pasulat, harapan, kasama rin ang uri ng
wikang gamit)
N-orms (kaangkupan at kaakmaan ng usapan ng isang sitwasyon)
G-enre (uri ng pananalita na nakalahad mula sa isang sitwasyong: nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nagmamatuwid)

Ang Pagkakaugnay ng Wika at Lipunan

Ayon sa Diksyunaryo ng UP, ang lipunan ay binubuo ng malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng
pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarill bilang isang yunit.
Samantala, ang wika naman ay instrumentong ginagamit ng mga tao para sa kanilang pakikipag-ugnayan sa
lipunang kanilang kinabibilangan. Ang lipunang kanilang kinabiblangan ay tinatawag na speech community. Ang
isang speech community ay may pangkat ng mga tao na may tiyak na wikang gamit ayon sa kanilang antas ng
pamumuhay, lahi, kasarian, interes, at iba pang panlipunang sukatan.

Dahil sa ugnayan ng lipunan at wika, nagkakaroon ng pagbabago ang pagkakagamit ng wika. Dito lumalabas ang
mga tinatawag na barayti.

Kakayahang Pragmatik, Istratedyik, Diskorsal


Kakayahang Pragmatiko
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik, natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di-
sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan
batay sa paggamit at konteksto.

Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di-Verbal na Komunikasyon


1. Kinesika (Kinesics) - Ito ang pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa
pamamagitan ng pagkilos ay maipararating na natin ang mensaheng nais ipahatid.
2. Ekspresyon ng Mukha (Pictics) - Ito ang pag-aaral ng ekspresyong ng mukha upang maunawaan ang
mensahe ng tagapaghatid.
3. Galaw ng Mata (Oculesics) - Ito ang pag-aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng ating mata ang
nararamdaman natin. Ipinababatid ng ating mga mata ang ating nadarama kahit hindi natin ito isinasalita.
4. Vocalics - Ito ay ang pag-aaral ng mga di-lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama
rito ang pagsutsot, buntonghininga, at iba pa.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) - Ito ay ang pag-aaral sa mga pandama o paghawak na naghahatid ng
mensahe. Halimbawa nito ay ang pagtapik sa balikat, paghablot, pagkamay, o pagpisil.
6. Proksemika (Proxemics) - Ito ay ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo. Ito ay tumutukoy sa
layo ng kausap. Sinasabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa magkausap.
7. Chronemics - Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon. Ang
paggamit ng oras ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating.

Kakayahang Estratedyik
Ito ang kakayahang magamit ang berbal at d-berbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan at maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang o gaps sa komunikasyon.

Kakayahang Diskorsal
Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo. Isasama kita. Marami-rami rin ang
kaniyang kinain. Napaiyak ako sa palabas sa telebisyon.

Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahayag?

May dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal -- ang cohesion o pagkakaisa
at coherence o pagkakaugnay-ugnay.

Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan
at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan.

Bilang pagbubuod, ipinakilala ang balangkas nina Canale at Swain (1980) sa pakahulugan ng kakayahang
pangkomunikatibo sa pamamagitan ng mga sumusunod na tsart.
Introduksiyon sa Pananaliksik
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
1. Pagpili ng Mabuting Paksa - Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-
unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon
ng isang mag-aaral kung malinaw sa kaniya ang nais ipagawa ng guro at layunin para sa gawain. Huwag
mahiyang magtanong kung sakaling may ilang bagay na hindi naging maliwanag. Kapag ganap nang
naunawaan ng mag-aaral ang kaniyang gagawin ay magiging mas madali na ang pagbuo nito at maitutuon
na niya ang pansin sa mahusay na paghahanda para sa paksang tatalakayiin sa gawain.
Ang Paksa
Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang sulating pananaliksik. Nararapat na ang
paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang
makabuluhang sulatin. Minsan ay nagbibigay na ang guro ng ilang paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral.
Gayunpaman, kung ang naiisip mong paksa ay hindi kabilang sa listahang ito, huwag mag-atubiling lumapit sa guro
at ilahad ang iyong ideya. Dahil baguhan ka pa lamang sa gawaing ito ay mangangailangan ng gabay mula sa isang
taong may malawak nang kaalaman at makapagsasabi kung ang paksang naiisip mo ay posibleng maisagawa ng
isang mag-aaral na tulad mo sa haba at lawak ng panahong nakalaan.
Naririto ang ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:
- Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ukol
dito>
- Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging
bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?
- Masayado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
- Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
- Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong, maaaring ito na nga ang pinakaangkop na paksa para sa iyo. Maaari ka nang
magpatuloy sa ikalawang hakbang ng pananaliksik.

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement) - Kapag napagpasiyahan na ang paksa, bumuo ka ng iyong
pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posiyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuuing
pananaliksik. Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay o magbibigay direksiyon sa pagbuo mo ng
pahayag ng tesis.
o Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
o Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat ko? Sino pa kaya
ang makababasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
o Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpappatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap
ang mga ito?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya - Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang


mangalap ng iyong sanggunian. Maaari ding makakuha ng mga impormasyong mula sa Internet. Maging
maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa Internet sapagkat maraming impormasyon
mula rito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Para sa epektibong pananaliksik, mahalaga
ang paggamit ng mga aklat at ng Internet. Maraming bagong impormasyon at dokumento ang posibleng
hindi pa nailalathala sa mga aklat kaya’t hindi ka rin makaaasang ang lahat ng nilalaman ng aklatan ay
napapanahon. Gayundin naman, hindi lang dapat umasa sa mga impormasyong dala ng Internet lalo na
kung galing lang ang mga ito sa mga open web dahil sa kawalang kasiguraduhan ng mga ito kung tama at
beripikado. Mahalagang matiyak na maayos, tama, kompleto, at beripikado ang mga impormasyong
isasama mo sa bubuuing pananaliksik.

Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Ang bibliyograpiya ay
talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pang
nalathalang materyal na ginamit. Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyograpiya para sa bawat
sanggunian. Ito 'y maaaring isang 3" x 5" na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon:
 Pangalan ng awtor
 Pamagat ng kanyang isinulat
 Impormasyon ukol sa pagkakalathala
- mga naglimbag
- lugar at taon ng pagkakalimbag
- pamagat ng aklat
 Ilang mahahalagang talâ ukol sa nilalaman

Ang inihanda mong ito ay mahalaga at makatutulong sa iyong makahanap ng maraming impormasyong
kakailanganin sa susulatın, makapagbibigay ng ideya kung gaano karaming sanggunian ang makukuha o magagamit
para sa paksang napili, at ang mga talâ o impormasyong nakalap ay magagamit na sa aktuwal na pagsusulat nang
hindi na kailangang hanapin o balikang muli ang materyal na pinagmulan.
Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa pansamantalang bibliyograpiya ay magagamit subalit mahalaga pa ring
kunin ang lahat ng makikitang may kaugnayan sa paksa sapagkat maaaring sa panahon ng pagsusulat ay makatulong
ito sa iyo at hindi ka na kailangang maghagilap ng iyong gagamitin dahil alam mo na kung saan mo ito mahahanap.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas - Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang
magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang
kailangang hanapin. Maaaring inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng
iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking - Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng
bibliyograpiya at tukuyin kunga alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin.

Iminumungkahing isulat ng maayos ang iyong mga talâ. Gumamit ng index card na mas malaki sa ginamit mo sa
bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas malaking card. Ang bawat
card ay ilalaan lamang sa isang talâ. Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring magdagdag pa ng ibang
card. Maaaring gamitin ang pormat sa ibaba para sa iyong talâ:

Maaari kang gumamit ng tatlong uri ng talâ: ang tuwirang sinipi, hawig, at buod.
- Tuwirang sinipi kung ang talâ ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa simula
at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito mababasa.
- Buod kung ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito'y maikli subalit nagtataglay ng lahat
ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na tekso. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap ng talâ.
- Hawig kung binago lámang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline - Dito nasusuring mabuti ang inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang
dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong borador.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft - Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng talâ ay maaari ka
nang magsimulang sumulat ng iyong borador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat
magkaroon ng introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuuan ng sulatin, ang
katawan kababasahan ng pinalawig o nalamnan nang bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong kongklusyon
na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak
ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika; pormal ang anyo; at karaniwang
nasa ikatlong panauhan.

8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador - I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na
kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. Maaari nang
pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda na rin ang paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal
na bibliyograpiya.

Para sa mga sangguniang nagamit mo para sa aktuwal na pagsulat ay huwag kalilimutang magbigay ng pagkilala sa
may-ari o manunulat ng mga ito sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya. Mahalaga ang talababa sa
pagbibigay-kahulugan sa isang bahagi ng sulating pananaliksik na nangangailangan ng karagdagang paliwanag. Sa
pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:
 Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan, web site,
at iba pa.
 Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
 Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba't ibang estilo ng pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay
American Psychological Association (APA), maaaring sundan ang sumusunod na pattern para maisulat
ang mga ginamit na sanggunian.

Para sa mga Aklat


Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lugar ng Palimbagan: Palimbagan.

Para sa mga Artikulo sa Payahagan o Magasin


Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o
Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #

Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet


Awtor. (Petsa ng Publikasyon) "Pamagat ng Artikulo o Dokumento." Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kailan
sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http://.

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik - Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang
walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak kanang isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit
ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

You might also like